You are on page 1of 27

EMILIO AGUINALDO

UNANG PANGULO NG PILIPINAS

Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala
ngayon sa tawag na Kawit, Cavite). Ang mga magulang niya na sina Carlos Jamir
Aguinaldo at Trinidad Famy Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may
kaya sa buhay. Ang kanyang ama ay ang inatasang gobernadorcillo ng komunidad
(munisipal na gobernador) sa administrasyon ng Espanyol kolonyal. Nag-aral si
Aguinaldo sa Colegio de San Juan de Letran ngunit ay hindi niya nagawang tapusin ito
dahil sa pagsiklab ng kolera noong 1882. Si Emilio ay naging "Cabeza de Barangay" ng
Binakayan, isang punong baryo ng Cavite el Viejo noong siya ay 17 taong gulang lamang
upang maiwasan ang pagiging sapilitang kawal.
Si Emilio Aguinaldo (Emilio Famy Aguinaldo, Sr) ay isang rebolusyonaryong
Filipino, politiko, at isang lider ng militar na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo ng
Pilipinas (1899-1901) at unang presidente ng isang konstitusyunal na republika sa Asya.
Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling
taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-
Amerikano (1898), at sa wakas ay laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang
Pilipino-Amerikano (1899-1901) . Siya ay nahuli sa Palanan, Isabela ng pwersang
Amerikano noong Marso 23, 1901, dahilan upang magtapos ang kanyang pagkapangulo.
Noong 1935, tumakbo si Aguinaldo sa pagkapangulo ng Philippine
Commonwealth subalit siya ay natalo ni Manuel Quezon. Matapos sumalakay ang mga
Hapones sa Pilipinas noong 1941, nakipagtulungan siya sa mga bagong pinuno at
umapila pa sa radyo para sa pagsuko ng mga pwersa ng Amerikano at Pilipino sa Bataan.
Siya ay naaresto bilang isang tagatulong ng mga Hapones matapos ang mga Amerikano
ay bumalik ngunit sa kalaunan ay napalaya sa isang pangkalahatang amnestiya.
Noong 1895 ipinatupad ang Maura Law para sa bagong tatag na lokal na pamahalaan.
Sa edad na 25, si Aguinaldo ay naging unang "gobernadorcillo capitan municipal"
(Municipal Gobernador-Captain) ng Cavite el Viejo habang nasa business trip sa
Mindoro.
Noong Enero 1, 1896, pinakasalan niya si Hilaria del Rosario (1877-1921), ito ay
ang kanyang ikatlong asawa. Sila ay may limang anak: sina Carmen Aguinaldo-Melencio,
Emilio "Jun" R. Aguinaldo Jr, Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo-Linggo, at
Miguel Aguinaldo. Si Hilaria ay namatay sa sakit na ketong noong Marso 6, 1921 sa edad
na 44. Siyam na taon ang nakalipas, noong Hulyo 14, 1930, pinakasalan ni Aguinaldo si
Maria Agoncillo sa Barasoain Church. Namatay si Maria Agoncillo noong Mayo 29, 1963,
isang taon bago si Aguinaldo mismo ay namayapa rin noong Pebrero 6, 1964.
MANUEL LUIS QUEZON Y MOLINA

IKALAWANG PANGULO NG PILIPINAS

Si Quezon ay kinikilalang “Ama ng Wikang Filipino” at siya rin ang tinaguriang “Ama ng
Republika ng Pilipinas” at “Ama ng Kasarinlang Pilipino. Siya ang unang presidente ng
Commonwealth ng Pilipinsa ngunit siya ang ikalawang presidente sapagkat ang
namumuno bago kay Quezon ay si Hen. Emilio Aguinaldo.
Ipinanganak si Quezon sa ika-19 ng Agosto sa taong 1877 o 1878 bilang opisyal na
taon ng pagkaanak sa kanya sa lungsod ng Baler, Tayabas. Ang kanyang ama ay si
Lucio Quezion, isang guro sa Paco, Manila, at Maria Dolores Molina na isang guro rin.
Si Quezon ay tinuruan ng isang pribadong guro mula taong 1883 hanggang 1887.
Pumasok siya sa San Juan de Letran na nagtatapos sa sekondarya noong 1889.
Nagtapos siya ng summa cum lause sa kursong Bachelor of arts sa Unibrsidad ng
Santo Tomas (UST).
Muling nag-aral si Quezon ng abogasya sa UST ngunit natigil ito ng pansamantala sahil
sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Sumali si Quezon sa kilusang rebolusyonaryo at
naging aide-de-camp ni Aguinaldo hanggang sa nabihag si Aguinaldo. Nakatapos sya
ng abogasya sa UST pagkatapos ng digmaan.
Nagsimula siyang nagtrabaho bilang isang clerk at surveyor bago naglingkod sa
gobyerno bilang isang piskal ng Mindoro noong 1903 at sa Tayabas noong 1904.
Nagbitiw si Quezon sa tungkulin noong Nobyembre 1904 at pumasok sa pribadong
pagsasanay mula taong 1906.
Inihalal si Quezon bilang konsehal at sa huli ay naging Gobernador ng Tayabas nong
1906 at naging miyembro ng Philippine Assembly, at Majority Floor Leader at Chairman
ng Appropriations Committee mula 1907 hanggang 1909.
Noong 1909, inihalal siyang residenteng komisyoner sa Kongreso ng Estados Unidos
ng Lehislatura ng Pilipinas. Sa panahong ito, ninanais niyang maging isang malayang
bansa ang Pilipinas, kaya nagtalumpati sa noong Fourth of July noong 1991, na kung
saan ito ang sinasabi niya:
“Kami ay nagpapasalamat kay Ginoong Taft at sa mga Amerikano para sa kanilang
mga ginawa para sa amin, ngunit ayaw naming maging isang kolonya. Gusto namin
ng kalayaan.”
Noong 1912, bilang sagot sa inilathala ng New York Times na “Philippines the Key
to our Success in the Far East”, ito ang sinabi ni Quezon:
“Panahon na para sa mga tumitingin sa Pilipinas bilang isang negosyo, na lumantad
at sabihin ito kapag kanilang sinusulong ang pananatili ng mga isla bilang sakop ng
Amerika, sa halip na tabunan ang kanilang totoong hangarin ng mga dahilang
nakakainsulto sa pambansang dangal ng mga Pilipino. Huwag nilang sabihin na ang
Estados Unidos ay nananatili sa Pilipinas hindi dahil sa gusto nitong magpalawak ng
teritoryo, hindi dahil sa naghahangad itong kumita, kundi upang bigyan ang mga isla ng
isang mabuti at matalinong Pamahalaan, na hindi kayang itatag at panatilihin ng mga
Pilipino ng kusa.”
Dahil doon, nakauwi si Quezon noong 1916 na na may dalang Batas Jones, na
nagsasad na kilalanin ang kasarinlan ng mga Pilipino.
Naging Senador sa ikalimang Distrito si Quezon noon 1916 at sa huli naging Pangulo
ng Senado hanggang 1935.
Noong 1918, naglakbay-dagat siya patungong Amerika bilang isang pinuuno ng unang
misyong Kalayaan sa Kongreso ng Estados Unidos. Sa ika-17 ng Disyembre, ikinasal
niya ang kanyang pinsang si Aurora Aragon y Molina at may apat silang anak na sina
Maria Aurora, Maria Zeneida, Luisa Corazon Paz at Manuel L Jr.
Sa taong 1935 ay nahalal sa pagkapangulo ng Republika ng Pilipinas si Quezon na
kalaban niya si Aguinaldo at Gregorio Aglipay. Nagsilbi si Quezon bilang pangulo sa
loob ng dalawang termino.
Sa panahon ng pagsasakop ng Hapon ay lumikas ni Quezon sa Corregidor kung siyan
siya nanunumpa bilang Pangulo sa harap ng Malinta Tunnel. Napilitan siyang lumikas
sa isang submarino papuntang Visayas, Mindanao, hanggang sa makarating siya sa
Australia, na diyan itinayo niya ang pamahalaang desterado ng Commonwealth ng
Pilipinas.
Sa 1942, inilagda ni Quezon sa White House ng Washington D.C. ang United Nations
Declaration sa ngalan ng Pilipinas. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na ang
watawat ay itinaas kasama ang watawat ng ibang bansa.
Namatay si Quezon noong 1944 sa sakit na tuberculosis sa Saranac Lake, New York.
Ang nakalagay sa kanyang himlayan ay:
“Statesman and Patriot, | Lover of Freedom, | Advocate of Social Justice, | Beloved of
his People.”
JOSE P. LAUREL

IKATLONG PANGULO NG PILIPINAS

Si José Paciano Laurel y García o kilala sa pangalang Jose P. Laurel ay ipinanganak


noong Marso 9, 1891 at yumao noong Nobyembre 6, 1959. Si Jose P. Laurel ay
nanilbihan sa bansang Pilipinas bilang politiko, hukuman, at presidente ng ikalawang
republiko ng Pilipinas noong taong 1943 hanggang 1945. Ang ikalawang republiko ay
ang puppet state na itinatag ng mga Hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Noong lumikas ang administrasyon ni Manuel L. Quezon patungong Estados Unidos ay
inilagay sa posisyong pangulo si Jose P. Laurel. Hindi pa natatapos ang termino ni
Manuel L. Quezon ay nagsimula na ang termino ni Jose P. Laurel sa pagkapangulo ng
bansa.

Isyu na kinaharap
Ang pagkapangulo ni Jose P. Laurel ay isa sa mga pinaka-kontrobersyal na termino ng
pangulo sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Kilala si Jose P. Laurel na puppet president
ng mga Hapon. Ang tanging presidenteng inilagay sa posisyon ng mga hapon para
sumunod ang mamayang Pilipino sa utos nila. Napagtanto ng mga banyagang sumakop
na hindi makiki-lalahok ang mga Pilipino sa kanilang mga layunin kung sakanila mang-
gagaling ang utos. Kaya naman ay naglagay sila ng marangal at karespe-respetong
indibidwal na magtatatag ng kanilang layunin para sa bansang Pilipinas.

Matapos ang ikalawang pandaigdigang digmaan ay kinilala si Jose P. Laurel na taksil sa


sariling bayan. Ang mga alegasyon tungkol kay Laurel ay hindi rin nag tagal dahil sa
Amnesty Proclamation ni Manuel Roxas. Sa kabila ng pagiging kilala sa mga alegasyon
na ibinato sakanya ay siya’y nabigyang parangal sa kaniyang pag suporta sa kalayaan
ng bansang Pilipinas. Nung siya’y tinanong kung siya ba ay Pro-American o Pro-
Japanese; ang kaniyang sagot ay ‘Ako’y Pro-Filipino’.
SERGIO OSMEÑA

IKAAPAT NA PANGULO NG PILIPINAS

Si Sergio Osmeña ang naging ika-4 na pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya


ay isang estadista at tagapagtatag ng Nacionalista Party. Isinilang siya noong
Setyembre 9, 1878 sa Cebu City. Nagtrabaho si Osmeña sa panahon ng Rebolusyong
Pilipino bilang isang courier para kay Emilio Aguinaldo bago niya natapos ang kanyang
pag-aaral sa abogasiya sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1903. Si Osmeña ay
kilala sa paglaban para sa kalayaan at tumulong sa labanan gamit ang pagsusulat
bilang editor ng El Nuevo Dia, isang pahayagan sa Cebu. Ang kanyang trabaho bilang
isang politiko ay nagsimula noong 1904 nang italaga siya ng kolonyal na
administrasyon ng US bilang gobernador ng Cebu at siya ay naging abugado ng distrito
ng nasabing lalawigan at ng Negros Oriental.
Sa pagitan ng 1907 at 1916, siya ay pinili bilang kinatawan sa Philippine National
Assembly at naging speaker ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Siya rin ang tagapag-
organisa ng Nacionalista Party na kinokontrol ang arena pampulitika. Nanatili ang
pagiging lider ni Osmeña hanggang 1921 at sinundan ni Manuel Quezon.
Nagtagumpay ang tambalang Osmeña at Quezon sa paglaban para sa kalayaan
ng Pilipinas. Ang kanilang pinakamalaking laban ay lumitaw sa panahon ng pagtatapos
ng Hare-Hawes-Cutting Independence Act ng Kongreso ng Estados Unidos noong
1933. Ang koponan ay hindi nagtagal sapagkat hindi magkasundo sina Osmeña at
Quezon ukol sa pagpapanatili ng baseng militar ng US pagkatapos magkaroon ng
kalayaan ang bansa. Habang tinatrabaho ni Osmeña ang mga kondisyon, hinarang
naman ni Quezon ang kumpirmasyon nito sa Pilipinas. Nang mapasa ang bill, nakuha ni
Quezon ang Tydings-McDuffie Act of 1934 na may katungkulan sa paggawa ng
republika ng komonwelt.

Noong 1935, si Osmeña ay inihalal na bise presidente ng Komonwelt at si


Quezon ang kanyang pangulo. Siya ay naging matapat na tagasunod ni Pangulong
Quezon at sumama sa kanya noong si Quezon ay napatapon sa Washington, DC
noong 1942. Pinalitan ni Sergio Osmeña si Quezon bilang pangulo noong siya ay
namatay noong Agosto 1, 1944. Bumalik siya sa Pilipinas kasama ang partido ni
Douglas McArthur noong Oktubre 20, 1944.

Tumakbo siya muli para sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 ngunit natalo kay
Manuel Roxas, na naging unang pangulo ng independiyenteng Republika ng Pilipinas.
Nagretiro siya sa Cebu pagkatapos nito at namatay noong Oktubre 19, 1961 sa edad
na 83.
MANUEL A. ROXAS

IKALIMANG PANGULO NG PILIPINAS

Si Manuel Roxas ay ipinanganak noong Enero 1’ 1892 at kinilala bilang ika-


limang pangulo ng Pilipinas. Siya din ang pangatlo at panghuling presidente ng
Komonwelt ng Pilipinas.
Si Manuel Roxas ay ikinasal kay Trinidad de Leon sa San Miguel, Bulacan noong
1921. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na sila Gerardo Manuel at Maria Rosario. SI
Gerardo Manuel ay naging miyembro ng Philippine House of Representatives at pinuno
ng Liberal Party of the Philippines, at si Maria naman ay nagpatuloy na magpatakbo sa
Partidong Liberal.
Siya ang naging pinakabatang gobernador sa Capiz at naglingkod doon ng
tatlong taon. Nahalal si Roxas sa Philippine House of Representatives noong 1922 at
siya ang naging Speaker of the House sa loob ng 12 na taon. Siya din ay naging
miyembro ng Constitutional Convention noong 1934-1935, Secretary of Finance,
Chairman of the National Economic Council, Chairman of the National Development
Company, Brigadier General sa USAFFE o United States Army Forces in the Far East,
kinilala bilang Guerilla leader at military leader ng Philipinne Commonwealth Army.
Kontribusyon
Pagsasaayos ng elektripikasyon, pagsasanay sa mga gawaing bokasyunal,
pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang, paghikayat sa mga kapitalistang
amerikanong mamuhunan sa bansa ay ang iba sa kanyang mga ginawa bilang pangulo
ng Pilipinas. Sa panahon din ng panunungkulan ni Roxas ay binigyan ng pansin ang
pagpapalaki ng produksiyong magpapaunlad ng industriya at pagsasaka. Maraming
korporasyon o samahang itinatag upang mangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka.
Sistema ng Pangasiwaan ni Roxas sa ilalim ng pangasiwaang Roxas ay mahigpit
niyang ipinatupad ang patakarang Pro-American at Anti-Communist. Sa kanyang
termino ay naging matibay nag pakikipagkasundo ng Pilipinas sa Amerika ukol sa
pagpapanatili ng mabuting relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas, pagtatayo ng mga
base militar ng mga Amerikano, pagtiyak sa alalay na tulong ng Estados Unidos sa
bansa sa panahon ng digmaan at ang pagpapatibay ng Parity Rights.

Kahilingan ng Estados Unidos na mabigyan ang mga Amerikano na mabigyan


sila ng pantay na karapatan tulad ng mga Pilipino sa paglinang at paggamit ng likas na
yaman ng bansa. Subalit ang panunungkulan ni Roxas ay madaling nagwakas. Noong
Abril 15, 1948 sa Clark Airbase, Angeles City, matapos siyang magtalumpati, inatake
siya sa puso na naging daahilan ng kanyang pagkamatay. Humalili sa kanya bilang
pangulo si Pangalawang Pangulong Elpidio Quirino.
ELPEDIO R. QUIRINO

IKAANIM NA PANGULO NG PILIPINAS

Ang ika-anim na pangulo ng Pilipinas, si Elpidio Quirino, ay isinilang noong


Nobyembre 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur. Natapos niya ang kanyang antas sa batas
sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1915. Nagsimula ang kanyang misyon na tumulong
sa kapwa nang siya ay naging guro sa isang baryo sa Vigan, at sinundan ng isang
katungkulan sa Kawanihan ng mga Lupain. Siya ay naging property clerk sa
Departamento ng Pulis Maynila, at pagkatapos ay naging pribadong kalihim ni Manuel
Quezon, na noo'y Pangulo ng Senado.
Nagsimula ang kanyang karera sa pulitika bilang isang halal na kinatawan ng
Ilocus Sur noong 1919 at naging senador noong 1925. Siya ay muling inihalal bilang
senador noong 1931. Si Qurino ay isa sa mga miyembro ng mga delegado na tumulong
sa pagpasa sa Tydings-McDuffie Act na sa huli ay nagbigay daan patungo sa Kalayaan
ng Pilipinas. Naging bahagi ng kombensyon si Quirino na naghanda ng konstitusyon
para sa bagong Philippine Commonwealth. Siya ay pinili ni Pres. Quezon na maging
Kalihim ng Pananalapi. Nang maglaon, siya ay naging Kalihim ng Panloob sa gobyerno
ng Komonwelt. Nang siya ay nahalal bilang Bise Presidente ni Roxas, nagtatrabaho
siya bilang Kalihim ng Pananalapi at naging Kalihim ng Ugnayang Panlabas.
Si Quirino ay nabihag at nabilanggo noong panahon ng pananakop ng Hapon
dahil sa kanyang pagtutol sa pananakop. Ang kanyang asawang si Alicia Syquia at ang
kanilang tatlong anak ay pinatay ng mga sundalong Hapon. Matapos ang digmaan,
muling nakuha niya ang kanyang lumang posisyon sa gobyerno. Siya ay inihalal na
Bise Presidente noong 1946 kasama si Manuel Roxas. Gayunpaman, naging
presidente ng republika si Quirino nang namatay ang noo'y kasalukuyang presidente na
si Manuel Roxas. Tumakbo muli si Quirino para sa pagka pangulo sa halalan ng 1949
at nanalo laban sa kandidato ng Nacionalista.
Sa panahon ng pagkapangulo ni Quirino, ang kanyang pamahalaan ay may
dalawang pangunahing layunin: ang mabawi ang tiwala at kumpiyansa sa pamahalaan,
at ibalik ang kapayapaan at kaayusan. Nakakalungkot lang na ang kanyang
pamahalaan ay nakaranas ng masamang publisidad, at sa kauna-unahang
pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas, isang impeachment trial o layuning
pagpapatalsik sa puwesto ang isinampa laban sa pangulo dahil sa isang ginintuang
arinola umano ang binili ni Quirino sa isang malaking halaga gamit ang pera ng
gobyerno.
Ang kanyang anim na taong pamamahala bilang pangulo ay kinikilala dahil sa
mga pagbabagong-tatag pagkatapos ng digmaan, pangkalahatang mga kita sa
ekonomiya at mas mataas na pang-ekonomiyang tulong mula sa Estados Unidos.
Gayunpaman, ang mga problema mula sa mga panlalawigang lugar at iba pang mga
problema sa lipunan ay nanatiling hindi nalutas. Ang gobyerno sa panahon ng kanyang
termino ay nabahiran ng nakawan sa pamahalaan at katiwalian.
Ang pagtakbo ni Quirino para sa pangalawang termino noong 1949 ay
pinaniniwalaan na isa sa pinakamaruming halalan na naganap sa bansa - kasunod ng
halalan noong 1969 kung saan nanalo si Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng
napakalaking pandaraya at pananakot. Sa halalan noong 1953, si Quirino ay natalo ng
isa sa mga pinakadakilang pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas, si Ramon Magsaysay.
Sa kabila ng lahat ng kontrobersiya sa panahon ng kanyang pagkapangulo, ang
kanyang administrasyon ay kinikilala para sa mga proyekto nito sa mga
pakikipagsapalaran sa industriya, pagpapalawak ng patubig at pagpapabuti sa sistema
ng kalsada, pagtayo ng Bangko Sentral at panlalawigang bangko, at kapayapaan sa
pagitan ng Pilipinas at Japan. Matapos ang kanyang pagkatalo, bumalik siya sa buhay
ng isang normal na mamamayan. Namatay siya noong Pebrero 28, 1956 sa kanyang
tahanan sa Novaliches.
RAMON MAGSAYSAY

IKAPITONG PANGULO NG PILIPINAS


Si Ramon Magsaysay ay ang ika-7 Pangulo ng Pilipinas na kilala bilang "the
Guy" o "Presidente ng Masang Pilipino". Siya ay ipinanganak sa Iba, Zambales noong
Agosto 31, 1907 at pangalawang anak ni Exequiel Magsaysay at Perfecta Del Fierro.
Bilang pangulo, binuksan niya ang pintuan sa mga mamamayang Pilipino kung saan
sila ay binigyan ng pagkakataong lumapit sa kanya nang direkta at bigyan sila ng higit
na kalayaan upang ipahayag ang kanilang sakit at pagdurusa. Magpahanggang
ngayon, ang kanyang pamumuno at kabutihan ay ang mga katangiang hinahanap ng
mga Pilipino para sa isang lider.
Nag-aral si Magsaysay sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng enhinyerang
mekanikal bagamat sa Colegio de Jose Rizal niya natapos ang Antas sa Komersyo. Sa
kanyang kapanahunan, karamihan sa mga pinuno sa pulitika ay kamag-anak ng Kastila.
Si Magsaysay lamang ang may lahing Malay, katulad ng pangkaraniwang Pilipino.

Si Magsaysay ay nagsimula bilang isang mekaniko sa Try-Tran Bus Company at


sa kalaunan ay naging bilang branch manager. Naging tanyag siya bilang isang
mahusay na lider ng gerilya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pinangalanan bilang
gobernador militar ng Iba, Zambales ni General Douglas McArthur nang palayain ng
Estados Unidos ang Pilipinas.
Naglingkod siya bilang Kongreso ng Partidong Liberal sa Zambales mula 1946
hanggang 1950. Ito ang kanyang unang karanasan sa pulitika. Bilang politiko,
nagkaroon siya ng mahalagang papel sa pagpasa ng GI Bill of Rights sa Kongreso ng
Estados Unidos kung saan ay makikinabang ang mga Pilipinong beterano ng digmaan.
Inihalal ni Pangulong Elpidio Quirno si Magsaysay upang maging kalihim ng depensa
upang mahawakan ang pagbabanta ng mga Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa
mga Hapones) na nag-organisa ng People's Liberation army. Nagtagumpay siya sa
kampanya laban sa Hukbalahap gamit ang parehong mga solusyon sa militar at pulitika.
Ang kanyang kampanya ay itinuturing na isa sa pinakamatagumpay na kampanyang
anti-gerilya sa modernong kasaysayan.

Sinubukan ni Magsaysay na makuha ang loob ang mga magsasaka sa


pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga lupain at mga kasangkapan kung
susuporta sila sa gobyerno, dahilan upang mapagtanto ng mga Huk na hindi nila
makakayanan nang walang suporta mula sa mga tao. Inorganisa ding muli ni
Magsaysay ang hukbong militar sa pamamagitan ng pagpapaalis sa mga tiwaling
opisyal, at sinanay sila upang maging maaasahan laban sa mga gerilya. Dahil sa
kanyang radikal na kampanya, ang mga huk ay hindi na naging banta sa gobyerno
bagaman gumawa siya ng maraming mga kaaway sa loob ng pamahalaan. Inakusahan
niya ng katiwalian at kawalan ng kakayahan ang administrasyong Quirino dahilan
upang magbitiw si Magsaysay sa kanyang posisyon noong Pebrero 28, 1953.

Noong 1953, sinuportahan ng Partidong Nacionalista at ni Carlos Romulo si


Magsaysay upang tumakbo para sa pagka-pangulo laban kay Quirino bagaman siya ay
isang kandidato ng Liberal. Nanalo siya at naging ika-pitong pangulo ng Pilipinas. Sa
panahon ng kanyang administrasyon, ipinakilala niya ang mga pangunahing programa
tulad ng reporma sa lupa, panlipunang kapakanan at mga gawaing pampubliko.
Tinulungan niya ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatag ng kreditong pang-
agrikultura at cooperative financial agency. Si Magsaysay ang tinaguriang "Pangulo ng
mga Magsasaka" ngunit ang kanyang mga plano ay nahadlangan ng iba pang mga
pulitiko na pumapabor sa mayayaman.

Si Magsaysay bilang isang pangulo ay simple at nakatuon sa pagtulong sa


karaniwang tao. Siya ay nanatiling malapit na kaibigan at tagataguyod ng Estados
Unidos. Siya rin ang boses na tagapagsalita laban sa Komunismo sa panahon ng Cold
War o Digmaan sa Diplomasya. Ginawa niyang miyembro ang Pilipinas sa SATO
(Southeast Asia Treaty Organization), na itinatag sa Maynila noong Setyembre 8, 1954
at inorganisa niya ang mga bansa ng Afro-Asians laban sa pandaigdigang komunismo
sa Bandung Conference sa Indonesia.

Si Ramon Magsaysay ay namatay nang bumagsak sa Cebu ang sinasakyan


nitong eroplano habang nangangampanya para sa halalan. Ang kanyang bise
presidente na si Carlos P. Garcia ang pumalit sa kanyang puwesto.
CARLOS P. GARCIA

IKAWALONG PANGULO NG PILIPINAS

Si Carlos P. Garcia (Nobyembre 4, 1896 - Hunyo 14, 1971) ay isang Pilipinong


makata at pulitiko. Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon
Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay.
Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First Policy.

Carlos Polestico Garcia (1896-1971), presidente ng Republika ng Pilipinas noong 1957


hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon,
Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga
magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman
University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din
siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at
guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa
Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod
hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa
Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula
1942 hanggang 1953. Noong Ika-II Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya
sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol.
Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.

Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket


Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na
bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga
Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay
naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.

Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa


isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong
Nobyembre 1957.
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga
pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na
ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-
Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan.
DIOSDADO P. MACAPAGAL

IKASIYAM NA PANGULO NG PILIPINAS


Mula sa isang mahirap na pamilya sa probinsya ng Pampanga, nakilala si
Pangulong Diosdado Macapagal bilang “The Poor Boy from Lubao.”
Bitbit ang kanyang pangakong bigyan ng tuldok ang kurapsyon sa bansa, tinalo niya
ang noo’y kasalukuyang pangulo na si Carlos Garcia sa halalan ng may malaking agwat
sa bilang ng botong natanggap.
Kabilang sa mga ginawa ni Macapagal ang pagsasagawa ng mga batas upang
maisaayos ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Una na rito ang pagsasabatas ng Agricultural Land Reform o Republic Act No. 3844, na
nagbukas ng oportunidad na magkaroon ng sariling lupang sakahan ang mga maliliit na
magsasaka sa bansa.
Sa naturang batas, nabigyan din ng karapatang bumuo ng samahan ang mga
nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura, bukod pa sa kasiguruhang makatatanggap sila
ng sahod na naaayon sa Minimum Wage Law.
Upang pasiglahin pa ang ekonomiya, ibinukas ng kaniyang administrasyon ang
merkado sa mga pribadong mangangalakal.
Bilang kontribusyon ng gobyerno sa pag-alalay sa mga ito, naging aktibo ang
pamahalaan sa pagpapagawa ng mga imprastraktura tulad ng mga kalsada, mga
puerto at paliparan.
Gumawa rin ng mga polisiya si Macapagal na maka-eengganya sa mas marami pang
mamumuhunan sa pamamagitan ng pagsisilbi ng gobyerno bilang taga-endorso ng mga
aktibidad na magbibigay-daan upang ang mga negosyong nangangailangang sa
malaking kapital ay mapasimulan sa bansa.
Kabilang sa mga negosyong ito ang mga kalakal na may kinalaman sa paggawa ng
mga bakal, abono at maging sa turismo.
Ilan pa sa makasaysayang kontribusyon ni Pangulong Macapagal ang
pagtatatag ng Philippine Veterans’ Bank, ang paglilipat ng paggunita ng ating araw ng
kasarinlan mula ika-4 ng Hulyo sa ika-12 ng Hunyo.
Sa termino ni Macapagal, pinalakas ang aksyon ng bansa sa international tribunal
kaugnay sa karapatan na muling mapasakamay sa Pilipinas ang North Borneo o kilala
na ngayon bilang Sabah.
Noong 1965, muling tumakbo sa pagka-pangulo si Diosdado Macapagal. Subalit
dahil sa mga akusasyon ng kurapsyon at damang pagtaas ng presyo ng mga bilihin,
bukod pa sa patuloy na problema sa kaayusan at kapayapaan sa bansa, hindi siya
pinalad na magwagi sa naturang halalan.
Matapos nito ay nagretiro siya sa mundo ng pulitika, subalit naging aktibo pa rin sa mga
gawaing pambansa.Binawian siya ng buhay noong April 21, 1997 dahil sa
kumplikasyon sa sakit na pneumonia.
FERDINAND E. MARCOS

IKASAMPUNG PANGULO NG PILIPINAS

Si Ferdinand Edralin Marcos ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas


mula 30 ng Disyembre 1965 hanggang ika-25 ng Pebrero 1986. Siya ay isinilang noong
Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Si Marcos ay nag-aral sa Maynila at nag-
aral ng abugasya noong mga huling taon ng 1930 sa Unibersidad ng Maynila. Nilitis
siya para sa pagpatay sa kalaban sa pulitika ng kanyang ama noong 1933 at
napatunayang nagkasala noong Nobyembre 1939. Umapela siya sa Korte Suprema ng
Pilipinas at napawalang-sala pagkalipas ng isang taon.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig siya ay naging isang opisyal sa armadong
pwersa ng Pilipinas. Ang pag-angkin ni Marcos na siya ay naging lider sa kilusang
gerilya ng Pilipinas ay isang mahalagang kadahilanan sa kanyang tagumpay sa pulitika,
ngunit ipinahayag ng mga tala ng gobyerno ng Estados Unidos na siya ay may maliit
papel o hindi talaga bahagi sa mga gawaing kontra Hapon noong 1942-1945.
Mula 1946 hanggang 1947 si Marcos ay naging technical assistant ni Manuel
Roxas, ang unang pangulo ng malayang republika ng Pilipinas. Siya ay miyembro ng
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (1949-59), ng Senado (1959-65) at nagsilbi
bilang pangulo ng Senado (1963-65). Noong 1965, si Marcos, na isang kilalang
miyembro ng Liberal Party na itinatag ni Roxas, ay tumiwalag dito matapos mabigo na
makuha ang nominasyon ng kanyang partido para sa pagka pangulo. Pagkatapos ay
tumakbo siya bilang kandidato ng Nasyonalista para sa pangulo laban sa pangulo ng
Liberal, si Diosdado Macapagal. Nanalo si Marcos at itinalaga bilang pangulo noong
Disyembre 30, 1965. Noong 1969 siya ay muling nahalal at naging unang pangulo ng
Pilipinas na naglingkod sa ikalawang termino. Sa panahon ng kanyang unang termino
ay nagawa niyang mapabuti ang estado ng agrikultura, industriya, at edukasyon. Ngunit
ang kanyang administrasyon ay magulo dahil na rin sa dumaraming demonstrasyon at
marahas na mga aktibidad ng mga gerilya.
Noong Setyembre 21, 1972, ipinataw ni Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas,
dahil na rin sa pagkilos ng mga komunista upang pabagsakin ang gobyerno.
Ipinabilanggo ni Marcos ang mga oposisyong pulitiko at ang armadong pwersa ng
Pilipinas ay naging armado ng rehimen. Si Marcos ay binatikos ng mga lider ng
simbahan at sinalungat ng mga lider ng politika- lalo na ni Benigno Aquino, Jr., na
ibinilanggo at ipiniit sa loob ng halos walong taon. Sa mga lalawigan ng mga
komunistang Maoist (Bagong Hukbong Bayan) at mga separatistang Muslim (lalo na ng
Moro National Liberation Front) nagsagawa ng mga girilyang pagkilos upang
pabagsakin ang sentral na pamahalaan. Sa ilalim ng batas militar ang pangulo ay
nagtatag ng mga pambihirang kapangyarihan, kabilang ang kakayahang isuspinde ang
"writ of habeas corpus". Ipinahayag ni Marcos ang katapusan ng batas militar noong
Enero 1981, ngunit patuloy siyang namamahala sa isang awtoritarian na paraan sa
pamamagitan ng iba't ibang anyo ng saligang batas. Nanalo siya sa halalan sa bagong
nalikhang poste ng pangulo noong Hunyo 1981.
Ang asawa ni Marcos mula 1954 ay si Imelda Romuáldez Marcos, isang dating
beauty queen. Si Imelda ay naging isang makapangyarihang pigura pagkatapos
simulan ang martial law noong 1972. Madalas siyang mabatikos dahil sa kanyang
pagtalaga sa kanyang mga kamag-anak sa mahahalagang posisyon sa gobyerno,
habang siya naman ay gobernador ng Metropolitan Manila (1975-86) at ministro ng mga
pamayanan ng tao at Ekolohiya (1979-86).
Ang mga huling taon ni Marcos sa kapangyarihan ay nasira dahil sa laganap na
korapsyon sa gobyerno, ekonomiyang hindi umuunlad, patuloy na hindi pagkakapantay-
pantay sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, at ang tuluyang paglago ng
rebolusyonaryong gerilyang komunista na aktibo sa mga rural na lugar sa iba't ibang
sulok ng Pilipinas.
Noong 1983 ang kalusugan ni Marcos ay nagsimulang bumagsak, at ang mga
sumasalungat sa kanyang pamamahala ay dumami. Noong Agosto 21, 1983, bumalik
sa Maynila si Benigno Aquino, Jr. upang magbigay ng alternatibo laban kay Marcos at
sa lalong lumalakas sa New Poeple's Army (NPA). Ngunit siya ay binaril at napatay sa
pagbaba niya sa eroplano. Ang pagpatay ay nakita bilang gawain ng pamahalaan at
naging sanhi ng malawakang protesta laban sa gobyerno. Isang independiyenteng
komisyon na hinirang ni Marcos ang nagpatibay noong 1984 na mga matataas na
opisyal ng militar ang responsable sa pagpatay kay Aquino.
Upang muling ipahayag ang kanyang mandato, nagtawag si Marcos ng bagong
halalan sa pagkapangulo. Ngunit isang matinding kalaban sa pulitika ang lumitaw, ang
biyuda ni Aquino, si Corazon Aquino, na naging kandidato ng oposisyon para pagka
presidente. Pinaniniwalaan ng marami na nakuhang talunin ni Marcos si Aquino dahil
lamang sa napakalaking pandaraya sa pagboto ng kanyang mga tagasuporta sa
halalan noong Pebrero 7, 1986. Habang labis na pinawalang-saysay sa sariling bayan
at sa ibang bansa ang kanyang kahina-hinalang pagkapanalo sa eleksiyon, mahigpit na
pinananatili ni Marcos ang kanyang pagkapangulo habang nahati ang militar ng
Pilipinas sa pagitan ng mga tagasuporta niya at ng lehitimong karapatan ni Aquino sa
pagkapangulo. Natapos lamang ang isang matinding sagupaan na naganap sa pagitan
ng dalawang panig noong si Marcos ay umalis sa bansa noong Pebrero 25, 1986, sa
paghimok ng Estados Unidos. Tumakas siya papuntang Hawaii, kung saan siya ay
nanatili hanggang sa kanyang kamatayan noong September 28, 1989.
CORAZON C. AQUINO

IKA-11 PANGULO NG PILIPINAS


Si María Corazón Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang
ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging
babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya
noong Enero 25, 1933 sa Tarlac ng kanyang mga magulang na sina Jose Cojuangco Sr.
at Demetria Sumulong. Kilalang may kaya ang kanilang angkan na nagmamay-ari ng
malawak na lupain sa Tarlac.
Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para lamang sa mga kababaihan bago
pinalad na makapag-aral sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang
Pranses at Matematika sa New York's Mount Saint Vincent College. Nagbalik siya ng
Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng kursong abugasya. Doon niya nakilala ang
kabiyak na si Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong
panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon
sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay
kilala rin bilang ina ng artistang si Kris Aquino.

Si Cory Bilang Asawa ni Benigno Aquino, Jr.


Kilalang angkan ang Aquino sa politika. Nahalal bilang mayor si Benigno Aquino, Jr. o
kilala sa tawag na Ninoy isang taon matapos ang kanilang pag-iisang dibdib. Naging
pinakabata rin itong gobernador hanggang sa maging senador.
Naging pangunahing kritiko ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang
kanyang asawa at isa sa mga nakulong matapos maideklara ang Martial Law noong
Setyembre 21, 1972. Dahil sa ilang taong pagkakakulong ng kanyang asawa ay siya ang
naging tagapagsalita at katuwang nito sa pakikipag-usap sa mga aktibista at
mamamahayag. Pansamantala silang nanirahan sa Boston matapos na palayain ang
kanyang asawa upang sumailalim sa operasyon sa puso.
Taong 1983 ng buwan ng Agosto ng mapagpasiyahang bumalik sa Pilipinas ng kanyang
asawang si Benigno Aquino, Jr. upang tulungan ang mga taong hindi sang-ayon sa
pamumuno ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa kasamaang-palad ay
ipinapatay siya matapos makalapag sa paliparan ang eroplanong kanyang sinasakyan.

Si Cory Bilang Unang Babaeng Pangulo ng Pilipinas

Taong 1985 ng mapili siya ng National Press Club ng Maynila upang tumakbo bilang
Pangulo ng Pilipinas. Nangako siyang tatakbo sakaling makakalap ang grupo ng isang
milyong lagda ng mga taong nagnanais na maging Pangulo siya. Matagumpay namang
nakalap ang higit sa isang milyong lagda kung kaya't sinuportahan din siya ng anim pang
partido. Napagpasiyahan niyang tumakbo hindi upang maghiganti kundi upang magkamit
ng katarungan. May kalakihan ang tsansa niyang mahalal sapagkat bukod sa bago
lamang siya sa pulitika ay katulad niya ang mga paniniwala at adhikain ng nasirang
asawa.
Sa kasamaang palad ay hindi na natuklasan pa ang kinahinatnan ng eleksyong
Pampanguluhan. Matapos ang isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa
EDSA) noong Pebrero 25, 1986, at mapatalsik sa posisyon ang dating Pangulong
Ferdinand E. Marcos ay nailagak siyang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas.
Halos pitong pag-aaklas ang naganap upang siya'y mapatalsik ang dinanas ng
kanyang liderato. Ang ilan pa sa mga ito'y pinamunuan ng mga taong nagluklok sa kanya
sa pwesto. Taong 1991 nang maglabas ng kasulatang nagpapahintulot sa kanyang
manatili sa pwesto hanggang Hunyo 30, 1992. Pinalitan siya ni Fidel V. Ramos bilang
Pangulo noong matapos ang kanyang termino.

Si Cory at ang CARP

Dalawang taon matapos siyang maluklok bilang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas,


ipinatupad niya ang Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP sa ilalim ng Republic
Act No. 6657. Ilang kontrobersiya ang kinasangkutan nito lalo pa't kilalang haciendero ng
ekta-ektaryang lupain ang kanyang pamilya. Sa ilalim ng programang ito ay mabibigyan
ng lupa ang humigit kumulang sa 8.5 milyong magsasaka at manggagawa ng lupa sa
loob ng sampung taon upang kumawala sila sa kahirapan at pagiging alipin.
Sa kasamaang palad, ang naipangakong 24 na milyong ektaryang lupa na
ipamamahagi sana ay naging 4.7 milyon na lamang. Hindi na natuloy ang maayos na
pamamahagi ng lupa dahil na rin sa kakulangan sa pondo at iba pang kadahilanan. Ang
ilan namang pinalad na makatanggap ng lupa ay napilitang ibenta itong muli sa iba. 3 sa
5 katao na nagkamit ng lupa ang nagbentang muli nito dahil na rin sa wala silang sapat
na pondo upang mapanatili ang kanilang lupain na sana'y planong gawing lupang pang-
agrikultura.

Pagkakasakit at Kamatayan

Marso 24, 2008 unang natuklasan ang pagkakaroon ng colon cancer ng dating pangulong
Corazon Aquino. Humingi ng dasal at suporta para sa kanyang maysakit na ina si Kris
Aquino, ang artista at TV host na bunso niyang anak.
Nagsimula ang karamdaman ng dating pangulo sa paulit-ulit na pagtaas ng blood
pressure nito, paglalagnat at hirap sa paghinga. Hindi nagtagal ay naiulat ang kawalang-
gana nito sa pagkain, hindi gumagaling na pag-ubo at ang kapansin-pansing pagbaba ng
timbang na naging sanhi ng kanyang pagkapayat. Ito ang nagbunsod sa magkakapatid
na Aquino na ipailalim sa malawakang pagsusuri ang kalusugan ng kanilang ina at dito
natuklasan ang pagkakaroon niya ng cancer cancer sa colon.
Nakiusap ang pamilya na irespeto ang pribadong buhay ng kanilang ina at
samahan sila sa pagdarasal upang gumaling ang karamdaman nito. Umabot sa mahigit
na 14 na buwan ang pakikipaglaban ng pangulo sa sakit na cancer kaalinsunod ang
pagpapasailalim sa Chemotherapy sessions.
Noong Hulyo 2009, iniulat na si Aquino ay nasa seryosong kalagayan, nagdurusa
sa pagkawala ng gana, at nasa Makati Medical Center. Sa kalaunan ay inihayag na
nagpasya si Aquino at ang kanyang pamilya na itigil ang chemotherapy at iba pang mga
medikal na interbensyon para sa kanya.
Namatay si Aquino sa Makati Medical Center noong 3:18 ng umaga noong Agosto
1, 2009 dahil sa cardiorespiratory arrest; Siya ay 76.
FIDEL V. RAMOS

IKA-12 PANGULO NG PILIPINAS


Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ay ang ikalabing-dalawang
Pangulong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya
noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina
Narciso Ramos at Angela Valdez.
Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha
rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Masters in Business
Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry
training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader
ngSandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at
Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong
tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang
sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of
Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of
Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award.
Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng
Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas
noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng
Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon si
Benigno S. Aquino Jr.
Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni
Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si
Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkob
sa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People
Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos.
Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang
lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na
Tanggulang Pambansa.
Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging
priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng
karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang
pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa
kaunlaran.
Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak
na babae.
Buhay pulitika
Noong 1992, nagwagi sa halalan ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Fidel
Ramos, na inendorso ni Pangulong Aquino, na may 23.6% lamang ng kabuuang boto
sa pagitan ng pitong kandidato. Sa mga unang taon ng kanyang termino, idineklara niya
na mataas niyang prayoridad ang nasyonal na rekonsilyasyon at gumawa siya ng
koalisyon upang makabangon sa mga hidwaan ng administrasyong Aquino.[40] Ginawa
niyang legal ang Partidong Komunista at nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga
rebeldeng Muslim at mga rebeldeng militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang
mga kampanya laban sa pamahalaan. Noong Hunyo 1994, nilagdaan niya ang
amnestiyang nagpapatawad sa mga rebeldeng pangkat, at mga Pilipinong militar at
mga pulis na kinasuhan ng krimen habang nakikipaglaban sa mga rebelde. Noong
Oktubre 1995, nilagdaan ng pamahalaan ang kasunduang nagtatapos sa kaguluhang
rebelde. Isang kasunduang pang-kapayapaan ang nilagdaan ng pamahalaan at ng
Moro National Liberation Front (MNLF), isang pangkat ng mga rebeldeng naghahangad
na maging malayang bansa ang Mindanao, noong 1996, na nagtapos sa
pakikipaglaban na nagtagal ng 24 taon. Ngunit ipinagpatuloy ng humiwalay na pangkat
ng MNLF, angMoro Islamic Liberation Front ang pakikipaglaban. Maraming mga
malalaking protesta ang kumontra sa pagsisikap ng mga taong sumuporta kay Ramos
na susugan ang batas upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakbo muli para sa
ikalawang termino, na naging sanhi ng hindi pagtakbo muli ni Ramos sa halalan.[43]
Mga programang pagkapangulo ng Fidel V. Ramos spanned para sa anim na
taon mula sa Hunyo 30, 1992 sa 30 Hunyo 1998. Sa panahon ng kaniyang pagluklok sa
kapangyarihan, Fidel Ramos ay ang pinakalumang tao na maging Presidente ng
Pilipinas na nasa edad na 64. Siya rin ang unang Protestanteng Pangulo ng bansa at
ang tanging Filipino officer sa kasaysayan upang magkaroon ng klase tuwing ranggo sa
Philippine militar mula sa Ikalawang tinyente saCommander-in-Chief . Ang ilang mga
unang taon ng kanyang pangangasiwa (1992-1995) ay characterized sa pamamagitan
ng pang-ekonomiya boom , teknolohiko development ,pampulitika katatagan at
mahusay na paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan sa mamamayan. Sa
panahon ng kanyang oras, siya advocated platform partido bilang balangkas at agenda
para sa pamamahala. Tulad ng sa kanyang kaso, siya ay ang unang Kristiyano
makademokrasiya ihahalal sa bansa, ang pagiging ang founder ng Lakas-CMD
(Christian-Muslim Democrats Party). Siya ay ang isa sa mga pinaka maimpluwensyang
lider at ang mga hindi opisyal na tagapagsalita ng liberal na demokrasya sa Asya.
JOSEPH ESTRADA

IKA-13 PANGULO NG PILIPINAS


Si Joseph Estrada ay ipinanganak noong 19 Abril 1937 sa Tondo, Maynila kina
Emilio Ejercito, Sr., na isang Inhinyeriya|inhinyero at Maria Marcelo. Siya ay pinatalsik
sa kanyang mga pag-aaral na pang-primarya sa Ateneo de Manila University at
kalaunang pumasok sa kursong inhinyerya sa Mapua Institute of Technology. Huminto
sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino
sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa
mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga
papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya
ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng
Pelikula. Si Estrada ay nagpakasal kay Dra.Loi Estrada|Luísa "Loi" Pimentel Estrada at
nagkaroon ng 3 anak: sina Jinggoy Estrada, alkalde ng San Juan (1992–2001) at
Senador (2004–), Jackie Ejercito (na ikinasal kay Beaver Lopez na anak ng Meralco
chairman Manuel Lopez) at Jude Ejercito. Si Estrada ay may lima pang ibang mga anak
sa ibang mga babae: sina JV Ejercito]], Jojo Ejercito sa dating modelong si Joy
Rowena, si Jerika, Jake at Jacob Ejercito sa dating aktres na si Laarni Enriquez. Si
Estrada ay kapatid ng aktor na si George Estregan at tiyuhin ng aktor na si Gary
Estrada.
Noong 1968, si Estrada ay tumakbo sa halalan ng pagka-alkalde ng San
Juan, Kalakhang Maynila. Siya ay natalo kay Dr. Braulio Sto. Domingo. Gayunpaman,
si Estrada ay pinroklamang nagwagi matapos niyang magsampa ng protestang
elektoral. Si Estrada ay nagsilbing alkalde ng 16 na taon.Noong 1977, pinarangalan
siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial
Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila
Mayor" ng Philippines Princetone Poll.
Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C.
Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa
pwesto noong 25 Pebrero 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution.Tumakbo
si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na
nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Sa 24 kandidato para sa
senado, si Estrada ang ika-16 kandidatong may pinakamataas na boto.Nahirang siya
bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works.
Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and
Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa
agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta
sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa “Three
Outstanding Senators of the Year”.
Bilang senador, bumoto siyang tapusin na ang Kasunduang baseng militar ng
Estados Unidos at Pilipinas na nagresulta sa pag-alis ng mga Amerikanong servicemen
sa Clark Air Base sa Pampanga at Subic Naval Base sa Zambales.Nakatulong nang
malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad bilang
aktor noong halalan ng Pangalawang Panguluhan noong 1992. Siya ay nagwaging
pangalawang pangulo ngunit ang kanyang running mate na si Danding Cojuangco ay
natalo sa pagkapangulo kay Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan
ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula
1992 hanggang 1997.
Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng
Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng
lahat ng boto. Ang kanyang islogan sa kanyang panganampanya ang "Erap Para sa
Mahirap". Sa kanyang talumpati sa inaugurasyon noong 30 Hunyo 1998, isinaad ni
Estrada:

“ Ngayon pa lamang, ang mga kamag-anak ko ay nilalapitan na ng kung sinu-


sino. Kung anu-anong deal at kickback ang ipinangangako.

Binabalaan ko sila: ang kanilang inilalapit ay ebidensiyang gagamitin ko sa


pag-usig sa kanila, kapag itinuloy nila ang kanilang maruming balakin.
Tandaan nila ito. Lalong mabuti, maghanda sila. Huwag nila akong subukan!
Sa aking administrasyon, walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-
anak.[2] ”

Ekonomiya
Noong 1998, sinubukan ni Pangulong Estrada na ipagpatuloy ang reporma ng
nakaraang Pangulong si Fidel Ramos. Sa ilalim ng pamumuno ni Estrada mula 1998
hanggang 2000, ang aberaheng paglago ng GDP ay 2.9 porsiyento.[3] Ang
administrasyong Estrada ay inakusahan ng cronyism, korupsiyon at inkompetensiya na
nagdulot ng kawalang pagtitiwala ng mga imbestor na dayuhan. Ito ay karagdagang
napinsala nang sa kanyang ikalawang taon, si Estrada ay inakusahan ng paggamit ng
impluwensiya niya sa imbestigasyon ng isang kaibigang nasangkot sa pagmamanipula
ng stock market. Ang mga kaguluhan gaya ng mga pambobomba, mga pagdukot, mga
klima at iba pa ay nag-ambag sa mga problema sa ekonomiya. Tungo sa dulo ng
administrasyon ni Estrada, ang deficit ay dumoble sa 100 bilyong dolyar mula 49
bilyong dolyar noong 1998. Gayunpaman, ang rate ng GNP noong 1999 ay tumaas sa
3.6 porsiyento mula 0.1 porsiyento noong 1998 at ang rate ng paglago ng GDP ay 3.2
porsiyento mula sa -0.5 porsiyento noong 1998. Ang utang ng bansa ay umabot sa 2.1
trilyong piso noong 1999. Ang utang sa loob ng bansa ay P986.7 bilyong piso
samantalang ang utang sa mga dayuhan ay umabot sa US$52.2 bilyong dolyar.
Ang impeachment ni Estrada dahil sa korupsiyon at ang kanyang pag-alis sa puwesto
ay nagdulot ng mababang pag-unlad.
GLORIA M.ARROYO

IKA-14 NA PANGULO NG PILIPINAS

Anak ni dating Pangulong Diosdado Macapagal.


Bago pumasok sa larangan ng pulitika, nagsilbing propesor si Arroyo sa Ateneo
De Manila University kung saan isa sa kanyang naging estudyante ang kasalukuyang
presidente ng bansa na si Benigno Aquino III.
Sa imbitasyon ng noo’y Pangulong si Corazon Aquino, tumapak sa
pagseserbisyo sa gobyerno si Arroyo bilang Assistant Secretary at Undersercretary ng
Department of Trade and Industry.
Matapos nito, kumandidato siya, nanalo at nagsilbing bilang senador noong 1991
hanggang 1998.
Matapos na magsilbi sa senado, nahalal naman siya bilang pangalawang
pangulo ng bansa sa administrasyon ni Pangulong Joseph Estrada.
Mahigit 2 taon sa kaniyang paninilbihan bilang bise presidente, naganap ng People
Power 2 na nagpatalsik sa pwesto kay Pangulong Estrada. Alinsunod sa Saligang
Batas, si Arroyo ang humalili sa nabakanteng pwesto.
Hindi naging madali ang mga taon sa paninilbihan ni Pangulong Gloria sa
panahong tinatapos niya ang termino ni Presidente Erap.
Kinuwestyon ang ligalidad ng kanyang pagkakaupo sa pinakamataas na posisyong
pulitikal sa bansa. Pinanumpa raw kasi si Arroyo ng panahong iyon ni dating Chief
Justice Hilario Davide bilang “Acting President” lamang.
Hindi rin tumitigil ang protesta at pangangalampag sa kanyang pamahalaan ng
mga taga-suporta ni Estrada na nananawagan ng pagpapalaya sa dating pangulo
matapos maikulang si Pangulong Erap sa kasong pandarambong.
Naganap din ang pagtatangkang magsagawa ng rebelyon laban sa Administrasyong
Arroyo. Tinawag itong Oakwook Mutiny.
Nalampasan ni Arroyo ang problemang ito.
Matapos niyang i-anunsyo na hindi siya maghahangad ng bagong termino, muli
siyang tumakbo sa pagka-pangulo at nanalo sa halalan noong 1994 General Elections.
Bagaman naideklara at nakapanumpa para sa kaniyang unang termino bilang halal na
pangulo, naging kontrobersyal ang kanyang pagkapanalo.
Lalong umigting ang mga akusasyon ng pandaraya laban kay Pangulong Gloria nang
lumabas ang “Hello Garci” Tape. Sa panahong ito, isinagawa ni Arroyo ang bantog ng “I
am sorry” speech.
Lumakas ang panawagan para sa kanyang pagbaba sa pwesto at mayroon pang
naghain ng reklamong impeachment laban sa kanya. Hindi ito umusad sa Kongreso at
natapos din niya ang naturang termino.
Sa pamumuno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, umabot sa 4.5% ang average
economic growth ng bansa, mas mataas kaysa sa Administrasyong Cory Aquino,
Ramos at Estrada. Sa katunayan, napabilang ang Pilipinas sa mga kakaunting
ekonomiya sa timog-silangang Asya na hindi nagbago ang takbo sa kabila ng naganap
na global financial crisis noon taong 2008.
Sa Administrasyong Arroyo, naisa-batas ang kontrobersyal na Expanded Value Added
Tax Law na nagsilbing centerpiece ng kanyang Economic Reform Agenda.
Bukod sa iba pang mga nai-ambag ng Arroyo Administration sa paglago ng
ekonomiya ng bansa, natatandaan ito ng karamihan dahil sa polisiya ng pagpapatupad
nito ng holiday economics na naglalayong palakasin ang domestic tourism.
Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng hospital arrest si Pangulong Arroyo dahil sa mga
kasong isinampa sa kanya, kabilang na ang maling paggamit ng pondo ng Philippine
Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Bagama’t ganitong uri ng sitwasyon ang kinahaharap ni Arroyo ngayon, patuloy
pa rin siyang aktibo sa larangan ng pulitika.
Nasa ikalawang termino na si Gloria Arroyo sa kanyang posisyon bilang kinatawan ng
ikalawang distrito ng Pampanga sa Kamara de Representantes.
Gloria Macapagal-Arroyo, ang ika-labing apat na Pangulo ng Pilipinas.
BENIGNO C. AQUINO III

IKA-15 PANGULO NG PILIPINAS

Si Simeon Benigno "Noynoy" Cojuangco Aquino III (ipinanganak Pebrero 8, 1960)


ay isang Pilipinong politiko na naglingkod bilang ika-15 Pangulo ng Pilipinas mula 2010
hanggang 2016. Siya ay ang tanging anak na lalaki ng dating Pangulong Corazon Aquino
at dating senador Benigno Aquino, Jr.
Maagang Buhay at Pag-aaral

Si Benigno Aquino III ay isinilang noong 8 Pebrero 1960. Siya ay isa sa limang
mga anak ni Benigno Aquino, Jr, na Bise Gobernador ng Tarlac sa panahong iyon, at
Corazon Aquino. Siya ay may apat na kapatid na babae: Maria Elena ( "Ballsy"), Aurora
Corazon ( "Pinky"), Victoria Eliza ( "Viel"), at Kristina Bernadette ( "Kris").
Nag-aral si Noynoy sa Pamantasang Ateneo de Manila University para sa kanyang
elementarya, mataas na paaralan, at kolehiyo, na nagtapos noong 1981 na may Bachelor
of Arts degree sa Economics. Pagkatapos ng kolehiyo, siya ay sumali sa kanyang pamilya
sa Boston sa pagkakatapon.
Noong 1983, ilang sandali lamang matapos ang pagkapatay sa kanyang ama, si
Noynoy ay nagkaroon ng isang maikling panahon ng panunungkulan bilang isang
miyembro ng Philippine Business for Social Progress. Mula 1985-1986, siya ay retail
sales supervisor at youth promotions assistant para sa Nike Philippines at naging isang
assistant for advertising and promotions din para sa Mondragon Philippines. Noong 1986,
siya ay sumali sa Intra-Strata Assurance Corp bilang bise-presidente ng korporasyon na
pag-aari din ng kanilang pamilya.
Noong Agosto 28, 1987, habang labing-walong buwan sa pagkapangulo ang inang
si Cory, isang hindi matagumpay na pagtatangkang kubkubin ang Malacañang Palace
ang naganap. Pinamunuan ito ni Gregorio Honasan. Si Noynoy ay dalawang bloke
lamang mula sa palasyo nang sumiklab ang isang sunog. Tatlo sa apat niyang security
escorts ay napatay at ang ikaapat ay nasugatan sa pagpoprotekta sa kanya. Si Noynoy
man ay natamaan din ng limang bala, kung saan ang isa ay naka-embed pa rin sa
kanyang leeg.
Mula 1986-1993, si Noynoy ay Vice President at ingat-yaman para sa Best Security
Agency Corporation, isang kumpanya na pag-aari ng kanyang tiyuhing si Anolin Oreta.
Nagtrabaho din siya para sa Central Azucarera de Tarlac noong 1993, ang kompanyang
pag-aari ng angkang Cojuangco. Nagsimula siya bilang executive assistant for
administration bago naging field services manager noong 1996.
Political na Buhay

Si Aquino ay isa sa nangungunang kasapi ng Liberal Party. Siya ang Vice


Chairman ng Partido Liberal mula noong Marso 17, 2006 hanggang sa kasalukuyan. Siya
ay dating Secretary General ng partido (1999-2002), Bise-Presidente ng Luzon Liberal
Party (2002-2004), at ang Secretary General ng partido (2004-16 Marso 2006).
Si Aquino ay kasama rin sa isang pangkat ng Liberal Party na tumututol sa pamahalaan
ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dahil na rin sa di-umano'y paglabag ng gobyerno
sa karapatang-pantao.

House of Representatives

Inihalal si Aquino sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong 1998, na kumakatawan


sa 2nd District ng Tarlac. Siya ay nanalong muli sa halalan noong 2001 at 2004, at
nagsilbi hanggang 2007.
Si Aquino ay nagsilbi sa iba't-ibang komite bilang isang miyembro ng Kongreso: ang
Public Order and Security, Transportation and Communications, Agriculture, Banks &and
Financial Intermediaries, Peoples’ Participation, Suffrage and Electoral Reforms,
Appropriations, Natural Resources, and Trade and Industry committees (11th Congress),
the Civil, Political and Human Rights, Good Government, Public Order and Security, Inter-
Parliamentary Relations and Diplomacy committees (12th Congress), and the Banks and
Financial Intermediaries, Energy, Export Promotion, Public Order and Safety committees
(13th Congress)
Si Aquino ay Deputy Speaker din mula ika-8 ng Nobyembre 2004 hanggang ika-21 ng
Pebrero 2006.

Senado

Dahil sa limitasyong hindi puwedeng tumakbong muli ang isang kinatawan para
sa ikaapat na termino, tumakbo para sa Senado at inihalal si Aquino noong Mayo 14,
2007 midterm elections sa ilalim ng banner ng Genuine Opposition (GO), isang koalisyon
na binubuo ng mga partido, pati na ang kanyang sariling Liberal Party, na naghahanap
na supilin ang pagtatangka ng Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na baguhin ang
Saligang Batas. Sa kanyang political ads, siya ay inendorso ng nakababatang kapatid na
babae, ang TV host na si Kris Aquino, at ng ina, ang dating Pangulong Corazon Aquino.
Kahit na deboto ng Katoliko Romano, siya ay inendorso ng isa sa pinakamalaking
Protestanteng simbahan sa Pilipinas, ang Jesus is Lord. Nagtamo si Aquino ng higit sa
14.3 million votes upang maging pang-anim sa 37 na kandidato para sa 12 bakanteng
posisyon sa senado ng halalang iyon. Nagsimula ang kanyang panunungkulan noong
Hunyo 30, 2007.
a panahon ng kampanya, sinuportahan ni Aquino ang aplikasyon ng kanyang dating
kaaway na si senador Gregorio Honasan para sa lagak. "I endorse Honasan's request for
bail para parehas ang laban. I was hit by bullets from Honasan's men in the neck and
hips but that's past now. The principle of my father was, ' Respect the rights even of your
enemies.' Ito ang nagpatingkad ng demokrasya. Genuine reconciliation is democracy in
action," Aquino told Job Tabada of Cebu Daily News on 5 March 2007. He was referring
to two bloody coup attempts against his mother in 1987 and 1989, in the first of which
Aquino was seriously injured.

Plano sa 2010 Election

Nang mamatay ang Pangulong Corazon Aquino, umabot sa rurok ang tawag kay Noynoy
para tumakbo sa pagka-pangulo. Pagkatapos ng kanyang retreat ay nagpasya na nga si
Noynoy na tumakbong pangulo sa halalan ng 2010.
Isang grupo ng mga abogado at mga aktibista bumuo ng NAPM - ang Noynoy for
President Movement - at isang nationwide movement ang kanilang ginawa na
nangongolekta ng isang milyong lagda upang akitin si Noynoy Aquino na tumakbo bilang
presidente. Noong huling linggo ng Agosto, si senador Aquino, ang kanyang kapwa
partymate sa Liberal Party na si senador Mar Roxas at isang hindi nasabing pangulong
aspirante ay nagsimulang mag-usap upang magdesisyon sa kung anong gagawin para
sa halalan ng 2010.
Septiyembre 1, 2009, sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills,
San Juan City, si Senador Roxas, isa sa nangungunang kandidato para sa nominasyon
ng Liberal Party ay inihayag ang kanyang withdrawal sa pagkapangulo at ipinahayag ang
kanyang suporta para sa kandidatura ni Aquino.
Noong Septiyembre 9, 2009, 40 na araw matapos ang pagkamatay ng kanyang
ina, opisyal na inihayag ni Noynoy ang kanyang plano para sa pagkapangulo sa isang
press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, kung saan ay nagsilbi din
ang lugar na presidential inagaural site ng kanyang ina noong 1986.

Pagkapangulo (2010-2016)

Ang pagkapangulo ni Benigno S. Aquino III ay nagsimula sa tanghali noong Hunyo 30,
2010, Siya ay ang ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas, pagkatapos ni Gloria Macapagal-
Arroyo. Simula ng kanyang pagkapangulo, kilala rin siya sa tawag na "PNoy" na pinaikling
bersyon ng "Presidente Noy"

Si Benigno Aquino III ay ang:

 Ikatlong pinakabatang inihalal na pangulo at ang ika-apat na bunsong presidente


matapos nina Emilio Aguinaldo, Ramon Magsaysay at Ferdinand Marcos.
 Unang binatang pangulo, walang opisyal na asawa at anak.
 Ikalawang presidente sa kasaysayan na hindi uminom ng alkohol. Ang unang
pangulo na hindi uminom ng alak ay si Emilio Aguinaldo
 Kauna-unahang alumnus ng Ateneo de Manila University na naging presidente.
 Ikalawang pangulo na naging isang anak ng isang dating presidente (Corazon
Aquino).
 Unang pangulo na naging dating mag-aaral ng isang dating presidente (Gloria
Macapagal-Arroyo).
SIPOCOT SOUTH CENTRAL SCHOOL
SOUTH CENTRO SIPOCOT CAMARINES SUR

IPINASA NI:

AIZA C. NAVAL
GRADE-IV

IPINASA KAY:

ZELPHA A. ABIADA
GURO
LUPANG HINIRANG

Bayang Magiliw
Perlas ng Silanganan
Alab ng Puso
Sa dibdib mo'y buhay
lupang hinirang duyan ka nang magiting
sa manlulupig
di ka pasisiil
sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong bughaw
may dilag ang tula at awit sa pag layang minamahal
ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning
ang bituin at araw na kailan pa may di mag didilim
lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
buhay ay langit sa piling mo
aming ligaya na 'pag may may mag-aapi
ang mamatay ng dahil sa yo.

You might also like