You are on page 1of 21

ASIAN INSTITUTE OF MARITIME STUDIES

Pasay City, Philippines

SCHOOL OF MARITIME AFFAIRS


Department of MARINE TRANPORTATION

KOMUNIKASYON AT DISKURSO

Course Code: Fil 1 133/213


Course Title : Komunikasyon sa Akademikong Filipino/
Sining ng Pakikipagtalastasan

Developed by
Prof. Perfecto Tagura Jr.

3
MODULE CODE : <MOD-FIL 213/133– M – 004>
MODULE TITLE : KOMUNIKASYON AT DISKURSO

I. SCOPE
1. Komunikasyon
1. 1 Kahulugan at Etimolohiya
1. 2 Elemento at Proseso
1. 3 Uri
1. 4 Modelo
1. 5 Konsiderasyon
1. 6 Tungkulin
1. 7 Antas
1. 8 Gampanin
2. Diskurso
2.1 Pasulat Pasalitang Diskurso
2.2 Uri ng Diskurso

II. COURSE OUTCOMES

CO NO. 1 :
LO No. 1 : Makapagdisenyo ng isang timeline na ipinakikita ang ebolusyon ng
wikang Filipino.
......
LO No. 2 : Mailahad sa klaseng online ang ebolusyon ng wikang Filipino gamit ang
timeline.

III. OVERVIEW OF THE MODULE

ANG KOMUNIKASYON
Tinatayang naglalaan ng mahigit sa pitumpu’t limang (75) bahagdan ng kanilang oras ang
mga miyembro ng isang organisasyon sa kanilang pakikipag-ugnayang intrapersonal. Hindi
nakapagtataka na matuklasang ang ugat ng malaking bilang ng suliranin ng anumang samahan ay ang
mahinang pakikipagkomunikasyon. Maituturing na mahalagang salik sa ikatatagumpay ng
organisasyon ang isang epektibong komunikasyon, ito man ay uring interpersonal at intrapersonal.
Nakikipag-usap ang mga tao upang maipamahagi o matukoy ang karanasan at kaalaman sa bawat isa.
Hindi matatawaran ang papel na ginagampanan ng komunikasyon tungo sa ikapagtatagumpay ng
isang tao hindi lamang sa pansariling gratipikasyon o kasiyahan, mabisang pakikipag-interaksyon sa
kanyang paligid at gayon din naman sa malayang paglalahad ng kanyang mithiin sa higit na
nakararaming bilang ng tao.
Masasabing nagpapatuloy sa pagbabago at pag-unlad ang mundo dahil sa
komunikasyon. Isipin na lang kung ano ang mangyayari sa daigdig na ito kung walang komunikasyong
magaganap sa mga taong dito’y naninirahan. Maitatayo kaya ang isang gusali? May magaganap
kayang pagbabahaginan at pag-uunawaan ng leksiyon sa loob at labas ng paaralan? Makabubuo kaya
ng anumang proyekto kung walang komunikasyon? Ano kaya ang mangyayari sa daigdig ng politika,
sa industriya, maging sa medisina at sa iba pang larangan ng buhay? Masasabi ba nating may
kaunlarang magaganap sa lahat ng ito kung walang komunikasyon?
Tunay na marami nang nalathalang mga kahulugan ng komunikasyon, marapat bang
maging limitado lamang sa paglalahad at paghahatid ng mensahe ang komunikasyon? Kung susuriin,
3
ang mga salitang paglalahad at paghahatid ay nagpapakita ng isang proseso. Proseso na kung saan
ay may tagahatid at tagatanggap. Makabuluhan ang pag-aaral ng komunikasyon dahil nagagawa
nitong mapag-ugnay-ugnay ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng tao. Sa bahaging ito,
sasaklawin ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa komunikasyon, gayundin ang ilang usapin
hinggil sa pagtatamo ng isang matagumpay na pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon.

Kahulugan ng Komunikasyon
Ang salitang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communis”. Ibig sabihin
lamang nito ay saklaw ang lahat ng mga bumubuo sa lipunan. Kung kukunin ang kahulugan ng lipunan,
ayon kay Isabel Panopio at Realidad Rolda (1992), ang lipunan ay binubuo ng mga tao at grupong may
gantihang kilos at nakikibahagi sa isang panlahat na kultura. Ang komunikasyon ay pagpapalitang
tugon sa pagitan ng iba’t ibang lahi ng tao sa bawat bahagi ng mundo. Ibinabahagi ng bawat tao ang
kanyang saloobin sa kanyang kapwa upang malaman nito ang ipinababatid na mensahe at hahantong
ito sa gantihang kilos na magdudulot ng palitang-tugon ng mensahe sa bawat isa.
Sa diksyonaryo ni Webster, ang salitang komunikasyon ay isang akto ng pagpapalitan ng
ideya, impormasyon at iba pa. Ito ay isang proseso na nagbibigay-laya sa mga tao na magpalitan ng
impormasyon sa pamamagitan ng ilang pamamaraan. Pangangailangan sa prosesong ito ang
magkabilang panig na pagkakaunawaan sa pamamagitan ng isang kodang ginagamit.
Masasabi ring ito’y isang proseso kung saan nagtatalaga at naglalaan ng kahulugan sa
mga simbolo ang mga sangkot upang lumikha ng pagkakaunawaan. Ang prosesong ito ay
nangangailangan ng iba’t ibang kakayahang intrapersonal at intrepersonal sa pagpoproseso, pakikinig,
pagmamasid, pagsasalita, pagtatanong, pag-aanalisa at pagsusuri. Sa pamamagitan ng prosesong ito,
napapaunlad at nailalapat sa lahat ng sangay ng buhay: tahanan, paaralan, komunidad, at
hanapbuhay. Ang komunikasyon ay isang prosesong tuloy-tuloy at nagbabago. Ito’y makabuluhang
proseso ng interaksyon ng mga nabubuhay dahil napagtatagumpayan ang anumang mga suliranin na
nangangailangan ng solusyon. Bahagi ng komunikasyon ang mga makrong kasanayan. Ito ay ang
pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat, pati na panonood. Sa pamamagitan nito nangyayari ang
pagpapalitan ng mga ideya, damdamin at impormasyon kaya’t may pagsulat, pagsasalita gamit ang
senyas, simbolo at iba pa.

Elemento at Proseso ng Komunikasyon


Bagaman na lahat tayo ay nakikipagkomunikasyon sa iba, ang proseso ng paghahatid ng mga
impormasyon mula sa indibidwal (o pangkat) sa ibang tao ay isang masalimuot na proseso na
posibleng pagmumulan ng kamalian. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mahahalagang
elemento ng komunikasyon, higit sa lahat paano ito gumagalaw sa proseso.

tagahatid mensahe TSANEL mensahe tagatanggap

balik-tugon

Elementoat proseso ng komunikasyon

Ang ilustrasyong makikita sa itaas ay larawan ng karaniwang daloy ng proseso ng komunikasyon.


Makikitang nagtataglay ito ng limang elemento, ang tagahatid, mensahe, pamamaraan o tsanel,
tagatanggap at balik-tugon o feedback.
1. Tagahatid. Nagsisimula ang proseso ng komunikasyon sa kung ano ang nais na ipahatid na
mensahe ng tagahatid. Sumasailalim siya sa isang malalim na pag-aanalisa ng bawat detalye
ng isang partikular na paksa. Nagaganap ang pag-aanalisa sa kaisipan ng tagahatid.
Sa proseso ng komunikasyon, ang tagahatid ang itinuturing na ulo o simula. Ang kahusayang
pangkomunikasyon, kaasalan at pagpapahalaga, kaalaman, kalagayang panlipunan at kultura ay mga
salik na dapat isaalang-alang ng tagahatid. Ang kahusayang pangkomunikasyon ng tagahatid ay
nakabatay sa taglay niyang kasanayang pangwika. Lima ang mga kasanayang ito at nararapat na
3
taglay niya itong lahat. Dalawa sa limang kasanayan ay nauukol sa kahusayan niya sa pagpapadala ng
mensahe, ang pagsasalita at pagsusulat; dalawa rin ang nauukol sa kahusayan niya sa pagtanggap ng
mensahe, ang pakikinig at pagbabasa; at isa ang nauukol sa kahusayan niya sa pag-unawa ng
mensaheng ipadadala at/o matatanggap. Bahagi rin ng kahusayang pangkomunikasyon ng tagahatid
ang pagiging bihasa niya sa paggamit ng di-berbal na komunikasyon. Nakadaragdag ito sa kalinawan
at katiyakan ng mensahe.
Kailangang taglay rin ng tagahatid ang kaasalan at pagpapahalaga. Malaki ang epekto ng
salik na ito sa lalamanin ng mensahe. Karaniwan nang ibinabatay ng tagahatid ang kanyang mensahe
sa kung ano ang kanyang pinapahalagahan. Nakaaapekto rin ang kaasalan at pagpapahalaga ng
tagahatid sa pamamaraan ng pagpapadala o pagtanggap ng mensahe.

2. Mensahe. Ang elementong ito ng komunikasyon ay naglalaman ng damdamin, opinyon at


kaisipan ng tagahatid. Karaniwang nakabatay ito sa kaalaman at paniniwala ng tagahatid. Ang
kaalaman ay nakatuon sa pisikal na larawan ng mensahe – balarila, salitang ginamit, at
kaayusan ng pangungusap o talata, samantalang ang paniniwala ay nakatuon sa kahulugan ng
mensahe – empasis, at damdamin.
Ang mensahe ay hindi lamang ipinahahatid bilang impormasyon, bagkus ang emosyon ang
nagbibigay ng kahulugan sa mga salita. Ang mga salita ay hindi makabubuo ng sarili nitong kahulugan.
Ang komunikasyong di pasalita ay maaaring magbigay ng mga kahulugan na maaaring magamit ng
tagatanggap upang bigyang-kahulugan ang isang pasalitang mensahe.

3. Tsanel. May dalawang anyo ng tsanel ang komunikasyon, ang pandama (sensory channel) at
ang
institusyonal (institutionalized channel). Sa pandama, sangkot ang paningin, pandinig, pang-
amoy, panlasa at pakiramdam. Sa institusyonal, sangkot ang tuwirang pakikipag-usap, sulat at
kagamitang elektroniko. Hindi magiging makabuluhan ang paggamit ng tsanel na institusyonal
kung hindi gagamit ng pandama. Sinasabing ang tuwirang pakikipag-usap ang pinakamainam
gamitin kung ang layunin ay agad makatawag-pansin at makakuha ng tugon.
Sa pamamagitan ng tinatawag na tsanel dadaloy ang mensaheng nabuo mula sa
pagpoproseso ng tagahatid. Ito ang itinuturing na behikulo na nagdadala ng mensahe mula sa
tagahatid patungo sa tagatanggap pabalik muli sa tagahatid. Ang tsanel ay maaaring maapektuhan ng
ilang pinagmumulan ng ingay sa kapaligiran. Isang halimbawa nito ay ang pakikipag-usap sa telepono
na kung saan, ilang mga panlabas na ingay ang naririnig habang nagaganap ang
pakikipagkomunikasyon. Malaki ang nagiging epekto ng ingay sa ikapagtatagumpay ng komunikasyon.

4. Tagatanggap. Ang tagatanggap ay ang elemento sa proseso ng komunikasyon na nagbibigay-


kahulugan sa mensahe. Siya ang salaan ng mensahe sa proseso ng komunikasyon. Tumutugon siya
sa mensahe batay sa kung paano niya naunawaan ito. Nararapat na taglay rin ng tagatanggap ang
mga salik na dapat isaalang-alang sa tagahatid upang magkaroon ng ganap na unawaan sa
pakikipagtalastasan.
May tatlong antas ang pagtanggap. Ang una ay ang pagkilala sa mensahe. Kinikilala ng tagatanggap
ang mga titik, salita, pangungusap o talata sa mensaheng kanyang natanggap. Ang ikalawa`y kabisaan
ng mensahe. Ipinapalagay ng tagatanggap na tama ang mensaheng natanggap at ito ay may mabuting
epekto sa kanya. At ang ikatlo, pagkilos ukol sa mensaheng natanggap. Tumutugon ang tagatanggap
sa mensahe batay sa naunang dalawang antas. Nakasalalay sa matamang pakikinig ng tagatanggap
ang ikapagtatagumpay ng proseso. Maituturing na ganap lamang ang komunikasyon kapag ang
tagatanggap ay nagawang maunawaan ang mensahe. Nagkakaroon din ng panloob na pagpoproseso
ang tagatanggap sa panahong natanggap na nito ang mensahe para sa layunin ng pagtugon nito o ang
tinatawag na balik-tugon o feedback.

5. Balik-tugon. Hindi matagumpay ang proseso ng komunikasyon kung hindi tutugon ang tagatanggap
sapagkat ang balik-tugon o feedback ng tagatanggap ang magiging batayan ng susunod na siklo ng
komunikasyon. Gayundin, ito ang sukatan ng kabisaan ng tagahatid. Bagamat ang karaniwan ay

3
tumutugon gamit ang berbal na komunikasyon, maaari ring tumugon gamit ang di-berbal na
komunikasyon.
Ang balik-tugon ang tumitiyak na ang mensahe ay natanggap at naunawaan. Nagagawa nitong
kumpletuhin ang proseso ng komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapatunay na hindi nabago ang
kahulugan ng mensaheng ipinadala at natanggap.

Mga Uri ng Komunikasyon


Ang proseso ng komunikasyon ay isang mahalagang salik sa pakikipag-ugnayan at
pakikipagkapwa. Binibigyan nito ng tuon ang pagpapalitan ng mahahalagang ideya, pilosopiya at
persepsyon ng iba’t ibang mga tao na nagpapakilos sa lipunan. Sa layunin ng komunikasyon na pag-
isahin at isangkot ang lahat ng nagnanais na makipagtalastasan at makipagpalitan ng kaalaman gamit
ang kani-kanilang idealismo, isinaalang-alang dito ang iba’t ibang uri ng pakikipagkomunikasyon.
Sa pangakalahatan, mauuri ang komunikasyon sa dalawa: berbal (verbal communication) at di-berbal
(non-verbal communication).

1. Komunikasyong Berbal. Uri ng komunikasyong nangangailangan ng paggamit ng wika


pasalita man o pasulat. Karaniwang gamitin ang ganitong uri ng pakikipagkomunikasyon sa
lipunan. Sa pamamagitan ng wika, nasasabi ng tao ang kanyang mga nararanasan tulad ng
kagalakan, kalungkutan, paghihinagpis at anumang damdamin na mayroon ang tao.

2. Komunikasyong Di-Berbal. Uri ng komunikasyong naghahatid at tumatanggap ng mga


mensaheng walang tinataglay na salita. Ang mga mensaheng ito ay maaaring maipadala sa
pamamagitan ng kilos o galaw, tindig, ekspresyon ng mukha at galaw ng mga mata. Tinawag
na Kinesics ni Ray L. Birdwhistell (1970) ang pag-aaral ng kilos ng katawan. May hatid na
mensahe kahit ang simpleng pagtaas ng kilay, ang banayad na kumpas at pagkilos ng katawan.
Nahahati sa tatlong uri ang komunikasyong di-berbal. Ito ay ang mga sumusunod:

A. Wikang Pasenyas. Kumpas na senyas o simbolo na pamalit sa salita na kumakatawan sa


bilang o numero at anumang mga bantas.
Halimbawa:
* Paggamit ng hinlalaki na itinataas o ibinababa na nagpapahiwatig ng pagsang-ayon o di
pagsang-ayon.
• Paggamit ng pula, berde at dilaw na simbolo sa batas na trapiko. Ang pula ay stop o paghinto,
ang berde ay go o pagpapatuloy sa paglalakad o pag-andar ng sasakyan at dilaw bilang
babala.
• Ang iba’t ibang bantas na madalas ginagamit sa anumang diskursong pasulat. Ang tandang
pananong (?) na nangangahulugang nagtatanong. Ang tuldok (.) ay nagpapahiwatig ng
paghinto sa pagbabasa.

B. Wikang Paaksyon. Ito ay pagkilos at ekspresyon ng katawan maging ng mukha, na mayroong


kahulugan. Mahihinuha ang tao kung siya ay galit, natutuwa, natatakot, nagwawalang bahala,
napopoot, nanggigigil, pagpipigil at iba pa. Narito ang ilang ekspresyon ng mukha at kilos ng
katawan at kung anong kahulugan nito:
Halimbawa:
* nakakunot ang noo – galit, poot, pagtataka
• kilay na nagsasalubong – galit, poot
• masayang mukha – tuwa
• nanlalaking mga mata – nagulat, natatakot
• nakairap ang mata – galit
• nanliliit na mata – poot
• nakataas na kilay – pagwawalang-bahala

3
• pagkuyom ng palad – pagpipigil, galit
• pangunguyakoy – pagkainip

C. Wikang Ginagamitan ng Bagay. Ito ay paggamit ng mga materyal na bagay upang maglahad ng
mensahe sa tao o malaman ang ipinahihiwatig na simbolo ng mga bagay.

Halimbawa:
• Tsapa na pag-aari ng pulis na madalas ipinapakita nito sa tao – nangangahulugan lamang na
siya’y alagad ng batas.
• Paggamit ng puting bandila sa isang digmaan – nangangahulugan ng pagsuko sa isang laban.
• Kapag nakikita ang larawan o imahe ng isang babaeng nakapiring ang mata at may hawak na
timbangan – pagkakapantay-pantay naman ng tao sa lipunan ang ipinapahiwatig nito.

Modelo ng Komunikasyon
Mula noong unang panahon at hindi pa nakikilala ng tao ang wika nagaganap na ang
komunikasyon. Hindi man tiyakan pang natutukoy ang kahalagahan nito nakikita na may malaki na
itong impak sa naging kalagayan ng pamumuhay ng lahat. Nabuhay ang bawat isa noon batay na rin
sa kanilang pag-iinteraksyon at pagpapalitan ng tunog na nagbubunsod upang sila ay magkaunawaan
sa mga bagay-bagay at usapin na naging salalayan ng kanilang patuloy na pag-unlad sa larangan ng
pamumuhay.
Ang pinakabasikong daloy ng komunikasyon ay kinasasangkutan ng tagahatid ng mensahe, ang
mesaheng kanyang ipadadala, susundan ng tagatanggap na lilikha ng magiging balik-tugon o
feebback. Maging sa kasalukuyan, malalim at malawak na rin ang kabatiran ng lahat sa kahalagahan
ng komunikasyon. Subalit higit na mapauunlad ang prosesong ito kung may malawak na kabatiran ang
mga tao sa iba’t ibang modelo ng pakikipagtalastasan na magiging daan upang lalong higit na maging
malinaw ang isasagawang pakikipagtalastasan.
Bunga ng pangangailangang ito, kinonsepto ang iba’t ibang modelo na higit na nagpapakita
at nagpapaliwanag ng nagbabago at lumalawak na proseso ng komunikasyon upang maunawaan ang
mga gampanin ng mga elementong sangkot sa kabuuan ng proseso. Si Aristotle ang pinakaunang
naglatag ng karaniwang modelo ng komunikasyon na kung saan ang tagapagsalita ay naghahatid ng
mensahe sa tagatanggap. Ang mensaheng inihatid ang dahilan upang tumugon o magbigay ng
reaksyon ang tagatanggap. Isa sa modelong unang nakilala ay ang modelong kinonsepto ni Claude E.
Shannon at Warren Weaver na ipinakilala noong taong 1949. Ang modelo ni Shannon at Weaver ang
naging daan ng iba pang mga nadelop na modelo ng komunikasyon sa kasalukuyan at naging
malaking tulong upang mapaunlad ang proseso ng komunikasyon sa iba’t ibang sangay panlipunan.
Ang modelo ni Shannon at Weaver ang ugat ng lahat ng modelo sa kasaysayan.

SENDER SOURCE SOURCE RECEIVER

pinakagamiting modelo na naging NOISE


tanyag at ugat ng lahat sa
kasaysayan
MODELO NINA CLAUDE SHANNON AT WARREN WEAVER

Sa modelo ni Shannon at Weaver ang hanguan ng mensahe ay tipikal na tumutukoy sa tao


na gumagamit ng daluyan upang maipadala ang mensahe. Ang daluyan ay anumang kagamitan sa
kasalukuyan mula telepono hanggang sa makabagong kompyuter at iba pang mga kagamitang
elektroniko. Ang signal na naipadadala at natatanggap ay maaaring ibatay sa uri ng pamamaraan kung
paano ipinadala ang mensahe.

3
Ang nasa ilalim na kahon na binigyang marka bilang ingay (noise) ay tumutukoy sa anumang signal na
maaaring makasagabal sa panahong ipinadadala ang mensahe. Gayundin, nakabatay itong muli sa uri
ng pamamaraan ng pagpapadala ng mensahe.
At ang huling bahagi ng modelo ay ang tagatanggap ng mensahe na binuo ng unang tao sa
proseso. Ang modelong ito ang pinakapayak upang maunawaan kung paano nagaganap ang proseso
ng komunikasyon. Ikalawa sa halimbawang modelo ng proseso ng pakikipagtalastasan ay ang modelo
ni David K. Berlo noong 1960. Sa modelo ni Berlo binigyang-diin ang mahalagang ugnayan sa pagitan
ng taong nagpapadala ng mensahe at tagatanggap ng mensahe. Batay sa nilalaman ng modelo, upang
ang mensahe ay maayos na maipadala (encode) at matanggap (decode) kinakailangan ang mataas na
kasanayan ng nagpapadala at tumatanggap ng mensahe. Tumataas ang antas ng komunikasyong
nagaganap kung husto ang kasanayan na tinataglay ng mga sangkot dito. Ang modelo ni Berlo ay
binubuo ng apat na pangunahing sangkap na nagtataglay ng kanya-kanyang kasangay na sangkap na
naglalarawan ng kani-kanilang halaga sa bawat isa.

SOURCE SOURCE

SOURCE MESSAGE CHANNEL SOURCE

COMMUNICATION CONTENT HEARING COMMUNICATION


SKILLS SKILLS
ELEMENTS SEEING
ATTITUDES ATTITUDES
TREATMENT TOUCHING KNOWLEDGE
KNOWLEDGE
STRUCTURE
SOCIAL SYSTEM SMELLING SOCIAL SYSTEM
CODE
CULTURE TASTING CULTURE

Modelo ni Berlo

Ang ikatlong halimbawang modelo ng komunikasyon ay ang modelo ni Wilbur Schramm. Nang ipakilala
noong 1954 ang modelo, ipinalalagay na ang tagahatid at tagatanggap ay gumaganap ng
magkaparehong estado bilang enkowder at dekowder sa loob ng proseso ng komunikasyon.

MESSAGE

ENCODER ENCODER

INTERPRET INTERFERENCE INTERPRET


ER ER

DECODER DECODER

MESSAGE

3
Ang isa sa mahalagang binigyang-tuon sa proseso ng komunikasyon bilang karagdagan ay
ang gampanin ng sosyolohikal na pananaw na pumapaloob sa proseso na binigyang paliwanag ng
mag-asawang sina John W. Riley Jr. at Matilda White Riley na mga sosyologo. Ipinakilala nila ang
modelong Riley noong 1959 sa larangan ng sosyolohiya.

MESSAGES
PRIMARY
GROUP

PRIMARY
GROUP PRIMARY
C MESSAGES R GROUP
LARGER
LARGER SOCIAL
SOCIAL GROUP
GROUP
MESSAGES

OVERALL SOCIAL SYSTEM

Tinutukoy sa modelong Riley na ang communicator (c) o tagapaghatid ay bahagi ng isang


malaking hanay na nagpapadala ng mensahe na ibinabatay sa inaasahan at mga pagkilos ng iba pang
mga tao o grupo na nabibilang din sa katulad na sosyal na balangkas. Sa kabilang banda, ganito rin
ang ginagampanan ng tagatanggap sa proseso. Karagdagan, ang tagahatid at tagatanggap ay bahagi
ng pangkalahatang sistemang sosyal. Sa loob ng sistemang sosyal na ito, nagiging bahagi sila ng
malaking prosesong sosyal na parehong naaapektuhan ng kanilang sosyal na kinabibilangan. Malinaw
na inilalarawan ng modelo na ang komunikasyon ay isang dalawahang proposisyon.
Ang mahalagang punto lamang ng modelong Riley na ang tao bilang bahagi ng pangunahing
pangkat sosyal ay nagpapadala ng mensahe at tinatanggap ng tagapakinig ang mensahe bilang bahagi
rin ng isang pangunahing pangkat-sosyal.

SPEAKER GATEKEEPE AUDIENCE


R
Modelong Intermediary

Ang huling halimbawang maaaring mailahad bilang modelo ng proseso ng komunikasyon ay ang
Modelong Intermediary. Kilala rin ang Modelong Intermediary bilang Modelong Gatekeeper o Two-step
Flow ni Elihu Katz noong 1957. Lumalapat ang Modelong Intermediary sa kalagayan ng
komunikasyong pangmadla (mass media). Sa modelong ito higit na binibigyang pokus ang
ginagampanan ng gatekeeper na hindi karaniwang nakikita sa ibang modelo at/o proseso ng
komunikasyon. Maituturing na mahalaga ang gampanin ng tagapag-ugnay sa magiging kalagayan ng
pagpapasya ng magiging destinasyon ng mensaheng ipadadala batay na rin sa uri ng pamamaraang
gagamitin ng tagapag-ugnay. May kapangyarihan ding hadlangan ng tagapag-ugnay ang mensahe
upang hindi ito makarating sa destinasyon. Magandang halimbawa ng ganitong uri ng modelo ay ang
paraan ng pagbabalita ng kasalukuyang palabas pantelebisyon.

3
Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

Maaaring mapatotohanan na walang pagkakataon sa loob ng isang lipunan na hindi


nagaganap ang komunikasyon. Marahil ang pahayag na nauna ay lubhang napakagulo para sa
kaisipan subalit ito’y walang anumang kabalintunaan. Tunay na sa bawat pitik ng kamay ng segundo
ng orasan at habang nagkakaroon ng pagtatalastasan, may komunikasyon. Tanong ng ilan, may
nagaganap bang komunikasyon sa pagkakataong ang taong iyong tinanong ay hindi makatutugon sa
iyong katanungan? Marahil sa kontekstuwal na aspekto ay hindi naisakatuparan ang mabisang
pakikipagtalastasan dahil hindi nito nabigyang katugunan ang partikular na katanungan, subalit nang
ang mensahe ay naihatid subalit sa pagitan nito ay may naging sagabal sa daloy ng komunikasyon na
naging dahilan ng di pagkakaunawaan o pagbibigay ng di malinaw na tugon, masasabing naganap ang
proseso. Masasabing may komunikasyong naganap bagamat lihis sa inaasahan ang naging tugon.
Sa ganitong kalagayan iminungkahi ni Dell Hymes (1974) isang sosyo-lingguwista at
antropologo ang mga dapat bigyang pagpapahalaga sa pagtatamo ng isang mabisang komunikasyon.
Binigyang-paliwanag ito ni Hymes sa pamamagitan ng paggamit ng akronim na SPEAKING.

S – Setting. Pangunahin sa mga dapat bigyan ng konsiderasyon ang ganapan o lunan kung saan
nagaganap ang pakikipagtalastasan. Nagiging daan ang ganapan sa isang maayos at malinaw na
pagpapalitan ng kaisipan ng bawat sangkot sa talastasan. Ang pakikiangkop sa lugar ay magiging
salalayan din ng bawat isang sangkot sa proseso upang gumamit ng uri ng wika at pamamaraan sa
matagumpay na komunikasyon.
P – Participants. Matapos bigyang konsiderasyon ang lunan, sino naman ang sangkot sa
pakikipagtalastasan? Ang mga taong magkakausap at nagpapalitang-kuro batay sa kasarian, edad at
katangiang taglay ng nag-uusap, binigyang-diin din ni Hymes. Anumang usapan ay magiging malinaw
kung angkop ito sa mga nag-uusap.
E – Ends. Ano ang layunin o tunguhin ng pakikipagtalastasan? Anumang pag-uusap ay pilit na
iniaayon sa paksa na nais pag-usapan.
A – Act of Sequence. Binigyang-pagpapahalaga rin ni Hymes na dapat na malinaw sa mga kasangkot
sa proseso ang pagkakasunod kung paano dapat na maganap ang talastasan. Dapat na maibatay ito
sa pinakalayunin ng pakikipagtalastasan.
K – Keys. Maisasakatuparan ang layunin at/o hangarin ng talastasan kung bibigyang-konsiderasyon
ang angkop na tono at gawi (manner) ng pagpapahayag ng saloobin ng bawat isang kasangkot. Ang
pormalidad o impormalidad ng usapan ang pangunahing tuon nito.
I – Instrumentalities. Ano ang magiging daluyan o midyum ng proseso? Isaalang-alang kung sa
tradisyonal na pamamaraan o sa paggamit ba ng elektronikong kagamitan ipahahayag ang kaisipan
upang maisakatuparan ang layunin.
N – Norms. Binibigyang-diin dito ang mga paniniwala o tradisyon sa pakikipagtalastasan ng isang
pangkat o kultura. Gayundin, ang mga tuntunin sa pakikipag-usap upang maging makabuluhan sa mga
sangkot ng talastasan ang ginagawang pakikipagtalastasan.
G – Genre. Panghuli sa bibigyang-tuon ay ang uri ng pagpapahayag na gagamitin. Anong
pagpapahayag ang magsasakatuparan sa layunin ng talastasan. Dapat na batid ng sangkot sa proseso
kung kailan dapat makipagtalo o mangatwiran. Ang pangangailangan upang maglahad o magsalaysay
upang mailarawan ang nais na bigyang talakay.
May pitong C na maaaring ikonsidera para sa isang epektibong komunikasyon. Ang kabatiran sa mga
konsiderasyong ito ay magbubunsod upang maging isang mabisang bahagi ng proseso ng
komunikasyon.
1. Completeness (Pagiging Kumpleto). Ang isang magaganap na proseso ng komunikasyon ay
nararapat na kumpleto. Kumpleto sa puntong kinakailangang naglalaman ito ng lahat ng katotohanang
inaasahan ng mga tagapakinig. Mahalagang mabigyang konsiderasyon din ng tagapaghatid (sender)
ang kalagayang pangkaisipan (mind set) ng tagatanggap at ito ang magiging salalayan niya sa
paghahatid ng mensahe.
2. Conciseness (Kasapatan). Ito ay nangangahulugang sa pakikipagtalas-tasan ay dapat lamang na
gumamit ng sapat na salita at hindi kailangan ang mga palabok at mabubulaklak na pahayag na
3
maaaring makasagabal. Ang isang komunikasyong nakatuon sa kasapatan ay: • Nakatitipid ng oras;
Nakapagtutuon agad ang tagapakinig sa pangunahing nilalaman ng mensahe;
• Nakapaglalaan lamang ito ng maikli at esensyal na mensahe sa limitadong salita sa mga
tagapakinig;
• Higit na may malakas ang dating at komprehensibo para sa mga tagapakinig at;
• Hindi nangangailangan ng pagpapaulit-ulit.

3. Consideration (May Isinasaalang-alang). Ang pagsasalang-alang ay pagtugon sa kasabihang


“stepping into the shoes of others”. Sa pakikipagkomunikasyon mahalagang binibigyang pagsasaalang-
alang ang tagapakinig sa kanilang punto de bista, kaligiran, kalagayang pampag-iisip, edukasyon,
antas ng pamumuhay at iba pa. Kilatisin ang mga tagapakinig sa kanilang mga pangagailangan,
nararamdaman, gayundin ang kani-kanilang suliranin. Kinakailangang napananatili sa mga tagapakinig
ang kanilang respeto sa sarili at hindi nasasaktan ang kanilang mga emosyon. Maaaring baguhin ang
salita sa iyong mensahe na aangkop sa pangangailangan ng iyong tagapakinig gayong napananatili pa
rin ang kasapatan ng mensahe. Naglalaman ang isang komunikasyong may pagsasaalang-alang ng
mga sumusunod:
• Nakatuon sa dulog na “ikaw”(you approach);
• Nangingibabaw ang interes para sa mga tagapakinig na nagiging dahilan upang makakuha ng
positibong tugon sa mga tagapakinig;
• Nagpapakita ng pagiging optomistiko para sa mga tagapakinig. Nakatuon sa kung “ano ang
posible?”
sa halip na kung “ano ang imposible?”

4. Clarity (Kalinawan). Ang kalinawan ay pagbibigay-tuon sa pagpapadala ng tiyak na nilalaman


ng mensahe sa isang pagkakataon sa halip na pagpapadala ng mensahe nang higit sa
nararapat sa isang pagkakataon. Hangarin nitong higit na mapabilis at madali ang
pagpapaunawa sa mensahe ng tagapaghatid sa tagatanggap. Sa pagtataglay ng kalinawan ng
mensahe ay nabibigyan ng tuon ang kahulugan ng mensaheng ipadadala. Nakasalalay ang
kalinawan sa paggamit ng mga eksakto, angkop at konkretong mga salita.

5. Concreteness (Pagiging Kongkreto). Ang isang komunikasyong kongkreto ay naglalayong


magpadala ng partikular at malinaw na mensahe at hindi malawak na mensahe. Sa tagahatid
ng mensahe nakatutulong ang paghahatid ng kongkretong mensahe upang madagdagan ang
tiwala sa sarili. Karaniwang ang isang mensaheng kongkreto ay malimit na mabigyan ng maling
interpretasyon bunga na rin ng di kaangkupan ng mga salitang ginagamit dito.

6. Courtesy (Respeto). Ang pakikipagkomunikasyon sa ganitong kalagayan ay nakapagpapakita ng


ekspresyon ng tagahatid at pangingibabaw ng pagbibigay respeto sa tagatanggap. Nararapat na
kakitaan ang tagahatid ng kababaang-loob, kabutihan at may pananabik sa paghahatid ng mensahe.
Sa gayon nararapat na mapahalagahan ang punto de bista gayundin ang nararamdaman ng
tagatanggap ng mensahe. Ang mensahe sa loob ng ganitong proseso ng komunikasyon ay positibo at
nakatuon nang lubos sa tagapakinig.

7. Correctness (Kawastuhan). Ang kawastuhan sa pakikipagkomunikasyon ay pagpapakita ng


walang anumang kamaliang gramatikal sa komunikasyon. Ang mensahe ay eksakto, tama at
nasa tamang pagkakataon. Sa ganitong kalagayan higit na nagkakaroon ng malakas na impak ang
mensahe sa mga tagatanggap.

Tungkulin ng Komunikayon
Nagiging mabisa ang pakikipagtalastasan kung nagagampanan nang tuwiran ang iba’t ibang
tungkuling pangkomunikasyon. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Tungkuling Personal – ginagamit ang wika upang ipahayag ang personal na kaisipan o damdamin
gaya ng pagkatuwa o pagkalungkot, pagkainis, pagkagalit at iba pa.
3
2. Tungkuling Interpersonal – ginagamit ang komunikasyon upang mapanatili ang magandang
relasyon sa kapwa gaya ng pagbati, pagpapakilala, pangungumusta at iba pa.

3. Tungkuling Direktiba – nilalayon nito na makontrol ang nais gawin ng iba o maisagawa ang ibig
mangyari, gaya ng pagtanggi o pagpayag, pagpupunyagi, pag-uutos o pakikiusap at iba pa.

4. Tungkuling Reperensyal – ginagamit sa pagbibigay o pagkuha ng impormasyon gaya ng


pagtatanong, pag-uulat, pagpapaliwanag, pag-uusisa at iba pa.

5. Tungkuling Imahinatibo – ginagamit ang wika sa paraang malikhain o ginagamitan ng imahinasyon


tulad ng pagkukuwento, paghula, paglikha ng palaisipan o bugtong at iba pa.

Antas ng Komunikasyon

Komunikasyong Intrapersonal – ito ang komunikasyong nagaganap sa pansariling


kaisipan ng bawat indibidwal. Ito ay tinatawag na “self-talk” o pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng
mentalidad na nagaganap sa sarili. Ito ang nagiging batayan ng saloobin/ damdamin at mga
paniniwala. Halimbawa nito ay ang pagsasagawa ng anumang pagpapasya gaya ng kung ano ang
susuotin o kakainin. Maging ang pag-iisip ng isang bagay o ng isang tao. Sinasabing nagaganap din
ang komunikasyon sa sarili kapag ikaw ay nananaginip sa iyong pagtulog lalo na sa gabi.

Komunikasyong Interpersonal – ito ang antas ng komunikasyong nagaganap sa


dalawang tao gayundin maaari rin namang higit subalit nasa impormal na kombersasyon. Sa
pamamagitan ng ganitong antas ng komunikasyon ay napananatili natin ang magandang samahan.
Ang pakikipag-usap sa mga kaibigan, ang guro na nagpapaliwanag ng takdang-aralin sa kanyang mag-
aaral, isang pasyente na komokunsulta sa doktor, ilan lamang ito sa halimbawa ng interpersonal na
komunikasyon.
Komunikasyong Pangmaliit na Grupo - kinasasangkutan ito ng maliit na bilang ng mga
tao sa isang pangkat sa isang pormal o impormal na usapan. Kinasasangkutan ito ng interaksyong
1. Kontrol – gumaganap ang komunikasyon sa pamamagitan ng pagkontrol ng kaasalan sa mga
sangkot sa proseso. Sa pamamagitan nito naisasaalang-alang lamang ang mahahalagang kaasalan na
dapat na pumapaimbabaw habang nagaganap ang proseso ng komunikasyon.

2. Motibasyon – nagiging daan ang proseso ng komunikasyon upang makapagpakita ng motibasyon


upang makapagpahayag nang malinaw at maunawaan nang mabilis ang nilalaman at layunin ng
pakikipagtalastasan.
3. Nakapagpapahayag ng Saloobin – inilalaan ng komunikasyon ang pagkakataong
makapagpahayag ng saloobin at/o damdamin para sa pagpuno sa pangangailangang sosyal.
nagbubunga ng pagpapasya, paglalapat ng mga solusyon sa maliit na suliranin gayundin ang
pagpapalitan ng ideya. Halimbawa sa ganitong antas ng komunikasyon ay ang pagpaplano ng isang
grupo para sa isang biglaang pagdiriwang ng kaarawan.
Komunikasyong One-to-Group – ito ay kinasasangkutan ng isang tagapagsalita na
naglalayong magpabatid at/o manghikayat ng mga tagapakinig. Halimbawa nito ang isang guro sa loob
ng isang klase na may limampung mag-aaral, gayundin ang House Speaker sa konggreso at ang mga
Kongresista.
Komunikasyong Interkultural/Kroskultural – maituturing ito na mabisang paraan upang
maipakilala ang kultura ng ibang lahi at kung paano makapamuhay sa kanilang magkakaibang
kaasalan, kaugalian, mga papel na dapat gampanan at mga alituntuning dapat sundin.
Komunikasyong Pangkaunlaran – ito ang antas ng komunikasyon na naglalayong
mapabilis ang pag-unlad at pagsulong ng isang bansa. Dito pinag-uusapan ang magandang proyekto
ng mga bansa kung paano sila magtutulong-tulong sa isa’t isa para sa higit na maunlad na komunidad
at bansa.

3
Komunikasyong Pangmasa – antas ng komunikasyon na nangangailangan ng paggamit ng
elektronikong kagamitan sa paghahatid ng mensahe sanhi ng higit na malaking saklaw ng mga
kasangkot, ang publiko. Pangunahing kagamitan dito ang tinatawag na mass media na kinabibilangan
ng radyo, telebisyon, pelikula, at iba pang mga naililimbag na materyales na maaaring makaabot sa
malaking bilang ng mga tagapakinig/awdyens.

Gampanin ng Komunikasyon

Sa proseso ng pakikipagkomunikasyon, maliwanag na hindi lamang ang mga sangkot dito ang
may mahalagang gampanin bagamat sinasabing kung walang tao, walang komunikasyon. Ang proseso
mismo ng komunikasyon ay may tungkuling ginagampanan sa mga taong nasasangkot sa proseso.
Gumaganap ang komunikasyon sa apat na mahahalagang punto:

1. Kontrol – gumaganap ang komunikasyon sa pamamagitan ng pagkontrol ng kaasalan sa mga


sangkot sa proseso. Sa pamamagitan nito naisasaalang-alang lamang ang mahahalagang
kaasalan na dapat na pumapaimbabaw habang nagaganap ang proseso ng komunikasyon.
2. Motibasyon – nagiging daan ang proseso ng komunikasyon upang makapagpakita ng
motibasyon upang makapagpahayag nang malinaw at maunawaan nang mabilis ang nilalaman
at layunin ng pakikipagtalastasan.
3. Nakapagpapahayag ng Saloobin – inilalaan ng komunikasyon ang pagkakataong
makapagpahayag ng saloobin at/o damdamin para sa pagpuno sa pangangailangang sosyal.
4. Impormasyon – naglalaan ang komunikasyon ng mga impormasyon upang ang mga sangkot
sa proseso ay makapagsagawa ng pagpapasya sa pamamagitan ng pagpapadali ng mensahe
upang matukoy at matasa ang mga alternatibong mga pagpipilian. Ang mga nabanggit na
gampanin ng komunikasyon ay sinusugan din ni Karl Buhler na isang Alemang sikolohista at
lingguwista, na ang komunikasyon ay nagtatagay ng tatlong gampanin: ang gampanin sa
pagpapahayag, gampaning reperensyal at gampaning konotatibo.

Tungkuling Pangwika ng Komunikasyon

Ang wika ay bahagi ng kultura. Ang kultura ay bahagi ng lipunan at tao sa kanilang kabuuan.
Umuunlad ang wika, lipunan at tao sa malayang pakikipag-interaksyon ng isa’t isa at sa iba pang salik-
panlipunan sa loob ng isang pangunahing pangkat-sosyal. Tuwirang tinatanggap ng nakararami ang
ideyalistikong pananaw sa kung paano nagiging malaking paktor at/o salik sa kaunlarang pangwika ang
komunikatibong proseso. Narito ang ilang punto paano ginagampanan ng komunikasyon ang kanyang
tungkulin sa wika.
Unang punto, sa pamamagitan ng komunikasyon napauunlad ang kultura bunga ng
paghahalo at integrasyon sa iba’t ibang mamamayang bahagi ng isang lipunan na may isang tiyak na
kulturang naiiba sa punong kultura mayroon sa isang lunan. At dahil ang kultura at wika ay iisa, habang
umuunlad ang kultura, umuunlad ang wika.
Ikalawang punto, nakatutulong ang komunikatibong proseso sa paghahalo ng ibang
elementong pangwika na makatutulong sa pagbabago at pagpapaunlad nito tungo sa istandardisasyon
at intelektuwalisasyon ng wika.
Ikatlo, sa hangaring mapalawak ang bokabularyo, malaki ang magiging bahagi ng
komunikasyon. Nagkakaroon ng impluwensya sa unang wika ang pangalawang wika dahil sa
pangangailangan sa panghihiram dahil sa walang panumbas sa bokabularyo ng unang wika. Bunga
nito nagkakaroon ng mga panibagong salita na lalong nakapagpapalawak ng bokabularyo ng isang
wika.
Ikaapat, sa hangaring maging isa sa dominante at gamiting wika ang isang wika sa daidig ay
nakikiayon sa kasalukuyang nagaganap na globalisasyon. Dahil sa komunikasyon, nagkakaroon ng
dahilan ang mga tao upang gamitin ang kanilang sariling wika sa pakikipagtalastasan, upang makilala
ng iba pang mga bansa ang wikain ng ibang karatig-bansa.
Walang dapat na pag-usapan hinggil sa tungkulin ng komunikasyon sa wika. Basiko ang
mga inilahad na dahilan kung bakit napananatili ang tungkulin ng komunikasyon sa mga wikain.
3
Mahalagang maisaalang-alang ang mga tiyak na tungkulin upang makaayon na ito sa patuloy na
pagpapalawak ng gamit at pagpapaunlad ng wikang pagkakakilanlan ng bawat lahi.

ANG DISKURSO

Kahulugan ng Diskurso
Ang pakikipagkomunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang biyayang ipinagkaloob sa atin ng
Poong Lumikha. Dahil dito malayang nasasabi ng tao ang kanyang saloobin, kaisipan o ideya sa kahit
sinumang lahi ng tao sa mundo. Kung kaya mahalaga ang pakikipagdiskurso sa buhay ng tao. Kung
tatahakin ang etimolohiya ng salitang diskurso, nagmula ito sa Middle English na “discours” na mula sa
Medieval at Late Latin na “discursus”. Ito ay nangangahulugang “argumento” at “kumbersasyon.” Sa
makalumang kahulugan nito, tumutukoy ito sa kakayahan ng pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o
pagiging makatwiran ng isang tao.
Ayon naman sa diksyonaryo ni Leo James English (2007) ang kahulugan ng diskurso ay may
kinalaman sa pagsasalita at pagtatalumpati. Sapagkat ang talumpati ay sinasalita at kadalasan ay
isinusulat muna ito bago bigkasin sa harap ng mga tao, marapat lamang na sabihin na ang diskurso ay
isang pagbibigay ng pagtalakay sa iba’t ibang paksa, pasulat man o pasalita. Dahil sa diskurso
maraming nalaman ang tao mula sa mga taong nagsisipagsulat ng kani-kanilang mga akda at gayundin
sa mga taong nakipagpalitang-tugon sa pamamagitan ng pagsasalita sa kanilang mga kausap.

Pasalita at Pasulat na Diskurso

Wika ang pangunahing instrumento sa pasalitang diskurso. Binubuo ito ng mga


makahulugang tunog na isinasaayos sa tamang organisasyon upang makabuo ng mga makahulugang
salita. Isinasaayos din ang mga ito upang makabuo ng mga pahayag na tulay ng mensahe patungo sa
sinumang tatanggap nito.
Sa mga pagkakataong hindi posibleng maganap ang pasalitang diskurso, nagiging mahalaga ang
pasulat na diskurso. Nangyayari ito sa pamamagitan ng mga simbolo gaya ng mga letra, bilang at mga
larawang nagdadala ng mensahe sa tatanggap nito. Hindi wika ang mga nababasa natin kundi
representasyon o simbolo lamang ng wika, sapagkat tunog ang bumubuo sa wika. Bawat wika ay may
kanya-kanyang mga simbolo na kumakatawan sa mga tunog nito.
Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya at sa nagbabagong paraan ng pamumuhay ng mga tao sa
daigdig, mas nagiging praktikal at kinagigiliwan ng mga tao ang pasulat na komunikasyon. Kung noon
ay kailangang magtagpo o tumawag ng tao sa telepono upang makapag-usap sila, ngayon ay
gumagamit na lamang sila ng text at e-mail upang ipahatid ang kanilang mensahe.
Awtomatiko ang pasalitang diskurso kaysa sa pasulat na diskurso. Awtomatiko, sapagkat depende sa
hinihingi ng pagkakataon kung ano ang nais mong sabihin sa tao kung kaya may pagkakataon na sa
halip na iklian ang pag-uusap, ito ay lalo pang lumalawak. Sa pasulat na diskurso, maaaring maganap
ang pagrerebisa at matamang paghahanda ng isusulat na mensahe na di nagaganap sa pasalitang
diskurso. Sa pagsasalita, batid na masalimuot ang prosesong nagaganap. Kasama rito ang
impluwensiya ng ibang tao, ang kinalakihang kapaligiran, ang nakagisnang kultura at maging ang
pisyolohikal at sikolohikal na kalagayan ng nakikipagtalastasan.

Mga Uri ng Diskurso

1. Paglalarawan. Ang diskursong ito ay naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang tao, hayop,
bagay, lugar, pangyayari at maging sa damdaming nararamdaman ng isang tao at hayop. Ayon kay
Rolando Bernales et. al. (2009), kung ang isang pintor ay gumagamit ng iba’t ibang kulay upang
isabuhay ang isang larawan, ganoon din ang manunulat, gumagamit siya ng mga salita na nagiging
daan upang mabuo ang larawan sa isipan ng mambabasa o tagapakinig. Samakatuwid ang
paglalarawang diskurso ay nagbibigay-tulong sa tao upang bumuo ng larawan sa kanyang isipan na
magbibigay-daan upang mapalawak nito ang kanyang pagiging malikhain.

3
Halimbawa ng Diskursong Paglalarawan:
Si Kapitan Tiago ay pandak, kayumangging kaligatan, bilugan ang pagmumukha at
mataba. Ang katabaang ito ayon sa mga tagahanga niya, ay dulot sa kanya ng langit, ngunit sa
kalaban nama’y buhat daw sa dugo ng mga mahihirap. Siya ay bata pa kung titingnan kaysa sadya
niyang gulang, kung kaya’t ang akala ng marami ay lumalakad lamang siya sa pagitan ng tatlumpu at
tatlumpu’t limang taon. Ang anyo ng kanyang mukha ay parating banal. Ang kanyang ulo ay mabilog at
maliit. May buhok na kasing-itim ng kamagong, mahaba sa harap at maiksi sa likod. Ayon sa palagay
ng marami, ang ulo niya’y kinakalalamnan ng maraming bagay. Si Kapitan Tiago ay itinuturing na isa
sa mga pinakamayaman sa Binundok. Isa rin siya sa mga tanyag na asendero sa Kapampangan at
Laguna de Bay, lalung-lalo na sa bayan ng San Diego, na kinalulugdan niya dahil sa maginhawang
mga paliguan, balitang sabungan at kinalalagakan ng mga alaalang iniingatan niya. Si Kapitan Tiago ay
isang taong maligaya. Kasundo ang Diyos, di lumalabag sa Pamahalaan at walang sinumang kagalit.

- Sinipi mula sa Kabanata 6 “Si Kapitan Tiago” ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal

Tila dambuhalang ataul ang bahay-lagarian na nasasabuyan ng makinang at manilaw-


nilaw na liwanag. Naitaboy ang gabi ng liwanag ng malalaking bombilya sa mga poste sa paligid
hanggang sa pampang ng ilog sa di-kalayuan na siyang lagusan ng karumhan ng siyudad.
Umaalingasaw sa mapaklang alimuom ang makusot na lupa sa buong kamalig ng lagarian.

- sinipi mula sa Kwentong “Mga Aso sa Lagarian” ni Dominador B. Mirasol

2. Pagsasalaysay. Ang pasalaysay ay isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging


sa nakaraan o kasalukuyang pangyayari. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon ang isang tao
na isalaysay ang kaniyang mga karanasan mabuti man o masama upang maipabatid ito sa ibang tao.
Halimbawa na lamang ay ang naging karanasan ng isang tao sa kaniyang masayang pamamasyal at
dito ay isasalaysay ang kaniyang mga napuntahang lugar at ang mga hindi niya malilimutang
karanasan dito. Bukod sa pagbabahagi ng iba’t ibang karanasan, dito natin malalaman kung tayo ba ay
nakapagpasaya o binibigyan ba ng pagpapahalaga ng ibang tao ang ating mga isinasalaysay. Sa
pagsasalaysay, marapat na maisaalang-alang ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan. Dahil ang
hindi pagsasaalang-alang sa pagkakasunod-sunod ng kasipan ay magdudulot ng pagkalito ng
mambabasa o tagapakinig.

Halimbawa ng Diskursong Pagsasalaysay:

Ayon sa alamat, ibig ni Bathala na magkaroon ng mga tao sa mundo. Humubog siya
ng luad at isinalang iyon sa apoy. Nakalimutan niyang bantayan, nasunog iyon at lumitaw ang lahing
Itim. Humubog pa ng luad si Bathala at muling isinalang sa apoy. Sa takot masunog, hinango niya agad
iyon, kaya nahilaw – lumitaw ang lahing Puti. Sa huli, pinagbuti ni Bathala ang paghubog sa Luad,
isinalang pa rin sa apoy at binantayang mabuti, kaya naging hustong-husto ang luto – at iyon ang
simula ng lahing Kayumanggi!
Libong taon ang lumipas. Unang nangibabaw ang lahing Itim mula sa Africa hanggang Gitnang
Silangan. Sumunod ang lahing Puti na nagpatatag ng kapangyarihan sa Europa at Amerika. Hanggang
sa ngayon, hawak ng lahing Puti ang daigdig. Kasama sa mga sinakop nito at iniimpluwensyahan ang
lahing Kayumanggi!
- Sinipi mula sa Password “Merah Tua” ni Efren R. Abueg

3. Paglalahad. Ayon kay Bernales et. al. (2009), ito ay diskursong nagpapaliwanag kung saan
nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kaniyang kaalaman
na inihahanay sa isang maaayos at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng
bago at dagdag na kaalaman ng ibang tao. Samakatuwid ang tao ay nangangailangan ng makabagong
kaalaman upang maging daan sa pagbabago. Dahil sa diskursong ito magagawa ng tao na makabuo
ng kanyang sariling imbensyon kung ang nakabasa ay isang imbentor, pamamaraan sa pagtuturo kung
ito naman ay isang guro at marami pang iba.
3
Halimbawa ng Diskursong Paglalahad:

MALANSA KA!
ni Mang Serapio Ian Castañares
Patuloy lamang na nawawalan ng kabuluhan ang kultura sa Pilipinas. Isang
katotohanang hindi maitatanggi ng kahit sino pa man. Bakit ko nasabi ito? Dahil sa mga taong hindi
nagpapahalaga sa wikang sumasalamin sa identidad ng isang bansa. Kumakalat ang haka-hakang
aalisin na ang Departamento ng Wikang Filipino dito sa Pamantasan at babawasan ang Filipino
subject. Marahil sa iba, hindi ito malaking isyu lalo na sa mga taong mas nawiwiling gamitin ang wikang
banyaga sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Ngunit kung hindi ito bibigyan-pansin, magdudulot
lamang ito ng malaking problema sa bansa. Ano ba ang tingin ng nakararami sa atin sa wikang ating
kinagisnan? Isa na lamang ba itong malagim na panaginip na dapat kalimutan?
Kung tuluyan nang matanggal ang naturang Departamento at mabawasan ang mga
kurso sa Filipino, sigurado akong ito na ang simula ng pagkamatay ng kulturang nais nating buhayin.
Matagal nang nawalan ng pagkakakilanlan ang bansang ito at patuloy lamang nating palulubhain ang
sitwasyon.
Kung ihahalintulad ang wika sa isang produkto na mabibili sa pamilihan, totoong hindi na makaaalis pa
sa kahirapan ang bansang ito. Dahil local ang Filipino, syempre mas tatangkilikin ng pinoy ang
stateside. Lalo pa’t malalang-malala na ang kolonyal na pag-iisip natin. Magdudulot talaga ito ng
kahirapan sa maraming tao. Wala namang masama sa paggamit ng wikang banyaga, ngunit kung
paglimot sa wikang pambansa ang kapalit nito, hindi magandang manatili pa sa Pilipinas ang mga
taong pumapatay sa kaluluwa ng ating pagiging Pilipino. Sa mga pusong banyaga, hindi kayo
nakakatulong sa kaunlaran ng bansang ito! Dumadagdag lamang kayo sa malalansang taong
nagpapabaho sa sitwasyon ng bansang Pilipinas.
- Mula sa “Ang Pahayagang Plaridel, Agosto 27, 2002

Pamamaraan ng Epektibong Paglalahad

Pagbibigay ng Kahulugan. Ito ang karaniwang ginagamit sa paglalahad. Habang ang tao ay
nabubuhay at may mga umiiral (existence) pa sa mundong ating ginagalawan ay hindi maiiwasan ng
tao ang magbigay ng mga kahulugan. Ayon naman kay Ballena (2007) ang salitang “definition” ay
isang pahayag na nagpapaliwanag kung ano ang isang bagay. Sa pagbibigay kahulugan sinisimulan
muna ang pagbanggit ng salita o terminong bibigyan ng pagpapakahulugan, susundan ng pangkat o
kaisipang kinabibilangan at ang panghuli ay babanggitin ang mga kaibahan o katangiang pinagkaiba sa
mga kauri nito (Bernales, et. al. 2009).

Halimbawa:
1. Ang Bidasari ay isang epikong-romansang Malay na nasasalig sa matandang paniniwalang
napapatagal ang buhay kung ang kaluluwa ay paiingatan sa isang isda, hayop, bato o maging ng
punongkahoy.
• Termino o salitang binigyan ng kahulugan (Ang Bidasari)
• Pangkat o kaisipang kinabibilangan (isang epikong-romansang Malay na nasasalig sa matandang
paniniwalang napapatagal ang buhay)
• Kaibahan o katangiang ipinagkaiba sa mga kauri (kung ang kaluluwa ay paiingatan sa isang isda,
hayop, bato o maging sa punongkahoy)

2. Ang senakulo ay itinatanghal sa panahon ng Mahal na Araw. May mga senakulo na itinatanghal sa
iba’t ibang wika tulad ng Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Bikol at Bisaya.
• Termino o salitang binigyan ng kahulugan (Ang senakulo)
• Pangkat o kaisipang kinabibilangan (itinatanghal sa panahon ng Mahal na Araw)
• Kaibahan o katangiang pinagkaiba sa mga kauri (May mga senakulo na itinatanghal sa iba’t ibang
wika tulad ng Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Bikol at Bisaya.)

3
Pag-iisa-isa. Enumeration sa wikang Ingles ay pagsasaayos ng mga detalye na kinakailangan sa
isang paglalahad ng paksa. Sa pag-iisa-isa, ay hindi kinakailangang ito’y magkakasunud-sunod subalit
kinakailangan na ang detalyeng inilalahad ay nakaugnay pa rin sa paksa o hindi nalalayo sa pinag-
uusapan. Ang mga tiyak na detalye lamang na may kinalaman sa paksa ang dapat na ilahad. Ang
paraang ito ay maaaring ilahad sa pangungusap o maaari namang isa-isahin sa pamamagitan ng
paggamit ng anumang bilang.
Halimbawa:
Masamang Epekto sa Tao ng Sobrang Pagbababad sa Init ng Araw
1. Heat Stroke
2. Kanser sa Balat
3. Mangingitim
4. Lalagnatin
5. Madedehydrate
Kung mapapansin sa mga detalye ng Masamang Epekto sa Tao ng Sobrang
Pagbababad sa Init ng Araw ay talagang magkakaugnay at masasabing ito’y konsistent sa mga
detalye. Hindi maaaring ilagay sa detalyeng nabanggit na maaaring magkaroon ng sakit sa baga, o
magkaroon kumplikasyon sa atay dahil ang mga detalyeng ito ay hindi angkop sa paksa.

Pagsusunod-sunod. Pag-aayos ito ng mga kaisipan o detalye batay sa pagkakasunod-sunod.


Madalas na ginagawa ng tao ang ganitong paraan sa anumang aspekto ng buhay. Sa tamang
pagluluto ng pagkain at pagsasaayos ng iba’t ibang papeles ay kailangan ng pagkakasunud-sunod. Sa
paglalahad din ng pamamaraan, kailangan na maayos ang pagkakasunod-sunod. Ayon kina
Pagkalinawan et.al. (2008) ang pagsusunod-sunod ay may tatlong uri: sikwensyal, kronolohikal at
prosidyural.

1. Sikwensyal na Pagkakasunud-sunod – ang halimbawa ng ganitong uri ng pagkakasunud-sunod


ay ang pagsunod sa panuto, balita o maging sa pagbibigay ng pangunahing lunas sa tao.
Halimbawa:
Mga Hakbang na Dapat Gawin Kapag Nakagat ng Aso
a. Paduguin ang sugat.
b. Hugasan ang sugat ng tubig at sabon
c. Ikulong ang aso at obserbahan ang kilos nito sa loob ng 14 na araw
d. Kumunsulta agad sa doktor

2 .Kronolohikal – ang halimbawa naman nito ay ang pagkakasunud-sunod ng mahahalagang


pangyayari sa ating kasaysayan o ng isang tao.

Halimbawa:
Mga Ilang Tala ng Pangyayari sa Buhay ni Rizal
• Hunyo 19, 1861 – Ipinanganak si Rizal bago maghatinggabi, nagkataong kaarawan ni San Jose
ayon sa kalendaryong Katoliko.
• Hunyo 10, 1872 – kumuha siya ng pagsusulit sa Ateneo de Municipal para sa sekundarya at siya
naman ay nakapasa.
• Marso 14, 1877 – natapos niya ang kursong Batsilyer en Artes (Bachelor of Arts) na may
pinakamataas na karangalan
• Nobyembre 3, 1882 – pinagpatuloy niya ang pagmemedisina sa Unibersidad Central de Madrid.

3. Prosidyural – ang pinakapayak na halimbawa nito ay ang mga hakbang sa pagluluto.

Halimbawa:
Pagluluto ng Relyenong Isda
Mga Sangkap:
3
1 isdang kainaman ang laki
kamatis na hinog
1 sibuyas
suka, asin, paminta at paminton na katamtaman
2 o 3 butil na bawang
Hakbangin:
Alisan ng mga kaliskis ang mga isda. Biyakin ang gulugod, ihiwalay ang laman at mga tinik sa
balat at huwag tinagin ang buntot. Tadtarin ang sibuyas, ang kamatis, ang bawang at ang laman ng
isda na walang tinik, ang lahat ng ito ay ilagay sa isang kawali na may paminta at tubig na sapat
makaluto sa mga pinaghalu-halo; kapag natuyo o naiga na, ay lagyan ng kaunting mantika. Ang
kabuuang pinaghalu-halo ay isilid sa isda at tahiin ang pinagbiyakan upang magsauli sa dating anyo
ang isda. Prituhin ito hanggang sa pumula.

4. Pangangatwiran. Ang pangangatwiran ay isang diskurso na dapat ay makahikayat ng mambabasa


o tagapakinig tungkol sa ipinaglalabang isyu o kahit anong argumento. Kailangan ang malawak na
kaalaman sa
pinagtatalunang isyu at may kakayahang maiayos mga kasipan upang magamit sa pangangatwiran at
nang sa ganoon ay mapanindigan ang kanyang argumento. Ang anumang uri ng pagtatalo o debate ay
isang halimbawa ng diskursong pangangatwiran.

BYUTI PAJENTS? SALI KA!


Mariin kong tinututulan ang mga byuti pajents o mga contest sa pagandahan sapagkat
pinabababa nila ang istatus ng mga kababaihan. Sa paggamit ng salitang “Pinabababa”, sinasabi kong
pinupuwersa nila ang mga kababaihan na magsuot ng isang anyo ng pinupuwersa nila ang mga
kababaihan na magsuot ng isang anyo ng maskara na malayong-malayo sa kanilang tunay na sarili.
Isang mascara na siyang magiging batayan kung gaano sila papaboran ng mga manonood lalong-lalo
na ng mga hurado. Makikita ng odyens ang isang maskarang napakaganda, kaakit-akit at laging
nakangiti habang suot-suot ng isang perpektong propursyunal na manekin at mabining-mabining
pumaparada, kasabay ng saliw ng isang musikang nakapupukaw-pansin. Samantala, nananatiling
nakakubli sa likod ng maskarang suot-suot niya ang kaba, pag-aalinlangan, bahagyang kahihiyan at
maging takot na magkamali at mapahiya sa harap ng libo-libong manonood. Maya-maya pa’y
tatanungin siya ng emsi ng mga katanungang malayong-malayo sa realidad ng buhay. (Mananatiling
lihim ang kanyang karukhaan, kaapihan, mga suliraning pampamilya at maging sa sarili.) Katanungang
gaya ng “Ano ba ang mararamdaman mo kung sakali’t maka-date mo ang iyong paboritong artistang
crush mo?” At syempre pa, bahagyang kikiligin ang kontestant at ididispley ang kanyang mapuputing
ngipin. Magpipilit mag-Ingles kahit pa nasa bernakular ang tanong at kahit pa nagsasampalan ang
grammar, basta Ingles. Para may dating! Ngayon, kung sakali’t matalino man ang kontestant na iyon,
mahirap nang mahalata ito ng mga hurado sapagkat ang tingin naman sa kanya ay parang isang
manekin lamang na yari sa plastik at di bilang isang tao na may laman at dugo.
Araw-araw, ganito ang makikita sa mga varayti shows tuwing tanghali sa mga
pangunahing istasyon sa telebisyon. At bawat contest sa pagandahang ito ay ito ay laging may
isponsor na nagbebenta ng lahat na yata ng klase ng komoditi mula shampoo hanggang toothpaste.
Lagi iyon 10 hanggang 50 kababaihan ang nag-aawdisyon, rarampa, magpapakita ng talent at
magsusuot ng kani-kanilang bathing suit para idispley kung gaano sila kakikinis, kapuputi at
kagaganda. Kundi man sila kakanta, kailangang sasayaw sila o kaya’y magdadrama. Iyon lamang ang
tatlong iyon ang dapat na talent. Hindi pwede ikonsider na talent ang husay sa pagluluto o kaya’y
pagbabasketbol o kaya’y pagpipinta o husay sa paghahalaman o pagkakarpintero. Hindi pwede.
Kailangan may entertainment value. Kailangan iyong makapagpapalutang ng kanilang kaseksihan o
kaya’y “pagiging babae.” Maikokonsider nga ba namang feminine ang pagkakarpintero o pamumuno ng
batalyon ng mga sundalo? Aba, sa tradisyon ng byuti pajents sa telebisyon, kakila-kilabot na isipin iyon!
Sino pa ang mag-iisponsor ng pajent na iyon?
Nangangarap kasi silang magkaroon ng eksposyur sa telebisyon. Baka nga naman kasi madiskubre
silang artista o modelo ng isang komersyal. Titiisin nila ang pagod, init at kung minsa’y nakakabastos
na panunudyo ng mga emsing pawang mga lalaki para lamang magkaroon sila ng sandaling
3
popularidad. At huwag kalimutang gagastusan din nila ang kani-kanilang mga kasuotan, meyk-ap,
buhok at iba pa, sukdulang ipangutang. Puhunan kasi iyon.
Lahat ng bagay ay kanilang gagawin para sa byuti pajents na iyon para hindi masayang
ang pagkakataong mag-uwi ng korona, baka nga naman sakali. Ano, sali ka?
- Anonymous

Dagdag- halimbawa:

Sa nauna pang mga panahon, napatunayan nang hindi ang mismong wika – lalo na ang
wikang Ingles ang nagtatakda ng matalinong mga kasipan o ideya, gayundin ng pagkahenyo ng
sinuman. Hindi sa wikang Ingles, halimbawa, isinatinig nina Plato at Aristotle ang kanilang mga
kaisipang pinag-aaralan pa magpahanggang ngayon, gayundin nina Hegel at Karl Marx o ng iba pang
mga pantas – Pranses man o Italyano o Aprikano – kundi mismong sa sari-sarili nilang wika.
- Napatunayan din ito maging sa larangan ng siyensya at teknolohiya. Hindi sa pamamagitan
ng wikang Ingles nag-aral ng siyensiya at teknolohiya ang mga Aleman o Ruso o Hapones kundi sa
mismo din nilang sari-sariling wika, pero hindi mapapasubalian ngayon o matatawaran ang kanilang
pagsulong o kaunlaran sa nabanggit na larangan kaya maunlad din maging ang kanilang larangang
pangkabuhayan, lalo na nga’t sa Pilipinas lamang ihahambing. Sumusulong na rin ang Libya,
halimbawa, sa larangan ng siyensiya at teknolohiya, simula nang pairalin nila ang paggamit mismo ng
kanilang wika – ang Arabiko – sa kanilang edukasyon mulang elementarya hanggang kolehiyo.

Sinipi mula sa Pluma at Papel ni - Rogelio L. Ordoñez

Pagsubok sa Natamong Kaalaman:

A. 1. Ang komunikasyon ay nagmula sa salitang ____ na ang ibig sabihin ay saklaw ang lahat.
a. communas b. communis c. communi d. Comunis
2. Ayon kay Webster, ang komunikasyon ay _____ ng ideya, saloobin at iba pa.
a. Paglilipat b. pagpapalitan c. Paghahanap d. Pagpapasahan
3. Komuikasyon na gumagamit ng wika.
a. Verbal b. di verbal c. Pasenyas d. Paaksyon
4. Ito ang nagpapasimula ng komunikasyon.
a. Tagahatid b. tagatanggap c. Mensahe d. Tsanel
5. Ito ay naglalaman ng damdamin, opinyon at kaisipan ng tagahatid.
A. Balik-tugon b. tagatanggap c. Mensahe d. Tsanel
6. Ito ang nagpapahiwatig na naging matagumpay ang komunikasyon.
A. Balik-tugon b. tagahatid c. Tagatanggap d. Mensahe
7. Komunikasyon na gumagamit lamang ng mga simbolo, senyas o aksyon.
A. Verbal b. di verbal c. Simbolik d. Paaksyon
8. Ang paggamit ng Asul na Agila, Tamaraw at mga bandila ng bawat bansa ay maibibialng sa:
a. Paaksyon b. pasenyas c. Pasimbolo d. Paarte
9. Ang mga komunikasyong, pagkukuyakoy, pagkunot ng noo, pagiging masaya ay maibibilang
sa: a. Paaksyon b. pasensyas c. Pasimbolo d. Paarte
10. Ang komunikasyon na ginagamitan ng bagay gaya ng singsing sa kasal ay isa pa ring
halimbawa ng:
a. Verbal b. di verbal c. Simbolik d. paaksyon

B. Isulat ang tungkulin ng komunikasyon ng mga sumusunod na pahayag:

1. Nakaaawa naman ang mga frontliners na nasawi dahil sa covid 19.


2. Ayoko munang lumabas, nakatatakot ang virus na di nakikita.
3. Magandang buhay, mga mahal kong estudyante!
3
4. Aanhin pa ang damo, kung marijuana na ang uso.
5. Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis.
6. Ang tunay na pambansang bayani talaga ay si Andres Bonifacio.
7. Sino ba talaga ang may kasalanan nang pagkalat ng covid 19!
8. Ganito po iyon, hindi agad kumilos ang kinauukulan kaya mabilis na kumalat ang virus.
9. Ang saya-saya ko talaga ngayon, malapit nang magtapos ang semestre!
10. Ano kaya ang hinaharap ng ating bansa sa 2021?

C. Isulat ang uri ng diskurso ng mga sumusunod na pahayag:

1. Nakaaawa naman ang mga frontliners na nasawi dahil sa covid 19.


2. Naging bagyo na ang binabantayang LPA sa bansa
3. Mas higit na mahuhusay ang mga marinong nagsanay ng mahabang panahon kasi nga
subok!
4. Dumidilim na ang gabi at latag na ang lagim sa pook na iyon.
5. Hindi lang mga doktor ang nasasawi kundi halos lahat ng mga frontliners.
6. Hindi Andres Bonifacio ang bayani, si Jose Rizal dahil mas ginamit ang talino sa
pakikipaglaban!
7. Marinong maginoo na may matikas na pangangatawan, siya si JP.
8. Ilagay sa kaserola ang itlog, at haluin itong mabuti hanggang sa bumula.
9. Iba talaga ngayon ang panahon, makulimlim at maya-maya, umuulan.
10. Pampublikong sasakyan, nagdagdagan pa.

II. Magpakita ng isang gawaing mabisang ipinakikita ang mga uri ng diskurso. Pumili lamang ng isa.
Ang Gawain ay pangkatan.Irekord ang inyong napiling Gawain sa video. Sundin ang pamantayan sa
rubriks.

III. Pumili ng isa sa mga diskurso at sumulat ng isang mapanghikayat na sanaysay.


Sundin ang pamantayan sa rubriks

Rubriks sa Gawaing Pandiskurso sa Video

Lampas sa Nangangailangan
PAMANTAYAN inaasahan Mahusay Katamtaman ng pagsasanay
5 4.5 3 2.5
Diskursong
Ginamit ( x2) 10 9 6 5
Wikang Ginamit/
Organisasyon 10 9 6 5
ng video (x2)
Pagkamalikhain (x2) 10 9 6 5
Nilalaman/Daloy ng
Paglalahad ( x 3) 15 13.5 9 7.5

Kabuuang Puntos 45 40.5 27 22.5

3
Rubriks sa Pagsulat ng Diskurso(alinman sa apat – pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad o
pangangatuwiran)

Lampas sa Nangangailangan
inaasahan Mahusay Katamtaman ng pagsasanay
5 4.5 3 2.5
Organisasyon ng
mga ideya 5 4.5 3 2.5
Kaangkupan ng
wikang ginamit 15 13.5 9 7.5
(x3)
Kawastuhan sa
gramatika ( x 2) 10 9 6 5

Kabuuang Puntos 30 27 18 15

IV. REFERENCE/S
Carpio, Perla et. Al(2017). Komunikasyon sa Akjademikong Filipino

LEARNING OUTCOME NO. : 5.1 – 5.4


LEARNING OUTCOME STATEMENT : Naipaliliwanag at napaghahambing-hambing ang
ibat’ibang uri ng diskurso.
Nagagamit ng komunikasyon sa iba’t ibang larangan.

I. CONTENT DISCUSSION
1. Komunikasyon
A. Uri E. Antas
B. Proseso at Elemento F. Tugnkulin
C. Gampanin G. Mga Dapat Ikonsidera
D. Modelo

2. Diskurso
A. Paglalarawan
B. Pagsasalaysay
C. Paglalahad
D. Pangangatuwiran

TLA No. 1 : Obhektibong pagsusulit mula sa talakay


TLA No. 2 : Pagbuo ng replektibong sanaysay
TLA No. 3 : Pakikipagdayalogo
TLA No. 4 : Iba’t ibang Gamit ng Diskurso sa Iba’t ibang Gawain at Larangan

II. PERFORMANCE TASK

2.1 Activity No. 1: OBHEKTIBONG PAGSUSULIT


2.1.1 Panuto: Basahin sa huling bahagi ng talakay
2. 1 2 Replektibong Sanaysay
2.1.3 Pakikpagdayalogo
3
2.1.4 Iba’t ibang Gawain gamit ang mga uri ng Diskurso

3. SELF-ASSESSMENT
Pagsasanay sa napiling Diskurso

4. REFERENCES FOR FURTHER READINGS

a. Mga Aklat na may pamagat na


1. Sining ng Komunikasyon
2. Sining ng Pakikipagtalassan
3. Komunikasyon sa Akademikong Filipino
4. Google Docs
5. Youtube na may Halimbawa ng Apat na Uri ng Diskurso

PLEASE TAKE NOTE OF THE PAGE SPECIFICATION

Paper Size : Letter (8.5” x 11”)


Margin : 1.5 left, 1 top, bottom, right
Font : ARIAL
Font Size : 11
Line Spacing : 1.5

Observe the APA style for documentation…citation is necessary in the body parts

You might also like