You are on page 1of 3

Usaping Wika sa Iba’t Ibang Konteksto

Wika: ang pangunahing tulay sa komunikasyon. Isang instrumentong ginagamit ng mga


tao sa pakikipag-ugnay sa iba pang tao, sa pagkontrol o paggabay ng ugali, pagbibigay ng
direksyon, pagpapahayag sa sari-sariling damdamin, emosyon o opinyon, at paglaganap ng
impormasyon [ CITATION Hal77 \l 1033 ]. Ang wika ay ang kapangyarihan, lakas, at simbolo ng
nasyonalismo sa isang bansa. Ito ang isa sa pangunahing representasyon sa isang bansa. Ito ang
nagbubuklod sa sangkatauhan, ang daan sa pagitan ng isip at puso ng bawat isa. Napakalaki ng
sakop ng wika sa buhay ng isang tao. Maaaring ito ay sa kaniyang pag-aaral, sa kaniyang mga
emosyon, sa pang araw-araw na pakikipag-usap, o hindi kaya sa pagsusulat. Ang wika ay
masasabing pundasyon ng isang bansa. Napakalalim ng kasaysayan na nasa likod ng isang bansa,
at ang kabuuan nito ay maiuugat lahat sa wika.

Ang wika ay ang pagkakakilanlan ng isang bansa. Isang salamin kung maituturing para sa
mga mamamayan nito. Kung wala ito, hindi natin magagawang makipag-usap sa kahit sino.
Ginagamit natin ito upang maipahayag nang malaya ang lahat ng ating ideya at mga saloobin. Isa
pang malaking kahalagahan ng wika ay ang paggamit nito sa pamahalaan. Ang mga batas ay
nakasulat at nailimbag nang dahil sa wika. Kung wala ang wika, wala tayong magiging basehan
ng mga tama at mali. Ang wika rin ay isa sa nagbibigay kasiyahan sa mga tao. Ginagamit ito ng
iba bilang ekspresyon o isang anyo ng sining [ CITATION Pin18 \l 1033 ].

Magkasabay ang pagbabago ng henerasyon at wika. Habang patuloy na dumadaan ang


mga henerasyon, nadadagdagan ang mga barayti ng wika. Umuusbong ang iba’t ibang
lenggwahe mula sa iba’t ibang komunidad. Isa na rito ang “Beki Language,” o isang barayti ng
wika na ginagamit ng mga gays mula sa Lesbian, Gay, Bisexual and Trans Community (LGBT)
[ CITATION Qui16 \l 1033 ]. Kahit ang mga hindi kasapi ng komunidad na ito ay
naiimpluwensyahan. Patunay na rito ang malawak na paggamit ng mga kabataan sa mga salitang
“bes,” “chipipay,” at “charot” sa kanilang pang araw-araw na pagsasalita. Malaking parte ang
paggamit ng social media platforms sa paglaganap ng mga barayti ng wika. Dahil sa iba’t ibang
influencers na kasapi ng LGBT community, madaling lumalaganap ang paggamit ng wikang ito
sa iba’t ibang social media platforms katulad ng Twitter at Facebook.

Naging tulay na sa komunikasyon ang social media sa pang araw-araw na buhay ng mga
Filipino. Higit pa rito, ang social media rin ang pangunahing instrumento na ginagamit ng mga
mag-aaral ngayon para sa iba’t ibang tuntunin ng kanilang pag-aaral. Sa madaling salita, ang
teknolohiya ay nagbubukas ng mga bagong paraan sa paglaganap ng wika sa mundong
kinakatawan. Ngunit ano nga ba ang epekto ng labis na pagkasangkot ng social media sa araw-
araw nating pakikisalamuha? Dulot ng mabilis na pag-usbong ng teknolohiya, nababago nito
nang paunti-unti ang ating wika. Maaaring makita ito sa maliit na pagkakamali ng pagbabaybay
sa mga salita dahil sa kawalan ng gana ng mga tao na isulat o itype ang mga salitang ito nang
buo. Ang salitang “nang” ay nabababaybay bilang “ng” at nagdudulot ng kalituhan sa mga
kabataan kung may pagkakaiba ba o wala ang dalawang nabanggit na salita. Unti-unti ring
nahahaluan ang ating wika ng iba pang wika tulad na lamang ng Ingles. Patunay na rito ang
malawak na paggamit ng “Conyo” language ng mga kabataan na isa sa mga unang katangian ay
ang pagsingit ng mga salitang Ingles sa pagsasalita sa wikang Filipino. Ayon sa isang case study
nila Carillo [ CITATION Pat19 \l 1033 ], 39 na estudyante mula sa 98 na tumugon sa kanilang
pagsusulit ang may palagay na may negatibong epekto ang social media sa pagbabago ng wikang
Filipino. Ayon sa kanila, mas nasasanay daw silang magtype sa wikang Ingles sa halip na
Filipino dahil ito raw ay mas tinatangkilik o ito raw ang nasa uso. Patuloy na nadadagdagan ng
mga salitang balbal ang wikang Filipino at mas lalong lumalaki ang culture gap sa pagitan ng
mga pala-gamit ng social media at sa mga taong hindi ganoon gumagamit nito. Bagama’t
maraming negatibong epekto ang social media sa wika, marami rin ang sumagot na nagagamit
nila ito upang makipag-usap sa mga malalayong kamag-anak o kaibigan. Naniniwala ang ilan na
mas nagiging bihasa sila sa pagsasalita sa wikang Filipino dahil sa kalayaang maipahayag ang
kanilang saloobin sa social media [ CITATION Pat19 \l 1033 ].

Isa pang pagbabagong namamasdan ngayon ng mga nakakatanda tungkol sa wika ay ang
labis na paggamit ng mga akronim sa pakikipag-text. Patuloy na nadadagdagan ng mga bagong
salita at mga akronim ang wikang Filipino. Halimbawa na lang dito ang “ganern,” na balbal na
baryasyon ng salitang “ganoon.” Isa pa ang “BTW,” na akronim para sa “by the way” [ CITATION
Car17 \l 1033 ].

Makikita rito na Ingles ang pangunahing wikang humahalo sa wikang Filipino. Kaugnay
nito, nagkakaroon ng superiority complex ang mga marunong magsalita ng Ingles dahil sa
mentalidad na mas matalino ang isang tao kung mataas ang dunong niya sa pagsasalita ng
wikang Ingles. Nagsimula ito nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, lumaganap na ang
paggamit ng Ingles sa bawat aspeto ng buhay ng mga Pilipino. Ingles ang naging pangunahing
midyum ng pagtuturo sa mga paaralan [ CITATION Pet14 \l 1033 ]. Nagbunga ito sa pagkakaroon
ng mataas na pagtingin ng mga tao sa wikang Ingles dahil naikabit sa nabanggit na wika ang
konsepto ng tagumpay o pagiging bihasa o matalino.

Sa katunayan, bumaba ang average score ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino


habang tumaas ang sa asignaturang Ingles para sa National Achievement Test (NAT) noong taong
2011 at 2012 [ CITATION Ban15 \l 1033 ]. Mahihinuha sa datos na ito na mas natutuunan ng
pansin ang pagtuturo ng Ingles kaysa Filipino bagama’t ang nauna ay hiram na wika lamang.
Ebidensya ito ng mentalidad na Ingles ang nakatataas ng wika sapagkat mas tinutukan ang pag-
aaral sa wikang Ingles sa mga paaralan.
“Araw-araw na nagbabago ang buhay na wika at ang pagbabago ay isang katotohanang
kailangang tanggapin,” giit ni National Artist for Literature na si Virgilio Almario [ CITATION
Car17 \l 1033 ]. Hindi maiiwasan ang pagbabago sa ating wika lalo na sa panahon ngayon.
Ngunit, ang esensya ng nasyonalismo at ating pagpapahalaga sa wika ay hindi dapat mawala.
Masanay man sa Ingles, sa conyo o sa kahit anong lengguwahe o barayti ng wika, hindi dapat
makaligtaan ang sariling wika. Ang wikang pambansa ay ang bumubuo sa pagkakakilanlan ng
isang bansa. Ito ang ugat ng bawat pangyayari sa kasaysayan. Ito ang salamin ng mamamayan,
ang instrumento sa pakikipagsalamuha sa lahat. Wika ang sanhi ng bawat bunga sa iba’t ibang
aspeto ng buhay: pamahalaan, edukasyon, kasaysayan, pakikisalamuha, at iba pa.

Sanggunian:
Halliday, M.A.K. "Explorations in the Functions of Language ." Halliday, M.A.K. M.A.K.
Explorations in the Functions of Language. . Vol. 34. New York: Elsevier North Holland,
Inc, 1977. 921-921.
Pinoy Newbie. "Pinoy Newbie." 29 Abril 2018. Kahalagahan ng Wika. 17 Hulyo 2020.
<https://www.pinoynewbie.com/kahalagahan-ng-wika/>.
Pati, Eunice Camille. Epekto ng Paggamit ng Social Media sa Paggamit ng Wika. 2019.
Quijote, J.R., et al. "WordPress." 8 November 2016. Ang Wikang Filipino sa Makabagong
Panahon. 18 Hulyo 2020. <https://vjntwika16.wordpress.com/2016/11/08/ang-wikang-
filipino-sa-makabagong-panahon-isang-pananaliksik/>.
Cariño, Jorge. "ABS-CBN News." 8 Agostp 2017. Tama ba ang mga pagbabago sa wikang
Filipino? 18 Hulyo 2020. <https://news.abs-cbn.com/life/08/08/17/tama-ba-ang-mga-
pagbabago-sa-wikang-filipino>.
Petras, Jayson. "Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas at ang
Implikasyon nito sa Filipino bilang Wikang Pambansa: Panimulang Pagtalakay sa
Sikolohikal na Aspekto sa Pagpaplanong Pangwika." MALAY 26.2 (2014): 1.
Banzon, et al. "Salasabid na Dila." 28 Hulyo 2015. Ang Estado ng Wikang Filipino. Ed. Nicolas
Completo Gaba. 18 Hulyo 2020. <http://salasalabidnadila.blogspot.com/2015/07/ang-
estado-ng-wikang-filipino.html>.

You might also like