You are on page 1of 1

Introduksiyon:

Ang tayutay o retorika ay galing sa salitang rhetor na nangangahulugang guro o isang


mahusay na mananalumpati (Bendalan, 2013). Ito ay isang uri ng sining na naipapakita sa
pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay
maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan
bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na
pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at
mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na
siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal
na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas
na kasanayan sa pakikipagtalastasan.

You might also like