You are on page 1of 2

GEED 10133 – PANITIKANG FILIPINO 11 Hunyo 2020

Gawain:
A. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga salawikain ng mga katutubong Pilipino.
Tukuyin ang karunungan na nakapaloob sa mga ito at ipaliwanag.

1. “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan


ay hindi makakarating sa paroroonan.”
- Ang nais na ipabatid ng salawikain na ito ay dapat maging mapagkumbaba
tayo at matutong magpasalamat sa ano mang biyaya na dumating sa atin.
Maihahalintulad ito sa estado ng isang tao na kung siya’y yumaman at galing
siya sa hirap, dapat balikan niya ang kanyang nakaraan at matutong
magpasalamat sa mga nakamit niya sa buhay.

2. “Aanhin pa ang damo


kung patay na ang kabayo.”
- Ang salawikain na ito ay tumutukoy sa pagpapaliban ng mga gawain. Marami
sa ating mga Pilipino, lalo na mga kabataan, ang mahilig magpaliban ng
kanilang mga gawain dahil sa katamaran at dahil ditto, hindi nila natatapos
ang kanilang mga gawain sa itinakdang oras.

3. “Ang taong nagigipit


sa patalim man ay kakapit.”
- Ang pagkakaintindi ko sa salawikain na ito ay kapag ang isang tao ay
nakaharap ng isang problemang sa tingin niya’y hindi niya kayang harapin,
ito’y gagawa ng masamang gawain.

4. “Bago mo pansinin ang uling ng iba


ang sariling uling ay pahirin muna.”
- Ayon sa aking pangunawa, ito ay tumutukoy na huwag natin pakialaman ang
pagkakamali ng isang tao nang hindi natin tinitignan ang ating sariling
pagkakamali.
5. “Ang magtanim ng hangin
bagyo ang aanihin.”
- Ang salawikain na ito ay tumtutukoy sa aral ng karma. Kapag gumawa ka ng
masama sa iyong kapwa, babalik ang kasamaan na iyong ginawa nang mas
higit pa.

B. Bumuo ng sariling salawikain batay sa mga payo mula sa nakatatanda at


mga natutunan mo sa buhay.
- “Sa gitna ng kadiliman
may buwan na nagbibigay kagandahan.”

- “Pagong man ang iyong progreso


ang mahalaga ay hindi ka sumusuko”

You might also like