You are on page 1of 2

Jackilyn Mae Ortiz ika-23 ng Setyembre 2019

BSN 1 – A Gng. Rebamonte

REAKSYON/REPLEKSYON
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino

Bago paman dumating ang mga dayuhan upang maging parte tayo ng kolonisasyon nila, nagkaroon
na tayo ng ating sariling wika at alpabeto. Ito ay ang ating Alibata/Baybayin na may 17 letra; 3 patinig at 14
katinig. Ang Baybayin ay hango sa salitang baybay (to spell). Tinawag ito na Alibata ni Paul Versoza noong
dekada 20 at itinaguriang pinakamatandang alpabeto. Noon paman ginagamit na nila ito kaya nung dumating
ang mga Kastila, nagbago ang ginagamit ng mga Pilipino. Ito ay ang Abecedario o ang wikang Romano.
Pagkatapos, nang nakawala na tayo sa pamamahala nila, dumating naman ang mga Amerikano na tinuruan
naman tayo ng bagong wika at alpabeto na may 26 letra; 5 patinig at 21 katinig. Nang malaya na tayo sa
kanila, umunlad naman ang ating sariling alpabeto na naging Alpabetong Pilipino mula kay Lope K. Santos
na binubuo ng 20 letra; 5 patinig, 15 katinig. Sumunod naman ang pinagyamang alpabeto na may idinagdag
na 11 letra: c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x at z. At sa huli, ang ginagamit parin natin hanggang ngayon ay ang
tinaguriang Alpabetong Filipino na binubuo ng 28 letra; 5 patinig, 23 katinig. Ang paraan ng pagbigkas nito
ay batay sa wikang Ingles. Ito rin ay halo-halo ng mga diyalekto, lengguwahe sa ibang bansa o hinango sa
ating mga katutubong wika.

Dahil sa kaalaman natin nito, nagkaroon tayo ng pondo kung saan at ano talaga ang nangyari at
naging sistema na dinaraanan ng ating sariling wika at alpabetong ginagamit natin ngayon. Mas lumago ang
ating komunikasyon dito sa bansa dahil rin sa mga napagdaanan nito. Kung hindi man ito nangyari, wala ang
alpabeto na ating nakamit at ginagamit ngayon kaya mayroon paring magandang naidudulot ang nakuhang
pagkolonya ng ibang bansa kasi ngayon humihiram tayo ng kanilang wika upang maidagdag sa ating sariling
wika. Mas pinahalagahan ko na rin ito dahil pinaghirapan ito ng ating mga ninuno na ipaglaban ang kalayaan
ng ating bansa na nag resulta sa dami-daming natatamasa natin ngayon at isa na diyan ay ang pagkakaroon
ng sariling wika at alpabeto na isinagawa hindi lang para sa atin kundi para rin umunlad ang ating bansa at
mas magkakaroon ng globalisasyon ang ating punterya. At sa pinaniniwalaan ko, hindi ito palaging
Alpabetong Filipino lamang, sa darating na mga taon ay magbabago o may maidagdag na naman sa mga letra
sa alpabeto dahil sa salitang ‘ebolusyon’ pa lamang ay may dadating na bago at alam na natin na mas mapabuti
pa ito para sa kapakanan ng kapwa nating mga Filipino na maaaring mas madali ang pagkakaroon ng
komunikasyon natin sa isa’t isa.

You might also like