Professional Documents
Culture Documents
SA PANITIKANG PANLIPUNAN
Anyong Patula
Ang panulaan ay isang bahagi ng panitikan na isang piling kaisipang
malimit ay sa pamamagitan ng salitang may sukat at tugma at kung minsan naman
ay walang sukat at tugma.
Ang tulang walang sinusunod na tuntunin ng sukat at tugma av tinatawag
na malayang taludturan o free verse (Sebastian at Nicasio 1965). Ang tula ay isang
pagbabagong-hugis sa buhay-isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni,
na ipinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin
ng wastong aliw-iw, at higit na mainam kung may sukat at tugma ang taludturan.
Ang kahulugan ng tula ay "likha," at ang makata ay isang manlilikha (Alejandro at
Pineda, 1950).
Nagpapahayag ang tula ng isang ideya o damdamin sa isang wikang matalinghaga
(Rubin at Casanova, 2001).
Panulaan
1. Denotasyon at konotasyon - Mahalaga sa pag-uunawa ng tula ang
interpretasyon o pagbibigay-kahulugan. Ang aktwal na kahulugan o kahulugang
pandiksyunaryo ay tinatawag na denotasyon. Samantala, ang konotasyon ay
kahulugang ipinahihiwatig ayon sa gamit at pagkakaugnay sa ibang salita.
Halimbawa:
Bata ka pa kaya huwag ka munang sumama sa kanila.
(di pa matanda, denotatibo)
Siya ay pinagkakatiwalaang bata ng senador.
(alalay, konotatibong kahulugan)
2. Diksyon ng tula - Diksyon ang tawag sa mga salitang pinipili para gamitin ng
makata o kahit sinong manunulat. Hindi dapat ipagkamali ang diksyon ng tula sa
diksyon ng karaniwang pananalita.
3. Poetic license- Tinatawag na poetic license ang karapatan ng makatang umiiwas
sa anumang pamantayan at mga tuntunin upang magkaroon ng bisa o epekto.
Maaari niyang gamitin ang isang pangngalan na maging pang-uri o isang pandiwa
gaya ng linis (pangngalan), maglinis (pandiwa), at malinis (pang-uri). Malaya rin ang
makata sa palaugnayan (syntax) at sa pag-aayos ng mga salita sa pangungusap.
May mga tula minsan na binubuo lamang ng mga salita at parirala imbes na mga
kumpletong pangungusap. Nakasalalay ito sa estilo o porma ng tula.
Halimbawa:
Sana
Dumating na nga
Saņa
Hindi masayang
Ang pangarap
Na inaadhika.
4. Persona
Mga Dapat Tandaan
a. Ang persona ay nagsasalita sa loob ng tula.
b. Ang persona at ang makata ay maaaring pareho o iisa ngunit hindi dapat
ipagkamali na ang makata at ang persona ay laging iisa.
C. Ang persona ay maaaring may buhay o wala. Maaaring magsalita ang anumang
bagay o taong may buhay.
d. May mga persona na ispesipiko at agarang matutukoy. May mga persona namang
hindi ispesipiko at maging ang kausap ay hindi rin matukoy.
Halimbawa:
Gusto ko siyang saktan gaya
ng sakit na nadarama ko.
Gusto ko siyang saktan
na higit pa sa hapding nadarama niya.
Sa mga sugat na nakabalatay
sa buo niyang katawan
Pero di ko magawa.
Bago pa man ako makaamba,
siya'y lugmok na
pagkat tunay na mahina.
(Mula sa Mahina ni Lilia F. Antonio)
5. Paggamit ng Simbolo - Ang simbolo sa sining ng pagtula ay pagpapahiwatig o
paglalahad ng mga bagay, pangyayari, tao, kaisipan o katangian sa pamamagitan ng
mga pananda (signs) at mga sagisag. Sa simbolo may nakakubling kahulugang
pinapahiwatig lamang ng makata sa halip na tahasang ipahayag.
6. Talinghaga - Ayon kay Virgilio Almario, ang talinghaga ang utak ng paglilikha at
disiplinang pumapatnubay sa haraya at sa pagpili ng salita habang isinasagawa ang
tula. Samakatwid, ang talinghaga ay may kahulugang higit na malalim sa literal na
ipinapahayag. Iba't iba ang paraan ng pananalinghaga o paggamit ng tayutay tulad
ng metapora,
pagwawangis, personipikasyon, pagmamalabis, atbp.