You are on page 1of 4

BATANES STATE COLLEGE ARALIN 7

Antas ng Komunikasyon

AIM (Layunin)

Pagkatapos ng aralin, Ikaw ay inasahang:

1. Maipaliwanag ang antas ng komunikasyon..


2. Makagawa ng halimbawa sa bawat uri ng komunikasyon.

ABSORB (Nilalaman)

INTRODUKSYON
Sa proseso ng komunikasyon, hindi lang ang uri nito ang kailangan malaman ng mga
partisipant. Katulad ng kontekstwalisasyon ginagawa sa mga tipo ng komunikasyon,
isinasakonteksto rin ang mga pag-aantas sa komunikasyon. Ibig sabihin, pinipili rin
ang na-aangkop na antas batay sa sitwasyong komunikatibo.

EXPLORE
Ang chanel bilang element ng komunikasyon ay nakapagpapabago rin sa antas ng
komunikasyon. Halimbawa, ang pagpaparating ng mensahe sa pamamagitan ng
radio ay maituturing ng pangmadlang komunikasyon, ngunit kapag-ipinararating
ang naturang impormasyon ng personal sa isang malakihang pagtitipon, maituturing
na iyong pampublikong komunikasyon. Mauuri ang antas ng komunikasyon sa
sumusunod:

1. Intrapersonal na komunikasyon. Sa mga modelo ng komunikasyon,


karaniwang makikita ang element nitong tagpagpadala (Sender) at tagatangap
(receiver) ng mensahe na karaniwang magkaibang tao. Ito nga ang karaniwang ideya
ng marami sa konsepto ng komunikasyon. Subalit, ang komunikasyon ay hindi laging
nagsasangkot ng magkakaibang tao o mga tao bilang mga partisipant. May antas na
komunikasyong iisa ang tagpagpadala at ang tagatangap. Tinatawag itong
intrapersonal na komunikasyon.

Likas sa tao na kausapin ang kanyang sarili. Minsan sa pabulong na paraan,


ngunit kadalasan ay sa isip lamang. Tinatawag din itong mental na refleksyon.
Karaniwang ginagawa ito ng isang tao upang pagmunihan ang nagyayari sa kanyang
buhay o sitwasyong kanyang kinalalagyan. Dahil siya ay nilalang na bahagi ng
lipunan, naitatanong niya sa kanyang sarili kung paano siya nakapag-aambag sa
pangkalahatang kabutihan ng kanyang bayan. Ano ang kanyang kontribusyon?
Paano siya makikisangkot? Kailan kaya siya magsisimula? Ilan ito sa mga

MODYUL 2 FILIPINO 1 GERALDINE V. BALLES 1


BATANES STATE COLLEGE ARALIN 7

katanungang mapagmumunihan ng isang tao kung hinahanap niya ang kanyang


layunin sa lipunan.

Ang antas na ito ay anyo ng pakikipag-ugnayan sa inner self. Sa pamamagitan


ng pagmumuning ito, nalilinawwan ang isip ng isasn tao at doo’y nagsisimula siyang
matauhan at kalaunay kikilos hindi lamang sa kanyang indibiduwalistikong layon
kundi para sa isang mas malaki at kolektibong hangarin.

2. Interpersonal na komunikasyon. Ang interpersonal na komunikasyon


ay nagsasangkot naman sa dalawa o higit pang tao sa proseso ng komunikasyon.
Pinakapayak na anyo nito ay ang pagpapalitan ng mensahe sa pagitan ng dalawang
indibidwal. Maaaring sa pagitan ito ng mag-kaklase, mag-katrabaho, mag-kaibigan,
mag-asawa, mag-kapatid o dalawang estranghero.

Magandang halimbawa nito ang pamilya na pinaka maliit na unit sa


lipunan. Ang pag-uusap ng mag-asawa tungkol sa pag-aabuso na may kapangyarihan
sa karapatang pangtao ay isang halimbawa ng interpersonal na komunikasyon.
Ganyan din ang pagpapaliwanag ng ama ng pamilya sa kanyang mga anak sa
kabutihan ng hindi pananahimik sa gitna dulot ng di makataong pamamalakad sa
bansa. Ang ganitong antas ay maaaring nag-uumpisa sa mga mababaw na hangarin
ngunit napapalalim naman habang natututo sa mga layon kolektibo at para sa
kapakanan ng nakakarami.

3. Pangkatang komunikasyon. Interpersonal din ang kalikasan ng


pangkatang komunikasyon. Higit sa interpersonal nito, ang ganitong antas ng
komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng isang grupo o pangkat na kadalasan ay
para sa isang komong layon. Ang layong ito ng komunikasyon ay para sa kabutihan
ng pangkat o para sa pagsusulong ng mas malawak na kabutihan ng lipunan.
Kadalasan binubuo ito ng tatlo hangang labing limang miyembro.

Ang ganitong komunikasyon ay hindi nalilimitahan sa harapang


pagpapalitang kuro. Naisasagawa na rin ito sa ibang plataporma tulad ng video
conferencing, messaging application at mga katulad na paraan. Sa mga mag-aaral,
nagaganap ang ganitong komunikasyon sa kanilang brain storming at pulong sa
kanilang proyektong kailangang tapusin. Halimbawa, ang paggawa ng isang
posisyong papel ukol sa napapanahong isyu sa lipunan ng isang grupo ng mag-aaral
nangangailangan ng masidhing pagpipino ng makakagrupo ng kanilang mga
argumento upang maihanay at mabuo ito ng may bigat at kredibilidad. Ang
pagtalakay nila at pagpapalitan ideya ay maituturing ding pangkatang
komunikasyon.

Samantala, ang isang organisayon pangmag-aaral na nagpaplano ng


mga hakbang na gawain upang tutulan ang pagtaas ng matrikula sa dalubhasaan o
pamantasan ay halimbawa ring pangkatang komunikasyon. Gayon din ang
komunikasyong nagaganap sa pagitan ng mga lider at miyembro ng isang unyun
tungkol sa isang planong pagkilos. Kailangan muna nilang mag-usap –usap at

MODYUL 2 FILIPINO 1 GERALDINE V. BALLES 2


BATANES STATE COLLEGE ARALIN 7

magpalitan ng ideya upang mamubilisa ng maayos ang mga boluntaryong sasali sa


pagkilos sa pamamagitan nito, maaayos na maitutuloy ang mga hinaing ng mga
pangkat sa kinauululan.

4. Pambublikong komunikasyon. Higit na Malaki ang bilang ng mga


participant ng isang pampublikong komunikasyon kaysa sa pangkatang
komunikaasyon. Kung sa pangkatang komunikasyon ay magkakakilala at kabilang sa
iisang pangkat ang mga kasangkot, sa antas pampubliko ay kadalasang hindi.
Dindaluhan madalas ito ng tinatawan na general public o mga piling awdyens at may
mga taga pagsalita o tagapagbahagi na nagmumula din sa iba’t ibang sector o
pangkat.

Sa akademikong setting, maibibigay rito bilang halimbawa ang isang forum sa


pagsusulong ng Filipino bilang wika sa pananaliksik. Ang programa ay maaaring
daluhan ng mga estudyante at guro mula sa iba’t ibang kolehiyo sa isang unibersidad.
Ang mga tagapagsalita ay maaaring mula sa loob ng unibersidad o mga praktisyoner
mula sa industriya o iba oang akademikong yunit. Sa antas ng komunikasyon ito.
Naipapaabot sa marami ang mga kaalaman nang sa gayon ay maisulong ang isang
tiyak na adbokasiya

Ang information campaign ng pamahalaan sa iba’t-ibang mga lugar tungkol sa


pangangalaga ng kalikasan sa gitna ng umuusbong na turismo ay isa ring
pampublikong komunikasyon. Kadalasang iniimbitahan ang buong bayan para
makinig at makisangkot para sa mga plano. Pamamaraan din upang masustento ang
kapaligiran na nanganganib dahil sa patuloy na pag-unlad ng turismo sa isang lugar.
Ang ganitong komunikasyon ay lubos na nakakatulong hindi lamang sa kapaligiran
kung hindi managing sa mga indibidwal na makikinabang uang magpatuloy ang
posibleng hanguan ng kanilang pinagkakakitaan. Nangyayari ito dahil sa maayos na
paglilipat ng impormaasyon mula sa mga organisador aptungo sa awdyens sa mga
katulad na pagtitipon.

5. Pangmadalang Komunikasyon. Ito ay uri ng komunikasyong may


pinakamalawak na nararating. Ito rin ang pinaka-di-personal sapagkat may tsanel sa
pagitan ng tagapagpadala ng mensahe at tagatanggap nito. Karaniwang anyo ng
daluyan ng impormasyon nito ay telebisyon, pahayagan, at radio. Sa ngayon, ang
internet proadcast ay pangunahin naring midyum sa ganitong antas ng
komunikasyon.

Maraming uri ng impormasyon ang dumadaloy ssa pangmadlang


komunikasyon. Sa katunayan madalas walang lalim at mapanira pa ang mga ito.
Subalit sa kabila ng mga iganitong uri ng mensaheng dumadaan sa mass media,
daluyan pa rin ito ng mahahalaga at krtikal na impormasyong dapat iparating sa
mamamayan. Sa telebisyon halimbawa, maraming pagbabalitang may kredibilidad
ang isinasahimpapawid. Ang mga dokumentaryong tumatalakay sa mga isyung
panlipunan tulad ng mababang antas ng kalusugang pampubliko, korapsyon,
kahirapan,mababang kalidad ng edukasyon at iba pa ay masusi at matamang

MODYUL 2 FILIPINO 1 GERALDINE V. BALLES 3


BATANES STATE COLLEGE ARALIN 7

naipararating sa kalakhan ng mga tao sa pamamagitan ng midya. Ang mga ganitong


komunikasyon, lalo na kung sala at napili nang tama ay tunay na nakakapaghubog sa
isip at pananaw ng mga taong tumatangkilik nito at inaasahang mula sa kanila ang
kritikal na pakikisangkot para sa kabutihan ng bansa.

APPLY (Isagawa)

NAME: __________________________ DATE SUBMITTED: _______


PROGRAM: _______________________ SCORE: ________________

Gawain 1.

1. Ipaliwanag ang antas ng komunikasyon.

2. Magbigay ng isang halimbawa sa bawat uri ng komunikasyon.

MODYUL 2 FILIPINO 1 GERALDINE V. BALLES 4

You might also like