You are on page 1of 27

KONSEPTONG

PANGWIKA: Rehistro,
Barayti, L1 at L2,
Creole, Pidgin at iba
pa

laniesagabaen26
Wika sa Kasalukuyan.mp
4
Sabihin ang dalawang kahulugan ng mga
salita:
1.Bato
2.Magulang
3.Buwaya
4.Ube
5.Damo
Sabihin ang iba’t ibang kahulugan sa
Filipino:
1.Rice
2.Composition
3.Old
4.Order
Diksyunaryo ng kabalbalan
Survey test
Tagalog ng ice cream, isang malamig, matamis na pagkain
Followed
Sinasabi ito sa tindera kapag wala ng load ang cellphone
Due care
Mahigpit na kalaban ni Batman, kalaban ng superhero
A Trust
Kasalungat ng abante
Sick rate
Mga bagay na dapat inililihim o hindi ipinagsasabi sa iba
Korean Tea
Ito ang nawawala kapag brown out
The Value
Ika- 24 letra ng alpabeto, kasunod ng letrang V, bago ang X
Nangangahulugang…
Sa iba’t ibang larangan ay nagagamit ang
wikang Filipino. May mga salita na tangi
sa bawat larangan o disiplina.

May mga tanging salita sa panitikan,


agham, relihiyon, mass media,
edukasyon, medisina, agrikultura,
sikolohiya, palakasan at iba pa.
Talakayin
Barayti
Dayalek, sa ibang aklat ay dayalekto o sa
mas tradisyonal pa, ang tawag dito ay wikain.
Ito na yata ang pinakapopular sapagkat hindi
miminsang ganito ang taguri sa wikang
Tagalog. Hindi daw ito totoo ayon kay Garcia,
et al (2006). Ang Tagalog ay wika at bilang
isang wika, nagkakaroon ng barayti ayon sa
lugar kung saan ito ay ginagamit. Sa aklat ni
Garcia (2006) ayon kina Zafra at Constantino
kasama na rito ang punto, bokabularyo o
pagkakabuo ng mga salita .
Bilang kongkretong halimbawa, iba ang
Tagalog Maynila sa Tagalog Cavite, Bulacan,
Batangas at iba pang lalawigang nasa rehiyon
na ginagamit ang Tagalog. Madalas ngang
gawing biro na ang ala eh ay pekulyar sa mga
Batangueño, ang ”alla naman” ay mapapansin
sa mga taga- Bataan.
Halimbawa:
(Maynila) Ang layo naman!
(Bataan) Alla naman, ang layo!
(Batangas ) Ala, ang layo eh!
Bagamat malapit ang Cavite sa Maynila, kitang-kita
ang pagkakaiba ng gamit ng mga salita, punto at
paraan ng pagsasalita ng mga Caviteño sa mga
Manileño.

(Cavite) Sir, ano po ba ang bugong ninyo ngay-


on? Mangyari po kasi, ako ay namaraka kahapon.
Kayo po ba’y nakain ng tinumis na baboy?

(Maynila) Sir, ano po ba ang baon ninyo ngayon?


Namalengke po kasi ako kahapon. Kumakain po
ba kayo ng dinuguang baboy?
Bilinggwalismo at multilinggwalismo

Ang pagiging bilinggwal ng isang tao ay ang


simpleng resulta lamang ng pagkakaroon ng
dalawang magulang na magkaibang wika. Mula dito
ay maaaring mabuo ang panibagong barayting
pangwika.

Kapag ang isang tao ay natuto pa at nakagagamit


ng isa pa o higit pang wika maliban sa dalawang
magkaibang wika na alam na ay tinatawag namang
multilinggwalismo. Ito ang kasanayan at
kakayahang magsalita at umintindi ng maraming
wika
Idyolek
Ito ang pinakaliberal na barayti.
Umaayon ito sa personal o
indibidwal na gamit ng wika. Ito
ang tutugon kung bakit may mga
taong gumagamit ng SIYA sa
mga bagay na hindi naman tao.
Tandaaang sa istriktong gramar,
ang SIYA ay isang panghalip
panao. Kung gayon, bakit may
mga taong ganito ang gamit?
Halimbawa:
Mare, natikman mo na ba siya?
Masarap pala siya!
Tikman mo rin siya.

Kapansin-pansin ang di-magandang


rehistro ng salitang SIYA sa sinumang
makaririnig.

Tingnan mo siya. Mukhang mahirap


siyang isuot. Pero di bale, bibilhin ko
pa rin siya.
Sosyolek

Ito ang tawag sa baryason ng wika ayon


sa lipunang kinabibilangan. Ang mga taong
may halos iisang paniniwala, antas ng
edukasyon, pamumuhay o maging
hanapbuhay ay madalas na magkakasama
sa iisang pangkat. Natural lamang kung
gayon na kanilang pangkat. Umiiral ang
iisang wikang lubos na nauunawaan,
ngunit kaiba naman sa mga taong labas sa
kanilang pangkat.
Pidjin at Kreyol
 
Kung maaaring mamatay ang wika,
nangyayari din na may uusbong na bagong
wika. Karaniwang nangyayari ito kung saan
hindi lang isang wika ang sinasalita. Pidjin
ang tawag sa proseso ng pagbuo ng paulit-
ulit at panggagaya ng kahit mali-mali,
hanggang magkaintindihan ito. Kreyol
naman ang tawag sa wikang umuusbong sa
isang pidjin at naging unang wika ng isang
lugar.
L1 at L2

Ang pagkatuto ng wika ayon kay


Badayos (2011) ay isang binalak na
proseso kung saan pinag- aaralan ang
wika sa pamamagitan ng organisadong
paraan at may isang tiyak na sinusunod
na programa o silabus, ito ay inilalahad sa
isang sistematiko at pormal na paraan.

Ayon kay Singhal (2012) ito ay proseso ng


pagkatuto ng isang katutubong (o
nakagisnan) wika o ng isa o iba pang
wika.
Ang akwisisyon ng wika naman ay
nagaganap nang hindi namamalayan
at katulad ito halos kung paano natin
natututunan ang unang wika.
“Pinupulot’ ng mga bata ang wikang
kanyang naririnig na sa palagay niya
ay kailangan sa pakikipag- usap sa
mga tao sa kanyang paligid.
L1
Maraming wika sa daigdig. Ang unang wika na
natutunan ng isang bata ay ang kanyang
nakagisnang wika. Ito ang wika na siya niyang
napakinggan mula kapanganakan. Anumang iba
pang wika na natutunan o natamo ay ang kanyang
ikalawang wika.

L2
Ang kahulugan ng ‘akwisisyon ng ikalawang wika’
ay nagaganap kapag ang nakagisnang wika ay
ganap nang nagagamit at naiintindihan ng isang
bata. Ang akwisisyon ng ikalawang wika ay isang
proseso ng pagkatuto ng iba pang wika maliban sa
kanyang nakagisnang wika.
Linggwistikong komunidad
Tumutukoy sa iba’t ibang bahagi ng lipunan na may
mga magkakaibang paraan ng paggamit ng salita
at wika.

Tatlong mahahalagang kaisipan ang nakapaloob


sa linggwistikong komunidad:
(a)May isang wika ang komunidad at ang wika ay
magkakatulad sa paraan ng paggamit (unitary)
(b) Maaaring may magkakatulad na wika ang
komunidad ngunit ngunit iba- iba ang paraan
ng paggamit (common)
(c) Hindi magkakatulad ang wika sa komunidad at
hindi nagkakasundo sa paggamit (diverse)
Ang komunidad ay tumutukoy sa
mga pangkat etniko, sosyal,
edukasyonal, relihiyon at iba pa na
gumagamit ng wika ayon sa kani-
kanilang konteksto at
pangangailangan.

Mayroon silang estilong sarili sa


pagpapahayag at sa paggamit ng
mga salitang ito ay napabibilis ang
kanilang unawaan.
Pag- ibahin
Wika at Diyalekto
Sosyolek at Idyolek
Pidgin at Creole
Punto at Rehistro
Speech Community at Communicative
Competence
L1 at L2
TALKING CHIPS
Gawin:
Bahasin ang “Ang papel ng wikang
pambansa…” ni Lydia Liwanag p. 11
- 14
• Bumili ng puntos gamit ang talking chips.
Sa pagbili ng puntos, kailangang talakayin
ang salitang mababasa sa screen. (2
puntos ang halaga ng bawat chip)
Barayti ng wika
Permanenteng barayti
Idyolek
Sosyolinggwistikang teorya
Lexical borrowing
Heteregenous na wika
Code Switching
Deficit – Hypothesis
Teoryang Akomodasyon
Linguistic Convergence
Linguistic Divergence
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
mahusay na pang- unawa sa mga barayti /
baryasyon ng wika?
MARAMING
SALAMAT!!!
Laniesagabaen26

You might also like