You are on page 1of 6

College of Teacher Education

First Semester, A.Y. 2021-202

MODYUL 4
Paghahanda ng mga Kagamitang Pampagtuturo

I. PANIMULA
Sa modyul na ito ay matututunan ng mga mag-aaral ang mga simulain sa paghahanda ng kagamitang
pampagtuturo, kahulugan at kabutihang naidudulot ng modyul sa mga guro at mag-aaral at mga kahalagahan at gamit
ng makabagong teknolohiya o ICT sa pag-aaral.

II. LAYUNIN
1. Naipakikita ang kaalaman at kakayahan sa pagbubuo ng mga kagamitang pampagtuturo;
2. Nakabubuo ng isang kabanata ng modyul;
3. Naipakikita ang kaalaman at kakayahan sa pagbubuo ng mga kagamitang panturo; at
4. Nakabubuo ng kagamitan gamit ang teknolohiya.

III. PAGTALAKAY

1.1 Paghahanda ng kagamitang Pampagtuturo


Ang paghahanda ng Kagamitang Panturo ay isa sa mga responsibilidad ng guro. Ito ay isang gawaing
nangangailangan nang sapat na kaalaman sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto upang maging mabisa at makabuluhan
at kagamitang ihahanda. Ang kagamitang panturo ay pantulong na kagamitan, kasama ang estratehiya ng guro, upang
mas maunawaan ng mga mag-aaral ang paksang tinatalakay.

1.2 Mga Simulain sa Paghahanda ng Kagamitang Panturo


Sa paghahanda ng mga kagamitang panturo, kinakailangang isaalang-alang at kilala ang mga prinsipyo at
teorya sa paghahanda ng disenyo at ang mga set ng masistemang proseso sa paghahanda ng mga kagamitang
panturo.
Ang Teorya ay tumutukoy sa pinagbatayan kung gaano kaganda ang pagkakapaliwanag kung paano at bakit
ito naging masistemang paraan o paghahanda.

1. Ayon kay Reigeluth (1983), ang teorya ay set ng mga modelo. Ayon din sa kanya ang prinsipyo at teoryang ito ay
matutukoy sa pamamagitan ng descriptive at prespective na anyo.
2. Ayon naman kay Seels (1997), Inilalarawan niya ang teorya bilang paliwanag ng penomina at mga pangyayari na
makatutulong sa mga mag-aaral upang maunawaan at makaagapay siya sa mundong ginagalawan.
3. Ayon kay Merril (1996), Inilalarawan ang teorya sa paghahanda ng negosyo sa kagamitang panturo na isang set
ng preskripsyon upang matukoy ang angkop na estratehiya na angkop sa kagamitan upang ang mag-aaral ay matamo
ang kanilang nilalayon.

Pamantayan sa Kagamitang Panturo

Pag-aanalisa (Analysis)
1. Kailangang mahalaga ang layon kung bakit bubuo ng kagamitang panturo.
2. Kailangang nakabatay sa kawilihan, suliranin at pangangailangan ng target na gagamitin.

Mga Batayang Konsepto sa Disenyo

• Ang mga kagamitan ay kailangang malinaw na nakaugnay at nakaayon sa kurikulum na ginagamit. Ito ay
tumutulong sa pagsasakatuparan ng mga layunin sa pagkatuto.
• Ang mga kagamitan ay kailangang awtentiko at makatotohanan ang teksto at gawain.
• Ang mga kagamitan ay gumigising sa kawilihan ng mga mag-aaral at humihikayat ng interaksyon. Higit na
pagkatuto ng mga mag-aaral kung may interaksyong nagaganap sa kanya at sa kanyang paligid.
• Ang mga kagamitan ay humihikayat sa mga mag-aaral na gamitin nang wasto ang wika sa kanilang
pakikipagtalastasan sa loob at labas ng paaralan.
• Ang mga kagamitan ay humihikayat sa mag-aaral sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto kung paano
matuto.
• Ang mga kagamitan ay humihikayat sa mag-aaral na magamit ang mga kasanayan sa wika sa kanilang
mundong ginagalawan.
Kurikulum Planning
Pagtukoy sa pangangailangan ng mag-aaral
Pagbuo ng mga tunguhin at layunin
Pagbuo ng materyales
Pagbuo ng pagsusulit

Implementasyon ng Kurikulum
Pagtuturo sa mga mag-aaral
Pagmomonitor at pagsasagawa ng pagtuturo
Pagsulat ng mga karagdagang kagamitan

Ebalwasyon
Pagbibigay ng pagsubok sa mga mag-aaral
Pag-eevalwyt sa kurikulum

Pagkilala sa iba't ibang Anyo o Pormat ng Kagamitang Panturo

Kategorya ayon sa Pormat ng Kagamitang Panturo


1. Pagsulat ng Pormal- Buklet, plaskard, plip tsart, poster, komiks atb
2. Electnic Media- Audio tapes, videos, television, and radio programme
3. Folk Media- Mga kanta puppet shows, drama.

Pagsulat ng Skript
1. Iskrip ekspresyon mahalaga at maikli ang pahayag na gagamitin
2. May ilustarsyon
3. Maayos na pagpili ng mga salitang yaong madaling maunawaan
4. Kaakit-akit, kasiya-siya at humahamon upang sila ay mag-isip
5. Inobatib at kki-pakinabang
6. Binubuo ng mga creative na kasanayan

Ilustrasyon- Tumutukoy sa mag-aaral na makabuo ng isang larawan o konsepto upang higit na maunawaan ang
aralin.
Editing- Iniisa-isa at winawasto ang mga kailangan at kaugnay na ilustrasyon sa teksto. Binabasa rin ng editor ang
wika-pagkakabuo at istruktura nito at ganun din and araling panliterasi.
Pamagat- Kaakit-akit at may kaugnay na paksa o nilalaman ng kagamitan
Printing- Maraming proseso ang pinagdaanan ng KP sa paglilimbag o pagpaparami.
Adaptasyon ng mga materyales- Krayterya at angkop na gagamiting materyales. Pakikisangkot ng mga mag-
aaral/Instruktor/Facilitator sa pagpili ng mga materyal na i-a-adapt.

1.3 Ang Modyul


Nang magkaroon ng pandemyang COVID-19, naging malawakan ang paghahanda ng mga Modyul bilang
bahagi ng makabagong sistema ng pagkatuto at pagtuturo sa mga paaralan. Ito ang tinaguriang bagong normal sa
ating kalakaraan sa Edukasyon bunsod nga ng pandemya. Ang Modyul ay isa sa mga mahalagang naging tulay upang
patuloy na maitaguyod ang kalidad ng Edukasyon sa gitna ng pandemya.

Kahulugan ng Modyul
Ang modyul ay sariling linangan kit na naglalaman ng maraming Gawain sa pagkatuto, kalimitan ay mga papel
na sinagutan ng mga mag-aaral. Ito’y maaaring magamit bilang bahagi ng kurso o disenyong pang kurikulum
(lardizabal, 1991)

Mga Katangian ng Modyul


1. Naglalaman ng sariling direksyon at sariling pagtataya. (Burns, 1972)
2. Nanghihikayat ng demokratikong pamamaraan, mapanuring pag-iisip, sariling pagsisikap/pagkukusa;
nakalilinang ng tiyak na kaalaman at mga kasanayang hinahangad ng mga guro; nagbibigay kasiyahan sa
mga mag-aaral. (Keuscher, 1970)
3. Nagagawang makabago ang pagtuturo sa pamamagitan ng paghubog ng mga gurong may kakayahang
gumawa ng mga kagamitang pagturo na makatutugon sa mga pangangailangan ng bawat mag-aaral, kagyat
nakalilinang ng kaalaman, kasanayan at halagang pangkatauhan/Gawain ng mga mag-aaral. (Cruz,1990)
Ang Mga Kabutihang naidudulot ng Modyul sa mga Guro at Mag-aaral
1. Para sa mga guro, nabibigyan nila ng pagkakataong matuklasan at mabigyang-lunas ang mga suliranin sa
pagkatuto ng mga mag-aaral; Malaya silang nakapagsasalita at nakakatugon sa mga tanong at nakatutulong
sa mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong at higit sa lahat, nagtutulungan sila ng kanyang mga mag-
aaral.
2. Para sa mga mag-aaral, nakagagawa sila ng paraan sa kanilang sariling kapakanan, nagagampanan nila
ang kanilang pananagutan upang matuto, natutuklasan nila ang kanilang pananagutan upang matuto,
natutuklasan nila ang dapat nilang matutuhan, nahihikayat silang matutuhan ang pagsagot sa modyul at higit
sa lahat, nababawasan ang kompetisyon sa pagmamarka.

❖ Sina Blake at A.M. Mc Pherson (1973), ay nagbigay ng ilang magagandang bungang matatamo ng mga
guro at mag-aaral sa paggamit ng modyul.

Sa mga Guro Sa mga Mag-aaral

1. Nagiging malaya sa pagtuturo sa maraming 1. Nagagawang umunlad batay sa sariling kakayahan.


pangunahing kasanayan sa asignatura.

2. Natutuklasan ang higit na tamang pangangailangan 2. Nagkakaroon ng tuwirang pakikipag-ugnayan sa


sa pagkatuto ang mga mag-aaral. asignaturang pinag-aaralan.

3. Nagkakaroon ng kagamitang pampagsusulit. 3. Nabibigyang-katugunan ang mga katanungan sa


mabilis na paraan.

4. Nabibigyan ng pagkakataong makasama nang 4. Nauunawaan nang lubusan ang mga araling itinuturo
matagal ang mga mag-aaral na higit na ng guro.
nangangailangan ng tulong.

5. Naipagkakaloob sa mga mag-aaral ang maayos na 5. Napag-aaralan ang aralin nang buong lalim lalo na sa
palatuntunan ng pagkatuto. araling nangangailangan ng atensyon

6. Nakapagdudulot na higit na mataas na antas ng 6. Naipagkakaloob ang indibidwalidad, hilig, estilo ng


kasiyahan. pagkakatuto, pangangailangan ng atensyon.

7. Nakatutulong na maging tagapanayam at gabay;


nakadaragdag sa mga kagamitang panturo.

Mga Bahagi ng Modyul


Pamagat – ang pamagat ng modyul ay kinakailangang maging malinaw, masaklaw at maikli.
Target population - tumutukoy ito sa antas at uri ng mga mag-aaral na gagamit ng modyul.
Rasyunal o panimula - nabibigyan nito ang mga mag-aaral na magsasalita na Makita ang kabuuan ng paksang saklaw
ng modyul.
Tunguhin o layunin - ipinahahayag ito sa paraang pangkagawian upang malinaw at masaklaw na matuklasan ang
inaasahang matatamo ng mga mag-aaral.
Panuto - dahil ang modyul ay pansariling direksyon at kondisyon, ang mga mag-aaral ay binibigyang-laying masagot
ang mga mungkahing Gawain, takdang aralin, pagpapayamang-Gawain sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
panutong ipinahahayag sa mga pangungusap na higit na malinaw at payak.
Panimulang saloobin at pangangailangang kasanayan - ang modyul ay lumulinang sa mga kasanayan at
kaalamang makatutulong sa mga mag-aaral na magamit ang kanilang sariling pananaw sa nilalaman nito.
Panimulang pagsusulit - ibinibigay ito upang matiyak kung gaano na nauunawaan ang mga mag-aaral ang mga
paksa o ang nilalaman ng araling pinag-aaralan
1.4 Makabagong Kagamitang Panturo Gamit ang ICT
Nang dahil sa pandemya, naapektuhan ang sistema ng ating Edukasyon. Ang kagamitang panturo gamit ang
ICT ay isa sa mabisang paraan at solusiyon upang maipagpatuloy natin ang ating pag-aaral sa gitna ng pandemya.
Nang dahil nga sa pag-iwas sa face-to-face, sa pamamagitan ng Internet, Kompyuter o maging Cellphone man ay
ligtas at malaya tayong nakakapag-aral. Isa lamang ito sa patunay na ang makabagong kagamitang panturo gamit ang
ICT ay malaki ang maitutulong sa ating pag-aaral at pagtuturo ng ating mga guro.

Kahulugan ng ICT
Ang Information and Communication Technology (ICT) ay tumutukoy sa iba’t-ibang uri ng teknolohiya na
ginagamit sa pakikipag-komunikasyon upang mag-proseso, mag-imbak, lumikha at magbahagi ng mga impormasiyon.

❖ Ayon kina Abad at Ruedas (2001), Ang mga kagamitang panturo, tulad ng midyang instruksyonal ay
nagbibigay ng konkretong pundasyon sa pagkatuto. Nagbubunga ito ng wastong gawi sa pag
aaral,nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla at napagagaan ang
proseso ng pagtuturo at pagkatuto, at nagdudulot ito nang maayos, madali, makahulugan at mabisang
pagtuturo at pagkatuto.
❖ Ayon kay Aton (2007, Bukod sa mga mag-aaral, magkakaroon din ng benipisyo ang mga guro kung paiiralin
ang paggamit ng multimedia sa mga makabagong paraan ng pagtuturo.

Mga Halimbawa ng Makabagong kagamitang Paturo Gamit ang ICT sa Edukasyon

• Radyo- Nagbibigay ng kaalaman sa mga pangyayari sa lipunan na nakakatulong sa maraming asignatura


• Smartphone - Mas napapabilis ang pag-aaral ng mga mag aaral at mas napapadali ang pakikipag
komunikasyon sa ibang tao.
• Internet- Ginagamit ang internet upang magkaroon ng iba't ibang kaalaman na nagmula sa social media at
social sites, nakakatulong din ito para magamit ang mga sites na pinag kukunan ng mga impormasiyon para
mas maintindihan ang pinag aaralan.
• LCD projector- Ginagamit ito sa paaralan para mas mapadali ang pag aaral ng mga mag aaral, dahil mas
napapabilis na ang pagpapakita ng larawan at paksa para sa mga mag aaral.
• Telebisyon- Maaari itong gamitin kong walang projector, napapabilis din ang pagkalap ng impormasyon dahil
sa telebisyon
• Komputer at Laptop-. Mas madaling gamitin at sistematiko ang pagbibigay ng impormasyon at mas malawak
ang mga pinagmulan ng mga ito.

Mga Kahalagahan o Benipisyo ng Paggamit ng Teknolohiya sa loob ng isang Klase

1. Ang teknolohiya ay nakatutulong para mas mapadali ang pagpapaabot ng kaalaman sa estudyante
Minsan kasi ay nakababagot para sa isang estudyante na purong lektyur lang talaga ang nangyayari saloob
ng klase. Minsan pa, kung ganito ang nagyayari ay hindi naiintindihan ng isang estudyante ang mgasinasabi ng guro
sa harapan ng klase. Kaya mas mainam na gagamit ng teknolohiya para ipakita sa mgaestudyante ang mga bagay na
may kinalaman sa leksyon. Sa ganoong paraan ay maipaliwanag ng guro ngmabuti ang isang aralin.
2. Ang teknolohiya rin ay makatutulong sa guro para alamin ang pag-unlad ng isang estudyante
Ang isang guro ay hindi na mahihirapan sa pagsusulat ng mga marka na natamo ng mga mag-aaral. Ang
teknolohiya ay isang magandang solusyon sa ganitong usapin. May magagamit na ang guro para itala o i-record ang
pag-unlad ng mga mag-aaral. May mga mahahanap din sa internet na dagdag na kaalaman paanogagawin ng guro
ang pagtala ng mga pag-unlad ng mga estudyante.
3. Ang teknolohiya ay nakakatulong para sa kapaligiran
Isipin mo na lang kung ilang puno ba ang pinuputol para lang sa paggawa ng papel? Kung ang isang guro ay
gagamit ng teknolohiya sa klase, naiisip mo ba kung ilang puno ang masasagip at kung ilang papael ang hindi
maaaksaya? Kaya masasabing nakatutulong talaga ang teknolohiya para sa kalikasan.
4. Sa tulong ng teknolohiya ay mas gaganahan ang mga estudyante na mag-aral
Sa panahon natin ngayon, hindi maikakaila na adik na ang mga bata sa mga social media at kung ano-
anopang mga sites na pwede nilang puntahan sa internet. Sa pamamagitan din ng teknolohiya ay maaaringmagamit
ito ng guro para sa pagpapaabot ng kaalaman sa mga estudyante. Maaaring gamitin ng guro anginternet sa paggawa
ng mga makabuluhang bagay o gawain na sadyang makatutulong para sa kanilang pag-aaral.
5. Sa pamamagitan ng teknolohiya ay abot-kamay na ang kaalaman
Sa pamamagitan ng internet ay may mas malawak na access ang mga tao sa mga impormasyon sa
buongmundo. Sa mga guro, pwedeng gamitin ang internet bilang isang silid-aralan. Ang mga estudyantengtinatamad
pumasok ay pwedeng sa internet na lang kukunin o alamin ang mga aralin na tatalakayin ng guro sa klase.
6. Ang guro at estudyante ay may access na sa mga impormasyon ano mang oras
Kapag ang isang guro o estudyante ay nahihirapang makuha ang mga impormasyon sa mga aklat o sa library
ay pwedeng gumamit ng internet para makamit ito. Marami ng websites na reliable para pagkuhananng mga
impormasyon para sa paksang tatalakayin o sa mga pananaliksik na gagawin
7. Sa tulong ng teknolohiya ay mas maging epektibo ang mga collaborative na Gawain ng mga mag-aaral
Minsan sa isang klase ay hindi maiiwasan na hindi lahat ay natututukan ng guro. Lalo na kapag
pangkatanggawain ay hindi lahat ng estudyante ay nakapagpahayag ng mga ideya. Sa tulong ng internet ay mas
mapadaliang mga pangkatang gawain. Pwede nang gawin ng mga estudyante ang kanilang proyekto sa bahay dahil
mayinternet naman na pwedeng kumukonekta sa bawat kasapi ng grupo.

IV. GAWAIN
Panuto: Ipaliwanag ang bawat katanungan gamit ang hindi bababa sa tatlo ngunit hindi lalagpas sa limang
pangungusap.

1. Bakit mahalaga ang paghahanda ng kagamitang panturo? (5 puntos)


2. Paano makatutulong ang teknolohiya sa pag-aaral? (5 puntos)
3. Ano ang mga kabutihang maiduidulot ng modyul sa mga guro at mag-aaral? (5 puntos)

V. PAGTATAYA
I. Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali.

____ 1. Isa sa magagandang bungang matatamo ng mga mag-aaral sa paggamit ng modyul ay mauunawaan nang
lubusan ang mga araling itinuturo ng guro.
____ 2. Ang kagamitang panturo ang pinakamabisang paraan sa pagtuturo.
____ 3. Kailangang hindi mahalaga ang layon kung bakit bubuo ng kagamitang panturo.
____ 4. Ang kagamitang panturo ay maaaring hindi napapanahon sapagkat mauunawaan naman ito ng mga mag-
aaral.
____ 5. Ang mga kagamitang panturo, tulad ng midyang instruksyonal ay nagbibigay ng konkretong pundasyon sa
pagkatuto
_____6. Isa sa mga kahalagahan ng kagamitang panturo ay tumutulong ito sa pagsasakatuparan ng mga layunin sa
pagtututo.

____ 7. Ang teknolohiya ay nakakatulong para sa kapaligiran.


____ 8. Ang gagamiting kagamitang panturo ay hindi dapat nakabase sa paksa.
____ 9. Isa sa magagandang bungang matatamo ng mga guro sa paggamit ng modyul ay magagawang umunlad batay
sa sariling kakayahan.
___ 10. Sa pag-eedit ng kagamitang panturo ay kinakailangan na kaakit-akit ito upang mahikayat ang mga mag-aaral.

II. Piliin ang pinaka-tamang sagot.

1. Ibinibigay ito upang matiyak kung gaano na nauunawaan ang mga mag-aaral ang mga paksa.
a. panuto
b. panimulang pagsusulit
c.rasyunal
d.panimulang pagsuslit

2. Ayon sakanya magkakaroon din ng benipisyo ang mga guro kong paiiralin ang paggamit ng multimedia sa mga
makabagong paraan ng pagtuturo.
a.Abad at Ruedas (2001)
b.Reigeluth (1983)
c.seels (1997)
d.Aton (2007)
3. Ito ay tumutukoy sa antas at uri ng mga mag-aaral.
a.pamagat
b.tunguhan o layunin
c. Target population/

4. Sa tulong ng ______ ay mas maging _____ ang mga gawain ng mga mag-aaral
a. Teknolohiya – epektibo
b. ICT - maayos
c.teknolohiya - kawiliwili
d. smartphone – epektibo

5. Ang mga sumusunod ay magagandang bungang matatamo ng mga guro sa paggamit ng modyul maliban sa isa.
a. Naipagkakaloob sa mga mag-aaral ang maayos na palatuntunan ng pagkatuto.
b. Nakapagdudulot na higit na mataas na antas ng kasiyahan.
c. Naipagkakaloob ang indibidwalidad, hilig, estilo ng pagkakatuto, pangangailangan ng atensyon.
d. Nagkakaroon ng kagamitang pampagsusulit.

VI. SANGGUNIAN
• Studocu, (2019), Paghahanda ng mga Kagamitang Pampagtuturo, University of Eastern Mindanao
https://www.studocu.com/ph/document/university-of-southern-mindanao/paghahanda-at-ebalwasyon-ng-
kagamitang-panturo/pangalawang-aralin-kagamitang-panturo-fil-ed-
• Navarro, J. (n.d). Ang Paghahanda ng Modyul. Nakuha mula sa
htps://www.academia.edu/39736223/Ang_paghahanda_ng_modyul

You might also like