You are on page 1of 13

Lektyur 2: Kalikasan ng

Komunikasyon
Inihanda ni: Gng. Neriza Constantino-Pesigan
PAKIKIPAGTALASTASAN
• Nagmula sa salitang “talastas” na
nangangahulugang “batid” o “alam”

• Akto ng gawaing kinasasangkutan ng


pagpapalitan ng isipan, kuro-kuro at mga
pananaw.
KOMUNIKASYON
• “Communication” sa Ingles, nagmula sa Latin na
“communis” na nangangahulugang “karaniwan”
o “ordinaryo.”
• Ang Komunikasyon ang patuluyang proseso ng
(1)pagbuo, (2)paghatid, (3)pagtanggap at
(4)pagtugon sa kaisipan o ideya.
SANGKAP SA MABISANG
KOMUNIKASYON
• Konteksto – pangyayaring kinasasangkutan ng
akto ng pakikipagtalastasan
1. Pisikal – kondisyong pangkapaligiran
2. Sosyal – relasyong namamagitan sa mga
kalahok
3. Historikal – impormasyong una nang naganap
bago ang aktwal na pakikipagtalastasan
4. Sikolohikal – emosyon/damdamin ng mga
kalahok
5. Kultural – ugali, paniniwala at kinasanayang
impluwensya ng kultura sa pagkatao
• Partisipant/Kalahok – pinakamahalagang
sangkap sa akto ng komunikasyon.
1. Tagatanggap – tagaproseso ng narinig na
kaisipan
2. Tagahatid – tagapagbuo at tagapaghatid ng
mensahe
• Mensahe – dahilan ng akto ng komunikasyon
• Tsanel/Daluyan – daan upang maipahayag ang
mensahe
• Ingay/Sagabal – mga nakapagpapabagal o
nakapagpapalito sa daloy ng komunikasyon
1. Panlabas na Sagabal (Eksternal)
2. Panloob na Sagabal (Internal)
• Fidbak/Tugon – paraan ng pagbibigay ng
pagpapakahulugan ng tagatanggap ng mensahe
sa ipinabatid ng tagahatid.
Uri ng Komunikasyon
• Berbal – pasulat at pasalitang
komunikasyon
• Di-berbal – kilos, galaw at ekspresyon ng
mukha
Anyo ng Komunikasyon
• Pampubliko – ang tagapagsalita ay nakaharap sa
malaking bilang ng tao
• Pangmadla – ang tagapagsalita ay gumagamit ng
midyum/midya para maipahatid ang mensahe sa
mas malaking bilang ng tao
• Interpersonal – pakikipag-usap sa maliit na
grupo ng tao
• Intrapersonal – pakikipag-usap sa sarili
• Computer-mediated o virtual – komunikasyong
nakukuha mula sa kompyuter tulad ng email,
chat, text messages, tweets at iba pa.

You might also like