You are on page 1of 9

BAKIT MAHALAGA ANG RETORIKA?

Ang RETORIKA ay ang pagpapahayag o pagsasalita


sa harap ng isa o maraming tao, sa makatuwid
mahalaga ang retorika upang makapagpahayag ka ng
iyong mga nararamdaman sa mga bagay- bagay.
Mahalaga ito sa pang araw-araw dahil kapag walang
retorika magiging napakatahimik ng mundo at
walang komunikasyon at interaksyon ang magaganap
sa bawat isa, hindi magagamit ang wika ng bawat isa
at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat
indibidwal. Mawawala ang ating pagkakaisa.
"Ang kahalagahan ng retorika ay
maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa
isang putahe. Ito'y nakapagbibgay lasa sa
isang sulatin o kaya'y kapag ang isang tao ay
bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din
dito ang kalaliman ng isang tao. Ito'y pinag-
iisipan. Napakasarap pakinggan ng mga
salitang ginamitan ng retorika. Nakakaaliw din
basahin ang isang sanaysay kapag ito'y
ginamitan ng retorika."- (halaw mula sa
salaysay ni Shark Shedie)
Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao
dahil ito ay nagbibigay daan sa mga aktibidades na ginagawa
ng tao tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-argumento at
paghahanap ng impormasyon at kaalaman. Sa pakikipag-
usap, mahalagang sangkap ang retorika upang maipahayag
ng mabuti at komprehensibo ang mga damdamin ng nag-
uusap. Mahalaga rin ito sa pakikipag-argumento dahil ito ay
tanda ng pagbibigay diin sa mga puntong nais na ipahayag.
Mahalaga rin ito upang magkaroon ng maayos na
pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang panig na hindi
magkasundo sa iisang pamamaraan o paniniwala. Higit sa
lahat, ang retorika ay mainam na instrumento sa pagkakalap
ng impormasyon at pamamahagi nito. Sapagkat
kinakailangan ng tao ang matuto at malinang ang pag-iisip.
Ang Kahalagahan Retorikang Pagpapahayag

1. Pangkomunikatibo
2. Panrelihiyon
3. Pampanitikan
4. Pang-ekonomiya
5. Pangmedia
6. Pampulitika
Pasalita at Pasulat na Pagpapahayag

Ano man ang ating iniisip o nadarama ay


maaari nating ipahayag sa pasalita o
pasulat na paraan upang maunawaan ng
iba pang tao. Samakatwid, dahil sa
retorika, ang dalawa o higit pang tao ay
nagkakaroon ng komunikasyon
Katangian ng Retorika at Masining na
pagpapahayag
1. Ang retorika ay simbolikal
– o Ang mga simbolo ay kinakatawan ng mga letra, imahe o kaya’y kumpas
 

na may ipinararating na ideya o kaya nama’y natatagong kahulugan


2. Ang retorika ay nagsasangkot ng mga tagapakinig
-kapag nag-usap o nagkaroon ng instensyon ang dalawang tao na
magpalitan ng impormasyon.
-intensyon ng retor na magbigay ng impormasyon o manghikayat
ng mga tagapakinig
Ang retor at ang mga tagapakinig ay dapat nagkakaintindihan sa
mga simbolong kanilang ginagamit. Ang wika o mga salita ay dapat
naiintindihan ng tagapakinig. Mas magkakaintindihan ang Ilokano
kung ang kausap ay ang kapwa Ilokano, kaysa ang Ilokano at isang
Maranao
3. Ang retorika ay nagpapatatag sa maaaring maging katotohanan
-Ang gumagamit nito ay nangungusap sa wika ng ngayon.
5. Ang retorika ay nagpapatatag sa maaaring maging katotohanan
6. Ang retorika ay mapagkunwari o mapagmalabis na paggamit ng
wika. 
-Sa ilalim ng mga tayutay, nilalayon nitong tumalon mula sa realidad
sa mapaglarong mundo ng imahinasyon ng awdyens. Nakadadala ng
damdamin ang ganitong mga pahayag. Nakaradargdag pa ito ng kulay
at nagbibigay ng ibayong kahulugan sa batayang salita.
7. Ang retorika ay nagbibigay lakas/kapangyarihan
-Ang kapangyarihang panlipunan ay karaniwang nakukuha sa galing
ng pagsasalita sa harap ng publiko. Ang mga pulitiko, pastor,
negosyante, titser, at iba pang maykapangyarihan o awtoridad ay
nakaiimpluwensya/nakapaghihikayat ng tao. Sa totoo lang, hindi lahat
ng tao ay kayang gawin ito. Sa pamamagitan ng kanilang mga
talumpati, sermon, sales talk, lektyur ay napasusunod,
napahahangaat napakikilos nila ang kanilang awdyens.
6. Ang retorika ay malikhain at analitiko.
-mabigyan ng kongkretong imahe ang mga tagapakinig sa
pamamagitan lamang ng mga salita. Sa pagiging malikhain, kailangan
ng isang tagapagsalita na magkaroon ng malinaw na ugnayan sa mga
tagapakinig upang maging epektibo ang komunikasyon sa pagitan niya
at ng tagapakinig.
- Kung may kakayahang maging malikhain ang isang tagapagsalita,
nangangahulugan itong anumang ideya ang kanyang nasasagap ay
kaya niya ring maanalisa.
7. Nagsusupling na Sining
Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman. Halimbawa ang isang
manunulat ay nagsisimula sa isang ideya sa isipan at nagsusupling ng
isang akda. Ang mambabasa naman ay nagsisimula sa pagbabasa at
nagbibinhi ng kaalaman sa kanyang isipan. Walang hangganan ang
pagsusupling at pagpapasa ng kaalaman sa pamamagitan ng retorika
hanggat may nagsasalita at nakikinig, may nagsusulat at nagbabasa.
Kakayahan sa Pagpapahayag
· Kakayahang linggwistika
        

– o Ang bawat aspektong pang wika (ponolohiya,


  

morpolohiya at sintaksis) ay masusing pinag-aaralan,


sa gayon, ang paggamit ng wika, ang
pinakainstrumento sa pagpapahayag, ay magiging
matatas, masining at mabisa
· Kakayahang komunikatibo
        

– o Bukod sa maingat, maayos at masinop na paggamit


  

ng wika, ang matalino, maguniguni at masinop na


paggamit ng wika, ang matalino, maguniguni at
malikhaing pagsasabuhay nito sa bawat sitwasyong
kinalalagyan ng tao ay napangyayaring matagumpay

You might also like