You are on page 1of 12

MGA PANLOOB AT PANLABAS NA TUNGGALIAN

Jenita D. Guinoo
Guro
Isa sa mga sangkap ng maikling kuwento ay ang
tunggalian na humuhubog sa pagkatao ng tauhan at
siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento.
Ang maikling kuwento ay may iisang tunggalian
lamang, sa nobela ay maaaring higit sa isa ang
tunggalian na maaaring panloob (tao laban sa sarili)
o panlabas (Tao laban sa tao, tao laban sa kalikasan,
tao laban sa lipunan, at tao laban sa tadhana)
1. Tao laban sa Sarili
Ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito
sa loob ng tauhan. Halimbawa nito ang suliraning
may kinalaman sa moralidad at paniniwala.
Karaniwang pinoproblema ng tauhan kung ano ang
pipiliin-ang tama o mali, o mabuti o masama? Maaari
rin namang tungkol ito sa pagsupil sa sariling
damdamin. Ang tauhan lamang ang nakareresolba sa
hinaharap niyang suliranin. Ang panloob na
tunggalian ay nagbibigay ng humanidad sa tauhan,
kaya naman nagiging kapani-paniwala ang kaniyang
halimbawa:
Ano bang dapat kong gawin panginoon, mahal
na mahal ko siya ngunit mayroon na siyang pamilya!
Upang matapos na ang lahat, magpapatiwakal na
lang kaya ako?
2. Tao laban sa Tao
Ang tunggaliang ito ay ang pangunahing uri ng
panlabas na tunggalian.Dito, ang tauhan ay
nakikipagbanggaan sa isa pang tauhan. Ito ay
labanan ng klasikong bida laban sa kontrabida o
mabuting tao laban sa masamang tao.
Maaaring dulot ito ng pagkakaiba nila sa pamantayan ng
moralidad, posisyon sa lipunan, o paniniwala.
3. Tao laban sa kalikasan
Karaniwang nangyayari ito kapag ang tauhan o mga
tauhan ay direktang naaapektuhan ng mga puwersa ng
kalikasan. Halimbawa nito ang karanasan ng mga tauhan
habang at pagkatapos ng isang natural na kalamidad o ang
biglaang pagsabog ng bulkan na nagbabanta sa buhay ng
mga turistang nasa paanan ng bulkan. Ang tauhang na –trap
sa isang isla o palutang-luting sa gitna ng dagat sakay ng
isang lifeboat ay halimbawa rin ng tunggaliang tao laban sa
kalikasan.
4. Tao laban sa Lipunan
Umiiral ang panlabas na tunggaliang ito kapag
lumilihis ang tauhan o mga tauhan sa mga pamantayang
itinakda ng lipunan. Nangyayari din ito kapag tahasang
binabangga o binubuwag ng tauhan ang kaayusang sa
tingin niya ay sumusupil sa kaniya. Ang mga nobelang may
mga tauhang nakikipagtunggali sa mapaniil na kultura at
ideolohiya ay katangian ng tunggaliang tao laban sa
lipunan. Dalawa ang maaaring kahihinatnan
nito:magtagumpay ang tao o magapi siya ng sinumang
kinakalabang Sistema.
5. Tao laban sa Tadhana
Nangyayari ang tunggaliang ito kapag ang tadhana
ang nagdidikta sa mga nagyayari sa tauhan. Maaari niya itong
labanan. Sasabihin niyang siya ang magtatakda ng kaniyang
kapalaran at gagawa siya ng paraan upang baguhin ang takbo
ng kaniyang buhay. Ngunit sa huli ay karaniwang nagwawagi
ang tadhana. Ang pagbalik sa nakaraan sa pamamagitan ng
time machine upang maiwasan ang pagkamatay ng
minamahal ay halimbawa ng ganitong tunggalian. Tipikal na
halimbawa rin ang mga kuwento ng mga ordinaryong tao na
itinadhanang maging makapangyarihan.
6. Iba pang tunggalian
Maidadagdag din sa uri ng tunggalian ang
tunggaliang tao laban sa Diyos o mga sobrenatural
na nilalang. Kabilang dito ang mga suliraning may
kinalaman sa mga halimaw, alien, multo, lamang-
lupa, at iba pang nilalang. Isa pa ang tao laban sa
makina o teknolohiya. Sa tunggaliang ito, nilalabanan
ng tauhan ang mga entidad na may
artipisyal na katalinuhan o artificial intelligence
katulad ng mga robot.
Suriing mabuti ang pahayag at tukuyin ang uri ng panloob at
panlabas na tunggalian ng sumusunod:
1. Nakikipaghabulan ang lalaki kay kamatayan.____________
2. Sinabunutan ng babae ang kapitbahay na bungangera.
____________
3. Hindi niya malaman ang gagawin sa muling pagkikita ng
asawang matagal nang nawalay sa pamilya.____________
4. Humampas ang malalakas na alon sa kanilang sinasakyang
barko.____________
5. Nagdadalawang isip ang babaeng lumapit sa anak upang
humingi ng tulong. _____________
6. Pinaratangan siyang isang mangkukulam kaya dinala sa
upang doon ay patawan ng kamatayan.__________
7. Kahit anong pilit niyang paglayo sa asawa ay muling nag-
Krus ang kani-kanilang landas._____________
8. Nakikipagsapalaran siyang mapalubag-loob ang kanyang nanay
sa galit sa kanyang maagang pag-aasawa. ___________
9. Pilit pa rin niyang maayos na pinakitunguhan ang kasintahang
kailanma’y hindi maaaring mahalin. ___________
10. Nangungunyapit siya sa sanga o kahit anumang bagay na
mahawakan upang di matangay sa rumaragasang baha na dulot
ng bagyo. ____________
11. Kahit ano pa ang sabihin nila sa kaniyang maling ginagawa ay
wala siyang pakialam._____________
12. Mula sa putikan ay nahango siya at nag-iba ang buhay
matapos na makasal sa isang mayamang asyendero ngunit ito’y
namatay kaya muli siyang nasadlak saputikan. _____________
13. Sinundan siya ng mga lalaking di niya kilala at
siyang pinaputukan. ______________
14. Kahit na humadlang ang tadhana sa kanilang pag-
iibigan ay pilit pa ring pinagpatuloy nila ang naudlot na
pagmamahalan. _____________
15. Laging may sumusunod sa kaniya saan man siya
magpunta. Kahit sa kanyang panaginip ay laging
sumusubaybay sa kaniyang bawat galaw ang isang
nilalang na hindi pa niya nasilayan ang mukha.
_____________
Pagsasanay:
Gumawa ng isang pagsusuri
at isa-isahin ang mga
tunggaliang matatagpuan sa
tekstong
binasa.

You might also like