You are on page 1of 23

COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

KABANATA 1

MGA WIKA NG PILIPINAS:


SANLIGANG KAALAMAN

A. PANIMULA

“Ang wika ay parang tubig. Ang hugis ng tubig ay kung ano ang hugis ng sisidlan. Ang sisidlan ng
wika ay bayantaumbayan… (Jose Villa Panganiban)

Dahil dito, ang wika ang pinakamalinaw at pinakamahusay magbigay ng himaton sa kung ano ang
partikular na pananaw ng tao sa daigdig na kanyang ginagalawan. Kaya’t ang mga wika sa Pilipinas, tulad
ng Filipino, Tagalog, Ilocano, Pangasinan, Creole Spanish, at Filipino English ay salamin ng mabilis na
pagdami ng mga masisigla, kalugud-lugod, subalit mabuway, balot ng tuntunin, di-pasusupil at di-malirip
na mga taong nagsasalita nito.

B. ANG WIKANG PAMBANSANG “FILIPINO”

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Sa Konstitusyon ng 1935, iniatang sa Kongreso


ang mabigat na pananagutan ng paglinang sa isang pambansang wikang panlahat batay sa isa sa mga
katutubong wika. Ang pagkapili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay bunga ng mga pag-
aaral at masusing pananaliksik ng mga kagawad ng unang Surian ng Wikang Pambansa (ngayon ay may
taguring Komisyon sa Wikang Filipino) na hinirang ng Pangulong Quezon sa bisa ng Batas ng Komonwelt
Bilang 184 na pinagtibay noong 1936 alinsunod sa itinadhana ng Konstitusyon. Napatunayan nila na ang
wikang ito ang may pinakamaunlad na kayarian, mekanismo at literatura, at tinatanggap at ginagamit ng
nakararaming Pilipino. Kaya’t sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap ay ipinahayag ni
Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog noong 1939. May kahabaan
kaya’t pinaigsi ito sa Wikang Pambansang Pilipino, dakong 1946, at Wikang Pilipino, dakong 1951. Noong
1959, ang Kalihim ng Edukasyon ay nagbatas na Pilipino ang katawagang gamitin, kahalintulad ng tawag
sa Español para sa Espanya, Ingles sa Inglatera, Aleman para sa Alemanya, atb., upang magkaroon tayo
ng isang malinaw na tatak ng sariling pagkalahi. Dahil dito, tayo ay tinawag na Pilipino at hindi Kastila,
Intsik o Amerikano.

Sa Konstitusyon ng 1973, ang pananagutan ng paglinang sa wikang pambansa ay ipinaubaya rin


sa Pambansang Kapulungan, lamang, sa pagkakataong ito, ang pambansang wikang panlahat na
kikilalanin sa tawag na “Filipino” ay inaasahan at minamarapat na mahango sa mga katutubong wika at
diyalekto ng bansa. Inisip ng mga tagapagbalangkas ng Konstitusyon ng 1973 ang isang pambansang
wikang hindi papanig sa anuman o alinmang etniko-linggwistikal na grupo. Ang kaisipang “pantay-pantay
na pagkatawan” sa paglinang ng isang pambansang wika ay hindi matatawaran. Gayunpaman, marami
ang nagpahayag ng pagpuna sa ganitong demokratikong pamamaraan ng pagsasaayos. Nagtaka sila
kung paano mabubuo ang isang pambansang wikang ang magsisilbing sabay-sabay na batayan ay ang
lahat ng umiiral na wika at diyalekto sa Pilipinas. Paano na nga kaya ang mangyayari kung bilang
mahigpitang pagsunod sa demokratikong pagkatawan, ang bawat isang kasapi ng Surian ng Wikang
Pambansa ay ipilit na ipasama ang lahat ng ponema at sintaks ng wikang kanyang kinakatawan? At
ipagpalagay nang silang lahat ay magkasundong ganoon na nga kanilang gawin, ang wika kayang mabuo
sa katapusan, na tatawaging “Filipino” ay madaling mauunawaan ng nakararami?
Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

Ang panaginip na wikang “Filipino” na itinakda ng Konstitusyon ng 1973 ay isang konseptwal na


wika na nanatiling gayon lamang sa “loob ng humigit-kumulang sa labintatlong taon (1973-1986). Hindi
naipatupad ang atas ng Konstitusyon dahil sa kalabuan at kaguluhan ng mga teorya, sa pagiging
impraktikal nito at sa mga baligho at katawa-tawang lumiligid na paniniwala. Subalit sa pamamagitan ng
Bagong Konstitusyon ng 1987, nilinaw at tiniyak na mayroon tayong wikang pambansa at ito ay ang
Filipino, na ang nukleo ay Pilipino na isang wikang umiiral, buhay, ginagamit na at may literatura at
gramatika, patuloy na lamang lilinangin at payayamanin batay sa mga umiiral na iba pang mga wika at
wikain ng Pilipinas.

Ang pagkamakatuwiran ng pagiging nukleo ng Pilipino sa bagong Wikang Pambansang Filipino


(ayon sa katitikan ng pulong ng ‘Committee on Human Resources’) ay batay sa katotohanang ito pa rin
ang wikang higit na maraming mamamayan ang gumagamit; wika ng pulitika, ng kalakalan, ng mga
kilusang sosyal at ng edukasyon; wikang higit na may maunlad na literatura, gramatika at mekanismo; at
wikang higit na may potensyal na maging wikang panlahat.

C. ANG MGA WIKANG OPISYAL NG PILIPINAS

Dalawa ang kinikilalang opisyal na wika para sa komunikasyon at pagtuturo: Filipino, at hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas, English.

Alinsunod sa mga tadhana ng Saligang-Batas ng 1987, inilunsad ang bagong patakararang


edukasyong bilinggwal. Ang edukasyong bilinggwal ay binigyan ng katuturang magkahiwalay na paggamit
ng Filipino at English bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura mula sa elementarya hanggang
antas tersyaryo, sa pasubaling gagamitin ang wika ng pook sa Baitang I at II bilang pantulong na wikang
panturo para sa ikadadali ng pagkatuto ng Filipino. Ang Filipino ay ginagamit na panturo sa asignaturang
Araling Panlipunan, Edukasyong Pagpapahalaga, Sining, Musika, Edukasyong Panggawain, Edukasyong
Pangkalusugan at Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan. Ang English ay ginagamit sa mga
asignaturang pansiyensya, pangmatematika at panteknolohiya.

Ang bagong patakarang edukasyong bilinggwal ng 1987 ay hango sa Kautusang Pangkagawaran


bilang 25, serye 1974 ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, na nagpapatupad sa unang patakarang
edukasyong bilinggwal mula pa noong taong panuruan 1974-1975 hanggang sa kasalukuyan. Ang layunin
ng patakarang ito ay makalinang ng mga mamamayang may kakayahang magsalita ng dalawang wika:
Filipino, para sa ating pambansang pangangailangan-buklod ng pagkakaisa at tatak ng kaangkinang
pambansa; at Ingles, para sa ating pakikipagtalastasang pandaigdig. Pagkaraan ng higit kumulang sa
sampung taong pagpapatupad, naging mabilis ang pag-unlad ng Filipino. Bilang katunayan, sa senso ng
1980, 77% ng populasyon ng bansa, mula anim na taon pataas ang gulang, ang nakakaunawa at
gumagamit ng Filipino. Ang nakapagsasalita naman ng English ay may 64.5%. Dahil sa mabilis na pag-
unlad ng Filipino, tinaya ni Andrew Gonzalez sa taong 2000, 97.1% ng populasyon ng bansa ang gagamit
ng Filipino. Sa kaniyang pagtataya, ginamit ni Gonzalez ang resulta ng mga senso ng 1939, 1948, 1960 at
1970 at ang pagtataya ng ‘National Census Statistics Office’ (NCSO) tungkol sa populasyon ng Pilipinas
sa taong 1970-2000.
Ang pagsibad ng Filipino pataas ay isang natural na galaw. May batas na sarili ang wika, batas na
tinatangkilik ng bayan. Karaniwan, ang batas ay itinatadhana ng pangangailangan ng mga likas na
kalagayan ng heograpiya, edukasyon, pulitikat at iba pang salik ng buhay pambansa.

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

Ang mga puwersang ito ng pambansang katotohanan ang siyang nagpapatatag sa Filipino. Ito ang
wika ng midya, ng mga komiks, ng teatro, telebisyon at pelikula. Dahil sa ang karaniwang kaalaman
naman sa English ay lubhang napakababaw, sa komunikasyon ng taumbayan, may isa silang wikang
ginagamit, at karaniwan, ang wikang ito ay ang wikang opisyal na ginagamit sa mga lugar na tulad ng
Maynila na siyang pinakasentrong buhay pambansa.

D. ANG MGA WIKANG KATUTUBO

Ang mga wikang katutubo sa Pilipinas ay saklaw ng isa sa mga angkan ng wika ng daigdig, ang
Austronesyo o Malayo-Polinesyo. Ito’y nahahati sa tatlong ka-angkan: Indonesyo, Polinesyo at
Melanesyo. Ang Indonesyo ay nagsanga sa dalawa: Malayo Habanes at Tagala. Sa sangay ng Tagala
umusbong ang may 300 wika at diyalekto sa Pilipinas; ang Chamorro sa Pulong Marianas at Palau;
Pormoso sa Formosa; Malagasi sa Madagascar; Cham-Selung sa Cambodia, Peninsulang Malay at
arkipelagong Mergui. Dahil sa katotohanang ito, napakaraming salitang Filipino na buhat sa iba-t ibang
wika at diyalekto ng Pilipinas ang nagkakatulad at nagkakahawig.

Sa 300 na wika at diyalekto, walong wika ang pangunahin sapagkat ang mga taong nagsasalita
ng mga ito bilang unang wika ay kumakatawan sa mahigit na 85% ng populasyon ng Pilipinas. Ang mga
ito ay Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Bicol, Pampango, Pangasinan at Ilocano.

Ang Tagalog ang may pinakamaraming bilang ng nagsasalita, kung wikang ginagamit sa tahanan ang
pag-uusapan.
Ito ang wika ng Metro Manila at mga lalawigan ng Bataan, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Mindoro,
Marinduque, Nueva Ecija, Quezon, Rizal at Tarlac.Sa mga pook na hindi ito ang katutubo, ginagamit ito
bilang lingua franca, gaya sa mga Lungsod ng Baguio, Dagupan, Naga, Legaspi, Tacloban at Ilolo. Kilala
rin ito sa tawag na ‘Tagal’, ‘Tagalo’, at ‘Tagala’ noong unang panahon.

Ang Cebuano ang pumapangalawa sa Tagalog kung wikang ginagamit sa tahanan ang pag-
uusapan. Ngunit nakalalamang ito nang kaunti sa Tagalog kung ang pag-uusapan ay unang wikang
natutuhan. Nagpapatunay lamang ito na maraming hindi Tagalog ang marunong ng Wikang Filipino. Ang
Cebuano na kilala rin sa tawag na ‘Cebu’, ‘Sebuano’, ‘Sugbuanon’, ‘Sugbuano’ at ‘Sibuhanon’ ay
ginagamit sa Cebu, Agusan, Bohol, Bukidnon, Davao, Lanao del Norte, Surigao, Negros Oriental, Misamis
Oriental, Misamis Occidental, Leyte, Zamboanga del Sur at ilang bayan ng Cotabato.

Ang Hiligaynon ay wikang ginagamit sa Iloilo, Capiz, Negros Occidental, Romblon, at ilang bahagi
ng Cotabato at Mindoro. Kilala rin ito sa tawag na ‘Ilongo’, ‘Hiligayna’ at ‘Panayan’ kasama na ang
‘Aklanon’ at ‘Kiniray-a’.

Ang Samar-Leyte ay lalong kilala sa tawag na ‘Waray’ at sinasalita sa Samar at Leyte. Tinatawag
din itong ‘Leytean’ at ‘Samaron’.

Ang Bicol na kilalarin sa baybay na ‘Bikol’ o ‘Vicol’ ay wika ng Bicol Peninsula na kumakatawan sa
Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon at Catanduanes. Sinasalita rin ito sa ilang bayan ng
Masbate.

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

Ang Pampango ay ginagamit sa lalawigan ng Pampanga at ilang bayan ng Tarlac, gayan ng Bamban,
Capas,
Concepcion at Tarlac, at ilang bayan ng Bataan tulad ng Dinalupihan at Hermosa. Kilala rin ito sa tawag
na ‘Kapampangan’, ‘Pampanga,’ at ‘Pampangan.’

Ang Pangasinan ay sinasalita sa mga lalawigan ng Gitnang Pangasinan at lungsod ng San Carlos
at Dagupan. Ang mga taong nagsasalita nito ay kumakatawan sa 2.3% ng populasyon ng Pilipinas.

Ang Ilocano naman ay wika ng Hilagang Luzon. Kabilang ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La union,
Abra at Mountain Provinces. Sinasalita rin ito sa Tarlac, Pangasinan, Nueva Viscaya, Cagayan, Zambales
at ilang bayan ng Mindoro at Cotabato dahil sa pandarayuhan ng mga Ilocano. Kinakatawan nito ang
11.3% ng populasyon at kilala rin sa tawag na ‘Ilukano’, ‘Ilokan’,
‘Iloko,’ o ‘Iloco.’

KABANATA 2

MGA LAYUNIN NG EDUKASYON


AT PAGTUTURO

MGA LAYUNIN NG EDUKASYON

Ang mga simulain, pananalig at mithiin ng isang bansa ay nasasalamin sa sistema at mga layunin ng
edukasyon. Ang mga layunin ng pagtuturo ay nakasalalay din sa mga layunin ng edukasyon na makikita
sa mga sumusunod na batayan:

A. Mga Layunin ng Edukasyon Ayon sa Konstitusyon

Ang pinakapangunahing basihan ng mga nilalaman ng kurikulum at mga layunin ng pagtuturo ay


ang mga probisyong pang-edukasyon sa Bagong Konstitusyon 1987 na matatagpuan sa Artikulo XIV,
Seksyon 3, Bilang 2. Sa mga tanging bahagi ay ganito ang isinasaad:

Ang lahat ng institusyong edukasyunal ay dapat na:


1.ikintal ang patriotismo at nasyunalismo;
2.ihasik ang pag-ibig na pangkatauhan, paggalang sa karapatang pantao, at pagpapahalaga sa mga
ginampanan ng mga pambansang bayani sa makasaysayang pagbuo ng ating bansa;
3.ituro ang mga karapatan at tungkuling pagkamamamayan;
4.patatagin ang mga pagpapahalagang etikal at ispiritwal;
5.linangin ang karakter na moral at disiplina sa sarili;
6.pasiglahin ang mapanuri at malikhaing pag-iisip;
7.palawakin ang kaalamang pansiyensya at panteknolohiya; at
Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

8.itaguyod ang kakayahang bokasyunal.

B. Mga Layunin ng Edukasyong Elementarya

Ang edukasyong elementarya ay naglalayong malinang ang ispiritwal, moral, sosyal, emosyunal,
mental at pisikal na mga kakayahan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagdudulot ng mga karanasang

kailangan sa demokratikong pamumuhay para sa isang matalino, makabayan, makatwiran at kapaki-


pakinabang na pamamamayan, tulad ng mga sumusunod:

1.Pagkikintal ng mga pagpapahalagang ispiritwal at sibiko at paglinang ng isang mabuting mamamayang


Pilipino na may pananalig sa Diyos at may pagmamahal sa kapwa tao.
2.Pagsasanay sa mga kabataan sa kanilang mga karapatan, tungkulin at pananagutan sa isang lipunang
demokatiko para sa isang aktibong pakikilahok sa isang maunlad at kapaki-pakinabang na buhay
pantahanan at pampamayanan.
3.Paglinang ng pangunahing pang-unawa sa kulturang Pilipino, mga kanais-nais na tradisyon at gawi ng
ating mga ninuno at kabutihan ng mga mamamayan na pangunahing kailangan sa pagkakamit ng
pambansang kamalayan at kaisahan.
4.Pagtuturo ng mga batayang kaalamang pangkalusugan at paglinang ng mga kanais-nais na gawi at
ugaling pangkalusugan.
5.Paglinang ng karunungan sa bernakular, Filipino at Ingles upang maging kasangkapan sa patuloy na
pagkatuto.
6.Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman, saloobin, kasanayan at kakayahan sa Siyensiya, Araling
Panlipunan, Matematika, Sining at Edukasyong Panggawain at mga matalinong paggamit ng mga ito sa
angkop na sitwasyon ng buhay.

C. Mga Layunin ng Edukasyong Sekundarya

Bukod sa pagpapatuloy at pagpapalawak pa sa mga layunin ng edukasyong pang-elementarya,


ang Komisyon ng Reorganisasyon ng Edukasyong Sekundarya ay bumuo ng dalawang batayang layunin
para sa sekundarya. Ito ay ang mga sumusunod:

1.Sanayin ang mga mamamayan sa pakikilahok sa mga gawain ng isang nagsasariling pamahalaan.
2.Maghandog ng kailangang saligan upang magkaroon ng mga mamamayang handang manirahan bilang
indibidwal at bilang mabuting kasapi ng kinaaanibang pangkat sa ilalim ng isang demokrasya.

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

Para sa ikatutupad ng mga nasabing layunin, ang edukasyong sekundarya ay magdudulot ng mga
kaalaman, kasanayan at kakayahan, at wastong saloobin at pananaw sa pitong aspeto ng pamumuhay na
lalong kilala sa tawag na, “Pitong Kardinal na Layunin ng Edukasyon.” Ang mga ito ay ang mga
sumusunod:

1.Kalusugan
2.Kakayahan sa mga saligang pamaraan
3.Bokasyon o hanapbuhay
4.Kapaki-pakinabang na kasapi sa angkan o pamilya
5.Pagkamamamayan
6.Kapaki-pakinabang sa paggamit ng labing panahon
7.Kabutihang asal

D. Mga Layunin ng Pagtuturo

Ang hanguan ng mga layunin ng pagtuturo ay ang mga layunin ng edukasyon sa iba’t ibang
antas: elementarya, sekundarya at tersyarya. Kaya’t anuman ang asignaturang ituturo ng guro, dapat
niyang isaisip ang paglinang sa buong katauhan ng bata na siyang panlahat na layunin ng edukasyon.
Ano ang mga layunin sa pagtuturo? Ang mga ito ay mga tiyak na pagpapahayag ng mga
inaasahang pagbabago sa panig ng mag-aaral. Ang mga pagbabagong inaasahang magaganap sa
katauhan ng bata ay maaaring mapangkat sa tatlong lawak: pangkaisipan o pangkabatiran (cognitive),
pandamdamin (affective), at pampisikal o saykomotor (psychomotor).
Sa pagbuo ng mga layuning pangkatauhan o pangkagawian (behavioral objectives), tandaan ang
mga sumusunod na paalaala:
1.Banggitin ang gawi o gawain ng mag-aaral ayon sa pananaw ng mag-aaral at hindi sa pananaw ng
guro. Ang mga layunin sa pananaw ng guro na nagsisimula sa matutuhan, maunawaan, maikintal,
mapahalagahan, atbp, ay dapat iwasan sapagka’t ang mga ito ay walang sapat na kalinawan sa kung
ano ang dapat gampanan o dapat ipamalas ng mag-aaral. Ang mga salitang tulad ng mapag-uri-uri,
makapagmungkahi, makabuo, mailarawan, atbp, ang higit na mabuti sapagkat ang mga ito ay tahasang
nagsasabi ng tiyak na gagawin ng mag-aaral.

2.Bumuo ng mga layunin sa pamamagitan ng pagbabanggit sa mga tiyak na gawi o gampanin na


maaaring makita, marinig, maisip, maramdaman o maaaring bunga ng pagkaganap, gaya halimbawa
ng: “magunita ang mga karanasang may kinalaman sa nagdaang lindol;” mabigkas ang mga salitang
pares minimal nang malinaw at tumpak;” o kaya’y “maawit ang Lupang Hinirang nang wasto at may
damdamin.”

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

3.Ang pagdaragdag ng mga salitang nagsasaad ng antas o kasidhian ng pagganap tulad ng


“mailarawang ganap,” “ipaliwanag nang lubos,” “mabigkas nang may katamtamang bilis,” ay
nakapagdaragdag ng kalinawan sa layunin.

4.Banggitin ang kaluwagan o kahigpitang ibibigay sa mag-aaral sa pagganap sa gawain.

Halimbawa: “makaguhit ng iba’t ibang anyo ng tatsulok sa tulong ng ruler;” o kaya’y “makaguhit ng iba’t
ibang anyo ng tatsulok nang hindi gagamit ng ruler.”

5.Banggitin ang pinakamababa o pinakamataas na antas ng pagkaganap na maaaring tanggapin o


pahalagahan.

Halimbawa: Pagkatapos ng aralin, 100% ng pananagumpay ng matatalinong mag-aaral, 80% ng


karaniwang mag-aaral at 60% ng mahihinang mag-aaral ang inaasahang:

a) makapagpahayag nang maliwanag ng


_________________________________
b) makapagbigay ng mga katunayan ng
__________________________________
c) atbp.

D. Karaniwang Gamit sa Pagpapahayag ng mga Layunin


(Sa bahaging ito, makikita ang mga mungkahing panimulang parirala na maaaring gamitin sa
paglalahad ng mga layuning pangkatauhan o panggawain.)

1. Pangkabatiran o Pangkaisipan (Cognitive)


a. Mga Layuning Pangkabatiran
(knowledge objectives)
Sa katapusan ng aralin, ang bata ay:
1)nakakikilala ng mga bagay-bagay (data) kaisipan at paglalahat na nauugnay sa ____________
(recalls, recognizes data, concepts and generalizations related to __________)
2)nakahihinuha na _____________
( deduces that _______________ )
3)nasasabi na ang pagkakaiba ng ______________ sa ________________
(distinguishes ________________ from ________________)

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

a.Mga layunin sa pagsisiyasat at


kasanayan (inquiry and skills
objectives) Ang bata’y dapat nang:
1) makapaglarawan at makapaghambing ng _______________
(describe and compare) _______________
2) makapagpaliwanag kung paano _________________
(explain how ________________)
3) makapagpakita ng paraan kung paano _______________
(demonstrate how _______________)
4) makakilala ng pagkakaiba ng ________________ sa ________________
(distinguishes _______________ from _________________)
5) makapagsaalang-alang at makagamit ng __________________
(consider and use _______________)
6) makapagbalak ________________ na
(makapagpanukalang) _______________
(plan carefully _________________)
7) makapagmungkahi ng iba’t ibang paraan ng _________________
(conceive varied ways of __________________)
8) makapagbalangkas nang mabisa’t __________________
(formulate _________________ effective)
9) makapagbigay ng mga katibayan o patunay na __________________
(give evidence or proofs of)
10) makapagtimbang-timbang ng katumpakan ng __________________
(weigh the validity of ________________)
11) makagamit ng iba-ibang __________________
(use a variety of __________________)
12) makahanap, makatipon, makapagpahalaga, makapaglagom at makapag-ulat ng
_______________
(locate, gather, appraise, summarize and report _____________)
13) makabasa nang masusiang kagamitang ___________________
(read _____________ material carefully)
14) makapaghambing, makapagbigay-kahulugan at makapagbuod (compare, interpret and
abstract)
15) makapagpakahulugan (makahinuha) buhat sa mga katibayang nagpapatunay na
________________
(conclude from available supporting evidence that ______________)
16) makapagpahayag nang mabisa ng mga kaisipan sa _________________

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

(express ideas effectively in _________________)


17) makabuo ng mga kagamitan buhat sa ilang mapagkukunang gaya ng (organize material
from several sources as _________________)
18) makapansin (makapuna) ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
(note sequence of events)
19) makapagsiyasat nang masusi ng __________________
(examine critically _______________)
20) maisaalang-alang ang lahat ng panig (bahagi) ng _________________
(consider every aspect of _______________)
21) makagunita ng mga karanasang may kinalaman sa __________________
(recall experiences pertinent to __________________)
22) makapagpahayag nang maliwanag
(state ____________ clearly)
23) makapili ng mga kagamitang may kaugnayan sa __________________
(select materials relevant to __________________)
24) mapag-uri-uri ang ______________ sa ______________
(classify ______________ into _______________)
25) makasuri _______________ (analyze)
26) malaman ang pagkakaiba ng ________________ sa ________________
(differentiate ________________from ________________)
27) makapagpaliwanag na mabuti __________________
(define ______________ clearly)
28) makahinuha ________________ (infer or deduce)
29) makapag-ugnay ng ________________ sa __________________
(correlate _________________ to __________________)
30) makapagsaayos ___________________
(arrange _____________)
31) makatalakay nang may katalinuhan __________________
(discuss intelligently _________________)
32) mapatunayan (makapagpatunay) ___________________
(establish ________________)
33) makahula na ___________________
(predict that __________________)
34) makapagbigay-diin (mabugyang-diin) na
(emphasize that________________)
35) makapagmasid nang masusi

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

(observe ____________ keenly)


36) makatukoy (makabanggit) _________________ (specify _______________)
37) makapagtala nang tumpak ________________ (record accurately ________________)
38) maabot (matamo) _________________ (attain)
39) makapagsiyasat na mabuti ___________________
(examine carefully)
40) makapagtala ng __________________
(list down __________________)
41) Makapagpalaganap (mapalaganap) _________________ (disseminate)

2.Pandamdamin (affective): mga saloobin, pagpapahalaga,


mithiin at kawilihan (attitudes, appreciations, ideals, interest)
Sa katapusan ng yunit, ang bata ay:
1) nakababalikat na ng pananagutan sa
(assumes responsibility for)
2) nakagagamit ng ________________ nang matalino at mabisa
(utilizes _______________ wisely and effectively)
3) nakapagmamasid nang masusi _________________
(observes________________ strictly)
4) nakikinig nang masusi at may layunin
(listen critically and purposively __________________)
5) masigasig nang nakasasali sa __________________
(participate actively in ___________________)
6) nakikibahagi ng _________________ sa ________________
(shares _________________ with ___________________)
7) pumapayag na ___________________ (tolerates _________________)
8) nakakasunod sa _____________________ (complies with _________________)
9) tumatanggap (kumikilala) ____________________
(accept ___________________)
10) nakatatamo ng kasiyahan sa __________________
(finds pleasure in __________________)
11) nakapagpapasiya na nang tumpak (nakabubuo ng tumpak na pasiya)
(forms sound judgement)
12) gumagalang sa (iginagalang ang) _____________________
(venerates __________________)
13) nakapagpipigil ___________________

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

(controls __________________)
14) nakapagtitimbang-timbang ____________________
(equalizes __________________)
15) humahanga sa (hinahangaan ang) _____________________
(admires __________________)
16) nasisiyahan ___________________
(appreciates _________________)
17) nakasusunod (sumusunod) __________________
(follows _________________)
18) naibabagay ang sarili sa ______________________
(adjusts to __________________)
19) nagpapahalaga (nakapagpapahalaga) ____________________
(values ___________________)
20) nagbibigay-kasiyahan (nakapagbibigay-kasiyahan) ____________________ (satisfies
__________________)
21) naninindigan ____________________ (maintains _____________________)
22) nakadadalaw (dumadalaw) _______________________
(visits ______________________)
23) nakapangangalaga _____________________
(conserves _______________________)
24) nakapagbibigay-galang (nagpapakita ng paggalang) sa ___________________
(shows respect for ___________________)
25) nakapagbubunsod ng mga proyektong kapaki-pakinabang
(initiates worthwhile projects)
26) gumugunita ________________
(commemorates__________________)
27) Nakapagpapalakas, nakapagpapatibay ____________________
(intensifies__________________)
28) nakapagpapatalas ng ______________________ (sharpens __________________)
29) nagsisikap na lalo sa ______________________ (exerts more efforts in
_____________________)
30) Nakalilikha (lumilikha) _____________________
(generates ___________________)

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

3.Saykomotor o Pagkakaugnay ng Kaisipan at Kilos


(Psychomotor) Sa katapusan ng yunit, ang bata’y maaari
nang:
1) makayari o makabuo ng _________________
(construct ________________)
2) makagawa (makapagtayo)
(build _________________)
3) makagawa (makahawak) ___________________
(manipulate _____________________)
4) makagamit ng ____________________
(make use of _____________________)
5) makagawa (makaganap) ______________________
(perform _________________)
6) makasukat ____________________ (measure ____________________)
7) makapagpaandar ______________________
(operate ___________________)
8) makahawak ____________________ (handle ____________________)
9) makaganap (makagawa, makatupad) _____________________
(execute ___________________)
10) makapagkabit (makapagdugtung-dugtong, makapag-ugnay-ugnay) _________________
(connect _________________)
11) makapagkabit _____________________ (install _____________________)
12) makapag-eksperimento sa ____________________
(experiment on ___________________)
13) makapagtipon (makapag-ipon, makapagkabit-kabit, makapagbuo) ng ________________
(assemble ____________________)
14) makasipi (makakopya) ___________________
(copy __________________)

E. Ang Nararapat Gawin Upang Makatiyak na ang Layunin ay Natatamo:


Kinakailangang ang mga ito ay “behavioral” kaya’t dapat gamitan ng mga katawagang tiyak, namamasid,
nasusukat at nakakamtan o naaabot.
Narito ang ilang mga salitang kilos na maaaring
gamitin sa iba’t ibang paksang-
aralin: sulat/sumulat (write)
basa/bumasa (read)

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

bigkas/bumigkas (recite) kilalanin


(identify) pag-ibahin (differentiate)
lutasin (solve) bumuo (construct)
magtala (list) mag-utos (order)
sundin/sumunod (obey) isalin
(translate) gawin (make)
tuklasin
(discover)
piliin (pick
out) ilarawan
(describe)
gamitin ang
tuntunin
(apply the
rule) uriin
(classify)
ipakita
(demonstrate
) tawagin
(call out)
sabihin (tell)
pangalanan
(name)
iguhit
(draw)
magdiseny
o (design)
bumalangk
as
(formulate)
gamitin
(use) itayo
(raise)
gunitain/alal
ahanin
(recall)

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

itanong
(ask) hipuin
(touch)
gawin
(perform)
ibigay ang
tuntunin
(state the
rule)
tanggapin
(accept)
bihasanin
(acquaint)
ibagay
(adjust)
suriin
(analyze)
asahan
(anticipate)
ayusin
(arrange)
ipalagay
(assume)

KABANATA 3
ANG BANGHAY NG PAGTUTURO
Ang banghay ng pagtuturo ay ang balangkas ng Gawain ng guro sa araw-araw bilang
patnubay niya sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng pagtuturo para sa ikapagtatamo ng mga
inaasahang bunga.

ANG BALANGKAS NG BANGHAY NG PAGTUTURO


Kalimitan, ang balangkas ng banghay ng pagtuturo ay may apat o limang mahalagang
bahagi (DECS MEMO. Blg. 104, S. 1984). Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Mga Layunin o Inaasahang Bunga
A. Layuning Panlahat
B. Layuning Tiyak
1. Layuning pangkaisipan – kabilang dito ang pangkaalaman, pangkabatiran, pag-
unawa at pagsusuri

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

2. Layuning pandamdamin – kabilang ditto ang mga saloobin, kawilihan, at pagpapahalaga.


3. Layuning pisikal o saykomotor – kabilang ditto ang mga kasanayang ginagamitan ng
kaalaman sa pagbuo ng mga bagay, at pagwasak sa mga kagamitan. Kasama rin ditto ang
pagsulat, pagbasa, at pag-aaral ng kursong panghanap-buhay at pantekniko.
Sa pagsulat ng mga layunin, tiyaking ang mga ito ay ipinahayag ng pangkagawiang kilos
(behavioral terms) at kailngang ang mga ito ay (a) tiyak (b) naoobserbahan o namamasdan (c)
natatmo o nakakamtan, at (d) nakasulat.
(Tignan ang mga paliwanag sa Kabanata II)

II. Paksang-Aralin
A. Paksa
B. Sanggunian: awtor, pamagat, pahina.
C. Mga kagamitang tanaw-dinig (Audio-Visual) – ang ilan sa mga ito at: larawan, tunay na
bagay, papet, mobil, tsart, dayorama, time line, packet tsart, plaskard, sini-sinihan, mapa,
globo, bulitin bord, planel o pelt bord, tak bord, sand table, komik istrip, teyp rekorder,
prodyektor, pilm istrip film showing, atbp.
III. Pamaraan o Istratehiya o Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimula o Paghahanda
Sakop nito ang:
1. Pagganyak
2. Balik-aral
3. Pag-aalis ng sagabal
4. Pagbibigay ng pangganyak na tanong.
(Ang bilang 3 at 4 ay ipinapasok kung ang aralin ay pagbasa).
B. Paglalahad –
Upang maging kawili-wili at epektibo ang paglalahad ng bagong aralin, angb guro
ay kailangang maging malikhain sa paggamit ng iba’t- ibang lunsaran sa
paglalahad tulad ng mga sumusunod:
1. Paglalahad sa pamamagitan ng kwento
2. Paglalahad sa pamamagitan ng dula-dulaan o diyalogo
3. Paglalahad sa pamamagitan ng tula o tugma
4. Paglalahad sa pamamagitan ng balita o pagbabalita
5. Paglalahad sa pamamagitan ng liham
6. Paglalahad sa pamamagitan ng talaarawan
7. Paglalahad sa pamamagitan ng anunsyo
8. Paglalahad sa pamamagitan ng komik istrip
9. Paglalahad sa pamamagitan ng laro
10. Paglalahad sa pamamagitan ng awit
11. Paglalahad sa pamamagitan ng pagtalakay o panayam
C. Pagsasanay – Ang pagbibigay ng sapat na pagsasanay, pasalita o pasulat, ay
kinakailangan upang mapag-ibayo ang pagkatuto ng mga mag-aaral at matamo ang
kasanayan sa gawaing inilahad.
D. Paglalapat o Paglalapit o Paggamit (Application)
Mapapansin na may tatlong sinonimo sa Filipino ang salitang application-
paglalapat, upang mailapat sa tunay na buhay ang liksyong pinag-aralan;
pagkakapit, upang maikapit o maging bahagi ng katauhan ng bata ang liksyong

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

pinag-aralan; at paggamit, upang magamit sa pang-araw- araw na gawain ang


liksyong pinag-aralan. Kaya’t ang mga gawaing ibinibigay ditto ay may ganoong
tunguhin. Ang sosyodrama ay mabisang aktibiti upang matamo ang nasabing
tunguhin.
E. Pagsubok – Dito sinusukat ang natutuhan ng mga mag-aaral
F. Takdang-Aralin – Ang itinakda ay maaaring tungkol sa pinag-aaralan o tungkol sa
bagong aralin.
IV. Pagpapahalaga – Ang bahaging ito ay nauukol sa pagbibigay halaga sa :
A. Aralin – Nagustuhan ba ninyo ang aralin? Nasiyahan ba kayo sa ating ginawa?, atbp.
B. Guro – Naunawaan ba ninyo ang paliwanag ng guro? May katamtamang lakas baa ng
kanyang tinig?
C. Mag-aaral – Naging tahimik ba kayo sa pakikinig? Naging masigla ba kayo sa pagsagot
at paggawang mga aralin?, atbp.
V. Kasunduan
Ang kasunduan ay iba sa takdang-aralin. Ang takdang-aralin ay buhat sa guro,
smantalang ang kasunduan ay buhat sa mga mag-aaral. Pinagkakasunduan nila kung anu-ano
ang mga kabutihang kanilang napulot sa kanilang pinag-aralan na dapat pahalagahan at dapat
maisakatuparan sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang mga mag-aaral din ang magpupulis
sa kani-kanilang sarili at kapwa mag-aaral upang makasiguro sa ikatutyupad ng
pinagkasunduan.

URI NG BANGHAY NG PAGTUTURO AYON SA KAYARIAN


May tatlong uri ng pang-araw-araw na banghay ng pagtuturo ayon sa pagkakayari o
pagkakagawa ditto. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Masuring banghay ng pagtuturo – Ito ang karaniwang inihahanda ng mga mag-aaral na
magiging guro, mga bagong guro at mga gurong naatasang magpakitang-turo sapagkat
ang lahat ng mga dapat gawin at hindi itanong ng guro, pati na ang dapat gawin at isagot
ng mag-aaral ay detalyadong nakasulat ditto sa ilalim ng bahaging pamaraan na
nahahati sa dalawang kolum: Gawaing-Guro at Gawaingh-Bata. Sa gayon, ang ganitong
uri ng banghay ay nagsisilbing iskript ng guro sa kanyang paghahanda sa pagtuturo o
pakitang-turo.

2. Mala-masusing banghay ng pagtuturo – Sa ganitong uri ng banghay, ang mga gawain na


lamang ng guro ang isinusulat. Hindi na kasama ang gawaing-bata. Hindi na nakikita ang
pamagat na “gawaing guro” at “Gawaing-bata” sapagkat naiintindihan nan gang mga
nakasulat ditto ay mga sunod-sunod na gawaing ipinatutupad ng guro sa klase. Kaya’t
mas maigsi ito kesa sa masusing banghay.

3. Maigsing banghay ng pagtuturo – Dapat tandaan na ang maigsi, mala-masusi at


masusing banghay ay magkakatulad sa Bahagi I at II. Nagkakaiba lamang sila sa Bahagi
III, ang Pamaraan/Istratehiya. Sa maikling banghay, sapat nang banggitin sa ilalim ng
pamaraan ang sunod-sunod na hakbang at gawaing isasakatuparan sa bawat hakbang.

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

Bukod sa pang-araw-araw na banghay sa pagtuturo, mayroon tayong


tinatawag na long range plan o pangmahabang panahong banghay ng pagtuturo.
Nangangailangan ito ng maraming sunod-sunod na pagkaklase sa halip na isang
pagkaklase lamang.
Para sa mga gurong-mag-aaral, iminumungkahing huwag kaliligtaan ang
mga sumusunod sa paggawa ng pamagat ng kanilang banghay ng pagtuturo:
Uri ng banghay ng pagtuturo
Asignatura
Baitang/taon/antas ng mga mag-aaral
Petsa at oras ng pagtuturo
Halimbawa: Masusing Banghay ng Pagtuturo sa Araling
Panlipunan para sa Ikaapat na Baitang
Disyembre 3, 1995 1:30 – 2:30

MGA KAHALAGAHAN NG BANGHAY SA PAGTUTURO


1. Nakatitipid sa lakas at panahon
2. Nagiging maayos at sistimatiko ang pagtuturo sa halip na padamput-dampot.
3. Naihahanda nang maaga ang mga kagamitan, at nababalak na mabuti ang mga
itatanong at mga ipagagawa sa klase.
4. Nagkakaroon ng hangganan ang pagtuturo
5. Napag-iisipang mabuti ang angkop na pamaraang dapat gamitin

ISANG HALIMBAWA NG BANGHAY NG PAGTUTURO

Mala-masusing Banghay ng Pagtuturo sa Panitikan


Para sa Ikalawang Taon
Hulyo 10, 2000 1:30 – 2:10 n.h.

I. Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Maipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tula;
2. Matukoy ang mga sanhi at bunga ng laki sa layaw;
3. Makalugdan ang pagsali sa mga aktibiting may kaugnayan sa aralin; at
4. Makapagbigay ng mga pahayag, opinion at kuro-kuro nang may katalinuhan
sa pamamagitan ng isang debateng may kaugnayan sa paksa ng tula.
II. Paksang – Aralin
A. Paksa: Laki sa Layaw
B. Sanggunian: Belvez, Paz M. Filipino II, pahina 93-95.
C. Mga Kagamitang Tanaw-Dinig: tsrat, pisara, yeso, mga larawan, teyp
rekorder
III. Pamamaraan:
A. Panimula at Paghahanda
1. Laro: Chineses Whisper
Magandang hapon, klase. Gusto ba ninyong maglaro? Kung
gayon, sundin ninyo ang aking mga panuto. Ang lalaruin natin ay
tinatawag na Chinese Whisper. Bumuo ng dalawang pangkat.
Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

Bawat pangkat ay may apat na miyembro. Ang pangkat na nasa


kanan ay Pangkat A. Ang nasa kaliwa naman ay Pangkat B.
Kinakailangnag tuwid ang inyong linya at isang metro ang layo ng
bawat miyembro sa isa’t-isa. Ang dalawang unang miyembro ng
bawat pangkat ang pupunta rito sa harapan at ipababasa ko sa
kanila ang nakasulat sa papel. Sasauluhin nila ang kanilang
nabasa sa loob ng dalawang minute. Babalik sila sa kanilang
pangkat at ibubulong ang naisaulo sa ikalawang miyembro. Ganito
rin ang gagawin ng mga kasunod na miyembro hanggang sa
makarating ang bulong sa pinakahuling miyembro. Tatakbpo sa
pisara ang huling miyembro ng bawat pangkat at isusulat ang
anumang naibulong sa kanya. Kung sino ang nauna at
pinakatamang naisulat ang mananalo. Madidisqualify ang
sinumang lalabag sa ating tuntunin.
Simulan na natin.
Ang ibinulong:
“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
sa bait at muni sa hatol ay salat.
masaklap na bunga ng maling paglingap
habag ng magulang sa irog na anak.”

2. Pahulaan: Coffeepotting
Gusto pang bumawi ng natalong pangkat kaya ang susunod nating
aktibiti ay tinatawag na Coffeepotting. Huhulaan lang ninyo ang aking
ilalarawan. Pagkatapos kong maglarawan ay magtanong kayo para
makuha ninyo ang tamang sagot.
G: Ito’y isang lugar
M: (Tinitirhan ba ito?)
G: Oo, ditto nakatira ang maraming tao
M: (Tinitirhan ba ito ng pamilya?)
G: Oo, binubuo ito ng pamilya na namumuhay rito
M: Ito ba ay komunidad?
G: Tama
1. G: Ito ay isang taong nilikha ng Panginoon
M: (Ito ba ay babae?)
G: Siya ay maaring babae o lalaki
M: (Bata pa ba siya?)
G: Oo, nagsisilbi siyang inspirasyon ng mga magulang
M: (Siya ba ay anak?)
G: Tama
2. G: Ito ay isang katawagan sa paraan ng pagpapalaki ng mga anak
M: (Ito ba ay pag-aaruga?)
G: Oo, negatibo ang pagpapalaki ditto.
M: (Maling disiplina ba ito?)
G: Oo, ibinibigay sa anak ang lahat ng magustuhan.
M: (Ang sagot ba ay laki sa layaw?)
G: Tama

3. Pagganyak: Awit at Semantik Webing

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

Ngayon klase, making kayong mabuti at may iparirinig ako sa inyong


isang bahagi ng awitin. (Nakinig ang klase.) Ano ang pamagat ng awit na inyong
napakinggana? Tama, “Laki sa Layaw” Kapag naririnig ninyo ang kantang laki sa
layaw, anu-ano ang pumapasok sa inyong isipan?
(Paggawa ng Semantik Webing)

Sunod ang lahat ng gusto


Walang alam sa buhay
Makasarili

Laki
Palaasa sa Maraming bisyo
sa
Magulang
Layaw

Walang pakundangan sa
Madaling igupo ng pera
problema
Tamad

Ngayon, sino sa inyo ang makapagbibigay ng dipinisyon ng laki sa layaw na


ginagamit ang lahat ng naisulat?

4. Pag-alis ng Sagabal
Klase, may mga salita sa tula na makakasagabal sa pag-unawa ninyo nito
kaya’t aalamin natin ang mga kahulugan.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at hanapin sa loob ng


kroswrord pasel ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Gamitin sa sariling
pangungusap ang salitang binigyang-kahulugan.
a. Ang batang salat sa pangaral ay karaniwang walang galang
b. Mapaglalabanan ng taong marunong magbata ang anumang kahirapang
kakaharapin
c. Ikinaluluoy ng mga pananim ang tuwirang init ng araw.
d. Kung hilahil ang lagging isasaisip, sa gawi’y lagging magighipit.
e. Dahil sa magulang na mapaglingap, mga anak ay lumalaking magalang at tapat.
f. Anumang pighati’y kayang balikatin ng taong namihasa sa pagtitiis.
g. Gayon na lamang ang kanilang hinagpis nan gang anak ay magumon sa bisyo.

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

A L M A G T I I S P B N
C O A B U A K A B H A E
5. Pagbibigay ng
D T P C M Y I D S I G T Pagganyak sa
K T A D A I N G C L U H Tanong
Narito sa tsart ang
U O G E M P A O B I I E ilang mga
L A A F E N L R N P O R katanungang
magsisilbingh gabay
sa A L R N A H A N T A D S ating pagtalakay ng
N I U G L G L H C P C L tula. Sino ang
babasa ng unang
G S G H A T A O I I I A
katanungan?
A I A I S A N M N R T N Ikalawa? Ikatlo?
L U N G K O T A N N A D Ikaapat? Ikalima?
S N G J I S A N E E Y P
1. Sino ang tinaguriang laki sa layaw? Ilarawan siya.
2. Saa n inihalintulad ang taong pinalayaw ng mga magulang?
Makatwiran ba ito?
3. Bakit walang sariling pagpapasya ang taong pinalaki sa layaw?
4. Bukod sa mga binanggit sa tula, ano pa ang masasabi mo sa taong
pinalaki sa layaw?
(Ang gagawin niyo rito ay ilalarawan ang taong laki sa layaw at
mag-uumpisa kayo sa titik A hanggang Z.)
5. Anu- ano ang mga sanhi at bunga ng laki sa layaw?

B. Paglalahad
1. Unang Pagbasa
Ngayon klase, babasahin ko ang tula nang madamdamin, makinig
kayong mabuti.

Laki sa Layaw

Ang taong magawi sa ligaya’t aliw


mahina ang puso’t lubhang maramdamin,
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratna’y di na matutuhan g bathin.

Para ng halaman lumaki sa tubig


daho’y nalalanta munting di madilig,
ikinaluluoy ang sandaling init,
gayon din ang pusong sa tuwa’y manaig.

Munting kahirapa’y mamalakhing dala


dibdib palibhasa'y di gawing magbata
ay bago sa mundo’y bawat kisapmata,
ang tao'y mayroong sukat ipagdusa.

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad


sa bait at muni sa hatol ay salat.
Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

Masaklap na bunga ng maling paglingap


habag ng magulang sa irog na anak.

Sa 'taguring bunso’t likong pagmamahal


ang isinasama ng bata’y nunukal,
ang iba’y marahil sa kapabayaan
ng dapat nagturong tamad na magulang.

2. Pagtalakay Pangkaisipan

Pagsagot sa Pangganyak na Tanong


Naunawaan ba ninyo ang tula, klase? Kung
gayon, sino ang sasagot sa unang katanungan?
Ikalawa? Ikatlo'? Ikaapat? Ikalima?

Ten Things Dictation:


Magkakaroon na naman kayo ng aktibiti.
Parehong pangkat subalit ibang miyembro naman.
Kailangan ko ngayon ng tiglilimang miyembro.
Ngayon, pumili kayo sa grupo ninyo ng magsisilbing
tagasulat at ang mga natira ang magsisilbing tagadikta.
Handa na ba ang dalawang pangkat? Ngayon maglista
ng 10 pag-uugali, asal o kilos ng isang taong lumaki sa
layaw.

Cloze Dictation:
Ngayon naman, ang gagawin ninyo ay sasabihin sa akin
ang nawawalang salita sa babasahin kong mga taludtod buhat
sa tula. Patapusin ninyo muna akong magsalita at pagkasabi ko
ng salitang “go” ay saka inyo sabihin ang inyong sagot. Ang
hindi sumunod sa panuto ay madidisqualify.

1. Sa taguring bunso’t likong -----


(pagmamahal)
Ang isinasama ng bata’y nunukal
2. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni sa hatol ay -----
(salat)
3. Para nang halamang lumaki sa tubig,
Daho’y nalalanta munting -----
(di madilig)
Ikinaluluoy ang sandaling init
Gayon din ang pusong sa tuwa’y -----
(nanaig)

Picture Dictation:

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

Kahapon, sinabi ko sa inyong magdala kayo ng lapis, kupon at krayola o anumang pangkulay.
Nagdala ba kayo? Ngayon ihanda na ang mga ito. Ang gagawin ninyo ay iguguhit ang larawang
nais ipabatid o ibig ipakita ng mga babasahin kong sitwasyon.

1. Buong ligayang tinitignan ng mag-asawa ang kanilang anak na himbing na himbing na


natutulog sa kanyang kama subalit ito’y panandalian lamang. Ipinaubaya na lamang nila
sa yaya dahil abala sila sa trabaho.
2. Ibinili at ibinigay ng mga magulang ang lahat ng hilingin ng kanilang anak: sapatos, mga
laruan, damit at kung anu-ano pa. Tuwang-tuwa ang bata at sa kagalaka’y
nakalimutangb magpasalamat sa magulang.
3. Magulong-magulo ang kwarto ng anak. Nangagkalat ang kanyang mga gamit.
Pinapangaralan at pina[agalitan siya ng kanyang mga magulang habang nakayuko at
matamang nag-iisip ang anak.

Sino ang gumuhit ng unang sitwasyon? Ikalawa? Ikatlo? Klase, mula rito sa mga larawan ay
maaari kayong bumuo ng isang talata na maaaring dahilan kung bakit may mga lumaki sa
layaw. Sino sa inyo ang bubuo?

3. Pagtalakay Pangkagandahan:
Ngayon, balikan at suriin natin ang tula. Klase, ilang saknong mayroon ang tula? Tama
limang saknong. Tignan naman ninyo ang bawat taludtod ng bawat saknong, ano ang inyong
masasabi? Tama, may sukat at tugma. Alam ba ninyo kung anong uri ng tula ang Laki sa
Layaw? Magaling! Ito’y isang makalumang tula.

How Many Words Dictation.


Klase, may isa pa akong inihandang aktibiti rito, at tulad ng dati, Pangkat A at Pangkat B
pa rin kayo. Ang gagawin lamang ninyo ay mag uunahan kayo sa pagbilang ng salita sa
babasahin kong taludtod mula sa tula.

1. Sa taguring bunso’t likong pagmamahal angb


Isinasama ng bata’y nunukal. (10)
2. Masaklap na bunga ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog na anak. (13)

4. Ikalawang Pagbasa
Makinig kayong mabuti, muli kong babasahin ang tula ng madamdamin.
5. Ikatlong Pagbasa: (Mag-aaral)
Ngayon naman, sabay-sabay ninyong basahin ang tula nang buong damdamin.

C. Pagsasanay:
Upang lubusang malaman kung talagang naunawaan ninyo ang tula, sagutin ang mga
sumusunod.
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na kaisipan:
1. “Kung ano ang ipinamulat ng magulang ay siyang makikita sa mga anak.”
2. “Nasa wastong pagpapasunod ng magulang ang ikinabubuti ng mga anak.”
3. “ Nasa pagkakaisa at wastong pagsusunuran ng mag-anak ang ikagaganda ng
pamumuhay.”

D. Paglalapat:

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)
COGNATE FILIPINO PARA SA NATATANGING GAMIT HANDOUTS # 1

Ngayon ay muli ko kayong hahatiin sa dalawang pangkat. Ang lahat ng nasa kanan ang
Pangkat A at Pangkat B naman ang lahat ng nasa kaliwa. Magkakaron kayo ng pagtatalo sa
paksang aking inihanda. Ang paksang inyong pagtatalunan ay: “Dapat ba o hindi dapat sisihin
ang mga magulang kung lumaki sa layaw ang kanilang anak?”
E. Pagsubok:
Ngayon naman, kumuha kayo ng kalahating bahagi ng papel at sagutin ang mga
sumusunod:
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag at magbigay ng halimbawa.
1. Ang taong magawi sa ligay’t aliw
Mahina ang puso’t lubhang maramdamin,
Inaakala pa lamang ang hilahil
Na daratna’y di na matutuhang bathin.
2. “Habang may buhay, may pag-asa.”
(Ang tao bang laki sa layaw ay may pag-asa pang magbago o mapabago? Patunayan?)

F. Takdang-aralin
1. Magsaliksik ng isang kaso ng isang taong laki sa layaw.
2. Basahin ang tulang “Ako ay Pilipino” sa inyong aklat sa pahina 97 at sagutin ang mga
tanong sa pahina 98.

IV. Pagpapahalaga
Naunawaan ba ninyo ang ating paksang tinalakay? Nagustuhan ba ninyo ito?
Narinig baa ng boses ko sa likod? Naging aktibo ba kayo sa ating talakayan?
May gusto pa ba kayong itanong?

V. Kasunduan
Ngayon naman klase, ano ang gusto ninyong maging kasunduan upang ang
inyong napulot sa katatapos na liksyon ay maging bahagi ng inyong buhay?
Payag ba kayo sa iminungkahing kasunduan ng inyong kamag-aral? Kung gayon,
inaasahan kong isasakatuparan ninyo ang inyong napagkasunduan. Paalam,
klase.

Inihanda ni Benjamin G. Busel


Mag-aaral, Filipino 5

Sipi mula sa batayang aklat na, Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo
Abad, Marietta et.al. (2001)

You might also like