You are on page 1of 3

TEORYANG FORMALISTIKO O FORMALISMO

Ang Teoryang Formalistiko o Formalismo ay isinilang noong 1910 at yumabong noong


dekada 50 at 60, ang teoryang ito ay may pananaw na ang akda o teksto ay dapat suriin at
pahalagahan kung ibig talagang masukat ang kagandahan ng akda.
Layunin ng pagsusuring Formalistiko o Formalismo ang pagbibigay pansin sa anyo ng
panitikan. Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Naging tanyag
ang pananaw na ito sa panunuring pampanitikan dahil na rin sa dami ng mga pagsusuring
ginamitan ng ganitong pananaw.
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa-walang labis at walang kulang. Walang
simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.Tunguhin ng
teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.
Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda ang sensibilidad at pag-uugnayan ng mga
salita istruktura ng wika metapora imahen at iba pang elemento ng akda.

Ang Bato

ni: Jose Corazon de Jesus

Tapakan ng tao, sa gitna ng daan;


Kung matisod mo’y iila-ilandang
Ngunit pagkatapos, pag ika’y namatay,
Bato ang tatapak sa bangkay mo naman

Batong tuntungan mo sa pagkadakila,


Batong tungtungan ko sa pamamayapa;
Talagang ganito sa lapad ng lupa
Ay hali-halili lamang ang kawawa

Balot ng putik, marumi’t maitim


Tinapyas at, aba! Brilyanteng maningning!
Sa putik din pala ay may bituin din
Na hinahangaan ng matang titingin

Maralitang tao’y batong itinatapon,


Sa lusak ng palad ay palabuy-laboy;
Nag-aral at, aba! Noong makaahon,
Sa mahirap pala nar’on ang marunong

Ang batong malaki’y kay daling mabungkal,


Ang batong brilyante’y hirap matagpuan,
Ubod laking tipak, mura nang matimbang.
Ga-mata ng isda’y pagkamahal-mahal.

Talagang ganito, madalas mamalas


Sa alimasag man ang malaki’y payat;
May malaking kahoy sy sukal sa gubat,
May mumunting damo, ang ugat ay lunas.
Ang bato sa ilog, ayun! Tingnan mo ba!
Batong nasa agos, makinis, maganda,
Batong nasa gilid, bahay ng talaba,
Sadlakan ng dumi at nilulumot pa.

O, batas ng buhay! Ang ayaw kumilos,


Habang tumatanda’y lalong nilulumot.
Kapag agos ng palad, ang takot sa agos.
Malayong matutong lumangoy sa ilog

Tatlong tungkong bato, nagtutuwang-tuwang


Nang makaluto ka ng kanin sa kalan
Mapurol mang gulok at kampit na batingaw,
Mapapatalim din ng batong hasaan.

Sa tao, ang bato, aklat ang kagaya,


Ang talim ng isip, tabak ang kapara;
Hasa ka nang hasang sumulat-bumasa,
Bukas-makalawa’y magiging pantas ka.

Kapag, nagkapingki bato mang malamig,


May talsk na apoy na sumasagitsit;
Ang noo ng tao, kapag nagkiskis,
Apoy ng katwiran ang tumitilamsik!

At saka ang bato ay may katarungan,


Taong nilulunod na bato ang pataw,
Kung taong masama’y di na lumulutang,
Ngunit kung dakila’y pumapaibabaw

PAGSUSURI
I. Kaugnayan ng Teorya sa:

A. Pamagat

Si Jose Corazon de Jesus na kilala rin sa pangalang Pepito, ay pangalawang anak nina Dr.
Vicente de Jesus at Gng. Susana Panganiban. Pinanganak siya noong Nobyembre 22 1894.
Ang tulang “Ang Bato” ay nilapatan ko ng teoryang Formalismo dahil ang layunin ng panitikan
ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.Ang
tulang ito ay nasa tulang tradisyunal dahil ito ay may sukat at mayroon ding tugma. Ang tulang
ito ay may (12) saknong at bawat saknong ay may apat (4) na taludtud,sa bawat taludtod ay may
labindalawang pantig (12).

B. Nilalaman

. Ang tulang ito ay may (12) saknong at bawat saknong ay may apat (4) na taludtud,sa bawat
taludtod ay may labindalawang pantig (12).

Ang tulang “ Ang Bato” ni Jose Corazon ay


Sa una at pangalawang saknong ng tula ito ay nagpapahayag kung ano ang ginagampanan ng
isang bato sa ating buhay. Ito ay nagsisilbing tapakan natin at ito rin ang magiging ibabaw ng
ating mga labi.
Sa pangatlong saknong naman ay sinasaad dito kung ano ang nakapaloob sa isang batong
maputik at hindi kanaisnais tignan ngunit kapag itoy nasuri maayroong makinang na bagay na
makikita.
Sa natitirang mga saknong naman ay kinukumpara na nito ang mga bato sa mga pangyayati sa
buhay ng mga tao.

Samakatwid ang buhay ng tao ay para ring nangyayari sa isang bato na kung saan ang
mga taong inaapakan ay may kakayahan ding maging dahilan ng pagkatisod ng mga taong
makapangyarihan. Ang mga taong inaapakn ay siya ring nagiging matagumpay pagdating ng
araw. Kapag mayroong tiyaga ang mga tao ay makakahon din sa kahirapan. Hindi sa lahat ng
pagkakataon ay mananatili tayo sa ating kinalalagyan maaring tayo ay may pera ngayon ngunit
ang pera ay nauubus din kapag hindi ito nagamit ng maayos. Hindi natin masasabi kung ano ang
magiging kapalaran natin sapagkat ang buhay ng tao ay paikot ikot lamang.

Lagi nating tatandaan huwag nating apakan ang mga kapwa natin dahil sila ay tao ring kagaya
natin na marunong mangarap at magsumikap upang mapa ganda ang buhay.

You might also like