You are on page 1of 31

Kagamitang Tanaw-dinig: Pagkilala at

Kabanata 2
Paghahanda ng Instruksyunal na Kagamitan

Intended Learning Outcomes: Pagkatapos ng kabanatang ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng Kagamitang Pampagtuturo;

This instructional material is exclusively prepared for the University of Southern Mindanao, Kidapawan City
2. Nakikilala ang uri maging ang iba’t ibang paraan at Batayang Simulain sa
paghahanda ng mga kagamitang Tanaw-dinig; at
3. Napahahalagahan ang Kagamitang Pampagtuturo at wastong pagpili at
paggamit nito.

Campus, adhering to the intellectual property rights of the owner. IGCAntay


2.1 Kahulugan ng Kagamitang Pampagtuturo
Anumang karanasan sa bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa
paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay, kaalaman, pag-unawa at
pagpapahalaga ng mga mag-aaral upang maging kongkreto, dinamiko at ganap ang
pagkatuto (Abad, 1996).
Isang tanging gamit sa pagtuturo na nagtataglay ng gabay para sa mag-aaral at
guro na tumitiyak na sa bawat karagdagang pagkatuto ng nilalaman, teknik ng paglalahad,
pagsasanay at paggamit ng nilalaman at paraan ng pagtuturo gamit ang iba’t ibang teknik
(Johnson, 1972).
Espesyal na dinisenyo gamit sa silid-aralan na binubuo ng mga panuto para sa mga
mag-aaral, at nakasaad ang mga layunin ng pagkatuto, ang paksang dapat matutuhan,
mga teknik ng presentasyon ng aralin, kasanayan at gamit ng paksa o aralin.
Sa ibinigay na mga pagpapakahulugan masasabi natin na ang kagamitang
pampagtuturo ay ang lahat ng bagay na makikita sa silid-aralan na makatutulong sa pag-
aaral ng mga mag-aaral at nagsisilbing gabay ng guro sa kaniyang pagtuturo.
Sa lahat ng bagay na makikita sa silid-aralan, ang guro ang maituturing na
pinakamahalagang kagamitan sa pagtuturo dahil sabi nga ni Ginong Pado “The best
technology is the teacher.” Guro pa rin ang pinakamabisang kagamitang panturo. Ayon
nga kay Abad (1996), isang katotohanan na walang makapapalit sa isang mabuting guro
bilang isang kagamitang panturo ngunit katotohanan din na gumagamit siya ng mga
kagamitang panturo para sa mabisang talakayan at makatulong sa mga mag-aaral na
lalong maintindihan ang tinatalakay.
2.2 Mga Batayang Simulain sa Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang
Panturo

 Prinsipyo at Teorya
Sa paghahanda ng kagamitang panturo, kinakailangan na isaalang-alang at
maunawaan nang mabuti ang mga prinsipyo at teorya sa paggamit at pagdisenyo ng
kagamitang panturo. Ang Teorya ay tumutukoy sa kung gaano kaganda ang
pagkakapaliwanag sa isang bagay na pinaghandaan. Ayon kay Reigeluth (1983), ang
teorya ay isang set ng modelo at ang prinsipyo at teoryang ito ay matutukoy lamang
sa pamamagitan descriptive at perspective na anyo. Ayon naman kay Seels (1997),
ang teorya ay paliwanag ng penomina at pangyayari na makakatulong sa mag-aaral
na lubusang maunawaan ang talakayan.
 Batayang Konsepto sa Disenyo
a. Ang kagamitang panturo ay kinakailangang angkop sa panahon ay
nakaugnay at nakaayon sa kurikulum upang makatulong na
maisakatuparan ang layunin sa pagkatuto.

Kurikulum Planing
1. Pagtukoy sa pangangailangan ng mag-aaral
2. Pagbuo ng mga tunguhin at layunin
3. Pagbuo ng materyales
4. Pagbuo ng Pagsusulit

Implementasyon ng Kurikulum
1. Pagtuturo sa mga mag-aaral
2. Pagmomonitor at pagsasagawa ng pagtuturo
3. Pagsulat ng mga karagdagang kagamitan

1. Pagbibigay ng pagsubok sa mga mag-aaral


2.Pag-eevalweyt sa kurikulum

b. Ang kagamitan ay awtentiko at kongkreto sa teksto at gawain.


 Pamantayan sa Kagamitang Panturo

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 2 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Kinakailangang maanalisa muna ang paggamit ng kagamitang panturo upang
nakabatay ito sa target na panggagamitan.
Bumuo ng isang kurikulum grid na kung saan nakatutulong ito sa pagbuo ng
materyales at malaman din ang kontent at literasi lebel ng mag-aaral.
Ang pagpili ng tema ay isang mahirap na gawain sapagkat kinakailangang mag-
isip nang mabuti kung anong kagamitang panturo ang gagawin.
 Ilustrasyon
Ito ay tumutulong sa mag-aaral na makabuo ng larawan o konsepto upang higit
na maunawaan ang talakayan.
 Editing
Isa rin sa mga mahirap isagawa sapagkat matrabaho ang editing na kung saan
kinakailangang wasto at magkakaugnay ang napiling kagamitang panturo sa aralin.
Iniisa-isa at iwinawasto ang mga kailangan at kaugnay na ilustrasyon sa teksto.
 Pamagat
Ito ay kinakailangang kaakit-akit upang mahikayat ang mga mag-aaral na
malaman ang gagawin.

Apat na Yugto sa Pagbuo ng Kagamitang Panturo (Modelo nina Nicholls at Nicholls


(1972))

1. Pagpili at eksaminasyon ng mga batayan sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo.


2. Ang pagbuo ng kagamitang panturo at pagsubok nito.
3. Pagtataya at ebalwasyon.
4. Fidbak

Ang Pamimili ng Angkop na Kagamitang Panturo


Makatutulong ang sumusunod na katanungan upang matukoy at mapili ang
angkop na kagamitan sa partikular na aralin at gawain.

1. Kilala ko ba ang aking tuturuan?


Kilalanin ang tuturuan ayon sa kaniyang gulang, kasarian, pangangailangan,
kahandaan, kakayahan, pag-uugali, kultura, at iba pa. Mahalaga sa guro ang mga
impormasyong ito upang maging epektibo sa pagtuturo.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 3 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
2. Anong uri ng pagtugon at awtput ang aasahan ko sa mag-aaral?
 Piliin ang paksang naaayon sa kaniyang pangangailangan.
 Magdisenyo ng pamamaraang magpapabilis sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto.
 Tukuyin ang pantulong na kagamitan.
 Ihanda ang kagamitang magagamit sa pagtataya ng pagtuturo-pagkatuto.

3. Saan magaganap ang pagtuturo? Gaano katagal?


Sa pamimili ng lugar, kailangang bigyang pansin ang sumusunod:
 Sa loob o labas ng silid-aralan
 Mga kagamitan (silid-aralan, kuryente, upuan, mesa, bentilasyon, at iba pa.)
 Ang panahon at oras na ilalaan sa aralin o gawain

4. Anong metodo ang aking gagamitin?


 Piliin at ihanda ang mga metodong makapagpapayaman ng interaksyon at
karanasan.

5. Ano-anong kagamitan ang angkop sa aking layunin?


 Natutugunan ang layunin ng pagtuturo
 Nakapupukaw ng interes
 Madaling makuha at ihanda
 Hindi masyadong mahal

Mga Hakbang sa Paghahanda ng mga Kagamitang Panturo


1. Tukuyin kung anong uri ng kagamitang panturo ang kailangan.
Makatutulong ang sumusunod na katanungan upang matiyak ang pinakaangkop
na kagamitang gagamitin sa tiyak na aralin at sitwasyon.
 Sino-sino ang aking tuturuan?
 Ano-ano ang inaasahan ko sa kanila?
 Saan at gaano kahaba ang panahong gugugulin sa pagtuturo?
 Ano-anong metodo ang aking gagamitin?
 Paano ko matitiyak ang pagiging epektibo ng aking kagamitan?

2. Itala ang mga pangunahing kaisipan ng aralin.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 4 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
 Tukuyin ang pangunahing kaisipan ng aralin. Ang mga ito’y makatutulong upang
mapili at maihandang mabuti ang mga kagamitang gaganyak sa mga mag-aaral upang
makilahok sa mga gawain.

3. Bumuo ng patnubay o “visual plan” para sa bawat pangunahing kaisipan.


Mahalaga ang pagpaplano bago ang pagdidisenyo ng mga kagamitan.
 Magkaroon ng sapat na oras sa paghahanda at maglaan din ng sapat na panahon para
sa pagrebisa at pagpapakinis kung kinakailangan.
 Makipag-ugnayan sa mga taong may sapat na kaalaman sa paghahanda at
pagdidesenyo ng mga kagamitan upang makakuha ng sapat na kahandaan.

4. Muling suriin ang balangkas upang matiyak na nasusunod ang mga pamantayan sa
paghahanda at pagdidisenyo.
 Gamitin ang limang katanungan sa pagpaplano ng kagamitan upang masuri ang iyong
mga balangkas o "sketch". Maaaring baguhin kung kinakailangan.

5. Isaayos ang mga binalangkas na kagamitan.


 Isaayos ang mga kagamitan ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga gawain. Lagyan ng
bilang ang bawat isa upang masiguro ang kaayusan nito.

6. Maaaring magkaroon ng try out para matiyak ang kabisaan ng mga ito.
7. Pagkatapos ng try out, isagawa agad ang pagpapakinis kung may dapat baguhin.

Pagtukoy sa Kaangkupan ng mga Kagamitang Biswal

1) Ang mga salita ba at larawan ay madaling maunawaan?


Ang mga salita ay ginagamit bilang pamagat, paliwanag sa mga larawan
(caption), label, at subtitle upang lalong maging epektibo ang paggamit sa mga
kagamitang biswal. Kailangan:
a) malalaki at makakapal upang madaling mabasa,
b) payak ang estilo ng letrang gagamitin, at

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 5 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
c) angkop ang background sa kulay at estilo ng letra o larawan at guhit na
gagamitin.
Ang mga larawan at guhit ay idisenyo nang maayos upang maihatid ang
kaisipan at mensahe. Nakapupukaw ng atensyon ang mga salitang madaling mabasa
at mga larawang malinaw na nakikita.

2) Malinaw ba ang impormasyong ihahatid?


Masasabing epektibo ang kagamitang biswal kapag nakapaghahatid ng tiyak
na ideya. Madaling matukoy ang impormasyon kapag maganda at maayos ang disenyo
ng kagamitan. Kung kailangan ang higit pa sa isa ang larawan upang linawin ang mas
komplikadong kaisipan, gumamit ng serye ng mga larawang naghihimaton ng
kasagutan.

3) Tama ba ang layout ng kagamitan?


Nabibigyang-diin ang impormasyong nais ihatid ng kagamitan kapag maayos
at nasa tamang lugar ang mga salita at mga larawan. Madali ring maunawaan ng mga
mag-aaral ang mensahe kapag ang mga salita at larawan ay nasa “optical center”.
Masasabing tama ang “layout” kung sasaklawin ng larawan at salita ang espasyong
dapat gamitin. Kung ang mga larawan ay may pamagat, caption, at label, tiyaking
maayos at tama ang pagkakatapat ng mga salita sa larawan.
4) Madali bang matukoy ang mahahalagang impormasyon o konsepto?
Magagamit ang kulay, linya at palaso upang mabigyang-diin ang
mahahalagang impormasyon o konsepto. Sa pamamagitan ng mga nabanggit, agad
matutukoy ang wastong pagkakaugnay-ugnay ng mga konsepto. Makatutulong din
ang “contrast” at “sharp contrast” ng mga kulay upang matukoy agad ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay.

5) Nakapupukaw ba ng atensyon at interes ang mga kagamitan?


Ang sumusunod na katanungan ay makatutulong upang masabing
nakagaganyak nga ang kagamitang panturo:
a) Ano-ano ang kinagigiliwan ng aking mga mag-aaral?
b) Ano-ano ang gusto nilang makita?
c) Ano-anong uri ng kagamitan ang higit na magbubunsod sa kanila upang
tumugon?

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 6 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Kailangang angkop ang kagamitang panturo sa kawilihan, edad, at
personalidad ng mga mag-aaral. Kapag nadama nila ang kabuluhan ng gawain,
ibibigay nila ang kanilang panahon sa gawain at magiging kusa ang pagtugon.

Mga Teknik sa Pagdidisenyo ng mga Kagamitang Biswal


1) Maging mapanuri sa iba’t ibang bagay na nakikita sa paligid.
2) Maaari nang balangkasin ang mga ideyang mabubuo batay sa mga namasid.
3) Makilahok sa mga usapan at pagpaplano ng mga kasama.
4) Maging bukas sa mga mungkahi ng iba upang lalong mapayaman ang
paghahanda.
5) Palawakin ang pananaw sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pakikipag-ugnayan
sa mga dalubhasa.
6) Mangolekta at mag-ipon ng mga kagamitang panturo.

Mga Teknik sa Pagkakatitik (Lettering)


Madaragdagan ang pagiging epektibo ng kagamitang panturo sa tulong ng estilo
ng pagkakasulat ng mga letra para sa berbal na impormasyon tulad ng pamagat, teksto,
caption, at label ng guhit.
Dalawang teknik sa pagkakatitik:
1) Manwal – ito’y teknik sa pagsulat ng mga letra gamit ang kamay
2) Mekanikal – ito’y teknik sa pagsulat ng mga letra sa tulong ng ibang kagamitan
o mechanical devices.

Mga Teknik sa Pagbuo ng mga Ilustrasyon


May tatlong teknik sa pagbuo ng ilustrasyon:
1) Paste-up – ang mga larawan o kaya’y drawing mula sa mga magasin, pahayagan,
at brochure ay maaaring gupitin at idikit o paste-up sa mga illustration board.
2) Pagkopya – maaaring kopyahin nang buong-buo ang mga orihinal na larawan. Ang
manipis na papel ay ipapatong sa papel na pagkokopyahan at kokopyahin sa
pamamagitan ng pag-aaninag.
3) Pagpapalaki at pagpapaliit ng mga larawan – ang mga larawan ay maaaring
palakihin o paliitin.
a) prosesong photographic
b) squaring o graphing na metodo

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 7 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
c) rubber band na metodo
d) production tracing

Ang Paggamit ng Kulay


Napakahalagang sangkap sa pagdidisenyo ng mga kagamitan ang iba’t ibang kulay.
Sa pamamagitan ng mga kulay:
1) Lalong napagaganda at nakahihikayat ang mga kagamitang biswal.
2) Nagiging makatotohanan ang mga imahen.
3) Mailalantad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga konsepto.
4) Nakabubuo ng tiyak na reaksyong emosyunal.
5) Nakakakuha ng atensyon.
6) Nakadaragdag ng aesthetic appel.

Ang Komersyal at ang Awtentikong Kagamitan


Komersyal na teksbuk
Ang komersyal na teksbuk ay ang pangunahing komponent sa halos lahat ng
programang pangwika, ayon kay Richard (2001). Sa ibang sitwasyon ito ay nagsisilbing
batayan ng mga input pangwika na natatanggap ng mga mag-aaral. Ito ay naghahatid ng
mga basehan para sa nilalaman ng leksyon, ang mga kasanayang dapat ituro at ang uri ng
wika na kung saan kabilang ang mga mag-aaral. Sa madaling salita, ito ang nagsisilbing
primarya at kaagapay ng guro sa kaniyang pagtuturo.
Ang pagrgamit ng komersyal na mga teksbuk sa pagtuturo ay kapwa naghahatid
ng adbentahe at disadbentahe, ito’y nakabatay kung paano ito ginagamit at kung ano ang
kontekstong panggagamitan nito. Ang sumusunod ay ilan sa pangunahing adbentahe
nito:
1. Nakapagbibigay ng balangkas at silabus sa isang tiyak na programa.
2. Nakatutulong sa paghahatid ng estandardisadong instruksiyon.
3. Napapanatili ang kalidad ng pagtuturo.
4. Nakapaghahatid ng iba’t ibang mapagkukunan ng impormasyon.
5. Episyente
6. Nakapagbibigay ng epektibong modelong pangwika at input.
7. Maaaring tagapagsanay ng mga guro.
8. Maganda sa paningin

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 8 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Sa kabilang dako, ang komersyal na teksbuk ay nagtataglay rin ng mga negatibong
epekto tulad ng:
1. Naglalaman ng di-awtentikong lingguwahe
2. Maaaring mawala ang tunay na nilalaman o content.
3. Maaaring hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.
4. Nababawasan ang kakayahan ng guro sa paggawa ng gawain.
5. Nangangailangan ng sapat na halaga.

Awtentikong Kagamitan
Ayon kay Peacock(1997), ang materyales ay ginagawa upang matugunan ang ilang
adhikaing pansosyal sa pag-aaral ng lingguwahe sa komunidad. Sa pamamagitan nito ay
nagkakaroon ng eksposyur ang mga bata sa pag-aaral ng wika, gamit ang AKP
(Autentikong Kagamitang Panturo). Madaling magkaroon sila ng pagkatuto at kamalayan
sa mga bagay sa kanilang komunidad na ginagamit nila sa pang-araw-araw na
pakikisalamuha.
Ayon naman kay Morley (2001), ang awtentikong kagamitan ay makabuluhan at
nagbigay ng motibasyon sa mag-aaral sa matalinong pagkatuto, nagagawa rin nitong
ihayag ang tunay na nilalaman at estruktura ng lengguwahe.
Ang paggamit ng awtentikong kagamitan sa loob ng klasrum ay naghahatid ng
maraming adbentahe tulad ng:
1. Ang mga mag-aaral ay nahahantad sa tunay na diskurso, gaya ng panonood
ng direktang bidyo ng mga panayam ng mga kilalang tao kung saan ang mga
mag-aaral ay nakikinig sa mahahalagang ideya.
2. Napapanatili nito ang pagkakaroon ng kamalayan ng mga mag-aaral sa mga
nangyayari sa mundo.
3. Parehong uri ng kagamitan ang maaaring gamitin sa ibang pagkakataon kung
ang gawain ay magkaiba.
4. Ang pagbabago sa wika ay kapansin-pansin sa mga kagamitan.
5. Ang mga aklat, artikulo, pahayagan, at iba pa ay naglalaman ng malawak na
barayti ng text types, language styles na hindi agarang makikita sa isang
kombensyunal na kagamitang pampagtuturo.

Negatibong hatid ng awtentikong kagamitan, ayon kay Richards (2001)


1. Culturally biased

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 9 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
2. Naglalaman ng mahihirap na lingguwahe
3. Unneeded vocabulary items
4. Kompleks na estruktura ng wika

Ang ASSURE MODEL sa Paghahanda ng mga Kagamitang Panturo

Ang lahat ng epektibong pagtuturo ay nangangailangan ng maingat na


pagpaplano, kasama rito ang paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo. Ang ASSURE
Model ay nakatuon sa pagpaplano ng mga gawaing pangklasrum na isinasaalang-alang
ang paggamit ng teknolohiya. Nagsisilbing gabay ang ASSURE Model para tasahin ang
katangian ng mga mag-aaral at ang layunin na dapat matamo.
Nararapat kilalanin ang mga mag-aaral upang makabuo ng
A- Analyze Learners
mas kapaki-pakinabang na mga kagamitang pampagtuturo.
(Suriin ang mga Mag- Dapat makilala nang buong husay ng mga guro ang mag-
aaral) aaral sa aspetong edad, baitang o taon, kutlura at ang sosyo-
ekonomik na kalagayan sa lipunan ng mga mag-aaral, ang
kanilang kakayahan, pag-uugali at kawilihan. Gayundin
naman, ang estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Dapat din namang isaalang-alang ng mga guro ang ABCD sa
S – State Objectives
paglalahad ng mahusay na layunin:
(Ilahad ang mga Layunin) a) Audience (Mag-aaral) – nakatuon sa kakayahan ng mga
mag-aaral.
b) Behavior (Gawi) – ang pinakapuso ng paglalahad ng
layunin na naglalarawan sa mga kakayahang
maisasagawa ng mga mag-aaral matapos ang pagtuturo.
c) Conditions (Kalagayan) – nararapat na kasama sa
paglalahad ng layunin ang kalagayan na kung saan ang
pagsasagawa ng mga inaasahang gawi ay kapansin-
pansin.
d) Degree (Antas) – nararapat na kasamang nakalahad sa
layunin ang pamantayan na kung saan makikita ang
gawing inaasahan.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 10 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Ilahad ang mga layunin batay sa mga maaaring magampanan
ng mga mag-aaral. Gabay ng mga guro ang layuning
pampagkatuto upang makapagplano siya nang maayos.
Isaisip ng guro na ang mga kagamitan na gagamitin ay yaong
S – Select Methods,
naaayon sa asignatura, paksa at kawilihan ng mga mag-aaral.
Media and Materials Sa maraming pagkakataon, ang guro ay mahahamon na
(Pagpili ng Pamamaraan, magsaayos ng mga kagamitang kakailanganin.
Media at mga Kagamitan)

PagplanuhIng mabuti kung paano gagamitin ang mga


U- Utilize Materials and kagamitang pampagtuturo na aayon din naman sa
Media (Gamitin ang mga pamamaraang gagamitin.
Naaayong Kagamitan at
Media)

Upang maging epektibo ang pag-aaral at pagkatuto,


R – Require Learner
nararapat na mental na nakagigising nang sa gayon ang mga
Participation (Kailanganin mag-aaral ay patuloy na aktibong makilahok sa talakayan.
ang Pakikilahok ng mga
Mag-aaral)

Nararapat na matutong magtaya ang guro sa kabisaan ng


E – Evaluate and Revise
mga gamit na ito. Kung nakita ng guro ang kahinaan nito,
(Pagtataya at nararapat din patuloy niya itong paunlarin upang mas
Pagpapabuti) mapabuti ang paggamit sa mga ito sa susunod na pagtuturo.

Pagpili ng mga Input at Sanggunian


Ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga hanguang primarya (primary sources) ay:
 Mga individwal awtoridad,
 Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon, fraternity,
katutubo o mga minorya, bisnes, samahan, simbahan at gobyerno,
 Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang legal at
ekonomik at iba pa, at

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 11 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
 Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas-
kautusan, treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte,
sulat, jornal at taalarawan o dayari.

Ang mga hanguang sekondarya (secondary sources) naman ay:


 Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensaklopidya, taunang-ulat o yearbook, almanac at
atlas,
 Mga nalathalang artikulo sa dyornal, magazin, pahayagan, at newsletter.
 Mga tesis, disertasyon at pag-aaral ng fisibiliti, nailathala man ang mga ito o hindi; at
 Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

Hanguang Elektroniko o Internet


 Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na
hanguan ng mga impormasyon o datos.
 Sa isang pindot lamang ng daliri ay may mayamang impormasyon ka nang
makukuha.
 Ang teknolohiyang ito ay bunga ng kumbinasyon ng serbisyong postal, telepono, at
silad-aklatan.
 Sa internet ay maaari ka ring magpadala ng liham-elektroniko o e-mail sa alin
mang panig ng mundo.
 Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng impormasyon sa
pamamagitan ng koreo na aabutin ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan
sa malalayong lugar o kaya’y pangangalap ng mga datos gamit ang telepono.
 Kung ang internet ay maaaring pagkunan ng impormasyon o datos, nangangahulugan
lamang na malaking tulong ito sa pananaliksik.

May ilan lamang katanungan sa kawastuhan ng paggamit nito, gaya ng sumusunod:


 Gaano kahalaga ang impormasyong manggagaling sa internet?
 Ano-ano ang sukatan ng kahalagahan nito?

Narito ang mga ilang payo hinggil sa bagay na ito:


a. Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?
1. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula
sa institusyon ng edukasyon o akademiko.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 12 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Halimbawa: http://www.university_of_makati.edu
2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula
sa komersyo o bisnes.
Halimbawa: www.yahoo.com
3. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalahaan.
Halimbawa: http://www.tourism.gov

b. Sino ang may akda?


Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang impormasyon sa internet
nang sa gayo’y masuri kung ang impormasyon ay wasto at kumpleto. Kadalasan kasi ay
kalakip ng impormasyong isinulat ng may-akda ang kanilang mga kredensyal at
kwalipikasyon. Kung gayon, maaaring iverify ang mga impormasyon hinggil sa kanilang
pagkatao. Kung wala ito, mahirap paniwalaan ang kanilang akda.

c. Ano ang layunin?


Alamin ang layunin ng may akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website. Nais
bang magbahagi ng impormasyon o magbenta lamang ng produkto? Alalahaning
napakaluwag ng pagpasok ng mga impormasyon sa internet. Samaktuwid, maaari rin
itong magamit sa pagpapakalat ng maling propaganda at mga pansariling interes.

d. Paano inilahad ang impormasyon?


Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung bias at
prejudice ang teksto.

e. Makatotohanan ba ang teksto?


Alamin kung opisyal o dokumentado ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat
ay maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. Subukan din kung ang website ay
maaaring ihalintulad o iugnay sa ibang website nang sa gayo’y maikumpara ito sa iba nang
matimbang kung ang tekstong laman nito ay wasto o hindi.

f. Ang impormasyon ba ay napapanahon?


Mainam kung ang impormasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang petsa
ng pinakahuling rebisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o
hindi.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 13 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
g. Ano ang kaugnayan nito sa paksa?
Tiyaking ang mga impormasyon sa mga sanggunian ay tumatalakay sa paksa ng
pananaliksik.

h. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at tagapaglathala?


Makabubuti kung ang sumulat ng mga sanggunian ay mapagkakatiwalaan o mga
awtoridad sa paksa. Tingnan kung may sapat na kaalaman at karanasan ang mga akda sa
kanyang paksang sinusulat.

Mga Napapanahong Teknolohiya at Kagamitan sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan


1. Mga Kagamitang Limbag at Inihahanda ng Guro

a. Batayang aklat – isang masistemang pagsasaayos ng paksang-aralin para


sa isang tiyak ng asignatura at antas. Inlaayon ito sa mga kaalamang
binalangkas ng pamahalaan upang matugunan ang araling angkop sa
pangangailangan, panahon at lebel ng gagamit.
b. Manwal ng guro – kalipunan ng mga araling nakaayos ayon sa layunin at
mga mungkahing paraan o istratehiya kung paano itong ituturo sa mga
mag-aaral.
c. Silabus – isang balangkas ng mga layunin, paksang aralin na nauukol sa
isang partikular na kurso o asignatura na nakaayos nang sunud-sunod
ayon sa kinabibilangang yunit at inilaan para sa isang markahan o
semester.
d. Workbuk – kinapapalooban ng mga gawaing pagsasanay ng mga mag-
aaral kaugnay na tinatalakay mula sa teksbuk. Maaaring kapalooban ito
ng maikling teksto at maraming gawain at pagsasanay.
e. Kopya ng balangkas – (duplicated outlines) ito ay dagdag na sipi ng mga
binalangkas na aralin. Ito ang ginagamit na gabay sa pagpaplano at
pagbubuo ng araling tatalakayin.
f. Hand-awts – Sinaliksik at pinayamang paksa. Madalas inihahanda ng
isang tagapagsalita para sa kanyang tagapakinig. Nababalikang basahin ng
guro para sa ikalilinaw ng isang paksa.
g. Pamplets/Suplemental magasin/babasahin – Mga set ng impormasyong
mula sa ibang materyals na idinadagdag sa tinalakay na aralin.
h. Artikulo mula sa magasin/babasahin – Naglalaman ng iba’t ibang paksa
na napapanahon na magagamit na pantulong sa isang aralin.
i. Pahayagan – Naglalaman ng mga pangyayari sa loob at labas ng ating
bansa. Ginagamit na batayan at pantulong bilang suportang
impormasyon na kaugnay sa aralin.
j. Dyornal – isang balangkas na sipi ng kinalabasan na isang pananaliksik.
Maaaring dyornal sa medisina, dyornal sa arkitektura atbp.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 14 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
k. Indexes – isang materyal na pinagmumulan at pinagkukuhanan ng mga
sanggunian at impormasyon.
l. Worksheet at workcards - kagamitang pinagsusulatan ng mga
impormasyon at kaalaman upang madaling maisaayos.
m. Modyul - Isang kit sa pansariling pagkatuto. Ito ay binubuo ng ia’t-ibang
gawaing pagkatuto na kadalasan ay nasa anyong pamphlet/babasahin.
May iba’t-ibang uri ang modyul: Modyul sa pangsariling pagkatuto,
modyul sa pagsunod ng panuto at modyul sa balangkas na gawain.
n. Banghay aralin – Ito’y balangkas ng mga layunin, paksang aralin
kagamitan at mga hakbang na sunod-sunod na isasagawa upang
maisakatuparan ang mga layunin o inaasahang bunga ng isang aralin.
o. Patnubay sa Gawaing Pangmag-aaral – Set ng mga panuto at tanong na
makakatulong sa pagtalakay ng mga bagong aralin
p. Pagsusulit – Isang kagamitang sumusukat kung gaano ang natutuhan ng
isang mag-aaral. Ito ay ginagamit ding pagganyak upang ang mag-aaral
aymaging atentibo sa pagtalakay ng aralin. Natutuklasan din ng isang
mag- aaral ang kanyang kakayahan at kagalingan.
q. Talahanayan ng Ispesipikasyon - Sa paghahanda ng guro ng pagsusulit
makikita ang lawak ng nilalaman, bilang ng aytem, at uri ng pagsusuri ng
gagawin.

2. Mga Kagamitang Namamasid

a. Chalkboard Display - Mga larawan at talang nakaguhit o nakasulat sa isang dark


colored na bagay.
b. Whiteboard o Markerboard display - Mga larawan at talang nakaguhit o
nakasulat sa isang light-coloured na bagay
c. Mga larawan - nagiging makatotohanan ang isang bagay o paksa dahil sa
nakikitang hugis, laki at kulay. Karaniwang ipinapakikita ng guro sa pagtalakay ng
aralin upang magkaroon ng gabay ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang
nilalaman ng guro. Maaaring gamitin ang mga larawan mula sa kalendaryo,
pahayagan at magasin.
d. Ilustrasyon - Ginuguhit na manwal/kamay ang paraan sa pagbubuo ng isang
bagay, tao, lugar at pangyayari.
e. Tsart/ Graphic Organizer - Ginagamit upang pag-ugnayin at ikategorya ang mga
konsepto at pangyayari mula sa binasa. Tinatawag din itong biswal na larawan
(Garcia, 2008). May iba't ibang uri ng grapikong pantukoy, bilang kagamitang
pedagohikal, ang mga ito ay ginagamit na pambiswal. Ito ay may iba't ibang
paraan ng pagdidisenyo, may teknik ng pagkakatitik, paglalarawan, paglalagay ng
kulay, at lay-awt. Ito ay mabisang kagamitan para sa epektibong komunikasyon
biswal (Mayos et. Al. 2009).
f. Awtentikong Kagamitan - tumutukoy sa pagiging awtentiko ng input data na
gagamiting lunsaran sa paggawa ng kagamitang panturo. Ang mga data ay hango
sa pahayagan, patalastas, magasin, brochure at billboards.
g. Graphs – flat picture na binubuo ng tuldok, guhit o larawan gaya ng circle graphs,
bar graphs, line graphs, ple graphs, area graphs at pictorial graphs.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 15 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
h. Maps – guhit na flat na nagpapakita ng kinaroroonan ng lugar/pook, bansa at
agwat/layo ng oras
i. Globes – dito maaaring makita ang eksaktong kinaroroonan ng lugar/pook,
bansa at pati ang layo /agwat ng oras.
j. Posters – Eye catching graphics at sa pamamagitan nito madaling makuha ang
mensahe mula sa nakasaad sa larawan o ilustrasyon.
k. Exhibits – Mga iba’t ibang kagamitan na may kaugnayan sa isang gawain bilang
karagdagang kaalamang biswal. Maaaring exhibit ng mga aklat, exhibit ng isang
produkto atb.
l. Hook and Loop Display – Mga larawan o ilustrasyon at iba pang biswal aids na
isinasabit upang makita ang paksang tinatalakay.
m. Magnetic Board Display – Mga larawan at tala ng impormasyon na idinidikit sa
pamamagitan ng maliliit na magnetic holders. N. Bulletin Board Display –
Inilalagay ng mga mahahalagang anawsment, programa, tala at mga larawan.
Ginagamit din ito upang maipakita ang mga natataging mag-aaral, impormasyon
at natatanging isyu hinggil sa mahalagang paksa.
n. Museum - Dito maaaring matagpuan ang mga impormasyong hindi karaniwan o
hindi naranasan. Maaari ring mga bagay na sinauna at lumang coins, gamit,
damit, larawan, bato, atb. Ito ay itinatabi at pinepreserba upang makita ng mga
mag-aaral.
o. Flannel Board at Felt Board – kagamitang yari sa kardboard o kahoy na
binabalutan ng felt na papel. Makikita dito ang mga nakadikit na larawan, sulatin,
atb.
p. Mga Bagay
1. Ispesimen – bato, insekto, dahon, kahoy
2. Realidad-awentikong kagamitan, foreign coins, artifacts
3. Modelo-presentasyon ng isang bagay
q. Mock-up replica-yari sa isang tunay o sintetik na materyales
r. Mock trial - tunay na taong nagsisiganap sa pagbibigay hatol sa isang pangyayari
sa kwento na nais bigyan ng pagsusuri.
s. Papet - mga tau-tauhang pinagagalaw gamit ang mga daliri o kamay.
t. Dayorama - modelo ng tauhan, tagpo o pangyayari hinggil sa bahagi ng akdang
tinatalakay upang maging katotohanan. 8. Pabitin o Mobil - Itinatanghal sa
pamamagitan ng pagsasabit o pagbibitin ng anumang bagay na may kaugnayan
sa aralin.
u. Plaskard- nakasulat na salita, pangungusap, larawan maaring may kulay o wala
v. Cue cards - Ipapasalaysay ang mga pangyayari sa pamamagitan ng mga susing
salita na nakasulat sa cue cards.
w. Komik Strip - Mga pangyayaring nakalarawan at ang usapan ng mga tauhan ay
nasa loob ng balloon. Ginagait ang komik strip upang maging maikli ang isang
mahabang salaysay.
x. Notekard - Nakatalang teksto at lektyur
y. Mga Seleksyong Pampanitikan - maaaring sanaysay, kwento, tula, dula,
talambuhay at iba pa na magagamit na lunsaran sa pagkatuto.
z. Kasuotan (costumes) - sa pamamagitan nito ay naisabuhay ang akma sa isang
partikular na panahon o lugar. Maaari rin namang gawin ito kung nais ng guro na
magkaroon ng pagtatanghal sa ilang piling kilalang tao. Ang mga mag-aaral ay

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 16 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
magbibihis na gaya ng mga bayani, mga pinuno ng bayan o kahit sinong kilalang
tao na maaari naman sa kaugnayan sa paksang tinalakay.

3. Mga Kagamitang Naririnig


a. Radyo - mga dula, awitin, debate, balita at komentaryo.
b. Cassette - mga awitin
c. Tape Recorder - lektyur, talumpati, tula, awitin at iba pang anyo ng
panitikan.

4. Mga Kagamitang Naririnig at Namamasid


a. Sine-Mga pangyayari hinggil sa pag-ibig, pakikipagsapalaran, kabayanihan
at ilang maaaring makita sa lipunan.
b. Telebisyon – balita, debate, telesine at iba pang paksa.
c. Materyales computer-mediated
d. Video tapes

5. Resorses mula sa komunidad


a. Field Trips – Ang mga mag-aaral ay lumalabas sa klasrum
b. Tagapanayam o tagapagsalita – Mga taong higit ang kaalaman at may
kaalamang hindi batid ng iba. Halimbawa: pulis, guro, mayor, manunulat,
pangulo, senador, preacher, at iba pa.
c. Demonstrasyon – Isang pagpapakita ng kakaibang pagtuturo na gamit
ang mga napapanahong metodo, teknik, bagong kaalaman.
d. Laboratori - May iba’t ibang ekwipment gaya ng mga magnetic tape
recorders, headsets, microphones. Sa agham, kagamitan tulad ng
microphones, slides at atbp.

6. Kagamitang Projected at Namamasid


a. Slides – mga larawan ng isa o maraming aralin
b. Filmstrip – Mga larawan ng bagay, tao, lugar o pangyayari
c. Opaque projectors – pinalaking imahen ng larawan at ilustrasyon ng tao,
bagay, hayop at pangyayari.
d. Overhead projectors – Ang mga larawan, teksto ng materials ay inililipat
sa isang transparancies para Makita sa screen.

7. Mga Napapanahong Teknolohiya

1. Digital Images – tinatawag ding raster images. Ito ay representasyon ng


dalawang dimensyunal na imahen gamit ay ones and zeroes (binary).” Ito ay
depende sa pagkakalagay ng “Image resolution”, maaari itong vector o raster
tape”,
2. Powerpoint presentation – slideshow is a modern concentration of SLIDE SHOW.
Ang Slide show ay display ng iba’t-ibang piniling imahen na binuo ng masining at
pampagtuturong layunin. Ito ay pinapagalaw ng isang presentor na gamit ang

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 17 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
isang apparatus. Maaring isang carousel slide projector, an overhead projector o
sa kasalukuyan ay kompyuter ang pinaaandar gamit ang powerpoint software.
3. Movie maker presentation – Isa ring modernong presentasyon na ginawa na ang
ginawa ng isang taong ginaya sa mga napapanuod na pelikula. May gumaganap
at may script na binuo. Inangkupan din ito ng mga tunog at tugtog. Inaayon sa
layon ng gumagawa at gumagamit din ng video software.
4. Video - Isang uri ng teknolohiya na electronically, capturing, recoring, processing,
storing, transmitting at reconstructing sekwens ng mga still images na
narerepresenta ng mga kilos at pagganap.
5. Kompyuter (Website Services) – Ang paggamit nito ay napakalaking – tulong na
kagamitan sa pagkatuto ng tao. Ang mga kompyuter predictable at controllable,
madaling magpalit o mag-ayos ng maling sagot. Napakadaling magrebisa ng mga
ginaagwang pag-aaral. Halos lahat ng pag-aaral at impormasyong kailangan ay
maaaring matagpuan sa kompyuter. Madali na ring makausap at Makita ang mga
kaibigang nasa malayong lugar.
6. Photocopies – Isang copier na ginagamitan ng photographic na paraan upang
makabuo ng maraming sipi.
7. DVD/CD Player – maraming mapapanood ang isang dokumentasyon at palabas
gaya sa pelikula, kasal at iba pang binidyo na okasyon.
8. LCD Projector – Ang LCD projector ay isang uri ng video projector na gamit para
ipanuod ang imahen o kaya computer data sa screen o sa iba pang flat na bagay.
9. Videocam – Isang camcomander na “portable consumer electronics device” para
makarecord ng video at awdyo gamit ang isang built-in-recorder.
10. Laptop – Isang uri ng kompyuter. Nakagagawa ng pag-aaral nang mabilis sa
tulong ng LAPTOP. Ito ay maaring madala sa labas ng bahay at kahit anong oras
na nais mong aralin ay maaaring gawin.
11. Laserpen – Isang laser pointer na madalas ginagamit sa pagmamarka
(highlightings) paksang nais mong bigyang-diin at piniprisent sa harap ng
maraming tao. Ginagagawa ito sa pamamagitan ng pagtutok ng ilaw mula sa
laser pointer habang nagrerepresent.
12. I-PAD – Isang kagamitan na pinaglalagakan ng datos, tunog at awit at maaari
ding magrekord ng panayam.
13. Cellphone – Isang long-range, electronic device na ginagamit para sa mobile
voice at data communication sa pamamagitan ng network mula sa isang
specialized base stations a kilalang cell sites.
14. Digital Camera – tinatawag din na DigiCam, Isang camera na ginagamit sa
pagkuha ng video or Still photographs, at digitally nagrerekord ito ng mga
imahen sa pamamagitan ng Electronic image Sensor.
15. Internet – ito ay isang global na pinakokonek ang iba’t ibang kompyuters at
nagagawang nito ang mga gumagamit ay magkaroon ng pagbabahagi ng
impormasyon gamit ay multiple channels. Sa pamamagitan ng internet ang isang
tao ay maaaring makapaghatid ng impormasyon, makipagbalitaan gamit ang
chicka at yahoo messenger. Madaling makipagkomunikasyon dahil sa mga
naturang program.
16. Scanner – narerekord/nasisipi ang isang larawan at ilang dokumento at
napaparami ang mga ito para magamit ulit.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 18 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Kalakasan at Limitasyon ng Iba’t ibang Uri ng Kagamitang Pampagtuturo
1. Printed Materials (textbooks, periodicals)
Kalakasan

 Mayroon itong mayos na pagkakaunod-sunod ng mga aralin na maaaring


magamit ng guro sa pagpaplano ng kabuuang pantuturo.
 Nakapagbibigay ng batayang sanggunian para sa lahat ng mag-aaral
 Mababa lamang ang presyo
 Maaaring luwi ng mga bata sa kanilang tahanan
Limitasyon

 Sa maraming pagkakataon, ito na lamang ang maaaring pagbatayan ng mga


impormayon sa aralin.
 Kadalasang nasusulat para sa kabuuang awdyens, kaya’t hindi naikokonsidera
ang mga local na isyuo suliraning pangkapaligiran upang maipagpatuloy ang pag-
aaral.

2. Visuals (Picture, graphs, charts, photographs, etc,)


Kalakasan

 Nag-uudlot ng malapitan at detalyadong pag-aaral.


 Nahihikayat ang mga mag-aaral na natutulungan sila sa aspetong biswal
 Nakadaragdag ng ibat ibang kawilihan sa aralin Naiiwasan ang madalas na
pagalitan ng guro.
Limitasyon

 Maaaring makapagbigay ng malawak na ideya kung itoy walang “label”.


 Hindi maaaring magamit sa napakalaking bilang ng mga mag-aaral
Nangangailangan ng ilang kasanayan sa paghahanda ng mga ito

3. ChalkBoard/Display Board
Kalakasan

 Napapadali ang pagtalakay sa aralin


 Maaring makaangkop sa anumang aralin na tatalakayin.
 Maaaring plastikan ng ilang mga larawan, Klipings at iba pa na maaaring makita
ng buong klase.
Limitasyon

 Masyadong gamitin at pangkaraniwan


 Maraming mga guro ang nakadependena lamang dito kung kaya naisasantabi
ang paggawa ng mga biswal na pantulong.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 19 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
4. Audio Materials (tapes, recorders)
Kalakasan

 Hinihikayat ang mag-aaral na mapakinggan ang sariling tinig.


 Madaling-ioperate o gamitin
 Kapag marami maaaring maparami ang kopya nito.
 Pinapalawak ang pagkatuto ng mga mag-aaral impormasyong berbal.
Limitasyon

 Kasanayan lamang sa pandinig at pang-unawa ang magagamit dito.


 Sensitibo sa mga ingnay sa paligid

5. Overhead Projector and Transparencies


Kalakasan

 Maaaring malpakita nang mayos at malinaw ang mga impormayon.


 Makikita ng lahat lalo't kung ito ay naka-poject sa malawak na pader o ding-ding
Limitasyon

 Nagdudulot ng pagkapundi ng law ng projector dahil sa mahabang panahon ng


paggamit
 Nagdudulot ng liwanag sa loob ng silid na maaaring makasama sa paningin ng
mga mga-aaral

6. Slides/Slides Projectors
Kalakasan

 Nagdudulot ng makulay at realistikong presentasyon ng mga impormayon


 Maaaring samahan ng mga taped o recorded na tinig para sa epektibong epekto
nito.
Limitasyon

 Maaaring mawala sa wastong daloy at pagkakasunud-sunod lalo't kung ang mga


slides ay hindi naaayos nang mabuti.

7. Telebisyon/Bidyo
Kalakasan

 Napakalaki ang mga imaheng biswal


 Napahihintulutan ang telekomunikasyon o ang kakayahan na mapanuod ang
isang pangyayari sa isang ditansya lamang
 Maaaring magrekord at mapanood muli ang mga pangyayaring nakita

Limitasyon

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 20 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
 Nakapagdudulot ng hindi inaasahang iskedyul ng palabas
 Ang bidyo ay maaaring hindi lumapat sa telebiyon kung walang kasanayan ang
magrerekord nito

8. Kompyuter
Kalakasan

 Nahihikaya’t ang isang mag-aaral na matuto sa kanyang sariling paraan


 Maaaring mapaunlad ang mga materyales upang higit itong maunawaan
 Maaaring magamit na paraan ng pagkatuto kahit wala ang guro.
 Maaaring makagawa ng pagkakamali at maitama ang pagkakamaling ito nang
hindi napapahiya sa klase.
Limitasyon

 Kahinaan sa paglutas ng mga suliraning pangteknikal


 Nangangailangan ng kakayahan sa pagamit ng kompyuter

9. Internet
Kalakasan

 Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan sa ibang mga mag-aaral


saan mang panig ng mundo
 Nagbibigay ng higit na malawak na impormasyong “online”.
 Maaaring makakuha ng artikulo, jomal at ilan pang “online” na publikasyon.
Limitasyon

 Mahirap gumawa ng isang tapat at bukal na komunikayon.


 May “installation fees” at ang mga kakailanganing ekwipment ay mahal.

Wastong Gamit ng mga Kagamitang Panturo sa Pagtuturo ng Wika at


Panitikan
1. Kilalanin ang angkop na kagamitang panturo, aralin at mag-aaral. Ang
bawat aralin ay may nakadisenyong kagamitang panturo. Mayroong
kagamitan na para lamang sa araling pampanitikan at mayroon din para
sa wika. Ito ay iniaayon din sa lebel ng mag-aaral.
2. Kailangang tumugon sa layon ng guro. Nakakamit at nasasagot ang bawat
layunin ng guro. Madali at nagagampanan ito ng guro sa tulong ng
kanyang kagamitan.
3. Isinasaalang-alang ang oras at lugar ng pagkakaganap ng pagtuturo.
Maraming mag-aaral ang kulang ng kagamitang maaaring basahin sa
kanilang tahanan. Maaari silang matuto sa tulong ng isang kagamitang
panturo.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 21 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
4. Kilalanin ang pamaraang gagamitin. Makatitiyak sa uri at bilang ng
kagamitang ihahanda batay sa metodo o pamaraang gagamitin at
isasakatuparan. Mahalaga ito sapagkat ang bawat hakbang at bahagi ng
isang pamaraan ay maaaring mangailangan ng pantulong.

2.3 Hagdan ng Karanasan

Kapag tinalakay ang mga kagamitang tanaw-dinig ay hindi maiiwasang mabanggit ang
hagdan ng karanasan na tinatawag na “cone of experience” sa Ingles. Ang hagdan ng
karanasan ay binubuo ng labing-isang baitang. Ang bawat baitang ay mahalaga sa isa’t isa.
Nagsisimula ang hagdan ng karanasan sa tuwirang karanasan at nagtatapos naman sa
simbolong berbal. Bagamat babaitang ang mga karanasan ay naroon pa rin ang ugnayan
ng bawat isa. Makikita sa ibaba ang anyo ng hagdan ng karanasan (Dale, 1959).

Ang labing-isang baitang ng hagdan ng karanasan ay maaaring pangkatin sa tatlo ayon


sa antas ng pagiging tuwiran hanggang sa maging abstrak. Ang tatlong pangkat ay: (1)
ginagawa, (2) minamasid, at (3) sinasagisag. Ang unang pangkat ay ginagawa sapagkat ito
ay aktwal na ginagawa ng tao. Binubuo ito ng mga tuwirang karanasan, mga
binabalangkas na karanasan at madulang pakikilahok. Ang ikalawang pangkat ay
tinatawag na minamasid sapagkat bukod sa pinagmamasdan ay pinakikinggan pa ang
mga karanasang nakapaloob dito. Ang pakitang-turo, paglalakbay, eksibit telebisyon,
pelikulang gumagalaw, teyp rekording, radyo at larawang di-dumagalaw ay nasa pangkat
ng minamasid. Ang pinakahuling pangkat naman ay sinasagisag sapagkat ito ay
gumagamit ng mga simbolong biswal at berbal.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 22 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Balangkas ng tatlong pangkat ng hagdan ng karanasan.

GINAGAWA - tuwirang karanasan, mga balangkas na karanasan, at madulang pakikilahok

MINAMASID - pakitang-turo, ekskursyon, mga eksibit, midyang pang-edukasyon

SINASAGISAG - simbolong biswal at berbal

Tunay na maaakyat ng mga mag-aaral ang hagdan ng karanasan sa isang mabilis at


kapaki-pakinabang na kaparaanan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng mga
kagamitang tanaw-dinig na inihahanda ng guro sa bawat gawaing ipinararanas sa mga
mag-aaral.

I. GINAGAWA

A. Tuwirang Karanasan

1. Eksperimento - isinasagawa sa laboratoryo ay isang halimbawa ng tuwirang


karanasan. Dito ang mga mag-aaral ay nasusubukang tumuklas ng bagong kaalaman sa
siyensya. Sila mismo ang gumagawa ng gawain.

2. Mga laro - nagiging masaya at aktibo sila sa pamamagitan ng paglalaro. Kung


nakikita natin na nababagot na ang mga mag-aaral, maaari natin silang ganyakin at
pasiglahan sa pamamagitan ng paglalaro. Ang laro ng mabisang paraan para mabigyan-
buhay ang pag-aaral ng mga bata. Gaano man kahirap ang leksyon ay magaganyak pa rin
sila sapagkat ganado sila sa paglalaro. Bagaman maraming uri ng laro, ang bibigyan-pansin
dito ay iyong mga larong maaaring gawinsa loob ng klase at habang nagkaklase. Ang mga
larong ito ay hindi lamang nakalilinlang sa pisikal kundi pati na rin sa mental, sosyal at
emosyunal na aspekto ng tao. Narito ang ilang halimbawa ng laro na maaaring gawin sa
loob ng silid-aralan.

B. Binalangkas na Karanasan

1. Mga Modelo - ito ay panggagaya sa orihinal na kaanyuan at kabuuan ng isang tunay


na bagay. Maaaring ito ay gawa sa kahoy, plastik o bakal. Bagaman may kaliitan ay katulad
na katulad ang anyo sa ginayang tunay na bagay. Dapat ganyakin ang mga mag-aaral na
gumagawa ng modelong gagamitin sa kanilang pag-aaral. Sa paggawa ng mga modelo,
nagkakaroon sila ng tuwirang karanasan kung paano ginagawa ang bagay na ginagaya.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 23 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Ang halimbawa ng mga modelo ay globo, ginagayang bulkan, eroplano, bahay-kubo,
maliit na bangka, malaking modelo ng puso o utak at iba pa.

Paraan ng Paggawa ng Modelo

1. Gumawa ng alambreng kalansay na hugis-kabayo.

2. Balutan ng tea ang ginawang kalansay.

3. Ibabad sa tubig ang mga lumang pahayagan.

4. Bayuhin ang ibinabad ng pahayagan hanggang maging pinong-pino.

5. Haluan ng kola (pandikit) ang binayong papel.

6. Ibalot sa katawan ng kabayo ang pinaghalong papel at kola. Gawin ito hanggang
mabalutan ang buong katawan. Budburan agad ng kusot ang ibabaw nito.

Ipang pang mga Modelo (abokado, banga, ubas)

2. Mock-up - panggagaya rin tulad ng modelo. Ang pinag-iba lamang ng mock-up sa


modelo ay ang isa o bilang bahagi lamang ang gagayahin at hindi ang kabuuan (parte ng
eroplano).

3. Ispesimen - panghalili sa tunay na bagay. Halimbawa, kung hindi madadala sa pook


na pinakukunan ng mineral, maaaring magpakita na lamang sa klase ng iba’t ibang uri ng
bato bilang ispesismen.

4. Mga tunay na bagay (Realia) - mahalagang kagamitang tanaw-dinig. Nahahawakan,


nasusuri at napag-aaralan ang mga ito ng mga mag-aaral. Ang paghawak sa tunay na
bagay ay nagbibigay ng kakaibang karanasan sa mga mag-aaral. Nagiging mabisa ang pag-
aaral ng mga bata tungkol sa mga gulay at prutas halimbawa, kung nakikita nila mismo
ang mga bagay na ito.

C. Madulang Pakikilakhok

1. Mga dula

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 24 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
1.1 Pagtatanghal (Pageant) - makulay na nagpapakita ng mga mahalagang bahagi
ng kasaysayan na kung saan ang mga tauhan ay nakasuot ng angkop na damit.
Nangangailang ng panahon, pera at mahabang pag-eensayo.

1.2 Pantomina o Panggagad - pag-arte nang walang salitaan. Kikilos at aarte ang
kasali ayon sa hinihingi ng kanyang papel sa ginagampanan.

1.3 Tableau - malaki ang pagkakatulad sa pantomina dahil walang salitaan. Kaya
lamang, dito, ay wala ring galawan. Ito ay larawang-eksenang may mga tauhang
tahimik ngunitm may sapat at magandang kapaligiran.

1.4 Saykodrama - kusang-loob na dula na nauukol sa pansariling lihim o


suliraning lihim o suliranin ng isang tao. Ang mismong may suliranin ang gagawa ng
iskrip at magsasadula. Mabisa ito sa paglutas ng pansariling problema na kung
tawagin sa Ingles ay may “therapeutic value”.

1.5 Sosyodrama - walang gaanong paghahanda at pag-eensayo. Umiinog ang


paksa sa suliraning panlipunan. Sa pagsasadula, ipakikita ang suliraning panlpunan at
pipiliting mabigyang-kalutasan ng mga tauhan ang nasabing suliranin.

1.6 Role Playing - ang diin dito ay ang papel na ginagampanan. Ang importante
rito ay mabigyang-buhay at halaga ang papel na ginagampanan.

1.7 Dulang Pasalaysay Chamber Theater) - paraan ng pagpapakahulugan sa


panitikang pinag-aaralan gaya ng maikling kwento, pabula, tulang pasalaysay at
bahagi ng nobela sa pamamagitan ng diyalogo, aksisyon at pagsasalaysay. Ang aktor
ay isa ring tagapagkwento. Hindi gaanong marami ang mga kagamitang pantanghalan
(props).

1.8 Sabayang Pagbigkas - mabisang paraan ng pagpapakahulugan at


pagpapahalaga sa isang tula. Ito ay masasabing kasintanda at kaalinsabay ng unang
dula noong 500 B.C.

1.8.1 Mga Kabutihang Naidudulot ng Sabayang Pagbigkas

1. Nahahasa sa maayos na pagbigkas, kasama na pati ang pagbibigay-


pansin sa mga dulong katinig.

2. Nagkaroon ng malawak na pang-unawa sa tulang binigkas.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 25 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
3. Nakadarama ng higit na pagpapahalaga sa diwa ng tula at sa
magadnang pagkakabuo ng tula.

4. Nasasanay sa madamdaming pabigkas.

5. Nalilinang ang kakayahan sa pagganap.

6. Nagkakaroon ng pagtitiwala sa sarili.

7. Nagkakaroon ng isang maayos na katauhang pantanghalan.

1.8.2 Iba’t ibang Anyo ng Sabayang Pagbigkas

1. pagpapakahulugang pagbasa

2. sabayang pagbasa

3. sabayang pagbigkas na walang galaw at kilos

4. sabayan pagbigkas na may galaw at kilos

5. madulang sabayang pagbigkas

1.8.3 Pagpili ng Piyesa

Dapat naangkop sa pagkakataon o sa sitwasyon. Tingnan ang nilalaman


ng tula. Alamin kung ito ay angkop para sa pagbigkas-maramihan o angkop
lamang para sa isahang pagbigkas.

1.8.4 Pagsasanay sa mga Mambibigkas

Magandang pakinggan ang mga ito kung may tamang blending ng mga
tunog o ng mga tinig at tamang paglakas o paghina ng pagbigkas nito sa mga
tinig at tamang paglakas o paghina ng pagbikas nito sa mga bahagi ng tulang
nangangailangan. Mahalagang uri-uriin muna ang mga mambibigkas. Sila’y
mapapangkat sa timbre ng kanilang tinig. Karaniwang pinapangkat sila sa
tatlo ( 1. mababa at malaki o malagong tinig, 2. karaniwang taas at laki o
midyum na tinig, 3. mataas ang tinig) kung baga sa awit may soprano, alto
bass at tenor.

Ipasaulo ang buong piyesa sa mga mambibigkas. Mahalaga ring sanayin


ang mambibigkas sa wastong pagtutuon ng paningin. Dapat magkaroon ng
kaisahan ng panuunan ng paningin (Belvez, 59-63).

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 26 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
2. Mga Papet - tau-tauhang nagsasalita at gumagalaw dahil sa tagapag-andar
nito.

2.1 Karilyo - pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-piraso kartong hugis-tao o


hayop sa likod ng isang kumot na puti na iniilawan. Habang pinapagalaw anghugis-
taong karton ay sinasabayan ng pagsasalita. Ang hugis ng karton ay ayon sa mga
tauhan ng isang salaysay, alamat. Kuwento, balita at iba pa.

2.2 Istik na Papet

2.3 Kamay na papet o Hand Puppet

2.4 Daliring Papet

2.5 Maryonet o Pising Papel

3. Iba’t Ibang Laro

3.1 Book baseball

II. Minamasid

A. Pakitang-Turo - pakitang-turo ay makatutulong upang lalo pang mapaghusay ang


gawaing pagtuturo. Nalalaman nito ang mga dapat niyang gawin, dapat idagdag, dapat
palitan at dapat na panatilihin. Ang gawaing ito ay makatutulong ng labis hindi lamang sa
nagtuturo bagkus maging sa mga mag-aaral. Sa pakitang turo kadalasang ginagamit ang
pisara at paskilang pranela bilang mga kagamitang tanaw-dinig.

1. Ang Pisara - Sa silid-aralan walang pisara tulad ng dyip na walang gasolina. May
kulang sa pagtuturo ng guro kung walang pisarang masusulatan ng mga paliwanag at
ilustrasyon.

May magandang bentahe ang pisara. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

a. Kagyat at agad-agad na magagamit.

b. Nabubura kaagad ang mga mali.

c. Naitatakda ang bilis o bagal ng pakitang-turo na hindi nagagawa sa demonstrasyon


sa pamamagitan ng sine o telebisyon.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 27 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
d. Nagkakaroon ng masiglang pakikilahok ang mga mag-aaral na pumunta sa pisara
at isulat ang sagot o ang hinihingi ng pakitang turo.

2. Ang Paskilang Pranela o Pelt - Ang paskilang pranela ay isnag kagamitang tanaw-
dinig na dikitan ng mga bagay. Para dumikit ang mga ito, kailangan ang paskilan ay
nababalutan ng pranela o pelt o mga lumang istaking at ang likod naman ng mga bagay
tulad ng mga cut-out, larawan at bilang ay kailangang madidikitan ng papel de liha.

2.1 Paggawa ng Paskilang Pranela

Kagamitan : Playwud o Lawanit o makapal na kardbord AT Telang Pranela o


Pelt o mga luma at sirang istaking

Paraan: (a) Isukat ang laki ng telang pranela o pelt o pinagdugtong dugtong na
lumang isrtaking sa lapad ng lawanit o playwud. Lagyan ng pataan ang pranela o pelt
o lumang istaking para sa pagtutupi ng mga panabi nito sa likod ng playwud o lawanit
at (b) Idikit o ipako sa likod ng playwud o lawanit o kardbord ang nakatuping paligid
ng pranela o pelt sa lumang istaking.

B. Paglalakbay o Ekskursyon - Napakaiksi ng buhay. Maraming bagay at karanasan ang


gusto nating isagawa at pag-aralan nang sarilihan ngunit sa kakulangan ng panahon ay
natutuhan na lamang natin sa pamamagitan ng mga aklat, sine, telebisyon o mga gawain
ng iba. Ngunit may mga bagay na natutunan lamang natin sa pamamagitan ng
pagmamasid, pagsisiyasat at paglalakbay.

C. Eksibit - Ang eksibit ay ang maayos na pagtatanghal ng mga bagay o kaisipan sa isang
tanging lugar o lalagyan upang mamasid ng balana. Ito ay may layuning mangganyak,
magturo o magpaalala ng mga pangyayari.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 28 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Sa paghahanda ng anumang eksibit dapat isaisip ang mga sumusunod na
pamantayan:

(1) Ang eksibit ay tinitingnan at hindi hinihipo.

(2) Nasa lugar na tiyak na napapansin ang eksibit.

(3) May iisang dinawig ipinahahayag ang eksibit.

(4) Malinaw at payak ang mga tatak at paliwanag.

(5) Dapat ay malinaw, kawili-wili at kaakit-akit ang eksibit.

(6) Ang eksibit na gumagalaw ay kailangang pakilusin o pagalawin.

(7) Ilawan ang eksibit kung kinakailangan. (8) Lapatan ng musika ang eksibit kung
kinakailangan.

Ang ilan sa mga porma ng eksibit ay ang:

(1) Display na Yari ng Guro at mga Mag-aaral (2) Museo (3) Bulitin Bord (4) Takbond (5)
Poster (6) Timeline (7) Dayorama (8) Mobil o Pabitin

D. Mga Midyang Pang-Edukasyon

Iba’t ibang kagamitang pangkomunikasyon na ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral


gaya ng telebisyon, sine, radyo, prodyektor, mga larawang di- gumagalaw, islayd, pilm
strip, teyp recorder at iba pa.

(a) Telebisyon, (b) Sine, (c) Mga Radyo, (d) Mga Prodyektor, (e) Mga Larawang Di-
Gumagalaw (Still Pictures), (f) Ang Teyp Rekorder

III. Sinasagisag

A. Mga Simbolong Biswal - Ang simbolong biswal ay mga sagisag na kombensyunal na


nagbibigay ng malinaw na representasyon ng katotohanan o realidad. (1) Mapa at Globo
(2) Dayagram (3) Grap (4) Tsart (5) Kartun

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 29 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
B. Mga Simbolong Berbal: (1) Semantic Mapping (2) Assiociation o Word Network (3)
Clining (4) Clustering (5) Collocation o Kolokasyon (6) Huwaran o Patem (7) Kasabihan,
Kawikaan at Salawikain (8) Plaskard

2.4 Kahalagahan ng Kagamitang Pampagtuturo


 Nagiging makatotohanan sa mga mag-aaral ang talakayan sapagkat nakikita nila at
nararanasan ang talakayan.
 Walang naaksayang panahon at oras sa mag-aaral at guro sapagkat may direksiyon
ang pagtuturo at pagkatuto. Kapag gagamit ng kagamitang panturo gaya ng Manila
paper ay hindi na mag-aaksaya ng panahon ang guro na sumulat nang sumulat sa
pisara. Mas mapadadali ang talakayan.
 Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pagsasalita o pagtatalakay ng aralin
sa loob ng klasrum sapagkat may kagamitang panturo na gagabay sa guro sa
talakayan at magbibigay rin sa guro ng pahinga sa pagsasalita dahil karamihan sa
mag-aaral ay visual learners. Mas mainam na may maipapakita ang guro na mas
mauunawaan ng mag-aaral ang talakayan.
 Tumutulong sa pagsasakatuparan ng mga layunin sa pagtuturo.
 Gumising sa kawilihan ng mag-aaral at humihikayat ng interaksiyon.
 Nakapagpapalaki at nakapagpapaliit ng mga bagay.
 Napaghahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay.
 Nailalahad ang mga hakbang na maaaring gamitin sa pagsasagawa ng mga gawain.
 Nailalarawan ang pag-iba at paglaki ng isang bagay.
 Nagiging batayan para sa talakayan.
 Nakatutulong sa pansariling pagkatuto ng mag-aaral.
 Nakapaghahandong ng tuwirang karanasan.
 Nakatutulong sa paglutas ng problema.
 Nakapagpapaliwanag ng mga abstraktong kaisipan.

Pagtuturo at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo


Pahina 30 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050
Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo
Pahina 31 ng 31
Modyul

USMKCC-COL-F-050

You might also like