You are on page 1of 5

PAGTUTURO at PAGKATUTO

Mapanghamong propesyon ang pagtuturo.


Ang isang guro ay alagad ng agham at sining.
Nagbubunga ang mahusay at matalinong pagtuturo ng guro ng epektibong pagkatuto ng mga
mag-aaral.

 Paano natin maaaring simulan ang prosesong ito?

Pagtuturo at pagkatuto
Magsimula sa pagkilala sa mga mag-aaral na tuturuan.
Mahalagang simulan ang relasyong guro- mag-aaral sa isang magaan at palagayang sitwasyon.
 Sa sitwasyong ito, pumapasok ang mahalagang tungkulin ng guro
- ang pagkakaroon at paggamit ng mga mabisang estratehiya sa pagganyak sa mga mag-aaral upang
mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob ng silid-aralan.

Pagtuturo at pagkatuto
 Sa paggamit ng mga epektibong estratehiya, maaari nitong gisingin ang interes ng mga mag- aaral pati
ang pagnanais nilang matuto pa.
 Maaari nitong gabayan ang mga mag-aaral sa patuloy nilang pagtuklas ng bagong kaalaman.
  Ang pagtuturo sa mga mag-aaral kung paano matuto at kung paano magkaroon ng malayang kaisipan
ay pinakamahalagang papel ng isang guro.

Mga terminolohiya sa wikang Filipino kaugnay ng mga estratehiya sa pagtuturo

Pagdulog (Approach)  ay set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng pagkatuto.


Pamaraan (Method)  ay ang sunod-sunod na hakbanging gumagabay sa guro sa kanyang
pagtuturo ng tiyak na aralin.
Estratehiya (Strategy)  ay isang planadong proseso para sa isang particular na gawain.
Teknik (Technique)  ay ang tiyak na gawaing malinaw na makikita sa pagtuturo.

Mga mahahalagang salik na nakakaapekto sa pagtuturo sa kaligirang akademiko

 Guro
Matalino
Mapagmahal
Masayahin
Malikhain
Makabago

 Mag-aaral
Edad
Kasarian
Ugali
Kultura
Talino

Kagamitan o Materyal

Guro
 Ikinikintal ng isang guro ang pagtitiwala at ginagawang isang kawili-wiling hamon ang
pag- aaral.
- Katangian ng isang guro
Matalino
 Ang malawak na kabatiran at kaalaman ng guro sa kanyang ituturo at paraan kung paano
ito ituturo ay mahalagang katangian ng isang epektibong guro. Magiging mahirap ang
gagawing pagtuturo kung mismo ang guro ay walang ganap na pag- unawa sa paksang
kanyang itinuturo.
Mapagmahal
 Kinakailangan sa isang guro ang mataas na pagpapahalaga at pagmamahal sa kanyang
gawain at sa kanyang mga mag-aaral. Maging bukas ang isipan sa mga pagbabago upang lalong
mapahusay ang gampanin at may magandang saloobin at pananaw sa pagtuturo at sa kanyang
pagiging guro.

Masayahin
 Nag-uudyok ng kawili-wili at epektibong pagkatuto ang kaaya-ayang katauhan ng
isang guro. Ang pagkakaroon ng masayang disposisyon o diwa ng paluwag tawa ay nagdudulot
ng masiglang kapaligiran sa loob ng silid-aralan.

Malikhain
 Ang kaalaman sa mga paraan at estratehiya sa pagtuturo ay lalong nagiging epektibo
kung may malikhain at mayamang pag-iisip ang guro sa pagbabalak o pagpaplano ng kanyang
aralin.

Makabago
 Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, nagiging mabilis ang takbo ng pamumuhay ng
tao. Kinakailangan ng isang guro ang kakayahan niyang tumuklas ng mga bagong paraan sa
pagtuturo na aangkop sa kasalukuyang kalakaran ng kanyang gawain at katangian ng mga mag-
aaral.

Mag-aaral
 Laging isaisip na ang mga mag-aaral ay may kani- kaniyang katangian. Lahat ay may
karapatang maturuan at matuto ng mga bagay na nararapat niyang matutunan. Maaaring
magkaiba ang mga mag-aaral sa iba-t ibang aspekto ng kanilang katangian.

Aspekto ng mga mag-aaral

Edad
 May mga batang-batang mag-aaral, mayroon ding may edad na, may dalaga/binata,
at mayroon ding matandang mag-aaral. Bawat isa ay nagtataglay ng iba’t ibang lebel ng dapat na
matutunan.

Kasarian
 Ang interes ng lalaking mag-aaral ay iba sa interes ng mga babaeng mag-aaral.
Marapat lamang na malaman ng guro ang kaibahang ito lalong-lalo na sa pagbibigay-halimbawa
sa mga pagtalakay.

Ugali
 Nagmula sa iba’t ibang tahanan at kapaligiran ang mga mag-aaral sa loob ng isang
silid. Bawat isa ay natuto ng magkakaibang paraan ng pakikisalamuha sa kapwa. Mahalagang
tungkulin ng guro ang pagiging pangalawang magulang sa loob ng silid-aralan.

Kultura
 Kinakailangan sa isang guro ang pagiging sensitibo at mulat sa iba’t ibang kulturang
maaaring pinagmulan ng kanyang mga mag-aaral.

Talino
 Walang itinuturing na bobong mag-aaral. Bawat isa ay may kani-kaniyang talinong
taglay. Kaiba man sa nakararami ngunit may sariling kakayanan ang bawat mag-aaral sa
maraming bagay o aspekto.
Mga salik sa pagtuturo Kagamitan/Materyal
 Mahalagang salik sa proseso ng pagtuturo- pagkatuto ang anumang kagamitan o sitwasyong
nagagamit ng guro sa kanyang pagtuturo.

Uri ng pakikilahok ng mga mag-aaral


Pakikilahok ng mga Mag- aaral
Indibidwal - indibidwal na mag-aaral at guro
Buong Pangkat - guro at buong klase
Peer Tutoring - mag-aaral at kapwa mag-aaral
Team Learning - maliit na pangkat ng mga mag-aaral

 LEARNERS-CENTERED TEACHING (Multiple Intelligences)

Ayon sa Multiple Intelligences of Howard Gardner


ang tao ay natututo sa iba’t ibang paraan sapagkat bawat isa ay may kakayahang
natatangi sa iba.

 Verbal or Linguistic
Pagsasalita, mga sinasalita, pakikinig, pagsusulat, pagbabaybay, gramatika,
pagsasalaysay, banyagang wika, tula, sanaysay, talumpati, newsletter, pahayagan

 Visual or Spatial –
Pampaningin, nakikita, larawan, grapiko, imahe, larawang-diwa, drowing,
tsart, disenyo, panaginip, pelikula, video, puzzle, imahinasyon

 Musical or Rhythmic
Musikal/ritmo/melodiya, tono, tenor, soprano, jazz, folk, classical, jingle,
opera, choir, rock

 Logical or Mathematical
Lohika, pangangatwiran, pabuod, pasaklaw, katotohanan, pagtaya, pagtasa,
ranking, katibayan, assessment, pagsasaayos, databases

 Naturalist  Bodily Movement or Kinesthetic


Aksyon, pagkilos, pagsasagawa, isports, pagsali, drama, aktibiti, lumundag,
itapon, hawakan

 Interpersonal or Social
Makipagtalastasan, makipag-usap, bumati, umunawa, makiramay,
makisalamuha, makihalubilo, tumawag, bumulong, umiyak, salu-salo, piging,
pangkat

 Intrapersonal or Introspective
Nag-iisip, pag-iisa, lumikha, magnilay-nilay, binabalangkas na mga layunin,
panukala, pangarap

Naturalist
Likas, kapaligiran, pagmamasid, isda, punongkahoy, hayop, dahon, bundok,
lawa, ilog, dagat, nangaso, buhay na mga tao/bagay, ang sining ng pagkuha ng larawan,
mga bulaklak

SALIK SA MATAGUMPAY NA PAGKATUTO NG WIKA

MOTIBASYON:

Dalawang uri ng Motibasyon


1. Panlabas na motibasyon (Extrinsic Motivation)
-Integratibong motibasyon – pagkagusto na makahalubilo sa isang kulturang mga tao na
Filipino ang sinalita.
-Motibasyong Instrumental – pag-asam na makatontung sa pamantasan o trabaho ng
mataas ang sahod dahil sa alam na wika.
2. Motibasying Intrinsik (Intrinsic Motivation)
- Ito’y likas na kagustuhan sa pagkatuto ng wika

Ang epektibong guro ay malikhain

Ang kanyang klase ay masigla, kawili-wili, at laging may bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla
at magkintal ng impormasyon o prinsipyo at hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay
matulungan ang mag-aaral na mapabuti ang buhay. Richards (1992)

1.  Nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan, at saloobin ng kanyang
tinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang mga gawain sa klase. Ito ang batas ng edukasyon.
Hendricks (1998)
2. Ang mga katangian ng Epektibong Guro
- Walang Itinatangi Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang guro'y may paborito sa
klase o ang kanyang di pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang mga mag-aaral. Sa
loob ng klase, dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang maging pantay ang
kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral.

- May Positibong Ugali Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng papuri at
pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at direksyon.
Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral.

- May Kahandaan Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw na nilalaman ng mga


paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling makilala ng mga mag-aaral ang
gurong organisado at handa nang magturo.

- May Haplos Personal Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong may ugnayan sa
kanila, yaong tumatawag sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang
nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang
pagkatao. Ang pagkukwento ng guro ng mga kwentong may kinalaman sa aralin ay higit na
nagugustuhan ng mga mag-aaral.

- Masayahin Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase. Ang dagling
pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga mag-
aaral ay nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral.

- Malikhain Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga gawaing
pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na ang pag-
aayos sa klasrum ng kanilang guro.

- Marunong tumanggap ng kamalian Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali ang


kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito. Nagiging
modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong
pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kanyang nagawa.

- Mapagpatawad Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong marunong magpatawad sa


kasalanang kanilang nagawa, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling gawi at ikinilos. Ang
guro ang tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't mahalagang
maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang puno ukol dito.

- May Respeto Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang kanyang
ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang
pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong nagpapakita ng
sensitibiti sa nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral
na matupad ang kanyang mga tunguhin.
- May Mataas na Ekspektasyon Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng
napakataas na pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawin nang
napakahusay ang kanyang ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga
mag-aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang kanyang mga mag-aaral,
nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin.

GURO
- Malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo at pagkatuto ng
wika.
- Ang buong katauhan, saloobin, panlahat na kaalaman, at estilo sa pagtuturo ay maaaring
maging sanhi ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o kawilihan ng mga bata sa pag-aaral
ng wika

Gampanin ng Guro sa loob ng klasrum


 Pagbibigay ng impormasyon at paglalahad ng kaalaman;
 Paglalaan ng patnubay at tulong sa mga mag-aaral upang pagsanayan ang natamong kaalaman;
 Pagbibigay ng angkop na pagganyak sa pamamagitan ng paglalaan ng iba’t iba at nakawiwiling
gawain na magbibigay ng pagkakataon upang magamit ang wikang natutuhan;
 Pagbubuo ng mga makabuluhang gawain at pagtitiyak na magagawa ng mga mag-aaral ang gawain
sa isang kaligiran na walang pangamba o pagkabahala ;
 Binibigyan sigla ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga papuri. (“Magaling ang
iyong sagot,.” Sige, ipagpatuloy mo”). Ito’y nagbibigay ng lugod sa mga bata dahil kinikilala ang
kanilang kakayahan sa klase;
 Palaging may ginagawang pagtataya at ebalwasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika.

You might also like