You are on page 1of 6

SARAH JOYCE D.M.

PASTORAL

Sa unang Araw ng Pambansang Kumperensya sa Filipino na hinatid ng Trinity University of Asia,


tinalakay ng tagapag salita na si Prof. Patrocinio Villafuerte at siya ay tumalakay sa iba’t ibang dayalekto
o wika sa ating bansa. Pinamagatang “Introspeksiyon sa Kasaysayan ng Wika at Kultura ng Pilipinas at
Ebolusyon ng Wikang Filipino mula sa Panahon ng Komonwelt (1935) Hanggang sa Panahon ng
Pandemya (2021)” ang kanyang paksa. Wala mang visuals o Powerpoint ang kanyang presentasyon o
panayam subalit ito ay napaka gandang pakinggan dahil sa marami akong natutunan tungkol sa wika.
Hindi lamang para sa komunikasyon ang wika ngunit ito ay pinagsama – samang mga anyong kultural at
sosyal o politikal na gawain ng isang indibidwal o isang grupo o komunidad. Ipinaliwanag ni Prof. kung
bakit tinatalakay pa din ang kahalagahan ng pag-gamit ng wika lalo na ngayong Buwan ng wika at kung
bakit ito ay ipinagdiriwang pa din. Nabanggit nya din ang tinalakay ni Ginoong Bonifacio Sibayan tungkol
sa apat na paraan kung paano magiging intelektuwalisado ang ating wikang Pambansa na kung saan ay
tataas ang lebel ng ating wika at magiging kahanay nito ang mga sikat o talamak na wikang gnagamit din
mula sa ibang bansa. Ayon daw sa kanya ay maraming paraan upang maging intelektuwalisado ang ating
wika at isa na dito ang “panghihiram”. Paghiram natin ng salita mula sa banyaga o hind isa atin at
talamak ito ngayong panahon ng pandemya tuad ng salitang “lockdown”. Ang sumunod na proseso ay
“pagsasalin” at pangatlo ay “pag-gamit” Gamitin natin ang mga isinalin na salita sa lahat ng aspetong
diskurso at literatura at ang pagtatanggol sa wika at ang pag-aaral at pagsasaliksik dito. Ang pang-apat
ay ang “paglikha”. Ang pinagmulan ng wikang Pambansa natin ay nasa angkan ng Malayo-Polinesia. Ang
sampung pangunahing wika sa Pilipinas (185 lahat lahat ng wika sa Pilipinas) ay ang mga sumusunod:
Tagalog, Cebuano, Ilokano, Pangasinan, Bikol, Waray, Kapampangan, Maranao at Maguindanao. Nakilala
ang wikang Filipino dahil ito ay naimpluwensyahan ng wikang Espanyol, Amerika, Hapon at ganun din
ang iba pang dayalekto. Filipino ang itinuring na wika na nagkakaunawaan ang lahat ng tao sa ating
bansa. Napapanahon ang paksang ito dahil maraming mga salita ang dapat isalin sa iba’t ibang dayalekto
sa Pilipinas upang mas maunawaan ang mga nangyayari sa ating bansa sa panahon na pandemya.

Sa ikalawang pagtalakay naman ay si Dr. Jose Reuben Alagaran II na pinamagatang


“Pagpapalaganap ng Kursong Komunikasyon Tungo sa Pagpapahalaga ng Wikang Filipino” wala rin
siyang powerpoint o visual ngunit nakaka enganyo pa ding making sa kanya. Ayon sa kanya, ang wikang
Filipino ay hindi lamang isang asignatura kundi isang disiplina dahil ito ay dumaan sa iba’t ibang antas ng
pagsasanay at pananaliksik. Bilang Pilipino, ako ay may sariling kultura at buhay. Ang wikang Filipino ay
isang mahalagang bagay na ating ginagamit sa pagpapahayag ng ating damdamin at isip. Pagkakakilanlan
natin ang ating wika at bagamat nagkaroon tayo ng psychological hurt o pagdurusa dahil na din sa
epekto ng pananakop ng mga banyaga sa ating bansa. May kaugnayan din dito ang pagiging mahilig
natin sa pagsisilbi sa mga banyaga. Mahalagang gamitin ang wikang Pambansa sa pagpapakita ng ating
pag-unlad at sa pagpapalaganap ng kapayapaan. Malaki ang epekto ng paguutos ng hukuman na ibalik
ang wikang Filipino at Panitikan upang mas mapag payabong pa ang ating wikang Filipino. May mga ilang
mga hamon sa hindi pag – gamit sa wikang Filipino at ang una dito ay ang tingin ng iba na higit na
epektibo ang pagtuturo kapag ito ay Ingles dahil Ingles ang ginagamit sap ag apply sa trabaho, pagsulat
ng thesis at pagkuha ng exam at iba pa. Ang isa pang dahilan ay dahil sa komunikasyon ang asignatura ay
pinapairal ng ibang mga guro ang “speak English only policy” na nagbabalakid sa wikang Filipino at
nawawala ang pangunahing nais na makapagpahayag o magkaroon komunikasyon. Ang isa sa mga
solusyon ay payagang gumamit ng wikang Filipino. Ituro din ang pagsulat at pagsalita ng Filipino. Gawing
isang polisiyang internal upang malayang makapili ang mga estudyante ng wikang gagamitin nila.
Gamitin din ang ating wika sa mga proyektong digital o sa internet. Pagyamanin at magtalaga din ng
polisiya na kung saan ay Filipino naman ang salita na gagamitin ng mga estudyante. Mahalagang gamitin
natin ang ating sariling wika at pahalagahan ito.

Sa ikatlong paksa naman ay si Ginoong Jomar I. Cańega na nagtalakay sa paksang “Filipino at


mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino” Ipinaliwanag nya na ang
kahulugan ng dekolonisasyon ay naka depende sa kung sinong scholar ang tatanungin at ayon sa kanya
ay isa itong proseso ng pagwawaksi, pagtatakwil o pagdepamilyarisa sa mga impluwensiya o
pamantayang kanluraning na inangkin natin sa ngalan ng linguistic at cultural convergence. Ito din ay
tungkol sa pangangailangan sa pagpapanumbalik ng Pilipinong identidad na kung saan ay kailangan
kilalanin natin ang ating sarili bilang tao, pamilya at isang nasyon. Panahon na upang iwaksi natin ang
kaisipang kolonyal at itangkilik natin ang ating sariling wikang Filipino. Iwaksi natin ang pagiisip na kapag
tayo ay nagpi-Filipino ay dapat parepareho at irespeto ang pagkakaiba iba ng pagsasambit o tunog nito.
Sa linggwistika ay nagkakaroon ng impluwensya ang unang wika sa ating ikalawang wika at kailangan
nating tanggapin na mayroon tayong pagkakaiba iba dahil sa ating linguistic identity. Nahihirapan ang
iba’t ibang pangkat etniko na tanggapin ang wikang Filipino dahil sa ating kaisipan na ang pag sasalita ng
Filipino ay dapat pare-pareho o iisa ang tunog. Iwaksi din natin ang kaisipan na ang Tagalog at Pilipino ay
iisa. Filipino ang dahilan ng pag hina ng mga katutubong wika sa bansa. Ang tagumpay ng anumang
programang pang wika ay sa suporta ng komunidad. Nalilimutan natin na ang mga salik na nakaka
apekto sa wika kaya ito namamatay katulad ng “intermarriage” na kung saan ay sa dalawang wika na
walang kasiguraduhan na parehong magagamit ang wika, ganun din ang “migration” na kung saan kapag
lumipat ng lugar ang isang tao ay hindi na nya nagagamit ang kanyang sariling wika. Nawa ay wala ng
maging “endangered language” sa ating bansa at napaka halaga ng pagtanggap ng bawat dayalekto o
wika sa ating bansa. Bilang guro ay napaka halaga ng aming ganap sa pagpapalaganap ng wikang Filipino
sa ating bansa. Nabuhay ang aking puso na paglawigin at pagigtingin pa ang pag gamit ng ating wika.

Sa ikaapat na paksa naman ay ang tungkol sa Wika at Pagtuturo na pinamagatang “Mga Update
at Kalakaran sa Pagsasanay sa Filipino” ni Dr. Arjohn Gime na kung saan ay tinalakay nya ang Seksyon 12
na pinapaglawig ang pag gamit ng wikang Pilipino. Sa pagtataya natin nakikita ang ating mga dapat ituro
subalit sakasalalay sa kalidad ng guro at sa araw araw nilang pagsasanay at pagpapahusay ng kanilang
sarili upang mas maging epektibo kami sa aming pagtuturo. May mga tinatawag na cross-skilling,
upskilling, reskilling, at expert skilling na kung saan nakakatulong ang mga webinar na dinadaluhan ng
guro ngayong panahon ng pandemya. Mahalaga na bigyan ng panahon ang guro na makapag pataas
muna ng kanyang kahusayan dahil ang pandemyang ito ay bago sa ating lahat at hindi rin lahat tayo
pare-pareho ng lebel ng pag-aadjust. Sa pagbabago ng pangangailangan ng ating bansa sa usapin ng
teknolohiya at edukasyon, nawa ay bigyan ang ng mga guro ng tulong mula sa iba’t ibang ahensiya ng
gobyerno at komunidad lalo na at ang magulang ang mas madalas kasama ng mga estudyante sa
kanilang tahanan. Maraming iba’t ibang mga paraan upang mapahusay pa ang pagtuturo ng guro na
nabanggit ng ating speaker. Tunay na mahalaga ang teknolohiya at ang pagpapalalim ng kaalaman ng
mga estudyante sa asignaturang Filipino. Bilang guro ay maaki ang aming responsibilidad na baguhin o
sumubok ng iba’t ibang estilo sa pagtuturo ng wikang Filipino. Maganda din na magkaroon ng usapan
ang bawat guro upang magkaroon sila ng brainstorming sa mga paraaan para mapag buti pa ang
kanilang pagtuturo. Kasama ang programang pagsasanay sa tinalakay ng tagapagsalita na kailangan
nasusukat din kung ito ba ay sumusulong o nakikitaan ng pagbabagong maganda base sa resulta ng mga
pagsasanay ng estudyante.

Sa ikalimang paksa sa unang araw ay ang pinamagatan naman na “WiKultura sa Panahon ng


Pandemiya” ni Binibining Cristina D. Macascas na kung saan ay tinalakay nya ang kahalagahan ng kultur
ana maikakabit natin sa ating wikang Filipino. Ang kultura ay ang mga paniniwala, gawaing panlipunan,
katangian ng isang lahi at pang-araw-araw na pamumuhay ng isang lahi. Nahahati din ito sa dalawa na
material at di-materyal. Ang lipunana naman ay ang mga taong may pagkakatulad ng paniniwala at gawi.
Ang Kapwa ay tumutukoy sa pamayanan, na hindi ka nag – iisa sa paggawa na kung saan sumasalamin
ang hilig nating mga Pilipino sa pista at pagsasalo-salo. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng damdam sa
kanilang pakikipag kapwa tao. Mahilig tayong makipag-kapwa at napaka bukas natin sa iba pang kultura.
Malaki ang nagging epekto ng pandemiya dahil kinailangang manatili ng mga tao sa kanilang mga
tahanan kaya nagkaroon ng pagbabago sa kultura nating mga Pilipino. Nagkaroon ng pag-aaral ang
tagapagsalita sa mga edad 15 – 61 pataas na kung saan ay galling sila sa iba’t ibang lugar upang makita
kung pare-pareho ba ang nagging epekto ng pandemya sa kanilang lugar. Maraming sumikat na salita
ngayong panahon ng pandemya tulad ng “lockdown”, “quarantine pass” at iba pa. katulad nga ng sinabi
ng speaker ay wala sa ating isip na mangyayari ang pandemya at dahilan nito ang pag yabong ng ating
wika sa pagkaka buo ng iba’t ibang termino na ginagamit sa kasalukuyang panahon. Nagbago ang lahat
at 88.8% sa survey ang sinabing mayroong pagbaabgo ngayong pandemya. Apektado lahat kahit ang
araw-araw na gawain, sa pananamit at sa pagtratrabaho lalong lalo na sap ag-aaral. Naniniwala akong
nagkaroon ng malaking pagbabago sa ating nakasanayan ngayong pandemya, dahlia upang marahil ay
makabuo ng panibagong kultura ngayong panahong ito.

Ang ika-anim na paksa naman ay tungkol sa Panitikan na pinamagatang “Ang Panitikan bilang
Lunsarang Pampagtuturo” ni Dr. Christine Joy Aguila na kung saan nabanggit nya na ang mga komiks o
yung mga maiiksing panitikan na talaga namang nakapag-paalala sa akin ng aking kabataan dahil ako din
ay nagbabasa ng Funny Komiks at Mga Kwento ni Lola Basyang noong ako ay teenager pa. Nagustuhan
ko ang kanyang sinabi na “walang pagkaluma sa Panitikan” dahil ang isang akda at ang may akda nito ay
maaaring maging immortal dahil sa kanyang akda at sa nagging impluwensiya nito. Maraming mga akda
noon na tila ba ay kahit lumipas na ang panahon ay masasabi natin na maiuugnay pa din natin sa
kasalukuyan dahil sa damdamin na nasambit nito na maaaring maka – relate ang isang tao bagamat ito
ay nailimbag noon pang unang panahon. Nakakamangha ang mga manunulat na tila ba ay nailalagay sa
pagsulat ang mga damdamin na hindi rin natin akalain na atin ding mismo na nararamdaman. Sinabi ni
Panganiban, 1979 na ang Panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggilsa mga bagay –
bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at sa pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa
Bathalang Lumikha” at napakagandang deskripsyon nito para sa akin. Tila ba hindi lumilipas ang
panitikan na tunay naman na naging isang talaan ng buhay na nagsasalamin ng damdamin at kaisipan ng
may akda nito. Nagbago man ang panitikan sa kasalikuyang panahon, napakahalaga pa din balikan ang
mga lumang obra a panitikan. Sa aking sariling opinion ay sa totoo lamang ay hindi ako sang-ayon sa
pagpapa ikli ng mga panitikan noon upang makipagsabayan sa kasalukuyang panahon. Mahalaga na
idiskusyon pa din ito sa kung ano ito, at saka na lamang ipaliwanag ito sa paraang mauunawaan ng mga
kabataan sa ngayon.

Ang ika- pitong paksa naman ay mula kay Ginoong Chem Pantorilla na pinamagatang
“Pagtatanghal ng Ulagingen ng Higaunun: Danas sa Pangagalap at Pagtuturo ng Epiko na kung saan ay
tinalakay ang kahalagahan ng kultura sa pagtalakay ng mga Epiko dahil noon ay isa itong malaking bagay
na naipaapsa ng mga pinaka nakakatanda sa isang tribo na siya naman niyang ikinakanta o itinutula sa
kanyang mga katribo at sila naman ang magkakalat o magbaabhagi nito sa iba. MArami akong natutunan
tungkol sa Iligan at sa pangkat ng Higaunun at isa ako sa mga gustong pag-igtingin pa ang
pagpapalaganap ng kaalaman na sila ay buhay na buhay at patuloy na nagsasagawa ng kanilang kultura
na dapat pagyamanin at ingatan natin. Napaka kaunti na ng mga Higaunun at dapat silang protektahan.
Bagamat kaunti ang kanilang populasyon ay Malaki ang kanilang ambag sa Iligan. Mayroon pang ibang
mga pangkat tulad ng Meranaw. Nakakatuwang malaman ang tungkol sa mga pangkat etniko na ito.
Napaka dami kong natutunan at tunay na interesante ito.

Sa ika - walong paksa naman ay kay Dr. Cecille Marie Improgo na pinamagatang “Batayan sa
Pagpili ng mga Tekstong Pangkomprehensyon” na kung saan ay tinalakay niya ang kahalagahan ng
komprehensiyon dahil ito ang magiging basehan ng pag-unawa ng isang tao at ang kanyang epektibong
pakikilahok sa lipunan. Napakaraming iba’t ibang paraan para sa pagpili ng teksto. Hindi pwede ang
“One-Size-Fits-All” sa pagpili ng babasahin dahil mawawalan ito ng saysay kung hindi angkop sa
pangangailangan ng mag-aaral. Hindi sa haba o sa dami ito makikita. Ang iba’t ibang batayan sap ag pili
ay ang pagtutugma sa layuin ng aralin, ang kakayahan ng teksto na makatulong sa pagkamit ng layunin
ng aralin o lesson ay mahalaga sa pagpili. Ang isa pa ay piliin natin ang may mas mataas na antas kaysa
sa karaniwang komprehensiyon ng mga bata ngunit nasa lebel pa din nila ito. Mahalaga ito upang sila ay
masubok na laliman pa ang kanilang pag-iisip at kasanayan sa pag-unawa. Mahalagang makita din nila
ang iba’t ibang uri ng teksto at mahala din na malinang ng guro na iba’t iba ang estratihiya sa pagtuturo
ng iba’t ibang uri ng tekstong ito.

Ang ika – siyam na paksa naman ay “Ang Pagsenyas na Filipino (Filipino Sign Laguage): Tungo sa
Literasing Pagkatuto” ni Ginoong Jamil Carvajal na kung saan ay tinalakay niya ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng sign language na Filipino dahil ang mga sign Language nga naman ay puro sa Wikang
Ingles. Napakahalaga ng paksang ito dahil ako mismo ay interesadong matuto ng sign language at
nakakatuwa ang punto ni ginoong Jamil na ang dapat gumawa ng sign language na gagamitin ng mga
bingi (o pipi) ay isa ring bingi (o pipi) at walang karapatan ang mga taong may pandinig at boses na
gawin ito dahil nga sila na may kapansanan ang siyang nakararanas ng Biswal na representasyon ng mga
salita na siya nilang nalalapatan ng kaukulang damdamin, kahulugan at nakabubuo sila ng pagsenyas o
simbolismo nito. Natutuwa akong sundin ang mga pagsenyas na nagrerepresenta ng mga pamagat ng
panitikang Pilipino tulad ng “Florante at Laura” at “Noli Me Tangere”. Tunay na puno ng kaalaman ang
paksang ito. Marami po akong natutunan ngunit hindi ko na po maisa-isa dahil mahaba na po ata ang
aking naratibo.
SA ikalawang araw, ang unang paksa ay pinamagatang “Digital na Pagsasahimpapawid sa Oras
ng Pandemya” ni Dr. Maria Cecilia Ycong na tumalakay naman sa epekto ng pandemya. Ang
pandemyang ito ay nagdulot ng malaking pagbabago sa pamumuhay, pananaw at pag-iisip ng mga tao.
Malaki ang ating ginawang pag-adjust sa lahat ng aspeto ng pamumuhay natin. Nakakalungkot na
desisyon ng Pamahalaan na ipasara ang isa sa mga pinagmumulan ng aliw sa telebisyon na istasyong ABS
– CBN. Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang ating mamamahayag sa kanilang tungkulin na iahad ang mga
kaganapan sa kasalukuyang kinakaharap na pandemya sa Covid-19 sa kabila ng pagkabawas ng kanilang
budget, banta sa kalayaang mamahayag at banta ng posibleng mahawaan na atmayroong new variant
na Delta variant. Tinalakay ng speaker ang mga magigiting nating mamamahayag na namayapa sa
COVID-19. Nagkaroon ako ng malaking paghanga sa mga magigiting at magagaling nating
mamamahayag.

Sa ikalawang paksa sa ikalawang araw naman ay tumalakay sa “Peryodiko o Pahayagan?


Patnubay sa Tamang Paggamit ng mga SAlitang Filipino sa Pagsulat ng Balita” ni Bb. Ma. Socorro Victorio
na tumalakay naman sa pagbabasa ng pahayagan ng ilan sa ating mga kababayan sa kabila ng
makabagong panahon. Nabanggit din ni Ma’am ang pag gamit ng mga balbal na salita na nagging
talamak sa tabloid sa mga isinulat na balita sa kanilang pahayagan. Dalawa lamang ang gumagamit ng
Ingles sa mga tabloid. Naniniwala sin ako na mayroon pang nagbabasa ng diyaryo dahil iba pa din ang
balita na nababasa sa diyaryo, tabloid man ito o broadsheet.

Sa ikatlong paksa naman ay pinamagatang “Sino ang Pilipino sa Pelikulang Filipino? Wikang
Pampelikula: Isang Pag-aaral tungkol sa Representasyon ng Pilipino sa Pelikula” ni Prof. Nick Deocampo
na kung saan ay tinalakay nya dito ang lebel o antas ng pang-unawa natin sa peikulang Pilipino at kung
paano natin makita ang ating identidad bilang Pilipino sa pelikula. Bukas na ang ating isipan sa iba’t
ibang wika kaya naipapasok na natin ang mga wikang ito sa pelikula. Sa imahe pa lamang ay marami ng
interpretasyon at simbolismo. Napaka halaga ng pelikula at ang Biswal na ipinapakita nito sa
pagpapayabong ng kultura at ang pagpapakita ng pagiging Pilipino ng Pilipino. Ang pelikula ay may
sangkap na nagsasalita sa pamamagitan ng “shot” na payak na anyo ng pelikula, ang pangalawa ay ang
“edit” o cut na pagsama-sama ng shot para makabuo ng Biswal na naratibo sa pamaamgitan ng “editing”
na kung saan ay nakaakpasok tayo sa imahinasyon at panaginip ng isang tao na tanging pelikula lamang
ang makakagawa at ang panghuli ay ang “galaw ng kamera” na sa pag gamit nito ay nagbibigay ng
kahulugan sa pelikula na nagpapalit ng suot na walang cut o putol na nagpapakita ng wika o kakaibang
pagpapahayag ng kwento ng pelikula. Tulad ng sa panitikan ay mayroong literal at symbolism ang
pelikula na siya namang napaka sarap pag usapan ng mga kasama mong manunuod nito. Napakaganda
at interesante ang paksang ito at tunay na marami akong natutunan.

Ang ikaapat na paksa ay ang “Wika at Pelikulang Filipino sa Panahon ng PAndemya” ni Dr. Jaime
Gutierrez-Ang na nagtalakay naman sa pakikipag ugnayan ng tao upang siya ay mabuhay. Ang wika ang
pangunahin at pinakakumplikadong gawaing pantao dahil na din sa pagkakaiba iba nito at sa totoo
lamang ay masalimuot nap ag-usapan nag pag istandarsyon ng wikang Filipino sa Pilipinas dahil sa dami
ng iba’t ibang diskuryo tungkol dito. Sana ay magkaroon ng bukas na isipan ang mga nsa katungkulan
upang magkaroon ng malusog na diskusyon sa kung ano ang magiging kinabukasan ng pagtaguyod ng
ating wikang Filipino sa ating bansa. Ang wika ay mahalaga sa paggawa ng isang pelikula dahil kung wala
ito ay hindi uusad ang kwento na isinasagawa. Sa pag gamit din ng wikang Filipino para sa akin ay mas
umaantig ang bawat mensahe na nais iparating ng isang may likha nito sa kanyang manunuod.

Ika – limang paksa ay ang “Kulturang Pilipino sa Kaakuhan ni Gen Z” ni Ginoong Eldrin Jan D.
Cabilin na tumatalakay sa pagbabago ng ating wika ayon na din sa kasalukuyang panahon. Ang kultura ay
isang pinagsasaluhang praktika at mentalidad ng tao na kung saan ay nagbabago bago. Marami na ang
nagbago sa ating kultur amula pa ng dumating ang Espanyol sa kasalukuyang panahon. Hindi ko
makalimutan ang sinabi ni Tolentino noong 2016 na “Hindi ka tao kung wala kang Facebook. Dahil hindi
nangyari kung hindi nasa Facebook” dahil tunay na sumasalamin ito sa mentalidad ng mga kabataan
ngayon dahil halos lahat ng aking estudyante ay may facebook at tila bai sang “requirement” sa kanila
ang magkaroon ng Facebook account. Ganun din sa mga kaganapan na dapat nilang makuhaan ng litrato
o video upang mai post sa Facebook. Napaka dali nilang maniwala sa sinasabi ng internet na hindi man
lamang nagsasaliksik ng maayos o nagkukumpirma. Ako din ay bahagi na ng Cyberculture dahil sa
panahon ngayon ay mahirap na hindi ka makasabay sap ag unlad ng teknolohiya. Tunay na maganda ang
talakayang ito at marami akong natutunan.

Ika – anim at panghuli na paksa sa ikalawang araw ay pinamagatang “Filipino tungo sa


Pagbubuklod ng Mamamayang Pilipino” ni Asec. Rhea Peńaflor na kung saan tinalakay nya dito ang
kahalagahan ng wikang Filipino at sa mga hamon at suliranin na kinakaharap natin sap ag babago ng
ating wikang Filipino. Maging responsible tayo sa paggamit ng ating wika, napagugnay niya ang
pagmamahal sa wika at komunikasyon at pag-ibig sa bayan nan aka antig sa aking puso. Naging inspirado
ako na palaganapin pa ang wikang Filipino at pagtibayin pa ang pag gamit nito at impluwensyahan din
ang aking mga mag – aaral na gamitin ito.

Tunay na napakarami kong natutunan sa bawat paksang tinalakay ng mahuhusay nating mga
tagapag salita. Nawa ay makalahok akong muli sa susuod na Pambansang Kumperensiya sa Filipino ng
Trinity University of Asia. Maraming maraming salamat po sa mga bumubuo ng programang ito sa
paghatid nito sa tulad ko pong guro sa DepEd at Pagpalain po tayong lahat ng panginoon.

You might also like