You are on page 1of 19

Kasaysayan ng

Linggwistika

Ulat ni: Karlmarx Siganay


Panahon ng kalayaan
 Nagsimula ang panahong ito matapos ang ikalawang digmaang
pandaigdig, nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946.

 Ayon kay Constantino dumami ng dumami ang pagsusuri sa mga


wika ng Pilipinas.

 At ang pag-unlad ng agham wika sa Pilipinas ay naimpluwensiyahan


ng tatlong mahahalagang pangyayari.
Tatlong Pangyayari
1. Pagtatatag ng Summer Institute of Linguistic sa Pilipinas noong 1953.

2. Paggamit ng makalinggwistikang pamamaraan sa pagtuturo ng


Ingles sa mga Pilipino.

3. Ang gradwal na pagdami ng mga linggwistikang Pilipino.


Unang Pangkat
Mga nagsipagtapos sa mga unibersidad ng Estados Unidos at ng
Canada

 Constantino at Casambre ng UP
 Sibayan at Otanes ng PSC
 Gonzales ng De La Salle
 Llamzon at Pascasio ng Ateneo
 Natividad ng DEC
Ikalawang Pangkat
Mga nagsipagtapos sa Pilipinas. Sa Ateneo- PNC Consortium for a
Ph.D in Linguistics.
WALONG NAKAPAGTAPOS
 Ma. Lourdes Bautista
 Elvira Vergara
 Gloria Chan-Yap
 Rosa Soberano
 Sis. Marian Isabelita Riego de Dios
 Casilda Luzares
 Teresita Rafael at
 Emma S. Castillo
 Ang Pilipinas ang nagiging laboratoryo o larangan ng mga dayuhan,
at karamihan dito ay mga Amerikano.

 Sa kasalukuyan ang pag-aaral sa wika ng Pilipinas ay masasabing


isinasagawa ng mga iba't ibang pangkat ng mga linggwistika.
Mga Pangkat
 Summer Institute of Linguistics

 Departamento ng mga Wikang Oryental at Linggwistika sa


Unibersidad ng Pilipinas

 Language Study Center


Summer Institute of
Linguistic
 Pinakamalaki at pinakamalaganap na sangay ng Pilipinas.

 Higit na pinag-uukolang pansin ang mga di-laganap na wika.

 Isinasalin sa mga wikang ito ang Bibliya at mga babashing


panrelihiyon.

 Isang halimbawa ay ang pag-aaral na isinagawa ni McKaughan


Overt Relation Markers in Maranao.
Departamento ng mga Wikang Oryental
at Linggwistika sa Unibersidad ng
Pilipinas
 Ang pangkat na ito ang maituturing na pinakamatandang pangkat.
 Itinatag noong 1923 upang magsagawa ng iba’t ibang pagsusuri sa iba’t
ibang wika sa kapuluan.
 Sa loob ng huling limang taon- ang pagtitipon ng mga datos leksikal at
gramatikal mula sa lahat ng wika at wikain sa kapuluan upang gamitin sa
pahambing na pagsusuri sa ponolohiya at sintaksis ng nasabing mga
wika.
 Ayon kay Constantino Hindi kukulangin sa 2,000 pangungusap na
naglalarawan sa hulwarang morposintaktikal at mahigit 4,000 salitang-
ugat ang natitipon na mula sa 300 mga wika at wikaing sinusuri.
Language Study Center
 Ang Language Study Center ng PNC ay nagsasagawa ng mga
pagsusuring wika upang i-angkop sa pagtuturo ng wika.

 Taon-taon ay nagpapadala ang UCLA ng mga linggwistika upang


tumulong sa proyekto ng LSC.

 Nag-anyaya din ang LSC ng mga kilalang linggwistika.


Mga pinadala ng UCLA
 Dr. TOMMY Ray Anderson

 Dr. Richard Tucker

 Dr. Henry Feenstra

 Dr. Robert Gardner


Mga inanyayahan ng LSC
 Isidor Dyen
 Eugene Nida
 Howard McKaugan
 Clifford Prator
 Donald J. Bowen at iba pa

 Ito ay upang magbigay ng panayam sa mga mag-aaral at guro sa


linggwistika.
Language Study Center

 Nagpadala ang LSC ng mga linggwistika sa Estados Unidos at


Canada upang magpakadalubhasa sa aghamwika.

 Ang LSC ay isa sa pinakamayamang aklatan sa aklat ng


panlinggwistika sa boung kapuluan.
 Ang mga pananaliksik-wika sa iba’t ibang wika sa Pilipinas ay
mapapansing isinagawa hindi lamang ng mga linggwista sa
Pilipinas kundi gayon din ng mag linggwista at mag-aaral sa mga
Unibersidad Ng Amerika tulad ng Unibersidad ng Yale, Unibersidad
ng Machingan, Unibersidad ng California Sa Los Angeles, at
Unibersidad ng Hawaii.

 Masasabi rin na ang mga pag-aaral ng mga linggwistika ay nauuri


sa tatlo
Tatlong uri
1. Pag-aaral ukol sa pagkaklasipika ng mga wika sa Pilipinas

2. Mga pagsusuring Historikal

3. Mga pagsusuring paglarawan.


 Iilan lamang ang nagsagawa ng pananaliksik sa histotikal.

 Itinuturing na pinakakilala si Dyen ng Unibersidad ng Yale na


nakapaglathala ng isang monograp at maraming artikulo tungkol sa
rekonstruksyon ng ilang ponema at salita sa Proto-Austronesian na
tinatawag na Proto-Malayo-Polinesian.
Mga modelo sa
paglalarawang wika
TATLONG MODELONG NANGIBABAW
 Modelong ginamit ni Bloomfield sa paglalarawan ng Tagalog at
Ilocano.
 Tagmemic Model na nilinang ni Kennrth L. Pike at siyang
karaniwang ginagamit ng mga linggwista ng SIL.
 Transformational –generative model ni Chomsky na higit na
pinaniniwalaan ng mga linggwista sa UCLA at sa UP ( Constantino
1973)
Constantino
 Sumulat noong 1955 tungkol sa padron ng pangungusap sa
dalawanpu’t anim na wika sa Pilipinas, kasama roon ang walong
pangunahin
 Inilahad ang ang nasabing artikulo ang ‘Immediate Constituent’ ( IC
) analysis na sinundan ng ‘transformational-generative analysis’ ng
mga pangungusap sa mga wika.
 Pinangkat ang mga pangungusap na predikatbio ayon sa kanilang
balangkas ng kanilang mga IC sa tatlong uri: definite, indefinite, at
situational.
Robert Stockwell ( 1957 ) at
Teodoro Llamzon( 1966)

 Sa dalawang pag-aaral kinilala ng mga awtor ang pagkakaiba ng


poneman /e/ at /i/ gayundin ang /o/ at /u/ sa Tagalog, gayundin
ang mga klaster at padron ng intonasyon ng Tagalog

You might also like