You are on page 1of 8

MAHALAGANG PAALALA: 

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang


maaaring muling mailimbag o magamit nang walang pahintulot mula sa mga
tagapagsulat. Ang modyul na ito ay ginawa para sa pang-edukasyon at
pagkatutong layunin.
PARA SA MGA ESTUDYANTE : Ang mga Paunang Pagtataya ay mga
katanungang maari ninyong sagutin sa inyong mga sarili. Hindi na
kinakailangan pang isulat at ipadala sa inyong mga guro ang inyong mga
kasagutan para rito. Gayundin, ang mga Pansariling Pagtataya ay mga
gawaing naglalayong masukat ninyo sa inyong mga sarili ang antas ng inyong
pagkatuto sa mga nagdaang aralin. Tulad ng nauna, ito ay hindi na
kinakailangan pang ipasa o pamarkahan sa inyong guro. Tanging ang mga
gawaing nakatala bilang Pagtataya at Gawaing Pagganap ang nararapat na
isulat at ipadala sa inyong guro. 
 
 

Modyul 2 | Aralin 1- PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA


SA KOMUNIKASYON
Kinalabasan at Pagkatuto

1. Nakasusulat ng isang makabuluhang pagsusuri hinggil sa


pagpoproseso ng impormasyon
2. Napag-uugnay ang mga konsepto at impormasyong nakalap sa
paraang pasulat.

Paunang Pagtataya

       Ano ang mahahalagang ambag ng pananaliksik sa pagtataguyod ng


Filipino bilang isang disiplina? Isaalang-alang ang gabay na nasa ibaba
upang mapagsunod-sunod ng maayos ang iyong kasagutan.

Pangunahing Ideya

Paksang Pangungusap

Paksang Pangungusap

Konklusyon

  

Mga Kagamitan / Nilalaman:

1. Kasanayan sa Paglalagom at Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon


Kailangang ilahad lamang ang mga konseptong may mahalagang
kaugnayan sa pag-aaral nang bago (sampung taon ang nakaraan mula sa
panahon ng pagsasagawa ng saliksik maliban sa mga impormasyon at
teoryang maituturing nang klasiko).

Ang mga ito ay dapat ding obhetibo at walang pagkiling. Ang pagiging
obhetibo ay makikita sa pamamagitan ng maayos na pagkilala sa mga
pinaghanguan (tatalakayin sa mga susunod na bahagi ang paraang APA).

Hindi mahalaga kung kaunti o marami ang mga ilalahad. Kailangang


sasapat na pansuporta ito sa pakss at mga kaugnay na suliranin.

Ang paglalagom ay nagsisilbing pundasyon ng saliksik. Ang proseso


ng rebyu sa mga ito ay malaking tulong sa kabuuan ng pagsasakatuparan ng
saliksik.

Ito ay magtatakda sa pagbuo ng mga partikular na suliranin, hipotesis,


konseptwal at teyoretikal na batayan. Ito rin ay batayan ng pagpili at paglapat
ng angkop na pamaraan ng pananaliksik, teknik sa pagkuha ng sampol at
estadistikang pormula.

Makatutulong din ito sa presentasyon, pagsusuri at interpretasyon ng


mga datos. Magiging pansuporta ang mga konseptong makakalap sa resulta
ng saliksik. Dagdag pa, magbibagay-daan pa ito sa pagbuo ng bahaging
natuklasan, konklusyon at rekomendasyon.

1. Pagsulat ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon

Ang mga ito ay isinusulat at inilalahad din nang pasalita para sa


layunin ng pagpapakalat (dissemination). Sa antas-tersarya, malaki ang
pangangailangan ng knowldge production kaya hinihikayat na
maisakatuparan ang pananaliksik saka pagbuo ng akademikong papel. May
mabuting ambag ito sa pagpapabuti ng estado ng Unibersidad o anumang
institusyong bukas at sumasabay sa pagbabago at handa sa integrasyon at/o
multidisiplinaryong pagtataguyod ng pagkatuto.

Papel sa Pagsusuri

Sabi ni Cruz (2003), ang pagkikritiko sa ating bayab ay tulad ng


pagtawid sa kalye sa Maynila.

Pinatutunayan nito ang gawaing panunuri sa bansa ay pagtitiyak ng


interpretasyon batay sa sariling karanasan at kaalaman. Napakaraming
sikolohiya ang maaaring ilapat katulad ng maraming sasakyang maaaring
sampahan at kabanggain ng manunuri habang tumatawid sa daan.

Sa layong maitampok ang anumang anyo ng teksto (panitikan, isyu,


kalakaran at mismong tao), isinasagawa ang pagsusuri - pag-alam.
Pagtantya, pagkilates, pagtimbang, pagbubusisi, pagsipat, pagpuna at kritika.
Maaaring ito ay politikal at pampanitikan kung nakaugnay sa larang-
akademiko.

Maaaring gawing sanggunian ang mga sumusunod na tanong sa


panunuri.

       Ano ang sinasabi ng teksto?


       Paano ito sunabi/ sinasabi?
       Kailan ito nabuo?
        Sino ang bumuo?
       Para kanino ito?

Binabasa ang teksto batay sa paraang tekstuwal, kontekstuwal at


pagbasa sa subteksto at intertekstuwal.

Ang pagsusuri a tekstuwal kung ang tuon ay nilalaman at elementong


bumubuo rito. Walang puwang ang intensyon ng awtor at ang paghahari ng
damdamin sa teksto.

Kontekstuwal ang pagsusuri kung ang binibigyang diin ang kondisyong


(lipunan at kasaysayan) namamayani sa teksto. Samantala, binabasa ang
sub-text kapag nakatuon sa mga detalyeng hindi hayagang sinasabi ng
teksto.

Ang pag-uugnay ng teksto sa iba pang anyo ng teksto ay tinatawag na


pagsusuring intertekstuwal.
Sanggunian
https://www.slideshare.net/RochelleNato/pagbuo-pag-uugnay-at-pagbubuod-
ng-mga-ideya
Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino ni MELVIN ORIO
MORTERA

Pansariling Pagtataya

Bilang pansariling pagtataya, sikaping itala sa iyong isipan ang


mahahalagang bagay na iyong natutunan tungkol sa pagpoproseso ng
impormasyon . Gayundin ang paglalagom at pag-uugnay-ugnay ng mga ito
upang makalikha ka sa iyong isipan ng isang makabuluhang paglalahat.
 
Modyul 2 | Aralin2-4 -  Mga Gawaing Pangkomunikasyon Ng Mga
Pilipino
 
Kinalabasan at Pagkatuto:
      Natutukoy ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino;
       Nahahasa ang paggamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino;
 
Paunang Pagtataya
 
Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Fil1, magbigay ng ilang
halimbawa ng iba’t ibang paraan mo upang makipag-ugnayan sa kapuwa mo
sa araw-araw mong pamumuhay.
 
Mga Kagamitan/ Nilalaman
 
1. TSISMISAN: ISTORYAHAN NG BUHAY- BUHAY NG MGA
KABABAYAN
Ang tsismisan ay itinuturing na isang pagbabahagian ng impormasyong
ang katotohanan ay di-tiyak. Ito ay maaaring totoo, bahagyang totoo,
binaluktot na katotohanan, dinagdagan obinawasang katotohanan, sariling
interpretasyon sa nakita o narinig, pawang haka-haka, sadyang di-totooo
naimbentong kwento.
Tandaang ang tsismisan ay nagaganap hindi lamang sa Pilipinas. Gossip,
rumor, hearsay, scuttlebutt o chatty talk. Sa Español,CHISMES. Sa kabila ng
negatibong konotasyon, ang tsismisan ay bahagi pa rin ng daynamiks ng
interaksyon ng mga Pilipino sa kapuwa at maaaring nakapagbibigay sa
mgamagkakausap ng sikolohikal na koneksyon at kultural na ugnayan sa
lipunang ginagalawan.
Sumakatuwid, ang implikasyon nito’y kailangan ng matinding paghimok sa
mga Pilipino na iderekta ang tsismis sa layong ito’y patotohanan o
pasubalian-ang traspormasyon ng tsismis na walang kasiguraduhan ang
katotihanan tungo sa pagiging balita na batay sa empirikal at kritikal na
pagsusuri. Sa mga mapaglaro ang isipan na sangkot sa social marketing,
puwede ring magamit ang tsismis para takamin ang mga tao hinggil sa isang
bagong teknolohiyang panlipunang maaaring ilako para mapakinabang ng
marami. Sa politikal na pananaw, ginagamit ng mga naghaharing-uri ang
tsismis bilang “instrumento ng kapangyarihan” para linlangin ang mga
taombayan
 
      Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig
sa itsinitsismis
      Pabrikadong teksto na nagmamanipula o nanlilinlang sa
isang grupo o sa madla.
 
1. UMPUKAN: USAPAN, KATUWAAN, AT IBA PA SA MALAPITANG
SALAMUHAAN
Ang umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang
magkakakilala upang mag-usap nang magkakaharap.Likas na sa umpukan
ang kwentuhan kung saan may nagpapalitan, “pagbibigayan, pagbubukas-loob
at pag-uugnayan ng kalooban” Sa umpukan ng mga Pilipino’y madalas
talagang maisingit ang biruan, na minsanay nauuwi sa pikunan. Naniniwala si
Enriquez (1976) na taal na sa maraming Pilipino ang pagkapikon dahil sa
“isang kulturang buhay na buhay at masigla dahil sa pagbibiruan” Nangyayari
ang umpukan hindi lamang sa kalye dahil madalas ding may nag-uumpukan sa
paaralan, opisina, korte, at batasan.
Sa isang komunidad at maging sa iba’t ibang lugar sa loob nito
kagayang paaralan at tambayan sa kanto, ang umpukan ay isang
masasabingritwal ng mga Pilipino para mapanatili at mapalakas ang ugnayan
sa kapuwa. Sinasabing maaring ihalintulad sa Maieutic method o Socratic
method ang umpukan sa pagkatang dialoging isinasagawa ay nakabase sa
pagtatanong at pagsasagot sa mga aspeto o diskursong tinatalakay upang
mas lalong pasiglahin ang mga kritikal na pag-iisip at upang ilabas ang mga
ideya at pinagbabatayang pagpapalagay.
Ang mga kalahok sa umpukan ay iyong kusang lumalapit para
makiumpok, mga disadya-sadyang nagkalapit – lapit o mga niyayang
lumapit.Kagaya ng tsismisan walang tiyak o planadong pag-uusap sa
umpukan ngunit hindi gaya ng tsismisan ang umpukan ay maaring dumako sa
seryosong talakayan mainit napagtatalo, masayang biruan, malokong
kantiyawan at maging sa laro at kantahan.Sinasabing ang mga paksa ng
umpukan ay hindi rin planado o pinag isipang mabuti –maaring tungkol sa
buhay – buhay ng mga tao sa komunidad, magkakapareho ng interes ng mga
nag-uumpukan, o mga bagong mukha at pangyayari sa paligid.
 
 TALAKAYAN: MASINSINANG PALITAN AT TALABAN NG
KAALAMAN
Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit
pang kalahok na nakatuon sa tukoy na paksa. Ang talakayan ay maaring
pormal o impormal at puwedeng harapan o mediated o ginamitan ng
anumang midya .Ang pormal na talakayan ay karaniwang nagaganap sa mga
itinakdang pagpupulong at sa mgapalabas sa telebisyon at programa sa
radyo kung saan pinipili ang mgakalahok. Sa kabilang banda ang impormal
na talakayan ay madalas na nangyayari madalas sa umpukan at minsan sa
tsismisan o di-sinasadyang pagkikita kaya may posibilidad na hindi lahat ng
kalahok ay mapipili. Ang layon ng talakayan ay pag busisi sa isyu o mga
isyung kinakaharap ng:
      Isang tao
     Isang grupo
      Buong pamayanan
      Buong bansa

Ang talakayan ay ginagawa para


        Makahalaw ng aral
       Magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan
       Mresolba ang isa o magkakawing na mga problema
       Makagawa o makapagmungkahi ng desisyon at aksiyon.
Nahahasa ang kakayahan ng isang tao sa pagsasalita, pagpapaliwanag at
pangangatwiran sa pamamagitan ng talakayan. Nagkakaroon ng talakayan sa
oras na magkaroon ng  hindipagkakaunawaan hingil sa mga isyu o detalye na
nangangailangan ngpaglilinaw upang mangibabaw ang katotohanan.
 
1. PULONG- BAYAN: MARUBDOB NA USAPANG PAMPAMAYANAN
Ang pulong bayan ay pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa
itinakdang oras at lunan upang pag-usapan nang masinsinan, kabahalaan,
problema, programa at iba pang usaping pangpamayanan. Madalas itong
isinasagawa kapag may programang pinaplano o isasakatuparan,may mga
problemang kailangang lutasin at may mga batas na ipatutupad sa isang
komunidad.Depende sa layon, maaring ang mga kalahok sa pulong-
bayan ay mga kinatawan ng iba’t-ibangsector sa isang pamayanan, mga ulo o
kinatawan ng mga pamilya o sinomang residenteng apektado ng paksang
pag-uusapan o interesadong makisangkot sa usapin.
Isang halimbawa, sa isla ng Calauit sa Busuanga, Palawan ang
tradisyunal na “saragpunan” o tipunan ng mga tagbanua ay nagaganap sa
isang malilim na lugar kung saan may malalaking batong nakaayos nang
pabilog na nagsisilbing upuan ng mga kalahok sa pulong.
 
1. KOMUNIKASYONG DI- BERBAL: PAGPAPAHIWATIGAN SA
MAYAMANG KALINANGAN
Ang komunikasyong di-berbal ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan
o mensahe sa pamamagitan ng samot- saring bagay maliban sa mga salita.
Malaking bahagi ng anumang komunikasyon ng tao ay mga di-berbal na
pahiwatig. Talamak din sa midya ang mga di-berbal na pahiwatig hindi
lamang dahil madalas tampok sa maraming midya ang mukha at katawan ng
tao, kundi dahil ang kahulugan ng mensahe ay hinuhubog din ng mismong uri
at katangian ng midya kung saan ito nakapaloob. Sabi nga ni Marshall
Mc.Luhan, “ang midyum ay ang mensahe” (Griffin, 2012).
Hitik ang kulturang Pilipino sa komunikasyong di-berbal na
maoobserbahan sa mga taong kalahok sa pakikisalahuma sa mga bahagi ng
katawan ng mga kahalok hanggang sa espasyo sa pagitan ng
nakikisalamuha. Ang komunikasyong di-berbal ay naisasagawa sa
pamamagitan ng mga sumusunod;
      Paggalaw ng kahit isang bahagi lang ng katawan.
      Kombinasyon ng mga galaw ng ilang bahagi ng katawan.
      Panahon ng pagsasalamuha, lalo na ang bilis o bagal, kawalan o
dalas, at oras o araw ng interaksyon.
      Pook at kaligiran ng pagsasalamuha.
      Kasuotan o borloloy sa katawan.
 I    Iba pang simbolismo gaya ng kulay.

 
1. MGA EKSPRESYONG LOKAL TANDA NG MAKULAY, MASIGLA, AT
MAKULAY NA UGNAYA’T KUWENTUHAN 
Ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng
mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat at
pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon
din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapaalam sa iba’t ibang lugar sa
Pilipinas. Sa talastasang Pilipino, ang mga local na ekspresyon ang
nagpapaigting at nagbibigay kulay sa mga kuwento ng buhay at sumasalamin
sa kamalayan at damdamin ng mga Pilipino. Sabi nga ni Walter Fisher, ang
tao ay isang makuwentong nilalang at anumang anyo ng komunikasyon ng
mga tao ay dapat tiningnan bilang naratibo o kuwento (Griffin, 2012, p. 308).
Ang buhay ay mga kuwento at ang kuwento ay tungkol sa buhay. Ang buhay
ng mga Pilipino ay mga kuwentong nakalapat at sumasalamin sa kasaysayan,
kultura, ekonomiya, pulitika, at kaligiran ng lipunang Pilipino. Bahagi ng mga
kuwentong ito ang mga local na ekspresyon.
Ang Timog Katagalugan at iba pang mga rehiyon, halimbaw ng mga
palasak na ekspresyon ang “Nakupo!” at “Susmaryosep!” na sinasambit dahil
sa pagkagulat, pagkabagabag o pag-aalala; “Ewan” at “Ewan sayo” para sa
kawalan ng tiyak na sagot, sa sadyang pag-iwas nakakapagbitaw ng mga
salitang makakasakit o di tahasang pagsasabing “bahala ka sa buhay mo!”
 
Sanggunian
Bb. Audrey M Jocson ,Umpukan, Usapan, Katuwaan at Iba pa sa Malapitang
Salamuhaan https://www.coursehero.com/file/54501205/konkomfil-5-6pptx/
https://www.coursehero.com/file/p745c8dp/Usapan-Katuwaan-at-Iba-pang-
Malapitang-Salamuhaan-B-Umpukan-cont-Sinasabing/
Bb. Audrey M Jocson, Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng Mga Pilipino
https://www.coursehero.com/file/60117566/Filipino-Talakayandocx/
Bb. YnaVerra,  Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng Mga Pilipino
https://www.academia.edu/38149372/MGA_GAWING_PANGKOMUNNIKASY
ON_NG_MGA_PILIPINO
 
Pansariling Pagtataya
 
Panuto: Isulat ang wastong sagot sa bawat patlang bago ang mga bilang.
_______________ 1. Ito ang nagbibigay buhay at nagpapadaloy sa
ugnayan Ng mga tao habang hinuhulma nila ang kanilang lipunan at
hanbang hinuhulma rin sila nito.
_______________ 2. Ito ay maaaring totoo, bahagyang totoo, binaluktot
na katotohanan, dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling
interpretasyon sa nakita o narinig.
_______________ 3. Ito ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang
mga magkakakilala para mag-usap nang magkakaharap.
 _______________ 4. Ito ay pagdalaw of pagpunta ng isang tao o grupo
sa mga bahay sa isang pamayanan para maghatid Ng mahalang
impormasyon.
_______________ 5. Ito ang pagtitipon Ng isang grupo ng mga
mamamayan sa itinakdang oras at lunan upang pag usapan nang
masinsinan at pagdesisyonan Kung maaari ang isyu, kabahalaan,
problema, programa, at iba pang usaping pangpamayanan.

You might also like