Professional Documents
Culture Documents
Modyul 3
Modyul 3
MODYUL 2
Mga Batayang kaalaman sa mga Teorya sa Pananalaksik na Akma o Buhat sa
Lipunang Pilipino
Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan,
Teknolohiya at iba pang kaugnay na larangan, bilang lunsaran ng paglinang sa kasanayan sa
pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
Layunin ng aralin na ito na malaman ang kahalagahan ng mga teorya at metodo upang
mabuo ang isang pag-aaral na may kredibilidad at makabuluhan.
Layunin:
Inaasahan sa pagtatapos ng aralin na:
a) Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at may kredibilidad na sanligan
para sa mga tiyak na pag-aaral at disiplina;
b) Nailalapat sa pag-aaral ang mga makabuluhang konseptong lokal at dayuhan batay sa
konteksto ng lipunan at ng bansa; at
c) Nakapagsusuri ng mahahalagang impormasyon at datos mula sa mga babasahing Filipino
sa iba’t ibang larangan o disiplina.
Lusong-Kaalaman
Gaod-Kaisipan
Ang mga dulong at teorya sa pananaliksik anng gabay ng isang mananaliksik kung
paanong isasagawa o bibigyang-direksyon ang sinasaliksik. Karaniwan itong ginagawang
batayan upang ilahad kung aling mga datos ang taglay na ng mananaliksik, kung anong proseso
ang kanyang isasagawa upang makapangalap ng datos, at sa huli ay mailahad ang mga
natuklasan, gayundin ang magiging rekomendasyon upang maisapraktika at lubos na makatulong
ang pananaliksik.
Sa ganang awtor, ang pagsukat sa “dating” ay maaaring maipakita lampas sa mga akdang
pampanitikan. May gumagamit ng mga iskala at rubric. Upang maipakita ang dating ng isang
pangyayari, salik, or baryabol, gumagamit ng iba’t ibang mga panukatan, gaya ng pagsakay ng
iskalang Likert. Mayroon namang naglalahad ng dating sa pamamagitan ng emosyon at paggamit
o pagsasapraktika ng mga nakaimbak na kaalaman, at mayroon din naming nagpapakita ng
dating sa pamamagitan ng pagbibigay ng persepsiyon, pagwawakas, pagpapakahulugan sa mga
pahiwatig at simbulo, gayundin ng paglalahad ng mgaimplikasyong batay sa tinatakbo ng
kalagayang pangkasalukuyan.
nailalahad ang mga katangian ng baryabol atay sa kung paano ito nabigyang-limitasyon,
naipakikita at nailalahad ang pagkakatulad at pagkakaiba.
Pagbaklas/Pagbagtas
Mahusay gamitin ang ganitong teorya at dulog kung ang sasaliksikin ay mga polisiya
upang ang polisiyang banggit ay lalo pang mapahusay o kaya ay tuluyang isasantabi na muna. Sa
ganito kasing dulog ay malayang nakapaghahain ng mga pangyayari na tumataliwas o tumututol
sa polisiya o ang tinatawag na “pagkalas”. Responsibilidad na kung kakalas ay may matibay o
kongkretong datos na ihahain upang mapasubalian o maipakita ang kahinaan ng isang polisiya.
Matapos mailahad ang mga dahilan sa pagbaklas, ay marapat naming maglahad din ng mga datos
kung paanong mapahuhusay ang polisiya upang ito ay makapagbigay ng benepisyo sa
nakararami samantalang isinasaalang-alang din ang pagiging makatwiran sa pagsasakatuparan
nito batay sa magiging katanggapan ng nakararami at kung may mga sa pagsasakatuparan nito
batay sa magiging katanggapan ng nkararami at kung may mga sapat na mapagkukunan upang
matiyak ang hindi pagiging ningas-kugon ng isang polisiya.
Sa presentasyon pa rin ni Dr. San Juan (2018) ay ganito naman ang nakasaad:
Isang halimbawang pananaliksik gamit ang konseptong ito ay ang Pag-aklas, Pagbaklas,
Pagbagtas: Politikal na Kritisismong Pampanitikan ni Rolando Tolentino at mungkahi
ring pananaliksik ni San Juan para sa konseptong ito ay ang Pag-aklas, Pagbaklas,
Pagbagtas sa Patakarang Pangkaunlaran ng Pilipinas.
Pantayong Pananaw
Pamana ni Zeus Salazar (1997) ang konsepto ng Pantayong Pananaw. Narito ang
kanyang pagbubuod sa konsepto:
“Ang buod ng pantayong pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-
uugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal, at
karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan – kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa
pamamagitan ng isang wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/diskursong
pangkalinangan o pangkabihasnan. Isang reyalidad ito sa loob ng alin mang grupong
etnolingguwistikong may kabuuan at kakanyahan, sa atin at sa ibang dako man ng mundo.”
Sa isang onlayn na balita mula sa isang kilalang himpilan ng telebisyon ay ganito ang
nagging pagpapakilala ni Xioao Chua, isang propesor ng De La Salle University sa konsepto:
“Ang ‘Pantayong Pananaw’, ay mula sa salitang ‘tayo’. Sa madaling salita, ito ay mga
kwento at kasaysayan ng Pilipino, na isinasalaysay ng mga Pilipino, para sa mga Pilipino.
Bagama’t pareho ang diwa, kaiba ito sa ginawa ng mga nationalist historians na katulad nina
Jose Rizal, Teodoro Agoncillo at Renato Constantino sapagkat sumulat sila sa dayuhang wika.
Para sa ‘Pantayong Pananaw’ dapat ang pagkukuwento ay nasa wikang naiintindihan ng halos
lahat ng Pilipino – at sa panahong ito, ito ay ang Wikang Filipino o Tagalog.”
Layag-Diwa
https://slidetodoc.com/metodolohiya-at-pagdalumat-sa-pananaliksik-rhoderick-v-nuncio/
Lambat-Likha
Salok-Dunong
Ang aralin na ito ay naglalaman ng mga talakayan hinggil sa mga batayang kaalaman sa
pananaliksik. Layunin ng aralin na ito na ito na mapaunlad ang kalinangan at kaalaman ng mga
mag-aaral sa mga dulog at teorya na makatutulong sa pagbuo ng pananaliksik.
Layunin:
Lusong-Kaalaman
PAUNANG TANONG
Bago natin simulan ang talakayan para sa susunod na paksa ay maaari lamang na
dugtungan ng iyong sariling pang-unawa ang mga parirala sa ibaba.
Gaod-Kaisipan
Pagdalumat-Salita
Sa serye ng lektura sa wika na ginanap sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas,
tinalakay ni Propesor Roderick Nuncio ang maraming konsepto sa pananaliksik. Isa na
rito ang tinatawag na pagdalumat-salita. Ayon sa kanyang presentasyong powerpoint:
“Tinatawag na dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya
batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga salitang
kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging konseptong sa malalimang pag-uuri’t
paggamit nito. Tinitingnan sa paraang ito ang ugnayan ng salitang ugat at ang varyasyon
ng mga pagbabanghay ng salita na nagluluwal ng sanga-sangang kahulugan (Nuncio at
Morales-Nuncio 2004: 167).”
Bagamat madalas itong iniuugnay sa kwantitatibong pag-aaral, maaari din itong gamitan
ng kwalitatibo, o kombinasyon ng kwantitatibo at kwalitatibong pag-aaral.
Layag-Diwa
https://1715373997.rsc.cdn77.org/wp-content/uploads/2015/11/Pamahiin-PSP-PSU.pdf
https://ejournals.ph/article.php?id=7970
http://iskwiki.upd.edu.ph/index.php/
Pagpapabida_sa_Kontrabida_Isang_Paghahanap_at_Pagsusuri_sa_Konstruksiyon_at_Diskurso_
ng_Kontrabida_sa_Teleseryeng_Walang_Hanggan#.WgFMDY9L_cs
Lambat-Likha
Gawain 1. Pananaliksik
Salok-Dunong
Gawain 2.
Panuto. Gumawa ng isang pagsusuri gamit ang mga pamamaraan o dulog na natalakay sa aralin.
(Pumili lamang ng isang dulog)
Dalumat-salita
Content Analysis
Discourse Analysis
*Paaprubahan muna sa guro ang napiling pag-aaral o pagsusuri bago simulan ang paggawa.