You are on page 1of 3

TALAMBUHAY NI MANUEL L QUEZON – Ang

Ikalawang Presidente Ng Pilipinas


TALAMBUHAY NI MANUEL L. QUEZON – Sa talatang ito, ating alamin at tukasin
ang talambuhay ni Manuel L. Quezon, ang ikalawang presidente ng Pilipinas.

Image from: Famous People


Si Quezon ay kinikilalang “Ama ng Wikang Filipino” at siya rin ang tinaguriang
“Ama ng Republika ng Pilipinas” at “Ama ng Kasarinlang Pilipino. Siya ang unang
presidente ng Commonwealth ng Pilipinsa ngunit siya ang ikalawang presidente
sapagkat ang namumuno bago kay Quezon ay si Hen. Emilio Aguinaldo.

Ipinanganak si Quezon sa ika-19 ng Agosto sa taong 1877 o 1878 bilang opisyal na


taon ng pagkaanak sa kanya sa lungsod ng Baler, Tayabas. Ang kanyang ama ay si
Lucio Quezion, isang guro sa Paco, Manila, at Maria Dolores Molina na isang guro
rin.

Si Quezon ay tinuruan ng isang pribadong guro mula taong 1883 hanggang 1887.
Pumasok siya sa San Juan de Letran na nagtatapos sa sekondarya noong 1889.
Nagtapos siya ng summa cum lause sa kursong Bachelor of arts sa Unibrsidad ng
Santo Tomas (UST).
Muling nag-aral si Quezon ng abogasya sa UST ngunit natigil ito ng pansamantala
sahil sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Sumali si Quezon sa kilusang
rebolusyonaryo at naging aide-de-camp ni Aguinaldo hanggang sa nabihag si
Aguinaldo. Nakatapos sya ng abogasya sa UST pagkatapos ng digmaan.

Nagsimula siyang nagtrabaho bilang isang clerk at surveyor bago naglingkod sa


gobyerno bilang isang piskal ng Mindoro noong 1903 at sa Tayabas noong 1904.
Nagbitiw si Quezon sa tungkulin noong Nobyembre 1904 at pumasok sa
pribadong pagsasanay mula taong 1906.

Inihalal si Quezon bilang konsehal at sa huli ay naging Gobernador ng Tayabas


nong 1906 at naging miyembro ng Philippine Assembly, at Majority Floor Leader at
Chairman ng Appropriations Committee mula 1907 hanggang 1909.

Noong 1909, inihalal siyang residenteng komisyoner sa Kongreso ng Estados


Unidos ng Lehislatura ng Pilipinas. Sa panahong ito, ninanais niyang maging isang
malayang bansa ang Pilipinas, kaya nagtalumpati sa noong Fourth of July noong
1991, na kung saan ito ang sinasabi niya:

“Kami ay nagpapasalamat kay Ginoong Taft at sa mga Amerikano para sa kanilang


mga ginawa para sa amin, ngunit ayaw naming maging isang kolonya. Gusto namin
ng kalayaan.”
Noong 1912, bilang sagot sa inilathala ng New York Times na “Philippines the Key
to our Success in the Far East”, ito ang sinabi ni Quezon:

“Panahon na para sa mga tumitingin sa Pilipinas bilang isang negosyo, na lumantad


at sabihin ito kapag kanilang sinusulong ang pananatili ng mga isla bilang sakop ng
Amerika, sa halip na tabunan ang kanilang totoong hangarin ng mga dahilang
nakakainsulto sa pambansang dangal ng mga Pilipino. Huwag nilang sabihin na ang
Estados Unidos ay nananatili sa Pilipinas hindi dahil sa gusto nitong magpalawak ng
teritoryo, hindi dahil sa naghahangad itong kumita, kundi upang bigyan ang mga isla
ng isang mabuti at matalinong Pamahalaan, na hindi kayang itatag at panatilihin ng
mga Pilipino ng kusa.”
Dahil doon, nakauwi si Quezon noong 1916 na na may dalang Batas Jones, na
nagsasad na kilalanin ang kasarinlan ng mga Pilipino.
Naging Senador sa ikalimang Distrito si Quezon noon 1916 at sa huli naging
Pangulo ng Senado hanggang 1935.

Noong 1918, naglakbay-dagat siya patungong Amerika bilang isang pinuuno ng


unang misyong Kalayaan sa Kongreso ng Estados Unidos. Sa ika-17 ng Disyembre,
ikinasal niya ang kanyang pinsang si Aurora Aragon y Molina at may apat silang
anak na sina Maria Aurora, Maria Zeneida, Luisa Corazon Paz at Manuel L Jr.

Sa taong 1935 ay nahalal sa pagkapangulo ng Republika ng Pilipinas si Quezon na


kalaban niya si Aguinaldo at Gregorio Aglipay. Nagsilbi si Quezon bilang pangulo sa
loob ng dalawang termino.

Sa panahon ng pagsasakop ng Hapon ay lumikas ni Quezon sa Corregidor kung


siyan siya nanunumpa bilang Pangulo sa harap ng Malinta Tunnel. Napilitan siyang
lumikas sa isang submarino papuntang Visayas, Mindanao, hanggang sa
makarating siya sa Australia, na diyan itinayo niya ang pamahalaang desterado ng
Commonwealth ng Pilipinas.

Sa 1942, inilagda ni Quezon sa White House ng Washington D.C. ang United


Nations Declaration sa ngalan ng Pilipinas. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon
na ang watawat ay itinaas kasama ang watawat ng ibang bansa.

Namatay si Quezon noong 1944 sa sakit na tuberculosis sa Saranac Lake, New


York. Ang nakalagay sa kanyang himlayan ay:

“Statesman and Patriot, | Lover of Freedom, | Advocate of Social Justice, | Beloved


of his People.”

You might also like