You are on page 1of 105

PAUNANG SALITA

Ang modyul sa Filipino 31 ay sumasaklaw sa pag-aaral ng ugnayan ng wika, kultura,


at lipunan. Kung paano ginamit ang pambansang wikang Filipino at ang kultura tungo sa
mapayapa at maunlad na pamumuhay sa lipunan. Isinulat ang modyul na ito upang
magamit bilang isang kagamitang pampagtuturo na angkop sa napapanahong flexible
learning. Pangunahing layunin ng modyul na ito na ipagpatuloy ang pampagtuturo gamit
ang makabagong proseso para sa new normal tungo sa epektibong pagkatuto ng mga
mag-aaral sa kabila ng krisis na hinaharap sa kasalukuyan.

Ito ay hango sa librong “Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan” na akda ni


Nerissa L. Hufana, PhD, et al. (2018). Ito ay pinaunlad lamang ng guro na sina Mercy
Alsonado, Gine Mae Lagnason, Fe Mantong na siyang nagtuturo sa nasabing asignatura .
Ang mga nilalaman o ideya na nakapaloob sa modyul ay hindi inaangkin ng may-akda o
naghanda ng modyul na ito.

No copyright infringement intended


ANG NAGHANDA NG MODYUL

MERCY T. ALSONADO
Guro sa Filipino 31

FE H. MANTONG
Guro sa Filipino 31

GINE MAE LAGNASON


Guro sa Filipino 31
TALAAN NG NILALAMAN

 I. Mga Paunang Pahina


a. Paunang Salita
b. Ang Naghanda ng Modyul
c. Talaan ng Nilalaman

 II. Pangkalahatang Ideya


a. Introduksiyon
b. Inaasahang Resulta ng Pag-aaral
c. Takdang Oras

 III. YUNIT 1 Ang Wika


a. Layuning ng Pag-aaral
b. Nilalaman
c. Reperensiya

 IV. YUNIT 2 Ang Wika sa Lipunan


a. Layuning ng Pag-aaral
b. Nilalaman
c. Reperensiya

 V. YUNIT 3 Mga Estruktura ng Wika sa Lipunan


a. Layuning ng Pag-aaral
b. Nilalaman
c. Reperensiya

 VI. YUNIT 4 Ang Kulturang Pilipino


a. Layuning ng Pag-aaral
b. Nilalaman
c. Reperensiya

 VII. YUNIT 5 Katangian, Manifestasyon, at mga Komponent ng Kultura


a. Layuning ng Pag-aaral
b. Nilalaman
c. Reperensiya

 III. YUNIT 6 Ilang Grupo sa Pilipinas na may Natatanging Kultura


a. Layuning ng Pag-aaral
b. Nilalaman
c. Reperensiya

 IV. YUNIT 7 Visayas


a. Layuning ng Pag-aaral
b. Nilalaman
c. Reperensiya

 V. YUNIT 8 Ang mga Lumad sa Mindanao


a. Layuning ng Pag-aaral
b. Nilalaman
c. Reperensiya

 VI. YUNIT 9 Wika at Kultura ng Ilang mga Muslim sa Mindanao


a. Layuning ng Pag-aaral
b. Nilalaman
c. Reperensiya

 VII. YUNIT 10 SINTESIS


a. Layuning ng Pag-aaral
b. Nilalaman
c. Reperensiya
PANGKALAHATANG-IDEYA

A. Introduksiyon

Ang wika, kultura, at lipunan ay magkakaugnay. Wika ang pangunahing ginagamit ng


tao bilang instrumento sa kanyang pakikipag-ugnay sa lipunan at kultura. Ano nga ba ang
wika at ano ang relasyon nito sa kultura at lipunan? Wika ang pangunahing
nagpapahayag ng kultura – ang pangunahing prinsipyo na ipinahihiwatig dito. Ang kultura
naman ay repleksiyon nf lipunang kinabibilangan ng bawat indibidwal. Kung ano ang wika at
kultura ng isang tao, bunga ito ng lipunang kanyang kinalakhan. Tunay nga na nang isilang
ang isang tao ay wala pa siyang wika.
Ang modyul sa Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan (FIL 31) ay sumasaklaw sa
pag-aaral ng ugnayan ng wika, kultura, at lipunan. Kung paano ginamit ang pambansang
wikang Filipino at ang kultura tungo sa mapayapa at maunlad na pamumuhay sa lipunan.
Isang kursong may mga layuning ipalaganap ang kahalagahan ng pagkatuto ng wika at
kultura ng anumang lipunan. Ang pag-alam ng kung ano ka at ano sila, lalo na ang pag-unawa
sa kanila ay makatutulong ng malaki sa katiwasayan at pag-unlad ng isang lipunan at ng
buong bansang Pilipinas. Ito ang malaking papel na ginagampanan ng pag-unawa sa kultura
ng iba – ang matagal at nilulumot nang minimithing kapayapaan.

B. Inaasahang Resulta ng Pag-aaral

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral/mambabasa ay inaasahang:


1. Mailalahad ang kahulugan ng wika, kultura, at lipunan pati na ang dagdag na
kaalaman tungkol dito.
2. Matatalakay ang iba’t ibang termino na may kaugnayan sa wika, kultura, at lipunan.
3. Maipapahayag ang kaugnayan ng wika, kultura, at lipunan ayon sa konteksto ng
lipunang Pilipinas.
4. Malilinang ang pagpapahalaga at pag-unawa sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng
pagtatalakay ng wika at kultura ng iba’t ibang pangkat sa Pilipinas.
5. Makakasuri ng iba’t ibang kulturang Pilipino bilang pagdiskurso sa pagkakatulad at
pagkakaiba ng kulturang nasa lipunang Pilipino
6. Makakabahagi ng sariling karanasan at kaalaman tungkol sa sariling wika at
kulturang kinagisnan.

C. Takdang Oras

Yunit Takdang Oras


Course Overview; Students Profiling; and Learning Plan & Orientation 2 na linggo
Aralin 1. Ang Wika 1 na linggo
Aralin 2. Ang Wika sa Lipunan 1 na linggo
Aralin 3. Mga Estruktura ng Wika sa Lipunan 1 na linggo
Aralin 4. Ang Kulturang Pilipino 1 na linggo
Aralin 5. Katangian, Manifestasyon, at mga Komponent ng Kultura 1 na linggo
Aralin 6. Ilang Grupo sa Pilipinas na may Natatanging Kultura 1 na linggo
Aralin 7: Visayas 3 na linggo
Aralin 8: Ang mga Lumad sa Mindanao 3 na linggo
Aralin 9: Wika at Kultura ng Ilang mga Muslim sa Mindanao
2 na linggo
Aralin 10: SINTESIS
Kabuuan 16 na linggo
* (As per CHED requirement 18 weeks including MidTerm and Final Term)*
ARALIN 1
ANG WIKA
Layunin ng Pag-aaral:
 Makapagsasagawa ng presentasyon ukol sa mga paksang may kaunayan sa Wika.

1.1. WIKA
Ang pinakamahalagang interes ng pag-aaral sa wika ay hindi ang wika mismo
kundi ang gamit nito- kung paano ang wika nagpapakilala sa tao, ang sosyal niyang
kaligiran, mga pangarap at mithiin niya, persepsyon nila sa bawat isa, at ang sitwasyon sa
lipunan na kung saan siya kasapi (A.D. Edwards, 1979).
Sa bahaging ito ay tatalakayin ang pagbabalik- tanaw sa kahulugan ng wika at ilan
pang impormasyon sa wika bilang wika. At ang pinakatunguhin ng susunod pang
talakayan ay ang pag-aaral sa wika bilang kultura at ang kaugnayan nito sa araw-araw na
pakikisalamuha ng tao sa kapuwa niya tao at sa iba pang miyembro ng lipunan na
kanyang kinabibilangan. Gamit pa rin ang wika – natututo siyang makitungo sa mga
taong nasa labas ng kanyang lipunan.
Bawat wika ay may perpektong sistema, kaya walang sinumang makapagsabi na
nakahihigit o mas nangunguna ang wika niya kaysa sa iba. Kung may pangalan o simbolo
ang isang bagay sa mga Amerikano, ganoon din ito sa mga Pilipino. Sa mahigit na 6,000
wika sa buong daigdig, walang nakalalamang o superyor na wika.

1.2. PINAGMULAN NG WIKA


Walang tao o aklat man ang nakapagpapatunay na ang wika ay nag-ugat o
nanggaling sa isang tiyak na tao, bagay o pangyayari. Ang lahat ng tungkol sa pinagmulan
nito ay puro mga haka-haka o pansariling opinyon lamang kaya magpahanggang ngayon
ay patuloy ang pagtatalo hinggil sa pinag-ugatan nito.
Saan nga ba nagmula ang wika? Ayon sa iba’t ibang manunulat at teorista, ang mga
Egyptian daw ang pinakamatandang lahi kaya ang wikang Egyptian ang
pinakamatandang wika. Ang manlilikha ng panalita para sa kanila ay si Haring Thot.
Mula sa aklat nina Fromkin, V. & R. Rodman (1983) ay sinasabing ang lahat ng
kultura ay may kani-kanilang kuwento ng pinagmulan ng wika. Kung minsan, ang
mga kuwentong ito ay walang kabuluhan ngunit kinawiwilihan at pinaniniwalaan
dahil parang may katotohanan nga para sa kanila. Sa aklat naman ni Darsna Tyagi
(2006), sinasabing sa China, naniniwala sila na ang Son of Heaven na si Tien-Zu ang
nagbigay ng wika at kapangyarihan. Sa Japan naman, ang manlilikha nila ng wika ay
si Amaterasu. Ang ibang teorya ay nagsasabing ang wika ay kasama na ng pag- anak o
paglikha ng tao. Ang Genesis Story/Divine Theory ay nagpapaliwanag din na ibinigay
ng Diyos sa tao ang wika. Binigyan ng Diyos ng kapangyarihan ang tao para
magpangalan sa mga bagay-bagay. Sa mga Babylonians, ang nagbigay raw ng wika sa
kanila ay si God Nabu at para sa mga Hindu, ang kakayahan nila sa wika ay ibinigay
ng babaeng Diyos nila na si Saravasti na asawa ni Brahma, ang tagapaglikha ng
sangkatauhan.
Totoo man o hindi ang lahat ng ito, dahil wala pang wika, may iba't ibang
paraan ng komunikasyon noong unang panahon. Ayon pa rin kay Hoebel (1996)
walang makapagsasabi kung saan o kung paano ba talaga nagsimula ang wika.
Maaaring ang tao noon ay nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak,
paghiyaw, pagkilos o paggalaw, pagkumpas ng kamay hangga’t ang mga senyas na ito
ay binigyan ng mga simbolo at kahulugan.
Tandaan na ang pahapyaw na pag-aaral na ito sa wika ay makatutulong sa pag-
unawa kung bakit ang bawat indibidwal ay kakaiba hindi lamang sa pisikal na
kaanyuan kundi maging sa kanyang panalita na isa sa batayan kung bakit siya
kakaiba sa lahat. Ang wika bilang isang kultura ay malaking faktor sa pagkilala sa
kapuwa.

1.3. DEPINISYON NG WIKA


1. Edward Sapir (1949) – ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdaminat mithiin.
2. Caroll (1954) – ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng
maraming dantaon at pagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon
ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-
aaralan o natutunan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat
o komunidad.
3. Todd (1987) – ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog
kundi ito ay sinusulat din. Ang tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at
sistematiko. Dahil dito, walang dalawang wikang magkapareho bagaman ang
bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.
4. Buensuceso- ang wika ay isang arbitraryong sistema ng mga tunog o ponema na
ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan.
5. Tumangan, Sr. et al. (1997) - Ang wika ay isang kabuuan ng mga na panandang
binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at
nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao
1.4. IBA’T IBANG TEORYA SA WIKA
1. Bow-wow – Pinaninindigan ng teoryang ito ang panggagaya sa mga likas na
tunog gaya ng ngiyaw ng pusa at tilaok ng manok.
2. Poo-pooh – naniniwalang ang wika ay galing sa instinktibong pagbulalas na
nagsasaad ng sakit, galak, galit, tuwa, at iba pa. Ipinalalagay na ang unang mga
pananalitang nalikha ay mga mga padamdam na nagpapahayag ng biglang sulak
at masidhing damdamin.
3. Ding dong – kilala rin sa tawag na teoryang natibisko na may ugnayang misteryo
ang mga tunog at katuturan ng isang wika at bagay-bagay sa paligid.
4. Yum-yum – nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng kumpas sa
alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon.
5. Yo-he-ho – naniniwalang ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalikha ng mga
taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho o puwersang pisikal.
6. Tarara-boom-de-ay – mga tunog mula sa ritwal ng mga sinaunang tao na naging
daan upang magsalita ang tao. Ang mga sayaw, sigaw, o inkantasyon at mga
bulong ay binigyan nila ng kahulugan at sa pagdaraan ng panahon, ito ay
nagbago.

1.5. IBA'T IBANG PANANAW SA WIKA


Sinabi ni Virgilio Almario, “Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo”.
Natumbok sa winika ni Almario ang ugnayan ng wika, kultura, at lipunan. Kung ano
ang sinasabi at wikang sinasalita ng tao, iyon din ang uri ng pagkataong mayroon
siya. Nahulma ang pagkatao ng isang indibidwal mula sa kanyang ugali, paniniwala,
at pamamaraan ng buhay na maaaring bunga ng lipunang kinabibilangan.
Impluwensya ito ng kinalakhang lipunan kaya kung paano magsalita at ano ang
paggamit ng wika ay larawan din ng ugali. Bagaman pamilya ang unang may
malaking ambag sa paghubog ng pagkatao ngunit ang patuloy na pakikisalamuha sa
lipunan ay magdudulot din nang higit na ambag sa pagiging tao. Maaaring manatili
ang ilang kinagawian at pwede ring may mababago hindi lamang sa ugali o
paniniwala ngunit posible ring sa wika na sinasalita. Sa kabila ng matatag na
pagmamahal ng iba sa kanilang kinagisnan, maaaring may mababago o pagbabago
dulot din ng pagtanggap sa mga impluwensya ng lipunang dala sa pag-usbong ng
siyensya, teknolohiya, at integrasyon ng mga lipunan tulad ng ASEAN na integrasyon.
Kung may nakalilimot man, ito ay depende na sa tao at sa impluwensya ng lipunan sa
kanila.
Ang kabatiran sa isang wika ay kabatiran din sa lipunan na ginagamit ang wikang
ito. Karaniwan itong mapapansin sa karanasan ng mga Filipinong nagtatrabaho sa ibang
bansa. Halimbawa, ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho sa Saudi
Arabia na nagkikita sa isang hotel. Kung napapansin ni OFW-A na si OFW-B ay may
puntong Filipino (o kahit anong wika sa Pilipinas) sa pagsasalita, tatanungin agad ito ni
OFW-A kung taga-Pilipinas ba siya at saan sa Pilipinas. Magkakamustahan sa isa’t isa at
bahagi sa magiging paksa ng pag-uusap ay Pilipinas. Sa puntong ito, ang Pilipinas bilang
kanilang komon na lipunan ay nagsisilbing tulay sa kanilang komunikasyon. Tiyak pa,
gagamitin nila ang wikang Filipino sa pag-uusap. Ang pag-uusap ng dalawa ay palatandaan
ng pagkakaroon ng magandang ugnayan kahit hindi pa nila kilala ang bawat isa. Ito ang
sinasabi Trudgill (2000) na panlipunang tungkulin ng wika. Ipinahayag sa sitwasyong ito
na hindi lamang simpleng pakikipagkomunikasyon ng impormasyon ang Wika. Isa rin
itong pinakamahalagang paraan sa pagbuo at pagpatibay ng koneksyon at relasyon sa
ibang tao. Malamang ding ang pinakamahalagang bagay tungkol sa kanilang kombersasyon
ang lipunang nag-ugnay sa kanila at ang wikang ginagamit. Maaaring sa pagtira nila sa
ibang bansa ay may mga impluwensya at pagbabago sa kanilang ugali at kilos dahil sa
bagong wika, lipunan, at kultura ng palibot. Hindi naman ito hadlang sa pagpapanatili ng
wika at lipunang kinalakhan. Maliban na lamang kung magkakaroon ng tuluyang paglimot
ng kanyang pinanggalingan dulot sa kawalan ng pagkakataon na magamit ang wikang
kinagisnan at kawalan ng magpaalala sa pinagmulang lipunan. Ang sitwasyong ito ay gawi
ng tao sa kanyang wika o tinatawag na gawi sa wika (language behaviour). May binanggit
si Trudgill (2000) na dalawang aspekto ng gawi sa wika na mula sa panlipunang punto de
bista: (1) ang tungkulin ng wika sa pagbuo ng panlipunang relasyon, at (2) ang papel na
ginagampanan ng wika sa paghahatid ng impormasyon tungkol sa tagapagsalita. Sa unang
aspekto, isang instrumento ang wika sa pagkakaunawaan at pagbuo ng ugnayan sa isa't isa.
Ang ikalawang aspekto naman ay nagsasabing tagapaglarawan ang wika sa gumagamit
nito. Naglalahad ito ng estado sa buhay, ng kinabibilangang lipunan, ng ideolohiyang
pinaninindigan at iba pa. Malinaw na ang dalawang aspekto ng linggwistikong gawi na ito
ay mga repleksyon ng katotohanang mayroong malapit na inter-relasyon sa pagitan ng
wika at lipunan.
Talagang ang wika ay isang sistema ng komuknikasyon kung saan ang tunog o
simbolo ay nagtataglay ng mga bagay, kilos, at ideya. Ayon kay Tumangan, Sr. et al. (1977),
ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan
nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa, at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga
tao. Ginagamit ito sa komunikasyon. Bagaman ang wika ay primaryang sinasalita at hindi
sinusulat subalit sa paglalaganap ng teknolohiya at mga ambag ng pagbabago naging
esensyal na rin ang pasulat na anyo nito. Halimbawa, sa lipunan ng negosyador
pangkapayapaan at negosasyong pangkapayapaan (peace negotiator and peace
negotiation) ang pasulat na wika ay esensyal upang madokumento ang napagkasunduan at
anumang resolusyon. Kaya sa kasalukuyan, ang pag-unlad ng pasulat na midyum at sa
kalaunan ang sistema ng paglimbag ay naging daan na sa pagtatala ng mga impormasyon.
Maiiwasan o makapagtatanggal ng hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng paggamit
nito bilang instrumento sa ugnayan ng lipunan ng mga tao. Mungkahing kaisipan ito ni
Malinowski (nasa Gellner 1998) na wika ang pangunahing kaisipan ng pagkakaisa at
pakikipagtalamitam. lto ang isang kailangang-kailangan na kasangkapan para sa pagbuo ng
pagkakaisa ng lipunan sapagkat kung wala ito imposible ang pinag-isang panlipunang
kilos. Samakatuwid, wika ang pusod ng sangkatauhan at kabaitan.

Reperensiya:
• Hufana, N. L., Banawa, M. D., Gervacio, G. V., Pantorilla, C. R., Sajulga, A. C., & Tiosen, R. B. (2018). Wika
at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City: MUTYA Publishing House Inc.
ARALIN 2
ANG WIKA SA LIPUNAN
Layunin ng Pag-aaral:
 Makapagsasadula nang may pagsasaalang-alang ng kamalayan sa wika at kultura.

2.1. PANANAW SA UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN

Hindi maiwawaglit sa pagtalakay ng ugnayan ng wika at lipunan o anumang


tungkulin ng dalawa sa isa't isa ang pagtukoy sa kahulugan ng wika at lipunan. Nailahad na
sa unang bahagi ng aklat na ito ang kahulugan ng wika na sistema ng simbolo. Simbolo ito
na may mga elemento tulad ng ponolohiya, morpolohiya, sintaktika.,
semantika/pragmatika, at tuntunin gaya ng gramatika. Bunga ang mga ito sa
napagkasunduang paggamit ng lipunan sa isang wika. Sa kabilang banda naman, nabanggit
ni Wardhaugh (2006) na ang isang lipunan ay anumang grupo ng mga tao na
magkakasama para sa isang tiyak na layunin o mga layunin. Komprehensibong konsepto
ang lipunan dito ngunit mahalaga ang komprehensibong pananaw na ito dahil sa iba't
ibang uri ng mga lipunan na nagbibigay ng direktang impluwensya sa wika o bise bersa.
Maaaring mahulma rito ang kabuluhan ng wika sa palibot: ang wika ay kung ano ang
sinasalita ng isang partikular na lipunan. Halimbawa, ang lipunan ng mga bayot/bakla ay
may sariling wika na sila-sila lamang ang nakapagsasalita at nakauunawa. Kinikilala nila at
ng ibang grupo ang wikang ito sa tawag na bekimon. Gumagamit naman ng sarili nilang
wika ang lipunan ng mga doktor na sila-sila lamang ang maaaring makauunawa dahil sa
teknikal nitong kahulugan at anyo. Ang kalagayan na ito ng wika at lipunan ay
naipapaliwanag sa mga araling tumatalakay sa interrelasyon ng wika at lipunan sa isat isa.

2.2. SOSYOLINGGWISTIKA

Pag-aaral ito ng wika sa mga konteksto ng lipunan nito at ang pag-aaral ng buhay
panlipunan sa pamamagitan ng linggwistika (Coupland at Kaworkski, 1997). Pagtatagpo
ito ng wika at impluwensya ng lipunan sa isang tao. Siyentipiko na mapag aaralan ang wika
bilang hiwalay na bagay sa gumagamit nito. Ito ang gawain ng mga linggwista. Subalit, ang
lipunan na ginagamitan ng isang wika ay lumilikha ng epekto sa huli. Sa talakay ni
Wardhaugh (2006), ang sosyolinggwistika ay tungkol sa pagsisiyasat ng mga relasyon sa
pagitan ng wika at lipunan na may layuning sa pag-unawa sa istraktura ng wika at kung
paano gumagana ang mga wika sa komunikasyon. Higit ang empasis rito sa wika bilang
may direktang relasyon sa lipunan: Ito ay tinatawag rin na mikro-sosyolinggwistika.
Ang sosyolinggwistika ay malawak na larang, at maaari itong magamit upang
ilarawan ang maraming iba’t ibang paraan ng pag-aaral ng wika. Ito ba ay tungkol sa
kung paano ang mga indibidwal na nagsasalita gamitin ang wika? Ito ba ay tungkol sa
kung paano ginagamit ng mga tao ang wika sa magkakaibang bayan o rehiyon? Ito ba ay
tungkol sa kung paano ang isang bansa ay nagpasiya kung anong mga wika ang
makikilala sa mga korte o edukasyon? Sa kaso ng Pilipinas, ang pagkakaroon ng pulo-
pulong anyo nito ay lumilikha ng iba-ibang paraan ng paggamit ng wika. Matutunghayan
ito sa paraan ng pagbigkas, sa bokabularyong ginamit, sa istruktura, at iba pa. Bahagi ng
usapin din ng sosyolinggwistika ang pagkakaroon natin ng pambansang wika at mga
opisyal na wika - ang wikang Filipino at Ingles.
Sa pagitan ng mga tagapagsalita ng anumang wika, mayroong pagkakaiba-iba sa
paraan na ginagamit nila ang kanilang wika. Ito ang tinatawag na baryasyon ng wika,
Bahagi ito ng ugnayan ng wika sa lipunan kung saan ito ginagamit. Ang mga baryasyong
ito ay ipinakita ng mga pagkakaiba sa wika sa mga tuntunin ng tunog (ponetiko) at
istraktura (gramar). Maaaring may mga bahagyang pagkakaiba lamang sa pagitan ng
mga anyo ng isang wika, gaya sa paraan ng pagbigkas. Halimbawa, ang bigkas ng mga
Mindanawon sa /e/ ay /i/ kaya ang [pera] ay nagiging [pira]. Ito ang mapapansin sa
isang patalastas ng Palawan Pawnshop Express Pera Padala na pinagbidahan ni Aling
Dionisia, ang ina ni Senador Manny Pacquiao. Hindi lamang sa bahaging ito mapapansin
ang baryasyon sa wika. Minsan may mga pagkakaiba sa pagitan ng pagsasalita ng mga
kalalakihan at kababaihan, iba't ibang mga klase
Sa lipunan, at mga pagkakaiba sa pagitan ng mga pangkat ng edad. Samaktuwid,
ang sosyolinggwistika ay nakatuon sa pagkakaiba-iba ng wika na mula sa lipunan. Ang
mga baryasyong at pagkakaibang ito ay bunga ng mga panlabas na faktor o dahilan gaya
ng heyograpikal o grupong sosyal. Tinalakay nina Santos, et al. (2012) ang heyograpikal
at sosyal bilang pangunahing ugat sa pagkakaiba ng wika. Heyograpikal na pagkakaiba ng
wika ang magaganap dahil sa lugar o lokasyon ng tagagamit nito. Ito ang dahilan ng
pagkakaroon ng diyalekto o wikang subordineyt sa katulad ding wika kaya tangi lamang
ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon. Halimbawa, ang Cebuano ay magkakaroon ng ibang
paraan ng paggamit sa mga lugar ng Iligan kaya naging Cebuano-Iligan, Cagayan de Oro
kaya naging Cebuano-Cagayan de Oro, Surigao kaya may Cebuano-Surigaonon. Sosyal
naman na salik ng baryasyon ng wika ang tawag dahil sa posisyong sosyallo panlipunan
ng bawat grupo. Ang konteksto ng pagkakaiba ng gamit ng wika dulot ng sosyal na
paktor ay tinatawag naman na sosyolek. Halimbawa nito ang lipunan ng mga babae ay
mapapansing may sariling paraan ng pagpapahayag na kaiba rin sa mga lalaki.
Samakatuwid ito ay wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa lipunan.
Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, seks, uri ng trabaho, istatus sa buhay,
uri ng edukasyon, at iba pa. May mga paraan o barayti naman ng paggamit ng wika na
makikita sa sumusunod:

2.3. REHISTRO NG WIKA


Kilala rin ito sa tawag na Jargon. Set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng
mga grupong gumagamit nito na maaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali
sa grupo o hindi familyar sa profesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilalangan
(Santos, Hufana, at Magracia, 2008). Ang mga guro ay may mga salita na grupo lamang
nila ang nakauunawa at gumagawa/gumagamit tulad ng lesson plan. Ang mga abogado
naman ay may mga termino na sila lamang ang nakakaunawa gaya ng salitang order [sa
parirala na order of the court] na nangangahulagang kaayusan.
2.4. ARGOT
Ito ang sekretong wika na ginagamit ng mga grupong kinabibilangan, ngunit hindi
limitado, ng mga magnanakaw, at iba pang mga kriminal. Layunin nito na maiwasang
mabatid o maunawan ng mga hindi kasama sa grupo ang kombersasyon sa loob ng
samahan. Ano ang kaibahan nito sa balbal o slang na mga salita? Iba ang balbal sa
argot sapagkat hindi sikreto ang kahulugan ng mga salita, higit na pampubliko, mas
pangkalahatang magagamit at, siyempre, mas ‘kagalang-galang’. Ang argot naman ay
isang espesyal na bokabularyo o hanay ng mga idyoma na ginagamit ng isang
partikular na uri o grupong panlipunan, lalo na ng mga hindi sumusunod sa batas.
Tinatawag din itong cant at cryptolect.

Balbal Argot

Yosi Sigarilyo Sigue Sigue Commando Gang o grupo sa Bilibid


Parak Pulis Budol-budol gang Grupo ng tao na nangunguha ng
Tsimay Katulong pera sa pamamagitan ng panloloko

2.5. SOSYOLOHIYA NG WIKA


Nagmula ito sa larangan ng sosyolinggwistika kaya tinatawag din na makro-
sosyolinggwistika. Nakatuon din ang araling ito sa ugnayan ng wika at lipunan.
Manipis ang distinksyon ng dalawa kaya minsan sinasabing wala itong pagkakaiba sa
isa't isa. Proponent ng larang na ito sa ugnayan ng wika at lipunan ay ang kilalang
iskolar sa wika na si Joshua Fishman, ang kanyang pangunahing kontribusyon dito
ang pagbuo ng International Journal of the Sociology of Language.
Ano ang pagkakaiba ng sosyolohiya ng wika sa sosyolinggwistika? Sabi ni
Fishman (1997), patuloy na gumagamit ang tao ng wika- pasalita, pasulat, at maging
nakalimbag man- at patuloy rin siyang nakikipag-ugnay sa kapwa sa pamamagitan ng
mga ibinahaging mga norm ng pag-uugali. Dito nabuo ang papel ng sosyolohiya ng
wika na sumusuri sa interaksyon sa pagitan ng nabanggit na pag-uugali ng tao: ang
paggamit ng wika at ang sosyal na samahan ng pag-uugali (social organization of
behavior). Sa madaling salita, ang sosyolohiya ng wika ay sumasaklaw sa mga paksa
na may kaugnayan sa panlipunang samahan ng pag-uugali ng wika (social
organization oflanguage behavior), kabilang hindi lamang ang paggamit ng wika sa
bawat isa kundi kasama rin ang mga saloobin sa wika (language attitude) at mga pag-
uugali ng pag uusap sa wika at sa mga gumagamit ng wika. Lipunan ang tuon ng
sosyolohiya ng wika at ang relasyon nito sa wika samantalang ang sosyolinggwistika
ay tungkol naman sa relasyon ng wika sa lipunan. Maaaring sabihin sa bahaging ito
na ang dimarkasyon ng dalawa ay makikita sa paksang nais tingnan sa wika bilang
produkto ng lipunan. Halimbawa, kapag napapansin mo na si A ay may ibang
pagbigkas ng tunog kaysa kay B kahit pareho silang gumagamit ng wika ito ay may
kaugnayan sa sosyolinggwistika. Sa kabilang banda, kapag higit ang pagturing ni A sa
wikang lngles bilang wika ng karunungan at si B naman ay higit na nagsusulong sa
paggamit ng wikang Filipino bilang pambansang pagkakilanlan, ito ay nasa larang ng
sosyolohiya ng wika.
Sinusubukan ng sosyolohiya ng wika na matuklasan kung paano mas madaling
maunawaan ang estrukturang panlipunan sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika
(Wardhaugh, 2006). Bahagi rin ng sosyolohiya ng wika ang pagbibigay-diin sa mga
barayti at baryasyon ng wika subalit inilalagay ito sa konteksto ng pag-uugali para sa
sariling identipikasyon ng grupo, pagbuo ng grupo at pagkabuwag nito, at referential
membership behaviors (Fishman. 1975). Ang konsiderasyong ito ng sosyolohiya ng wika
ay tugon din sa konsiderasyon ng pag-unawa sa kaibahan ng bawat isa. Sa kabilang
banda, ang sariling identipikasyon gamit ang pag-uugali sa wika ay isang palatandaan ng
impluwensya ng lipunan sa wika. Maibibigay natin na halimbawa rito ang mga pangkat
etniko sa ating bansa. Kapag pinagbawalan sila na gumamit ng sariling wika tiyak na
magagalit sila. Ito ang nangyayaring sitwasyon sa ating bansa sa kasalukuyan. Simula pa
noong 1935 nagkaroon tayo ng probisyon sa ating Konstitusyon na magkaroon ng
wikang pambansa subalit hanggang sa kasalukuyan mayroon pa ring mga hesitasyon at
pagtanggi rito. Itinuturing ng ibang etnikong pangkat na pinaghaharian ng pambansang
wika, ang Filipino, ang Pilipinas kaya mawawalan nang halaga ang mga bernakular na
wika sa ating bansa. Ngunit, layunin lamang ng hangarin na ito na magkaroon ng
pagkakaugnay ang mga taong may iba-ibang sinasalitang wika para sa pagkakaunawaan.
Ganito rin ang mangyayari sa proseso ng kasunduang pangkapayaan, magiging hindi ito
epektibo kapag ang ginagamit na wika ay hindi abot ng matalas na pag-unawa ng sangkot
dito.

2.6. ANTROPOLOHIKONG LINGGWISTIKA


Bahagi ito ng larang ng linggwistika na may kinalaman sa lugar ng wika sa mas
malawak na konteksto ng lipunan at kultura nito, at ang papel nito sa paggawa at
pagpapanatili ng mga kultural na kasanayan at mga panlipunang kaayusan. Tinitingnan
sa antropolohikal na linggwistika ang wika sa pamamagitan ng lente ng antropolohikal
na konsepto-kultura-upang makita ang kahulugan sa likod ng paggamit, maling paggamit
o hindi paggamit ng wika, ng iba't ibang anyo nito, mga rehistro at estilo.
Interpretatibong larang ito ng paghihimay-himay sa wika upang makahanap ng kultural
na pag-unawa. Katulad ng sosyolohiya ng wika, ito ay may kaugnayan din sa
sosyolinggwistika. Kung ang hanap ng larang na ito ay makahanap ng kultural na pag-
unawa sa likod ng pag-uugali sa wika, ang sosyolinggwistika naman at tumitingin sa wika
bilang panlipunang institusyon na nagdadala ng panlipunang interaksyon (Foley, 1997).
Sinabi ni Foley (1997) na magkaiba na larang ang antropolohikal na linggwistika
at linggwistikang antropolohiya. Higit diumano na binibigyan nang diin sa una ang larang
ng linggwistika upang maipaliwanag ang kultural na konteksto ng wika. Sa kabilang
banda, ang huli naman ay nagbibigay raw ng higit na empasis sa larang ng antropolohiya
sa pagbabasa ng wika. Pinutol ang dimarkasyong ito ni Dell Hymes (nasa Duranti, 2009)
nang ginamit niya ang terminong linggwistikang antropolohiya upang tukuyin ang
pagdulog antropolohikal sa pag-aaral ng wika. Nagpahayag si Duranti (2009) ng
dalawang alalahanin ng antropolohiya sa wika o linggwistikang antropolohiya: (1) upang
panatilihin ang pag-aaral ng wika bilang isang sentral na bahagi ng disiplina ng
antropolohiya, at, (2) upang palawakin ang konsepto ng wika na lampas sa makitid na
interes sa estrakturang gramatikal.
2.7. ETNOLINGGWISTIKA
Ugnayan ng wika at kultura ang tunon ng larang na ito sa pag-aaral ng wika. Ayon
kay Underhill (2012) pag-aaral ito sa relasyon sa pagitan ng wika at komunidad. May
konotasyon ang larang na ito kung pagbabatayan ang kasamang salita nitong etnik/o na
maaaring tumukoy sa mga marhinal na grupo - mga Lumad, Igorot, Meranao, at iba pa.
Paliwanag ni Underhill, may dalang konotasyon ang pang-uri na etnik (sa
etnolinggwistika) na iba dahil sa mga marhinal na grupo. Habang ito naman ay maaaring
mangangahulugang karaniwang grupo gaya ng imigrant na grupo, at mayoryang grupo.
Gayunpaman, sa lente nito higit ang pagtingin sa pag-aaral ng wika sapagkat ito ay isang
larang ng lingguwistika na pag- aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at kultura, at ang
paraan ng iba't ibang grupo ng etniko na nakikita ang mundo. Ito ang kumbinasyon sa
pagitan ng etnolohiya at lingguwistika. Kinikilala rin ito bilang kultural na linggwistika.
Halimbawa, mauunawaan lamang ng mga kapatid nating Meranao ang konsepto at
pagpapakahulugan ng rido ngunit kahit maiintindinhan ito Kristiyano, hindi pa rin lubos
itong maramdaman sapagkat wala sa kanilang kultura.

Reperensiya:
• Hufana, N. L., Banawa, M. D., Gervacio, G. V., Pantorilla, C. R., Sajulga, A. C., & Tiosen, R. B. (2018). Wika
at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City: MUTYA Publishing House Inc.
ARALIN 3
MGA ESTRUKTURA NG WIKA SA LIPUNAN
Layunin ng Pag-aaral:
 Makapagmamapa ng mga gawaing kaugnay sa isasagawang panayam sa piling
pangkat-etnikong.

3.1. PANLIPUNANG ESTRUKTURA NG WIKA


May maraming mga posibleng relasyon sa pagitan ng wika at lipunan. Isa na rito
ang panlipunang istruktura na maaaring makaimpluwensya o kumilala ng linggwistikong
estruktura at/o pag-ugali. Halimbawa rito ang ating bansang Pilipinas na may iba- ibang
wika na sinasalita dahil sa anyo nito na pulo-pulo. Ang mga barayti ng wika na ginagamit
rito ay sumasalamin sa kanilang kinabibilangang rehiyon, sosyal o etnikong pinagmulan
at maaaring kasarian rin. Gayundin, ang Pilipinas bilang bansang sinakop ng ilang taon ay
naging dahilan rin para makabuo ng wika o makapagpaunlad ng wikang pinaghalo ng
wika ng mananakop (halimbawa Kastila) at wikang bernakular - gaya ng Chavacano sa
Lungsod ng Zamboanga. Ang mga nabuong wika rito ay wika ng lipunan na higit na
ipinapaliwanag sa mga salik na tinalakay sa ibaba.
Ang tinatawag na communicative isolation ay ang hiwalay na pag-uusap sa pagitan
ng mga pangkat sa isang partikular na lugar o bansa. Nangingibabaw pa rin ang
rehiyonalismo. Natututo ang mga bata sa wikang kanilang sinasalita at pinatatatag ang
katangiang taglay na kalikasan ng isang dayalektong nagamit na.
Ang pagbabagong ito ng wikang sinasalita ng isang partikular na lugar ay hindi
nangangahulugan na kakalat na ito sa ibang lugar. Sa isang grupo ng mga tagapagsalita
na parating nag-uusap-usap sa isa't isa ay maibabahagi nila ang pagbabagong ito sa
kanilang grupo at matutunan ito ng kanilang mga anak o iba pang kasambahay.
Kung mayroon mang pisikal na hadlang sa pakikipagkomunikasyon tulad ng dagat,
bundok o maaaring sa lipunan tulad ng pulitikal, mga angkan o grupo ng tao at maging sa
uri ng relihiyon- sa madaling salita hindi maibabahagi nang madalian ang pagbabagong
linggwistik sapagkat may mga hadlang o sagabal (interference) sa komunikasyon at
dahilan na rin sa kalakasan ng pagkakaiba sa dayalekto (dialectal differences). Ang
pagkakaiba sa mga dayalekto ay ang pagbabago ng wikang sinasalita ng lipunan na
umusbong sa isang rehiyon na hindi naibabahagi sa iba pang rehiyon. Kasamang
maririnig ang pagkakaiba sa punto tuwing magsasalita. Ang punto o accent ay
ponolohikal o ponetik na pagbabago sa paraan ng pagbigkas at katangian ng pagsasalita
na siyang pagkakakilanlan sa taong nagsasalita ng nasabing dayalekto.
3.2. DIYALEKTO
Varayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong
wikain at ginagamit sa isang partikular na rehiyon, malaki man o maliit. Makikilala ang
dayalekto hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distink na bokabularyo
kundi maging sa punto o tono at sa istruktura ng pangungusap. Katulad din ito ng
bernakular na palasak sa isang pook ng kapuluan. Ito ay yaong unang wikang
kinamulatan at ugat ng komunikasyon sa tahanan, lalawigan at pamayanan. Nagsisilbi
itong midyum ng komunikasyon sa isang pook na kung saan ang nasabing katutubong
wika ay ay nabibilang (Belvez, 2003)
Batay sa laki, ang wika ay mas malaki kaysa dayalekto. Ang varayti na tinatawag
na wika ay may mas maraming aytem kaysa dayalekto. Kaya ang Filipino ay isang wika
na bumubuo sa lahat ng dayalekto nito tulad ng Filipino sa Metro Manila, Filipino sa
Baguio o Filipino sa iba pang lugar sa Pilipinas. Iba pang halimbawa ay Cebuano lligan,
Cebuano-Cagayan de Oro, Cebuano-Bohol at iba pa.

3.3. IDYOLEK
Ang bawat indibidwal na nag-uusap ay lubos na nauunawaan ang isa't isa ngunit
wala sa kanila ang nagsasalita nang magkatulad na magkatulad. Ang dahilan ay
pagkakaiba sa edad, seks, kalagayang pisikal o pangkalusugan, personalidad, lugar na
pinanggalingan at marami pang ibang faktor. Ang bukod tanging wikang isang
indibidwal ay tinatawag na idyolek. Ito ang pekyulyaridad sa pagsasalita ng isang
indibidwal. Maaring sa tono, mga salitang gamit o sa estilo ng kanyang pagsasalita at
iba pa. Pansinin ang natatanging pagsasalita nina Kris Aquino, Mike Enriquez, Mommy
D (ina ni Manny Pacquiao), at iba pa. Anong pekyulyaridad sa pagsasalita ang
napapansin ninyo sa mga kaklase ninyo?

3.4.TABOO
May mga salita sa lipunan na tinatawag na taboo. Ito ay mga salitang bawal
gamitin o hindi maaaring gamitin sa isang pormal na usapan sa lipunan. Kung ang
gawain ay taboo, ang paggawa nito ay isa ring taboo kung nakikita ng karamihan. Una,
ipinagbabawal ang paggawa nito kung hindi pinahihintulutan na bukas sa mga mata ng
publiko at ipinagbabawal din ang pag-uusap tungkol dito lalo na sa pormal na usapan
at domeyn. Mahirap itong bigkasin sa mga lugar na pampubliko at tinitingnan ng mga
nakikinig na hindi tama. Sa halip, papalitan ito ng mga salitang yufemismo.
Halimbawa: bawal sabihin ang puki, nagtae, utin, kantutan, at iba pa.

3.5. YUFEMISMO
Ang mga ideya o salitang taboo ang naging dahilan sa pagkakaroon ng mga
salitang yufemismo, Ito ay salita o parirala na panghalili sa salitang taboo o mga
salitang hindi masabi dahil malaswa, bastos o masama ang kahulugan o di-magandang
pakinggan. Halimbawa nito ay nagsiping sa halip na nagtalik, sumakabilang buhay sa
halip na namatay, nagsakses sa halip na nagtae, ibon sa halip na utin, bulaklak sa halip
na puki, at iba pa.
3.6. SPEECH COMMUNITYIKOMUNIDAD NG PAGSASALITA
Ang loob ng isang lipunan ay binubuo ng marami at iba’t ibang pangkat ng tao
na may kaniya-kaniyang mga gawi at pag-uugali. May ugnay rito ang banggit ne
Zalzmann, Stanlaw, at Adachi (2012) na walang kultura sa isang lipunan na pareho sa
lahat ng mga myembro nito. Ganito ang sitwasyon ng Pilipinas na bagaman tinatawag
na mga Pilipino may mga partikular na pangkat etniko sa loob nito. May mga
Manobo, Higaonon, Talaandig. Itwawit, llokano, at iba pang pangkat na makikita sa
ating bansa.
Lahat sila ay mga Pilipino. Mayroon naman itong komplikadong lipunan na
binubuo ng isang malaking bilang ng mga grupo na tinutukoy ng mga tao at mula sa
kung saan ay nagmula ang natatanging mga balyu, mga pamantayan, at mga tuntunin
para sa pag-uugali. Ito ang tinatawag na sabkultura. Ayon kay Jandt (2010) ito ay
kultura sa loob ng isang kultura o lipunan sa loob ng isang lipunan sapagkat kahawig
ito ng isang kultura sa isang lipunan na karaniwan ay sumasaklaw sa isang malaking
bilang ng mga tao. Samakatuwid, ito ay grupo ng mga tao na may iisang wika na
ginagamit at hindi lamang sa pansamantalang pagsasamahan sapagkat kolektibo ang
lahat ng kanilang gawi gaya ng paraan ng pagsasalita, pananamit, pananaw-mundo,
at iba pa. Dito nabuo ang tinatawag na komunidad ng pagsasalita o speech
community.
Ang komunidad ng pagsasalita ay maaaring hango sa wikang Aleman na
Sprachgemeinschaft na nangangahulugang speaking community sa wikang Ingles.
Paliwanag nina Zalzman, Stanlaw, at Adachi, lahat ng mga nagbabahagi ng mga tiyak
na tuntunin para sa pagsasalita at pagbibigay-kahulugan sa wika at kahit isang
barayti ng wika ay tinatawag na komunidad ng pagsasalita. Para naman kay Hymes
(1972) hindi ito lipunan na tinutukoy ng isang komon na wika ngunit sa komon na
mga linggwistikong norms: isang komunidad na may parehong mga tuntunin para sa
pagsasagawa at interpretasyon ng pagsasalita, at mga tuntunin ng kahit isang
linggwistikong barayti nito. Ang sitwasyon ng mga pangkat ng tao sa lipunan, gaya ng
mga bakla, na may sariling kultura at wikang nauunawaan nila ay matatawag na
isang komunidad ng pagsasalita. May tinatawag itong mga speech markers na
ipinaliwanag naman ni Wardhaugh (2006) bilang mga katangian ng wika na
ginagamit ng isang pangkat upang makamit ang pagkakakilanlan ng grupo, at ang
pagkakaiba ng grupo mula sa iba pang mga nagsasalita. Hindi lamang linggwistikong
anyo ang mga marka ng komunidad ng pagsasalita sapagkat maaari ring ang iba pang
katangian gaya ng panlipunan, kultura, pampulitika at etniko, at iba pa.
Pareho man ang lugar na kinabibilangan maaaring mabibilang sa iba-ibang
komunidad ng pagsasalita ang naninirahan dito. Halimbawa, makikita ito sa pagitan
ng mga milenyal at mga may edad na. Hindi mauunawaan ng huli ang paraan ng
paggamit ng wika ng una gaya ng pag-usbong ng lodi 'idol’, petmalu 'malupit’, werpa
‘power’ at iba pang umuusbong na salita at paraan ng paggamit ng wika. Ngunit,
kapag ang isang may edad ay mabilis makuha at masundan, gumagamit at ginamit
ang paraan na ito ng milenyal masasabing napabilang siya sa komunidad ng
pagsasalita. Ang kailangan lamang nilang gawin ay magbahagi ng sapat na katangian
ng pagbigkas, pambalarila, bokabularyo, at paraan ng pagsasalita upang maging
miyembro ng kaparehong komunidad ng pagsasalita.
Ang pag-unawa sa komunidad ng pagsasalita ay mahalaga sa pagkakaroon ng
kamalayan sa pagkakaiba-iba. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mahirap mabigyan
ng tiyak na pagpapakahulugan ito. Bagaman iniugnay ito ng ilang iskolar sa usapin ng
wika subalit may iba naman na bahagi ito ng antropolohiya - ang pag-unawa ng
ugnayan ng wika sa lipunang gumagamit. Ayon kay Morgan (2003), integral sa
interpretasyon at representasyon ng mga lipunan at sitwasyon ang mga pagbabago,
pagkakaiba-iba, at pagtaas ng teknolohiya pati na rin ang mga sitwasyong dating
itinuturing bilang kombensyonal. Sentro ng pag-unawa sa wika ng tao at paggawa ng
kahulugan ang kaalaman sa komunidad ng pagsasalita dahil ito ay produkto ng
matagal na pakikipag-ugnayan ng mga taong parehong may ibinahaging paniniwala at
mga sistema ng halaga (value) tungkol sa kanilang sariling kultura, lipunan, at
kasaysayan pati na rin ang kanilang komunikasyon sa iba. Ang mga interaksyong ito ay
bumubuo sa pangunahing katangian ng ugnayan ng tao at ang kahalagahan ng wika,
diskurso, at mga estilo ng pagsasalita sa representasyon at negosasyon ng nalikhang
ugnayan. Kaya ang konsepto ng komunidad ng pagsasalita ay hindi lamang tumutuon
sa mga grupo na nagsasalita ng parehong wika. Sa halip, ang konsepto ay tumatayong
katotohanan na ang wika ay kumakatawan, sumasaklaw, lumilikha, at bumubuo ng
makabuluhang partisipasyon sa isang lipunan at kultura.

3.7. LINGUA FRANCA, PIDGIN, AT CREOLE


Komunikasyon ang isa sa mga manipestasyon sa ugnayan ng wika at lipunan.
Ang patuloy na ugnayang nabubuo ng bawat indibidwal at grupo sa bawat komunidad
sa loob ng isang lipunan ay nabubuhay dahil sa mga wikang ginagamit nila. May
pakikipag-ugnayan naman ng mga taong may iba-ibang wika at lipunan para sa
pagpapahayag ng bawat hangarin at naisin - halimbawa sa emosyon, komersyo, at
maging sa turismo. Halimbawa, ang mga turistang bumisita sa Pilipinas, kung wala ang
wikang lngles na mag-uugnay sa isa't isa, walang pagkakaunawaang mabubuo. Paano
sila makipagtalastasan? Malambot ang wika at mabilis itong umangkop sa
pangangailangan ng mga tao. Maaaring makalikha ang patuloy na ugnayang ito ng
wika. Samakatwid, makapagdisenyo ng paraan ang ugnayang mabuo upang
mapagsama ang mga taong mula sa magkakaibang grupo o wika na nagkakasama.
Ipinanganak sa kahingiang ito ang kaisipan ng lingua franca, pidgin, at creole.
a. Lingua franca. Paghahanap ito ng komon o wikang alam ng mga taong may iba't
ibang sinasalitang wika para magkaunawaan. Mula sa UNESCO, ito ay wikang
ginagamit ng mga taong may iba-ibang unang wika upang mapadali ang
komunikasyon sa kanilang pagitan. Sa Pilipinas, may malaking papel itong
ginagampanan sa komunikasyon danil sa multilinggwal na sitwasyong pangwika.
Binanggit sa Etnologue, may 187 at 183 dito ang buhay at 4 ang itinuturing na
wala o patay. Mula naman sa mga buhay na wika, 175 ay katutubo at 8 ay hindi
katutubo. Ang komplikadong sitwasyong pangwika na ito ng ating bansa ay hindi
maaaring walang wika na magsisilbing tulay sa bawat isa. Ito ang dahilan kaya
nagpahayag ng probisyon ang ating 1987 na Konstitusyon tungkol sa pagkakaroon
ng pambansang wika na tinatawag na Filipino. Sa kabilang banda naman, tungo sa
tawag ng global na pangangailangan, itinuturo at naging lingua franca na rin ng
mga Pilipino ang wikang Ingles para sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan.
b. Pidgin. Dulot ito sa pagkakaroon ng pangangailangan ng lingua franca. Bunga ito
ng dalawang lipunan na may mga wikang hindi magkakalapito unintelligible
languages ngunit kailangan ng pakikipag-ugnayan sa isa't isa dahil sa tiyak na
limitado o natatanging layunin - lalo na sa kalakalan. May namumuong ugnayan sa
wika sa sitwasyong ito. May wika na kinikilalang higit na makapangyarihan o mas
prestihiyoso at wikang hindi kilala. Ang isang wika ay dumadaan din sa proseso ng
pidginization Ayon kina Zalzman, Stanlaw, at Adachi (2012), ito ay proseso ng
gramatikal at leksikal na reduksyon dulot ng limitadong ginagampanan ng pidgin.
Bunga rin ang pidginization ng direktang ugnayan ng unintelligible na mga wika -
prestihiyong wika bilang higit na may impluwensya sa wikang walang
kapangyarihan.
Ang sitwasyong ito ay lumilikha ng paghahalo ng dalawang wika na kinikilalang
bagong wika. Ang bokabularyo ng 'bagong wika' na nalikha ay nagmumula sa wikang
mas higit ang gumagamit o wikang may prestihiyo. Ito ang sitwasyon noon ng
Chavacano nang hindi pa ito naging unang wika sa lungsod ng Zamboanga. Nalikha ito
dahil sa pananakop ng mga Kastila noong unang panahon kaya ang lexifier sa wikang
ito ay wikang Espanyol. Mayroong mga katangian ang Pidgin. Ito ang mga sumusunod:
⁻ Hindi unang wika ninuman. Walang taal na tagapagsalita dahil napaunlad
lamang ang ito mula sa dalawa o higit pang magkaibang mga wika. Ito ay
ginagamit lamang bilang isang ugnay na wika para sa mga layunin ng
komunikasyon.
⁻ Limitado ang gamit. Ito ay biglaang posibilidad ng pangangailangan ng
wika habang ito ay kinakailangan ngunit nawawala kung ito ay hindi na
kailangan. Wala rin itong permanenteng pinaggagamitan tulad ng pagiging
wika sa simbahan, sa paaralan, sa bahay at iba pa.
⁻ Limitado ang bokabularyo. Ang isang pidgin ay karaniwan nang mas
simple kaysa sa mga unang wika ng mga gumagamit nito kaya ang dami
naman ng leksikon nito ay nakabatay sa isa sa mga dalawang wika na may
ugnay sa isa't isa. Ang pagiging limitado sa gamit nito sa lipunan ang isa rin
sa dahilan sa kakulangan ng bokabularyo.

c. Creole. Ito ay wika na napaunlad mula sa pidgin. Dumaraan ito sa proseso no ng


creolization o ekspansyon sa halaga at gamit ng pidgin na wika. Samakatuwid ito
ay isang pidgin na nagiging unang wika ng isang komunidad ng pagsasalita o
speech community. Umuunlad ito na anyo ng pidgin kaya mayroon na itong higit
na malawak na bokabularyo, estruktura ng wika o gramatika na ginagamit bilang
wika sa lahat ng domeyn. Tulad ng pidgin, ang creole ay tinatawag ring ugnay na
wika o contact language sapagkat nabuo ito mula sa dalawa o higit pang wika nang
dalawa o higit pang lipunan. Sa Pilipinas, ang halimbawa na dumadaan sa proseso
ng creolizątion ay ang wikang Chavacano ng lungsod Zamboanga. Paglipas ng
mahabang panahon at maraming taon, nagmula ito sa ugnay na wika ng mga
Kastilang mananakop at wika ng lokal sa lugar ay nagkaroon ito ng komunidad ng
pagsasalita/speech community. Napaunlad ang gramatika, lumalawak ang
bokabularyo, at hindi na lamang ito wika ng mananakop bagkus naging bernakular
na wika ito ng lungsod ng Zamboanga.
Narito ang mga mahahalagang pagtukoy ng mga katangian ng isang creole na wika
(Sebba, 1997):
‾ May katutubong tagapagsalita ito, hindi katulad ng pidgin na walang katutubong
nagsasalita. Mangyayari ito kapag sa isang lipunang nagsasalita ng pidgin ay
may ipinanganak na bata at ito ang kanyang magiging unang wika. Kaya, ang
pidgin ay magiging creole sa pamamagitan ng proseso ng pagsasakatutubo o
nativization.
‾ Ang mga Creole ay laging lumalabas sa isang pidgin.
‾ Ang proseso kung saan ang isang creole nagbabago at isang pidgin nagkakaroon
ng katutubong nagsasalita ay tinatawag na creolization.
‾ Ang proseso ng creolization ay dumadaan sa alinmang yugto ng Pag unlad ng
isang pidgin maaaring gradwal na creolization o biglaang creolization. Ang
gradwal na creolization ay mangyayari sa pinahaba/pinalawak na yugto ng
pidgin. Sa madaling salita, ang creolization ay nagsisimula sa yugto kung saan
ang pidgin ay lubos na nadebelop. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng pamantayan ng paggamit ng wika. Magaganap naman ang
biglaang creolization sa proses bago lumabas ang matatag na pidgin mula sa
maagang pag-unlad nito. Sa puntong ito, ito ay nailalarawan pa rin sa
pamamagitan ng kakulangan ng matatag na lingguwistikong mga pamantayan
ng paggamit ng wika.

3.8. BILINGGWALISMO AT MULTILINGGWALISMO


Ano bilingwalismo at multilinggwalismo ay tumutukoy sa parehong pag-iral,
nakikiharap, at interaksyon ng magkaibang mga wika. Maaaring ito ay mangyayari sa
panlipunan at indibidwal na lebel. Ito ay mula sa sitwasyong maaaring ang isang
lipunan ay binubuo ng maraming sinasalitang wika na ginagamit naman ng iba-ibang
mga grupo ng indibidwal. Sabi nga ni Wei (2013) maaaring ang isang tao sa isang
komunidad ay magiging bilinggwal o multilinggwal habang ang buong lipunan na
kanyang kinabibilangan ay kumikilala lamang ng isang wika para sa pampumblikong
gamit sa pamamagitan ng batas at ibang anyo ng regulatoryo. Ganito ang nangyayari
sa ating bansa, habang ang bawat pulo sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay binubuo ng
marami at iba-ibang mga wika isinusog naman ang pagkakaroon ng pambansang
wika bilang lingua franca - ang wikang Filipino - at wika para sa global na pakikipag-
ugnayan-ang wikang Ingles.
Ang bilinggwalismo at multilinggwalismo ay hindi lamang penomenon na para
sa isa o pangkat ng mga tao sapagkat ito ay isang panlipunang penomenon din.
Banggit ni Romaine (2013), ito ay makikita sa lahat ng uri ng tao gaya ng mga nasa
rural at maging sa mga kilalang historikal na mga tao tulad nina Hesu Kristo at
Gandhi at mga kontemporaryong indibidwal gaya nina Pope Benedict XVI at
Canadian na mang aawit na si Céline Dion. Ano nga ba ang bilinggwalismo at
multilinggwalismo?
a. Bilinggwalismo. Ito ay tumutukoy sa taong nakapagsasalita ng dalawang wika.
Ngunit, nagkakaroon ito ng ibang pananaw ayon sa kakayahan ng inidibdwal sa
paggamit ng mga wikang ito. Kung pagbabatayan ang pagpapakahulugan ni
Bloomfield (1935), hindi lamang sapat ang makapagsalita sapagkat ang kanyang
pananaw dito ay paggamit ng dalawang wika sa tulad ng katutubong wika. Hindi
lamang tungkol sa kakayahan ng pagsasalita bagkus ito ay tumutukoy rin sa
kahusayan sa pagsasalita at paggamit nito na may konsiderasyon sa kahusayang
linggwistika. Ipinaliwanag naman ni Trask (2007) na kahanga-kahangang
tagumpay na sa kasalukuyan ang magkaroon ng abilidad sa pagsasalita ng
dalawang wika lalo na sa lipunang higit na diin ang pagsasalita ng wikang Ingles.

a. Multinggwalismo. Ito ay tumutukoy sa higit sa dalawang wikang batid ng isang


indibidwal na gamitin sa anumang uri ng komunikasyon Tinatawag rin itong
plurilinggwalismo sapagkat ayon kay Crystal (2008), sa sosyolinggwistiko ito ay
tumutukoy sa isang indibidwal na tagapagsalitang may kakayahan sa paggamit
nang higit sa dalawa o maraming mga wika na may iba-ibang antas ng kahusayan.
Hindi lamang ito tungkol sa paggamit ng wika o kakayahan ng isang indibidwal
dahil mangyayari rin ito sa sitwasyong pangwika sa buong bansa o lipunan. Ito ay
lubos na karanasan ng Pilipinas na binubuo ng mga pulo. Bawat pulo na may iba't
ibang rehiyon ay mayroong sinasalitang wika. Bukod sa pambansang wikang
Filipino at opisyal na wikang lngles, ang ilang mamamayan dito ay
nakakapagsalita ng kanilang wika bilang unang wika at marunong din ng wika na
lingua franca sa kanyang lipunan. Halimbawa ng sitwasyong ito ang isang
Meranaw na nakatira sa lungsod Marawi at nag-aaral sa lungsod ligan. Unang
wika na kanyang natutunan ay Meranaw dahil sa Marawi siya ipinanganak at
tiyak marunong din siya ng wikang Filipino at Ingles dahil itinuturo ito sa
paaralan. Ngunit, dahil sa lungsod ng Iligan siya nag-aral Cebuano ang lingua
franca naging maalam na rin siya sa wikang ito. Ang pagiging at pagkakaroon ng
bilinggwal at multilinggwal na kahusayan at kakayahan sa wika ay isang
penomenon tungkol sa kahusayan at paggamit ng wika. Ito rin ay naglalarawan
sa lipunan na kinabibilangan ng indibidwal, Sa kaso ng Pilipinas, naging normal
sa mga mamamayan dito ang magkaroon ng kakayahan sa paggamit ng higit sa
isang wika dahil sa implementasyon ng bilinggwal na polisiya sa pagtuturo
bukod pa sa unang wika na batid ng isang mag-aaral. Sa kabilang banda naman,
ang pagiging bilinggwal ng indibidwal ay maaaring maging temporaryo depende
sa kanyang kinabibilangang sitwasyon. Gaya ito sa karanasan ng isang pamilyang
Pilipino na nangibang- bayan. Hindi man makalimutan ng mga anak na lumaki sa
Pilipinas ang kanyang unang wika subalit ang mga anak ng anak niya ay
mawawala ang wika na natutuhan sa Pilipinas sapagkat higit na ginagamit ang
wika ng lugar na kanilang nilipatan.
3.9. GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
Gumaganap ng napakahalagang papel ang wika sa buhay ng tao kaya naging
isang panlipunang penomenon ito. Isa sa pangunahing tunguhin ng wika ay gamit sa
pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa kapwa upang magkaunawaan sa isa’t
isa. Kapag nagsasalita ang tao, mayroon siyang tiyak na layunin o mensaheng nais
ipaabot gamit ang wika. Ginagamit niya ang wika at nakikipag-usap siya sa kapwa
upang magpahayag ng marami at iba-ibang dahilan gaya ng pagpapahayag ng mga
damdamin, pagkuha ng impormasyon, paghahanap ng mga bagay, paghingin
kapatawaran, at iba pa.
Makabuluhan ang paggamit ng wika sapagkat gumaganap ito ng mga tungkulin
na pagbuo at pagpatuloy ng relasyon sa loob ng isang lipunan. Gumagamit tayo ng
wika upang matugunan ang mga pangangailangan. Ang paggamit naman ng wika sa
lipunan ay nangangahulugan ring kahusayan sa pagpili ng mga salitang tumutugon sa
mga pagnanais ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan.
Nagbigay si Geoffrey Leech (Essays UK, November 2013) ng limang tungkulin
ng wika sa lipunan:

a. Nagbibigay-kaalaman/lnformational. Ito ang tinitingnan ng karamihan na


pinakaimportante sa lahat ng tungkulin ng wika sa lipunan. Nakatuon ito sa
mensahe ng bagong informasyon na ibinabahagi. Nakadepende ito sa
katotohanan o halaga (value) ng kaisipan ng mensahe. Maibibigay na halimbawa
rito ang pagbabasa ng mga balita at pagkilala kung alin sa mga ito ang fake news
o totoong balita: "May martial law sa Mindanao kaya maramni ang namamatay
rito. May dalawang impormasyon na dala ang balitang ito gaya ng pagkakaroon
ng martial law at sa daming namatay. Ngunit, ituturing ito ng mga Mindanaon na
fake news kahit totoo pang may martial law dahil hindi naman tama ang
katuturan ng pahayag na may maraming namatay rito.
b. Nagpapakilala/Expressive. Magagamit at ginagamit ang wika sa pagpapahayag
ng damdamin at atityud ng nagsasalita. Ang tagapagsalita o manunulat sa isang
wika ay sinusubukang ipinapahayag ang kanyang damdamin sa tungkuling ito ng
wika sa lipunan. Ito ay nagbibigay ng malinaw na imahe ng pagkatao ng
tagapagsalita o manunulat sapagkat naglalahad ito ng kanyang impresyon at ang
pagbago-bago ng mga ito. Makikita natin ito sa mga akdang pampanitikan tulad
ng tula at iba pang genre ng panitikan. Sa katunayan, ang tungkulin na ito ay
pumupukaw ng tiyak na damdamin at nagpapahayag ng nararamdaman.
Mahihinuha ang pagpukaw ng damdamin sa mga halimbawang pahayag na:
'napakasaya ko na kasama kita, "hindi ako mabubuhay kung wala ka, 'mahal na
mahal kita. Lahat ng mga ito ay mga damdamin ng tao na maaaring mababago o
hindi. Halimbawa rin dito ang panunuod ng isang pelikul na pumukaw sa iyong
damdamin kaya tumawa o umiiyak ka habang nanunuod.
c. Nagtuturo/Directive. Ito ay may layuning magbigay ng impluwensya sa pag-
uugali o atityud ng iba. Malinaw itong makikita sa mga pagpapahayag na nag-
uutos o nakikiusap. Ang tungkuling ito ng wika sa lipunan ay nagbibigay empasis
sa tumatanggap ng pahayag kaysa sa nagbibigay ng mensahe. Gayunpaman, ito ay
pagpapahayag ng tungkulin ng wika na hindi gaanong mahalaga dahil hindi ito
pwersahan o may dalang kapangyarihang sundin Ekspresyon ito na may halong
konotatibong kahuluganopagpapahiwatig kaya kung hindi makukuha ang ibig
sabihin, hindi matutupad ang kahulugan ng mensahe. Sa kabilang banda,
ipinapahayag rin ito nang may paglalambing o d kaya pagpapahayag na may
halong pagpaparinig. Halimbawa, ang nanay na nagsasabing Nauuhawako'ay
parinig o pahiwatig na humihingi siya ng tubig Sd anak. Ito rin ang sitwasyon sa
mga magkabarkada na umuwi ngunit bilang gyaya ang isa na kumain sa
pamamagitan ng Nagugutom ako. Sa pag8 Os naman, magagawa ito sa
pamamagitan ng pakiusap gaya ng Pakikuna po ng aking pera sa ibabaw ng
kabinet.
d. Estetika/Aesthetic. Ito ay gamit ng wika para sa kapakanan ng paggamit
paglikha ng wika o linguistic artifact mismo at wala ng iba pa. Tuon ng tungkuling
ito ang ganda ng paggamit ng wika. May pagdidin din tungkol Sa paraan ng
pagpapahayag para sa konseptwalisasyon ng kahulugan. Higit na binibigyan dito
ng pansin ang poetika ng pagpapahayag ng isang mensane kaysa ideolohikal na
halaga nito. Halimbawa, maaaring mabibighani ka sa iyong manliligaw dahil sa
husay at galing niya sa pagbigkas ng mga salita sa spoken poetry kahit hindi mo
naiintindihan ang nais niyang sabihin.
e. Nag-eengganyo/Phatic. Mahirap tumbasan sa wikang Filipino ang phatic na
tungkulinngwika salipunan. Ito ay nagsasabing pagiging bukas o mapagsimula ng
komunikasyon sa kapwa kaya tinumbasan ito ng nag-eengganyo. Maaaring ito ay
verbal o di-verbal na pakikipagtalastasan na nagbibigay palantadaan ng pagiging
laging handa o bukas sa pakikipagtalastasan at pagpapanatili ng maayos na
relasyon sa iyong lipunan. Sa kulturang Pilipino, ang pagtatanong kung saan ka
pupunta ay isang hudyat ng pagsisimula ng komunikasyon at anyo na rin ng
pangungumusta sa kaibigan o kakilala. Hindi ito palatandaan ng pagiging
mapang-usisa o tsismosa. Mapapansin rin ito sa isang lugar na wala kang kakilala
ngunit nakikipag-usap ka sa isang tao ng kahit ano bilang simula ng inyong
komunikasyon na hahantong naman sa pagiging magkaibigan. Tungkulin din ng
wika ang paglalahad ng kung ano mang dapat ipaliwanag ng isang tao sa kanyang
kausap o tagapakinig. Halimbawa nito ay pagluluto ng iba"t ibang ulam o
pagkain, pagpapaliwanag kung bakit nahihilig ang karamihan sa sosyal midya,
atbp. Ang pagsasalaysay ay nagkukwento. Kung kailangang magsalaysay tungkol
sa isang pangyayari upang malaman ng lahat ay maaring magkwento. Pati ang
paglalarawan ng hitsura, anyo, hugis, kulay, lasa, amoy, at iba pang deskriptibong
salita ay tungkulin din ng wika.Paglalarawan sa sarili mong bayang tinubuan, ang
dating tahimik na Bulkang Mayon, si Pangulong Duterte, atbp. Samantalang ang
nanghikayat o humihingi ng pagtiwala sa isyung gustong paniniwalaan ng lahat
ay tungkuling pangangatwiran ng wika. Ang mga halimbawa nito ay Ang
Dengvaxia ang Dahilan ng Pagkamatay ng mga Bata, Ang Retayrment na Edad ay
Dapat 70 na Taon, Hindi Dapat Pababayaan ang mga Bata na Gumamit ng Selfon o
Tablet, at marami pang ibang isyu.
3.10 ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA LIPUNANG PILIPINO
Ayon kina Santos, et al.(2012), ginagamit ang Filipino sa interaksyon ng mga =
mamamayang Pilipino sa isa'tisa. Bilanglinguafranca nagagamit ito
sapagbabahaginan at pagpapalitan ng jdeya, iniisip. saleobin at marami pang ibang
nararamdaman ng isang tao lalo pa't ang mga Pilipinong ay may iba't iba ring
sinasalitang wika. Dagdag nina Santos, et al. na ang mga sumusunod ay ang mga
tungkulin ng wikang Filipino:
1. Binibigkis ng wikang Filipino ang mga Pilipino. Dahil ang Pilipinas ay
binubuo ng isang multikultural at multilinggwal na mga Pilipino, kasama pa ang
napakaraming etnikong grupo, nagkakaroon ng integrasyon o pagkakaisa sa
paggamit ng iisang wikang nauunawaan ng lahat. Saang sulok man ng Pilipinas,
maging sa labas ng bansa magkita-kita ang mga Pilipino, nagkaka- isa at
nagkakaunawaan sila dahil sa paggamit ng wikang Filipino.
2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino. Wika ang behikulo,
pasulat mano pasalita, upang maihatid ang kaalaman o impormasyon tungkol sa
kultura ng iba't ibang pangkat sa Pilipinas. Isa ang wika sa nakatutulong upang
lalong mapayaman ang kulturang Pilipino. Mapalad ang mga pangkat na naisulat
at naipreserba nila ang kanilang kultura.
3. Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino. May mga kultural na mga
salita na tanging sumasalamin lamang sa mga Pilipino, na kapag binabanggit ang
mga salitang ito, tiyak na identidad ng mga Pilipino' ang nakikita. Halimbawa nito
ang: balut, bahay-kubo, sapin-sapin, tabo, Sarao dyjpney, bakya, barong-Tagalog,
atbp.
4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan,
napakarami ng ating OFW, at nauso na rin ang pagbabakasyon sa labas ng bansa.
Wikang Filipino lang ang pumupukaw sa damdaming Pilipino. Ang musikang
Pilipino ay nakakaantig damdamin at isip lalo pat ikaw ay wala Sa pinas. Ang
mapakinggan lamang ang nagsasalita nito na isang put, man o dilaw ay
nagpapasaya at nakabagbag damdamin sa isang Pilipino.
5. Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino ng mga Pilipino. Narinig
ba ninyo ang mga banyagang kumakanta ng ating mga awitin idng Filipino ang
isang mahalagang pagkakakilanlan ng kahit sino paid matawag na siya ay
Pilipino.

Reperensiya:
• Hufana, N. L., Banawa, M. D., Gervacio, G. V., Pantorilla, C. R., Sajulga, A. C., & Tiosen, R. B. (2018). Wika
at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City: MUTYA Publishing House Inc.
ARALIN 4
ANG KULTURANG PILIPINO
Layunin ng Pag-aaral:
 Makapagsasagawa ng sulatin/blueprint/plano hinggil sa gagawing proyektong
tutugon sa usaping pangkapayapaan ng lipunang Pilipino

4.1. KAHULUGAN NG KULTURA


Salitang kultura ay may katumbas na salitang "kalinangan” na may salitang na
linang (cultivate) at linangin (to develop/to cultivate). Kaya ang kalinangan o kultura
ay siyang lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali, at gawain ng tao (Timbreza,
2008).
Kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at
karanasang nagtatakda ng angking kakayahan ng isang kalipunan ng tao, ang wikang
hindi lamang daluyan kundi higit pa rito ay tagapagpahayag at impukan-kuhanan ng
alinmang kultura (Salazar nasa Constantino, 1996). Dagdag pa ni Salazar na walang
kulturang hindi dala ng isang wika bilang saligan at kaluluwa na siyang bumubuo,
humuhubog, at nagbibigay-diwa sa kulturang ito.
Alinmang wika ay ekspresyon ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki na may
sarili at likas na katangian. Wika ang ekspresyong kakikilanlan ng isang kultura sapagkat
ito ang nagbibigay-anyo rito at siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito at ang
kanyang pagkakaiba sa ibang kultura sa daigdig ng mga kaisahang pangkultura. Ano
ngayon ang kultura?
Sang-ayon kay Edward Burnett Tylor, Ama ng Antropolohiya, ang kultura ay
isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito ang
kaalaman, paniniwala, sining, moral/valyu, kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang
lipunan. Hindi lamang sining at musika ang kultura ayon sa paniniwala ng iba ngunit ito
ay naglalaman ng mga valyu at alituntunin sa lugar na tinitirhan ng ating mga ideya na
mabubuti o masasama, ng ating wika, relihiyon, at iba pa. Sa madaling salita, ang kultura
ay matututuhan ng tao bilang miyembro ng isang lipunan. Ito ay tumutukoy sa lahat na
natutuhan ng isang indibidwal sa lipunang kinabibilangan. Malalaman na may kakaibang
kultura ang ibang tao sa pamamagitan ng pagmamasid at pag-unawa sa kanilang
pananalita, kilos, at damdamin.
Halimbawa sa pagkain; ang mga Intsik ay ayaw ng gatas ngunit ang mga
Amerikano ay gusto ng gatas dahil ang gatas para sa Amerikano ay perfektong pagkain
mula sa kalikasan. Sa pag-aasawa naman - sa mga Kristiyanong Pilipino, iisang asawa
lamang ang nararapat para sa bana ngunit sa mga Muslim ay pupwede ang maraming
asawa. Sa ibang mga bansa naman ay tanggap ang pagkakaroon ng maraming bana.
Si Leslie A. White ay nagsabing ang kultura ay isang organisasyong penomena na
sumasaklaw sa aksyon (paraan ng pag-uugali) bagay (kagamitan) at iba pang mga
kasangkapan, ideya (paniniwala at kaalaman), at sentiment (karakter/ kilos at valyu). Ibig
sabihin, ang kultura ay ang kabuuang paraan ng pamumuhay na sinusunod ng mga tao at
binubuo ng lahat ng natututunan at naibabahagi ng tao sa isang komunidad.
Ayon din sa mga antropolohista, ang kultura ay lahat ng natututuhang beheybyur at
resulta kung papaano pinahahalagahan ng tao ang mga natutuhan niya na tinatawag na
cognitions- ang pagkaalam sa lahat ng bagay na nagbibigay-patnubay sa tao sa pagkilala
niya sa kapaligiran at sa ibang tao. Halimbawa, ang isang punong-kahoy ay likas na yaman
ng bansa na nagbibigay lilim o maaaring gawing gusali/bahay, gamit ng bahay (aparador,
upuan at iba pa), ngunit sa mga Tiruray sa Cotabato at Negrito sa Zambales ito ay isang
buhay na bagay na may ispiritu at kinikilala nilang nagbibigay ng lahat ng kanilang
pangangailangan na parang Diyos ang mga ito. Ang kaibahang ito ay sa
paniniwala/prinsipyo sa isang bagay dahil sa kulturang nakagisnan nila.
Mula naman sa aklat ni Donna M. Gollnick, et al. (2009) ang kultura ay ginagamit
para sa maayos na paraan ng may kapangyarihan at mga makapangyarihang tao, dahil ang
mga taong may kaalaman sa kasaysayan, literatura, at sa sining ang siya lamang may
kultura ayon sa unang paniniwala. Ang paniniwalang ito ay binatikos ng ilang mga
antropolohista.
Ang kultura ay nagpapakilala kung sino at ano tayo. Ito ang umiimpluwensiya sa
ating kaalaman, paniniwala, at valyu. Ito ang nagbibigay-kahulugan at nagdedetermina sa
paraan ng ating pag-iisip, damdamin, at pag-uugali. Ayon sa sumusunod, ito ang kahulugan
ng kultura:
1. Hudson 1980). Ang kultura ay socially achieved knowledge. Nakukuha ang kultura
sa mga kasamahan na nasa paligid lamang. Mula sa pagkabata, may mga kulturang
nakuha mula sa mga magulang, kapatid, mga kalaro o mga kapitbahay. Paglaki ng isang
tao, may may kulturang natutunan niya mula sa kanyang kagrupo, mga kaeskwela,
kasamahan sa opisina mga barkada, at mga kaibigan.
2. Ward Goodenough (2006). Ang kultura ay patterns of behavior (way of life) and
patterns for behavior (designed for that life). May kulturang ginagawa o sinusunod
dahil iyon ang kinasanayan o kinagisnan ng isang grupo o pangkat. Maaaring mga
kaugalian o ikinikilos ng mga grupo ng tao na ginagawa o pinaniniwalaan nila dahil sa
iyon lamang ang dapat sa grupo nila. Halimbawa nito ay, sila ay mga magingisda dahil
sa kapaligiran o sila ay naninirahan sa malapit sa dagat, mga magsasaka sila dahil
nakatira sila sa kapatagan na puro sakahan ang makikita, ang mga Badjao ay naging
tagakuha ng perlas o hiyang sa pagtulog at mamuhay sa karagatan dahil ang
kapaligiran nila ay puro dagat.
3. Timbreza (2008). Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain, mga
natutunang huwaran ng pag-uugali at mga paraan ng pamumuhay sa isang takdang
panahon ng isang lahi o mga tao. Ang lahat ng nakuhang gawain mabuti o masama
mang pag-uugali mula sa kinagisnan ay kultura. Ang paraan ng pamumuhay na kultura
rin ay maaaring magbabago depende sa panahon ng isang lahi. Kaya maihahambing
nang malinaw ang maraming kaibahan sa kultura noon at ngayon. Ang ebolusyon ng
kultura sa iba’t ibang siklo ng buhay ay nagpapakita ng maraming pagbabago.

Reperensiya:
• Hufana, N. L., Banawa, M. D., Gervacio, G. V., Pantorilla, C. R., Sajulga, A. C., & Tiosen, R. B. (2018). Wika
at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City: MUTYA Publishing House Inc.
ARALIN 5
KATANGIAN, MANIFESTASYON, AT MGA
KOMPONENT NG KULTURA

2.1. KATANGIAN NG KULTURA


1. Natutunan (learned). Ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga magulang at kung paano
siya inaalagaan, pinakakain, pinaliliguan, dinadamitan, at iba pa ay isang proseso ng
kulturang natutuhang nagsimula sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang kinabibilangan
niya. Ang prosesong ito ay magpapatuloy sa buong buhay sa pakikihalubilo ng tao sa
kultura ng kanyang pamilya at sa ibang kultura. May dalawang proseso ng pag-inter-ak o
pakikihalubilo ng tao sa isang lipunan; ang enculturation at socialization. Ang
enculturation ay isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang kultura at
maging bahagi siya ng kulturang iyon. Karaniwan ding mas magaling pa siya sa wika,
gawi, paniniwala at kaalaman ng kulturang napasukan niya kaysa dati nang miyembro ng
nasabing kultura. Ang socialization naman ay ang pangkalahatang proseso sa pagkilala
sa mga sosyal at istandard na kultura. Makikilala kung sino ang may mga panlipunang
tungkulin tulad ng ina/ama, asawa/bana, estudyante, kabataan, mga titser, banker,
policeman/military men, custodians, at iba pa. Ang enculturation at socialization ang
proseso na nagsisimula pa pagkaanak ng isang titser, kapitbahay, at iba pang tao sa
lipunan na kanyang nakahalubilo. Ang mga tagapagturo niya ay maaaring walang
kamalayan sa prosesong nangyayari ngunit makikitang nagbibigay sila ng pabuya sa
mabubuti at katanggap-tanggap na ugaling nakikita nila. Natututo ang tao kung paano
mamuhay nang mabuti sa pamamagitan ng pag-obserba at pakisalamuha sa kultura at
lipunang kanyang kinagisnan.
2. Ibinabahagi (shared). Ang ibinabahagi ng kultura ay nagbubuklod sa mga tao bilang
isang pagkakilanlan ng kanilang pangkat. Sa ganitong paraan ay natututo ang tao para
mamuhay nang maunlad at may alam para maipagpatuloy ang mahusay at matiwasay na
pakikisalamuha niya sa kanyang kapuwa.
3. Naaadap (adapted). Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon
sa isang tao sa likas o teknolohikal na resorses. Halimbawa, ang mga Eskimo ay nakatira
sa isang napakalamig, may snow, at yelong lugar. Sila ay nabubuhay nang normal sa
ganitong kalamigan ng kapaligiran samantalang ang ganitong sitwasyon ay imposible sa
mga Pilipino na sanay naman sa mainit at katamtamang lamig ng panahon. Ang
kulturang urban ay iba naman sa rural din sa resorses na nasa kapaligiran nila. Ang
kultura ng isang depres na lugar ay iba sa kultura ng may kapangyarihan at mayayamang
lugar. Kaya ang isang sanay na sa buhay-mayaman ay nahihirapan sa buhay-mahirap at
ang isang sanay na sa buhay-mahirap ay nakikilala talaga kahit pa punuin ang katawan
niya ng maraming alahas.
4. Dinamiko (dynamic). Ang kultura ay dinamikong sistema kaya patuloy na
nagbabago. Tulad ng wika, may mga kulturang mabilis ang pagbabago at
mayroon din namang hindi nagbabago o mabagal ang pagbabago. Ang mga
pagbabagong ito ay makikita sa istilo ng pananalita, istilo ng buhok/gupit, atbp.
Ang teknolohiya ay nakapagdudulot ng malaking pagbabago sa kultura. Ang
halimbawa nito ay ang pag-unlad sa komunikasyon dahil sa celfon, kompyuter, at
iba pang kagamitan.

2.2. MANIFESTASYON NG KULTURA


Naipakikita ang kultura sa maraming paraan sa pamamagitan ng panlipunang
institusyon, karanasan sa pamumuhay, at katuparan ng indibidwal sa sikolohikal at
beysik na pangangailangan niya. Sa araw-araw na pamumuhay, nasisinag ang ilang
manifestasyon ng kultura sa mga sumusunod:
1. Valyu. Tumutukoy ito sa kung ano ang karapat-dapat at nakabubuting ugaliin.
Ito'y naiimpluwensiyahan ng prestige (kapangyarihan), istatus, garbo, katapatan
sa pamilya, pag-ibig sa bayan, paniniwalang panrelihiyon at karangalan. Ang
status symbol ay magkakaiba sa iba't ibang kultura. Halimbawa, sa Amerika, ang
pagkakaroon ng maraming kapritso/props sa sarili at materyal na pag-aari ay
iginagalang. Ang moralidad at imoralidad, ang pagbibigay ng kaparusahan at
gantimpala, ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan ay madedetermina sa
sistema ng pagbibigay-kahalagahan sa valyu ng isang kultura. Sa sulat na
ipinadala ni Dr. Jose Rizal sa kanyang nakababatang kapatid na si Trinidad
(March 1, 1888) inilarawan niya ang mga Aleman na ganito, kung ikaw ay nasa
isang pagtitipon kailangan kang magpakilala ng sarili lalo na sa nagdaraos mismo
ng pagtitipon dahil para sa kanila hindi magandang ugali sa isang bisita ang
manahimik at maghintay sa iba para magpakilala sa kanya. Ang mga babaeng
Aleman naman ay hindi partikular sa magagandang damit o kasuotan at mga
palamuti o mamahaling alahas, ngunit partikular sila sa edukasyon. Ang
pagmamano ng kamay ng mga Pilipino sa mga nakatatanda sa kanila lalo na sa
kanilang mga magulang ay palatandaan ng paggalang na hindi nakikita sa mga
banyagang kultura. Ang pagsasabi ng "po” ng mga Tagalog at “manang’ o
"manong” ng mga Visayan at llokano ay isang kahanga-hangang valyu na tanda pa
rin ng paggalang.
2. Di-verbal na Komunikasyon. Ang kahulugan ng aksyon at ekspresyon ay
naglalarawan ng konteksto ng kultura. Ang pakikipagkamay, pagsaludo, o
paghalik sa bibig sa harapan ng maraming tao na walang kiyeme ay nagpapakita
ng pagkakaiba sa kultura. Ang kultura ay madedetermina rin sa paraan ng
paglakad, pag-upo, pagkilos, at maging sa pagsayaw. Tandaang may mga kilos at
galaw na maaaring nakasanayan na ngunit maaari rin namang hindi katanggap-
tanggap sa iba lalo na sa ibang kultura.

Ang uri ng pagsasayaw ng mga mananayaw ni Willie Revillame sa Wowowin ay


tanggap ng mga modernong magulang at kabataan, ngunit sa mga konserbatibong
grupo, ito ay kabastusan at hindi dapat ipakita sa buong kapuluan lalo na at marami
ang nanonood na mga bata.
Ang pagkurus ng mga Katoliko ay palatandaan ng pagiging Katoliko nila
samantalang ang paghaplos ng dalawang kamay sa mukha kung nagdarasal ay
palatandaan naman ng pagiging Muslim.
Ang mga halimbawang nabanggit ay magkaibang mga kilos o galaw na
nagpapahayag ng magkaibang kahulugan. Maaari rin namang magkatulad sa kumpas
o galaw ng partikular na bahagi ng katawan ngunit magkaiba naman ng kahulugan.
Ang di-verbal na komunikasyon ay refleksiyon ng kultura at nagbibigay ng
espesyal na kaibahan upang madaling makilala ang iba-ibang kultura. May mga tunog
at kombinasyon na ginagamit ang wika na siyang pagkakakilanlan ng ibang kultura.
Halimbawa ay ang malambing na tono ng mga Ilonggo kung nagsasalita at ang parang
nagagalit naman na pagsasalita ng mga Meranaw. Ang kahirapan sa pagkatuto ng
wika ng iba ay dahil hindi ito bahagi ng ating kinagisnang kultura.

2.3. MGA KOMPONENT NG KULTURA


1. Materyal na Kultura. Mga bagay itong nilikha at ginagamit ng tao. Ito ay mga
materyal na objek na nagawa at ginagamit ng tao mula sa pinakapayak tulad ng
mga kasangkapan, muwebles, at pananamit hanggang sa malalaking bagay tulad
ng arkitektural na disenyo, mga kotse, makina at iba pa. Halimbawa, ang brass pot
ay ginagamit sa pagluluto sa ibang kultura, samantalang ito ay pangdekorasyon
lamang sa ibang kultura. Ang kompyuter ay isang mahalagang kagamitan sa
kultura natin ngayon, ngunit sa ibang kultura naman, ito ay walang kabuluhang
bagay. Kaya, ang kamalayan natin sa mga bagay-bagay lalo na sa uri at gamit nito
ay nagdudulot sa atin ng malawak na pag-unawa sa kultura at lipunan ng ibang
grupo.
2. Di-materyal na Kultura. Binubuo ito ng mga norm, valyu, paniniwala, at wika.
a) Norms. Tumutukoy ito sa pag-uugaling karaniwan at pamantayan.
Tinatawag ng mga sosyolohista ang norm na kumakatawan sa kung ano
ang aktuwal na ginagawa o ikinikilos ng isang tao na ideyal at estandard na
inaasahang uugaliin niya sa isang partikular na sitwasyon. Halimbawa, ang
ideal norm para sa mga naninigarilyo sa mga pampasaherong sasakyan ay
Smoking is not permitted. Ito ay tama sa sosyolohikal na pagtingin at
dahil mali at may batas na sinusunod kaya ito ang karapat-dapat na gawin
o sundin. Ang norm ay ideyang nasa isip ng bawat miyembro ng isang
grupo. Ang ideyang ito ay nagsasabing kung ano ang dapat at inaasahang
gawin sa isang sitwasyon. Ang ideyal na norm ay mahalaga dahil
nagpapaliwanag ito ng inuugali ng iba at nakatutulong din nang malaki
para maunawaan ang mga ugaling ito. Halimbawa, dapat huwag mag-ingay
kung may natutulog lalo na kung siya ay bisita at hindi mo kilala, pagsasabi
ng "po” ng mga Tagalog bilang palatandaan ng paggalang, paghingi ng
permiso tuwing umaalis ng bahay, paghihintay sa pagsasabi ng titser na
maaari nang lumabas ng klasrum kahit na nagring na ang bel.
b) Folkways. Isa itong kaugaliang nakikita sa isang sitwasyon na tinitingnan
ang magandang kapakanan ng isang pangkat. Ilang halimbawa ng
folkways ay pag-aayos ng lugar lalo na ang hapag kainan, pagtanggap nang
mahusay sa mga bisita, pagdaramit nang maayos kung may pupuntahan,
pagsisimba, pagsama-ama ng pamilya tuwing Linggo, atbp. Kung ang kultura raw
ay sementong nagbubuklod sa mga tao sa lipunan, ang beheybyur ng mga tao ang
pangunahing sangkap/sahog sa semento. Ang dahilan na ang mga sosyolohista ay
gumagamit ng terminong folkways kaysa customs ay upang idiin na ang mga ito
ang mga katanggap-tanggap na beheybyur ng tao sa isang lipunan. Sumasaklaw pa
rin ito sa marami pang kustombreng ating sinusunod dahil ito ang ating nakikita at
ginagawa mula pa noong tayo ay isinilang. May mga inaasahang beheybyur na
tradisyunal nang ginagawa ng mga Pilipino dahil sa ating palagay, ito ang tamang
gawin. Halimbawa, may paniniwala ang mga Pilipino na kung ang isang pamilya ay
namatayan, ang mga kamag- anak, kaibigan, at kapitbahay ay dapat pumunta sa
bahay ng namatayan upang makiramay. Ang perang abuloy o tulong sa namatayan
ay karaniwang inilalagay sa plato o kahon na malapit sa kabaong. Ang mga
direktang yembro ng pamilya ay bawal na tumulong sa pag-aayos sa patay. Sa
halip, Sila ay mag-aasikaso lamang sa mga bisita. Naniniwala rin ang karamihan sa
mga Pilipino sa siyam na gabing pagdarasal, sa ikaapatnapung araw na pagdarasal
at sa hubkas o isang taon na anibersaryo ng pagkamatay. Isa pang kultural na
ekspektasyon sa Pilipinas ay keeping the family purse (Sino ang hahawak ng
pera ng pamilya?). Ang mga bana ay inaasahang magbigay sa asawa ng kanilang
suweldo dahil ang huli nagdadala ng badjet ng pamilya. Sa mga Amerikano naman,
ang bana ang humahawak sa pera ng pamilya.
c. Mores. Tumutukoy ang mga ito sa pamantayan ng kaasalang lubhang iginagalang
at pinahahalagahan ng isang grupo. Kinakailangan at mahalaga para sa kapakanan
ng isang grupo ang pagsasabuhay sa mga pamantayang ito. Halimbawa, bawal sa
mga Muslim ang kumain ng karneng baboy, bawal sa ibang relihiyon ang kumain
ng dinuguan at magpaputol ng buhok ang mga babae. Ito ay hindi ginagawa nang
basta na lamang ng isang miyembro dahil may mabigat na kaparusahan ang
paglabag sa mores.
d. Batas. Para sa mga sosyolohista ang batas ay pormal at karaniwang ginagawa at
isinasabatas ng federal state o lokal na awtoridad. Halimbawa: Ang pagpatay,
pagnanakaw, pagtawid sa daan nang hindi sumusunod sa batas-trapiko ay may
kaparusahan. Ang pagdedeklara ng presidente ng Pilipinas ng ligal na holiday sa
araw ng pagkamatay ng dating Presidente Corazon Aquino para maalala palagi ng
mga Pilipino ang kanyang kadakilaan ay nakapaloob sa isang batas o
proklamasiyon. Kalaunan, magiging customary na ang pagbibigay-pugay kay Cory
Aquino at hindi na ito basta ligal na araw na walang trabaho kundi magiging
tradisyunal na holiday na.
e. Valyu. Ito ang inaasahang mabubuting pag-uugali o dapat gawin/ikilos ipakita. Sa
pangkalahatan, tumutukoy ito sa indibiduwal na ideya ng kahalagahan at
pangangailangan, at siyang magdidikta sa atin kung ano ang moral at imoral, ng
mabuti at masama, ng tama, at mali, ng maganda, at pangit. Halimbawa nito ay ang
pagbati ng "good morning" at "good evening“, pagpapasalamat, pagtulong sa mga
titser lalo na kung may mabigat na dalahin, pagdating sa tamang oras, paggalang sa
mga nakatatanda, hindi pagsagot nang pasigaw sa mga magulang. pagsagot nang
tama kapag tinatawag, pagkatok kung papasok sa ibang bahay, atbpa.
f. Paniniwala. Ayon sa mga sosyologo, persepsyon ito ng isang tao sa mga
nangyayari sa kanyang kapaligiran at mundo. Kabilang dito ang mga pamahiin.
g. Wika. (Balikan ang kahulugan ng wika sa naunang bahagi ng teksto)
h. Technicways. Pakikiangkop ito ng lipunan sa mga pagbabagong dala ng
teknolohiya. Ang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga bagong kagamitan at
pagsunod sa moderno o popular na kultura o global na pagbabago. Ang bilis ng
komunikasyon ay dahil sa kompyuter at mga telefon o celfon. Naging maliit
ang mundo at nagkakaimpluwensyahan ng kultura dahil sa impluwensya na
rin na dala ng mga makabagong kagamitan at pamamaraan ng pamumuhay
tulad ng pagbabago sa pagluluto, pag-aayos o pagpapaganda ng sarili,
pagpapagamot, pag-eenrol o pag-aaral, pag-aanak, pagbibiyahe, at mula sa
tradisyunal nitong kaparaanan. Ang technicways marami ay kumakatawan sa
klase ng pagbabago ng kultura at halos kabaligtaran ng folkways at norms.

2.4. KULTURA AT ANG GRUPO


May tatlong mahalagang tungkulin ang kultura ng isang pangkat. Anumang
kultura ay:
1. Isang paraan upang makita ang biyolohikal na pangangailangan ng grupo para
mabuhay.
2. Nagbibigay sa isang indibidwal na kasapi ng grupo na mag-adjust o makibagay
sa sitwasyon ng kapaligiran.
3. Sa pamamagitan ng komon na kultura, nagiging tsanel upang makapag-interak
ang bawat myembro ng isang pangkat at maiwasan ang anumang alitan.

2.5. PANDAIGDIGANG HULWARAN NG KULTURA (Universal Pattern of


Culture)
Iba-iba ang kultura ng bawat lugar ngunit may mga kulturang komon at
makikita sa lahat ng pangkat sa bawat lipunan. Ang unipormidad na ito ay
tinatawag na universal pattern of culture.
Ang lahat ng ginagawa kaugnay sa wet rice agriculture sa Pilipinas ay
halimbawa ng hulwaran ng kultura. Kumakatawan sa wet rice pattern ang
maraming katangian ng kultura na ginagamit tulad ng paggamit ng kalabaw,
paggamit ng araro, sakahan, espesyal na varayti ng palay, espesyal na paraan ng
pagtatanim at muling pagtatanim.
Si Winsker na isang Amerikanong antropolohista ang unang nagbigay ng
pakahulugan sa universal pattern of culture. Ayon sa kanya, ang lahat ng tao sa
mundo ay may:
1. Wika at pananalita
2. Materyal na Kultura
a. Food habits/Kinasanayang pag-uugali sa pagkain
b. Pamamahay
c. Transportasyon
d. Kagamitan
e. Pananamit
f. Sandata o weapon
g. Trabaho at Industriya

2.6. ALTERNATIBO/MGA ALTERNATIBO


Ang bawat lipunan ay may mga kaugaliang sinusunod at mayroon din namang
maaaring hindi sinusunod na tinatawag na alternatibo. Maaaring mamili ng kung
ano ang sa palagay ng bawat isa ay nakapagdudulot sa kanya ng kabutihan at
kasiyahan. Halimbawa, maaaring mamili ang kahit sino kung anong relihiyon ang
gusto niya; sa pagbiyahe ay puwede siyang sumasakay sa bus, dyip, tren, eroplano,
helikopter, barko, bangka, kalesa, o motorsiklo. Pwedeng kumain sa restawran, sa
bahay, sa may tabing dagat o kahit saan. Maaaring mag-asawa at maaaring hindi.
Sa pagpapakasal maaaring sa pari, huwes, pastor, at maging sa mayor. May lipunan
na tanggap ang pag-aasawa ng marami at tanggap ang diborsiyo, samantalang may
lipunan naman na hindi tinatanggap ang mga ito. May lipunan ding sang-ayon sa
mercy killing at aborsiyon at mayroon ding tumitingin sa mga ito bilang
napakabigat na kasalanan sa batas ng tao at lalo na ng Diyos.

2.7. PAGTINGIN NG IBANG TAO SA SARILING KULTURA AT KULTURA NG IBA


Ang pagpapahalaga ng isang tao sa sariling kultura at sa kultura ng iba ay
maaari niyang ibatay sa mga sumusunod:
1. Noble Savage. Dito, tanggap niya kung ano siya. Hindi niya ikinahihiya kung
ano siya. Halimbawa, tanggap na tanggap ko na ako ay isang Meranaw at hindi
ko ito ikinahihiya.
2. Ethnocentrism. Paniniwala ito ng iba na ang kanilang kultura ay tama at
nakahihigit sa ibang kultura samantalang ang sa iba ay mali kaya hindi dapat
gayahin ng iba. Halimbawa, ang pagdadasal sa altar na may mga imahe ng iba
ibang santo ay hindi tama, maling-mali kaya hindi dapat gayahin.
3. Cultural Relativity. Pag-unawa ito sa ibang kultura. Dito, tinitignan ang lahat
ng kultura bilang pantay-pantay, walang superyor at imperyor. Kabaligtaran
ito ng ethnocentrism. Halimbawa, Kung hindi man sila nagmamano sa kanilang
tahanan ay hindi ibig sabihin na wala silang respeto sa magulang nila. Ito ay
nakasanayan nila kaya nauunawaan ito ng mga nakakakilala sa kanila.
4. Xenocentrism. ang mga banyagang tao, lugar, at bagay ay magaganda at ang
lokal o sariling kanya ay pangit. Pagmamahal ito sa imported na bagay.
2.8. KULTURAL NA KATANGIAN NG IBANG MGA TAO
1. Polychronic. Sa ibang kultura, may mga taong gumagawa ng isang bagay o gawain
nang sabay-sabay. Halimbawa, Nagsasaing habang naglalaba at nagbabantay ng
bata, nag-aaral at nanonood ng tv habang sige rin ang pindot ng selfon
2. Monochronic. Ang mga tao ay paisa-isa kung gumawa ng kanilang trabaho.
Naniniwala sila na bawat trabaho ay may oras. Halalimbawa, hindi muna sila
magluluto hangga't di natatapos ang kanilang paglalaba.

2.9. KATANGIANG KOMUNIKATIBO AYON KINA HOFSTEDE AT TRIANDS


Ayon kay Hofstede (1984), maaaring uriin sa dalawa ang katangiang komunikatibo-
individualist at collectivist.
1. Individualist. Sarili lang ang iniisip at mahalaga para sa isang tao. Wala siyang
pakialam sa damdamin ng iba. Prangka kung magsalita at wala siyang pakialam sa
nararamdaman ng iba.
2. Collectivist. Iniisip ng isang tao ang kapakanan at pag-uunawaan ng lahat.
Mahalaga sa kanya ang damdamin ng iba.
Inuri naman ni Triands (1990) ang katangiang komunikatibo bilang allocentric
at idiocentric.
1. Allocentric. Sa katangiang ito, iniisip ng isang tao na mahalaga para sa kanya ang
iba.
2. Idiocentric. Nagsasabi ang katangiang ito na sarili lamang ng isang tao ang
mahalaga.

Reperensiya:
• Hufana, N. L., Banawa, M. D., Gervacio, G. V., Pantorilla, C. R., Sajulga, A. C., & Tiosen, R. B. (2018). Wika
at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City: MUTYA Publishing House Inc.
ARALIN 6
ILANG GRUPO SA PILIPINAS NA MAY NATATANGING
KULTURA

May mga katanungan marahil ang ilan sa pag-usbong ng ibat ibang grupo o
pangkat na may natatanging pinapaniwalaan na iba sa karaniwang mga samahan o
pangkat na kilala na sa buong Pilipinas tulad ng Rotary, Lions, Samahan ng mga
Magsasaka, Couples for Christ, Ang mga Mangagawang Pilipino, at marami pang iba.
Ang kakaibang mga grupong ito ay may mga kaugalian na taliwas kung minsan sa
mga sinusunod ng iba. Naging palaisipan sila sa hindi nakakaalam at kung makikilala
naman sila ay lalong naging misteryoso ang gawain nila sa pagtingin ng mga nag-iisip
na hindi sila normal na mga indibidwal. Ang mga paghuhusgang ito ay mabibigyan
kasagutan o pagpapaliwanag sa bahaging ito kahit man lang sa kaunting
impormasyon tungkol sa mga grupong ito. Naririto ang iilan sa kanila.

3.1. ANG MGA RIZALIAN SA LUNGSOD NG DAPITAN

-mula sa pananaliksik nina: Ana Rheza B. Blase, Mary Cris E. Manlangit at Precious 1.
Salaveria

Kilala ang mga Rizalian sa kanilang magaling na pagmamasahe at


pagboboluntaryong pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa loob ng parke ng
Rizal Shrine. Nakadamit sila ng puti kaya misteryoso sa mga mata ng mga taong
bago pa lamang sila nakita. Isang samahan sila na makikita sa Lungsod ng Dapitan.
Tagasunod sila at naniniwala na si Dr. Jose Rizal ay isang Diyos. May bagong
kulturang umusbong sa likod ng samahan mayroon sila. Ang kulturang ito ay
nakasuporta sa interpretasyon nila sa Bibliya, kaya naman lahat ng kanilang
ginagawa at pinaniniwalaan ay binatay sa Bibliya. Mayroon din silang mahabang
kasaysayan lalo na sa simula ng kanilang pananampalataya kay Jose Rizal.

May sarili silang bersyon ng kasaysayan ng buhay ni Rizal na hindi sinabi sa


mga aklat. Ang sumusunod ang bersiyon nila ng kwento:
May isang reyna sa bansang England na nagngangalang Victoria na
nagdadalantao habang nasa Pranses at bilang reyna kailangan niyang umuwi sa sarili
niyang bansa para ang kanyang anak ang mamuno at magmana ng kanyang trono.
Habang nasa barko pauwi ay ipinanganak niya ang isang babae na pinangalanan niya
ring Victoria. Nang malapit na silang makarating nanganak ulit siya ng isang lalaki.
Nakita niya nang lumabas ang bata na malaki ang ulo nito at hindi kaaya-ayang
tingnan para sa kanila kaya napagdesisyunan niya na pliin ang batang babae lalo na sa
pamumuno at pagmana ng kanilang kaharian. Ibinalot niya ang batang lalaki, inilagay
sa kahon at pinaanod sa dagat. Napadpad ang bata sa kaharian ng Italya na agad
namang sinagip ng kaharian. Ang batang ito ay naging prinsipe at tagapagmana ng
lahat ng nasa kaharian pati na ang pagpunta sa Pilipinas.
Nang minsan itong bumisita, umibig ito sa isang babaeng Pilipina na kanyang
nabuntis. Dahil may dugong bughaw, hindi puwede sa kanila ang umibig sa hindi
dugong bughaw. Dito isinilang ang isang batang lalaki na pinangalanang Jose Protacio
Rizal. Dahil ang babae ay hindi mayaman dinala niya ang bata sa mayamang pamilya ni
Doña Teodora Realonda Alonzo at Don Francisco Mercado. Kaya sinabi ni Jose Rizal sa
kanyang isang liham na "It seems that I am an illegitimate child of the Mercado Family
cause I am the only Rizal." Dahil tatlong araw matapos siyang ibigay ng kanyang ina
kay Don Francisco, pagbukas nila ng lampin ay may pangalan na itong Jose Protacio
Rizal. Napagtanto nina Doña Teodora na ang bata ay hind isang ordinaryong bata
lamang dahil noong dalawang taong gulang pa lamang siya ay marunong na itong
magbasa.
Sa murang edad ni Rizal ay mayroon na itong tatlong propesiya. Una, ang
mapalaya ang nakulong niyang ina; pangalawa, gumawa siya ng rebulto ng sarili
niyang imahen na nagpapahiwatig na sa hinaharap ang lahat ng bayan sa Pilipinas ay
gagawa ng kanyang imahe o rebulto para kilalanin ang kanyang pangalan; at ikatlo,
tinawag niyang Philippines in Century Hills o ang Pilipinas sa ikasandaang taon.
Nang nabubuhay pa si Rizal, isa ang lungsod ng Dapitan sa Mindanao sa kanyang
naging tahanan sa loob ng apat na taon bago siya ipinadala sa Maynila para hatulan ng
kamatayan noong 1896. Sa mga taong ito naging malapit sa kanya ang lungsod, lalo na
ang mga taong naninirahan mismo sa Barangay Talisay. Ibinahagi niya ang kanyang
mga kaalaman sa mga tao at hindi tumigil sa kanyang pagtulong at pagsasaayos ng
lugar. Naging guro siya ng mga bata at naging doktor sa lahat ng maysakit. Isa sa
kanyang inoperahan ay ang ama ni Josephine Bracken na naging kabiyak niya sa buhay
at kinasama sa Dapitan. Naging katuwang niya ang kanyang asawa sa lahat ng bagay at
minsan na silang biniyayaan ng anak ngunit nakunan si Josephine. Sa kanyang
pagkamatay, hindi ito naging dahilan para matigil ang kanyang nasimulan at hindi
makalimutan ng mga tao ang kanyang mga nagawa. Ipinagpatuloy nila ang mga
nagawang ito ni Rizal at pinahalagahan ang mga bagay na kanyang naipundar.
Isang taga-Lungsod ng Dapitan na pinangalanang Filemon O. Reambonanza ang
minsang dinalaw ni Rizal sa panaginip taong 1952. Sa unang gabing pagdalaw ni Rizal
kay Filemon, higit limang beses na nanaginip ang huli, at hanggang sa kanyang
paggising ay nakita nito mismo si Rizal na nakatayo sa kanyang paanan. Matapos ang
kaganapang ito, hindi mapigilan ni Filemon na sabihin sa mga tao ang mga nangyari sa
kanya. Makalipas ang ilang araw nagpakita sa kanya ang Panginoon at nagalit ito dahil
ipinagkalat niya ang kanyang napanaginipan. Doon niya napagtanto na iisa lamang si
Hesus at si Rizal. Hindi pa binigyan ng atensyon ni Filemon ang pangyayaring iyon.
Noong 1970 nangyari ulit ang panaginip at dito na sinabi sa kanya ni Rizal na
ang Espiritu ng Panginoon ay nasa kanya at inatasan niyang si Felimon ang magbahagi
ng magandang balita sa mga tao at sabihing si Rizal ang Panginoon. Sa tulong ng boses
na kanyang naririnig, nagagawa niyang magbigay ng interpretasyon sa Bibliya. Hulyo
27, 1975 nang sinimulan niya ang pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa mga
kasamahang panday at sinulat niya ang lahat na binigay sa kanyang karunungan.
Agosto 5, 1975, tumigil siya sa pagtatrabaho at pumunta sa Maynila para makilala ang
mga nananampalataya kay Rizal na "Watawat ng Lahi.“
Bago niya binuo ang kanilang samahan ay marami na ang kapareho nila ng
paniniwala -paniniwalang panginoon si Jose Rizal ng mga taga-Maynila na kilala sa
tawag na Watawat ng Lahi at pinamumunuan ni Arceño de Guzman noong binuo niya
ang grupo noong 1914. Si Arceño de Guzman ay kaklase ni Jose Rizal at kauna-
unahang pinakitaan ni Jose Rizal ng kanyang espiritu. Sinabi ni Jose Rizal na siya ang
Diyos at inatasan si de Guzman na bumuo ng sekta na mananampalataya sa kanya.
Sumunod naman ang mga kwento nina Parabuac, Felix Milgar ng Ozamiz,
Anastasio Balase ng Zamboanga del Norte at Ruben Ecleo Sr. ng Surigao. Nagkaraoon
ng hindi pagkakaunawaan ang mga lider na nauwi sa pagkakawatak-watak ng ibang
kasapi ng samahan. Pumunta lahat ng mga lider sa Dapitan para malaman kung sino sa
kanila ang pinili ng Diyos na pasukan ng espiritu. Napili si Filemon na pasukan ng
espiritu at nanirahan sa parke sa Dapitan. Naging basehan nila ang pagkakaroon ng
Pitong Espiritu ng Panginoon na makikita kay Felimon. Ang pitong Espiritong ito ay
ang banal na dugo ni Hesus, utak o karunungan at ang limang pandama at kagustuhan
ng gobyerno.
Sinasabing sa simula pa lamang ng daigdig, nang nabubuhay pa si Adan at Eba,
ang Balaang Espiritu ay nasa sa kanila na. Pagkatapos kay Adan, ang mga sumunod na
lalaki sa Bibliya ay pinasukan din ng Espirtu: si Abraham) ang kilala na Father of All
Nations; si Noah na gumawa ng arko; at si Hesus, ang huling pinasukan ng Espiritu na
isinaad sa Bibliya bilang anak ng Diyos at siya ang ikaanimnapu na pinasukan ng
Espiritu.
Naniwala sila na si Hesus at si Rizal ay isa lamang sapagkat pumasok ang
espirito kay Rizal. Sina Hesus lamang at Rizal ang kanilang pinaniniwalaan at hindi ang
Holy Trinity. Hindi sila naniniwala sa Ama at Balaang Espiritu. Lahat ng kanilang
pinaniniwalaan ay nakabatay sa Bibliya dahil para sa kanila ang Bibliya ay may apat na
bahagi-ang Kasaysayan, Agham, Matematika at Propesiya.
Nang umakyat na sa langit ang espiritu ni Hesukristo, sinasabing lumilipat na sa
mga maimpluwensyang tao sa mundo ang Espiritu ng Panginoon saloob ng
labimpitong taon matapos mamatay ang taong huling pinasukan ng espiritu. Ilan sa
mga pinasukan si Tiberius Claudius Caesar Augustus Germanicus (Enero 24, 41 A..D-
Oktobre 13,54 A.D), si Haring Humabon ng Cebu, at si Jose Rizal na
pandalawamputpitong tao na pinasukan ng espiritu. Maliban sa mga makasaysayang
nagawa ni Rizal at mataguriang bayani, siya rin ang Third Witness of God at
nagdeklara ng Mindanao is the Land of Promise. Kaya tinawag na The Land of
Promise ang Mindanao dahil ito ang pinaniniwalaang susunod na Mesapotamia o ang
banal na lugar na magiging langit sa hinaharap. Sinasabing hindi nagkakalayo ang mga
nagawa ni Jose Rizal sa nga nagawa ni Hesus noong nabubuhay pa siya sa mundo at
nagkatawang tao.
Ilan sa mga ito ang pagtuturo sa mga bata maging sa matatanda tungkol sa magandang
balita, pagtulong sa kapwa sa kanilang pangangailangan, lalo na ang may mga sakit
(bilang isang doktor), at ang pag-aalay ng sarili nitong buhay para iligtas ang buhay ng
Karamihan, na itinuturing na makasaysayang gawaing kinikilala hindi lamang sa
Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Taong 1982 nang magsimulang dumami ang mga tagasunod ni Filemon sa
Dapitan at patuloy itong dumarami hanggang taong 1992. Sa taong ito naaprubahan sa
Maynila ang kanilang samahan bilang isang organisasyon na makikita sa Mindanao na
may seksyon na CN201410709 at pinangalanan nilang Kingdom of God ang mas
kilalang Rizalista o Rizalian. Kingdom of God ang kanilang pinangalan sa kanilang
organisasyon dahil sa ideya na ang Dapitan ang The Land of Promise, ang bagong
Jerusalem at Mesapotamia. Mula rin ito sa Bibliya na nangangahulugang kaharian ng
Diyos. Si Filemon O. Reambonanza, bilang pinuno ng samahan, ang nagbibigay ng mga
utos at patakaran, maging ng kanilang mga pangangailangan.
Ang salitang Rizal ay mula sa salitang Espanyol na Ricial na ibig sabihin ay field
where wheat is cut while still green, and sprouts again. Naniniwala ang mga
Rizalista na matapos patayin si Jose Rizal sa Bagumbayan, isang Rizal ang isisilang
pagkaraan ng labimpitong taon mula ng kanyang kapanganakan noong taong 1861.
Pinaniniwalaan ng mga Rizalista na si Filemon, na ipinanganak noong taong 1931, ang
bagong Rizal na tulad ni Jose Rizal ay pinasukan ng Espiritu at siyang susunod na
maghahari sa buong mundo at magpapatuloy sa mga nagawa ng Panginoon. Ayon sa
mga Rizalista, ang salitang Rizal ay hindi lamang tumutukoy kay Jose Rizal dahil lahat
ng tao na naniniwala kay Jose Rizal ay matatawag na Rizal kahit pa hindi ito
naniniwala na siya ay Diyos. Ang batayan ng pagiging Rizalian ay ang
pananampalataya ng isang tao at ang malalim na paniniwala na Diyos si Jose Rizal.
Kaya ang naniniwala kay Rizal bilang Jose Rizal lamang at hindi ang Rizal na Diyos ay
hindi itinuturing na Rizalista o kasapi ng samahan.
Nakabatay ang lahat ng kanilang paniniwala sa King James Version, Bibliya ng
mga Katoliko, dahil sinasabi nilang malapit ito sa orihinal na bersiyon ng Bibliya at
wala masyadong binago. Sa tulong na rin ni Jose Rizal na dumadalaw sa panaginip ni
Felimon, ay nabigyan ang Bibliya ng interpretasyon na pinagbabatayan ng kanilang
paniniwala.
Iba ang Rizalian ng Kingdom of God sa Talisay sa mga Rizalian na makikita sa
ibang bahagi ng bansa at iba rin ang tawag ng kanilang simbahan. Naging iba na ito sa
mga grupong may kapareho nila ng paniniwala sa dahilang nagiging tiwalag na ang
ibang grupo sa totoong paniniwala nila at may masasama nang adhikain. Ang
pagkakatulad lamang nila ay ang paniniwala na si Jose Rizal ay reinkarnasiyon ni
Hesukristo. Sila ay iisa pero iba-iba ang pamamaraan ng bawat grupo sa pagsamba. Sa
Kingdom of God nakabatay lahat sa Bibliya ang kanilang paniniwala.
Bilang pinuno ng samahan, si Filemon O. Reambonanza ang nagbibigay ng mga
utos at patakaran, maging ang pagbibigay ng kanilang pangangailangan. Para mas
maging madali ang gawain ni Filemon, mayroon siyang labindalawang (12) Apostoles
at labindalawang (12) pari na nagkakasal sa kanila. Bumibisita at nag- ikot-ikot sa iba't
ibang bayan ang mga ito para magbahagi ng magandang balita sa mga bahay-bahay.
Hindi lahat ng mga miyembro ay ipinanganak na isa nang Rizalian dahil ang iba
sa kanila ay Katoliko o may ibang relihiyong kinalakhan. Pero minsan na rin silang
dinalaw ni Jose Rizal sa kanilang panaginip o 'di kaya sa panahong nangangailangan
sila. Katulad na lamang nang muntik nang may namatay ay nagpakita si Jose Rizal at
sinasabing humawak ito sa taong nangangailangan ng tulong para gamutin. Dahil
nasaksihan ng iba na agad namang gumaling ang mga ginamot, nahikayat silang sumali
sa samahang Rizalian. May iba namang minana na lamang sa mga magulang ang
pagiging Rizalian. Ang iba naman ay matanda na nang sumali sa samahan. Karamihan
sa mga sumasali sa samahan ay nagmula lang din sa Lungsod ng Dapitan. Sa ngayon,
tinatayang nasa humigit-kumulang 50,000 ang mga miyembro ng Rizalian sa buong
kapuluan. Nagiging daan sa pagsali sa samahan ang tatlong bagay-panaginip, pakikinig
sa radyo, at sakit.
Ngayon, itinuturing nilang Hari si Filemon O. Reambonanza o kilala sa tawag na
Mahal na Hari o Supremo dahil sa pagpasok ng espirtu sa kanya. Siya ang
pinaniniwalaan nilang huling papasukan ng espiritu sa mundo, matapos kay Jose Rizal.
Bilang huling tao na pinasukan, siya rin ang The Last Adam dahil 70 taon matapos ng
kanyang kapanganakan wala nang sumunod na pinasukan ng espiritu sa Pilipinas.
Noong 2001, ang espiritu ni Adam, ang isinaad sa Bibliya na kauna-unahang pinasukan
ng espiritu ng Diyos, ay lumipat sa kanya. Dahil dito, matatawag na rin si Mahal na
Haring Filemon O. Reambonanza na Adam. Nakapag-asawa si Filemon ng limang beses.
Isa rito ay namatay na at ang apat ay kasama niya sa templo. Ang pag aasawa ng
marami ni Filemon ay hango sa pag-aasawa ni Hakub ng apat. Dalawa sa kanyang
asawa ay kilala sa tawag na Eba at Josephine Bracken dahil ang dalawang babaeng ito
ay pinasukan ng espiritu nina Eba at Josephine.
Binibigyang galang naman ng hindi mga Rizalian na nakatira sa lungsod ang
mga paniniwala at kulturang mayroon ang Rizalian sapagkat mayroon silang
mabubuting nagawa at naiambag sa kanilang komunidad o sa kapwa tao. Marami sa
kanila ang nagsasabi na may mabubuting puso at marunong makipagkapwa tao ang
grupong ito.

3.2. GOSPEL MINISTRY OF SALVATION


- mula sa pananaliksik nina Angelica Dumasapal, Fatma M. Jamali, Joso MMarie M. Labis,
at Princess L. Tado
Isang puting palasyong bahay na makikita sa Barangay Pala-o, Iligan City sa
Lanao del Norte, Mindanao. Ang nagmamay-ari sa Kingdom Filipina Hacienda ay Si
Dr. Salvacion Legaspi o kilala sa tawag na "Majesty", Sa bahay na ito nakabase ang
pinaka opisina ng isang Monarchy Government. Tinatawag ang gobyernong ito na
Gospel Ministry of Salvacion (salvation). Ayon sa nakapanayam ng aming grupo na
si Alden Kerubin, ang punong direktor ng kanilang opisina; ito ang pinakamataas na
hukom sa lahat ng hukom. Sinabi rin niyang ang opisinang ito ang pinaka- opisina,
kahit pa nakaayon ito sa palasyong nakabase sa England. Ang ilan sa mga bakanteng
kwarto ng palasyong ito ay nakalaan sa mga magiging trabahante o sa mga
magtatrabaho sa palasyo. Iminumungkahing layunin ng hukom na ito na pag-isahin at
gawing isang barangay ang buong mundo, mayroon silang sariling watawat, pera,
pasaporte at plaka ng kotse. Bukod pa rito, plano ng hukumang ito na gagawa ng
sariling bangko na kung saan doon magiging epektibo ang kanilang ginawang pera.
Makikita sa kanilang pera ang larawan ng kanilang itinuturing na Majesty. Ang
bawat pera ay may partikular na larawan. Nakabatay ang larawang ito sa pitong (7)
sagradong katawagan sa kanya. Tinagurian siya bilang Queen of Salvation, Queen of
South, Queen of Islam, Queen of Light, Queen of Flowers, Queen of Motherland at ang
Alpha and Omega. Sapagkat iminumungkahi ng kanilang Majesty na pagmamay-ari
niya ang Pilipinas, kaya niya gumawa ng pera at mag-imprenta nito. Bawat isang AU
dollar ay may katumbas na pitong daang piso (P700). Bukod pa rito, gumawa rin sila
ng sarili nilang watawat na kung saan ang watawat na ito ay sumisimbolo sa layunin at
responsibilidad na ayon kay Kerubin, ibinigay ng diyos kay Majesty. Ayon kay Kerubin,
ang dalawang tig-aanim na mga bituin sa itaas at ibabang bahagi ng watawat ay
sumisimbolo sa labindalawang (12) tribu noong unang panahon na binanggit sa
Bibliya. Ang isang araw sa gitna ay sumisimbolo kay Majesty na siyang magiging
tagapagligtas ng buong sinasakupan. Makikita rin ang isang buwan at isang bituin sa
ibabaw na bahagi ng watawat na ayon sa nasabing impormante, ang buwan at bituin
ay sinisimbolo ng Diyos.
Ang kanilang adhikain ay nakabatay sa nakasulat sa Bibliya at sa Efra Law
(tumutukoy sa batas sa mga lupain). Sinasabi ng grupong ito na ang Iligan ay ina ng
lahat ng kalupaan sa mundo. Nagsimula ang lahat ng pangyayari noong unang
panahon sa lugar na ito kaya dito inilagay ang pinakabase ng Kingdom Filipina
Hacienda ni Dr. Salvacion Legazpi. Binanggit din ni Kerubin na ang Iligan ay ang
tinatawag noon na Garden of Eden. Ayon sa kanya, hinanda siyang Panginoon upang
tulungang iligtas ang mga tao sa mundo. Kaya, inutusan siyang gumawa ng bagong
mundo sa pamamagitan ng pagbuo ng bagong gobyerno na tutulong sa mga tao upang
guminhawa ang kanilang buhay. Ang panawagang (calling) ito ayon sa kanya ay kusa
niyang naramdaman nang minsan siyang bumabasa ng Bibliya at nakita niya ang salita
ng Diyos na para bang tinatawag siya ng Banal na Ispirito para sa ganitong
responsibilidad.
Ayon kay Majesty, masasabing pag-aari niya ang bansang Pilipinas dahil siya
lamang ang may hawak ng titulo nito. May pinanghahawakan siyang kasunduan o
dukomento ng Treaty of Paris na nilagdaan at inaprobahan ng lahat ng hukom. Unti-
unti niyang tinitipon ang mga mahahalagang dukomentong gagamitin niya sa pagbuo
ng bagong gobyerno, bagong mundo. Una niyang magiging hakbang ay ang paggawa
ng sariling bangko na tatawagin niyang Tribunal Bank na itatayo niya sa mismong
kinatatayuan ng kanyang palasyo. Ang unang makikinabang ng bangkong ito ay ang
mga naunang miyembro o kasapi ng kanilang kaharian. Aniya, ang ID card na gawa
nila ay magiging isang pinakamahalagang bagay upang makapasok at makalabas sa
bansang Pilipinas sapagkat darating ang panahon na walang sinuman ang
makakapasok at makalalabas ng bansa kung wala silang maipapakitang ID card na
katulad ng nasa larawan at maisasakatuparan lamang ito kung matutuloy ang plano
niyang isara ang bansa. Sa panahon na iyon, wala nang mga taong maghihirap
sapagkat ang pera ay hindi na po-problemahin ng mga tao at mawawala na rin ang
pagsingil ng tax dahil ayon kay Majesty, tax ang nagpapahirap sa mga tao. Ito ang lahat
ng paniniwala ng miyembro ng grupo nila.
3.3. ILAGA: ANG MGA MILITANTENG KRISTTYANO SA MINDANAW
- Isinalin sa Filipino ng may-akda mula sa internet sa panayam kay Dennis Arcon, News5,
2013)
Ang ilaga sa Visayas ay nangangahulugang daga sa Filipino. Ngunit sa Mindanao,
ang llaga na nagsisimula sa malaking titik ay mga militanteng grupong Kristiyano na
ang karamihan ay mga magsasaka sa simula na lumaban sa mga Morong ekstrimist o
Islamist. Nagsimula ang grupong ito ng kanilang kilusan noong 1970 at lalong nakilala
noong 197l nang maibalita ang pinakamadugong ginawa nila na pagpatay sa
animnapu't limang (65) sibilyan sa isang moske.
Isa sa pangunahing adhikain ng kilusang ito ang protektahan ang mga
Kristiyanong komunidad sa pag-atake ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation
Front (MILF) at sa New People's Army (NPA) na nasa Sentral Mindanao ng mga
panahong iyon. Sunud-sunod ang pakikipaglaban ng kilusan sa kanilang
pinaniniwalaang sila lamang ang makaprotekta sa komunidad ng mga Kristiyano. May
mga bali-balita noon na sinusuportahan sila ng gobyerno sa pakikipaglaban sa mga
rebeldeng MNLF at NPA. Sunud-sunod din noon ang panalo ng mga Ilaga sa kalaban.
Sinasabing ang kilusan ay isang kulto, may talisman o anting-anting, di-tinatablan ng
bala at higit sa lahat, kumakain ng tao. Lumaganap noon ang balita na takot na takot sa
kanila ang kanilang kalaban dahil sa sila na mismo ang kinakain nila.
Ginamit daw sila ng pamahalaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa
pagsugpo ng karahasan sa Mindanaw dahil sa kakulangan ng sangay ng mga sundalo.
Ngunit nang makialam na ang ibang bansa, pinatigil na ng dating pangulo ang kilusan.
Unti-unti na itong tumamlay at nawala ang popularidad nito nang lubusan. Noong
2013, binuhay ang kilusan ni Mike Santiago, isang kumander sa North Cotabato at
naging tagapagsalita rin nila. Tinawag ang dating Ilaga na Reform Ilaga Movement na
may 45,000 na miyembro sa buong Mindanaw. llan sa mga dating kilalang mga lider
nila ay sina Kumander "Bukay"'ng M'lang- North Cotabato at Kumander "Toothpick”
ng Upi-Maguindanaw.

3.4. ANG MGA MONCADISTA


- lsinalin sa Filipino ng may-akda mula sa Ethnic Group of the Philippines, 2016.
Ang Isla ng Samal ay napakagandang isla na makikita sa gulpo ng Davao. Ito ay
kilala sa napakaganda dahil sa kulay asul nitong karagatan na may puting buhangin.
Noong panahon ng Komonwelt naging mas kilala ang lugar na ito nang bumuo si
Hilario Moncado ng isang sektong panrelihiyon na tinawag niyang Filipino Crusaders
World Army (FCWA). Tinawag na mga Moncadista ang mga kasapi nito na sumunod
sa katuruan ng kanilang ispiritwal na lider.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming mga tao mula sa ibat
ibang lugar sa Plipinas ang pumunta sa Samal upang maging tagasunod ng relihiyong
ito at upang lalong malapit sa punong-kwarter nila. May dalawampu't tatlong (23)
ektaryang lupa sila sa Babak at labingsiyam (19) naman sa Limao na pinaninirahan ng
mga Moncadista at pinatayuan ng tinawag nilang White House. Ang ibang miyembro
nila ay nasa Makilala, North Cotabato; Marawi City, Lanao del Sur; Kitawtaw,
Bukidnon, at sa Sudlon II. Sa Cebu ay may tatlong palapag sila na gusali na tinawag
naman nilang Moncado Hotel.
Si Hilario Moncado na taga-Bamba, Cebu ay tinawag na punong-kumander ng
kanyang mga nasasakupan. Siya ay may di-pangkaraniwang kapangyarihan na
makakakita ng di-pangkaraniwang nilalang na siya namang pinaniniwalaan ng
kanyang milyon-milyong tagasunod. Ang kapangyarihang ito ay taglay na rin ng
kanyang matagal nang mga miyembro. (Batay sa karanasan ni Dr. Nerissa L. Hufana,
dating Moncadista ang asawa at pamilya nito). Ipinanganak siya noong Nobyembre 4,
1898 at sa batang edad ay nangibang bansa-sa Hawaii at dito nagtrabaho siya sa
isang plantasyon ng tubo. Kinalaunan ay lumipat siya sa Amerika at doon nanirahan.
Noong 1925, itinatag niya ang Filipino Federation of America na naging pugad ng
pagtitipon ng lahat ng mga migranting Pilipino sa buong Amerika at Hawaii.
Dalawang grupong panrelihiyon ang bumuo sa organisasyon-ang Equifrilibricum
World Religion at ang Moncadian Church of the Philippines.
Sa Isla ng Samal ang may pinakamaraming miyembro nila hanggang sa
kasalukuyan. Hindi sila kumakain ng karne ng hayop lalo na iyong may apat na paa.
Nagtatanim sila ng gulay dahil ito ang pinakaulam nila. Bawal ang panlasa sa pagkain
tulad ng asin at bitsen. Kilala sila na ang kinakain kung maaari ay hilaw na pagkain
(raw food). Bilang pagsunod sa Diyos, nagpapahaba sila ng buhok at balbas. Hindi
sila naninigarlyo at nag-iinom ng alak. Ginagawa rin nila ang pag-aayuno lalo pa kung
baguhan pa sila sa federasyon para na rin daw mapalayo sa temptasyon. Ang
pagsimba nila ay araw ng Sabado at pinagbabasa sila ng Bibliya sa ilalim ng
pangangasiwa ng isang ispiritwal na direktor.
Marami ring kontrobersya ang inabot ng sektong Moncadian kaya naging
dahilan ng unti-unting paglaho nito. Maraming miyembro ang bumalik sa dati nilang
relihiyon at ang iba naman ay sumapi sa mga bagong relihiyon. Nang mamatay si
Hilario noong 1956, may bagong akting na presidente ang inihalal sa isang
kombensyon ng organisasyon para ipagpatuloy ang bisyon ng namatay na dating
punong-kumander.
Ngayon, ang White House na itinayo sa Isla ng Samal ay naging atraksyon na
lamang sa mga turista na bumibisita sa lugar, banyaga man o lokal. Ang estatwa ni
Hilario Moncado ay nakatayo pa rin sa Limao bilang alaala sa kanya.

3.5. PHILIPPINE BENEVOLENT MISSIONARIES ASSOCIATIOON


-Sinalin ng may-akda sa Filipino mula sa https//wikipedia org>wiki>Phil
Ang Philippine Benevolent Missionaries Association, Inc. ay itinatag ni
Ruben Edera Ecleo Sr. noong 1965 sa Isla ng Dinagat sa Pilipinas. Nang mamatay si
Ecleo Sr. noong 1987, humalili ang kanyang anak na si Ruben B. Ecleo Jr. May humigit
kumulang na milyong miyembro ang asosasyong ito sa Sentral at dakong Timog ng
Pilipinas at sa ibang bansa. Narehistro ito sa Securities & Exchange Commission
(SEC) sa Makati, Philippines noong Oktubre 19, 1965 sa ilalim ng Rehistrasyon blg.
28042. Ang pinakaopisina nito ay nasa San Jose sa probinsya ng Isla ng Dinagat.
Ayon sa doktrina nila, si Ecleo Sr. ay biniyayaan ng mga "boses” na
makapagbabasa at makasusulat nang mahusay sa Arabic, Hebrew, Sanskrit
(sinaunang wika sa mnga iskriptyur at klasikal na mga tula ng India), at Aramaic
(dayalekto sa Syria na ginamit na lingua franca sa Near East noong 6th century B.C.
Hinay-hinay na pinalitan niya ang Hebrew na wika sa lugar na iyon at kinalaunan ay
nadagdagan ito ng Arabik.) para mainterpreta ang mga sinaunang misteryo sa buhay.
May mga hula siya sa mga darating pa na mga pangyayari. Inilarawan nila si Ecleo Sr.
na katulad ni Kristo na makapagbubuhay ng patay. Ang kakayahan daw niyang
manggamot ay galing sa Banal na Ama at sa mga banal na dasal na kanyang pinag-
aralan. Sinabi ng mga tagasunod ni Ecleo Sr. na mula pagkabata ay makikita siya sa
mga lugar na nangangailangan ng tulong at sa mga taong kailangan siya. Ang mga
misyonaryong gawa niya ay umabot sa Agusan del Sur at Samar.
Sinasabing ang mga miyembro ng PBMA ay may sariling mga sandata para
proteksyunan ang kanilang lider na si Ecleo Jr. Handa silang mamatay para sa kanya.
Napatunayan ito nang magkaroon ng kaso si Ecleo Jr. dahil sa pagpatay niya sa
kanyang asawa at sa iba pang kaso laban sa gobyerno. Nagkaroon ng putukan nang
ipagtanggol ng mga miyembro nito si Ecleo Jr. Marami sa mga miyembro ang
namatay. Nahatulan si Ecleo Jr. na mabilanggo sa loob ng tatlumpong (30) taon dahil
sa paglabag sa kontratang panggobyerno na may kinalaman sa pera at ikinalugi ng
gobyerno. Ang kaso niyang pagpatay ay wala pang linaw hanggang sa kasalukuyan.

Reperensiya:
• Hufana, N. L., Banawa, M. D., Gervacio, G. V., Pantorilla, C. R., Sajulga, A. C., & Tiosen, R. B. (2018). Wika
at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City: MUTYA Publishing House Inc.
ARALIN 7
VISAYAS

2.1. ANG ISLA NG SIQUIJOR: KALIGIRANG KASAYSAYAN AT ILANG


IMPORMASYON SA PANINGIN NG MGA MANANAMBAL

- nina Julie Ann Cabal Asari, Marjorie Valdez Enguio, at Leanvic Omondang Pal 1ng

Ayon kay Tikos (Siquijor Today, 1999) ang islang ito ay nadiskubre ni Esteban
Rodriguez sa ekspedisyon ni Legaspi noong 1565, Noong 1854 hanggang 1992, ito’y
nasa ilalim ng pamamahala ng Bohol. Naging probinsya rin ito ng Negros Oriental
noong 1892. Sa pamamagitan ng Republic Act No. 6398, naging ganap na probinsya
ang Siquijor noong Setyembre 17, 1971.

Sa ngayon, bahagi ito ng Rehiyon 7, kasama ng Dumaguete, Bohol, Negros


Oriental, at Cebu. May anim na bayan ang islang ito -ang Enrique Villanueva, Larena,
Maria, Lazi, Siquijor, at San Juan. Sa mga nabanggit, ang bayan ng Siquijor ang
kabisera ng isla.

Ang bayan ng Enrique Villanueva ay binubuo ng labing-apat (14) na barangay.


Sa tabi ng dagat ng bayang ito makikita ang pulo ng Bohol. May sukat na tatlong libo
sandaan dalawampu't limang (3,125) hektarya, may sampung (10) kilometro ito
mula sa bayan ng Larena. Ipinagdiriwang ang piyesta tuwing ika-16 ng Hulyo na ang
pangunahing patron ay ang Our Lady of Mt. Carmel.

Ang bayan ng Larena ay binubuo ng dalawamput tatlong (23) baranggay sa


kabuuang hektaryang limang libo at dalawamput anim (5,026). Ito ang sentro ng
komersyo sa Isla ng Siquijor. Dito makikita ang daungan o ang pantalan ng mga
bapor. Ang distansya nito mula sa Maria ay labing-isang (11) kilometro. May
labindalawang (12) kilometro ang layo mula sa bayan ng Enrique Villanueva at
labing-isang (1) kilometro naman ang layo mula sa bayan ng Siquijor. Si Saint Vincent
de Ferrer ang kanilang patron na ang kapistahan ay tuwing ika-3 ng Mayo.
Sa sukat na umaabot ng limang libo sandaan tatlumpu'tlima (5,135), ang bayan
ng Maria ay binubuo ng dalawampu't dalawang (22) barangay. Dito makikita ang
ipinagmamalaki ng Isla ng Siquijor-ang Salagdoong Beach. May layo na labing isang
(11) kilometro mula sa bayan ng Maria, sampung (l0) kilometro naman ang layo
mula sa bayan ng Enrique Villanueva at labing- isang (11) kilometro ang layo mula sa
bayan ng Lazi. Ang kanilang pangunahing Patron at ang kanilang piyesta ay tuwing
ika-24 ng Mayo, ipinagdiriwang ang pista ng kanilang pangunahing patron na Our
Lady of Divine Providence.
Binubuo ng labing-walong (8) baranggay ang bayan ng Lazi na may anim na
libo tatlundaan animnapu't dalawang (6,362) hektarya. Ang pantalan ng Lazi ay
dinadaungan ng mga barko mula sa Cebu, Bohol, Negros Oriental, at ng mga galing sa
Mindanao. Ang layo nito mula sa bayan ng San Juan ay labinsiyam (19) na kilometro.
Tuwing ika-16 ng Mayo, ipinagdiriwang nila ang piyesta ni San Isidro Labrador.
Ang may pinakamaraming barangay ay ang bayan ng Siquijor na binubuo ng
apatnaput dalawa (42). May anim na libo at apatnaraa't walong (6,408) hektarya ang
awak nito. May layo itong labing-isang (11) kilometro mula sa bayan ng Larena at
pitong 7) kilometro mula sa San Juan. Si St. Francis de Assissi ang kanilang
pangunahing patron at ang kanilang piyesta ay tuwing ika-4 ng Oktubre.
Umaabot na sa labing-isang libo tatlundaa't pitumpu't isa (11, 371) ang
naninirahan sa bayan ng San Juan. Karamihan sa kanila ay mga ninuno buhat sa
nasabing bayan. Si Saint Aurelius Agustin of Hippo ang kanilang pangunahing patron
at ang kanilang Piyesta ay tuwing ika-21 ng Oktubre.
Ang ugali ng mga Siquijodnon batay sa obserbasyon ng mga mananaliksik ay
masisipag, mababait, matulungin, mapagkakatiwalaan, at higit sa lahat, ay may
pagmamalasakit sa kapwa Siquijodnon at maging sa mga taong buhat sa ibat ibang
lugar. Mapapansin na kilala nila ang isa’t isa kahit nasa ibang panig ng lugar ng lsla ng
Siquijor. Masasabing maaasahan sila sa panahon ng pangangailangan. Pagsasaka at
pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa nasabing isla.

Mga Paniniwala at Kaugalian


Sa kabila ng modernisasyon at makabagong teknolohiya ng bansa, nanatili pa
ring nakabigkis sa paniniwala at kultura ng mga sinaunang tao ang mga Siquijodnon.
Sinabi ni Almario (1993), na pagkakakilanlan ng isang tao ang kanyang kultura. Para
sa iba, ang paniniwala ang siyang batayan ng kanilang buhay na hindi lamang
nakatuon sa isang aspekto kundi sa lahat. Sa Grolier International Dictionary,
binibigyang- kahulugan ang paniniwala bilang pananalig na totoo, umiiral, at tama
ang isang bagay.
Masasabi rin na ang paniniwala ang sanligan ng iba sa katotohanan, katunayan,
at katarungan. Isang patunay na nakaugat sa mga Pilipino ang ganitong kultura at
hindi kailanman mababago dahil sa pag-unlad din ng panahon. Ang epekto ng
pagbabago ay pahapyaw lamang kahit pa nainmpluwensyahan ng ibang grupo o
karatig pulo.
Ayon sa webster Dictionary, ang kaugalian ay isang karaniwang paraan ng
pagkilos, ang paulit-ulit na kasanayan ng isang komunidad o mga tao. Kung ang
paniniwala ay hindi maiwawaglit sa puso at isipan, gayundin, ang kaugalian na
nakagawian na ng mga Pilipino. Mapapansin na ang ideyang bumabalot sa paniniwala at
kaugalian ay magkabuhol at magkakaugnay-ugnay. Patunay lamang na ang bawatkumpol
ng mga tao sa lipunan ay may pagpapahalaga sa mga namanang kaalaman at may kani-
kaniyang pananaw sa paniniwala at kaugalian.
Ang pagsangguni sa mananambal o sa tinatawag na albularyo ay isa sa mga
paniniwala at kaugaliang patuloy na ginagawa nila magpahanggang ngayon. Ginagawa
nila ito sa mga sumusunod:

Panganganak
May pinaniniwalaan ang mga mananambal na sinusunod para hindi mahirapan
ang nanganganak at ang pinapanganak. Ito ang mga sinabi nina Sopio Sumalpon at
Maximo Supol tungkol dito na sila mismo ang mananabang o ang nagpapaanak.
Kung malapit na ang panganganak, isinturon sa may puson ang habak na
galing sa "kupo o sa unggoy para hindi mahirapan sa panganganak.

Kamatayan
May mga pinaniniwalaan din ang mga mananambal sa tuwing may nanamatay.
Ang kanilang mga sinusunod ay isang palatandaan ng lubos na paggalang sa mga
sumakabilang buhay. Sina Sopio Sumalpong, Tirso Sumondong, at Juan Ponce ay may
parehong kaugaliang pinaniniwalaan tungkol sa kamatayan. Ang mga ito ay:
1. Kung may namatay ay dadasalan ito ng siyam na araw at apatnapung araw ang
pagrorosaryo.
2. Bawal magwalis ang namatayan kung may nakaburol
3. Ipinagbabawal ang paliligo at paglalaba sa loob ng bahay
4. Babasagan ng baso ang ilalim ng ataul para wala nang susunod na mamamatay
5. Hindi dapat na tinutulugan ang patay dahil hindi maganda sa pag-alala sa kanya.
6. Hindi maaaring kumanta, manood ng telebisyon, at makinig sa radyo.
7. Kapag may patay sa bahay, huwag maglinis ng bahay. Hintayin na lang ang ikatlong
araw bago maglinis.

Paglilibing
Ayon kay Conchita Sayre, may mga paniniwala din sila sa paglilibing gaya ng:
1. Daraan sa ilalim ng ataul ang lahat ng miyembro ng namatayan upang hindi sunod-
sunod ang mamamatay sa pamilya.
2. Ang mga natunaw na kandila sa simula ng lamay hanggang sa katapusan aypasok sa
nitso upang malayo sa kamatayan ang pamilya ng namatay.
3. Kung titirhan ang libingan nang walang pahintulot, magkakasakit ang titira.
Pag-iwas sa Pagbubuntis
Ayon kay Sopio Sumalpong, maiiwasan ang pagbubuntis sa pamamagitan ng
paggamit ng lumay (gayuma). Nagagawa ito kapag isinisinturon ang buyo malapit sa
puson para hindi mabuo ang bata. Kilala ang buyo sa Ingles bilang betel leaf pepper
at ikmo naman sa Tagalog.

Pag-aalaga at Pagdidisiplina sa Anak


May kasabihan na "Madaling bumuo ng punla, mahirap magpalaki ng bunga”.
Hindi madaling humubog ng anak. Ito ang karaniwang naririnig sa mga magulang
pero isang malaking karangalan ito sa kanila na lumaki ang anak sa tamang landas.
Hindi maiiwasan na may sinusunod na kultural praktis ang mga interbyuwi kaugnay
sa paghubog ng isang anak. Ilan dito ang mga sumusunod:
1. Kailangang ilagay sa may pintuan ang pusod ng bata upang lumaki siyang hindi
mahiyain.
2. Huwag pigain ang lampin sa unang laba para ang bata ay hindi lumaking malikot.

Mga Batas at Tradisyon sa Panggagamot


Ang mga grupo ng mananambal o albularyo sa Isla ng Siquijor ay may
kabuuang bilang na mahigit sa 1,000 miyembro, ngunit 110 lamang sa kanila ang
naniniwala sa Diyos. Samakatuwid, ang nalalabing bilang ay nahahaluan na ng ibang
paniniwala, ayon kay Tirso Sumondong. Dagdag ni Sumundong, ang mga sumusunod
ay tradisyong sinusunod sa panggagamot
1. Pagsisimba tuwing Martes at Biyernes.
2. Hindi pagkain ng karne kundi purong gulay lamang

Sa paggawa ng mga gamot, may sinusunod din silang pamamaraan. Ayon kay
Juan Ponce, "Tuwing gabi ng Biyernes Santo ay nagtitipon lahat ng mananambal sa
Siquijor. Nagkakaisa ang lahat sa paghahalo ng gamot na nasa malaking kawa
(kawali) na nasa labas ng aming bahay. Kung hindi makakayang gawin ng isa sa amin,
nagtutulungan ang lahat sa panggagamot ng mga may sakit. Ang mga sangkap ng
gamot ay galing sa iba't ibang tanim at mayroon ding kinukuha pa sa sementeryo at
laot ng dagat.“
Ayon naman kina Maxima Supol at Conchita Sayre, ginagawang mga
manggagamot ang mga sumusunod sa tuwing nanggagamot:
1. Hindi nanggagamot sa ibang lugar sapagkat paparusahan ng sukod.
2. Ang librito (booklet) ay hindi ipinapakita sa ibang tao at walang ibang
makakabasa kundi ang manggagamot lamang.
3. Hindi dinadala sa loob ng simbahan ang lumay dahil nawawalan ito ng
kapangyarihan.
Mga Gamot at Paniniwala sa Sakit
Hindi kaila sa atin ang pag-usbong ng mga makabagong pamamaraan sa
panggagamot. Bagaman sa kasalukuyan ay marami nang kagamitang teknolohikal sa
panggagamot, may naniniwala pa ring mga Siquijodnon sa tradisyonal na paraan ng
gamutan. Mas mainam pa rin para sa kanila ang mga inireresetang halamang gamot ng
mga albularyo (mananambal) dahil sa kabisaan at kapuruhan (natural at walang
halong kemikal) ng mga ito.

Pamahiin
Ang isla ng Siquijor hanggang ngayon ay patuloy na nakagapos sa mga pamahiin
na may malaking papel na ginagampanan sa kanilang buhay. Nagbigay si Candida
Paculba ng ilang mga pamahiin:
1. Pag hindi pa kasal, hindi dapat na pumunta sa malalayong lugar ang ikakasal dahil
may mangyayaring masama. Kailangan maghintay ng tatlong araw bago umalis.
2. Pagkagaling sa simbahan, patuluyin ang bagong kasal, suklayan at painumin ng
bulaklak ng dapo o orkids na kulay puti.
3. Pagkatapos ng kasal, kailangan na matulog sa bahay ng babae ang bagong kasal
para maayos ang kanilang buhay mag-asawa.
4. Maghanda ng tubig sa baso at ilagay sa pintuan o bintana upang mamalayang may
magnanakaw na papasok sa bahay.
5. Sa pagpapatayo ng bahay, tiyakin na nasa tamang buwan at tamang petsa. Lagyan
ng agnos ang bahay, kung walang agnos ay pera ang ilalagay sa ilalim o haligi ng
bahay.

Mga Paniniwala sa Pagtatanim at Paghahanapbuhay


Ayon kay Generosa Balos, may mga paniniwala sila at seremonya na kadalasang
isinasagawa sa pagtatanim at pag-aani. Ang pagsunod nila dito ay nagbubunga ng
masaganang ani ng saging, mais, at kamote. Narito ang kanyang mga pahayag:
1. Kung magtatanim ng saging dapat bilog ang buwan, magsumbrero ng malaki,
magpakabusog, kumain ng marami at huwag tumingala para magkabunga ng
malaki at hindi matayog ang bunga nito.
2. Mula sa punong mais kumuha ng tatlong bunga. Manalangin para ang ani ay
matagumpay. Sa panalangin, kinakailangan na mula sa puso upang hindi magalit
ang mga diwata at para mabigyan ng masaganang ani.
3. Sa pagtatanim ng mais, magluto ng mais na nalalakipan ng tabako, tuba, at tubig
dahil may pausok na gagawin. Maggiling din ng mais para gawing pintos.
Magpintos ka ng dalawa. Manalangin, pagkatapos ay ilagay sa baul ang mga pintos
4. Sa pagtatanim ng kamote, ginagamit ang mga tuhod at kamay. Gumapang habang
nagtatanim at sabayan ng pagdarasal upang sinlaki ng tuhod ang magiging bunga
nito.
Mga Paniniwala sa Aswang at Mahika
Ang Siquijor ay kilala rin sa anting-anting, aswang, lumay, at mahika. Narito
ang mga ibinahagi ni Maximo Supol kaugnay sa mga aswang at mahika.

Mahika
Ayon sa McMillan Encyclopedia, (1993: 759), ang mahika ay sistema ng mga
paniniwala at kaugalian na naniniwalang nakokontrol ng tao ang likas at
supernatural na puwersang nakaaapekto sa kanyang buhay. Ayon naman sa Grolier
Dictionary, isa itong sining na pinaniniwalaang nakakokontrol at nakakamanipula ng
mga lihim na pwersa ng kalikasan sa pamamagitan ng mga ritwal at mahiwagang
paraan.
Pagputol nitong lubid, pareho pa rin ang haba nito. Sa paraang ito ay
magdarasal ako ng Latin. Sa aking pagsasalita ng Latin, gagalaw itong mga anino na
nasa likod ng tela dahil sa aking mga kamay.

Aswang
Ang mga nakakatakot at di-pangkaraniwang nilalang ay nakaugat sa ating
paniniwala. Mula pa sa mga lolo’t lola, ama’t ina, at tiyo’t tiya, ang paniniwalang ito ay
may malaking epekto sa ating pananaw sa buhay. Hindi man natin sila nakikita,
naniniwala pa rin ang mga tao na may ganitong uri ng mga nilalang. Naniniwala ang
mga albularyo sa mga sumusunod kaugnay sa aswang:
1. Ang aswang ay tao lamang ngunit may kapangyarihan.
2. Mahal na araw kung sila ay nagsisilabasan dahil wala si Kristo.

Espiritu o Anito
lsang malaking impak sa tao ang espiritwalismo, isang teorya na binigyan-diin
sa direk na interbensyon ng espiritwal at supernatural na lakas sa pang-araw-araw
na pangyayari sa buhay ng tao. Ang termino ay bumabalot sa penomenang di-
magkaugnay tulad ng extrasensory perception, telekinesis, at iba't ibang kondisyong
kaanib ng religious ecstasy
Narito ang ilang halimbawa na nagpapaliwanag sa paniniwala ng mga
albularyo kaugnay sa mga espiritu o anito:
1. Kung may malapit nang mamatay, lalo na kung naghihingalo, diyan
magsisilabasan ang masasamang espiritu.
2. Kung umuulan, naglalabasan ang mga anito.
Lumay (Gayuma)
Ayon kay Sopio Sumalpong, ang mga kasunod ay paniniwala ng mga
Siquijodnon sa panggagayuma sa panliligaw:
1. Kung manlulumay ang lalaki sa babae, manlulumay din ang babae sa lalaki.
2. Mababango ang mga lumay. Kung manlulumay sa babae, ang mga pinaghalong
sangkap nito ay iba't ibang uri ng bulaklak, ugat ng kahoy, lalo na ang matitinik.
Ang mga mababango ang siyang kinahihiligan ng mga babae.
3. Ang mga lumay ay kinukuha sa punongkahoy na kakikitaan ng alitaptap. Dahil
may nagmamay-aring espiritu, ito'y espesyal kaya kaunti lamang ang kinukuhang
bahagi ng puno.
4. Kumuha ng panyo at lagyan ang bawat gilid nito ng lumay at tiklupin. Ipalo ito ng
tatlong beses sa lalaki na hindi niya namamalayan para madaling mapaibig
5. Ang pinakatamang ihalo sa lumay ay ang lawig-lawig sa dagat.

Negosyo at Lumay
Ayon sa mga impormante, kung may negosyo, para dumami ang iyong suki,
ilagay ang umay sa iyong pitaka

Eksaminasyon (Board Exam) at Lumay


Naniniwala ang mga Siquijodnon na kung kukuha ng eksam, ilagay lang sa
panyo o bulsa ang lumay para hindi makalimutan ang pinag aralan.

Kapangyarihan (Gahum) Anting-anting


Ang pagkakaroon ng sariling kapangyarihan ay nasa iyong paniniwala.
Tinatawag nilang anting-anting o amulet sa Ingles at galing sa mga albularyo. Isa ang
sinasabi nilang mutya" na pinagkukunan nila ng lakas at kapangyarihan. Kasama na
riyan ang rito na nakasulat sa wikang Latin at naglalaman ng mga orasyon na
nakakadagdag sa kanilang kapangyarihan. Narito ang kanilang mga ibinahaging
kaalaman:
1. Ang gahum(power) ay mutya galing kay San Antonio at lagi itong hinuhugasan
2. Librong malit ang gahum na nakasulat sa Latin. Maliit ito at kahit mga bata ay
hindi makababasa kundi ang albularyo lamang at maliwanag ito.
3. Ang kapangyarihan ay sa paraang tawal(ritwal) na Latin at sa orasyon.
2.2. SULYAP SA KASAYSAYAN AT KALINANGAN NG CEBU
- ni Evelyn Valencia Gabansos
Ang Republika ng Pilipinas ay binubuo ng humigit-kumulang sa 7,000 pulo na
nahahati sa tatlong malalaking bahagi-Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa Kabisayaan
matatagpuan ang Cebu na ang umiral na wika ay Sebwano na kahawig ng wikang
ginagamit ng mga karatig-pook nito tulad ng Bohol, Negros, Siquijor, atbp.
Ang mga Cebuano ay masasabing mga saling-angkan ng Malay na naninirahan sa
Pilipinas bago dumating ang mga Kastila. Sa kanila nakita ang unang lakas na
pagtatanggol ng kanilang karapatan laban sa panlulupig ng mga dayuhan. Kilala ang
bantog na bayaning Cebuano na si Lapu-lapu sa kanyang matagumpay na pakikihamok
sa mga Kastila. Sa kanyang dugo’y nananalaytay ang dugo ng unang kayumangging
sagisag ng katapangan.
Sa dalampasigan din ng Cebu noong 1521, ika-14 ng Abril unang naganap ang
pagdaraos ng unang misa ng mga Kristiyano na naging tampok ang pagkabinyag kay
Raha Humabon kasama ang kanyang mga sakop at mandirigma. Matapos ang misa'y
isang kurus ang itinirik bilang sagisag ng pagyakap na ito sa Kristiyanismo ng 800
Pilipino. Ang mga Pilipinong ito na kinabibilangan ng mga Cebuano ang siyang kauna-
unahang matatawag na Kristiyano sa kapuluan ng Pilipinas.
Samakatwid, si Raha Humabon at ang kanyang asawa ay ang kauna-unahang
Pilipinong hari’t reyna na nataguriang Kristiyano. Ayon kay Howard Lee Nostrand sa
"Describing and Teaching the Socio-Cultural Content of a Foreign Language and
Literature” matapos na magkaroon ng hapunan ay bininyagan ang reyna sa isang
pananampalatayang Katoliko at ipinakita sa kanya ang imahen ng Birheng Maria na
kupkop nito ang sanggol na si Hesus at isang krus. Sa pagkakataong ito, nabakas sa
kanyang mga mata ang luhang nagpapatunay ng kanyang bukal sa pusong pagtanggap
sa Kristiyanismo. Tinawag siyang Juana bilang alaala sa ina ng Emparador ng Europa.
Ipinagpatuloy ng mga Kastila ang kanilang pagpapalaganap ng Kristiyanismo
hanggang sa noong taong 1565, sa pamumuno ng anak ni Humabon na si Tupaz ay
natagpuan nila ang pook na karapat dapat na maging pinakamalakas na kuta ng mga
Kastila at katatagpuan ng maraming pagkain sa dalampasigan ng Cebu. Sa pook na ito,
sa panmumuno rin ni Legaspi ay itinayo ang kauna-unahang simbahan na
pinangalanang Ciudad Del Santisimo Nombre de Jesus sa karangalan ng banal na
pangalan ni Hesus. Ito ang ginawang patron ng Lunsod ng Cebu sa pamamalakad ng
mga paring Agustino. Sa pagkakatuklas nito noong 1565, ang Siyudad ng Cebu ay
itinuturing na pinakamatandang siyudad ng Pilipinas.
Mga Kaugalian na Sinusunod ng mga Cebuano sa Pag-aasawa:
1. Ang Monogamya Ikinararangal ng mga Cebuano ang kanilang pagiging binyagan.
Minamahalaga nila ang pagkakaroon ng banal na krus na itinirik sa lupain ng Cebu
noong ika-14 ng Abril, 1521 na magpahanggang ngayon ay nananatiling buhay na
sagisag ng unang Kristiyanismo sa kapuluan. Dahilan sa pagyakap na ito sa
Kristiyanismo kung kaya maging sa kanilang pag-uugali at kultura'y umusbong at
umiral ang monogamya. Sa mga tunay na Kristiyano, mahalaga at lubos nilang
iginagalang ang Sagradong Bagong Testamento ng Banal na Aklat na mahigpit. na
nagbabawal sa pagkakaroon ng maraming asawa samantalang buhay ang unang
asawa.
2. Ang ligal na paghihiwalay: para sa mga Cebuano'y dalisay at mahalaga ang
kasabihan sa Banal na Aklat na ang isang babae't isang lalaking pinag- isampuso
sa harap ng Panginoon ay hindi maaaring maghiwalay sa ano mang kadahilanan
maliban sa kamatayan. Ang kasal ay itinuturing na isang walang hangganang
pagkakaugnay ng dalawang kaluluwang pinag-isa sa harap ng Diyos. Ang pag-
iisanmpusong ito ay ginagawa ng isang pari sa simbahan upang mabasbasan ng
biyaya at awa ng Ispiritu Santo. Ang pagpapakasal ay mahigpit na nagbabawal sa
paghihiwalay.
3. Ang tinatawag na Bugay: ito ay katumbas sa tinatawag na dowry. Ang mga
sumusunod ay siyang kalimitang hinihingi ng mga magulang ng nobya sa
magulang ng nobyo: isang mesang espesyal na nauukol sa mga kaluluwa ng
kanilang mga ninuno na malaon nang pumanaw; isang buo o kumpletong
kagamitan at damit pangkasal; gastos sa handa at kasal; kung minsan naman ay
halaga ng salapi na hihilingin ng magulang ng lalaki upang ipabaon o bilang isang
alaala sa araw ng kanilang kasal, halimbawa'y isang bahay o lupa na magiging
kahilingan ng dalawang ikakasal sa kanilang mga magulang lalo na kung ito'y
galing sa angkang nakakariwasa sa buhay.
4. Ang pagbibigay-handog: ang mga alaala o pagbibigay-handog sa bagong kasal
ay naging kagawian na ng mga kamag-anak, bisita, at kaibigan na dumadalo sa
araw ng kasal. Ang mga regalong ibinibigay ay tanda ng kanilang paghahangad ng
isang mahusay na pamumuhay at maligayang pagsasama ng mga bagong kasal.

Ang mga dalaga't binata sa pook na ito ay nararapat na dumaan muna sa mga
sumusunod bago magpakasal:
1. Ang pag-ila-ila – ang pagkikilala nila.
2. Ang pangulitawo – ang panliligaw ng binata sa dalaga lalo na ang pag akyat ng
ligaw
3. Ang panagtrato – ang pagkakasundo ng dalaga't binata na mag-ibigan.
4. Ang pamalaye – paghingi ng kamay ng babae mula sa kanyang mga magulang
5. Angpagrehistro – ang paghahanda ng mga papeles at paglalathala ng mga
pangalan ng ikakasal sa munisipyo.
6. Ang kasal – ang pag-iisampuso ng magnobyo sa harap ng isang pari sa simbahan.

Mga Paniniwala Tungkol sa Bagong Kasal


1. Ang ikakasal ay kailangang tumigil sa bahay at hindi paalis-alis habang ang araw
ng kasal ay hinihintay.
2. Hindi pwedeng isukat o isuot ng nobya ang kanyang damit pangkasal hanggang
hindi pa sumasapit ang takdang oras ng kasal.
3. Pagkatapos ng kasal at habang papaalis na sa simbahan ang ikinasal, kailangang
tiyakin ng bawat isa na siya ang unang makayakap sa unang baitang ng hagdan at
unang makahakbang paalis sa altar, kailangang mauna ang isa sa kanila. Ang mga
Cebuano'y may paniniwala na ang unang makakahakbang ang siyang dominante
o masusunod sa lahat ng bagay sa kanilang tahanan at sa kanilang pamumuhay
4. Ang bigas, asin, at asukal ang siyang mga bagay na kailangan na mauna sa
kanilang bahay bago dumating ang ikinasal.
5. Bago umakyat ang bagong kasal sa kanilang bahay, kailangang painumin ng isang
basong tubig sa isang baso ang bagong kasal upang sila'y laging
magkakaunawaan; sa hirap man o sa ginhawa sila ay laging magkakapiling.
6. Ang suklay ay kailangang isuklay sa buhok ng bagong kasal nang makailang-ulit
upang ito'y magkaroon din ng mahusay na pagsusunuran at maayos na
pamumuhay.
7. Sasabuyan ng bigas o palay ang bagong kasal paglabas ng simbahan upang
maging masagana at maligaya ang kanilang pagsasama habang buhay.
8. Ang pagkabasag ng baso o pinggan habang dinaraos ang handaan sa kasal ay
nagtataboy ng kamalasan sa buhay mag-asawa.
9. Matapos ang kasal, ang mga ikinasal ay kailangang hindi muna umalis ng bahay
nang sa gayon ay maging maligaya ang kanilang pagsasama at hindi na sila
maghihiwalay kailan man.

2.3. ANG BAROTAC NUEVO SA ILOILO


-ni Emilina Nepomoceno
Ang Lungsod ng Iloilo ay kilala dahil sa malambing na intonasyon ng
pagsasalita ng mga llonggo at sa kanilang pagiging mabait at masayahin.
Ipinagmamalaking lloilo si Graciano Lopez Jaena bilang isang bayani at si Estevan
Javellana dahilan sa kanyang sinulat na “Without Seeing the Dawn” na tumanggap ng
karangalang pandaigdig
Ang Barotac Nuevo ay isang bayan sa Iloilo na may tatlumput apat na
kilometro ang layo sa lungsod. Dito ay may bundok na tinatawag na "Balabag" na
nauugnay sa paniniwala ng mga matatanda na ang isang tubong-bayan na
makapangasawa ng isa pang tubong-bayan ay hindi maaaring yumaman dahil sa ito
ay hinaharangan ng bundok. Ito'y sa dahilang kahit saang anggulo tingnan ang
bundok na ito ay mukha pa ring nakaharang.
Ang Barotac Nuevo ay dating nayon ng Dumangas. Noong panahon ng mga
Kastila, ang lugar na ito ay may layong siyam na kilometro sa Dumangas at
pinamahalaan ng isang malupit na pari na nagpaparusa sa sinumang tumangging
tumulong sa pagtatayo ng simbahan. Ibig ng mga tao na ang kanilang nayon ay
ihiwalay sa Dumangas ngunit ayaw ng pari.
Isang araw, may dumating sa Dumangas na galing sa Maynila. Siya ay tauhan
ng gobernador ng Maynila na naghahanap ng kabayong kamukhang-kamukha ng
kabayo ng gobernador. Sa Barotac Nuevo ay natagpuan niya ang isang kabayo ni Don
Simon Protacio na nang tawaran nila ay ibinibigay lang sa kanila sa kondisyong ang
kanilang bayan ay ihiwalay sa bayan ng Dumangas, Sa madaling sabi, tumanggap ng
sulat ang pari ng Barotac Nuevo mula sa gobernador na ang bayang ito na
napakaputik kung umuulan ay ihiwalay sa Dumangas. Ang pangalang Barotac ay
hango sa katutubong salitang ang ibig sabihin ay maputik at dinugtungan ng Nuevo
upang mapaiba sa isa pang bayang ang pangalan naman ay Barotac Viejo.
Karamihan sa mga naninirahan sa Barotac Nuevo ay Katoliko. Ang magandang
simbahang Katoliko nito ay nagpapatunay ng kapangyarihan ng Kastila at ng
kanilang impluwensiya sa mga katutubo. May panlalawigang paaralan sa pangingisda
bukod pa sa pribadong paaralan na pinamumunuan ng mga madre, pagpapatunay sa
mga hilig ng mga Barotaknon sa pagpapaaral ng mga anak.
Gayunman, sa kabila ng pamamayani ng edukasyon, marami pa ring
makalumang bagay ang umiiral lalo na sa mga matatanda at sa mga naninirahan sa
liblib na pook. Halimbawa, may naniniwala pa rin sa aswang o manananggal na
nangangain ng tao, lalo na ng mga buntis at bagong silang na sanggol. Namamayani
pa rin ang paniniwala sa pamahiin tulad ng hindi pagwawalis sa gabi dahil
tumatapon ang biyaya, hindi paliligo ng mga kasapi ng pamilya pag may nakaburol na
patay, ang paniniwalang ang pusang itim ay nagdudulot ng kamalasan, at ang
nabitiwang baso o pinggan ay palatandaan ng masamang balitang darating
Karamihan sa mga Barotaknon ay nabubuhay sa pagbubukid o pagtatrabaho
sa pataniman ng tubo sapagkat ang bayan ay may isang sental ng asukal. Gayunman
ay maramin na ring mga propesyunal sa bayang ito. Halos lahat ng apelyido ng mga
katutubo sa bayang ito ay nagsisimula sa titik B gaya ng Barrido, Bayoneta, Baylosis,
Bayo-ang, at Batilo.
Ang kapistahan ng bayang ito ay tuwing ikalabing-13 ng Hunyo sa karangalan
ng patrong si San Antonio de Padua. Tatlong araw ang pagdiriwang at ang mga
naninirahan sa malayong lugar na tubong-Barotak ay umuuwi upang makipagdiwang
Nagkakaroon ng parada, palaro, sayawan, at pagpuputong ng isang dilag na siyang
reyna ng kapistahan ng taon.
Ang paligid ng bayan ay halos pawang natataniman ng palay at mga tubo. Ang
kaisa-isang bundok ng bayan ay nagbibigay ng magandang tanawin sa buong paligid.
Ito ay may yungib na maaaring gawing pang-akit sa mga turista. Ang dalampasigang
Lamintao Beach naman ay talagang dinarayo ng mga tao tuwing linggo dahilan sa ito
ay malinis, maganda, at libre. Mura ang mga isdang dagat, hipon, alamang, at
alimasag.
May malawak na niyugan ang Barotac Nuevo. Marami ring puno ng mangga,
saging, kaimito, at iba pang puno na tumutubo sa lahat ng sulok ng bayan. Sa gitna ng
plasa ay makikita ang bantayog ni Don Simon Raymundo Protacio at ang kanyang
alagang kabayong si Tamasok na nagsisilbing alaala sa mga tao na ang "don” na ito ay
may matalinong pagpapasya na nakatulong sa mga tao upang makamit nila ang
hinahangad nilang kasarinlan ng bayan.
Ilan Pang Tala Tungkol Sa Iloilo
Ang lalawigan ng Iloilo ayon kay Campos(1990) ay may hatid na ligaya sa mga
turista. Marami ang mga pook na pang-akit, magandang tanawin, matatandang
simbahan at mga bahay, makasaysayang pook, namumukod na sining, makukulay na
kaugalian, at masisiglang pista.
Higit sa lahat, ang Iloilo ay pinanahanan ng masisigla at magigiliwing mga tao.
Ang wika ng mga llonggo ay Hiligaynon na may iba-iba ring varayti. Ang lalawigan ay
may kaluwagang laan sa mga turista at manlalakbay. Sa kasalukuyan ay isang
makabagong paliparan ang ipinagmamalaki ng mga Ilonggo. May mga hotel na hindi
rin magpapahuli sa ibang siyudad sa Pilipinas.

Wika
Ang wika ng mga Ilonggo ay Hiligaynon. Ang Hiligaynon ay may varayti
depende sa bayan ng Iloilo. Karay-a ang isa sa mga dayalekto ng Hiligaynon na may
pinakamaraming tagapagsalita.

Mga Pamahiin, Paniniwala, at Kaugalian ng mga Ilonggo


Tungkol sa Pagdadalan-tao
1. Sa panahon ng paglilihi o "panamkon”, kinakailangang ipagkaloob lahat ng lalaki
ang anumang pagkaing mahihiling ng babae sapagkat kung hindi, tiyak na
makukunan ang kanyang asawa.
2. Hindi maaaring magsuot ng kuwintas o maggantsilyo ang isang babaing
nagdadalang-tao sapagkat maaaring maging mahaba ang pusod ng bata at ito ay
magiging sanhi ng kamatayan nito. Ipinagbabawal din ang pagsusuot ng beads sa
leeg o kamay o anuman na lumilikha ng ganap na bilog Ipinalalagay na ang
saradong bilog ay may masamang epekto sa isang buntis.
3. Kung lalabas ng bahay sa hapon, kinakailangang maglagay ng tuwalya, patadyong
o anumang bagay sa ulo. Pinaniniwalaang ang isang babaing nagdadalang-tao ay
tila isang transparanteng baso sa paningin ng isang aswang at ang batang nasa
loob ng tiyan niya ay lantad sa mata nito.
4. Huwag maupo o mahiga sa may pintuan o hagdanan ng bahay kung nagdadalang-
tao pagkat ito ay maaaring magbunga ng mahirap na panganganak. Hindi dapat
magpatawing-tawing sa baitang ng hagdan.
5. Bawal ang magpalitrato.
6. Ipinagbabawal rin ang pagtingala kung kabilugan ng buwan o kung may eklipse
sapagkat baka magkaroon ng pinsala ang magiging anak, gaya ng pagiging bingot
(harelip)
7. Huwag pagtatawanan ang bulag, sungi, o duling at baka sa ganito ay
magkakaroon ng kapansanan ang magiging anak.
8. Huwag paglihian ang mga santo at santa dahil baka mapipi ang magiging anak.
Hindi rin mabuting paglihian ang manyika sa gayong kadahilanan din.
9. Ang babaing buntis ay pinapayuhang tumingin sa mga larawan ng magagandang
bata upang ang kanyang sanggol ay magkaroon din ng magandang kaanyuan. Sa
panahon ng kanyang paglilihi, ang kulay ng pagkaing kanyang kinahuhumalingan
ay makakaapekto sa magiging kulay ng kanyang sanggol. Huwag kakain ng
maitim na pagkain tulad ng duhat dahil magiging maitim ang bata. Kung ibig
namang magkaroon ng batang maputi ang kulay, dapat kumain ang naglilihi ng
mapuputing pagkain tulad ng buko, singkamas, at siopao
10. Ang babaing kumain ng kambal na prutas ay manganganak ng kambal, na
maaaring praternal o identikal. Ang praternal na kambal ay siyang bunga ng
pagkakain ng ina ng ilang uri ng kambal na prutas. Samantalang ang identikal na
kambal ay ipinanganak ng isang inang kumain ng kambal na saging o anumang
prutas na nabibilang sa isang uri.
11. Ang babaing buntis ay di dapat magpagupit ng kanyang buhok sapagkat maaring
manganak siya ng isang sanggol na walang buhok.
12. Ang babaing maaari pang manganak ay hindi hinahayaang kumain ng mga prutas
na hindi pa gaanong napoporma sa takot na makunan ito, gaya ng paniniwala sa
Baryo Sambag, Jaro.
13. Sa munisipyo ng Guimbal ay sinusunod ang paniniwalang ito: Ang isang bahay ay
hindi maaaring kumpunihin kapag ang ina ng tahanan ay buntis sapagkat tiyak
na maghihirap ito sa panganganak.
14. Upang hindi mahirapan sa panganganak, ang babaing buntis ay lumalabas ng
bahay bago sumakabilang-buhay ang naghihingalo.

Tungkol sa Pagsisilang ng Sanggol


1. Kapag ang panganganay ay mahirap, ang asawa ng babae o sinuman sa pamilya
ay bababa ng bahay na dumaraan sa bintana at gumagamit ng kawayan bilang
pinakahagdanan. Ang mga mata ay nakatingala sa itaas samantalang ang kamay
ay nakahandang hawakan o kunin ang anumang bagay na madadampot sa lupa.
Ang bagay na madampot ay pinakukuluan sa tubig at kinukuha ng ina. Ang
kaugaliang ito ay sinasabing makapagpapagaan at makakapagpadali sa
panganganak ng ina.
2. Kapag ang panganganak ay mahirap, inaakala na ang babae ay may nagawang
kasalanan na malulunasan kapag nangako siyang magtitika ng kanyang nagawa
sa harap ng pinagkasalanan. O di kaya naman ay pinabababa nang pagapang, una
ang ulo ng asawang lalaki sa may hagdanan.
3. Ang ina ay binibigyan ng masustansiyang pagkain kapag siya ay nanganganak.
Siya ay pinakakain ng hilaw na pula ng itlog na pinaniniwalaang magsisilbing
lubrikante upang madaling lumabas ang bata.
4. Ang pagkulapol ng puti ng itlog sa sikmura ng buntis na babae sa panganganay
nito ay magpapagaan at magpapadali sa kanyang panganganak.
5. Pagkatapos na mailabas ang bata, iniitsa ito nang paitaas nang dahan-dahan ng
komadrona. Sa paggawa nito, ang bata ay hindi malulula o mahihilo sa pagtungo
sa matataas na lugar.
6. Sa Baryo Balantang, Jaro, pagkalabas na ng bata, ang puso ng saging ay
ipinapahid sa labi nito upang hindi ito maging maitim.
7. Ang mga hipon at ulang, sariwa pa mula sa tubig ay ipinapahid sa bibig ng bagong
silang na anak. Sa pamamagitan nito, ang bata raw ay magiging masigla at
maliksi.
8. Kapag ang isang bata ay ipinanganak nang nauuna ang mga paa, ipinalalagay na
ito ay magkakaroon ng kapangyarihang makalunas sa mga natinik sa lalamunan.
Ang tawag dito ay suli sa Ilonggo at suwi naman sa mga Tagalog.
9. Sa pagsilang ng isang bata, ang mga matatanda ay naniniwala sa mga ilang
palatandaan at kalagayan at hinuhulaan ang magiging kapalaran ng bata.
a. Ang bata halimbawa na ipinanganak sa gabi ay matapang at di katatakutan
ang dilim at anumang panganib sa hinaharap.
b. Ang batang ipinanganak sa araw ay magiging mahina.
c. Ang pagsilangng isang sanggol namay kapinsalaan ay pinaniniwalaang
maghahatid ng suwerte sa pamilya.
d. Kapag ang bata ay slit-eyes at lubhang tahimik, ito ay malamang na
makahumalingan ng mga tamawo o mga diwata at kung ito ay maging
dalaga na ay pipintuhuin ng mga ito.
e. Suwerte raw ang pagsisilang ng tatlong anak na lalaki nang sunud- sunod.
f. Ang pagsilang ng unang anak na lalaki ay tiyak na maghahatid suwerte sa
kanyang mga magulang
10. Sabaw ng manok ang idinudulog sa bagong kapapanganak na ina upang mabawi
niya ang kaniyang lakas.
11. Saloob ng siyam na araw pagkatapos ng panganganak, ang nagpapasusong ina ay
umiwas sa pagkain ng nilagang berdeng saging at "calocalo o sinangag na kanin
sapagkat ang mga pagkaing ito ay inaakalang makababawas ng gatas ng ina.
12. Pagkapanganak ng ina, kinakailangan siyang kumain ng iba't ibang prutas upang
magkaroon ng maraming gatas.
13. Sinisikap ng bagong kapapanganak na ina na gumawa nang kaunti ng mga
mabibigat na trabaho sa bahay, gaya ng paglalaba ng damit, pag-sisibak ng kahoy,
at pag-iiigib ng tubig upang ang lahat ng trabaho ng ganitong uri sa kalaunan ay
hindi magiging sanhi ng pagkabinat na kung minsan ay nauuwi sa lalo pang
kapinsalaan. Ang kaugaliang ito ay tinatawag na padungan.
14. Ang unang paligo ng ina ay may mga sangkap ng pinakuluang dahon ng pomelo,
bunlao, alibjon, at tanglad. Ito ay ginagawa upang di-umano ay hindi mabinat ang
ina.
15. Sabaw ng manok ang idinudulog sa bagong kapapanganak na ina upang mabawi
niya ang kaniyang lakas.
16. Saloob ng siyam na araw pagkatapos ng panganganak, ang nagpapasusong ina ay
umiiwas sa pagkain ng nilagang berdeng saging at "calocalo" o sinangag na kanin
sapagkat ang mga pagkaing ito ay inaakalang makababawas ng gatas ng ina.
17. Pagkapanganak ng ina, kinakailangan siyang kumain ng ibat ibang prutas upang
magkaroon ng maraming gatas.
18. Sinisikap ng bagong kapapanganak na ina na gumawa nang kaunti ng mga
mabibigat na trabaho sa bahay, gaya ng paglalaba ng damit, pag-sisibak ng kahoy,
at pag-iigib ng tubig upang ang lahat ng trabaho ng ganitong uri sa kalaunan ay
hindi magiging sanhi ng pagkabinat na kung minsan ay nauuwi sa lalo pang
kapinsalaan. Ang kaugaliang ito ay tinatawag na "padungan.
19. Ang unang paligo ng ina ay may mga sangkap ng pinakuluang dahon ng pomelo,
bunlao, alibjon, at tanglad. Ito ay ginagawa upang di-umano ay hindi mabinat ang
ina.

Tungkol sa Binyag ng Sanggol


1. Ang bata ay kinakailangang mabinyagan sa lalong madaling panahon sapagkat
pinaniniwalaang ang binyag ay malaki ang kinalaman sa pagiging malusog at
laging ligtas ito sa sakit.
2. Kapag ang isang bata ay umiiyak habang ito ay binibinyagan, ito ay lalaking pilyo,
malikot, at matigas ang ulo. Kapag ito ay tahimik, lalaki itong mabait.
3. Sa binyag ng bata ay kailangang may kaunting handa upang laging may pagkain
ito.
4. Ang ninong at ninang ay dapat magbigay ng pera sa bata upang maging magaan
ang pera sa inaanak at madali itong yumaman.
5. Pinaniniwalaang sa binyag ng kambal, kinakailangang ipasok ang bata sa isang
pinto at ang isa naman ay sa kabilang pinto upang walang mamatay na sinuman
sa kanila.

Tungkol sa Pag-aalaga ng Bata


1. Pagbibili sa bata - kapag ang isang pamilya ay namatayan na ng mga dalawa o
tatlong anak sa napakaagang gulang, at ang sumunod na bata ay tila
magkakaganoon rin, ang isang seremonya ng pagbibili sa bata ay idinaraos. Ang
isang kapitbahay na naging matagumpay sa pagpapalaki ng maraming anak ay
nagdadala ng pera o anumang bagay upang bilhin ang bata. Ipinahahayag ng ina
ng bata na ito ay ipinagbibili na sa kapitbahay na dumalo sa seremonya. Ang
kapitbahay ay tunay na nagbabayad ng pera o anumang bagay. Sa ganitong
paraan, ang bata ay magiging malusog at makababawi sa sakit. Gayunpaman, ang
bata ay pag-aari pa rin ng mga magulang nito.
2. Abay - sinuman ay hindi hinahayaang magbigay ng puna o biro tungkol sa bata
na ito ay malusog. Kapag naging matindi ang pagbati o pagbiro, magiging dahilan
ito ng pagkakasakit ng bata. Kaya, bago magsalita ng anuman kinakailangang
sabihin muna ang "puera abay" o "puwera usog.
3. Panagang - Pinasusuotan ang bata ng kuwintas na may nakataling ngipin ng
buwaya o anumang bagay na magsisilbing panagang o pangontra. Pinaniniwalaan
ng mga tao na ito ay mabisang panlaban sa mga masasamang espiritung may
balak puminsala sa bata. Ang iba naman ay nagkakabit ng piraso ng luya sa damit
ng bata upang mapigilan ang mga manggagaway sa anumang masamang tangka
nila sa bata, o mapaglalabanan ang anumang masasamang hangarin ng mga
espiritu.

Tungkol sa Pagliligawan, Pagnonobyo, Pag-aasawa


1. Pinaniniwalaan na kapag umaawit habang nagluluto sa harap ng kalan ang isang
dalaga, ang mapapangasawa niya ay isang matandang tila lolo na siya.
2. Ang paghaharap sa nagtatahip ng bigas ay magbubunga ng pagkakapag-asawa sa
isang matanda.
3. Maaaring malaman kung magiging tapat sa suyuan ang kasintahan sa
pamamagitan ng pagtingin lamang sa mga kuko nito. Ang isang maputing marka
ay nagsasaad ng katapatan sa isa lamang giliw ngunit kung maraming puti-puti,
ito ay nangangahulugan na ang liyag ay magiging talusaling sa pag-ibig

Tungkol sa Kamatayan, Pagbuburol, Libing, Pagdarasal


1. Ang isang bata ay pinagbabawalang magsuklay ng buhok sa gabi sapagkat ang
ang ganito raw ay nakapagpapadali sa buhay ng kanilang mga magulang.
2. Ang pag-alulong ng aso sa gabi ay pagbabadya na si Kamatayan ay nasa pali.
paligid at handang kunin ang isang nilalang.
3. Ang pagpasok ng isang itim na paruparo sa bahay ay babala na may kamag-anak
na namatay.

Tungkol sa Panahon at mga Elemento


1. Nahuhulaan ng mga tagakuha ng tuba sa Iloilo at Antique kung ang panahon ay
magiging mabuti o masama sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga sisidlang
kawayan na siyang pinag-iipunan ng katas ng niyog. Kapag maraming bula sa
ibabaw ng tuba, ito ay pagbabadya ng masamang panahon. Karaniwan, kaunting
mga bula lamang ang nabubuo sa itaas ng sisidlang kawayan.
2. Kapag ang isang ibong tinatawag na kanuyos ang makitang napunta sa hilaga,
nangangahulugang may bagyo sa timog; kung ito ay patimog ang bagyo ay nasa
hilaga.
3. Kapag nakita ang ilang mga bituing tila wari'y patungo sa buwan, ang ibig sabihin
ay may bagyong darating.
Tungkol sa Hayop, Insekto
1. May paniniwala na kapag ang isang pusa ay tumawid sa iyong daan ay aabutin ka ng
kapahamakan o kamalasan. Ang mga taong may ganitong pananalig ay lubhang nag-
iingat na makasalubong ang isang itim na pusa. Kung mangyari ito ay minamabuti na
lamang ang magbalik at mamalagi sa bahay sa halip na ipagpatuloy ang lakad. Sa iba
naman, ang ahas o pusang itim na humalang o tumawid sa daanan ay nagbabadya pa
rin ng kamatayan.
2. Kapag kumukulog, sinuman ay di hinahayaang makipaglaro sa mga pusa sapagkat ang
mga ito ay itinuturing na pinagkukunan o konduktor ng kidlat. Kapag ang isang bata
ay di-tumalima sa paalaalang ito, malaki ang panganib na siya ay tamaan ng kidlat.
3. Ang tsonggo ay inaakalang isang dating taong pinalo ng sandok sa pagsuway sa
magulang.

Tungkol sa Pagkain
1. Ang mga platong ginagamit sa pagkain ay di dapat agad pinagpapatung-patong.
Kailangang hintayin pang makatapos ang lahat sa pagkain bago pagpatung patungin
ang mga plato kung di ay magkakaroon ng patung-patong na utang
2. Huwag kakain nang maya't maya kung di ay magiging abut-abot ang mga utang.
3. Ang pagkain ng itlog na nauntol ang pagkapisa ay nagdadala ng pagkabigo sa mga
binabalak.

Tungkol sa Asuwang at Iba pang mga Kakatwang Nilalang


1. Ang mga asuwang ay mga kakatwang nilalang na nakalilipad.
2. Sinasabi na ang mga ito ay nagtataglay ng kapangyarihang patayin ang isang tao sa
pamamagitan ng pagtingin lamang dito o pagkain sa atay nito.
3. Magagawa rin ng asuwang na papagkasakitin ang isang tao.

Tungkol sa Halaman at Pagsasaka at Pangingisda


1. Tunay na napakahalaga ng mga pangunahing pananim sa kalahatang mga magsasaka
sa Pilipinas kung kaya ang mga ilang kaugaliang panrelihiyon ay iniuugnay sa
pagtatanim. Ang magsasaka sa Pototan, Iloilo ay gumagawa ng pagluluhud-luhod
tulad ng isang pari habang gumigik ng bigas bago magpatuloy. Lumuluhod muna ito,
nagsasabog ng kaunting uling sa bigas na nakasabog sa isang malaking banig at saka
magkukurus. Kung hindi niya ito gagawin, ay hindi siya makakaasa ng isang mabuting
ani sa susunod na taon.
2. Pinaniniwalaang sa unang pagpupunla ng bigas o sa pagtatanim ng anumang uri ng
pananim, ang suklay, nganga at lumang habihan ay itinatapon kasama ng bigas sa
punlaan. Nilalayon ng suklay ang pagkakaroon ng kaayusan ng mga halaman; ang
bunga ay para sa masaganang ani, at ang habihan ay para sa magandang uri ng butil.
3. Sa pagtatanim ng bigas, ang tanglad (mabangong damong inilalagay sa sabaw ng
manok o karne, dinuguan, atbp) muna ang itinatanim sa unang punlaan at ito ay
sinusundan ng mga murang halaman.
Tungkol sa Anting-Anting at mga Di-pangkaraniwang Kapangyarihan
1. Sa hatinggabi ng Biyernes Santo, ang mga tao ay gumagawa ng lahat ng paraan
upang makakuha ng bahagi ng damit, buhok o anumang kagamitan ng Santo
Intiero. Ito ay inihahalo nila sa ibang mga sangkap at pinauusukan ang mga
lambat.
2. Ang mga taong naninirahan sa may baybay ay karaniwang mapapaniwalain sa
mga anting-anting
3. Para sa mga babaylan at albularyo, ang Biyernes Santo ay pinakaabalang araw
dahil nagpupunta sila sa mga yungib at bundok upang manguha ng mga damong-
gamot at balat ng mga kahoy. Pinaniniwalaang magiging mabisa ang mga ito.

Tungkol sa Sugal, Sabong


1. Kapag naglalakad sa daan at nakakita ng bakal ng sapatos ng kabayo ito ay
nangangahulugan ng suwerte. Kaya kung magsusugal ay tiyak na mananalo.
2. Anumang bagay na kambal ay kailangan ilagay sa bulsa upang manalo sa sugal.
3. Kapag nakatayo at may butiking lumukso sa bulsa, ipinalalagay na hudyat ito ng
magandang kapalaran sa sugal.

Tungkol sa Pagpapatayo at Paglipat ng Bahay


1. Sa pagtatayo ng unang poste na tinatawag na pasag-ang ang posisyon ng
sinasabing bakunawa ay isinasangguni sa isang aklat na pinamagatang Astrologo.
Ang poste ay makikita malapit sa sentro ng ulunan ng bakunawa. Sa pag-
alinsunod dito, ang itatayong bahay ay magiging ligtas sa anumang sakuna.
2. Sa pagpupuno ng anumang butas ng unang poste, ang isang suklay, at mga
sasampuing sentimo ang inilaagay sa kailaliman ng butas. Ang mga bagay na ito
ay sinasabing makapagbibigay ng kapayapaan at tagumpay sa pamilya sa
anumang bagay na kanilang kakaharapin.
3. Ang hagdanan ay dapat na papaharap sa silangan o sa sinisikatan ng araw. Sa
ganitong posisyon ng hagdanan, ang pamilyang maninirahan ay magiging masaya
at maginhawa sa lahat ng araw.
4. Sa paglipat naman sa panibagong bahay, ang hugis ng buwan ay isinasaalang-
alang. Lumilipat sa bagong tirahan mga tatlong araw kapag kabilugan ng buwan o
walong araw pagkaraan ng bagong buwan.

Tungkol sa Iba't Ibang Okasyon


1. Bagong-Taon – Kinakailangang kumpleto ang lahat ng bagay o pangangailangan
upang sa loob ng buong taon ay hindi kulang-kulang sa anumang bagay. Ang
pambinhe ay siyang unang paraan sa pagtatanim. Iniipun-ipon ang iba't ibang uri
ng buto o binhi at inilalagay sa isang platong natatakpang mabuti ng bao o
anuman. Tinatandaang mabuti ang lugar ng bawat binhi.
Sa susunod na araw, huling araw ng taon at bisperas ng Bagong Taon, ang unang
gagawin ay tignan kung may butong nag-iba ng lugar. Pinaniniwalaang ang mga
binhi ay kumikilos. Ang mga butong lumipat ng puwesto ay magiging salat o kapos
sa susunod na taon. Kaya maaaring makapaghanda nang husto para sa ganitong
kakulangan. Maghanda rin ng maraming pagkain upang magkaroon ng
masaganang pagkain sa loob ng isang taon.
1. Sa Dumangas, sa ika-12 ng hatinggabi, kinakalansing ng mga tao ang 12 perang
barya. Bawat barya ay kumakatawan sa bawat buwan. Ang 12 barya ay itinatago sa
loob ng isang taon upang maghatid ng kasaganaan sa may-ari.
2. Sa Guimbal naman, sa hatinggabi ng Bagong Taon, kinakailangang gumising at
makinig na mabuti sa unang ingay na gagawin ng mga hayop na pambukid. Kapag
ang narinig ay isang aso, ito ay masamang pangitain. Kapag kalabaw o baka, ito ay
nagbabadya ng mabuting ani.

Tungkol sa Araw ng mga Patay


1. Sa araw na ito, pinaniniwalaan ng mga tao na ang kaluluwa ng mga patay ay
nagbabalik sa lupa.
2. Pinaghahandaan nila ang mga ito ng mga pagkain gaya ng bayebaye, suman, at
marami pang iba upang paglubagin ang loob ng mga kaluluwa.
3. Ang mga pagkain ay inilalagay nila sa mesa o sa loob ng isang lihim na silid pang
ang mga ito ay makain ng mga kaluluwa.

Tungkol sa Samut-saring Paniniwala


1. Ang pag-alulong ng aso sa gabi ay nagpapahiwatig ng mga gumagalang masamang
ispiritu. Ang pagsagot sa mga kakatwang tawag ng mga ito sa gabi ay
nangangahulugan ng kamatayan sa sumagot.
2. Tungkol sa damit, isang paniniwala at naging kaugalian na ang bagong damit ay
isinusuot muna sa simbahan bago sa ibang pagkakataon upang ito ay magtagal.
3. Kapag ang Biyernes ay tumama sa ika-13 araw ng buwan maraming mga aksidente
ang maaaring mangyari.

Kapistahan at Kasayahan
Tulad ng ibang mga katutubo ng bayan, ang mga Ilonggo ay magiliw sa mga
masiyahan at pagdiriwang na tulad ng mga sumusunod:
1. Pasungay - tuwing ikalawang Sabado ng Enero idinaraos ang pasungay (bullfight)
sa lugar ng San Joaquin, Iloilo. Ito ang siyang pagsisimula sa masiglang panahon ng
mga kasayahan sa Kanlurang Bisaya. Ang Pasungay ay bahagi ng kapistahan ng
bayan ng San Joaquin. Ang mga maglalabang toro mula sa mga kabayanan at
kalapit na lugar ay pinipili. Sa isang arena sa burol ay naghahamok ang mga toro
hanggang sa ang isa ay mapagod o di kaya ay tumakbo. Ang kasayahang ito ay
nagdaragdag ng kulay sa kapistahan ng bayan. Ang iba pang atraksiyon ng
Pasungay ay ang paglalaban ng mga kabayo at kalabaw.
2. Dinagyang Idinaraos ito tuwing huling linggo ng Enero. Pumapaikot ang
kasayahan sa pagbibigay-parangal sa milagrosang Imahen ng Santo Niño. Ang
Dinagyang ay katawagang Ilonggo sa kasayahan. Ang iba't ibang tribu ay
nagsusuot ng mga makukulay na kasuotang nagpapakita ng pagkamasining at
kahusayan ng mga katutubo. Ang pagdiriwang ay namumukod sa choreography,
pagtatanghal, at kulay. Isang palabas na may kasamang pagpapadyak-padyak ng
paa at tugtog ng mga dram. Ipinagdiriwang ang pagiging Kristiyano ng mga
katutubo.
3. Kapistahan ng Nuestra Señora de la Candelaria sa Jaro. Idinaraos ito tuwing
Pebrero 2. Ito ang pinakamarangya at pinakamalaking pagdiriwang na
panrelihiyon sa Kanlurang Bisaya. Mula pa man noong una, ang mga tao mula sa
iba't ibang lugar ng bansa ay dumadayo sa Jaro para sa okasyong ito.
Kinoronahan noong 1981 ng Santo Papa Juan Pablo II, ang Mahal na Birhen ng
Kandila at pormal na ipinahayag na Patrona ng Kanlurang Bisaya. Ang
pagbabasbas ng mga kandila nga may iba’t ibang laki, anyo at kulay at ang
taunang pagpruprusisyon sa Patrona na sinusundan ng reyna ng pista at ng
kanyang korte ay nagbibigay-tampok sa pagdiriwang. Ang pista ng Jaro ay
okasyon na rin ng pagtatanghal ng mga agro- industrial exhibits, garden shows,
koronasyon ng reyna ng karnabal, at ng Grand Cock Derbies.
4. Paraw Regatta- Sa tuwing ikatlong linggo ng Pebrero ito ginaganap. Isa itong
paligsahan sa karera ng mga Bangka na idinaraos sa pagitan ng kipot ng Iloilo at
ng Guimaras. Ito ay pinasimulan noong 1973. Nagpapagunita sa libangan ng mga
Ilonggo noon pa mang ika-16 na siglo. Tinatawag na paraw sa bernakular, ang
mga sasakyang-dagat na ito ay mga replica ng mga sinakyan ng mga unang
nandarayuhang Bornay sa pagpunta sa pulo ng Panay.
5. Ang Pagtaltal sa Guimaras- Tuwing Biyernes Santo, isang pangkuwaresmang
pagtatanghal sa Jordan, Guimaras na hinango sa bantog na dula ni
Oberammergau sa Timog Bavaria, Alemanya. Ang karanasan ay paglalakip ng
pananampalataya at kulturang poklorika.
6. Ang Parada at Karera ng Kalabaw - Ginaganap ito tuwing Mayo 3. Ang parada
at paligsahan ng karera ng kalabaw ay siyang tampok ng kapistahan sa Pavia,
Iloilo. Mga nagagayakang karosang hila ng kalabaw at sinasakyan ng mga musa
ang umiikot sa bayan. Pagkatapos ng parada, ang mga musa ay nananaog sa
karosa samantalang inihahanda na ang karera.

2.4. ANG SINING AT KULTURA NG AKLAN


-ni Florida Villanueva
Ang Ati-Atihan ay isang napakasayang pagdiriwang na pinagkakapuri ng mga
Aklanon bilang bahagi ng kanilang kultura. Ito ay ginaganap taun-taon tuwing buwan
ng Enero sa mga bayan ng Kalibo, Ibajay, Batan, Makatao, at Altayas. Ang
pinakamasaya sa lahat ng pagdiriwang ay ang ginaganap sa Kalibo tuwing ikalawang
linggo pagkatapos ng pista ng tatlong hari.
Dalawang linggo pa lang bago sumapit ang pista ay marami na sa mga Ati-Ati
ang nagsisimulang maglibot sa kalye sa pamamagitan ng tugtog at kalabog ng mga
walang lamang lata, kaldero, botelya, tambol, at iba pang instrumento. Sila ay
masayang umiindak at pasayaw-sayaw habang sila ay sumisigaw ng "Viva kay Senyor
Santo Niño," o kaya ay: "Hala bira, puwera pasma". Ang salitang Ati-Ati ay
nangangahulugan na "gaya ng mga ati, ang maiitim na mga unang tao ng Panay,
kaya't ang lumalahok sa pagdiriwang na ito ay karaniwang nagpapahid ng maitim na
uling. Malaya ang bawat isa sa pagpili niya ng maging gustong kaayusan o kasuotan
at mula bata hanggang matanda, mayaman at mahirap, may pinag-aralan at wala,
lahat ay makikitang nakikipagsaya sa gitna ng kalye. Sa tuwing nagkakasalubong ang
bawat pangkat, sila ay sumisigaw ng "Viva kay Senyor Santo Niño," habang ang iba
naman ay sumasagot ng "Viva" Ang pagdiriwang ay nagiging kompleto lamang kapag
ang nagsisipagdiwang ay nakapasok na sa simbahan at makahalik sa imahen ng
Santo Niño sa altar at mahaplos ito.
Ang pinakamahalagang bahagi ng pagdiriwang ay ang prusisyon na
karaniwang nagsisimula sa ganap na ika-5 ng hapon sa huling araw ng pagdiriwang.
Ang karamihan ay nagdadala ng sulo mula sa simbahan hanggang malibot nila ang
bayan. Pagkatapos sila ay babalik sa simbahan kung saan humahalik muna sila sa
Santo Niño bago umuwi sa kani-kanilang bahay na masaya ang kalooban at parang
hindi nararamdaman ang pagod sa mahabang araw ng pakikipagsaya sa kakaibang
pagdiriwang na ito.

Kailan Nagsimula ang Ati-Atihan?


Maraming bersyon ang pinagmulang kasasaysayan ng pagdiriwang ng Ati-
atihan. Ang mga ito ay mababasa sa ulat na sinulat ni Roman de la Cruz, 1963 sa (The
Aklan Keport). Ang isa sa mga bersyon ay nagsasaad na bago dumating ang mga
Kastila sa ating bansa ay mayroong iba't ibang tribo ng mga Ati na naninirahan sa
Aklan. Sila ay nagsawa na rin sa wakas sa kanilang matagal nang pagkakaroon ng
alitan at patayan sa magkabilang panig, kaya’t nagkasundo silang mamuhay na nang
matahimik. Upang ipagdiwang ang kanilang pagkakasundo, nagkaroon sila ng
pagdiriwang at kasayahan. Sa himig ng tambol sila ay nagsipagsayaw at labis na
katuwaan ang sumapuso sa bawat sa, Mula noon, ipinagdiriwang na nila taun-taon
ang pagkakasundong ito at nitong huli, upang gayahin ang mga tunay na Ati, ay
nagpapahid pa rin ng itim ang mga nais makipagdiwang. Sa hindi sinasadyang
pangyayari, nang dumating ang mga Kastila, ang pagdiriwang ay nataon sa pista ng
Santo Niño kaya't ito ay nagkaroon ng banal na kahulugan, galing sa salitang Ati, ang
maiitim na unang tao, at Malayo Maray na ang ibig sabihin ay Malaynon. Ngayon, ang
karaniwang tawag na lamang sa pagdiriwang na ito ay Ati-Atihan.
Ang isa pang bersyon ay nagsasabi tungkol sa kampana ng Madianos na
natanggap ng kura paroko galing sa isang napakagandang babae sa tabing dagat. Ang
kampana ay puting-puti at napakalaki kaya't dalawampung lalaki ang kinakailangan
upang mabuhat iyon papuntang bayan. Isang batong simbahan ang itinayo upang
paglagyan nito. Ang mga nais magnakaw nito ay nilalabanan ng mga mamamayan
subali't marami ring napapatay sa kanila at dinadala pa ang mga ibang kababaihan
nila, kaya't sila'y lubhang nalungkot.
Sa isang di inaasahang pangyayari, isang milagro ang naganap kung saan isang
magandang babaing dala-dala ang Sto. Niño ang nagpakita sa mga mamamayan.
Pinayuhan silang magpahid ng itim na uling sa kanilang mukha at katawan,
sumampalataya sa Poong Nazareno at ipagtanggol nila ang kampana kahit ano pa
man ang mangyari at huwag itong ipagbibili o itatapon sa dagat sapagkat may
darating na kamalasan sa bayan at sa mga mamamayan ng Aklan kung mawawala sa
kanila ang kampanang ito.
Sinunod ng mga tao ang sinabi sa kanila. Nagpahid sila ng mga uling at nang
dumating ang mga kaaway, hindi sila inano at hindi na nagsibalik ang mga ito. Subalit
nang sumunod na mga taon, isang datung nainggit sa pagkakaroon ng kapangyarihan
ng mga pari ang nagpasyang kunin ang kampana at itapon ito sa ilog. Ito nga ay
nagawa nila isang gabi sa pamamagitan ng karahasan.
Naging totoo nga ang hula. Mula noon ang ilog ng Aklan ay palaging bumabaha
at maraming nasisirang mga pananim. Marami rin ang nasawi. Upang mabawasan
ang galit ng kampana, ang mamamayan at pari ng Aklan ay nagpasyang magkaroon
ng taun-taong isang banal na seremonya. Ito ay tinatawag nating Sto. Niño o Ati-
Atihan.
Ang isa pang bersyon na pinagmulan ng Ati-Atihan ay nanggaling naman sa
isang paring matagal nang kura- paruko ng lbajay. Ayon sa kanya, ang pinanggalingan
daw ng Santo Niño Ati-Atihan ay sa Ibajay, Aklan, sa pamamagitan ng isang milagro.
Isang mangingisda raw ang laging pumapalaot upang manghuli ng isda. Nang inilagay
niya sa tubig ang kanyang lambat, sa halip na isda ang kanyang nahuli ay isang kahoy
na may tatlong talampakan ang haba. lnisip niyang walang kwenta ang kahoy na ito,
kava't itinapon niya muli ito sa tubig. Nang iladlad niya muli ang kanyang lambat,
wala na naman siyang nahuling isda maliban sa kahoy na namang iyon, Sa ikatlong
pagkakataon nahuli niya ang kahoy. Naisip niya na marahil ay mahalaga rin iyon kaya
inilagay niya iyon sa kanyang basket. Pagkatapos noon, siya'y nakahuli na ng
naraming isda. Pagdating niya sa bahay ng gabing iyon, itinapon niya ang naturang
kahoy sa ilalim ng kanilang kalan at saka natulog. Hindi pa natatagalang silay
natutulog nang makarinig sila ng tumutuktok subalit wala silang makita. Bumalik sila
sa kanilang higaan at natulog muli nang may narinig na naman silang tumutuktok. Sa
pagkakataong ito ay hinanap na nilang mabuti ang pinanggagalingan ng ingay na iyon
at natunton nga nilang sa kahoy palang itinapon na nasa ilalim ng Kalan. tiningnan
nilang mabuti ang kahoy at nakita nilang may nakaukit pala ditong mukha ni Sto.
Niño.
Ang mga pangyayari ay kaagad nalaman ng mga taganayon kaya’t
napagpasiyahan nilang ipagtayo nila ng kapilya ang imahen ng Sto. Niño. Mula noon,
marami nang dumarayo sa milagrosong imahen kaya't inilipat nila ito sa simbahan ng
bayan. Sa pagtataka ng lahat, nawala ang imahen at sa kanilang paghahanap nakita
nila ito sa kapilyang pinagkunan sa kanya. Ibinalik nila itong muli sa bayan, subalit
maraming beses na bumalik din ito sa Kapilyang Casia. Sa huling pagkakataon,
ibinalik nila itong muli sa bayan subalit sila'y namanata, na taun-taon ay
magkakaroon sila ng pagdiriwang kung saan magpapahid sila ng uling sa kanilang
mukha at katawan. Inilalabas nila ang imahen upang iprusisyon sa pagkakataong ito
at ang lahat ay buong kabanalang sumasampalataya sa pinagpalang imaheng ito.
Ayon naman sa ating mga mananalaysay, ang Ati-Atihan ay nagsimula noong
ika- 13 siglo kung saan nagkaroon ng pagdiriwang dahil sa pagkabili ng mga datung
taga- Borneo sa isla ng Panay sa mga Negrito na pinamumunuan ni Haring Marikudo.
Ang mga datung taga-Borneo ay umalis sa kanilang bayan dahil sa kalupitan ng
kanilang tagapamuno. Noong 1250, dumating sila sa Aklan, isla ng Panay sa
pamamagitan ng mga bangkang kung tawagin ay barangay. Nais na makipagkaibigan
ng mga datu sa mga Negrito at manirahan nang matahimik kasama sila kaya’t
ipinatawag ni Marikudo ang lahat para sa isang pagdiriwang. Pagkatapos ay sinabi
niya kay Datu Puti na pababain ang kanyang mga tauhan sa kanilang bangka at sila ay
magkakaroon ng kasayahan.
Pagkatapos ng pagdiriwang pinag-usapan na ng mga matatandang sakop ni
Marikudo at ang sampung datung taga-Borneo ang tungkol sa pagbebenta ng Panay.
Isang gintong salakot at isang gintong kuwintas ang napagkasunduan nilang
kabayaran ng Panay. Tatlong araw matapos ang bilihan, lumipat ang mga taga-Borneo
sa kanilang mga bagong tahanan.
Mula noon, ipinagdiriwang nilang palagi ang Ati-Atihan tuwing sasapit ang
panahon ng tag- ani. Nagpapahid ng uling sa kanilang mukha ang mga taga-Borne
upang magkapareho sila ng mga kaibigan nilang Negrito. Ito ang dahilan kung baki
nagpapahid pa rin ng itim ang mga taga-Aklan tuwing sasapit ang pistang Sto. Nito
Nang dumating ang mga Kastila, ipinag-utos ng enkomendero ng Aklan na si Don
Antonio Flores, na ang pista ng bayan ay gaganapin sa araw ng Sto. Niño, ang patron ng
mga Kastila. Mula noon, ang Ati-Atihan ay ipinagdiriwang na tuwing ikalawang linggo
pagkatapos ng pista ng Tatlong Hari. Ang mahabang pagdiriwang na ito ay naging
kilala na hindi lamang dito sa atin kundi maging sa mga dumadayo dito sa atin na mga
taga ibang bansa.

Isang Maikling Kasaysayan ng Aklan


Ang kasaysayan ng Aklan ay nagsimula pa noong ika-13 siglo nang dumating
ang isang pangkat ng mga sultan na galing sa Borneo. Ang pangkat ay binubuo nina
Raha Sumakwil, Bankaaya, Paiburong, at Datu Puti na siyang pinakapuno. Binili nila
ang Panay sa Hari ng mga Ati na si Haring Marikudo sa pamamagitan ng isang gintong
salakot at isang gintong kuwintas.
Isang konpederasyon ang binuo at ito'y tinawag nilang "Katilingban ni Madyaas"
na binubuo ng tatlong lalawigan, Irong Irong (ngayon ay Iloilo), Hamtik ( Antique), at
Aklan (Aklan) sa pamumuno ni Raha Sumakwel. Ang pinakapuno ng lalawigan ng
Aklan ay si Raha Bankaaya. Ginawa niyang kabesera ang Madyaos (ngayon ay
Marianos, Numancia) at noong 1213, ang lalawigan ng Aklan ay maayos na binuo.
Nang namatay si Bankaaya, marami ang pumalit sa kanya. Ang mga ito ay ang
anak niyang mga lalaki na si Datu Paiburong, sina Datu Balinganga, Balinsosa, at Dagu-
ob. Si Daguob ay nagtatag ng kaniyang sariling pamahalaan sa Capiz, at nang siya’y
mamatay, pinalitan siya ni Hagnaya. Ang nagsipalit naman sa kanya ay sina Datu
Alimbukod, Balit, Sapi, Kalitnan, at ang Pagbuhawi. Ang pinakahulingdatu na namuno
sa Capiz ay si Dinagandan na kung saan iniurong niya ang kanyang pamahalaan sa
Aklan sa bayan ng Batan.
2.5. ANG PISTA NG PINTADOS
Noong 1668, dumating ang mga Espanyol sa Visayas at natagpuan nila ang mga
babae't lalaki na puno ng tatu (tattoo) ang mga katawan. Tinawag silang Pintados. Gamit
ng mga pintados ang matalas na bakal na pinaiinitan muna sa apoy bago gawin ang
pagtatatu. Ang mga taong ito ay may sariling kultura, mayaman sa mga pagdiriwang at
pagsamba sa mga diyos tuwing masagana ang ani.
Dinala ng mga misyonaryong Espanyol noong 1888 ang imahe ng batang Jesus, na
kilala bilang "El Capitan," sa Pilipinas. Maganda ang pinagmulan nito kaya nakuha agad
ang debosyon at pagsamba ng mga katutubo ng Leyte sa Santo Niño.
Noong 1986, itinayo ang Pintados Foundation, Inc. ng mga negosyante at
mangangalakal sa Tacloban. Sinimulan nilang mag-organisa ng mga aktibidad para sa
pista ng lungsod na parangal kay Señor Santo Niño. Dito nagsimula ang Pista ng Pintados,
na unang ipinagdiwang noong Hunyo 29,1987. Ngayon ay tinatawag itong Pista ng
Pintados-Kasadyaan, na binansagang "Festival of Festivals”.
Ang Pista ng Pintados ay tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan. Ito ay isang
masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang
Leyte Kasadyaan Festival of Festivals, isang Pintados Festival Ritual Dance Presentation,
at ang Pagrayhak Grand Parade. Ang mga pagdiriwang na ito ay sinasabing nagmula sa
Pista ni Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. pinagdiriwang ng mga taga-Leyte ang
nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya
sa pagtatatu, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtatu sa kanilang sarili.
Ipinapakita ng Pista ng Pintados ang mayamang kultura ng Leyte at Samar sa
pamamagitan ng pagsama-sama ng mga katutubong sayaw at musika. Ang Leyte
Kasadyaan Festival of Festivals ay nagpapakita ng bukod tanging kultura at makulay na
kasaysayan ng probinsiya ng Leyte. Sinimulan ni dating Gobernador Remedios Loreto-
Petilla, ang pagdiriwang ay unang ginanap noong ika-12 ng Mayo, 1996. Ang mga pista ay
hindi laging ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang tatlong taon ay nangyari
ito sa magkakaibang petsa. Noong 1999 lamang ito opisyal na itinakda sa araw ng Hunyo
29, ang Pista ni Señor Santo Niño de Leyte.
Ang kahulugan ng Kasadyaan sa diyalektong Bisaya ay katuwaan at kasiyahan.
Maraming pista ng munisipalidad ng Leyte ang nagsasama-sama sa kabisera, sa Lungsod
ng Tacloban, upang makisa sa selebrasyon. Masisiglang parada ng mga drama at sayaw
ang nagaganap. Isang mahalagang papel ang ginagampanan ng mga pistang ito-mas
mahihikayat ang bawat Leyteño na ipagmalaki at pahalagahan ang kanilang kultura.
Bawat munisipalidad ay gumagawa ng kanilang istorya ibabahagi sa pista tungkol sa
kanilang local na mga kuwento at alamat.
Ang pangalang pintados ay mula sa mga katutubong mandirigmang puno ng tatu
ang mga katawan. Nang mga panahong iyon, ang tatu ay simbolo ng tapang ganda, at
estado sa buhay. Ang mas matatapang na mandirigma ay may mas maraming tatu, na
halos pumuno sa buong katawan. Kakaiba sa paningin ng mga banyaga, itinuring silang
nakakatakot at barbaro ng mga Kastila. Pero sa panahong naintindihan nila ang
kahulugan ng mga tatu, nakita nila ito bilang tanda ng ganda at halaga sa buhay ng mga
pintados. Dahil hindi pa masyadong maingat ang pagtatatu noon, ang proseso ay masakit
at maaaring magdulot ng impeksyon. Kaya naman ang sino mang humarap sa Ppanganib
ng pagtatatu at nabuhay ay itinuturing na malakas at matapang. Pero bago pa man
matatuan, kailangan muna niyang maging matagumpay sa ilang mga labanan.
2.6. ILANG TRIBU SA VISAYAS
Tribung Sulod
Ang tribung Sulod ay matatagpuan sa bulubundukin ng Capiz, partikular na sa
munisipalidad ng Tapaz. Sila ay mula sa tribung Mundo, isang etnikong grupo mula
sa Indonesia na lumipat mula sa Mainland Asia at nanirahan sa mga bundok ng Panay
nang ilang dantaon. Mula sa pangalang "mundo", napalitan ang kanilang pangalan ng
Bukidnon na kalunan ay naging "Sulod" na nangangahulugang "closet" o room
Nagsasalita sila gamit ang kombinasyon ng diyalektong Kiniray-a at Hiligaynon.
Madalas sa mga ito ay monolinggwal.
Mayroon silang natatanging paniniwala, tradisyon, at uri ng pamumuhay. Isa
sa mga natatanging kultural na paniniwala ng mga ito ay ang pagtatago at
pangangalaga sa binukot, ang magagandang babae na itinatago sa loob ng silid.
Pinagbabawalan silang lumabas at mabilad sa ilalim ng araw at mananatili lamang sa
loob mula pagkabata hanggang sa araw na sila ay ikakasal. Ang mga babaeng binukot
ang tinaguriang epic chanter ng nasabing tribu. Ang kanilang chant ay maaaring
umabot ng tatlumpung oras. Nagmula sa tribung ito ang kilalang epiko ng Panay na
Hinilawod. Ito ay isang oral na poklor na nagpapakita sa tribung Sulod at ang
kanilang sagradong seremonya at ritwal. Umaabot hanggang sa tatlong araw ang
pagbabahagi ng kabuuang estorya. Noon, ang babaeng binukot ay nagdarasal at
sumasayaw sa ilalim ng buwan upang magkaroon ng masaganang ani.
Kapag ang tribu namatayan ng isang mahalagang tao, tulad ng isang baylan o
parangkuton, hindi siya inililibing sa lupa. Isang kabaong ang ihahanda para sa kanya
sa pamamagitan ng pagputol ng isang malaking kahoy at gumawa ng kabaong. At
inilalagay ito sa ilalim ng kubong gawa sa cogon ang bubong sa taas ng bundok.
Pagkatapos, ginagawan ng butas ang dulong bahagi ng kabaong at inilalagay doon
ang isang kawayan na tinatawag na "pasuk bilang daluyan ng "tagas o ng tubig na
umaagos mula sa patay na katawan. Matapos ang dalawa o tatlong buwan, inaalis ang
buto, hinuhugasan, binabalot sa itim na tela, at inilalagay sa ilalim ng ambi ng bahay.

2.7. TRIBUNG TAGBANUA


Inilipat ang Palawan mula sa Region IV (Luzon) at naging bahagi ng Region VI
(Visayas) noong May 23, 2005 batay sa EO 429. Maraming tribu ang nananahan sa
islang ito. Isa sa kilalang tribu sa napakagandang lugar na ito ay ang mga Tagbanua.
Ang mga miyembro ng tribung Tagbanua ay napabibilang sa pinakaunang
naninirahan sa isla ng Palawan at sa nakapaligid na isla nito. Lumabas sa resulta ng
ilang pananaliksik na mula sila sa mga taong Tabon na nanirahan sa kweba ng Tabon
ilang libong taon na ang lumipas. Madalas sa kanila ay nanirahan sa hilaga at sentral
na bahagi ng Palawan. Ang kabuuang bilang ng mga Tagbanua ay bumababa sa
kasalukuyan. Mula 129,691 na mga miyembro noong 1987, 10,000 na lamang ang
natitira sa kasalukuyan.
May pinaniniwalaang tatlong salin ng katawagang Tagbanua. Una, ito raw ay
nangangahulugang “people of the world" dabil sa "banua" na nangangahulugang
world o mundo. Pangalawa, ito raw ay nangangahulugang "people from our place"
mula sa "banua" na nangangahulugang land o place.
At pangatlo, nangangahulugan raw itong "people from the inland" dahil sa "banua"
na nangangahulugang countryside o inland. Sinasabi na ang huling salin ay mula sa
mga kolonista sa isla ng Palawan. Dahil ang mga kolonistang ito ay lumipat sa
dalampasigan, napilitan ang mga Tagbanua na lumipat sa pagdaan ng panahon.

Dalawang Grupo ng Tagbanua


Nahahati sa dalawang grupo ang mga Tagbanua batay sa heyograpikal na
lokasyon nito:
 Ang mga Tagbanua sa gitnang bahagi na tinatawag ding Sentral Tagabanua at
naninirahan sa silangan at kanlurang baybayin ng Palawan, lalong-lalo na sa
bahagi ng Puerto Princesa, Quezon, at Aborlan.
 Ang mga Tagbanua sa kanlurang bahagi- na kilala rin bilang Calamian Tagbanua
at naninirahan sa arkipelago ng Calamian, lalong-lalo na sa isla ng Coron at
Busuanga, at munisipalidad ng El Nido.
Sila ay may kayumangging balat, payat na pangangatawan, at maiitim at
mahahabang buhok. Noon, kapuwa lalake at babae ang may mahabang buhok, at
pinapaitim ang kulay ng kanilang mga ngipin.

Kultura
Gumagawa sila ng sari-saring ornaments tulad ng ear plugs, suklay at pulseras.
Dagdag pa, ang mga babae ay gumagawa ng mga kuwintas, at angklet na gawa sa
brass at copper
Isa sa mga kilalang tradisyon ng Tagbanua ay ang paggawa ng basket na may
iba’t ibang disenyo at ginagamit nila sa pag-aani. Maliban dito, mayroon din silang
mga hayop na na nilililok sa kahoy. Ang mga hayop na ito ay may seremonyal na
nagsisilbing kontak sa mga espiritu sa iba't ibang ritwal.
Mahilig din sa musika ang mga Tagbanua. Mayroon silang iba’t ibang mga
instrumentong sila lamang ang may gawa at ginagamit nila sa pagsamba at sa
pagtitipon. Ang mga ito ay ang arudin, babarak, tipanu, tibuldu, kudlung gimoa tiring,
at babandil. Mayroon din silang iba't ibang sayaw na madalas nakapaloob sa mga
ritwal. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
 Aballardo. Isa itong tradisyunal na sayaw na isinasagawa ng mga lalake.
 Andardi. Isang festival na sayaw ito tuwing Pagdiwata.
 Bugas-Bugasan. Sinasayaw ito ng lahat ng dumadalo sa ritwal ng Pagdiwata.
 Kalindapan. Sinasayaw ito ng mga babaeng babaylan.
 Runsay. Isang tradisyunal na sayaw ito ng mga naninirahan sa baybayin.
Isinasagawa ito ng isang beses kada taon sa ikaapat na araw pagkatapos ng
kabilugan ng buwan at ng healing dance na isinasagawa ng Babaylan.
Social Class
May tatlong social class ang komunidad ng Tagbanua. Ang una ay ang nasa
upper class. Dito galing ang mga lider at ito ay namamana. Ang pangalawa ay ang
middle class na kinabibilangan ng mga ordinaryong mamamayan. Pinipili mula rito
ang mga lokal na lider. At ang pangatlo ay binubuo ng mga taong may utang na hindi
na nila kayang bayaran.
Mahalaga para sa kanila ang pag-aasawa. Madalas ay inaayos ng mga magulang
ang kasal. Pagkatapos makasal ay bubukod sila sa kanilang mga pamilya.
Pinahihintulutan nila ang polygamy subalit ilan lamang ang may ganitong kaso.
Mayroon ding diborsyo subalit ipinagbabawal lalong-lalo na kapag may mga anak na
sila.
Ang mga Tagbanua ay may sariling mitolohiya at naniniwala sila sa diyos at
diyosa. Isa na rito si Mangindusa, ang nakalalamang na diyos na siyang namamahala
sa pagpaparusa sa mga nagkasala; si Polo, ang diyos ng karagatan at siyang tinatawag
kapag may nagkakasakit; Sedumanodoc, ang diyos ng mundo at siyang sinasamba
upang magkaroon ng masaganang ani; at si Tablacoud- ang diyos sa ilalim ng mundo.
Bukod sa kanila, naniniwala rin sila sa mga diwata na siyang nagkokontrol sa ulan,
katulad ng asawa ni Mangindusa.

Reperensiya:
• Hufana, N. L., Banawa, M. D., Gervacio, G. V., Pantorilla, C. R., Sajulga, A. C., & Tiosen, R. B. (2018). Wika
at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City: MUTYA Publishing House Inc.
ARALIN 8
ANG MGA LUMAD SA MINDANAO
Layunin ng Pag-aaral:
 Makapaglalahad ng sariling karanasan at kaalaman tungkol sa sariling wika at iba’t ibang
kultura.

3.1. ANG MGA B’LAAN

-ni Nelia Orpiano-Du

Ang mga B'laan ay sakop ng unang pangkat ng mga Indonesian na dumating at


nanirahan sa Pilipinas mga 5,000 o 6,000 taon na ang nakakaraan. Sila ang unang
gumamit ng bangka bilang paraan ng kanilang transportasyon patungong Pilipinas.
Maraming mga antropolohista ang makapagpapatunay na ang pangkat na ito ay
nagmula sa Indonesia dahil sa pagkakatulad sa sistema ng ponemang patinig ng mga
B’laan at ng mga Javanese sa Java. Pareho silang may pitong ponemang patinig. Mas
gugustuhin ng mga B’laan na tawagin silang B’laan kaysa Bi-la-an dahil para sa kanila
ang pagbigkas na Bi-la-an ay nangangahulugan ng kawalang galang at kabastusan.
Ayon sa isang interbyu sa grupong ito, ang pagbigkas nito na Bi-la-an ay
nangangahulugang "malandi"o "kalandian." Ang terminong B’laan ay tumutukoy sa
mga miyembro ng etnikong grupo na noon ay tinatawag na Bira-an, Bara-an, B’laan o
Bi-la-an. Ang "Bila" ay nangangahulugang kaibigan. Ang mga B'laan ay mga tao sa
bundok. Karaniwan silang nakatira sa matataas na bahagi sa mga bulubundukin sa
North Cotabato, Davao, at Saranggani Islands. May ilan ding nakatira sa palibot ng
Lake Buluan at ang ilan naman ay naninirahan malapit sa mga dalampasigan ng Davao.

Bago dumating ang mga Kristiyano, ang politikal na teritoryo ng B’laan ay


nahahati sa maliit na baryo. Ang pamayanan ng B'laan ay pinangungunahan ng datu o
village chief na tinatawag na fulong (wise). Ang fulong ang pinakamatanda at
pinakamaalam sa baryo na itinuturing na maykaya sa buhay dahil sa pagkakaroon ng
ginto, alipin, at iba pang kultural na kagamitan. Ang fulong ay hindi dumadaan sa
pormal na pagpili. Hindi rin siya humihingi ng mga bagay-bagay bilang pagkilala sa
kanya ngunit maaaring magbigay ang mga tao tanda ng kanilang paggalang sa kanya.
Ang may kayang fulung ay maaaring mag-asawa ng higit sa isa hanggang kaya niyang
suportahan. Itinuturing siyang pinuno, tagapagsanggalang, tagapamagitan, at
tagapagbigay ng solusyon sa mga suliranin.
Sa tradisyonal na sistema, ang kapangyarihan ng fulong ay ekstensibo. Siya ang
itinuturing na pinuno sa isang lugar, awtoridad sa pagpapatupad ng batas at
hustisya, at tagapag-ugnay sa iba pang fulong. Sa kasalukuyan, ang fulong ay hindi na
nagpapataw ng parusa sa kanyang kapwa B’laan maliban na lamang sa miyembro ng
kanyang pamilya. Sa kasalukuyan, sumusunod na ang mga Blaan sa batas na
ipinapatupad sa Pilipinas.
Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga B’laan ay pagkakaingin, o tigo sa
kanilang wika. May dalawang magkasalungat na paliwanag tungkol sa relasyon sa
lupa ng mga B'laan. Ang Una, ang kaingin ay resulta ng paraan ng pamumuhay ng
B’laan na palipat-lipat ng lugar dahil iniisip nilang hindi kailangan ng permanenteng
lupa para sa kabuhayan. At, ikalawa naman ay dahil sa kalikasan ng kaingin kaya
napipilitang lumipat ng lokasyon ang mga B'laan at bumabalik sila kung maayos na
ang lupa na kadalasan ay pagkatapos ng isang taon. Palay at mais ang unang
itinatanim pagkatapos ay kamote at iba pang pananim.
Ang pagdating ng mga Kristiyano ay nagbunsod sa pag-iwan ng mga B’laan sa
kanilang minanang lupa. Ang lupa ay inangkin na ng mga nandarayuhang pamilya.
Ang pagkakaingin ay itinigil na ng karamihan sa mga B'laan. Karamihan ay naging
tenant o nangungupahan na lamang at ang iba naman ay naging katulong ng mga
Kristiyano.
Ang mga B’laan ay naniniwala sa pagkakaroon ng pinakadakila sa lahat na
kinikilala nilang D'wata (God). Siya ang itinuturing na Mele (planter) ng Langit
(heaven) at Tana (earth) at lahat ng bagay sa daigdig. May tinagurian din silang
L’nilong (fairies) na mas mababa sa D'wata. Para sa mga B'laan, ang kalikasan ay
ipinagkatiwala sa kanila upang pangalagaan. Ang L'nilong ay hindi manlilikha
sapagkat tanging ang D'wata lamang ang manlilikha. Bilang Snalig (tagapangalaga),
sila'y karaniwang tinatawag na M’fun Mahin (owner of the sea), M’fun D'lag (owner
of the forest). Ibig sabihin, ang Panginoon ang manlilikha, ang mga L’nilong (fairies)
ang tagapangalaga at ang mga tao ang gagamit ng kalikasan upang mapakinabangan.
Para sa mga B’laan, hindi banal ang pag-angkin sa kalikasan tulad ng hangin,
lupa, tubig, gubat, at iba pa. Para sa kanila ang lupa ay likha ng Panginoon at hindi
maaaring ariin ng sinumang nilalang. Maaari itong gamitin sa tamang paraan upang
mapakinabangan. Kung hindi, sisirain ni M’fun Tana ang lupa sa pamamagitan ng
lindol o pagguho at pagkawasak. Kaya't sinasaka ng mga B’laan ang lupa sa loob ng
isang taon. Ang pagtatanim ng palay na tumatagal ng limang buwan (Mayo-Oktubre),
samantalang sa susunod na limang buwan naman ang sa kamote (Nobyembre-
Marso). Pagkatapos nito ibabalik ng mga B’laan ang lupa sa komunidad at lilipat ng
ibang lokasyon upang isagawa ulit ang pagtatanim.
Ang ibang B’laan ay naimpluwensiyahan ng Kristiyanismo. Karamihan sa mga
naging Kristiyano ay naging protestante na bahagi ng Christian Missionary Alliance
Church of the Philippines (CAMAcOP), United Church of Christ of the Philippines
(UCCP), United Methodist Church, at iba pa. Ang ilan naman ay Katoliko. Tinatayang
40 % ng mga B’laan ay naging Kristiyano.
Ang bahay ng mga B’laan ay may taas na anim hanggang sampung pulgada
mula sa lupa at may hagdan na binubuo ng tatlong baytang. Ang haligi ng bahay ay
yari sa ipil-ipil o gemilina. Ang dingding ay yari sa kawayan at kogon naman ang
ginamit na pang-atip. May isang kuwarto lamang ang bahay ng mga B’laan. Iisa ang
nagsisilbing kusina at sala nito. Nakasabit sa mga dingding ang mga sandata na gawa
sa kahoy tulad ng espada, kutsilyo, itak, at iba pa. Ang silong ng bahay ay nagsisilbing
kulungan ng mga alagang hayop tulad ng manok, pato, at kambing
Ayon kay Javier (1998), parehong nagsusuot ng tela na yari sa abaka ang
kasuotang pantaas ng mga B'laang babae at lalake. Ang mga blusa ng mga babae ay
napapalamutian ng mga makikinang na mga materyales tulad ng mga beads at mga
butones. Ang mga dyaket ng mga lalaki ay di-gaanong burdado.

3.2. ANG MANDAYA: WIKA AT KULTURA NG SANGAB, CARAGA, DAVAO


ORIsENTAL
-nina Raymund M. Pasion, Marilyn C. Arbes, Julieta C. Cebrero, Fairuz M. Dalandangan
Ang pag-aaral na ito ay nakasentro lamang sa isang tribu ng Davao Oriental,
ang MANDAYA, partikular ang nasa Sangab, sa Munisipalidad ng Caraga. Brgy.
Pichon, Davao Oriental.
Hindi rin maipagkakaila, na marami nang pagbabagong nangyayari sa tribung
ito sa kasalukuyan. Ngunit, sa Brgy. Pičhon, kapansin-pansing nananatili pa rin ang
kanilang katutubong pamamaraan.
Ang katagang Mandaya ay nagmula sa salitang man (tao) at “daya" ( itaas na
bahagi ng ilog). Kaya ang Mandaya ay tinatawag sa Ingles na Inhabitants of the
Uplands (http:www.ncip.gov.ph/resources/ethno_detail.php?ethnoid=68).
Ang Mandaya ay karaniwang naninirahan sa bulubunduking bahagi ng
Katimugang Mindanao sa Davao del Norte, Compostela Valley province, Agusan del
Sur, at Davao Oriental. Sa Davao Oriental ang may pinakamaraming populasyon ng
mga Mandaya.
Ang Sangab ay matatagpuan sa Silangang bahagi ng Mindanao sa lalawigan ng
Davao Oriental, sa munisipalidad ng Caraga, ng Barangay Pichon. Mula sa poblasyon
ng Caraga, mày apatnapung (40) kilometro ang layo at may isang libo at dalawang
daan (1,200) na talampakan ang taas mula sa dagat ang Sangab.
Mahirap ang pagpunta sa nasabing lugar dahil sa malayo at lubak-lubak ang
daan, kaya umaabot ng hanggang isang libong piso ang pamasahe sa motorsiklo na
tinatawag na habal-habal. Tanging motorsiklo lamang ang sasakyang pampasahero
para makarating lamang sa tuktok ng Sangab. Minsan, kung may marami na silang
produktong abaka, mais, at mga gulay na ibebenta sa bayan ay hinahakot ito ng
sadam na isang uri ng sasakyan tulad ng dump truck.
Sa Brgy. Pichon at Sityo Sangab, lubos nilang napapanatili ang kasuotan nilang
Mandaya, gayundin ang paghahabi nito na tinatawag nilang dagmay, isang hinabing
telang mula sa abaka.
Ang Sityo Sangab ay isang lugar na tahimik, walang nagsasalimbayang mga
sasakyan, malayo sa polusyon, at walang gulo. Ang mga taong naninirahan dito tulad
ng matatanda-babae man o lalake, ay nasa kanilang sakahan upang magtrabaho.
Lunes hanggang Sabado ng umaga ang iniuukol nila sa kanilang pagtatrabaho sa
bukirin. Tuwing Sabado ng hapon naman, sila ay umuuwi na sa kanilang mga tahanan
upang paghandaan ang misang dadaluhan sa araw ng Linggo.
Walang sinumang makapapasok sa nasabing lugar (Sangab) kung walang
pahintulot ang kanilang tinaguriang datu o tribal chieftain.
Hindi rin masasabing malayo sa kabihasnan ang lugar dahil nakikita na rito
ang bunga ng teknolohiya. Mayroon namang nakikisabay sa kung ano ang uso sa
kasalukuyan. Hindi naman kasi lahat ay tinatanggap ng tribu. Nariyan ang mga
Mangkatadong (council of elders), na nagsusumikap sa pagpapaalala sa mga
kabataang produkto ng bagong henerasyon kung ano ang katanggap-tanggap sa
kanilang lipunan. Isa na rito ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng maiksing
pantot (short) para sa mga babae dahil taboo para sa kanila ang pagsusuot nito.
Ayon kay Ernesto I. Corcino, isang manunulat ng Davao History, ang mga
Mandaya ay walang kaibahan sa ibang grupo sa kanilang sosyal na gawain at sa
kanilang pananampalataya. Mahirap tukuyin kung ito ay matatawag na sosyalisasyon
o panama o mamamalagi sa kanilang pamayananang Mandaya dahil mahihirapan
talagang makapaglikom impormasyon tungkol sa kanilang tribu.
Nakasanayan ng mga Mandaya na bago magsimula sa anumang mga gawain ay
dapat manawagan o manalangin sa Panginoon. Kahit bago umalis ng bahay, dumaan
sa malaking puno o kaya'y malaking bato, dumaan sa tubig, uminom sa nadaanang
tubig, magputol ng punong kahoy, mangaso, at iba pang gawain ay kailangan talagang
magpaalam at manawagtawag (prayer offering) sa may-ari. Naniniwala ang mga
Mandaya, na ang tao at lahat ng bagay dito sa lupa at sa langit pati na ang mga bagay
na hindi nakikita ng tao ay may nagmamay-ari. Ang lahat ay ginawa at pag-aari ni
Magbabaya (God). Ang salitang Magbabaya ay galing sa salitang ugat na baya na ang
ibig sabihin ay walang pinagmulan at walang katapusan.
Bago nakapagsagawa ng pananaliksik, kinailangan munang magsagawa ng
panawagtawag ang balyan, ang priestess at lokal na manggagamot at isa sa mga
naging importante. Ayon din sa kanila, ang pagbibigay ng kaalaman o transfer of
knowledge sa katutubong pamaraan, kaisipan, at mga praktis sa ibang tao, lalong-lalo
na kung ito ay may kinalaman sa panggagamot ay mahigpit na ipinagbabawal. Para sa
kanila, baka ito ay dida magtugo (mawalan ng bisa o kaya'y saysay) dahil kanilang
pinaniniwalaan na ipinagkaloob ito sa kanila ng kanilang abyan (espiritu).
Sa pagsasagawa ng panawagtawag, ang balyan ay gumagamit ng inuming
mallorca, sa halip na byais ( local fermented wine). Ito ay isang patulam-tulam o
panulak sa kanilang lalamunan upang hindi sila mahiyang sumagot sa mga
nagtatanong sa kanila. May iba pang nagsasabi na ang pag-inom ay para pampabaag
ng talinga o pampainit ng tainga. Sa isinagawang panawagtawag, lahat ng mga
mananaliksik ay pinapainom din bilang tanda ng isang mabuting pangtanggap sa
kanila o bilang pakikisundo at pagbati.
Pagpapakasal at Pag-aasawa
Ayon sa mga naging impormante, ang pag-aasawa ay isang paraan lamang ng
mga Mandaya upang masunod ang kayamanan o pamana ng mga magulang. Kaya
ang mga magulang ang nag-uusap para sa kanilang mga anak, at kahit sa panliligaw
din ay kasama rin sila, lalong-lalo na kung ang ama ay isang pinuno sa pamayanan at
ang anak ay mayroon ding mabuting pag-uugali at pananaw sa kanilang lipunang
ginagalawan.
Sa mga babae naman, pinapaburan nila ito kung siya ay gimbubayan-ibig
sabihin ay babaeng marunong gumawa ng mga gawain ng lalaki, gaya ng pangangaso.
Walang pagkilala o pagtiyak sa taon kung kailan mag-aasawa ang isang babae o
lalake. Sila ay naniniwala na kung biologically fit na ang mga ito ay pwede na. Ang
gustong mag-asawa ay madedetermina lamang kung ang mga lalaki ay marunong na
ng mangaso, magtayo ng bahay, magsaka, at iba pa; samantalang ang mga babae
naman ay kung marunong nang magluto, magtanim, at gumawa ng iba pang gawain
sa bahay.

Ang gawaing pag-aasawa at pagpapakasal ng isang babae at lalake ay hindi


biro at kailangan itong sumunod sa mga hakbang tulad ng mga sumusunod:
1. Pagdali-dali. Dito, ang lalaki ay kailangang bumisita o pumunta lagi sa bahay ng
babae.
2. Pagatud-atod. isang bahagi ito ng pamamanhikan na ang lalaki ay magdadala ng
mga pagkain sa bahay ng babae.
3. Pagkagon. Dito dadalhin na ng lalaki ang kanyang mga magulang upang ipakilala
sa pamilya ng babae at kaibigan. Sa panahong ito ay kailangan nang pag-usapan
ang sukat (dowry) ng babae.
4. Pagtawas. Tumutulong na sa mga gawain ang lalaki sa pamilya ng babae.
Halimbawa nito ay ang pagsasaka, pag-iigib ng tubig, at pagsisibak ng kahoy.
5. Pagbutang ng sukat. Dito susubukin ang kakayahan ng lalaki ng pamilya ng
babae. Sa pagsubok na ito, ang mga magulang ng babae ay magpapahayag ng
kanilang mga kahilingan (sukat). Ito ay isang pagsubok na kapag matugunan ng
lalaki ang kahilingan ng mga magulang, nangangahulugan itong kaya nang
buhayin o suportahan ng lalaki ang babae.
6. Pag-ol'lonan. Ang lalaki ay magbibigay sa babae ng regalo (remembrance) na
sasaksihan ng mga magulang at kaibigan ng dalawang panig.
7. Pagtutuonan. Ito ang panahon ng kasalan. Isa itong seremonya na lahat ng tao sa
pamayanan ay imbitado. Ito ay gagawin sa bahay ng babae. Aanyayahan din ang
mga mangkatadong (council of leaders) at balyan. Ang babae ay papayuhan ng
kanyang ina at ang lalaki naman ay papayuhan ng mga mangkatadong at balyan
at iba pang respetado sa pamilya. Pagkatapos ng mga payo ay susunod ang
pagdarasal ng balyan at idedeklara na ang kanilang pagsasama. Susunod na rito
ang salo-salo. Unang-unang pagsisilbihan ang bagong kasal. Bibigyan ng kanin at
byais. Sumunod ang mga mangkatadong, balyan, mga magulang, at ibang mga
panauhing dumalo. Magkakaroon din ng sayawan, inuman, at kantahan.
7. Pagdudul’logan. Pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay uuwi sa kanilang bahay at
iiwan ang babae sa mga magulang. Makalipas ang tatlong (3) araw, pwede na
silang magsiping sa bahay ng babae sa isang gabi lamang. Mayroon na namang
kainan na ihahanda para sa mga kaibigan na hindi nakadalo sa pagtutuonan
(kasal).
8. Pagdadal’laan. Ito ang katapusang proseso ng pag-aasawa kung saan ang babae
ay dadalhin na sa bahay ng lalaki.

Panganganak
Sa pagbubuntis, ang Mandayang babae ay palaging hinahaplasan o pinapahiran
ng mga halamang gamot. Pagdating ng ikalimang buwan ay hinihilot ng manghihilot.
Ang mananabang din ay gumagamit ng mga tagal tumo (mga bagay-bagay o halaman
na pinagsama-sama/pinaghalo-halo para panggamot). Kadalasan ay galing ito sa
panaginip o kaya'y itinuro ng kanilang abyan (espiritu). Ang iba naman ay pamana ng
pamilya, magulang, o kaya'y angkan.
Hinihilot (minamasahe) ng mananabang (hilot/komadrona) ang tiyan ng isang
buntis para mapabuti ang lagay ng bata sa loob ng tiyan at para pagdating ng
kanyang kapanganakan ay hindi na siya mahihirapan. Pagsapit ng ikasiyam na buwan
o panahon na ng kanyang panganganak, ang mananabang ay nagmomonitor
hanggang sa isilang na ang sanggol. May mga palatandaan ang mga mananabang
kung ang sanggol ay babae o lalaki. Kung hindi makikita sa porma ng tiyan at sa
katawan ng ina, malalaman din nila ito sa posisyon ng bata sa tiyan. Hindi katulad ng
mga tao sa patag na sila’y gumagamit ng ultra sound para malaman kung lalaki o
babae ang nasa loob ng tiyan ng babae.
Sa panahon naman ng panganganak, ang buntis ay hinahaplasan ng tagal lumo
para pampadulas upang mapadali ang paglabas ng bata. Sa pagsilang ng bata ay agad
puputulan ng pusod, lilinisan, payuyukuin, at pipikpikin o kaya'y kukurutin para
umiyak na palatandaang buhay ang bata. Ang gamit sa pagputol ng pusod ay lais,
kawayan na matalas ang gilid at nagsisilbing kutsilyo.
Pagkatapos ng panganganak, ang mananabang ay bibigyan ng mga gamit o di
kaya'y pera o hayop bilang pasasalamat.
Pagkalipas ng tatlong araw, ang ina at sanggol ay pwede nang maligo. Ang
tubig panligo na gagamitin ay nilalagyan ng sagbong (gabon) o kaya'y dahon ng
kalamansi. Naniniwala sila na bukod sa mabango ang sagbong ay pangontra din ito sa
panuhot (gas pain) na nararamdaman. Ang ina ay hindi pwedeng magbuhat ng
mabibigat na bagay para hindi ito mabinat. Ang pusod ng sanggol naman, pagkatapos
maligo, ay pinipigaan ng marguso (dahon ng ampalaya).
Sa ikatlong araw, ang pamilya ay maghahanda na para sa gagawing bunong,
isang ritwal para sa bagong silang na sanggol at sa kasalukuyan ay sinasabi nila na
isang binyag para sa sanggol. Sa bunong ay magkakaroon din ng seremonya. Lahat ng
mga kapitbahay at mga kaibigan ay inaanyayahan upang saksihan ang gagawing
pagbunong Isang espesyal na panauhin ang mananabang bilang tanda ng
pasasalamat.
Pagkalipas ng tatlong araw, ang ina at sanggol ay pwede nang maligo. Ang tubig
panligo na gagamitin ay nilalagyan ng sagbong (gabon) o kaya'y dahon ng kalamansi.
Naniniwala sila na bukod sa mabango ang sagbong ay pangontra din ito sa panuhot
(gas pain) na nararamdaman. Ang ina ay hindi pwedeng magbuhat ng mabibigat na
bagay para hindi ito mabinat. Ang pusod ng sanggol naman, pagkatapos maligo, ay
pinipigaan ng marguso (dahon ng ampalaya).
Sa ikatlong araw, ang pamilya ay maghahanda na para sa gagawing bunong,
isang ritwal para sa bagong silang na sanggol at sa kasalukuyan ay sinasabi nila na
isang binyag para sa sanggol. Sa bunong ay magkakaroon din ng seremonya. Lahat ng
mga kapitbahay at mga kaibigan ay inaanyayahan upang saksihan ang gagawing
pagbunong. Isang espesyal na panauhin ang mananabang bilang tanda ng pasasalamat.
Sa ginawang pagbunong, ang bata ay ipapakita at ipapakilala sa mga taong
dumalo. Maghahanda ng masasarap na pagkain. Dito rin ginagawa ang pagbibigay ng
mga bagay-bagay o regalo ng mga dumating sa paniniwalang mapadadali ang paglaki
at malalayo sa sakit ang sanggol.

Pagdidiriwang ng Kaarawan
Sa tradisyon ng mga Mandaya, ang pagdiriwang ng kaarawan ay hindi
sinusunod. Tanging bunong (bagong silang) lamang ang kanilang ipinagdiriwang.
Noong unang panahon, kapag may ipinanganak na sanggol, ang ama ay agad
magtatanim ng punongkahoy sa kanilang bakuran para maging kasabay ito sa paglaki
ng kanyang anak. Ang punongkahoy na itinanim ay magsisilbing tanda rin ng edad ng
sanggol. Halimbawa, kung may magtatanong sa edad ng anak, ituturo at ipapaliwanag
lamang ng ama ang kaugnayan sa edad ng anak ang itinanim nitong punongkahoy.

Ang Kamatayan at ang Paglilibing


Ang Mandaya ay naniniwala na kung may namatay, ito ay kinuha na ni lbol‘l. Si
lbol'l ay naninirahan sa ilalim ng lupa at nag-aari sa mga patay.
Sa Mandaya, kapag namatay ang isang tao, isang araw lamang itong
paglalamayan bago ilibing. Maaaring ilibing sa lupa o kweba, o di kaya'y ibinibitin sa
itaas ng malaking punong kahoy.
Ang patay ay babalutan ng kumot at gagawan ng ritwal bago umalis sa bahay.
Kasamang ililibing o ipadadala ang mga gamit ng namatay. Tinatawag nila itong unong.
Ang iba naman ay naglalagay ng gamit ng patay sa ibabaw ng puntod nito at tatamnan
ng halamang malisa, kilal'la, at tubo. Ito ay tanda ng kanilang mga labi.
Sa pag-uwi naman ng bahay, ang mga nakipaglibing ay pinapaghuhugas ang
kamay sa isang palanggana o tabo na may halong mga halaman, gaya ng diat, (isang
parang tanglad na may bunga at matulis ang gilid)
Sila ay magkakatay rin ng karne ng baboy upang ipamigay sa mga taong
tumulong sa paglilibin.g Ang asawa ng namatayan ay maglimbo (magtatalukbong ng
dagmay) sa loob ng pitong araw, at pagkatapos nito ay pwede nang maligo at
magtrabaho.
Pananampalataya
May ritwal na ginagawa ang mga Mandaya bilang paraan ng kanilang
pasasalamat at paghingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan kay
Magbabaya (God).
Ito ay kailangan upang suyuin ang masasamang espiritu upang hindi manggulo
sa mga tao. Pinaniniwalaan din ng mga Mandaya na habang nabubuhay pa ang tao
dito sa donya (sanlibutan) ay maraming mga manudyaay (tukso) ang maaaring
maganap kaya kinakausap at humihingi sila ng tulong sa mga espiritu. Ngunit ito'y
hindi nangangahulugang kanila na itong sinasamba.
Ang Mandaya ay lubusang naniniwala na ang lahat ng bagay ay talagang may
nagmamay-ari kaya, dapat lamang magbigay-galang o respeto gayundin ang
pagpaalamn sa mga espiritu na naninirahan tulad ng nasa punongkahoy o 'di kaya'y
sa ibang lugar’.

Gamot
Sinasabi ng mga katutubong Mandaya na ang kagubatan ay nagsisilbi nilang
palengke at parmasiya sapagkat dito sila kumukuha ng kanilang pang-araw-araw na
pagkain at gamot. Kung ang gubat ay mawawala sa kanilang buhay, para na ring
nawala ang kanilang kabuhayan, gayundin ang kanilang kultura.

Paniniwala sa Sakit
Kung may sakit ang tao, pinaniniwalaan nilang may masasamang espiritu na
sumanib, dumapo o'di kaya'y nakialam sa katawan nito. Marahil, dahil hindi niya
nirespeto o'di kayay nakaligtaan niyang magpaalam sa mga naninirahang espiritu sa
lugar na kanyang napuntahan. Kung ang lugar na iyon ay bawal puntahan, kailangang
tandaan at huwag talagang puntahan o lapitan upang walang masamang mangyari.

Pampaganda
Para sa tribong Mandaya, ang kagandahan ay makikita sa ugali lalong-lalo na
kapag ang babaeng Mandaya ay byagid o byabagid o ang ngipin nito ay pinutulan.
Ang mga babae ay dapat kompleto sa gamit, mula sa byatataan (embroidered
blouse), linangaw (kuwintas), balikog (hikaw), pamul'lang (set ng pulseras), kurbata
(breast cover made of beads) at iba pa.
Ang mga sangkap na kanilang ginagamit sa pagpapaganda ay kinukuha lamang
nila sa mga halaman at bulaklak na tumutubo sa kagubatan. Ito ay kanilang
dinudurog, pinipiga at ipinapahid sa kanilang mga mukha upang pumuti at mawala
ang taghiyawat.
Pagluluto
Ang pagluluto ng Mandaya ay di-pangkaraniwan. Ang lahat ay niluluto sa
kawayan. Kung bigas ang lulutuin ito ay tinatawag na yumbol'l. Gamit ang kawayan
ay babalutin ito ng dahon ng halamang bagikik. Ang karne, pasayan (malaking
hipon), kasili (igat), at iba pang ulam na niluluto sa kawayan ay tinatawag na lul’lut.
Kung ang isda o karne ay iihawin, ay tinatawag itong sinugba. Kung ito naman ay
binalot sa dahon ng saging at iihawin, ito naman ay tinatawag na bungos.
Napakasarap nito kapag kompleto sa katutubong mga sangkap kagaya ng dul’law
(turmeric), kabuwayna, sibuling (native na sibuyas na may dahon), luya, kalabo.

Ilang Pamahiin
a. Ang pagputol ng puno ng balite ay napakadelikado sapagkat bahay raw ito ng
mga engkanto o aswang. Kung gagalawin ito ninuman, sila'y magkakasakit.
b. Kung may namatay, kailangang maglagay ng apoy sa ibaba ng bahay para indi
lapitan o makain ng aswang ang patay.
c. Kapag ang isang babae ay buntis, kailangang mayroon siyang dalang suwa
(bawang) lalong-lalo na sa kanyang kwarto upang hindi malapitan ng aswang
Pinaniniwalaan na ang mga sanggol ay paboritong putahe ng aswang.
d. Upang hindi mahirapan sa panganganak ang isang buntis ay hahakbangan Siya ng
kanyang biyenang babae nang pitong (7) ulit upang ang sanggol ay madaling
lumabas.
e. Hindi rin pwedeng kumain ng buguk o hindi napisang itlog dahil ito raw ay
nakakatamad.
f. Ang mga dalagang babae ay hindi dapat kumain ng tiwi (buntot) ng manok upang
hindi ito maglalandi o magakiwot-kiwot (kekembot-kembot).
g. Ang mga dalaga o buntis na babae ay bawal kumain ng magkadikit na pagkain
gaya ng saging, upang hindi magdoble ang kanilang asawa o kaya'y upang hindi
rin magkadikit ang magiging mga anak.

Mga Taboo
Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga ipinagbabawal ng katutubong Mandaya:
1. Bawal pagtawanan ang mga nakikitang hayop na nagtatalik baka kumulog at
kumidlat.
2. Bawal makipag-asawa ng kapamilya baka ang anak ay maging abnormal.
3. Bawal tumawa kapag may kulog at kidlat at baka ikaw ay kainin ng kidlat.

Konsepto sa Oras
Ang mga Mandaya ay may kakaibang konsepto o sinusunod na oras. Ito ay
naiihayag lamang sa pagmamasid sa araw, mga bituin at sa nakapaligid na mga
hayop. Ito talaga ang nagsisilbi nilang orasan. Halimbawa, kung ang araw ay
nakasentro sa gitna ng bahay, tanghali na.
Kung maririnig ang unang tilaok ng manok (rooster) sa madaling araw, ito ay
nangangahulugang ala una na ng umaga. Kapag nagpapalitan na ng mga tunog ang
inahing manok, ito ay nangangahulugang alas tres na ng madaling araw.
Ang ibong kal'law naman ay nagtatakda rin sa kanila ng oras. Ito ay humuhuni
maya’t maya na may interbal na tigtatlumpung minuto kaya nasusundan nila ang
oras sa buong araw.

Konsepto sa Langit at sa Kabilang Buhay


Ang matatandang Mandaya ay naniniwala na ang sanlibutan ay binubuo ng
tatlong leyer. Una, ang mga nilalang na nasa ilalim ng lupa ay tinatawag na ugsuban.
Kabilang na dito si Ibol‘l, na nagmamay-ari ng mga patay.
Ikalawa, ang mandal'luman na tumutukoy sa mga tao. Dito sa mundo ay
maraming tukso. Kaya kailangan ng tao ang ritwal para kaibiganin o suyuin ang
masasamang espiritu upang hindi magalit sa tao.
Ang ikatlong leyer ay tinatawag na pagawanan, kung saan bahagi nito ang
langit. Sa langit naninirahan si Magbabaya (God). Ang naninirahan sa langit ay hindi
na kailangan kumain dahil ito ay napakasayang lugar at napakabango.
Pinaniniwalaan nila na ang bango ang siyang nagsisilbing pagkain ng mga naroroon.

Mga Paniniwala sa Ilang Natural na Kalamidad


Lindol. Pinaniniwalaan ng Mandaya na may nakatirang napakalaking kasili
(eel) sa ilalim ng lupa. Kapag lumilindol, pinaniniwalaan nilang gumalaw ang kasili
dahil maaaring nasaktan ang bahagi ng katawan nito o di kaya'y nainitan o nalamigan
nang sobra.
Eklipsi. Pinaniniwalaan ng Mandaya na ang sanhi ng eklipsi ay ang pagkagat
daw ng ibong tambanukawa sa araw.
Bagyo. Ang Mandaya ay naniniwala sa samot, ang malakas na hangin at ulan
na nananatili sa kalawakan at biglang bumagsak sa isang lugar.
Bago pa bumagsak ang samot ay nababatid na ng matatanda ang mga senyales
nito sa pamamagitan ng pormasyon ng mga bituin, ibon, at bubuyog.

3.3. KAAMULAN FESTIVAL: ISANG TAUNANG SELEBRASYON SA PROBINSYA NG


BUKIDNON
-nina Nenita Rebecca Y. Casten, Shandra G. Dimaudtang, Nelia O. Du, at Julie Ann Asari-
Orobia
Paglalarawan at Pagkilala sa Lugar
Kilala ang Bukidnon bilang Pineapple Capital of the World. Ang malamig na
lugar na ito ang lalong nakapag-eengganyo ng mga turista mula sa malalayong lugar
at mga karatig-lugar. Isa hanggang tatlong buwan ng hilagang bahagi ng lugar ang
nakararanas ng maikling tag-init at tag-ulan naman sa katimugang bahagi nito. Hindi
nakararanas ng malakas na bagyo ang probinsya dahil napalilibutan ito ng matataas
na bundok. 24.04 digri selsyus ang kadalasang temperatura at hindi bumaba sa 18.5
digri selsyus.
Isang agrikultural na lugar at lupain ang Bukidnon. Pangunahing iniluluwas na
mga produkto ay palay, mais, tubo, kape, goma, niyog, kamoteng kahoy, palm oil, iba't
ibang klase ng bulaklak tulad ng rosas, calla lilies, babies breath, orchids, daffodil,
anthoriums; mga prutas tulad ng pinya, rambutan, mangga, santol, durian, dalandan,
saging, lansones; mga gulay at rekados tulad ng repolyo, labanos, patatas, asparagus,
broccoli, lettuce, carrots, cauli flower, sweet peas, kalabasa, atsal, sibuyas na dahon,
kamatis, luya. Nangunguna din sa pagprodyus ng mga manok, baboy, at baka ang
probinsya.

Paglalarawan sa mga Tao


May siyamnapu't limang porsyento (95%) ng populasyon ng Bukidnon ay
Pilipino at limang porsyento naman ay mga Britanyo, Amerikano, Indonesyo, Tsino,
at Koreano. Ilan sa mga banyagang ito ay mga mangangalakal at negosyante, at ang
ilan naman ay nag-aaral, nagsasaliksik, o kaya'y may relihiyosong misyon at kasapi sa
turismo. Sebuano ang pangunahing wikang gamit ng mga Bukidnon. Ang ilang wika
ay Bisaya-Hiligaynon, at Binukid.

Iba pang Etnikong Grupo ng Bukidnon at Paraan ng Pagdiriwang ng Kaamulan


Bawat taon, tuwing buwan ng Marso, ang Bukidnon, bilang sentro ng pinyahan
sa Pilipinas, ay nagdiriwang ng Kaamulan Festival. Ito ay pistang etnikong- kultural.
Ang katawagang Kaamulan ay mula sa wikang Binukid na amul na
nangangahulugang lipunang pagtitipon. Ito rin ay nangangahulugang ritwal ng mga
datu tulad ng seremonya sa kasal, piyesta ng pasasalamat gaya ng pag-aani,
kasunduang pangkapayapaan, at iba pa. Ginaganap ito sa Siyudad ng Malaybalay na
at ipinagdiriwang ng pitong etnikong tribu: Bukidnon, Higaunon, Talaandig, Manobo,
Matigsalug, Tigwahanon, at Umayamnon. Ilang katutubong tribu ang nagpepresenta
sa pitong kabundukan upang maipakita ang kanilang naggagandahang kasuotan at
palamuti gaya ng kuwintas, pulseras, hikaw, magagandang dekorasyon sa ulo at mga
anting-anting. Sabay-sabay na sumasayaw, kumakanta, at nagpapakita ng kanilang
ritwal ang mga grupong ito. May paligsahan din sa iba't ibang isports. Ang kanilang
mga wika ay napag-aralan na ng mga linggwista. Ito ay anak ng wikang kilala sa
tawag na Proto-Manobo at pinaniniwalaang lumipat sa katimugang bahagi ng
Mindanao mga ilang siglo na ang nakaraan.
Ang Kaamulan Festival ay kaisa-isang etnikong piyesta ng Pilipinas na kasabay
rin sa araw ng pagkakatatag ng Bukidnon noong 1917 at inaabangan ng lahat. Mga
etnikong pantribung awitin, mga sayaw, laro, gawaing pangkamay o handicraft, at
mga ritwal ang pumapaloob sa piyesta na naging masayang okasyon para sa lanat
bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang nakaaagaw-pansin at nakaeengganyo sa
puso ng karamihan ay ang awtensitidad o tunay na tatak ng mga katutubo o mga
nitibong nagpapakita ng kanilang mga gawain. May Pangampo o pangkalahatang
pagsamba; Tagulambong hu Datu o ritwal ng bagong datu sa isang lipunan;
Panumanod o seremonyas ng mga ispiritu; Pansilig o pagpapalayo ng mga
masasamang ispiritu; at Pamalas o ritwal ng pagbabayad ng kasalanan. Bawat
seremonya ay napakaimportante sa kanila dahil sumasalamin ang mga ito sa
mayaman at kakaibang kultura ng Bukidnon.
Tampok sa piyesta ang iba't ibang exhibit tulad ng mga halamang doon lang
makikita, trade fair, iba't ibang putahe, mga bazaar, live stock show, agri fair,
Motorcross, paligsahan ng off-road, mga isports, karerahan ng mga kabayo o horse
radeo, amatyur na boksing, invitational basketball tournament, adventure races, mga
konsyerto, at pagsasayaw sa daan o street dancing at mga magagarang float ng bawat
tribung inirerepresenta nito. Nakamamanghang tingnan ang pagsusuot ng mga
kakaibang disenyo ng mga katutubong gamit at damit at mga sariwang bulaklak,
gulay at prutas sa paradang ito. May mga banderitas at bandera na makikita sa buong
lugar at ang tugtugin o ang musikang maririnig ay purong etniko. Sa bandang hapon,
may dance clinic na pinangangasiwaan ng mga Indigenous People (IP) gamit ang
kanilang mga katutubong tambol at iba pang instrumentong musikal. May mga awitin
mula sa kanilang mga epiko- pagsasalaysay ng limbay, pag-awit ng idangdang, bayok-
bayok o mga berso, mga bugtong na tinatawag na antoka, nanangan o folktales.
Tuwing gabi, nagkakaroon ng pagdedebate sa pag-alam ng pinagmulan ng lahi.
Sa kasalukuyan, ang Kaamulan ay umuunlad habang dumaraan ang panahon-
hindi lamang ang etnikong tribu ng Bukidnon, kundi pati na rin ang kanilang mga
produktong iniluluwas at lokal na establisamento ng buong probinsya. Sa bagong
henerasyon, ang matatandang katutubo at ang mga bumibisitang banyaga ay naging
daan upang makilala at mapahalagahan ang kultura ng Bukidnon.Ang lahat ng ito ay
karapat- dapat lamang na maipamana sa susunod na salin-lahi.

Pinagmulan ng Kaamulan Festival


Ang selebrasyon ng Piyesta sa Munisipalidad ng Malaybalay ang kauna-
unahang Kaamulan Festival na ginanap noong Mayo 15, 1974. Sa pagnanais na
mapanatili ang Ang pivestang ito, ang bise-alkalde ay nag-isip na imbitahin ang mga
taal na katutubong kilala o indigenous people na makisalo sa kanilang selebrasyon, at
magtanghal ng ilang Min etnikong sayaw sa kinikilala ngayong Rizal plaza. Hindi nila
lubos maisip na ang kauna-unahang okasyon ay naging popular dahil sa isang
reporter ng Manila Times na naging bisita ng bise-alkalde. Sinulat niya ang lahat ng
nangyayari sa isang nak nasyunal na magasin at dito nagsimula ang pagkilala sa
Kaamulan. Ang festival ay pinagtibay bilang rehiyunal na festival ng Hilagang
bahaging Mindanao ng Regional handia Development Council noong Setyembre 16,
1977. Sa pagitan ng taong 1960 hanggang 1970, bawat indibidwal ay nagpunyaging
buuin aeenggam ang selebrasyon bilang paggalang sa mga naging kontribusyon ng
mga katutubo ng Bukidnon lalo na sa kanilang kultura. Sa buwan ng Nobyembre
1977, pinangunahan ng gobyernong probinsyal ng Bukidnon ang kauna-unahang
Kaamulan Festival. Sa taong 1978 hanggang 1998, ang Kaamulan ay
napagkasunduang idaos tuwing unang Biyernes ng Setyembre. Subalit noong 1999,
ito ay inilipat sa kalagitnaan ng Pebrero hanggang Marso, kasabay na rin sa
selebrasyon ng pagkatatag o Foundation Day ng Bukidnon. Ang kauna-unahang
Kaamulan Off-Road Challenge at Kaamulan Invitational Shootfest ay naidagdag na rin
bilang isa sa pangunahing kaganapan ng festival noong 2002. Mayroon ding
pagpapakita ng mga kontemporaryong sining ng Bukidnon na tinatawag na
bansagen. Noong 2006, nagkaroon ng kauna- unahang National Folklore Conference
at pagsusulat ng katutubong awit para sa mga estudyante.
Ang mga Kultural na Grupong Kasapi sa Kaamulan Festival
Ang mga Manobo. Nabibilang sa orihinal na proto-Philippines stock ang mga
taong Bukidnon. Kahit na ang grupo ng Bukidnon ay watak-watak, nangingibabaw pa
rin ang isang tradisyon ng bawat grupo. Ang pangunahing pinagkukunan ng
pangangailangan ay paggawa ng mga hinahabing damit at mga palamuti tulad ng mga
hikaw, mga malalapad na kuwintas, pulseras at iba pa.
Ang iba’t ibang kultural na konmunidad na makikita sa Probinsya ng Bukidnon
ay ang mga grupo ng Manobo, Bukidnon, Higaonon, Matigsalug, Talaandig,
Tigwahanon, at Umayamnon. Ang Arumanen naman ay isang sub-grupo. Narito ang
mga pahapyaw na pagpapaliwanag at pagpapakilala sa mga tribo: Ang Arumanen-
Manobo ay makikita sa probinsya ng Hilagang Cotabato. Sila ay napabilang sa
orihinal na proto-Philippines stock. Ang pangunahing n pangangailangan ng grupo ay
paghahanap ng pagkain at pagsasaka. Parehong hirap Sa bigat ng mga trabaho ang
kalalakihan at kababaihan. Kinikilalang pinuno ng Arumanen-Manobo ang Timuay o
datu na siyang tumatawag ng mga pagpupulong. Ang tradisyunal na sosyal na
estruktura ng Arumanen ay binubuo ng limang klase, Ito yang timuay na siyang
namamahalang grupo; ang walian o Shaman na nangunguna sa espiritwal na
aspekto; mandirigma; taong karaniwan o hindi maharlika. Sa kasalukuyan, ang mga
Arumanen ay nanatili pa rin sa pagsasagawa ng ng mga ritwal gaya ng "Samaya-an
Festival na taunang ginaganap sa huling linggo ng Disyembre bilang pasasalamat sa
kanilang kinikilalang makapangyarihang diyos/ dyosa, at paghahanap ng mga
senyales tulad ng mga grasya o swerte para maiwasan ang mga kamalasan sa
darating na taon, lalo na sa kanilang komunidad.
Ang diyalekto ng Bukidnon ay Binukid. Sila ay kayumangging kaligatan at may
maitim na buhok. Katamtaman lamang ang taas (limang talampakan) nila at hindi
pango ang ilong. Ang panliligaw at pag-aasawa ng mga Bukidnon ay inaayos ng
kanilang mga magulang sa edad pa lamang na pito. Nagpapraktis ang kalalakihan ng
pagkakaroon ng maraming asawa ngunit ang kababaihan ay isa lamang. Nangyayari
ang kasalan sa pamamagitan ng mamin o betel na hinulmahan ng kanin. Ang sining
ng Bukidnon ay ipinahihiwatig sa kanilang mga sayaw, tula at awit, paghahabi ng
banig at buslo. Ang instrumentong musika nila ay mga plawta na yari sa kawayan,
lpang kawayan, isang hiblang biyolin, at hugis bangkang gitara. Gumagawa rin sila ng
mga banig, sombrero, pambitag ng isda, at hinabing tela para sa handicrafts na
produkto ng mga Bukidnon. Ang mga magsasakang Bukidnon ay nagpapraktis pa rin
ng tradisyunal na pamamaraan sa pagtatanim ng palay. Bigas, mais, abaka at mga
gulay ang mga produktong kanilang iniluluwas. Ang kapangyarihan ng isang datu ay
nabubuo sa pamamagitan ng tiwala at kakayahang pamunuan ang kanyang grupo.
Tinitingnan ang kanyang pakikihalubilo at mga tagumpay sa buhay, at hindi
nakabatay sa katandaan ang kanyang pagkadatu.
Ang terminong Higaunon ay nangangahulagang people of the wilderness.
Hindi lamang sa probinsya ng Bukidnon ang kanilang tirahan kundi pati na rin sa
Agusan del Sur at hangganan ng Misamis Oriental. Ang etno-ligal na aspekto lalo na
sa kultura ng mga Higaunon ay nagbabago dahil sa pamamalakad ng kanilang datu,
Dito sa Bukidnon, ang prinsipal na pinuno na may maraming angkan ang
namamahala sa buong komunidad. Sa ilalim ng pinuno ay ang mga menor na datu na
nagsisilbing tagabantay ng buong komunidad.
Responsibilidad ng pinuno ang tagapamalakad lamang. Ang estado ng isang pinuno
ay namamana at nakukuha sa pamamagitan ng mga karanasan at tagumpay niya sa
buhay. Ipinapasa ng malapit nang mamatay na datu sa isa sa kanyang mga anak na
lalaki ang kanyang katungkulan. Kadalasan ibinibigay ito sa isang may kakayahang
mamahala sa kanilang lipunan pagdating sa tamang panahon.
Ang Matigsalug ay grupo ng Bukidnon na makikita sa lambak ng Tigwa-Salug,
San Fernando. Nangangahulugang "mga Tao sa Ilog ng Salug ang Matigsalug”. Ang
mga kalalakihan ay nakasuot ng maikling- masikip na pantalon hanggang sa tuhod
lamang at tinuping turbante o telang pamugong sa ulo na may maraming palamuti
tulad ng butil o beads na may mga buhok ng kambing o kabayo. Tinatayang mahigit
sa 146,500 ang populasyon ng Matigsalug
Isa sa nagpapatuloy at nagpepreserba ng kanilang katutubong kaugalian,
paniniwala at praktis ay ang tribong Talaandig kahit na sa malakas na pagpasok ng
modernisasyon at pagbabago. Ang tinatanyang populasyon ng Talaandig ay mahigit
na isandaang libo. Ang mga miyembro ng grupo ay makikita sa barangay at
munisipalidad ng Bundok Kitanglad. Ang pinaniniwalaang Diyos ng mga Talaandig ay
tinatawag nilang Magbabaya. Pinaniniwalaan nila itong pumuprotekta ng kanilang
kalikasan na makikita sa sosyal, pulitikal, at pangkabuhayan na aspeto ng kanilang
buhay. We gather soil of different colors and use white glue as paint binder,
paliwanag ni Datu Vic Migketay "Wayway Saway, isang datu ng lipunan na
nagpakilala ng ganitong materyal na pagpipinta. Nagsasanay na rin siya ng ilang mga
kabataang magpinta at nananalo ang mga ito sa paligsahang rehiyunal at nasyunal na
naging daan ng pag- angat ng kanilang kabuhayan. Tinatawag nila itong soil painting.
Watak-watak sa buong Munisipalidad ng San Fernando at hangganan ng Davao
del Norte ang Tigwa o Tigwahanon. Ang ibig salitang Tigwahanon ay mula sa
salitang guwa o scattered sa Ingles at mula sa ilog ng Tigwa na kung saan sila
nakatira. Sa kasalukuyan, ang mga Tigwahanon ng Agusan Del Norte, Bukidnon,
Agusan del Sur at Misamis Oriental ay umaabot na sa bilang na 36,128 ang
populasyon.
Ang Umayamnon ay nakatira sa may ilog ng Umaran sa Probinsya ng
Bukidnon. Kilala ang tribong ito sa kanilang pagkamahinhin, matatag kung
magdesisyon at eksperto sa gubat. Makikilala sila dahil sa kanilang katamtamang
kulay ng balat, katamtamang tangkad, at sa kanilang prominenteng panga at buto sa
dakong itaas ng pisngi o cheekbone. Gumagawa sila ng mga butil o beadworks bilang
palamuti sa katawan tulad ng ginakit at inaboy o kwintas, suning o handbag ng lalaki,
at binuklad o pulseras. Ang populasyon nila ay aabot sa 101,906.

Ilang mga Kasanayang Kultural


Sa mga nabanggit sa itaas, makikita ang mayamang kultura ng Bukidnon.
Narito ang mga kahulugan o deskripsyon ng mga praktis ng mga Manobo- ang pitong
tribu ng Bukidnon sa isang buong taon.
Una, ang pangampo, isang taunang ritwal na nangyayari tuwing buwan ng
Enero na pumapaloob sa pagdarasal para sa kanilang Diyos na si Magbabaya.
Pinepreserba at pinoprotektahan ang pitong (7) pinakaimportanteng bagay sa
mundo: lupa, tubig, punong kahoy, apoy, hangin, tunog at paniniwala at tradisyon sa
pamamagitan ng tamang paggamit dito.
Pangalawa, ang panagulilay, isang pagdarasal na nagaganap tuwing buwan ng Marso
at humihingi kay Magbabaya ng ulan para sa kanilang lupang sakahan. Dahil dito,
nagiging masagana raw ang ani ng kanilang mga pananim. Ang Salangsang ay isang
seremonya rin sa paghingi ng pahintulot kay Magbabaya na magtanim ng iba't ibang
halamang pagkain. Ang pang-ibabasok naman, ay pagsamba bago at pagkatapos
magtanim. Nangangailangan ng tatlong manok na kulay puti, pula at dilaw. Mayroon
din silang seremonyas ng panangga o proteksyon ng kanilang tanim na tinatawag na
layag-layag. Ang ritwal na talabugta ay taunan ginagawa. Nagpapasalamat din sa
upang puno ng kasaganaan. Lahat ng ito ay ginagawa nila kung sila ay nagtatanim.
Pangatlo, ang lagong, isang pasasalamat sa mga biyayang dumating mula kay
Magbabaya. Ang pagdating ng mga bisita at kaibigan ay isang biyaya rin ayon sa
kanila. Gumagawa sila ng tula o musikang tunog bilang mainit na pagtanggap sa mga
Kagalang-galang na bisita. Ang mga pahayag ay sinasabi sa malalim na pananalita ng
Higaunon at tanging mga eksperto lamang ang nakauunawa nito. Tinatawag din nila
ang gawaing ito na limbay.
Pang-apat, ang samayaan na isang ritwal ng buong lugar bilang pasasalamat sa isang
buong taong kapayapaan at matiwasay na lipunan. Hinihingi rin nila ang mabuting
kalusugan. Kadalasang nangyayari ito sa buwan ng Oktubre o katapusan ng taon. Isa
itong masayang festival na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagkanta at
pagsasaya.
Panlima, ang pangapar, isang pagtitipon ng lahat ng mga manggagamot upang
maitaboy ang mga pinagmulan ng sakit at karamdaman. Nangyayari ito kung may
epidemya o mabilis na pagkalat ng nakahahawang sakit. Sa ritwal na ito ay
nagbibigay sila ng mga pagkain, hayop, prutas, tabako at mama sa kanilang
pinaniniwalaang bathala. Kung nalaman ang pinagmulan ng sakit ng isang miyembro
ng pamilya, naghahandog sila ng pagkain. Tinatawag naman na kandulian ang ritwal
na ito na ginagawa kung may sakit ang isang katribu. Ang kaliga ay isang siyam-na-
araw ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw ng tinatawag na
dugso. Isang banal na baboy o limang banal na manok ang inihahandog sa ikasiyam
na araw ng pagsasamba.

Mga Katutubong Instrumento


Ang musika ay nakaugat na sa kultura ng mga Bukidnon. May tatak na tunog at
awitin na nagpapakilala sa kanilang kultura ang kanilang musika. Ang agong ay
ginagamit bilang pantawag sa lahat ng mga miyembro upang magpulong. Maliban
dito, kung may sayawan o palabas ay ginagamit rin ito. Binubuo ito ng tanso at
kadalasa'y hugis sombrero. Tinutugtog sa pamamagitan ng paghampas sa tuktok nito
gamit ang isang patpat. Ito ay medyo kapareho ng agong ngunit may kalitan nang
kaunti- sa kulintang at ginagamit din ng mga Muslim tulad ng mga Maranao,
Maguindanao o Tausug.
Ang tambol ay gawa sa hungkag na kahoy. Ito ay hugis bilog at silindro na may
balat ng hayop tulad ng kambing o baka na binanat at nilalagyan ng sacra sa itaas
upang hindi matanggal ang pagkakakapit nito. Ginagamit ito tuwing may festival at
tinutugtug sa pamamagitan ng paghampas sa dulo ng patpat na pantambol.
Ang bantola naman ay gawa sa kawayan na may nakahilerang linyang butas sa
gitna na may isang istring. Habang sumasayaw ang mga mananayaw ay
pinaghahampas ito upang makabuo ng kakaibang tunog. Ang saluray ay isang
instrumetong katulad ng bantola ngunit may walong kwerdas na siyang nakalilikha
ng tunog. Ginagamit din ito sa pagsasayaw tuwing may festival.
Ang kutyapi o kudyapi ay parang gitara na may mahabang leeg at may isa o
dalawang kwerdas. Kinakaskas ito upang tumaginting ang tunog na nililikha nito.
Isinasabay rin ito sa pag-awit at pagsayaw ng mga mananayaw. Ang kodlong ay tulad
ng kutyapi ngunit mas malaki ang katawan nito at mahaba rin ang leeg na katulad din
ng gitara.
Ang instrumentong kuratong ay pinatutugtog kung may bisitang parating sa
kanilang lipunan. Isa rin itong transmisyon ng mensahe o koda mula sa isang tao o
grupo na patungo sa iba pang miyembro ng tribu. Ito ay gawa sa buko ng kawayan na
may hugis rektanggulo sa dulo. Ang haba nito ang nagpapalakas ng tunog na
nabubuo sa pamamagitan ng patpat.
Ang tawag naman sa plawta sa Bukidnon ay palala. Ito ay may walong butas na
tinatakpan kung pinatutugtog sa pamamagitan ng pag-ihip sa dulo ng kawayan. Ang
palandag naman ay parang plawta ngunit walang butas sa tagiliran nito. Lumilikha
ito ng matinis na tunog.
Ang mahaba't makitid at manipis na piraso ng kawayan ay tinatawag na
kubing. Ito ay may maliit na butas sa gitna na may iba't ibang tono ng tunog. Ang
taginting ng tunog ay nagmumula sa pag-ihip ng instrumentong ito.
Ang talapak ay isang kalahating hiwa ng kawayan at isa pang pirasong manipis
na kawayan na pinagkalatog upang makalikha ng tunog na halos magkahawig sa
tunog ng palakpak ng kamay. Kung gagamit ka ng dalawang talapak ay parang tunog
ito ng palakpakan ng mga tao. Ginagamit ito tuwing nagtatanim ang mga magsasaka.
Ang lantoy ay gawa rin sa kawayan na may tatlong butas at tinutugtog sa
pamamagitan ng bibig Tinatawag din itong badtek. Kinopya rin ito sa instrumentong
pulendag na mas malaki sa lantoy ngunit may tig-aapat na butas sa itaas at ibabang
bahagi.
Ang lebpad ay isang uri rin ng tambol ngunit gawa ito sa manipis na kahoy.
Tinatakpan ito ng katad o balat ng hayop tulad ng usa.
Lahat ng mga instrumentong ito ay makikita sa Kaamulan Festival. Ito ang
nagpapaiba sa tunog ng ibang ritwal o selebrasyon ng Bukidnon dahil sa mga
materyal na ginamit sa paggawa ng mga instrumentong ito.

Etnikong Awitin
Pinakasikat na epiko sa Bukidnon ang Olaging. Isa itong katutubong epiko na
may iba't ibang berso. Nilalaman ng epikong ito ang tungkol sa agrikultura ng
Bukidnon.
Limbay ang tawag sa isang patulang awitin na pagpapahayag ng mang-aawit
ng kanyang hinaing at damdamin. Ang awitin naman na nagpapahiwatig ng
panliligaw ay tinatawag na sala.
Mayroon ding pagbigkas sa mga salawikain o kasabihan ang Bukidnon.
Tinatawag itong basahan na ginaganap tuwing may paligsahan upang malaman kung
sino ang magaling.
Idangdang naman ang tawag sa kanilang awiting nagbabalik-tanaw sa
mahahalagang pangyayari sa kanilang kasaysayan.
Ang kaligaon ay awiting tumatawag ng mga diwata, lalo na ang diwata ng
mabuting ani. Dapat may malumanay at malagintong boses ang umaawit nito upang
maging epektibo ang awiting ito. Inaawit tuwing kaligaan at mga kababaihan ang
kadalasang umaawit nito sabay ang pagsasayaw ng dugso.
Ang antoka ay isang pagtutunggaling berso lalo na kung nag-uusap tungkol sa
halaga o presyo ng dowry ng anak na babae.

Ilan sa Mga Etnikong Sayaw


Kilala ang kakaibang estilo sa pagsasayaw ng Bukidnon sa tadyak, indayog at
paggalaw ng kanilang katawan. Ang sayaw ay may mga kahulugan, mensahe na
nauugnay sa lipunang ginagalawan ng isang tribu. Ginagawa ang pagsayaw nito sa
pamamagitan ng ekspresyon ng mukha, Kumpas ng mga kamay at galaw ng buong
katawan, at tamang padyak ng paa. Narito ang mga uri ng sayaw at kahulugan ng ito
sa Bukidnon:
Ang binanog ay tipikal na sayaw ng tribung Talaandig na ginagaya ang galaw
ng isang ibong kilala sa tawag na banog. May sayaw rin ang kalalakihan at
kababaihan ng Talaandig bilang pag-aaliw at pag- aalay sa kanilang Diyos na si
Magbabaya. Tinatawag itong tinambol. Ang saut naman na sinasayaw ng mga lalaki
lamang ay nagpapakita ng pagiging eksperto nila sa iba't ibang estilo at sining ng
pakikipaglaban. Ang paggaya ng paglalakbay ng isang mangangaso ay tinatawag na
sayaw pagadugsa.
Sayaw pang-aliw naman na pinapakita kung may pagtitipon at piyesta ang
inagong. May sayaw rin silang ginagawa na dapat ay marami ang makakakita nito at
ipinapakita ang kanilang pamamalakad at paraan ng pagtatanim, pag-aani at
pagpapahangin ng palay. Tinatawag itong talupak. Ang paggaya sa pagtatanim ng
palay ay tinatawag din na tinagpi, samantalang ang sayaw naman ng mga mananayay
ay may hawak na poste o haligi bilang pandurog ng butil ng palay ay tinatawag na
bubudsil.
Ang dugso ay isang ritwal na sayaw ng kababaihan tuwing may selebrasyong
panrelihiyon. Ang pagsasayaw ng mag-isa o solo ay tinatawag na pinagkabula. Ang
binalanak na sayaw ay nangangahulugang sosyal na sayaw.

Mga Etnikong Damit at Kagamitan


Mahalaga ring malaman ang mga etnikong pananamit ng mga tribu sa
Bukidnon. Ang mga disenyo, kulay at pagkahilera ng mga simbolo ay may malaking
kahulugan. Hinati sa dalawang grupo ang pananamit: Datu o lider ng tribu at Bae o
asawa ng isang Datu.
Ang isang Datu ay nakasuot ng pang-itaas na may mahabang manggas, may
kuwelyo at mahaba ring pantalon. Mas marami ang kulay na pula, itim o asul at may
palamuting pinaghalo ang kulay pula, itim, asul, dilaw, berde at puti. May disenyo
itong tinatawag na linabian, ginontingan, at kinabuka. Ang linabian ay ginupit ng
pira- piraso sa tuwid na tabas ng tela na naglalaman ng maraming kulay at ididisenyo
sa harap ng polo, blusa, palda at pantalon sa dulo ng manggas. Ang ginontingan
naman ay may zigzag na disenyo at inilalagay sa mga gilid nito, samantalang ang
kinabuka ay paggugupit ng pira-pirasong parisukat na tela. Katulad ng linabian at
ginontingan, ito ay tinatahi na gamit lamang ang kamay.
Mayroon din silang solang-solang na disenyong tulad ng ginontingan (zigzag)
na hugis korona ng pinakamataas na datu o pari. Ito ang gawa sa mga butyl o bead na
idinikit sa tela, at buhok ng isang hayop tulad ng kambing o kabayo.
Ang tangkulo ay espesyal na tela na ginupit na may hugis tatsulok, nilalagyan
ng bead, butones o tipay, at buhok ng hayop. Ito ay laging ginagamit o dinadala ng
datu at dito inilalagay ang kanyang kamama o mama (betel nut at lime), pabango, at
iba pa.
Ang salibulan ay maliit na kahon na gawa sa ginto, pilak o bronse. Inilalagay sa
loob ang mamâ at ipinapasok sa loob ng kamiseta.
Ang iba pang mga kagamitan ng datu ay ang sangi, isang matulis na kutsilyong
nakakurba na may espesyal na artistikong sakuban na nakadikit sa kamiseta ng datu.
mayroon ding bari o bolo, kalasag o taming, bangkaw o kalawit, baliug o kuwintas na
gawa sa butyl o mga bead na pinaghalong kulay pula, puti, itim, asul, at dilaw.
Ang panutod ay kilala sa tawag na tattoo. Ang mga datu ay mayroon nito sa
iba't ibang parte ng katawan gamit ang itim na tinta.
Ang damit naman ng Bae ay blusang maaaring may guhit o imahen ng bulaklak
o linsong tela lamang. Mayroon ding linabian, ginontingan, at kinabukang disenyo
ang damit niya.
Ang patadyong ay saya o palda na maaaring may guhit o simple lamang ngunit
nangingibabaw ang kulay pula, asul o puting kulay. Ang disenyo ay balon at
pinalibutan mula sa dulong parte ng palda nito.
Ang head-dress o panika na isinusuot tuwing may festival ay yari sa
katutubong materyal at himaymay na sinulid o yarn. Karaniwang ang mga materyal
ay mula sa patpat ng kawayan at balahibo ng manok. Ang benoong ay isang lasong
disenyo ng pinong tela. Ginagamit ito bilang dekorasyon tuwing may pagtitipon at
ilang espesyal na okasyon. Simbolo ito ng pagrespeto sa asawa ng kanilang datu.
Ang mga kagamitan at palamuti ng Bae ay ang balaring o kuwentas na gawa sa
sinulid at butyl o mga bead; Kapulan na maliit na kahon na gawa sa ginto, pilak o
bronse at nilalagyan ng kanyang mga personal na gamit tulad ng mama at iba pa;
Lebad, ang maliit na buslo mula sa ratan na may palamuting mga bead, butones, at
buhok ng hayop na inilalagay sa gilid nito; songol, na pulang sinturon; Tacus na isang
pulseras sa bukong-bukong (anklet) at yari sa mga bead; at senibod naman kung yari
sa kahoy; at Sonong, buslo ng babae at bukala sa pulseras.
Ang mga kagamitan at palamuti ng bae o mga babae sa Bukidnon ay
sumasalamin sa mayamang likas na yaman. Dito lamang sa tribu ng Bukidnon o
maging sa probinsyang ito makikita ang ganitong paraan ng pananamit ng mga babae
at mga lalaki. Kung makakikita ng ganitong damit at mga palamuti, makikilala kaagad
na ito ay Manobo o mula sa Bukidnon.
May kanya-kanyang wika ang bawat pangkat o etnikong grupo sa Bukidnon
ngunit para sa pagkakaunawaan at komunikasyon ay gumagamit sila ng Cebuano at
Filipino naman sa mga bisita na hindi taga-Bukidnon.

3.4. ANG MGA MANSAKA


-ni Marilyn C. Arbes
Ang mga Mansaka ay isang etnikong grupo na matatagpuan sa Rehiyon XI,
partikular sa mga probinsya ng Davao del Norte at Compostela Valley. Ang salitang
Mansaka ay hango sa salitang man o tao na ang ibig sabihin ay una at saka na
nangangahulugang umakyat. Ito ang sinasabing the first people to ascend to the
mountain or go upstream o mga unang taong umakyat sa bundok. Tipamud ang
tawag sa mga unang taong Mansaka. Bagaman may malaking bahagi ng ancestral
domain ang mga Mansaka sa lugar ng Comval Province at Davao del Norte, hindi sila
subgroup o subtribe ng tribung Mandaya.
Ang ikinabubuhay ng mga sinaunang Mansaka ay pagsasaka, pangangaso ng
mga ibon, baboy ramo, usa, at iba pang hayop at pangingisda. Ibinabahagi nila sa
kanilang kasamahan o komunidad ang kanilang mga nahuhuli. Sumusunod sila sa
alintuntunin na dapat silang mangisda sa kanilang teritoryo lamang
Ang mga Mansaka ay mahilig sa paggawa ng dagmay o damit na yari sa abaka at
may iba-ibang disenyo. Gumagawa rin sila ng mga basket, palayok, at brasswares na
pandekorasyon at gamit sa bahay. Natatanging mga kulay para sa kanilang mga damit.
Ang pula, asul, dilaw, puti, at itim lamang. Ang kulay pula ay para lamang sa mga datu,
bagani, at anak na lalaki ng datu. Ang mga babae, kahit anak ng datu, ay hindi
nagsusuot ng kulay pula gayon na rin ang karaniwang mamamayan nila. Ang mga
kulay asul, dilaw, at puti lamang ang maari nilang gamitin.
Ang balyan o ritual practitioner ay may mga gawain at pag-uutos na sinusunod
din ng mga Mansaka lalo na sa panggagamot at pagsasagawa ng ritwal. May malaking
bahagi ang mga baylan sa panahon ng pagtatanim at pag-aani. Isinasagawa ang ritwal
upang itaboy ang masamang espiritu at peste na maaaring makapinsala sa mga
pananim. Naniniwala din sila sa kanilang Dios na tinatawag nilang Magbabaya.
Ang pagsasaya ng mga Mansaka ay sa panahon ng pag-aani, pagpapakasal,
pagbibinyag, pagpapatuli, pagpapasalamat sa masaganang ani, at iba pang okasyon.
Mayroon din silang mga katutubong sayaw, awit, at mga instrumentong pangmusikang
kahawig din sa instrumento ng ibang tribu kaya lang nagkakaiba sa katawagan, gamit,
at sa paraan ng pagpapatugtog
Bahagi rin ng kulturang Mansaka ang pagsusuot ng mga palamuti sa katawan.
May mga pagkakakilanlan din sila kung ang palamuti ay pambabae o panlalaki.
Halimbawa sa gamit nilang balyog (kuwintas), mas malaki ang para lalaki kaysa sa
babae. Isinusuot ito ng mga Mansaka kapag may okasyon, ngunit tanging datu, bagani
at baylan lamang ang gumagamit nito sa pang araw-araw. Sagrado para sa kanila ang
kuwintas. Kaya ipinagbabawal ang pagsuot ng palamuti kung walang okasyon.
Sa mga maysakit na Mansaka, ang baylan ang tagagamot at tagapag-alaga nila.
Karaniwang gamit nila sa panggagamot ay iyong nakuha nila sa gubat at sapa.
Naniniwala sila sa mga espiritung nakatira sa kagubatan, lalo na sa puno ng balite.
Noong unang panahon, kapag may namatay na Mansaka, siya ay pinaglalamayan
lamang ng dalawang gabi, at sa pangatlong araw ang kanyang libing. Hindi rin nila
ginagalaw ang paboritong pagkain o inumin ng namatay ayon sa tagal ng pangako nila
sa kanya kung hanggang kailan na hindi ito gagalawin. Iniiwasan din nila ang mag-
ingay tuwing dumadalaw sa puntod ng namatay. Ang bahay kung saan namatay ang
Mansaka ay kanilang sinusunog o 'di kaya ay tinatanggalan ng dingding. Nililinis nila
ang lugar ng namatay at lumilipat sila sa bagong tirahan dahil sa paniniwalang hindi
na maganda o mabuti ang bahay kapag namatayan.
Para sa mga Mansaka, ang pag-aasawa ay isang bagay na pinaghahandaan at
isinasaayos. Paghahandaan ng binata ang iba't ibang yugto tungo sa paglagay sa
tahimik. Ang mga yugtong ito ay tagna o pag-alam, mangusip o panunuyo, manubay o
pagpapaabot at mamungad o mamanhikan. Sa yugto ng pamamanhikan malalaman
kung magkano ang gagastusin ng lalaki sa kasal.
May dalawang pagpipilian ang lalaki upang mapangasawa ang babae. Una,
tumitira siya sa bahay ng babae upang manilbihan nang sa ganoon wala na siyang
dowry na ibibigay sa pamilya ng babae. At ang pangalawa ay iyong hindi muna siya
makakaakyat sa bahay ng babae kapag hindi siya makapagbibigay ng halaga o bagay
na tinatawag nilang saud sang gatas ng ina o sahud sa gatas ng inahan sa wikang
Sebuano. Ang ibibigay ng lalaki ay baboy para sa kasal at perang pambayad sa lahat ng
kamag-anak ng babae. Tinutumbasan din daw ito ng babae para hindi siya api-apihin
ng lalaki.

3.5. ANG MGA MAMANWA


-ni Nenita Rebecca Y. Casten
Ang salitang Aeta, Ayta, Agta (Ata), Ate, at Ita ay galing sa salitang-ugat na "it" na
ang kahulugan ay "maitim" sa Tagalog at sa Cebuano ay itumon.
Ang Mamanwa ay mga taong bundok na maiitim, pandak, kulot ang buhok, at
sarat ang ilong na may maiitim na mga mata. Sa Mindanao, ang mga Aeta ay tinatawag
na Mamanwa na naninirahan sa hilagang-silangan ng mga probinsya ng Surigao at
Agusan. Ang salitang Mamanwa ay may kahulugang first forest dwellers, galing sa
salitang man (first) at banwa (forest). Sila ay bantog sa tawag na Kongking dahil sa
kanilang kulot na buhok. Ang salitang ito ay galing sa salitang"conquista," na ang ibig
sabihin ay the conquered ones. Sila ay gumagamit ng kanilang diyalekto kung sila'y
nakikipag-usap sa kapwa Mamanwa nila ngunit nakapagsasalita rin sila ng wika ng
mga taga-ibang bayan.
Ayon sa mga antropolohista at arkiyolohista, ang mga Mamanwa ay sumusunod
sa mga yapak ng unang tao sa Pilipinas na dumating mula sa mga lugar ng Asia 50,000
taon na ang nakalilipas. Sila ang pinakamatandang pangkat na naninirahan sa Pilipinas
at pinangalawahan ng mga Aeta sa Luzon.
Sila ay mga lagalag (nomadic) na ang ibig sabihin ay naghahanap ng makakain
sa bawat lugar na kanilang napupuntahan kaya wala silang permanenteng tahanan.
Kumukuha sila ng mga orkidya, nuts, ratan, at pulot upang ibenta sa bayan. May mga
kagamitan sila para manghuli ng mga usa, baboy ramo, unggoy, at malalaking ibon.
Pananampalataya at Ilang Gawain
Noong ikalabimpitong siglo, isang Agustinong Misyonaryo ang sumulat na ang
mga Mamanwa, bilang nomadic na mga tao ay walang ideya tungkol sa relihiyon at
mga sibilisadong kaugalian. Subalit naniniwala sila sa pinakamataas na si
Magbabaya. Naniniwala rin sila na ang buwan o ang araw ay tahanan ng manlilikha
nila. Kung kaya tuwing kabilugan ng buwan ay nananalangin sila o nag-
pagdidiwatahan, na isang uri ng panalangin ng buong komunidad na
pinangungunahan ng tamibayon
Ang Moon-Prayer ay isang dasal na pasalita na may kasamang tugtog at sayaw
ng mga katutubo. Magsisimula sa pagpapakita ng buwan at magtatapos sa kadiliman
ng gabi ang pagdarasal.

Agrikultural na Paniniwala at Gawain


Ayon pa rin sa mga manunulat na Agustino, ang Mamanwa ay walang bahay,
taniman at kahit na mga kasangkapan. Mayroon lang silang pana at busog at ilang
makapal na lansetang ginagamit sa panghuhuli ng mga isda at hayop sa lupa. May
pansamantalang bahay sila na gawa sa kahoy at mga dahon. Nag-aagrikultura sila
ngunit dahil sa mga lagalag sila kung kaya naiiwan din nila ang kanilang pananim.

Pag-aasawa
Karaniwan sa mga mag-aasawang Mamanwa ay may labintatlo hanggang
labing- anim na taon gulang lamang. Hindi sila nag-aasawa ng kamag-anak. Minsan
ang mga magulang ang nag-aayos ng kanilang pag-aasawa. Ang lalaki ay humihingi ng
tulong sa mga magulang niya upang mapuntahan ang tahanan ng babae. Tinatawag
nila itong pamadje. Ang mga magulang ng babae ay humihingi ng bogay o bride's
price sa pamamagitan ng kawali, kaldero, gong, bolo, pera, at iba pa.
Ang seremonya sa pag-aasawa ay ganito: Ang dalawang ikakasal ay uupo sa
sahig na malapit sa isat isa na may kaharap na isang pinggan na puno ng bigas.
Kukuha sila ng bigas, hahawakan iyon at ang kabilang kamay ng lalaki ay hahawak sa
kabilang kamay ng babae àt sasabihin ng baranggay kapitan na sila ay mag-asawa na.
Ang pagkatapos ay ang tinatawag na kombite.
Ang pag-aasawa sa mga Mamanwa ay monogamous o isa lamang ang asawa
dahil sa hindi nila kayang buhayin ang maraming asawa.

Tungkol sa Ilang Paniniwala sa Kamatayan


Ang mga Mamanwa ay takot mamatay. Kung may namatay sa kanila,
ipinalilibing kaagad. Hindi sila mag-iingay o iiyak dahil baka magalit daw sa kanila
ang mga engkanto. Habang inililibing ang kamag-anak nilang namatay, ang iba naman
ay naghahanda para sa paglisan sa lugar na iyon.
Ang mga sumusunod ay ilang paniniwala nila hinggil sa kamatayan:
1. Pagbasag ng pinggan sa kabaong upang mapahinto ang susunod na kamatayan o
walang susunod sa kanilang mamamatay
2. Hindi kailangang magpaalam ang mga bisita kung aalis na para sa katahimikan ng
namatay
3. Hindi magwawalis ng sahig k sunod-sunod na pagkamatay para maiiwasan ang
pagkasunod-sunod na pagkamatay.
4. Ang mga nagbabantay ay hindi matutulog dahil maaaring dumating ang
masamang kaluluwa at palitan ang patay. Tinatawag itong Pagtangon.

Reperensiya:
• Hufana, N. L., Banawa, M. D., Gervacio, G. V., Pantorilla, C. R., Sajulga, A. C., & Tiosen, R. B. (2018). Wika
at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City: MUTYA Publishing House Inc.
ARALIN 9
WIKA AT KULTURA NG ILANG MGA MUSLIM SA
MINDANAO
Layunin ng Pag-aaral:
 Makakabuo ng isang sintesis at makabahagi ng metodong diyalektikal kaugnay ng pagbuo
ng katwiran o sintesis na may kaugnayan sa wika, kultura, at lipunan.

4.1. ANG MGA MERANAW

- ni Victoria. Juarez-Adeva

Ang mga Meranaw ay iyong mga Muslim na ninirahan sa Lanao na nasa


kapaligiran ng lawa ng Lanao, na siyang pangalawang pinakamalaking lawa sa
Pilipinas. Ang orihinal na tawag sa lalawigang ito'y "Ranao” na nangangahulugang
lawa o lanaw at ang mga naninirahan ay tinatawag na "Maranao (naninirahan sa may
lawa).

Ayon kay Casan Alonto (1974) sa kanyang "Perspective on Maranao Society,"


may mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga Meranaw. Ang isang teorya'y batay sa
epiko ng mga Meranaw na Bantugan o Darangan. Sinasabing ang unang mga
naninirahan dito sa kapaligiran ng Lanao ay pinangunahan ng isang nagngangalang
"Butuanun Kalinan" na buhat sa dakong Silangan na siyang tinatawag na Bombaran
(kung saan sumisilang ang araw). Ang isa pang teorya’y ang migrasyon ay patungo sa
dakong pasigan ng Katimugang Mindanao, sa dakong Iranon. Ang mga Iranon o llanon
na natagpuan nang naninirahan sa kapaligiran ng lawa ay napangasawa ng mga
bagong dating.

Noong nabubuhay pa ang Pangulong Manuel Luis Quezon, pinangalanan niyang


maliit na Baguio ng timog" ang lalawigan ng Lanao. Noong Mayo 2, 1959 sa paglabas
ng Batas ng Republika 2228 ay nahati sa Lanao del Sur at Lanao del Norte ang Lanao.
Ang mga punung-lalawigan ay Lunsod ng Marawi at Lunsod ng Iligan. Ang Lanao del
Sur ay siyang pook ng pamayanan ng mga Meranaw. Batay sa sensus noong 1970, ang
buong populasyon nito ay 455,507. Malamig sa pook na ito at malayo sa tinatawag na
belt ng bagyo.

Bagamat pangingisda ang ikinabubuhay ng iba, masasabing ang pangunahing


pinagbubuhatan ng kabuhayan nila'y pagsasaka. Malawak ang lupain at mataba pa.
Pangunahing pagkain ang bigas. Sa prutas naman maipagmamalaki nila ang kanilang
marang at durian, na hindi matatagpuan sa Luzon. Sa kasalukuyan ay marami nang
mangangalakal na Meranaw.
Ang hinahabing banig at malong ng mga Meranaw ay labis na nakakatawag ng
pansin ng mga mamimili hindi lamang sa lokal na pamilihan kundi sa pandaigdig
man. Ang isang magandang malong ay mas mahal kumpara sa ordinaryong malong
Magagandang disenyo ang makikita. Maraming kagamitan ang malong: damit, pang-
ulan, kumot, duyan ng bata, sako, lubid, duyang lululanan ng maysakit, panakip, at
minsan glab na pamboksing.
Ang isa pang kalakal ay ang bras na ginagawa sa Tugaya. Ang mga ito'y
binubuo ng mga gong, sarimanok, kulintang, lalagyan ng buyo, lalagyan ng alahas,
malalaking hugis na paso na may adornong tinatawag na okil na disensyo. (Ang mga
kalakal na nabanggit ay makikita sa mga malalaking tindahang panturista sa
malalaking Lungsod ng Luzon, Visayas, at Mindanao).
Sa puntong sosyal naman, nahahati sa tatlong uri ang mga Meranaw: ang
namanang artistokrasya, ang tinatawag na malalaya (freeman) at ang mga alipin. Ang
namanang artistokrasya ay kilala sa katawagang Malaibangsa na binubuo ng mga
sultan, mayayamang datu at ang kanilang pamilya, sa madaling sabi iyong may mga
dugong bughaw. Iyong mga magsasaka't manggagawa ang tinatawag na Pegawid.
Ang pangatlong uri ang tinatawag nilang Bisaya'y nawawala sa kasalukuyan
bagama't nasa kamalayan pa rin ang tungkol sa mga istatus. Hindi maaaring
mapangasawa ng nasa isang uri ang nasa kabilang uri lalo na iyong nasa unang uri na
sila lamang ang maaaring maging magkapalad
Ang masasabing nakapag-uugnay sa lahat ng Meranaw ay ang tinatawag nilang
adat at taritib (kaugalian at tradisyon) tulad ng mahigpit na pagsunod sa magulang.
Higit na mapapatunayan ito sa kaugalian tungkol sa pag-aasawa at paglilibing
Sa larangan ng pag-aasawa, naniniwala silang maaaring mag-asawa ng higit sa
isa ang lalaki basta't kaya niya. Istatus symbol sa mga lalaki ito sapagkat kapag
marami siyang asawa nangangahulugang maykaya siya at bukod pa rito ay may
marami siyang magiging kapanalig dahil sa mga kaanak ng kanyang asawa. Hindi
maaaring mag asawa ng iba ang lalaki kung walang pahintulot ang unang asawa
sapagkat siya (ang unang asawa) ang itinuturing na tagapangulo ng mga asawang iba.
Naniniwala rin sila sa diborsyo. Maaaring deborsyuhin ng lalaki ang babae
pero hindi maaaring deborsyuhin ng babae ang lalaki kung walang matibay na
batayan. Kailangang mapatunayan talaga na mabagsik sa kanya ang lalaki o kayay
iniwan silang mag-ina. Kapag ang babae ang makikipagdiborsyo ang bigay-kaya'y
kailangang isauli, ngunit kapag ang lalaki ang nakipagdiborsyo hindi kailangang
isauli.
Hindi magiging buo ang tungkol sa Meranaw kung hindi babanggitin ang maratabat
o amor propio. Kailangang pangalagaan nila ang dangal ng kanilang lipi o angkan sa
mata ng lipunan. Handa silang ipaghiganti sukdang ikamatay ang karangalang
nadungisan upang itindig na muli ang magandang pangalan ng kanilang angkan. Ang
antas ng maratabat ay batay sa istatus sa lipunan kaya higit na inaaasahang ang nasa
itaas na uri ang magtatanggol nito nang husto kaysa sa mga sumusunod na antas.
Mga Pamahiing Meranaw

Tungkol sa Panaginip
1. Kung mananaginip kang ikaw ay kinagat ng isang asong pula iyon ay
nangangahulugang malapit ka nang makapag-asawa at ang magiging kapalad
mo'y mayaman ngunit kung itim ang aso, ang magiging kapalad mo ay alipin.
2. Kung mananaginip ka na ikaw ay lumalangoy sa malamig na dagat na maitim ang
tubig, nangangahulugan na magkakasakit ka nang malubha.
3. Kung mapanaginip mong tumatai ka ay nangangahulugang mawawalan ka ng
isang napakahalagang gamit.
4. Kung nanaginip ka na ang isa sa mga ngipin mo ay naalis, nangangahulugan na
mamamatay ang isa sa mga magulang mo.
5. Kung nanaginip ka nang walang damit ang isang tao na kilala o kaibigan mo,
nangangahulugan na siya ay magkakasakit nang malubha at mahirap gamutin.
6. Kung nanaginip ka na ang kaibigan mo ay mamamatay at pagkatapos ay sinabi
mo agad ito sa kanya, magiging totoo na mamamatay siya o isang kamag-anak mo
ang mamamatay.
7. Kung nanaginip ka na lumilipad ka, isang mahalagang pangarap mo ay malapit
mo nang makamtan.
8. Kung nanaginip ka na ikaw ay nasa magandang ayos o kalagayan, hindi
magtatagal at magkakasakit ka.
9. Ang isang buntis na nanaginip na nasa palad niya ang isang bituin, ang magiging
anak niya ay tatanghaling reyna.
10. Kung nanaginip ka na ikaw ay kinagat ng linta, ito’y nangangahulugan na may
isang taong magsasamantala sa iyo.

Tungkol sa Ginagawa
1. Ang dalagang kumakanta habang nagluluto ay makapag-asawa ng isang
matandang lalaki.
2. Pag ang isang lalaki ay dumalaw sa kanyang kasintahan at hindi dinatnan sa
bahay ang babae, nangangahulugan na hindi sila magkakatuluyan.
3. Ngunit kung sa muling pagdalaw ng lalaki sa kanyang kasintahan ay maabutan
niya itong nagluluto, magkakatuluyan sila at magiging mayaman pa.
4. Pag kinagat ng daga ang bago pang labang damit ay nangangahulugang may
mamamatay na kamag-anak ng may-ari ng damit.
5. Ang pagpapayong sa loob ng bahay ay masama dahil may mamamatay sa bahay
na iyon.
6. Hindi pwedeng paliguan ang mga maliliit na bata dahil magkakasakit sila.
7. Ang taong naglalakad ay hindi pwedeng kumain sa daan.
8. Hindi dapat tuktukin ang palayok habang nagluluto.
9. Kapag dinaanan ng ahas ang bagong tayong bahay, ang ibig sabihin ay
mamamatay ang titira.
10. Kapag may pumasok na paruparo sa iyong kwarto, nangangahulugang
makakatanggap ng pera ang nagmamay-ari ng kwarto.
11. Ang nakabiting kasuotan na kinagat ng daga ay nangangahulugan ng pagkamatay
ng isa sa bahay na iyon; kapag nahulog naman ang damit mula sa pagkakasabit,
ang ibig sabihin ay may darating na panauhin.
12. Kapag habang tinitignan mo ang mukha mo sa salamin pagkatapos ay hindi mo
na ito makita ang ibig sabihin nito ay malapit ka nang mamatay.
13. Masamang ugali ang dumura sa nilulutuan dahil sa paniniwala ng mga Maranao
na may tao sa nilulutuan.
14. Kung may pupuntahan ka, kailangang tingnan mo muna ang mukha mo sa ginto
at kapag hindi mo nakita ay nangangahulugang huwag kang tumuloy sa lakad mo
dahil may masamang mangyayari sa iyo.
15. Sa oras ng kasal at namatay ang ilaw ng lampara ay nangangahulugan na isa sa
ikakasal ay mamamatay.

Iba Pang Pamahiin ng mga Meranaw


- Gani B. Yusoph at Lawandatu Pangandapun
a. Inikadowa
Ang mga Meranaw ay naniniwala na nauuri sa dalawa ang tao. Ito ay ang hindi
nakikitang tao at ang ikalawa ay ang mga nakikitang tao.
Ang tinatawag nilang inikadowa ay yaong mga taong hindi nakikita. Sila ay
may sariling kapangyarihan na pumapaloob sa katawan ng ordinayong tao;
ginagamit nila ang pagsasalita ng ordinaryong tao at gayon din ang kilos at galaw ng
katawan ng ordinaryong tao. Hindi lahat ng tao ay kanilang pinapasukan. Sila'y
pumapaloob sa taong tinatawag na pundarpaan. Ang pundarpaan ay itinuturing
nilang kaibigan na sa anumang oras ay pwedeng tawagin ng pundarpaan ang
kaibigang inikadowa. Ganito ang ginagawa ng pundarpaan kapag tinatawag niya ang
inikadowa at kung paano niya ginagamot ang isang maysakit.
Unang-una, hihikayatin niya muna ang inikadowa na lumapit at pumasok sa
kanya. Ito’y ginagawa niya sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit ng barong na
kulay dilaw at ng tubao (Meranaw neckerchief). Siya'y nagpapabango ng katutubong
pabango na tinatawag na lana manot at nagsisimulang ikaway kaway ang panyong
hawak niya malapit sa bintana. Mapamaya-maya pa'y manginginig na ang
pundarpaan at mag-iiba ang hitsura ng kanyang katawan. Kapag nawala ang
panginginig niya ang ibig sabihin ay nasa katawan na niya ang inikadowa at dito na
siya magsisimulang magsasalita at magpapakilala. Maiiba ang kanyang kilos at
pagsasalita sa dati niyang kilos at pagsasalita, sapagkat ang inikadowa ang siyang
umiiral sa katawan ng pundarpaan at ito na ang siyang nagsasalita.
Pagkatapos nitong magpakilala, halimbawa siya raw ay si Tomitai sa
garansang (bamboo climber) o kaya'y ibang pangalan ang kanyang ibibigay ang mga
taong nasa kanyang paligid ay magpapasalamat sa kanyang pagdating at buong puso
nila itong tatanggapin sa kanilang pamamahay. Minsan, ang inikadowa ay hihingi ng
paumanhin na siya raw ay hindi dumating nang maaga dahil sa sila'y may dinadalaw
na kaibigan sa kalawakan. Ang inikadowa sa katawan ng pundarpaan ay kukuha ng
buyong na inihanda ng mga tao at ito'y kanyang nangangain. Habang ginagawa ito ng
pundarpaan, ang mga magulang ng may sakit ay magmamakaawa sa kanya na
gamutin ang may sakit. Kung sa akala ng pundarpaan ay kaya siyang gamutin ito ay
gagawin niya. Kung ito'y hindi kaya ng pundarpaan ito ay kanyang tatanggihan.
Matapos suriin ng pundarpaan ang may sakit ay sasabihin niya ang dahilan ng
sakit at kung ano ang dapat gawin sa maysakit. Kung minsan ay humihingi ang
pundarpaan na sila'y magdaos ng malaking kapistahan, maghandog ng pagkain,
gumawa ng lamin (kwadradong bahay-bahayan) o kaya'y gagamutin na lang niya ang
maysakit sa oras na iyon. Halimbawang sinabi ng pundarpaan na sira ang ulo ng may
sakit ay magpapagawa ito ng lamin sa paniniwalang dito titira ang ispiritu na siyang
gumagalaw sa may sakit. Kung minsan ay pinaliliguan niya ang may sakit at
bubulungan niya ng mahiwagang salita upang umalis ang ispiritu. Sa mga
ordinaryong mga sakit na tulad ng lagnat, sakit ng tiyan, masamang panaginip, at
rayuma ay hinahaplos lamang niya ang bahagi ng katawan na masakit at
binubulungan niya ng kanyang mahiwagang pananalita.

b. Kapamangangai sa Tonong
Ito’y pag-anyaya sa mga ispiritung tinatawag na tonong. Kailangan ng isang
magsasaka halimbawa na ganapin ito. Kung hindi niya ito gaganapin siyay
magkakaroon ng kapinsalaan sa katawan at ang kanyang mga pananim ay masisira.
Ganito ginagawa iyon: inihahanda niya ang isang malaking manok at kaning dilaw. Sa
tulong ng mga matatandang tao na marunong tumawag sa mga espiritu ay kanyang
tatawagin ang mga ispiritu ng lawa, bundok, at palay Kung naramdaman ng
tagatawag na narinig ng mga espiritu ang kanyang pananawagan ay sisimulan na ang
paglalagay ng mga inihandang pagkain sa palayan. Dito sasali ang magsasaka sa
tumawag ng espiritu sa pagkain na kanilang inihanda. Ginagamit ng katutubong
magsasaka ang kapangyarihang tonong sa pagsugpo ng mga masasamang daga, peste
at iba pang pumipinsala sa kanilang mga tanim sa halip na gumamit sila ng
modernong gamot. Ginagamit din nila ito sa mga magnanakaw ng kanilang tanim.
Sino mang tao ang magnakaw ng kanilang tanim ay nagdaranas ng pagdumi ng dugo,
tutubuan ng maraming pigsa at mga sakit sa balat na hindi maaaring magamot kung
hindi hihingi ng kapatawaran ang magnanakaw sa may-ari ng tanim.
Ang tonong ay ginagamit din ng mga Meranaw sa pagpatay ng kanilang
kaaway. Ang pinakapopular na pamamaraan ay ang tinatawag nilang pananggalan.
Ang pananggalan ay binubuo ng maraming buhok at isang malaking bunga ng
kalamansi. Ang kalamansi ay magiging ulo nito at ang buhok ay maaaring ilong. Kung
ito'y lilipad sa gabi na nasa kapangyarihan na ng tonong Ito'y parang bulalakaw na
mahuhulog. Kailangang walang makakita ng sinuman sa kanyang paglipad kundi ay
mawawalan ng bisa at hindi tatamaan ang pakay niyang tao.
c. Pamahiin Tungkol sa Kalikasan
Ang mga Meranaw ay naniniwala na ang araw ay isang taong nakasakay sa
isang karo na sinusubaybayan ng mga anghel upang ang tao'y bigyan ng ilaw sa
daigdig sa araw-araw niyang paglalakbay. Ang buwan naman ay isang babaing
sumasakay din sa karo sa pagsubaybay din ng mga anghel. Minsan daw sa kanyang
paglalakbay ay bigla siyang susugurin ng leyon at gustong lunukin ito kaya tayo
nagkakaroon ng eklipse.
Ang daigdig daw ay hindi malapad at hindi rin bilog. Ang mga Meranaw ay
naniniwalang ito ay binubuo ng pitong palapag na sa ikapitong palapag ay doon
nakatira ang ibat ibang uri ng tao samantalang sa ikaanim na palapag nakatira ang
mga duwende. Tulad din ng langit na binubuo ng pitong palapag na kinaroroonan ng
mga anghel na nagbabantay sa atin, ang mundo ay dinadala ng isang higanteng
tinatawag na lumbong. Kung minsan daw, ang lumbong ay sinisipit ng kasama niyang
hipon kaya pag medyo gumalaw ay nagkakaroon tayo ng tinatawag na lindol.
Ang mga bituin naman sa langit ay mga alahas ng isang magandang babae.
Noong una raw ay may isang magandang babae na nagbabayo at ang kanyang mga
alahas ay tinangay ng malakas na unos sa kalangitan at hanggang ngayo y. naroroon
pa rin ito at kumikislap.
Ang ulan naman ay tubig na ibinubuhos ng prinsesa ng kalangitan sa lupa.

d. Kahulugan ng mga Pangyayari na Gawa ng Kalikasan


Ipinapalagay ng mga Meranaw ang anumang kaguluhan sa Lanao ay dulot ng
pagpapabaya ng mga Maranao sa kanilang mga katutubong ugali, asal, at pagkawala
ng tiwala sa mga pamahiin ng kanilang mga ninuno. Narito ang lang mga pangyayari
na binibigyang kahulugan ng mga paririmar at mga olamang Meranaw.
Lindol - bago sumapit ang ikalawang digmaang pandaigdig ay nagkaroon ng mga
lindol na hinulaang nagbabadya ng darating na kapinsalaan. Ang dumating nga ay
ang digmaan.
Kulog at Kidlat - ito ay ginagawang sandata ng Diyos para patayin ang mga demonyo
at mga masasamang espiritu. Kaya kung may kulog raw ay ipinapagulong nila ang
mga katagang ito, "Haedo billahi mina saitan ir rajin, bismillah ir rahman ir rahim."
Ang mga salitang ito'y panakot sa mga demonyo at espiritu. Naniniwala silang kaya
natatamaan ng kulog ang tao ay dahil malapit sa kanya ang demonyo at espiritu.
Malakas na ulan at baha - ito raw ay dahilan sa ginagawang masasama ng mga tao.
Kaya nagkakaroon ng baha o kaya'y malakas na ulan ay dahil galit ang mga anghel at
ang Diyos sa kanila.
Ang pinakapopular na pagsugpo ng mga masasamang loob ay ang
kapangyarihan ng Koran. Ito'y ginamit noong araw at ginagamit pa rin hanggang
ngayon. Ang karamihan ng mga korte dito sa Lanao ay gumagamit ng kapangyarihan
ng Koran. Lahat ng saksi sa isang kaso o kaya'y yaong may sala ay pinasusumpa sa
Koran na siya'y magsasabi ng katotohanan at pawang katotohanan. Ang mga Muslim
ay naniniwala na kapag ang isang sumumpa sa Koran ay magsisinungaling ay
siguradong magkakaroon ng kapinsalaan sa buhay nito at sa kanyang pamilya sa
lalong madaling panahon.
Pangalawa, nagkakaroon ng kaligtasan ang kanilang mga ari-arian dahil sa
takot ng ibang masasamang loob na mapinsala sila kung sila’y gagawa ng masama sa
kanilang kapuwa tao.
Sa palagay namin, hindi naging dahilan ang pagkakaroon ng mataas na
edukasyon ng Meranaw sa ganap na pagkawala ng kanilang paniniwala sa
katutubong pamahiin. Kung minsan kahit na ang isang edukadong Maranao ay
naguguluhan pa rin kung ang kanyang may sakit na anak ay sa doctor ipapagamot o
sa katutubong manggagamot na Meranaw.

Wika
Ang wika ng mga Meranaw ay Maranaw. Kilalang-kilala ito dahil sa matigas na
diin at tono nito, Maranaw ang gamit ng mga Meranaw sa kapuwa nila Meranaw.
Kapag mga Kristiyano ang kausap nila ay marunong din sila ng Cebuano, Filipino, at
Ingles.

4.2. ANG MGA MAGUINDANAON AT ANG KANILANG KULTURA


Ang mga Maguindanaon ay nakatira sa timog-silangang bahagi ng Mindanao.
Nang maghiwalay raw ang magkapatid, si Timbunaway at ang kanyang tagasunod ay
amais sa kanilang kinagisnang nayon at naghanap ng pook na kanilang matitirhan.
Ang tanong na kung saan sila titira ay nagkaroon ng kasagutan, Maginged tano sa
danao na ang kahulugan ay "tumira tayo sa palibot ng lawa. Dito nagmula ang
pangalang Maguindanao nang pagdungtungin ang dalawang katutubong salita,
maginged at danao. Ang salitang maginged ay maaaring mangahulugang ang mga
nakatira o titira" at ang salitang danao naman ay ang Maguindanao na salitang lawa
(Alfanta, 1975-76).
Ang ideya na tinatawag ang mga Maguindanaon na "mga tao sa binabahang
kapatagan ng mga western iskolar ay maaaring dahil sa kanyang heograpikal na
lokasyon na kung saan ang malapad na kapatagan sa Cotabato Valley ay palaging
binabaha. Kung minsan naman, kapag ang Rio Grande de Mindanao o kaya'y ang
Pulangi sa kanilang sariling dayalekto ay umaapaw sa tubig at ang mga tao ay walang
mapupuntahan, sila ay sumisigaw ng "Midsanao!" na ang ibig sabihin ay,
"Napakalaking baha!" (walang petsa).
Bigas at sago ang pinakapagkain ng mga Maguindanaon. Sa panahon ng
taghirap kumakain sila ng mais at kamoteng kahoy. Kumakain din sila ng manok,
gulay, prutas, at isda na galing sa lawa o ilog. Tulad ng ibang mga Muslim, ang
kanilang pagkain ay nagdedepende sa hinihingi at ipinagbabawal ng kanilang
relihiyon (Islam). May mga espesyal na pagkain sila lalo na kung may mga
pagdiriwang tulad ng putok, amik, panialam, dudol, inti, pill, balabed, at marami pang
iba (Ibid).
Ang mga Maguindanaon ay mga magsasaka rin. Bigas ang kanilang itinatanim -
isang natatanging uri ng bigas na nagtatagal sa matubig o mabasang lugar.
Ang paggawa ng espada (kris at kampilan) ay unti-unting nawawala na. Ang mga
babae ay naghahabi (oulan) na lamang. Ang mga lalaki naman ay mga iskultor/ manlililok.
Tulad ng iba pang grupo ng Muslim, ipinagbabawal sa kanila ang umukit ng mga hayop o
tao. Ang mga disenyo nila sa pag-ukit ay mga sandata o mga instrumentong musikal
(Angeles, 1975-76).
Ang mga Maguindanaon lalo na ang mga nakatira sa mga liblib na pook ay
naniniwala sa mga di-kapani-paniwalang mga may kapangyarihan tulad ng higante na si
Legasi, at si Talabusaw na ang kalahati ay tao at ang kalahati ay kabayo. Pinaniniwalaang
ang mga halimaw na ito ay kumakain ng tao. Naniniwala rin sila sa busaw o asuwang na
hindi rin nakikita.
Ang mantiyanak naman ay isang uri ng asuwang na nasa pormang maliit na batą,
May pagkademonyo ito kaya kinatatakutan din ng mga tao. Higit sa lahat, ang mga
Maguindanaon ay naniniwala sa tonong, ang hindi nakikitang ispiritu. Ang tonong ay
dalawa. Ang isa ay masama na tinatawag nilang saytan at ang isa nanman ay jinn na hindi
masama. Ang mga hindi nakikitang ispiritung ito ay maaaring magbigay ng sakit o
kapahamakan sa mga tao (Gowing et al, 1974).

Wika
Maguindanaw ang tawag sa wika ng mga Maguindanaon. Marunong din silangmag
Filipino, Cebuano, at Ingles.

4.3. ZAMBOANGA: ANG PARAISO NG MGA BULAKLAK SAKATIMUGAN


-ni Rainer Anthony Rubin
Zamboanga, siyudad ng mga pangarap at bulaklak. Tinaguriang City of Flowers,
marahil ay dahil sa makukulay at mahahalimuyak na mga bulaklak na matatagpuang
saganang-sagana sa pali-paligid; sa mga bakuran, bintana, gilid ng kalsada, at mga
liwasan. Maari rin namang dahilan sa mga magagandang dilag ng Zamboanga, mga
kadalagahang bantog hindi lamang sa taglay na kariktan nila kundi lalung-lalo na sa
kanilang likas na pang-akit at kalambingan.
Diumano, ang pangalang Zamboanga ay mula sa salitang "Samboangan na siyang
dating katawagang ginagamit ng mga katutubong Muslim, Badjao, Subanon, at iba pang
grupong ethnikong naninirahan dito. Ang pangalang "samboangan" ay kinuha sa salitang
"sambuan" na tumutukoy naman sa mahabang kahoy na ginagamit ng mga Samal at
Badjao sa pagtutulak ng kanilang mga sasakyang vinta sa mga pampangin ng mga
karagatan. Ngunit taliwas naman dito ang sinasabi ng iba. Ang Zamboanga raw ay galing
sa salitang Jambangan," isang salitang Malay, na tumutukoy sa isang pook na
pinamumugaran ng maraming naggagandahang bulaklak. Ang dalawang salitang ito na
sinasabing pinagkunan ng pangalang "Samboangan" at "Jambangan ay kapwa tumutukoy
sa dalawang bagay na katutubo sa lugar, ang vinta at bulaklak kaya't hindi natin matiyak
kung ano ang totoo. Gayunman, hindi mapasusubalian na sa paglunsad ng mga Kastila sa
pampangin nito noong ikalabimpitong dantaon ay saka ito tinawag na Zamboanga.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi dapat pagtakhan kung bakit ang Zamboanga, sa kabila
ng hindi gaanong magandang balita na dulot ng ilang kaguluhang nagaganap ay patuloy
pa ring umaakit ng mga turistang galing sa iba't ibang panig ng Pilipinas at sa ibang panig
ng daigdig. Paano'y napakalakas ng pang-akit ng magagandang tanawing matatagpuan
dito: ng matutulaing karagatan at kabundukan na hindi pa pinapapangit ng modernisnmo;
mgà tradisyon na kaugnay sa kasaysayan ng lahi at mga kaugalian na iba't iba na pawang
kakaiba mula sa iba't ibang grupong etniko na naninirahan dito.
Halimbawa, matatagpuan dito ang mga Badjao o ang mga sea gypsies na pawang
naninirahan sa mga karagatan ng Zamboanga. Sila ang mga nagpapala at pinagpapala ng
karagatan; sa dagat sila nanghuhuli ng mga isda at iba pang lamang-dagat, naninisid sila
ng mga perlas at napakagandang tanawin ang kanilang matutulin at makukulay na vinta
na bumibinit sa tubig. Tahanan nilang itinuturing ang mga bangkang nangakalutang sa
mga pampang ng dagat; dito sila naliligo, naglalaro, naglalaba, at humahabi ng mga
pangarap. Tahanan nila ang isa sa mga pinakamayamang karagatan sa buong Pilipinas
sapagkat ito'y mina ng mga perlas, korales, talaba, sigay, at mga pagkaing-dagat.
Bukod sa mga Badjao, may isang grupo pa rin ng mga katutubo sa Zamboanga na
naninirahan sa tubig: sila'y matatagpuan sa Taluksangkay Village makalabas ng
Suyudad. Sa halip ng mga bangkang nakalutang ay sa mga magkakadikit na bahay kubo
naman sila nakatira na ang mga mahahabang haligi ay nangakalubog sa tubig. Ito'y halos
magkatulad ng matatagpuan sa Jolo.
Makasaysayan ang mga baybayin ng Zamboanga na kinaganapan ng madudugong
labanan ng mga katutubo at mga banyaga sa panahon ng mga panlulupl8. Ngayon ang
mga makasaysayang mga baybaying ito ay dinudumog ng mga turista bilang mga
languyan. Dito rin nagpupunta ang mga mahihilig sa nagiging popular na libangang
tinatawag na scuba diving o pagsisid sa dagat na kumpleto sa makabagorng kasuotang
pansisid.
Walang turistang pumupunta sa Zamboanga na makapagsasabing nakita na niya
ang lahat kung hindi pupunta sa bantog na Pasonanca Park. Ito'y masasabing isang
paraiso ng kagandahan. Dito'y lalong madarama ng isang alagad ng kalikasan ang
pagpapala ng buhay sa munting ilug-ilugang ang malinaw na tubig ay nanunulay sa
kabuuan ng parke na ito'y nayayamungmungan ng ibat ibang uri ng punongkahoy at
halaman. Hindi dapat pagtakhan na ang Pasonanca Park ay sagana sa ibon, hayop, isda,
at halaman. At para sa mga romantiko, lalo na sa mga nagpupulutgata, may
ipinagmamalaking bahay-bahayan sa itaas ng isang malaking punungkahoy ang parkeng
ito. Ang tree house na ito ay piping saksi ng maraming sumpaan at pag- iibigan.
Makasaysayan din ang Real Fuerza de Nuestra Senora del Pilar de Zaragoza." Ito'y
isang kuta na itinayo ng mga manlulupig na Kastila at ginamit nilang kublihan at
himpilan laban sa mga lumalabang katutubo. Noong 1899 nang pumailalim ang
Zamboanga sa kamay ng mga Amerikano ito ay tinawag na sa pinaigsing pangalang Fort
Pilar. Maraming mga kwento at alamat ang lumaganap sa bibig ng mga tao tungkol sa
pagiging milagrosa ng Mahal na Birhen sa lugar na ito kaya't tuwing buwan ng Oktubre
ng bawat taon maraming mga deboto at turista ang dumarayo rito. Tampok sa pista ng
birhen ang makapigil hiningang karera ng mga makukulay at mabibilis na vinta na
pinapanood sa baybay-dagat ng siyudad at para sa mga taga-Maynila, tunay itong
naibang panoorin.
Ang isa pang katutubong tradisyon ng Zamboanga na pinagdarayo ng mga turista
av ang Bale Zamboanga Festival na idinaraos naman sa Pasonanca Park tuwing buwan
ng Pebrero. Tatlong araw ang itinatagal ng pista at sa loob ng mga araw na iyan, ang
mga Kristiyano, Muslim, Badjao, Tsino, Tausog, Subannon, at iba pang grupong etniko av
nagtatanghal ng kani-kanilang mga katutubong kalinangan katulad ng sayaw, dula at iba
pang selebrasyon na nagpapa kita ng mga kaugalian at tradisyorn. Bukod diyan,
dinudumog din ng mga turista ang pagtatanghal nila ng iba't ibang produkto at mga
gawang kamay ng bawat pangkat.
Ang pangunahing wikang ginagamit sa Zamboanga ay Chavacano. Ito'y tila
mandin pinaghalu-halong Kastila, Tagalog, Bisaya, at iba pang wika ng mga grupong
etniko. Ito'y may malambing na intonasyon at masasabing namamaibabaw ang
pagiging Kastila. Hindi maikakailang Chavacano ang ginagamit na wika sa
pangangalakal, sa Pulitika, sa simbahan, at sa halos lahat ng larangan ng pamumuhay
bagama't tahasang masasabing ang wikang Filipino ay ginagamit at naiintindihan ng
karamihan.
Masasabing sa Zamboanga matatagpuan ang ibat ibang pangkat ng mga tao na
may ibat ibang paniniwala, kulay, at pananampalataya, ngunit nasa pagkakaiba-ibang
to ang pagkakasundu-sundo, ang kapayapaan, at pagkakaunawaan.

Wika ng mga Zamboangueno


Chavacano ang tawag sa wika ng mga Zamboangueno ngunit sa dahilang ang
Zamboanga ay tinatahanan ng iba't ibang tribo, Filipino ang gamit sa
pagkakaunawaan. Ang mga Muslim ay may kani-kanilang wikang gamit depende sa
grupo. Karamihan ay mga Tausog na nagasasalita ng Tausog at mga Badjao na
nagsasalita ng Badjao. Ang mga negosyanteng MeranaW naman ay nagsasalita ng
Meranaw.

4.4. ILANG BAGAY TUNGKOL SA DAPITAN


-ni Teresita Merencillo-Acas
Ang Polo ay isa sa mga maliliit na nayong nasasakop ng Lungsod ng Dapitan na
may lawak na 434 na hektarya at may 1,347 mamamayan sa kasalukuyan. Ang
mamamayang ito ay pawang mga Kristiyano na nagsipanggalingan sa ibat ibang lugar
sa Pilipinas, ngunit karamihan ay galing sa Negros, Cebu, Bohol, at Samar. Karamihan
sa mamamayang ito ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda, bagamat
mayroon namang mabibilang sa daliring naglilingkod sa pamahalaan, nagsasaka,
namamasukan sa ilang pribadong tao bilang drayber, at iba pang uri ng hanapbuhay
na bagama't mahirap ay marangal naman. Hindi nga sila mayayaman, ngunit hindi rin
naman sila matatawag na mahihirap dahil wala namang isa roon ang namatay dahil
sa gutom. Sa madaling sabi, ang kalagayan nila sa buhay ay matatawag nating nasa
kalagitnaang uri at nabubuhay silang mapayapa, maligaya, at laging may
pagkakaunawaan sa bawat isa.
Ayon sa kasaysayan, ang nayong ito ay pinangalanang. Polo dahil sa kung wala
pa ang tatlong tulay na nag- uugnay nito sa ibang kalapit na lugar ay talagang isang
maliit na pulo o isla ito dahil napapalibutan ng tubig dagat at ilog. Ang dapat na
baybay sana nito ay Pulo at hindi Polo, ngunit dahil sa nakaugalian na ng mga tao ang
ganitong baybay, pinapanatili na lamang ito, bagama't sa pagbigkas ng mga tao,
maririnig nating /u/ at hindi /o/ ang ginagamit nila,.
Walang mahalagang kasaysayan ang maliit na nayong ito, ngunit ang isang
lungsod na sumasakop dito ay isang makasaysayang pook sa ating bansa, kaya't
minabuti kong isali ang maikling kasaysayan ng lungsod naming ito, ang Lungsod ng
Dapitan.
Ang Lungsod ng Dapitan
Marahil, hindi na bago sa pandinig ng lahat ang pangalan ng aming lungsod,
ang Dapitan, dahil naging palasak na ang lugar na ito sa halos lahat ng aklat ukol sa
kasaysayan ng Pilipinas. Tuwing maririnig ang pangalan ng aming lungsod, ang
unang maaalala o maiisip marahil ng taong yon ay ang pagkatapon ng pangunahing
bayaning Pilipinong si Dr. Jose P. Rizal sa loob ng apat na taon, mula 1892-1896.
Kung iisipin ngang mabuti'y parang napakahaba ng panahon ng pagkakatapon niya,
ngunit para sa mga mamamayang nakatamasa ng di-mabibilang at di
makakalimutang kabutihang mula sa kanyang mga kamay, ang panahong ipinamalagi
niya rito’y napakaikli lamang. Nais pa nilang dagdagan ang panahong ipamalagi niya
ngunit ang kapangyarihan ng mga nanakop ay siyang nasunod na di nahadlangan ng
karaniwang mamamayan noon.
Ang naturang bayani ay di-tumira sa puso ng lungsod, na noo'y bayan pa,
kundi sa isang malit at mapayapang pook na pinangalanan niyang Talisay dahil sa
ito'y napagkakitaan ng maraming puno ng talisay na hanggang ngayon naroon pa.
Ang talisay ay bahagyang nahihiwalay sa bayan dahil sa isang maliit ngunit malalim
na ilog kung kaya'y nangangailangan pa ang mga mamamayan ng bangka bago
marating ang lugar na tinitirhan ng bayani. Ngunit sa kasalukuyan'y pinagdudugtong
ang dalawang ito ng isang kongkretong tulay at ang Talisay sa ngayo'y bantog na sa
pangalang Rizal Park.
Maraming tungkuling ginampanan si Dr. Jose P. Rizal sa pamamalagi niya rito.
Isa sa mga tungkuling nag-iwan ng kanyang bakas sa lugar na ito ay ang pagiging
guro niya, dahil sa kasalukuyan may natira pang kaisa-isang buhay sa kanyang mga
tinuruan na siyang nagpalaganap ng karungungan at katalinuhang naging utang niya
sa kanyang matalinong guro na walang iba kundi ang ating pambansang bayani. Ang
estudyante niyang ito'y si G. Florentino Cad, na laging pinararangalan tuwing sasapit
ang Araw ni Rizal.
Ang pagiging makasaysayang lugar ng Dapitan dahil sa pagkakatapon ni Dr.
Jose P. Rizal ay siyang naging dahilan sa pagiging lungsod nito kahit maliit lang ang
sinasakop nito.

Mamamayan
Pawang mga Kristiyano ang mga nakatira dito, na karamiha'y mga Romano
Katoliko at sumasampalataya sa Panginoon. Wikang Cebuano ang ginagamit nila
bagamat ang intonasyon nila ay may kaibahan kung ihahambing sa mga ibang
gumagamit ng wikang ito.

Ilang mga Katangi-tanging Kaugalian at Pamahiin


Isang katangi-tanging kaugalian ng mga taga-Dapitan na naging bantog sa mga
karatig pook nito ay ang pagbakas o pagtuklas ng kung kaninong angkan nagmula o
nabibilang ang isang manliligaw na binata sa kanilang dalaga, nang sa gayon ay di
magkaasawahan ang mga magkamag-anak kahit malayo na ang relasyon ng bawat
isa. Masyadong napakalapit ng ugnayan ng magkamag-anakan at napakalaki ng
paggalang ng mga kabataan sa matatanda.
Maraming mga pamahiin ang mamamayan sa Dapitan, tulad ng mga sumusunod:

a. Kasal
1. Huwag isukat ang damit pangkasal ng ikakasal upang matuloy ang kasal at
walang sakunang mangyayari.
2. Dapat iwasan ng ikakasal ang pagpunta sa kung saan-saan dahil malapit sila sa
mga aksidente sa panahong iyon.
3. Kung maunang ikasal ang nakababatang kapatid, kailangan siyang magbigay ng
pera sa nakatatandang kapatid upang maging lubos ang kaligayahan nila sa
kanilang buhay mag-asawa.

b. Binyag
Kung ibig mong maging mabait, matalino o magkaroon ng magandang
katangian ang iyong anak, piliin mong maging ninang o ninong ng anak mo ang mga
taong may angking ganoong katangian para mamana ito ng bata.

c. Pagdadalaga ng Isang Batang Babae


1. Paluksuhin ng tatlong baitang ang batang nireregla sa unang pagkakataon upang
tumagal lamang ng tatlong araw ang regla niya.
2. Magsuksok sa garter ng panti ng bulak upang maging magaan ang katawan na
gaya ng sa bulak.
3. Umupo sa dahon ng gabi upang hindi matagusan kung rereglahin nang hindi
namamalayan.

Wika
Cebuano ang wikang gamit ng mga taga-Dapitan.

Reperensiya:
• Carter, C. (n.d.). INTRODUCTION TO SYNTHESES. Retrieved August 7, 2020, from
https://msu.edu/~jdowell/135/Synthesis.html
ARALIN 10
SINTESIS
Layunin ng Pag-aaral:
 Makakabuo ng isang sintesis at makabahagi ng metodong diyalektikal kaugnay ng pagbuo
ng katwiran o sintesis na may kaugnayan sa wika, kultura, at lipunan.

Ano ang Sintesis?

‾ Ang pagsasama ng dalawa o higit pang buod

‾ Ang paggawa ng koneksyon at pag-intindi sa ugnayan sa pagitan nga dalawa o


higit pang mga akda o sulatin at pati mga di-nakasulat na mga akda gaya ng
lektura, panayam o obserbasyon.

‾ Ang pagsasama ng iba’t ibang akda uoang makabuo ng isang akda na nakakapag-
ugnay.

Ang sintesis ay mula sa salitang griyego na syntitnenal:

syn = kasama, magksama

titnenal = ilagay, sama-samang ilagay

Sa larangan ng Pilosopiya, ang sintesis ay bahagia ng metodong diyalektal ni


Gerg Wilhelm Friedrich Hegel kaugnay ng pagbuo ng ng katuwiran.

Anyo ng Sintesis

a. Eksplenatory (Explanatory)

Anyo ng sintesis na naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong


maunawaan ang mga bagay na tinalakay

b. Argumentatib (Argumentative)

Anyo ng sintesis na naglalayong maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.


Mga Uri at Katangian ng Mahusay na Sintesis
a. Background Synthesis
Ito ay ang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga saligang
impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos sa tema at hindi sa
sanggunian.
b. Thesis-Driven Synthesis
Halos katulad lamang ito ng background thesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa
pagtutuon sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala
at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga
punto sa tesis ng sulatin.
c. Synthesis for the Literature
Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang kahingian ng mga sulating
pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literature ukol
sa paksa. Karaniwang isinasaayos ang sulatin batay sa mga sanggunian ngunit maaari
rin namang ayusin ito batay sa paksa.

Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis


1. Linawin and layunin.
2. Pumili ng naaayon sa sanggunian batay sa layunin at basahin ito ng mabuti.
3. Buuin ang tesis sulatin.
4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.
5. Isulat ang unang burador.
6. Ilista ang mga sanggunian.
7. Rebisahin ang sintesis.
8. Isulat ang pinal na sintesis.

You might also like