nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t-isa. Ang Chabacano (Tsa·ba·ká·no) ay isang wika sa Zamboanga at ilang bahagi ng Pilipinas na may malakas na halòng Español.
Sa buong Asia, ito ang nag-iisang wikang creole—
isang wikang natural na nabuo sa paghahalò ng mga magulang na wika—na nakabatay sa Español. Ito rin ang isa sa pinakamatandang wikang creole sa buong mundo Halimbawa:
Ang nangyari nang dumayo ang mga Espanyol sa
Zamboanga at nakipag-usap sila sa mga katutubo roon. Dahil pareho silang walang nalalaman sa wika ng bawat isa kaya nagkaroon sila ng tinatawag na makeshift language.
Wala itong pormal na estruktura kaya’t ang dalawang nag-
uusap ang lumilinang ng sarili nilang tuntuning pangwika. Sa kaso ng mga Espanyol at katutubo ng Zamboanga, nakalikha sila ng wikang may pinaghalong Espanyol at wikang katutubo. Kalaunan, ang wikang ito na nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagagamit ito sa mahabang panahon, kaya’t nabuo ito hanggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinunod na ng karamihan. Ito ngayon ay tinatawag na creole Ang Creole na may sariling tuntuning panggramatika ay tinawag na Chavacano Alam mo ba? Ang Chavacano ay nangangahulugang “mababang kalidad”, “mababang uri” o “payak”. Ito ay mas ginagamit bilang wikang sinasalita kaysa wikang isinusulat, kung kaya’t hindi ganoon karami ang panitikang nakasulat sa Chavacano kung ihahambing sa iba pang pangunahing katutubong wika ng bansa.
Ang wikang ito ay ang nag-iisang wikang Creole sa
buong Asya. Sa panahon ng Español, itinuturing itong “lenguaje del calle” (wika ng lansangan) o “lenguaje de cocina” (wika ng kusina) ng mga mamamayang nagsasalita ng Español (peninsulares, insulares, mes-tizos, at ilustrados) bilang pagbubukod nitó sa itinuturing na totoong Español niláng wika. Anim na diyalekto ng Chavacano: (1) Zamboangueño (o Chabacano de Zamboanga) sa Lungsod Zamboanga at mga karatig na lugar sa kanlurang Mindanao— pinakakilaláng uri ito ng Chabacano sa kulturang Filipino;
(2) Caviteño (o Chabacano di Nisos at Chabacano de Cavite)
sa Lungsod Cavite;
(3) Cotabateño (o Chabacano de Cotabato) sa Lungsod
Cotabato; (4) Davaoeño (o Cas-tellano Abakay at Chabacano de Davao) sa lungsod at re-hiyong Davao;
(5) Ternateño (o Chabacano de Ternate at Bahra) sa bayan ng
Ternate, lalawigan ng Cavite; at
(6) Ermiteño (o Chabacano de Ermita) sa distrito ng Ermita sa
Maynila, na wala nang nagsasalita. “Sana ay may natutunan kayo sa araw na ito” “que tiene un buen dia . Adios!” Magandang araw. Paalam! Have a nice day. Goodbye!