You are on page 1of 8

MODYUL

Aralin 2
Unang Semestre, AY 2021-2022

I. PAMAGAT NG KURSO : FIL 101/ Komunikasyon sa Akademikong Filipino


II. PAKSANG ARALIN
Paksa Time-Frame
➢ Komunikasyon at Diskurso 5 Oras

III. KAALAMANG MATATAMO


A. Mapagbuti at maiangat ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga Gawain sa loob at labas ng paaralan
B. Magamit ang kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at pagbibigay
halaga sa mga paksang napakinggan o nabasa.
C. Makapagpahayag ng mga kaisipan at pananaw sa pamamaraang wasto, malinaw at
mabisa
D. Magamit ang Wikang Filipino sa pagpapahalaga at pagpapalaganap ng katotohanan, at
kahalagahang pantao, at higit sa lahat, pagmamahal sa kapwa at Poong Maykapal
E. Matutunan ang pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan (interaksyon) sa kapwa mag-aaral
na ginagamit ang mga kasangkapan (tool) ng wika

Kahihinatnan ng Kurso sa Pagkatuto:

1. Maunawaan ang ibat-ibang uri ng komunikasyon at diskurso.


2. Mabigyang halaga ang komunikasyon.
3. Makapaglahad ng sariling kahulugan ng speaking.

KOMUNIKASYON AT DISKURSO

KOMUNIKASYON - Mula sa salitang Latin na “COMMUNIS” na nangunguhulugang “karaniwan”


o “panlahat”.

• Webster - Ang komunikasyon ay: ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa


pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


• Greene at Petty – Isang intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang
simbolong tunog o anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng
katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.

• Bernales (et al., 2002) – Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa


pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.

• Eugene Hartly- ang komunikasyon ay di lamang kabuuang pahayag ng kaalaman


at damdamin, bagkus panlipunan, pangunahing pangangailangan ito sa pagunlad
ng indibidwal, sa pag patuloy ng pagbuo at pananatiling isang pangkat o lipi sa
isang tiyak na lugar o lipunan.
Upang maging epektib na komyunikator, kailangang idebelop natin ang kasanayang reseptib at
ekspresib. Pag-iisip Pagmamasid Pagdanas Pakikinig Pagsasalita Pagbasa Pagsulat Mga
Kasanayang Reseptib Mga kasanayang Ekspresib
Ang komunikasyon ay maaring magamit para sa mabuti o masamang layon. Kapag tinatangka sa
komunikasyon ang tuklasin ang katotohanan, pagyayamanin at igloripay ang mga aspetong
nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng tao, ang komunikasyon ay mabuti.

Mga Simbolong Ginagamit sa Paghahatid ng Mensahe


• Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin, paano
isasaayos, anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap.
• Decoding – ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya,
paano niya tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.

ELEMENTO NG KOMUNIKASYON

Ang mga elemento ng komunikasyon ay ang lahat ng mga salik na pumapasok sa proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng isang mensahe. Ang bawat elemento ay nagbibigay ng isang
halaga na, depende sa kalagayan, ay tumutulong upang mapagbuti o mag-isip ng
komunikasyon.

Tagapagsalita

Ang nagbigay ay ang panimulang punto ng isang proseso ng komunikasyon. Siya ang nag-isyu ng
mensahe.

Ang isang halimbawa ng isang nagpadala ay ang taong gumawa ng isang tawag sa telepono
upang magsimula ng isang pag-uusap sa isa pa.
Tingnan din ang Tagapagsalita.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


Tagatanggap

Ang tatanggap ay ang tumatanggap ng mensahe. Maaari kang makatanggap ng mensahe at


hindi tumugon, ngunit kung gagawin mo, itigil ang pagiging isang tatanggap upang maging isang
nagpadala.

Ang isang halimbawa ng isang tatanggap ay ang tumatanggap ng tawag at nakikinig sa mensahe
ng nagpadala.

Code o wika
Ang code o wika ay ang hanay ng mga palatandaan na magagamit upang makapagpadala ng
isang mensahe. Ang code ay maaaring maipadala nang pasalita o hindi pasalita.

Ang isang halimbawa ng code ay ang wikang Espanyol na ginagamit ng dalawang tao upang
makipag-usap.

Mensahe
Ang mensahe ay ang nilalaman na nais mong ihatid mula sa nagpadala sa tatanggap. Ang
mensahe ay binubuo ng isang kombinasyon ng sistema ng mga palatandaan o simbolo na
nagpapadala ng isang konsepto, ideya o impormasyon na pamilyar sa kapwa ng nagpadala at
tagatanggap.

Ang isang halimbawa ng isang mensahe ay ang dahilan kung bakit tumatawag ang nagpadala
(upang magbigay ng isang balita, gumawa ng isang paanyaya, isang paghahabol, atbp.).

Tsanel
Ang channel ng komunikasyon ay ang pisikal na daluyan kung saan ipinapadala ang mensahe
mula sa nagpadala sa tumanggap. Ang hangin ay ang pinaka-karaniwang pisikal na paraan ng
komunikasyon, ngunit ganoon din ang telepono, cell phone, email, boses, bukod sa iba pa.

Ang isang halimbawa ng isang channel ng komunikasyon ay ang mga telepono ng nagpadala at
tumanggap, na nagpapahintulot sa komunikasyon sa pagitan ng dalawa.

Ingay
Ang ingay ay anumang senyas na nakakagulo sa orihinal na mensahe na nais ipadala ng
nagpadala. Ang ingay ay maaaring maging ambient, channel, emitter, message o receiver na
ingay.

Mahalagang malaman kung paano makilala kung saan nagmumula ang ingay upang mabawasan
o maalis ito upang lumikha ng isang malinaw at epektibong proseso ng komunikasyon.

Ang isang halimbawa ng ingay ay maaaring ang nagpadala ay gumagamit ng mga salitang Ingles
o parirala, at hindi alam ng tatanggap ang wika. Lumilikha ito ng isang pagbaluktot sa pag-
uusap.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


Feedback
Ang feedback ay isang mekanismo ng pagkontrol ng mensahe ng nagbigay.

Dahil ang komunikasyon ay pabilog at pareho ang nagpadala at tumatanggap ay patuloy na


nagbabago ng mga tungkulin, tinutukoy ng puna ang pagiging epektibo ng mga mensahe na
ipinadala ng nagpadala, kung sino ang maaaring suriin kung ang mensahe ay natanggap at
binibigyang maayos.

Ang isang halimbawa ng puna ay isang katanungan at pagpapalit ng sagot sa pagitan ng


nagpadala at tumanggap. Habang patuloy na nagbabago ang kanilang mga tungkulin sa buong
proseso ng komunikasyon, mayroong feedback.

Konteksto

Ito ang sitwasyon kung saan nabuo ang proseso ng komunikasyon. Kasama dito ang mga
emosyonal, sosyal, mga kadahilanan na nararapat, atbp. at maaaring magkaroon ng
impluwensya sa pagpapalitan ng mga ideya.

Ang isang halimbawa ng konteksto ay maaaring sinusubukan na magkaroon ng pag-uusap sa


telepono sa isang partido. Sa kasong ito, ang konteksto (ang partido) ay maaaring, sa turn, ay
isang pagbaluktot o kadahilanan sa ingay sa komunikasyon kung pinipigilan ang proseso na
maisagawa nang epektibo.

ANG KOMUNIKASYON AY ISANG PROSESO.


1. ANG PROSESO NG KOMUNIKASYON AY DINAMIKO.Nagbabago ang komunikasyon dahil
sa impluwensya ng lugar, oras, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso. Ito ay
dahil sa: persepsyon ng isa sa kanyang sarili, sa kausap, Iniisip niyang persepsyon ng
kanyang kausap sa kanya at ang tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya.
2. ANG KOMUNIKASYON AY KOMPLIKADO.
3. MENSAHE, HINDI KAHULUGAN, ANG NAIPADADALA AT NATATANGGAP SA
KOMUNIKASYON. Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.
4. HINDI TAYO MAAARING UMIWAS SA KOMUNIKASYON. Hindi man tayo magsalita, sa
ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo
ng mensahe
5. LAGING MAY DALAWANG URI NG MENSAHE SA PROSESO NG KOMUNIKASYON

• Relasyunal – di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.


• Panlinggwistika – pasalita, gamit ang wika.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


URI NG KOMUNIKASYON
1. KOMUNIKASYONG BERBAL
Ang Komunikasyong Berbal ay anyo ng paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga
salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagat-bagay. Nakapaloob dito ang pagsulat,
pagbasa, pagsasalita, at pakikinig.
Simbolisasyon – isang proseso ng pagtutumbas ng ideya, pangyayari, lugar, o bagay. Ito ay
maaaring sa pamamagitan ng berbal na simbolo, di-berbal na simbolo o sa magkasabay o
kumbinasyunal na ppaggamit ng dalawa.

2. KOMUNIKASYONG DI - BERBAL
Ang Komunikasyong Di-Berbal ay naipapakita sa pamamagitan ng galaw ng katawan, pagtingin,
tikas o tindig, ekspresyon ng mukha at paralanguage (pitch, volyum, bilis at kalidad ng tinig).

MAHALAGA ANG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL DAHIL:


1. Oras (Chronemics) – ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay maaaring kaakibatan ng
mensahe.
2. Espasyo (proxemics) – maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng
ating sarili at ng ibang tao. Intimate, personal, social o public Espasyo sa pakikipag-usap, fisikala
na kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang lugar.
3. Katawan (kinesics) – kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos,
kumpas ng kamay.
IBA’T IBANG ANYO NG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL:
4. Pandama (haptics) – paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe; Hawak, pindot,
hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo.
5. Simbulo (Iconics) – mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp.
6. Kulay (Chromatics) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
7. Paralanguage – paraan ng pagbigkas sa isang salita.
8. Bagay (objectics) – paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon.

Ang Pasalita at Pasulat na Diskurso


Sa pag-aaral at paggamit ng wika may dalawang mahalagang bagay na dapat
maunawaan sa pagpapahayag o diskurso – ang pasalita at pasulat.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


Isinasaalang-alang sa dalawang diskursong nabanggit ang kakayahang linggwistika
(linguistic competence). Ito ang kakayahang makabuo ng pangungusap o pahayag na may
wastong kayariang panggramatika. (Mga tuntunin ng wika at kayariang pangwika na alam ng
tagapagsalita ang wikang kanyang ginagamit). Ang kakayahang komunikatibo (communicative
competence) – kakayahang umunawa at magamit ang mga pangungusap na may wastong
kayariang panggramatika na angkop sa panlipunang kapaligiran o sa pisikal na envayronment o
setting ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Ang mga nabanggit ay hindi lamang dapat naaayon sa
kaalamang magamit ang pangungusap na may wastong gramatika kundi may kakayahang
ipakita at gamitin ang alinmanggawi ng pakikipag-usap (speech behavior or speech acts) na
angkop at naaayon sa hinihingi ng sitwasyon.

MGA KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON:


Ayon kay Dell Hymes (Bernales, et al., 2002), kailangang isaalang-alang ang ilang konsiderasyon
upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na SPEAKING.
S -etting (saan nag-uusap?) ay maaaring mapagkamalang-bastos o walang
pinag- aralan. – ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon.
Kung hindi ito isaalang-alang
P -articipants (Sino ang kausap?) – pabagu-bago ang paraan n gating pakikipag-
usap depende sa kung sino ang kinakausap. Binibigyang pansin ang edad,
kasarian, katungkulan, propesyon atbp.
E -nds (Ano ang layunin sa pag-uusap?) – ibagay ang pananalita sa layunin gaya
ng pagiging malumanay, may awtoridad, seryoso, masaya atbp.
A -ct Sequence (Paano ang takbo ng Pag-uusap?) – ang komunikasyon ay
dinamiko, samakatuwid ang isang usapan ay nagbabago. Kasama ditto ang
pagbabago ng paksa at paraan ng pag-uusap.
K -eys (Formal ba o informal ang usapan?) – pagpili ng salitang gagamitin na
babagay sa formalidad ng okasyon.
I -nstrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?) –tsanel o daluyan ng
komunikasyon. Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang mensahe.
N -orms (Ano ang paksa ng usapan?) – Mahalagang maisaalang-alang ang paksa
ng usapan.
G -enre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo o nagmamatwid? Naglalarawan? O
nagpapaliwanag?). Mahalagang batid ng isang tao kung ano ang genre na

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


ginagamit ng kanyang kausap, nang sa gayo’y malaman din niya kung anong
genre ang kanyang gagamitin

DISKURSO
Ang pagpapabatid ng iniisip at nadarama sa hangarinf maunawaan at unawain ang
kausap na maaaring maisagawa nang pasalita o pasulat ay tinatawag na diskurso.
Ang diskurso ay tumutukoy sa kombersesyunal na interaksyon sa pagitan ng
tagapagsalita at tagapakinig. Ito ay kakayahang maunawaan at makabuo ng sasabihin o isusulat
sa iba’t-ibang genre gaya ng narativ, deskriptiv, expositori, argumentative o persweysiv at iba
pa.
Ito rin ay berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon.
Ang kumbersasyon ay isang klase ng pag-uusap o komunikasyon na kadalasang nauuwi sa
walang saysay na usapan.
• Maaari rin itong isang pormal o sistematikong eksaminsayon ng isang paksa pasalita
man o pasulat.
• Isang halimbawa ng pasulat ay ang disertasyon o “Thesis”

Konteksto ng Diskurso
• Ang kontesksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo, pang-
organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian.
hal.
1. Kontekstong Interpersonal – usapan ng magkaibigan
2. Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral
3. Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa
lahat ng empleyado (o pag nagpopromote)
4. Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante
5. Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN
6. Kontekstong Pangkasarian – usapan ng mag-asawa.

Mga Teorya ng Diskurso: Pahapyaw na Pagtalakay


1. Speech act theory
• nakabatay sa isang premis na ang wika ay isang mode of action
• isang paraan ng pag-convey(pagdala) ng impormasyon
• Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong linggwistik
ay hindi ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o
paglikha ng mga simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang
tinatawag na speech acts.
• May tatlong komponent ang mga aktong linggwistik

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


• Aktong ilokyusyonari o akto ng pagsasabi ng isang bagay. (May
kahulugan)
• Aktong ilukyusyonari o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi
ng bagay. (May pwersa)
• Aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang
nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto. (May
Konsikwens)

Ang Teoryang Pragmatiks


Ang salitang pragma ay galling sa salitang Griyego na ang ibig tukuyin ay aksyon, galaw,
paggalaw, gawa, gawain.

• Ano ba ang aksyong taglay ang ng paggamit ng lenggwahe/


• Bakit ba ang pagbigkas ng mga salita ay laging nagsasangkot ng paggalaw?
• Saan nanggagaling ang relasyong ito ng paggalaw/pagkilos, paggamit ng salita o
pagwiwika?
Samakatuwid, ang pragmatik ay ang relasyon sa pagitan ng wika at ng tao na gumagamit
ng wika. Ito ay pag-aaral kung paano iimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng
paghahatid ng impormasyon ng mga pangungusap, sa madaling salita, ito ay pag-aaral
ng mga aktwal na pagsasalita sa iba’t-ibang konteksto.
Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Cid V. Alcaraz. et. Al.Lori Mar Publishing Company Inc. https://tl.encyclopedia-
titanica.com/elementos-de-la-comunicaci-n

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/

You might also like