You are on page 1of 2

Bugtong. Ito ay isang palaisipan o talinghaga na may nakatagong kahulugan.

Ang bugtong ay Isang pangungusap na


patanong nahumihingi ng kasagutan. Ang mga bugtong ay kadalasang patungkol sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw
na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
Mga halimbawa ng Bugtong na may Sagot:
1. Maikling landasin, di maubos lakarin. – ANINO (SHADOW)
2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. – sinturon (belt)
3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. – sapatos (shoes)
4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. – langgam (ant)
5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay. – kandila (candle)

Karagdagang Mga Bugtong


1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
13. Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
14. May bintana nguni’t walang bubungan,
may pinto nguni’t walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo
18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata
19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket
22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: batya
23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta
24. Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola
25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma

Ang mga salawikaing Pilipino [4][5] ay mga tradisyonal na kasabihang ginagamit ng mga Pilipino batay sa katutubong
kalinangan, karunungan, at pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas. Katumbas din ng
salitang salawikain ang sawikain (bagaman maaari ring tumukoy ang sawikain sa mga moto o idyoma), at
ng Ilokanong sarsarita. Nilalarawan ang salawikain nagmumula sa Pilipinas bilang makapangyarihan at makatang
pagpapadama at payak na anyo ng mga pahiwatig. Kapag ginamit sa pang-araw-araw na pag-uusap, gumaganap ang mga
salawikain bilang mga pagbibigay - diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o dahilan: ang Pilisopiyang
Pilipino.[5] Isang tanyag na katutubong salawikaing Pilipino ang mga katagang: Ang taong hindi marunong umalala o
lumingon sa kaniyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kaniyang paroroonan. Isa itong salawikaing Tagalog na
naglalahad at humihikayat sa isang tao upang bigyan ng pagpapahalaga ang muling pagtanaw sa kaniyang pinagmulan at
pinag-ugatan.

 Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.


Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito
sa kasalan.

 Salawikain: Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.


Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng
naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.

 Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.


Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.

 Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at
gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

 Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.


Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na
nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

 Salawikain: Magkulang ka na sa asawa huwag lamang sa iyong anak..


Kahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang
mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag
ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.

 Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.


Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang
ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-
uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o
masamang) mga magulang.

 Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.


Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa
kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan mo.

 Salawikain: Ang taong ginigipit sa patalim man ay kumakapit.


Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na
maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na
pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan
upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.

You might also like