You are on page 1of 13

1

SINTAKTIKAL NA PAGSUSURI SA MGA RED FLAG POSTS NG MGA


NAGPAPALANONG MAGPATIWAKAL AT NAGAWANG KITILIN ANG
SARILING BUHAY SA LUNGSOD NG CAGAYAN DE ORO
(Pag-iisipan pa kung may mas mabuti pang pagpapamagat)

Rasyunal ng Pag-aaral
Wika ang nagsisilbing behikulo sa pakikipagtalastan sa anumang larangan.
Sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga
kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Mabisang kasangkapan ang wika para sa
pagbuo ng mapayapang lipunan sapagkat kung wala ito, imposible ang pinag –
isang panlipunang – kilos. Samakatuwid, ayon kina Banawa, et al (2018) sa aklat
na Wika, Kultura at Mapayapang Lipunan, wika ang pusod ng sangkatauhan at
kabaitan na pumupukaw sa damdaming Pilipino. Nakakanlong kung gayon, ang
wika sa iba't ibang aspeto ng pamumuhay ng tao. Binanggit ni Almario (2016) na
mahalaga ang wika sa isang lipunan, dahil anuman ang binibigkas o isinulat ng tao
ay upang maipahayag ang kanyang saloobin. Wika ang nagbibigay ng
pagkakataon upang makapag-usap at magkaintindihan. Patunay lamang, na ito ang
susi tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino na naging dahilan sa patuloy na
pagsulong para sa pambansang kaunlaran.
Sa panahon ngayon, ang social media ang nagsilbing avenyu ng
pagpapahayag ng mga saloobin lalo na’t sinasabing mayroong 71% ng mga
Pilipino ay gumagamit ng social media o may mga social media accounts.
Nangangahulugang sa 107.2 milyon na populasyon sa Pilipinas, 76 milyon dito ay
aktibo sa social media, www.talkwalker.com>blog>social-media-statisyics-
philippines. Kung kaya ay ang social media din ang naging tulay sa pagpapasa ng
mga impormasyon o mga kaganapan sa alinmang bahagi ng bansa at sa mga
gawaing ito ay ginagamitan ng wika.
Mahalagang makapagbigay ng background kung ano itong red flag posts
na tinatawag.
2

Isa sa pinaka-isyu ngayon sa lungsod ng Cagayan de Oro ay ang pataas na


pataas ng bilang ng kaso ng mga nagpapakamatay buwan-buwan. Mula sa datos
ng Philippine Mental Health Association-Cagayan de Oro City, umabot sa 24 na
kaso ng nagpapakamatay mula Enero hanggang Setyembre ng taong 2019 at ang
ilan sa mga kasong ito ay mga mag-aaral. Napansin din sa mga social media
accounts ng mga nagpapakamatay na may mga red flags o mga post na maaaring
maging palatandaan sa kanilang desisyon sa pagpapatiwakal.

Suliranin ng Pag-aaral
Ang pangunahing suliranin ng pag-aaral na ito ay ang masuri ang mga
posts sa social media bago pa sila nagpapakamatay na maituturing na mga red
flags. Upang mabigyang linaw ang isyung ito, titiyakin sa pag-aaral na ito ang
matugunan ang mga sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang mga kahulugan ng mga post sa social media bago pa naganap
ang pagkitil ng sariling buhay?
2. Ano ang relasyon ng mga post sa social media sa desisyon ng mga tao sa
kanilang pagkitil ng sariling buhay?
3. Paano matutukoy na ang mga post sa social media ay mabibilang na
mga red flag?
Sikapin na sa paglalahad ng mga suliranin ay nakikita na rito ang kinokonsepto,
teoryang gagamitin at kung saan patutungo ang pag-aaral.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang mga kahulugan ng posts
ng mga nagpakamaty na itinuturing Red Flag at ang kaugnayan ng kanilang mg
posts sa desisyon nila sa pagpapakamatay nang sa ganun ay mabigyan ng malinaw
na palatandaan ang mga mamamayan ukol sa usaping ito.

Batayan ng Pag-aaral
3

Sa bahaging ito ay inilalahad ang naging batayan ng pag-aaral.


1.1 Batayang Teoretikal
Ang pag-aaral na ito ay naka-angkla sa teorya ni Daniels (1985), na
malapit ang kaugnayan ng wika sa lipunan at sa mga taong gumagamit nito. Ang
wika ng tao ay hinuhubog, nagpapalit at nagbabago upang maiangkop at maiakma
sa pangangailangan ng mga tagapagsalita.
Sa panahon ngayon, ang social media ang nagsilbing tulay sa
komunikasyon ng tao kung kaya ay ipinapayag ng tao ang kanyang mga saloobin
at damdamin dito. Ito rin ang patok sa lipunan. Ang mga nababasa rin sa social
media ay sumasalamin sa uri ng lipunan ngayon at sumisimbolo sa karanasan ng
kasalukuyang henerasyon.
Ang bawat indibidwal ay bahagi ng kanyang lipunan. Ang lipunang ito ang
humuhubog sa kanyang pagkatao batay na rin sa iba’t ibang institusyong
panlipunan na binubuo ng pamilya, edukasyon, pananampalamtaya, gobyerno,
batas, ekonomiya, mas midya at iba pa. Mahalagang salik ang wika sa pakikipag-
ugnayan ng mga indibidwal na mga kasapi ng mga institusyong ito.
Isa pang teoryang pinagbatayan ng pag-aaral na ito ay ang nabanggit ni
Holmes (2015) sa kanyang blog, 80% ng mga taong sumubok na magsuicide ay
nagkipag-usap sa ibang tao bago nila sinubukang tapusin ang sariling buhay.
Ngunit hindi nangangahulugang na harapan nilang sabihin o ipaalam na
magpapakamatay sila. Hindi nila kailangang ganito ka-diretso ang kanilang
sasabihin “Bukas magpapakamatay ako ng alas-tres ng hapon”. Maaari nilang
sabihing ito ay parang kuro-kuro lamang, halimbawa, “Gaganda kaya ang buhay
ng pamilya ko kung wala na ako?” Maaari rin naming ang senyales lamang ito ay
kunwari’y nakikipagkuwentuhan o magtatanong sila tungkol sa ibang tao:
halimbawa, “Ano kaya ang iniisip ng tao bago sila magpakamatay? o “Mayroon
kayang mabubuting dahilan para sa pagpapakamatay ng isang tao”
Mula sa blog na ito, malinaw na bago pa man nagpapatiwakal ang isang
tao ay nagpapahayag muna siya sa kanyang mga naiisip gawin sa iba-ibang paraan
4

ngunit hindi ito nabibigyan kaagad ng pansin sa mga pinagsasabihan dahil hindi
rin naman akalain na ang mga pahayag na ito ay seryoso at talagang nararapat
bigyan ng tuon upang mapigil ang pagpapatiwakal ng isang tao.
Yaong iba naman na walang mapagsasabihan ay sa mga social media sila
nagpapalabas ng mga pahayag na kung bibigyan lamang ng pansin ay malaki ang
posibilidad na mapigilan ang pagpapatiwakal ng isang tao.
Kulang ng mas matatatag at malilinaw na teorya na magiging batayan ng pag-
aaral batay sa suliranin. Komunikasyon, pagpapakahulugan, mensahe at isipan ng
tao sa pagpapahayag, ang social media as form ng komunikasyon, ilan lamang ito
sa mga kinakailangan ng suportang teorya.
1.1 Batayang Konseptuwal
Mula sa blog ng King University Online nabanggit ang ilan sa mga dahilan
ng pagpopost ng mga tao sa kanilang mga social media accounts. Narito ang
pagpapaliwanag sa dahilan ng pagpapost sa social media.
A recent Medium article titled “The Psychology of Social Sharing” helped
articulate the DIFFERENT TIERS of posting motivations. While the writers for
this article approached the psychology of posting on social media from a
marketing perspective, they tapped into clear psychological incentives for sharing
content. They even cleverly adapt noted psychologist Abraham Maslow’s
hierarchy of human needs to reasons why people post and consume updates. They
are:
1. Physiological needs: People sometimes post to benefit the health or well-
being of their friends and family.
2. Safety: Physical, mental, and financial security are important for people
when they choose to post some material on their social media.
3. Love/belonging: Users generally want to post to feel some kind of social
acceptance from a group or a particular individual.
4. Esteem: People want to quell the rewards-oriented parts of their brains,
which helps explain why people post “me-centric” content regularly.
5. Self-actualization: As the most important facet of the human needs
hierarchy, this aspect of social media posting manifests when people share
their successes – getting a new job, completing an arduous project, or
graduating from school, to name a few examples
5

Mula sa artikulong nabanggit ay nangangahulugan lamang ito na ang paggamit


ng social media ay nakapagbibigay ng pagiging kontento sa isang tao dahil
natugunan nito ang ilan sa mga kinakailangan ng tao ayon sa Sikolohistang si
Abraham Maslow. Kung kaya ay patuloy na padami nang padami ang mga
gumagamit ng social media sa kasalukuyang panahon. Dagdag pa ng artikulong
ito: In today’s cultural and technological climate, everyone uses some sort of social
media. According to a monumental 2018 Pew Research Center study, 88% of
respondents between the ages of 18 to 29 reported using some kind of social media.
Seventy-eight percent of 30- to 49-year-olds said the same.
The number of reported users dips for the next age group but not as much as you
may think. A stunning 64% of people between the ages of 50 and 64 use social
media on a frequent basis. For a generation that didn’t grow up with the internet
or social media, this statistic is surprising and helps explain the prevalence of
social media use in our culture.

Hindi ito ang laman ng konseptuwal na batayan, please review gabay. Maaari
itong ilagay sa RRL.

Red Flag Posts

Social Media

Pigura 1. Ang Iskimatik Dayagram


Depresyonng Pag-aaral

Makikita sa iskimang ito ang konseptuwal na balangkas ng pag-aaral. Ang


pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa mga red flag post ng mga
nagpaplanong magpatiwakal at mga kumitil ng buhay nila. Sa loob ng pag-aaral

Planong Pagpapatiwakal /
Pagkitil sa Sariling buhay
6

na ito matutukoy na ang pinagmulan ng mga red flag posts na ito ay ang
depresyon na nanaranasan ng mga tao kung kaya ay nakapagpost sila sa mga
social media account nila. Ang salitang depresyon ay kulay iyo dahil ang mga
nakakaranas nito ay sinasabing binabalot sila ng mga maiitim na karanasan na
umabot sa puntong wala na silang makikitang liwanag sa kanilang buhay.
Pangalawa, makikita din sa iskimatik ang iba’t ibang mga social media account na
naging tulay ng mga taong ito sa kanilang pagpapahayag ng kanilang mga
nararamdaman. Kasunod naman ay ang bumabalot nito na kulay pula dahil
tinatawag na mga red flag post ang uri ng mga post na ito na nagsisilbing
palatandaan sana ng mga bumabasa dito. Ang red ay sumisimbolo sa paghinto
kung ihahambing ito sa batas trapiko. Ibig sabihin ay kapag nabasa ang mga uri ng
post na ito ay nararapat na tumigil at bigyang pagpapahalaga dahil ang mga post
na ito, kung kaya ay may arrow, maaaring humantong ito sa pagplanong
pagpapatiwakal at pagkitil sa sariling buhay.

Rebyu ng Kaugnay na Literatura


Ang bahaging ito ay naglalahad ng ila sa mga mahahalagang paksang nais
bigyang linaw ng papel pananaliksik na ito. Isinaayos ang bahaging ito ayon sa
tema o paksang nais patunayan ng manananliksik.
1. Impluwensiya ng Social Media
Laganap na nga ang paggamit ng social media sa buong mundo. Mula sa
artikulo ng Abante TNT, napag-alaman nilang mula sa pag-aaral sa 2018 Global
Digital Report, nangununa ang mga Pinoy sa may pinakamaraming oras na
ginugugol sa social media o nag-oonline. Sa 105 milyong populasyon, 67 milyon
dito ang babad sa social media. Dagdag pa sa ulat, tumatagal ng higit sa apat na
oras sa paggamit ng social media ang mga Pinoy noong 2017. Sinusundan ang
Pilipinas ng Brazil na may tatlong oras at 39 minutong nilalabi sa social media.
Ikatlo sa listahan ang Indonesia at pang-apat ang Thailand. Lumubo ng 12
porsiyento o pitong milyo ayon sa digital repo rang active sa social media mula
7

Enero 2017. Samantala, nananatili ang Facebook sa pinakabinibisitang website sa


bansa kasunod ang Google at YouTube, ayon naman sa datos ng SimilarWeb.
Mula sa artikulong ito, malinaw lamang na lagpas sa kalahating
populasyon ang gumagamit ng social media at mahaba ang esposyur ng mga tao
sa paggamit nito kung kaya ay masasabing naging bahagi na ng buhay ng tao ang
social media.
Nagkakaroon ng iba’t ibang epekto ang paggamit ng social media sa mga
tao lalo na sa mga estudyanteng nahuhumaling dito. Mula sa blog ni Unknown
(Setyembre 2016) nagpahayag siya ng ilan sa mga epektong ito. Sa positibong
pananaw, sa aming mga studyante ito ay tumutulong upang maibsan ang bigat ng
aming mga proyekto at takdang-aralin, tinutulungan kami upang mas maunawaan
kung ano ang aming mga pinag-aralan at higit sa lahat malalaman natin kung ano-
anu ang mga nangyayari sa buong mundo dahil ang Internet ay isa sa mga may
pinakamahalang parte sa ating henerasyon ngayon. Mahigit 98% ng populasyon
ng tao ang gumagamit ng Internet ayon sa aming pananaliksik.
Social Media naman ang mundo kung saan, kadalasan ginagamit ang
Internet upang magkaroon ng komunikasyon sa mga tao saan man sulok ng
mundo. Malalaman natin lahat ng mga balita, pangyayari o mga patok na mga
bagay malapit o malayo man sa atin. Ina-aliw tayo sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga katawa-tawang video at larawan. Ito rin ay ginagamit upang
tayo ay maipahayag ang ating mga karanasan, kaalaman, emosyon at marami pang
iba gamit ng facebook, twitter, intagram at iba ipa.
Sa kabilang aspeto, may ilan rin sa mga estudyante na ina-abuso ang paggamit ng
internet o sa negatibong paraan. Isa rito ang pagtatagal sa social media gamit ang
internet kaya naman pagdating sa skwelahan ay puyat o kaya naman ay natutulog,
may ilan rin na tinatamad dahil sa kakulangan ng tulog. Mayroon ring nawawalan
na nang konsentrasyon sa pag-aaral dahil kahit na nasa skwelahan ay gumagamit
parin ng internet para makakonekta sa social media. Kahit na habang nasa klase ay
gumagamit ng facebook, panay ang pag-twitter at naglalaro na lamang dahil
nawawalan ng gana sa pag-aaral dulot ng UV rays na galing sa internet na
8

pinapahina ang ating pagiging aktibo sa klase. Sa social mediadin natin nalalaman
ang mga masasamang bagay depende sa kung paano natin ito gamitin. Ang iba ay
ginagamit ito upang manira ng iba, malaman ang mga bagay na hindi pa ang
angkop para sa kanilang edad at mga salitang bastos kung bigkasin.
Natututong gumamit ng mga balbal na salita ng mga jejemon, atchup
boulevard, gay lingua, nigga, at marami pang iba. Nakadepende din ito sa mga tao
kung paano nila ito bigkasin o ipahiwatig.
2. Ang Pagplanong Pagpapatiwakal o Pagkitil sa Sariling Buhay
Pagpapakamatay (Latin suicidium, mula sa sui caedere, "patayin ang
sarili") ay pagkilos ng sinasadyang pagsasagawa ng sariling ikamamatay. Ang
pagpapakamatay ay madalas na ginagawa dahil sa kawalan ng pag-asa, ang sanhi
nito ay madalas na inuugnay sa mental disorder o sakit sa isipan tulad
ng depresyon, bipolar disorder, schizophrenia, pagkalulong sa alak, o pagkalulon
sa droga.[1] Ang mga salik ng stress na tulad ng problemang pinansiyal o mga
problema sa mga interpersonal relationship o pakikipag-ugnayan sa kapwa ang
madalas na inuugnay dito. Kasama sa mga pagsisikap para maiwasan ang
pagpapakamatay ang paglilimita ng pagkakaroon ng baril, paggamot sa mga
pangkaisipang karamdaman at pagkakalulong sa droga, at pagpapahusay ng pag-
unlad ng ekonomiya.
Ang pag-unawa sa pagpapakamatay at mga palatandaan nito ay ilan
lamang sa mga naging panulat ni Shimokawa (2016). Ayon sa kanya, Mahigit
800,000 tao ang winawakasan ang kanilang buhay sa pagpapakamatay taun-taon
sa buong mundo. Ibig sabihin nito, isang tao sa mundo ang winawakasan ang
kanyang buhay bawat 40 segundo. Malamang na mas mataas pa riyan ang tunay
na bilang dahil ang pagpapakamatay ay isang maselang bagay at labag sa batas sa
ilang bansa at samakatwid ay hindi nairereport. Pagpapakamatay ang ikalawang
nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga tao sa pagitan ng 15 at 29 na taong
gulang. Sa maraming bansa, ang dami ng nagpapakamatay ay pinakamataas sa
mga taong mahigit 70 taon na ang edad. Tuwiran man o di-tuwiran, nakakaapekto
ang pagpapakamatay sa malaking bahagi ng ating lipunan.
9

Kapag parang hindi natin makayanan ang mga hamon ng buhay, maaari
tayong makadama ng sobrang pagkabahala. Kapag parang hindi makayanan ang
pagkabagabag, maaaring magdilim ang isipan ng isang tao at maaaring madama
nila na kamatayan lamang ang tanging opsyon. Maaari nilang madama na walang
makakatulong, na maaaring humantong sa paglayo sa lipunan at lalo pang lumala
ang pagkabagabag at pakiramdam na wala nang pag-asa at walang malapitan, na
kalaunan ay hahantong sa pag-iisip na pagpapakamatay na lang ang tanging
opsyon.
Kapag ipinakita ng isang tao ang anuman sa sumusunod na malulubhang
palatandaan, dapat tayong magpatulong kaagad sa isang mental health provider o
emergency services tulad ng mga pulis: Nananakot na sasaktan o papatayin ang
sarili, naghahanap ng mga paraan o kaparaanan para magpakamatay, nagsasalita o
sumusulat tungkol sa kamatayan, pag-aagaw-buhay, o pagpapakamatay.
Ang sumusunod na mga palatandaan ay maaaring magpakita ng sitwasyon
na di-gaanong apurahan, ngunit hindi tayo dapat mag-alangang humingi ng tulong
para sa tao na nagpapakita ng alinman sa mga ito:
 Nagpapahayag ng kawalang-pag-asa at kawalan ng layunin sa buhay
 Nagpapakita ng matinding galit o poot o naghahangad na makapaghiganti
 Walang ingat kung kumilos
 Pakiramdam na nakulong sila
 Mas malakas na silang uminom ng alak o gumamit ng droga
 Lumalayo sa mga kaibigan, pamilya, o lipunan
 Naliligalig o nababalisa o pabagu-bago ang ugali
 Nahihirapang matulog o laging tulog
 Pakiramdam nila ay pabigat sila sa iba
Mula sa mga palatandaang ito, nabanggit na ang taong may planong
magpatiwakal o pagkitil sa sariling buhay ay naghahanap sila ng pagkakataon na
maipahayag ang planong ito. Sa panahon ngayon, naging daan na ang social
media sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin ng tao kung kaya ay hindi
10

malayo na sa mga social media account nila ay nagpapahayag din sila ng mga red
flag posts.
3. Mga Teorya ng Pagpapakahulugan
Pinakilala ni Saussure ang konsepto ng   Langue  a t n g  Parole..
Ang Langue ay isang abstract na sistemang sinusunod ng lahat ng
mananalita sa isang komunidad na hindi natin  napapansin nguni’t
sinusunod kaya’t nagkakaintindihan tayo sa isa’t isa. Ang langue ay
ang a k t w a l   n a   l i n g g u w a h e n g   s i n a s a l i t a .   S a   p a g - a a r a l  
n g   l i n g g u w a h e ,   k i n a k a i l a n g a n g  magpakadalubhasa sa systema
ng gramatika, pagbabaybay, sintaks, at pagbabantas. Ang mga i t o a y e l e m e n t o
ng langue. Sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa sistema ng
s a r i l i n g  l i n g g u w a h e a y n a s a s a b i k u n g a n g s a l i t a n g n a b u o a y
m a a a r i s a s i s t e m a n g s a r i l i n g w i k a o  hindi. Halimbawa, sa ating
mga tagalog, ang salitang bababa ay nangangahulugang “going  down”
at ito ay tama. Samanatala, sa mga taong nagsasalita ng ingles, ito ay
walang saysay a t h i n d i t a m a a y o n s a k a n i l a n g s i s t e m a .
(wala pa po akong maraming naisulat dito mam dahil limitado po ang
imposmasyon sa internet)

Dagdagan ng mga kaugnay na pag-aaral ang RRL.

Metodolohiya
Sa bahaging ito mababasa ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik
gaya ng disenyo ng pananaliksik, instrumentong gagamitin, lugar ng pananaliksik,
at disenyo ng pagkuha ng sampol.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang gagawing pananaliksik ay gagamitan ng deskriptibong metodolohiya
ng pananaliksik. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito para
sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa
11

maraming respondent. Ang pag-aaral din na ito ay maglalarawan ng sitwasyon


ukol sa mga kahulugan ng mga res flag post sa social media ng mga taong
nagpapalanong magpatikawal at yung mga kumitil sa sariling buhay. Ito ang
pangunahing gamit ng deskriptibong uri ng metodolohiya. Ang disenyong
paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging mabisa sa
pagaaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa
pananalisksik.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay gagamitan ng pakikipanayam para makuha ang
datos o bilang ng mga kasong nagpapatiwakal sa Misamis Oriental. Kapag
natukoy na ang bilang ng mga kasong ito, iisa-isahin ng mananaliksik sa pag-alam
ng mga biyograpiya ng mga taong kabilang sa mga kasong ito upang malaman din
ang kanilang mga social media account. Dito na ngayon titingnan ng mananaliksik
ang mga naging post ng mga taong ito bago pa naganap ang planong
pagpapatiwakal o sa araw ng kanilang pagkitil sa sariling buhay. Sisikapin din ng
mananaliksik na matukoy at makabuo ng malinaw na saklaw ayon sa panahon ng
mga posts ng mga taong ito.
Lugar ng Pananaliksik
Ang napiling lugar ng pananaliksik ay ang Lungsod ng Cagayan de Oro
dahil sa lungsod na ito nakatala ang pataas na pataas ng kaso ng pagpapatiwakal
mula Marso 2019 hanggang sa kasalukuyan. At ang mga datos na ito ay
nakakabahala dahil walang pinipiling edad o kasarian ang naitala sa mga kaso,
maging mga kabataan ay bahagi din ng mga kasong ito. Ang lugar din na ito ay
matatagpuan sa Hilagang bahagi ng Mindanao. Binubuo ito ng 675, 950 na
populasyon noong 2015. Naging bahagi ito ng sampung mga lugar na patuloy na
pagtaas ng populasyon sa buong bansa. Binubuo ito ng walumpung barangay sa
kasalukuyan at may iba’t ibang wika gaya ng Cebuano, Subanen, Higaonon,
Bukid, Maranao, Waray, at Hiligaynon.
Disenyo ng Pagkuha ng Sampol
12

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit


ang uri ng disenyong ito sy hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga
talatanungan. Kung kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na
nababagay ito sa pag-aaral kung saan maari ring magsagawa ng pakikipanayam at
obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon.
Gagamitin sa pag-aaral na ito ang Slovin’s Formula sa pagkuha ng sampol.
SLOVIN’S FORMULA

n = bilang ng sampol
N = Bilang ng populasyon
e = pagitan ng pagkakamali (0. 05)
Pangangalap ng mga Datos
Unang gagawin ng mananaliksik ay magpunta sa iba’t ibang istasyon ng
radyo sa Lungsod ng Cagayan de Oro upang hingin ang pangkabuuang kaso ng
mga nagpapatiwakal at maging ang mga bayograpiya ng mga taong ito. Matapos
nito, sasaliksikin ang mga pangalan sa iba’t ibang social media account upang
malaman ang mga naging post nila bago pa nila napagplanuhan o nagawang kitilin
ang sariling buhay. Itatala ng mananaliksik ang mga posts na ito maging ang
bilang ng araw na magpost ang mga respondente. Pagkatapos nito ay isa-isang
bigyang ng pagpapakahulugan ang mga naging post na ito upang matukoy kung
ito ba ay red flag at naging hudyat ng kanilang pagpapatiwakal.
Narito ang magiging daloy ng pananaliksik na ito.

Magpunta sa iba’t ibang istasyon ng radyo sa Lungsod


ng Cagayan de Oro
13

Saliksikin ang mga pangalan sa iba’t ibang social


media accounts

Bigyan ng pagpapakahulugan ang mga post na ito


upang matukoy kung ito ba ay maituturing na mga red
flag

Inaasahang Resulta
Sa pananaliksik na ito, nais patunayan ng mananaliksik na ang mga red
flag post ay mga hudyat sa mga pagpapatiwakal. Kapag napatunayan ng
pananaliksik na ito ang naging haypotesis, malaki ang maitutulong nito sa lipunan
upang bababa o tuluyan ng wala nang magiging kaso ng pagpapatiwakal lalo na sa
Lungsod ng Cagayan de Oro.

You might also like