You are on page 1of 77

MGA KAGAMITANG

LIMBAG NA
INIHANDA NG
GURO
Inihanda nina:

Castañeda, Annabelle R.
Castillo, Juliet C.
Inihanda para kay:
Sultan, Sarah Jane G.
BSED 3-Filipino Gng. Mia N.
Eborda
Propesor
MODYUL

BANGHAY-ARALIN

PATNUBAY SA GAWAIN G
PANGMAG-AARAL

TALAHANAYAN NG
ISPESIPIKASYON
MODYU
L
MODYUL

• Isang kagamitang panturo na nagtataglay


ng mga tipak ng mga gawain sa pagtutro-
pagkatuto.
• Ang mga gawain ay buo at ganap sa
kanyang sarili at inaayos sa paraang
masistematiko at komprehensibo.
• Dahil sa sapat at buo ang modyul, ang
mag-aaral ay umuunlad at gumagawa
ayon sa pansariling bilis, antas ng
pagkatuto, at panahon.
MODYUL Sa pamamagitan ng modyul:

1. Nababatid ng mag-aaral ang tiyak na


kaalamang dapat matutuhan.
2. Nagiging malaya ang mag-aarala sa
paggawa kahit wala ang guro.
3. Nalilinang ang responsibilidad sa
paggawa nang tama at maayos.
4. Natataya nang malaya ang sariling sagot
at naiwawasto ang mga kamalian.
5. Nalilinang ang kakayahan sa pagsunod sa
panuto.
Mga uri ng MODYUL

Modyul sa Panariling Pagkatuto

Modyul sa Pagsunod sa Panuto

Modyul ng Binalangkas na mga


Gawain
Mga uri ng MODYUL

• Modyul sa Panariling Pagkatuto


Ang ganitong uri ng modyul ang
naghahandog ng mga gawain
para sa panariling pagkatuto.
Napapaloob dito ang tipak ng
mga gawaing inaayos nang
masistematiko at ayon sa
wastong pagkasunod-sunod ng
Mga uri ng MODYUL

• Modyul sa Panariling Pagkatuto


Malaya ang mga mag-aaral o mga
mag-aaral na gumawa rito ayon sa
sariling bilis at panahon.
Kahit wala ang gurong
tagapatnubay, naisasagawa ang
gawain dahil kompleto ang mga
panutong gagabay sa mag-aaral.
Mga uri ng MODYUL

• Modyul sa Pagsunod ng Panuto


Ito ang uri ng modyul na
gumagamit ng mga panuto
lamang.
Taglay nito ang mga panutong
susundin upang maisagawa ang
isang gawain o bagay.
Mga uri ng MODYUL

• Modyul ng Binalangkas na
mga Gawain
Makikita sa modyul na ito ang
balangkas ng mga gawaing
nadisenyo para sa isang
pangkat ng mga mag-aaral.
Mga hakbang sa pagbuo MODYUL

1. Tukuyin at tiyakin ang mg kasanayang dapat


malinang sa mga mag-aaral na gagamit.
2. Ihanda ang panimula na magbibigay-lagom
sa kung ano ang paksa.
3. Dapat malinaw ang mga panutong susundin
ng gagamit.
4. Ihanda ang mga pantaya ayon sa kahandaan
ng mga mag-aaral.
Mga hakbang sa pagbuo MODYUL

5. Ayusin ang mga baha-bahaging gawain


tulad ng sumusunod:
 Gawaing pagkatuto at mga pagsasanay
 Balik-aral
 Panariling pagsusulit at mga kasagutan
 Pag-uugnay ng gawain sa kasunod na
gawain
6. Ihanda ang panghuling pagsusulit.
Mga hakbang sa pagbuo MODYUL

7. Maglaan ng sapat na panlunas na


gawain.
8. ilalim sa isang try-out ang modyul na
gagamitin.
9. Gawin ang pagpapakinis
10.Ibigay sa mga mag-aaral upang
isagawa ang mga gawain
11.Iwasto at talakayin ang resulta sa
Ang Pormat ng modyul
1. Pamagat
 Ano ang tiyak na paksa ng modyul?
2. Ang panimula ng modyul
 Para kanino ang modyul? Anu-ano ang
matutuhan niya rito? Anu-ano ang
mapapakinabangan niya rito?
3. Mga instruksyon sa gagamit
 Paano ba gagamitin ang modyul?
Ang Pormat ng modyul

4. Layunin
 Anu-ano ang tiyak na kaalaman at kasanayan
ang matatamo sa pag-aaral ng modyul?
5. Paunang pagsubok (pre-test)
 Anu-anong gawain ang ibibigay sa gagamit
upang matukoy ang kahandaan o ang alam niya
at hindi pa niya alam?
6. Mga sagot sa paunang pagsubok
 Matutukoy ba sa mga sagot ng paunang
pagsubok ang talagang kahandaan ng gagamit?
Ang Pormat ng modyul

7. Mga gawain sa pagkatuto


 Kung ito ang pinakakatawan ng modyul, mailalahad
ba nang maayos at masistematiko ang mga aralin.
8. Mga tanong na sasagutin
 Anu-anong gawain ang maari pang ibigay upang
lalong malinang ang kaalaman sa paksa?
9. Panghuling pagsubok (post-test)
 Anu-ano ang saklaw ng mga katanungan para sa
panghuling pagsubok?
10.Mga sagot sa panghuling pagsusulit
11.Pagpapahalaga
Halinbawa ng modyul

MODYUL 1
ANG KAGANAPAN NG PANDIWA
Panimula
Ang modyul na ito ay para sa iyo. Ito ay inihanda
upang mapag-aralan mo ang iba’t-ibang kaganapan ng
pandiwa. Taglay nito ang il;ang aralin, pagsasanay, at
pagsubok na sumasaklaw sa ilang nagong pananaw
tungkol sa mga kaganapan ng pandiwa. Inayos ang
mga gawain upang mabigyan ka ng sapat na
kahandaan nang matukoy mo ang pagkakaiba ng
kaganapan ng pandiwa sa aspekto at pokus.
Kailangang mapag-aralan mo ito upang magamit nang
tama sa iyong pakikipagtalastasan.
Halinbawa ng modyul

Anu-ano ang dapat mong gawin upang


matuto sa modyul na ito?
1. Basahin mong mabuti at unawain
ang mga aralin.
2. Sagutin ang mga pagsubok nang
may katapatan.
3. Sundin ang mga panuto at tagubilin
sa bawat pahina.
4. Magsanay nang maayos.
Halinbawa ng modyul

Pangkalahatang layunin:
a. natutukoy mo ang iba’t-ibang uri ng
kaganapan ng pandiwa,
b. natutukoy mo ang nga panandang
ginagamit sa iba’t-ibang uri ng
kaganapan,
c. naipaliliwanag mo ang pagkakaiba ng
kaganapan sa pokus ng pandiwa, at
d. nagagamit mo nang wasto ang iba’t-ibang
uri ng kaganapan sa pakikipagtalastasan.
Halinbawa ng modyul

Upang mataya ang iyong kahandaan sa araling


ito, ikaw ay mabibigyan ng paunang pagsubok.
Sagutin mo ito nang maayos.
Paunang pagsubok
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan
1. Ano ang kaganapan ng pandiwa?
2. Anu-ano ang mga panandang ginagamit sa sumusunod
a. Kaganapang tagaganap
b. Kaganapang layon o gol
c. Kaganapang tagatanggap o kaalaman
d. Kaganapang ganapan
e. Kaganapang kagamitan
f. Kaganapang direksyunal
Halinbawa ng modyul

B. Panuto: Suriin ang buong panaguri ng pangungusap.


Pagkatapos, sipiin ang kaganapan ng pandiwa at sabihin
kung anong uri ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Lumagda siya sa album sa pamamagitan ng bolpen.
2. Dinala namin ang aklat sa paaralan.
3. Nabaling ang kanyang tingin sa talaksan ng kahoy.
4. Ikinuha ni Paolo ng ubas si nanay.
5. Para sa tatang niya ang mansanas.
6. Napatakbo ang panauhin dahil sa aso.
7. Nangisda sa ilog ang mga binata.
8. Nakuha niya ang unang gantimpala.
9. Nakaguhit siya ng magandang larawan.
10.Nasiyahan ang ina dahil sa kanyang mataas na gardo.
Halinbawa ng modyul

Sagot sa paunang pagsubok


A.
1. Ang kaganapan ng pandiwa ay bahagi ng panaguri
na nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pamdiwa.
2. Ang mga panandang ginagamit sa sumusunod
a. ng o ni- sa tagaganap
b. ng- sa layon o gol
c. para kay, para sa, para kina- sa tagatanggap
d. sa- sa ganapan
e. sa pamamagitan ng- sa kagamitan
f. sa- sa direksyunal
Halinbawa ng modyul

B.
1. sa pamamagitan ng bolpen - kagamitan
2. sa paaralan - ganapan
3. sa talaksan ng kahoy - direksyunal
4. ni Paolo – tagaganap o aktor
5. Para sa tatang – kalaanan
6. dahil sa aso - sanhi
7. sa ilog - ganapan
8. niya – tagaganap o aktor
9. ng magandang larawan – layon o gol
10.dahil sa kanyang mataas na gardo - sanhi
Halinbawa ng modyul

Upang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa


kaganapan ng pandiwa, basahin mong mabuti at unawain
ang paglalahad sa ibaba.
ANG MGA KAGANAPAN NG PANDIWA
Pangkalahatang kaalaman
Ang kaganapan ng pandiwa ay ang bahagi ng panaguri na
bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahiligan sa pandiwa.
Lagong nasa kaugnayang pokus ang simuno o paksa sa
kilos ma ipinahahayag ng panaguri. Ang mga kaganapang
tagaganap o aktor, layon o gol, ganapan, direksyunal,
kagamitan o instrumento, at sanhi o kosatibo.
Ang mga kaganapan ay gumagamit ng mga panandang ng,
sa, para kay, sa pamamagitan ng, dahil sa, dahil kay, ni, at
kay.
Halinbawa ng modyul

Ang mga sumusunod na aralin ay makatutulong


saiyo uoang higit mong maunawaan ang aralin.
Pito ang Uri ng Kaganapan ng Pandiwa
1. Kaganapang Tagaganap o Aktor
 Bahagi ito ng panaguri na gumaganap ng
kilos na isinasaad ng pandiwa. Ginagamit
ang panandang ng o ni.
 hal. Binasa ng estudyante ang El
Filibusterismo.
Katha ito ni Gat Jose Rizal.
Halinbawa ng modyul
2. Ang Kaganapang layon o Gol
 Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad kung ano ang bagay
na tinutukoy sa pandiwa. Ginagamit ang panandang ng.
 Hal. Bumili ang estudyante ng aklat.
3. Kaganapang Tagatanggap o Kalaanan
 Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad kung sino ang
makikinabang o pinaglalaanan sa kilos ng pandiwa.
Ginagamit ang panadang para sa, para kay, o para kina
 Hal. Namalenke ang dalaga para sa mga bisita.
Pumili siya ng mga prutas para kina Maria.
4. Kaganapang Ganapan
 Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad ng lugar na
ginaganapan ng kilos o gawain. Ginagamit ang panadang sa.
 Hal. Nagluto siya ng pansit sa kawali.
Halinbawa ng modyul
5. Ang Kaganapang Kagamitan o Instrumental
 Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad kung ano ang bagay o
kagamitan ang ginamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa.
Ipinakikilala ito ng pariralang sa pamamagitan ng.
 Hal. Itinanim ng mga bata ang puno sa pamamagitan ng pala.
6. Kaganapang Sanhi
 Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng
pagkakapangyari ng kilos ng pandiwa. Ipinahahayag ito ng
pariralang dahil sa o dahil kay.
 Hal. Sumakit ang kanyang ulo dahil sa alak.
7. Kaganapang Direksyunal
 Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad ng direksyon ng kilos na
taglay ng pandiwa. Ginagamit ang panadang sa.
 Hal. Uuwi raw siya sa probinsya.

MAGSANAY KA SA SUNOD NA PAHINA


Halinbawa ng modyul
Magsanay ka
A. Panuto: Suriin ang mga panaguring nasalungguhitan sa
mga pangungusap at sabihin kung ano ang kaganapan
ng pandiwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Lumagda siya sa album sa pamamagitan ng bolpen.
2. Dinala namin ang aklat sa paaralan.
3. Nabaling ang kanyang tingin sa talaksan ng kahoy.
4. Ikinuha ni Paolo ng ubas si nanay.
5. Para sa tatang niya ang mansanas.
6. Napatakbo ang panauhin dahil sa aso.
7. Nangisda sa ilog ang mga binata.
8. Nakuha niya ang unang gantimpala.
9. Nakaguhit siya ng magandang larawan.
10.Nasiyahan ang ina dahil sa kanyang mataas na gardo.
Halinbawa ng modyul

B. Panuto: Sipiin sa mga pangungusap sa


gawain A ang panandang ginamit sa bawat
kaganapan ng pandiwa.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Halinbawa ng modyul
Sagot sa
A. Pagsasanay
1. sa pamamagitan ng bolpen - kagamitan
2. sa paaralan - ganapan
3. sa talaksan ng kahoy - direksyunal
4. ni Paolo – tagaganap o aktor
5. Para sa tatang – kalaanan
6. dahil sa aso - sanhi
7. sa ilog - ganapan
8. niya – tagaganap o aktor
9. ng magandang larawan – layon o gol
10.dahil sa kanyang mataas na gardo - sanhi
Halinbawa ng modyul

B.
1. sa at ng 1. dahil sa
2. sa 2. sa
3. sa at ng 3. niya
4. ni 4. ng
5. para sa 5. dahil sa

Pag-ukulan mo ng pansin ang


paglalagom bilang pagpapalawak ng
iyong kaalaman.
Halinbawa ng modyul

PAGLALAGOM
Tandaan mo
Sa pagtukoy sa kaganapan ng pandiwa,
mahalagang makilala mo ang buong pangungusap
at matukoy ang bahaging nagbibigay ng ganap na
kahulugan sa pandiwa. Dapat mo ring tandaan ang
mga panadang kailangan sa bawat kaganapan.
Nabatid mo na ang mahaha;agang bagay tungkol
sa kaganapan ng pandiwa. Upang mataya ang
iyong kasanayan at bilang pagpapahalaga sa
araling natalakay. Tugunin mo ang lagumang
pagsubok sa susunod na pahina.
Halinbawa ng modyul
LAGUMANG PAGSUBOK
A. Panuto: Tugunin ang sumusunod na katanungan:
1. Ano ang kaganapan ng pandiwa?
2. Anu-ano ang mga panandang ginagamit sa
sumusunod:
a. Kaganapang tagaganap
b. Kaganapang layon o gol
c. Kaganapang tagatanggap o kaalaman
d. Kaganapang ganapan
e. Kaganapang kagamitan
f. Kaganapang direksyunal
Halinbawa ng modyul

B. Panuto: Suriin mo ang buong panaguri ng pangungusap. Sipiin ang


kaganapan ng pandiwa at sabihin kung anong uri ito. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Kumakain ng luntiang damo ang kalabaw.
2. Sa parke idaraos ang palatuntunan.
3. Nagbenta ng palay ang ina para sa anak.
4. Nilinis ni Dora ang sahig sa pamamagitan ng basahan.
5. Namatay ang hayop sa tuklaw ng ahas.
6. Ngumiti siya sa iyo bago siya umalis.
7. Winalis ng bata ang dumi.
8. Huniwa niya ng kutsilyo ang gulay at prutas.
9. Sumakay siya sa kanilang bagong kotse.
10.Nakulong ang kapatid dahil sa masamang damo.
Pag-ukulan ng pansin ang sagot sa lagumang pagsubok na nasa
kasunod na pahina.
ANG BANGHAY
NG
PAGTUTURO
“Masasalamin ang katauhan ng
isang guro sa kaniyang maayos
na pagpaplano ng mga aralin.”
Banghay ng Pagtuturo
• Isang balangkas ng mga layunin,
paksang-aralin, kagamitan, at
mga hakbang na sunod-sunod na
isasagawa upang matamo ang
inaasahang bunga.
• Bibliya ng guro na gabay upang
maisagawa ang mga gawain ng
Sa pamamagitan ng Banghay ng Pagtuturo

a. Makatipid ng panahon
b. Makatipid ng lakas
c. Ang pagtuturo ay magiging maayos
at masistematiko
d. Magkakaroon ng hangganan ang
pagtuturo
e. Maihahanda ng guro ang angkop na
kagamitan, teknik, mga tanong,
pasibilidad, at iba pang sanggunian
Karaniwang Uri ng Banghay ng Pagtuturo

MAS
USI
MALA-
MASUSI
MAIK
MASUSI
• Nakatala pati ang tiyak na
tanong ng guro at ang
wastong dapat isagot ng
mag-aaral.
• May dalawang kolum o hati
kung saan isusulat ang
gawaing-guro at ang
gawaing mag-aaral.
MALA-MASUSI
• Higit na maikli kaysa sa
masusi sapagkat sa halip
na may gawaing-guro at
gawaing-mag-aaral,
binabanggit na lamang
ang sunod-sunod na
gawain ng guro at ng
klase
MAIKLI
• Dito sapat nang banggitin
kung ano ang paraan ang
gagamitin ng guro 0
kaya’y babanggitin sa
sumusunod na gawain sa
maikling pangungusap o
parirala.
Ang Kontekstwalisasyon ng
Banghay-aralin

• Sa paghahanda at pagbuo ng
banghay-aralin, ang guro ay
malayang magsagawa ng anumang
pagbabago ayon mismo sa
pangangailangan ng kanyang mga
mag-aaral, ayon sa kapaligirang
kultural at sosyal, at kahandaan ng
mga kagamitang panturo.
Ang Kontekstwalisasyon ng Banghay-aralin

• Ayon kay Legaspi, (2004) ang mga


sumusunod ang maaaring isagawa:
INOBASY
ON/ PAGLILIPA
PAGBABA T
GO
PAGPAP PAGKAKAL
ALIT TAS
MODIPIK ADAPTA KOMBINASY
ASYON ON
SYON
INOBASYON/ PAGBABAGO

• Ang guro ay maaaring magsagawa


ng mga bagong metodo o teknik ng
paglalahad ng mga aralin.
• Siya ay malayang makapag
eksperimento ng mga teknik na sa
palagay niya ay akma sa
kahandaan at pangangailangan ng
PAGPAPALIT
• Ang malikhaing guro ay malaya
ring gumamit ng anumang aklat na
mapagkukunan ng mga tekstong
kailangan ng kanyang paksa.
• Maari niyang gamitin ang mga
nakahandang materyales bukod pa
sa dating batayang aklat na
MODIPIKASYON

• Ito ang pagpapakinis sa mga


gawain at mga pagsasanay na
kailangan sa pagkaklase.
• Kung kinakailangang ayusin at
rebisahin ang mga nakagawiang
gwain at uri ng pagsasanay,
malaya ang gurong gawin ito
ADAPTASYON
• Ang paglalapat sa mga bagong
ideya na nakalap ng guro o
kaya’y nasaliksik ay
makakatulong sa guro upang
lalong mapalawak ang
nilalaman at istruktura ng aralin.
PAGLILIPAT
• Maari ring ibahin ng guro ang
pagkasunod-sunod ng mga gawain.
• Ginagawa ito upang maging natural
ang daloy ng pagkatuto ng mga
mag-aaral
• May mga pagkakataon na ang
hakbang ng isang metodo ay
PAGKAKALT
AS
• Ang mahahaba, paulit-ulit, at
pare-parehong gawain ay dapat
tanggalin ng guro.
• Ito ay maisasagawa nang hindi
naman nababawasan o masisira
ang kinakailangang kasanayan
at kaalaman ng mag-aaral.
KOMBINASYO
N
• Ang magkakatulad na
kasanayan at aralin ay dapat
pag-isahin.
• Upang mapaikli ang
magkakaugnay na
impormasyon, kasanayan, at
nilalaman ng aralin.
Mga Simulain sa
Pagbuo ng Banghay
ng Pagtuturo
• May iba’t-ibang simulaing
nasa anyong tanong ang
pumapatnubay sa guro sa
pagbuo ng banghay-
aralin.
Mga Simulain sa Pagbuo ng Banghay
ng Pagtuturo

a. Anong pagbabago ang


mangyayari sa mag-aaral?
b. Anu-anong pangunahing
kaisipan, kasanayan, o
kaalaman ang matatamo ng
mag-aaral?
c. Paano ililipat o ikakapit ng mag-
aaral ang kanyang matutuhan?
Mga Simulain sa Pagbuo ng Banghay
ng Pagtuturo

d. Makapagbibigay ba ng
paglalagom ng kanyang
natutuhan ang mag-
aaral?
e. Masusunod ba ang apat
na hakbang na ito para
sa mabisang pagtuturo?
Mga responsibilidad ng
guro sa pagbuo ng
banghay-aralin ayon kay
Tyleer.
a.Tukuyin ang layunin ayon
sa pangangailangan,
interes, at kakayahan ng
mga mag-aaral. Ang
layunin ay dapat na laging
nasa pananaw ng mag-
Mga responsibilidad ng guro sa
pagbuo ng banghay-aralin ayon kay
Tyleer.
b. Piliin ang mga karanasang
angkop at sapat sa
pagkamit ng layunin.
c. Isaayos ang mga gawain
upang magkaroon ng tuluy-
tuloy, mahusay na
kaayusan at kaisahan ang
Mga responsibilidad ng guro sa
pagbuo ng banghay-aralin ayon kay
Tyleer.
d. Sukatin kung gaano ang
natamo sa layunin.
e. Palaging isagawa ang
disiplina at pagganyak.
f. Isama palagi sa pagtuturo
ang paglinang sa
pagpapahalaga ng mag-
MGA BAHAGI NG
BANGHAY NG
PAGTUTURO
 Ang banghay ng
pagtuturo ay
nakasulat sa
pabalangkas na anyo
at may apat na
mahahalagang
MGA BAHAGI NG
BANGHAY NG
PAGTUTURO
I. Paksang-Aralin
II. Mga Layunin o Inaasahang
Bunga
III. Pamamaraan o Istratehiya
IV. Takdang-Aralin o Kasunduan
MGA BAHAGI NG
BANGHAY NG
PAGTUTURO
I. Paksang-Aralin
II. Mga Layunin o Inaasahang
Bunga
III. Pamamaraan o Istratehiya
IV. Ebalwasyon
Batayang bahagi ng
banghay ng pagtuturo
na dapat isaalang-alang
(Mc Farland, 1973)
1. Layuning natatamo
2. Sapat na paksang-aralin at
tiyak na sanggunian.
3. Ang layunin ng pagtuturo
Ang layunin ng
pagtuturo
 Nakahayag sa pangkagawiang kilos
( behavioral terms )
 May apat na panukatan ang ganitong
layunin.

1. TIYAK (Specific) 2. NAMAMASDAN

3. NAKAKAMTAM 4. NASUSUKAT
KO OM KA N

IN
GN E BA

AM EYN
AM
D
PA TIR

IT YN -

-D
ND M
IB
NG A

O/

PA DO
SA DO
PA YK M
NG OM EY
TATLONG KA O N
PANGKAT SA TO
NA R /
YA
NG LAYUNIN N
KOGNITIBO / DOMEYN
PANGKABATIRAN
• Ito’y nakatuon sa
paglilipat ng kabatiran at
kasanayan tulad ng
kaalaman, pag-unawa,
aplikasyon o paggamit,
pagsusuri, paglilinaw o
sintesis at ebalwasyon.
DOMEYN PANDAMDAMIN

• May limang kategorya ang


mga layunin tulad ng
pagtanggap (receiving),
pagtugon (responding),
pagpapahalaga (valuing) at
karakterisasyon
(characterization).
DOMEYN SAYKOMOTOR

• Tungkol sa kasanayang-motor
kung saan nalilinang ang
kakayahang pisikal mula sa
batayang galaw ng katawan
hanggang sa mga kilos at
galaw na nangangailangan ng
maraming pagsasanay
PATNUBAY SA
GAWAIN G
PANGMAG-
AARAL
PATNUBAY SA GAWAIN G PANGMAG-AARAL

• Set ng mga panuto at


tanong na makatutulong
sa pagtalakay ng bagong-
aralin.
TALAHANAYA
N NG
ISPESIPIKASY
ON
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
• Ginagamit ng guro sa paghahanda
ng pagsusulit.
• Isang kagamitang nagpapakita ng
isang masistematikong pamamaraan
ng pagtatakda ng lawak ng paksang
sasaklawin ng pagsusulit at ng bilang
ng mga aytem na gagawin para sa
bawat kasanayang susukatin.
Dalawang Uri Ng Talahanayan
1. Isahang hanay (one-way grid)
 Karaniwang ginagamit sa mga
asignaturang pangkasanayan, “skill
subject” gaya ng pagsusulit sa wika at
kung minsan ay sa Matematika.
2. Dalawahang hanay (two-way grid)
 Karaniwang ginagamit sa mga
asignaturang naglilinang ng hindi lamang
kaalaman sa paksa o nilalaman ng kurso
kundi maging mga kasanayan sa Agham,
Paghahanda Ng Talahanayan Ng
Ispesipikasyon
1. Isulat ang mga layuning pangkagawain
(behavioral objectives) bata’y sa mga
kasanayang susulitin.
2. Pagpapasyahan kung alin sa mga layunin
ang bibigyan ng diin ayon sa kahalagahan
ng mga ito. Ipakilala ang pagbibigay diin sa
pamamagitan ng pagbabahagdan. Batay sa
bahagdang iniatas sa mga layunin o
kasanayan tukuyin ang bilang o dami ng
mga layunin.
Halimbawa ng Isahang Hanay (one-way
grid)
MGA LAYUNIN BAHAGDA DAMI NG BILANG SA
N AYTEM PAGSUSULI
T
A. Talasalitaan 10%
1. Napipili ang salitang 5% 5 I. (1-5)
magkasalungat. 5% 5 II. (6-10)
2. Napipili ang mga salitang
magkasingkahulugan. 70%
B. Wika 10% 10 III. (1-10)
1. Nagagamit nang wasto ang mga 20% 20 IV. (1-20)
pangalan. 20% 20 V. (1-20)
2. Nagagamit nang wasto ang mga
panghalip. 20% 20 VI. (1-20)
3. Nagagamit ang mga uri ng
pangungusap ayon sa iba’t-ibang 20% 20 VII.
sitwasyon.
4. Nagagamit nang wasto ang mga
pangatnig.
C. Pagsulat
Halimbawa ng Dalawahang Hanay (two-way grid)

Kasanayan/Paksa Talasalita- Pagsunod- Paghi Pagkilala sa Kabuu- %


an sunod ng - pangunahi an
pangyayari nuha ng kaisipan
Yunit I.
Ang Panitikan ng
Pilipinas sa Sinaunang
Panahon 2 5 3 10 20%
1. Kung Paano Kami 2 3 5 10 20%
naging Ilongot 2 3 5 10 20%
2. Hudhod ni Ariguyon 2 3 5 10 20%
3. Tuwaang 2 5 3 10 20%
4. Biag ni Lam-ang
5. Indarapatra at
Sulayman
KABUUAN 10 10 15 15 50 100
% 20% 20% 30% 30% 100%
Maraming salamat
sa pakikinig sana
may natutunan kayo

You might also like