You are on page 1of 16

PAGLALARAWAN

Kahulugan
Ang paglalarawan ay isang diskurso na ang layunin ay ipamalas sa nakikinig o bumabasa ang
nakikita ng mata, ang naaamoy ng ilong, ang nararamdaman ng balat o ng katawan, ang
nalalasahan ng dila, o kaya naman naririnig ng tainga.

Sa pamamagitan ng paglalarawan, napakikislot ang ating guniguni at imahinasyon.


Nararapat kung gayun na ang naglalarawan ay may sapat na kaalaman sa bagay na kanyang
inilalarawan. Hindi niya mailalarawan ang isang bagay kung ito'y hindi niya nakita, nadama
o napag-aralan man lang. Dahil dito,malimit gumamit ng pagtutulad at halimbawa sa isang
bagay na kilalang-kilala na ng naglalarawan.

Sa paglalarawan, nakabubuti na maging mapagmasid at isaalang-alang ang kakintalang


naiwan sa iyo ng ilalarawan mo, gayundin ang panahon at pook, at ang mga pandamdam o
senso, paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat. Kailangan kung gayon ang pagpili ng
mga salita at wastong pagsasama-sama ng mga ito upang maging mabisa ang paglalarawan.

2
Mga Salik ng
Paglalarawan
1. PAKSA
Pilin ang paksang may sapat na kaalaman
hinggil dito. Walang bago o gasgas na paksa
subalit hindi magiging mabisa ang
paglalarawan kung hindi pamilyar sa
naglalarawan ang paksa.
2. Pagbuo ng
pangunahing larawan
Layunin sa gawaing paglalarawan ay makabuo ng
isang larawan sa isipan ng mambabasa o tagapakinig.
Mahalaga kung gayun ang pagpili ng mga salitang
bubuo sa larawang nais ikintal sa mambabasa o
tagapakinig.

3. PAGPILI NG SARILING
PANANAW
Ibinabatay ng may-akda ang paglalarawan sa
kaniyang sariling pananaw. Dahil dito
tutulungan ng may-akda ang mambabasa na
mabuo ang larawang diwa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng panuto kung saan at paano
magsisimula sa paglalarawan.

5
4. PAGPILI NG SANGKAP
Piliin ang mga angkop na detalye na isasama upang
mabuo ang larawan. Maaaring magsimula sa
malaking larawan at saka isa-isahin ang mga detalye
nito o maaaring simulan muna sa pagtatagni-tagni ng
mga detalye para mabuo ang larawan.

6
5. ANGKOP NA PANANALITA

Makatutulong ang pagpili ng mga angkop na pananalita


sa pagbuo ng pangunahing larawan at pagpapalutang ng
kalikasan at katangian ng inilalarawan. Lalong
nakakapagbigay buhay din ang paggamit ng angkop na
tayutay at matatalinghagang pahayag sa
pagkakataong ito. Iwasan ang pagbanggit ng mga bagay
na makakapag-iba ng pokus ng nabubuong larawan o
damdamin ng mambabasa o tagapakinig.

7
Dalawang uri ng Paglalarawan: karaniwan at masining
1. Karaniwan o Kongkretong uri ng
Paglalarawan
⬗ Tinatawag din itong teknikal na paglalarawan. Ito ay ang pagbibigay
ng malinaw na larawan sa pamamagitan ng mga karaniwan o palasak
na katangian ng bagay na inilalarawan. Nagbibigay lamang ito ng mga
impormasyong batay sa pisikal o kongkretong katangian. Dahil dito'y
madalas na hindi nababago ang paglalarawan sa parehong bagay,
marami man ang maglalarawan nito.
⬗ Halimbawa:
⬗ Sa dakong itaas, sa libis ng isang bundok sa tabi ng isang batisan ay may
nagkakanlong sa mga punung-kahoy na isang kubo, na balubaluktot
na sanga ang gamit na kahoy. Sa ibabaw ang kanyang bubungang kugon
ay malagong gumagapang ang kalabasang maraming bunga at
bulaklak; ang palamuti ng bahay-bukid na yaon ay mga sungay ng usa,
mga bungo ng baboy-ramo na ilan ay may mahahabang pangil. Doon
tumira ang isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang
pangangaso at pangangahoy. (Hango sa "Noche Buena" ni Dr.Jose Rizal)
8
2. Masining o Abstraktong uri ng
Paglalarawan
Sa uri ng paglalarawang ito ay nakasama ang sariling palagay o
damdamin ng may akda sa paksa. Nagiging personal o relative ang
paglalarawan sa paraang ito at kababanaagan ng mas malalim na
pagtalakay sa paksa.
Kaiba sa karaniwang paglalarawan, ginagamitan ito ng
matalinghagang salita o mga tayutay upang higit na makapag-
iwan ng kakintalan sa bumabasa o nakikinig.
Halimbawa
Sa sinag ng bukang - liwayway ay tila nga naman nag- aanyayang
kung paano ang bahay na malaki. Tisang balot ng lumot sa bubong
ay tila nagliliwanag. pati ang kurtinang gagalaw-galaw sa
marahang simoy ng hangin ay tila kumakaway. (Kasalan sa
Malaking bayan-Pineda)

9
Paksa ng paglalarawan at mga halimbawa
a. PAGLALARAWAN NG LUGAR
Ang buong sala'y makikita. Ito'y malaking kuwarto, malinis,makintab,ngunit tulad ng
kasangkapan-nagpapakita ng katandaan. Ang pintura sa mga pader ay nangitim na at
nababakbak. Ang mga salamin ng bintana ay basag-basag. Sa pagitan ng balkonahe na
katabi ng pader ay isang malaking sofa. Sa paligid ng malaking sofa ay dalawang upuang
gumigiwang, isang bilog na mesa at dalawang tuwid na silya. Ang hapag ay handa na
para sa meryenda. Sa kaliwang panig ng silid ay makikita ang bahagi ng hagdanan. Sa
gitna ng dalawang pader ay isang nakapinid na pintuan. Sa harapan ng hagdan ay isang
makalumang lalagyan ng sambalilo at payong na may kasamang salamin. Sa kanang
panig ng silid, sa gitnang pader, ay isang malaking bukas na pintuang may mga kurtina.
Sa tabi nito ay isang piyano. Mga naglalakihang larawan ng mga mag-anak ay nakasabit
sa mga pader. Isa na rito ang tinaguriang “Larawan ng Manlilikha Bilang Pilipino”
Halaw sa dulang “larawan”, Salin sa Pilipino
nina
Alfredo Yuson at Franklin Osorio mula sa
10
⬗ "Doon"(sa Baywalk)
⬗ JAC ESGUERRA
⬗ Noong ako ay isa pa lang simpleng tao madalas ako pumunta ng Baywalk lalo na
kapag pagkatapos ng aking trabaho. Pumupunta kami doon may hiwagang dulot
ang pook na iyon. Nakakatanggal ng pagod ang kapaligiran nito. Paglakad mo
dadampi sa mukha mo ang simoy ng hangin na nagmumula sa karagatan.
Pagkatapos kang halika'y unti unting bumabalik ang dagat sa kaniyang
pinagmulan. Doon aming pinagmamasdan ang dahan-dahang palubog ng araw na
siyang nagbibigay ng iba't ibang kulay sa kalangitan. Sa paglubog nito dagsa ang
mga tao na nasisiyahan din sa paglubog ng araw. Sa paglubog ng araw,dahan-
dahan namang lumalaganap ang dilim. Subalit hindi mo na masasaksihan ang ganap
na kadiliman dahil unti-unti ding hahalili ang sindi ng mga iba’t ibang kulay ng
ilaw. Sa liwanag na dulot ng elektrisidad ay napupuno na ang kahabaan ng
Baywalk. Kani kaniyang pakulo. May naglalakad lamang, nag-iisa, may kasama,
buong pamilya. Mayroon ding may baong pagkain. Ang ingay at liwanag ng mga
ilaw ay talagang binubuhay ng husto ang gabi. Di mo alintana paglipas ng oras at
di mo namamalayan na oras na pala ng uwian ..doon..

11
b. PAGLALARAWAN NAG DAMDAMIN

"Panghihinayang"
Muling napabuntunghininga si Leandro nang magmulat ng mga mata.Nagulat pa siya
ng malamang madilim na pala. Tumindig siya at nagtungo sa susian ng ilaw. Kinalabit
iyon at sumabog ang liwanag ng ilaw sa buong silid.
Pinalibot ni Leandro ang kanyang tingin sa kabuuan ng silid.Maayos ang lahat ng
bagay.Naroon ang tatak ng masisipag na kamay ni Lina.
"Kakain na hu, Senyorito,” tinig ni Sabina ang narinig ni Leandro sa labas ng silid.
"Oo.Lalabas na ako.”
Sa harap ng hapag-kainan ay hindi makakain si Leandro. Wala siyang gana. Hindi
maiwasan ni Leandro ang mapatingin sa silyang kaibayo ng kanyang inuupuan. Doon
nauupo si Lina kung sila ay kumakain. Madalas na sa harap lamang ng hapag- kainan
sila nakapag-uusap noon ni Lina. At ngayon ay parang hinahanap ng pandinig ni
Leandro ang mga pagbibida ni Lina sa mga ginagawa nito sa buong maghapon.

12
"Kabado”
RM VENTURA
Tanging ito ang damdaming naaalala sa tuwing tatanungin ako sa unang araw ko. Hindi
ko lubos kung anong dahilan ng kabang ito.
Ganap na ika-1 ng Abril taong 2006, kasabay ang 285 namga natatanging kabataan sa
buong bansa ay unti-unti nang binibihisan ng bagong kaanyuan. Una kaming ginupitan.
Hindi ko maintindihan kung bakit ano ang aking tinangisan… subalit gusto kong
maiyak...parang dinudurog ang aking puso sa bawat hibla ng aking iniingatang buhok ang
nahuhulog.
Mayamaya'y may mga sumisigaw. Nung una'y parang bubuyog. Walang isang kisap-mata'y
nasa harapan ko na. Parang barena sa aking tenga ang lakas ng tinig nila.
Wala na akong palda. Bawal na ang kwintas at kung anu-ano pa....Ahh bahala na,
mamaya,matutulog na din ako..siguro'y mawawala na rin ang damdaming ito.
Ngunit bakit ganito, sa bawat pagsikat ng araw ang kakaibang damdamin ko'y tumitindi.
Ang kaba ko'y pasidhi nang pasidhi. Anong meron sa lugar na ito?

13
⬗ c. Paglalarawan ng Tao
⬗ "Si totoy”
⬗ Pitong taong gulang si Totoy. Sa kanyang murang gulang ay mababanaag sa
kanyang katawan ang kasanayan sa mga gawain.Bagama't yayat ang kanyang
katawan,nakikitang banat na banat ito sa mga gawaing siguro ay di pa natitikman
ng ibang kasinggulang niya.
⬗ Maamo ang kanyang mga mata subalit hindi nalilingid dto ang kanyang sunod-
sunod na puyat noong nagdaang gabi nang siya ay magsalok ng tubig para sa kanila.
⬗ Ang kanyang mukha na bagama't masasabing maaaring ihanay sa mga baguhang
aristang lumubog-lumitaw ay kababanaagan naman ng lungkot- isang walang
katapusang kalungkutan para sa isang batang tulad niya.
(Halaw mula sa "Mapalad si Totoy" ni Edna Antivo,
S.O.H.S.)

14
"Si Dencio”
Si Dencio ay isinilang at lumaki sa nayong iyon na kung tawagin ay Paraiso. Sa mula't
mula pa ay naging mangingisda na siya. lyon ang hanapbuhay na kinagisnan sa ama kung
at iyon din ang kanyang kinalakihan at naging palagiang gawain. Maliban sa mababa at
mataas na paaralan ay wala nang higit na mataas pang pag-aaral ang naabot ni Dencio
sa dahilang malayo ang pulo sa kabihasnan at kapos sa yaman ang kanyang ama upang
siya ay mapag-aral sa unibersidad. Ang naging tanging unibersidad ni Dencio ay ang
dagat, ang mga bituin, at ang mga taong nakakasalamuha niya. Mahusay siyang bumasa,
hindi ng libro, kundi ng mga tao. Magaling siyang magbigay-kahulugan sa ibig sabihin ng
galaw ng ulap, ng hihip ng hangin, ng uga ng tubig, ng kilos ng mga ibon at iba pang hayop
sa gubat, ng kulay ng mga halaman at halimuyak ng mga bulaklak. Isa siyang dalubhasa
sa pag-unawa sa sinasabi ng Kalikasan. Minsan ay nahulaan niya na may darating na
lindol ayon sa naiibang kilos ng kanyang alagang aso. Nahulaan din niya na guguho ang
lupa minsang lumakas ang ulan at iniutos niya ang paglikas ng mga kapitbahay mula sa
kanilang mga mumuntiing bahay sa paanan ng bundok patungo sa simbahan upang doon
magpalipas ng bagyo. Gumuho nga ang lupa at natabunan ng burak ang mga bahay at
dahil sa kanyang babala ay nailigtas sa tiyak na kamatayan ang maraming kanayon niya.
Mula sa kwentong "MAY BAGWIS ANG PAG-IBIG” ni Percival
15
Campoamor Cruz
Alan Miguel Lot Edwin
M. Payoran G. Saludares P. Lacasandile

Catelen Joy John Lester Ylla Mae


S. Balagan V. Pestaño C. Abad

16

You might also like