You are on page 1of 25

Linggo #2

 
Aralin 2:

Ang Wikang Filipino Sa


Iba’t-Ibang Lunan
Napakahalagang maunawaan din ang lunan ng Filipino sa iba pang aspekto. Mula sa muling
sulyap sa pag-unlad ng wikang pambansa, mauunawaan sa bahaging ito ang paglalahad ng
tungkol sa Filipinno bilang itinatampok na wika ng bayan, edukasyon, pananaliksik, bilang larang at
sa iba pang larang.

Matapos ang araling ito ay inaasahang:

1. Mailahad ang mga hakbang sa pag-unlad ng wika ng bayan;

2. Matalakay ang mga hakbang sa pagtataguyod ng Filipino bilang wika ng edukasyon;

3. Masuri ang gampanin ng Institusyon sa pagpapalaganap ng kultura ng pananaliksik sa Filipino; at

4. Masiyasat ang iba pang lunan ng Filipino sa iba’t-iba pang larang.


Pagtalakay:

Wika ng Bayan
Tinitiyak ng Konstitusyon ng 1987 ang pagpapayabong at
pagpapayaman sa Wikang Pambansa mula sa iba’t-ibang wika
sa Pilipinas. Pinatunayan ito ni Almario (1997), nang ilahad na
may wikang probisyon tungkol sa paglinang ng Filipino sa
tulong ng mga wika sa bansa. Pansupil umano ito laban sa
pagkahumaling sa Ingles at isang magandang pagkakataon
upang lubos na maharap ang paglalahok ng mga wika sa
Pilipinas sa wikang pambansa.
 Ang hakbang na nabanggit ay pagpapalakas sa wika ng bayan.
Ang mabigyan ng tunay na puwang ang wikang katutubo ay
pagtatampok sa Filipino para sa taguring wika ng bayan. Sa tunguhing
ito, kinikilala ang mga hakbang na magamit ang Filipino tungo sa
komunikasyon at pagtuturo sa sistema ng edukasyon. Ang usapin ng
pagtiyak sa wika ng bayan ay tumutulay patungo sa mabisang gamit
nito sa edukasyon.
 Pinatunayan ito ni Abueva (1995) nang ilahad na ang wika ng
edukasyon at ang wika ng sambayanan ay pinagtatagpo. Sinabi pa
niya na kung Filipino ang wika ng bayan, Filipino din dapat ang wika
ng edukasyon.
 Tinugunan ito ng kartilya ng Wikang Filipino bilang wika
ng Edukasyon ng NCCA (National Commission for Culture and
the Arts). Kailangang ito ay magpalakas ng pambansang
kakayahan. Papandayin nito ang mga mag-aaral na maging
mapanuri at malikhaing mag-isip. Produkto nito ang henerasyong
mahuhusay at matatalinong mamamayan na magtatayo ng
industriya, mamumuno ng mga negosyo at gagawa ng paraan
upang magdulot ng marangal na ikabubuhay ng sambayanan. Ito
ay sa gitna ng malinaw na politika sa pagitan ng Filipino at
Ingles na nagtatagisan para maging wika ng bayan. Kaya lamang,
malinaw na lingua franca sa buong bansa ang Filipino. Kaya, ito
ang wikang makapaglalarawan nang tiyak sa karanasan ng mga
mamamayan, at ng bayan.
 Ang pakikipagtagisan na ito sa Ingles (na hindi naman dapat) ay
maituuturing na hamon sa nanganganib na paghihiwalay ng
pananaw, estado at sitwasyon ng bayan. Noon pa man, iminungkahi
ni Abueva (1995) na malaki ang maitutulong ng Filipino sa
pagkakaisa ng bayan na nasa bingit nag pagkakawatak-watak. Ang
paggamit ng isang wikang malapit sa puso ngunit bukas naman sa
pagtanggap ng pagbabago mula sa lahat ng wika ay magdadala sa
lipunang matagal inaasam, isang lipunang kumikilala sa yaman at
pagkakaiba-iba ng mga kultura ngunit nagkakaisa sa kanyang
kasarinlan at bukas, at nakikiugnay sa sandaigdigan, isang bayang
ang mamamayan ay tunay na may kapangyarihan dahil kalahok sa
proseso ng pagpapasya, isang sambayanang may dignidad dahil
may pagpapahalaga sa sariling wika. Sa konteksto ng pahayag,
tunay na ang Filipino ay wika ng bayan.
Wika ng Edukasyon 
 Malaki ang pangangailangan na mailugar ang Filipino bilang
wika ng bayan upang magamit bilang wika ng edukasyon.
 Ito ay para sa layong magampanan ng Wikang Pambansa na
magsilbing medyum para kilalanin ng Pilipino ang sarili at nang
mapalakas din ito kapag nakikipag-ugnayan sa mundo. Tunguhin
nito ang mamamayang kilala ang sarili, may tiwala sa sariling
identidad at nalilinang ang kaalaman sa sariling kultura at
kasaysayan, kalakasan at kahinaan ng kapwa.
 Sa mensaheng paglilinaw ng KWF, sinipi ang
bahagi ng sinabi ni Gonzales sa Filipino: The
National Language of Education na upang
mapanatiling intelektwal ang wika, ito ay dapat na
gamitin at hindi lamang pag-aralan. Kung ang mga
bumubuo ng polisiya ay pumili na hindi gamitin ang
pambansang wika sa tiyak na akademikong domeyn,
ang wika ay hindi mananatili sa mas mataas na
gawain sa pag-iisip sa larang.
 Dagdag pa mula sa Kartilya ng Wikang Filipino bilang
Wika ng Edukasyon (2004), ang paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo ay nagbibigay-daan na matuto ang mga mag-
aaral ng kanilang kultura - ang kaluluwa ng pagkabansa.
 Nagiging hamon pa rin ang paggamit ng Ingles, lalo
kung tutukuyin ang mga kursong Agham at Matematika.
Malaki ang gampanin dito ng gawaing pagsasalin na dapat
pangunahan din ng mga aral sa wika at nagtataguyod ng
gawaing ito sa akademya.
Wika ng Pananaliksik 
 Sa pagsasakatuparan ng piling programang
pang-edukasyon na nakatuon sa Filipino bilang
medyum ng komunikasyon at pagtuturo, mahalagang
patatagin ito ng gawaing pananaliksik. Mangyayari
ito kung may espasyong ibibigay na magamit din ang
Filipino bilang wika ng pananaliksik.
 Walang Ibang wika ang higit na
makapagpapaliwanag at makapagsusuri ng mga
suliranin ng bayan at ng kahit ng edukasyon kundi
ang wikang mauunawaan ng mamamayan. Kung
ang pananaliksik ay binuo mula sa karanasang
Pilipino at para sa Pilipino, kailangan magamit ang
Filipino- ang medyum na tatawid sa kamalayan at
pangangailangan ng sambayanan.
 Nagiging suliranin ang taglay na limitadong
kasanayan ng Pilipino na magpasya na may obhetibong
pagsasaalang-alang sa maraming salik sa kanyang paligid
at sarili. Nagpapasiya ang ilan batay lamang sa
nararamdaman. Hindi na siya nagtatanong( ugat ng
gawaing pananaliksik). Kung magtanong man, hinihila
ang sarili pabalik upang humanap ng pinaka madaling
tugon sa kanyang mga tanong. Sapagkat, nag-iisip ang
Pilipino hango sa kanyang sariling karanasan bilang
Pilipino, kayang-kaya niyang gamitin ang sariling wika
upang makalikha ng talino, maipakalat at magamit ito.
 Katotohanan na sa maraming institusyon,
nagagamit lamang ang Filipino bilang wika ng
pananaliksik sa limitadong kurso tulad ng Filipino.
Walang malinaw na agenda tungo sa paggamit ng
Wikang Pambansa ( sakop nito ang mga katutubong
wika) sa saliksik sa iba't ibang larangan. Hindi naaalis
ang stigma ng paggamit ng Filipino sa mababang
antas ng diskurso.
Filipino Bilang Larang 
 Ang kaalaman sa Filipino ang angkop na muling
dalawin upang matuklasan ang saysay nito bilang isang
disiplina. Hindi ito nakapako lamang sa kaalamang
gramatikal/ estraktural. Hindi ito tumindig lamang bilang
kurso ng komunikasyon kundi bilang batis ng talino. Sa
ganitong paraan, magiging makabuluhan ang pagtanggap nito
sa mundo ng akademya at magamit sa mataas na antas ng
diskursong intelektwal.
 Pinalilipas na ang panahon ng mababang
pagtingin dito. mangyayari ito kung
magkakabalikan ang iba't-ibang sektor/
Institusyong panlipunan sa pagpaplano ng
programang tutugon sa pangangailangan ng maka-
Filipino na paraan ng pag-iisip at paglutas ng mga
suliranin. May maitutulong ang mass at new media,
edukasyon, pamahalaan at industriya sa pagpaplano
at pagsasakatuparan ng mga gawaing pagsasaluhan
ng mga mamamayang nakikibahagi sa diskursong
Filipino.
 Dagdag pa, ang magamit ito bilang paksa sa
mga talakayang akademiko at pananaliksik ay
dapat na mabigyang-daan. Sa pamamahala
hanggang sa gawaing pagtuturo sa Mataas na
Edukasyon, angkop magkaroon ng puwang ang
Filipino bilang larang. Maging agenda ito ng
pananaliksik, pagtuturo, gawain ng komunidad, at
pamamahala sa mga kolehiyo at unibersidad.
 Ang anumang institusyon ng Mataas na
Edukasyon ay marapat lamang na makatuklas ng
napakahalagang produktong maidudulot ng
pagpapalaganap ng talino ng Pilipino at maka-
Filipino. Lalo, ang matatag na pundasyon ng
hangarin internasyonalisasyon ay nakaugat sa
hakbang ng pagpapalakas sa lokal na nag-iisip at
nangangarap para sa kanyang sarili at sa bayan.
Filipino sa Iba’t-Ibang Larangan 


Sa patuloy na pagpapaunlad ng Filipino,
kailangang tumawid din ito sa iba't ibang larangan
upang matiyak na may malawak itong naaabot na
iba't-ibang lawak ng talino.
 Kapag gagamitin ito sa talakayang teknikal
( pisika, biyolohiya, kemika, matematika), nakapagdudulot
ito ng mahusay at mabilis na pang-unawa. Kaya lamang, may
mga suliranin kinakaharap upang maisakatuparan ito.
Pinaniniwalaan pa rin na hindi napapanahon ang pagpasok ng
Filipino sa mga larangan na nabanggit. Ang institusyon sa
Mataas na Edukasyon ay walang tiyak na patakaran tungkol
dito. Dagdag pa ang problemang logistics para sa
pagpapatuloy ( sustainability) ng programang pangwika sa
iba't ibang larangan (Yanga , 1997).
 Sa talakay ni Hafalla (1997), may pagsibol ng suliranin sa
hanay ng mga gumagamit ng wika. Kung ang itinuturong dahilan
ay kahandaan mismo ng wika, mas makatwirang tingnan ang
pagkakataon na may suliranin sa mga gurong kapos sa
siyentipiko at teknolohiya ng kabihasnan. Maaring ang guro ay
walang sapat na kasanayan sa wika sapagkat kulang ang mga
aklat at mga babasahin na papaksa sa mga ganoon. Iminungkahi
pa na ipalaganap ang kamulatang agham sa mga mamamayan,
ang masa, upang lalong maunawaan, makagiliwan at maisabuhay
ito.
 Maitataguyod pa ang Filipino sa
larangan ng batas, politika, negosyo,
industrya, kasaysayan, lokal na media,
pilosopiya, agham panlipunan,
inhinyera at iba pa.
Paglalagom
Panuto: Itala sa mga hanay ang mga salita o pariralang makapaglalahad ng
iyong pagkaunawa sa mga tinalakay na paksa.

FILIPINO
Bilang Wika ng
Bilang wika ng Bayan Bilang Wika ng Edukasyon Bilang Larang Sa Iba’t-Ibang Larang
Pananaliksik

         
Pagtataya 2
Pagtukoy. Panuto: Basahin ang mga pahayag at itala sa katapat na kahon ang titik ng iyong napiling sagot .

  1. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na hamon sa Filipino sa pagturing na wika ng


bayan?
a. Ang wika mismo
b. Ang wikang katutubo
c. Ang makabagong wika
d. Ang Ingles

  2. Ano ang mabisang paraan upang maabot ng Filipino ang pagiging wika ng talino?
a. Maiugnay sa buhay
b. Maipahayag sa lipunan
c. Maging wika sa iba’t-ibang larang
d. Mailapat sa pamumuhay
  3. Bukod pa sa hamon nang hindi kahandaan ng Filipino na maging wika ng agham, alin sa mga sumusunod ang
maaaring suliranin pang dapat na isaalang-alang?

a. Ang wika lamang

b. Ang Institusyon

c. Ang gumagamit ng wika

d. Ang pamahalaan

 
  4. Mabisang maitataguyod ang mga programang pangwika kung mag-uumpisa ang pagsasakatuparan nito sa
_____________ na antas ng edukasyon.

a. mababa

b. mataas

c. pahalang

d. patayo

 
  5. Ang Filipino sa Mataas na Edukasyon ay maipagpapatuloy kung gagamitin sa _____________.

a. pagtuturo

b. pagtataya

c. pagtatala

d. pag-uusap
Maraming salamat po…

You might also like