You are on page 1of 48

Batayang kaalaman sa mga teorya sa

pananaliksik na akma o mula sa lipunang


pilipino
ideya, postulado
nosyon
hipotesis

TEORYA

2
Ang teorya ay isang katawan ng mga prinsipyo o mga
teorem na kabilang sa isang paksa. Maaari ring isang pagkabatid
o pananaw sa isang bagay na gagawin, o kaya ng metodo ng paggawa
nito. Ang teorya ay maaari pa ring isang sistema ng mga panuntunan
o mga prinsipyo.

TEORYA

3
Ayon naman kay Abend (2013, sa San Juan et al, 2019)),
ang mga teorya ay binuo upang magpaliwanag, magbigay ng
prediksyon hinggil sa o makatulong sa pag-unawa sa
penomemon, at sa maraming sitwasyon, ay naglalayong suriin
ang kabuluhan at palawakin pa ang umiiral na kaalaman.

TEORYA

4
Ano ang batayang
teoretikal?

👧 Ito ay set ng magkakaugnay na konsepto,


teorya at kahulugan na nagpapakita sa
sistematikong pananaw ng isang penomena
sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o
kaugnayan ng mga baryabol sa isang
paksang pinag-aaralan.
5
▹ Ang batayang teoretikal ang estrukturang nagtatahi o
sumusuporta sa teorya ng pananaliksik Ipinapakilala at
inilalarawan nito ang teorya ng pananaliksik at pinapaliwanag
kung bakit umiiral ang suliranin ng pananaliksik.
▹ Ayon sa University of Southern California (2018), ang batayang
teoretikal ay binubuo ng mga konsepto at teorya na magagamit sa
pananliksik na pawangkaraniwang nabubuo sa pamamagitan ng
mga teorya at konsepto mula sa mga umiiral na pananaliksik na
naging bahagi ng kaugnay na literatura at kaugnay na
pananaliksik.

6
Ano ang mga konsiderasyon
sa pagpili ng teorya?

👉 ang pagiging akma sa pananaliksik


👉 linaw/dali ng aplikasyon sa
pananaliksik
👧
👨
👉 bisa ng teorya sa pagpapaliwanag o
paghahanap ng sagot sa mga tanong
ng pananaliksik

7
Tiyak na paraan kung paano mapatitibay ng batayang teoretikal
ang pananaliksik (Torraco, 1997)
1. tinutulungan nito ang mambabasa na suriing mabuti ang pananaliksik na kaniyang
binabasa;
2. iniuugnay nito ang mananaliksik sa mga umiiral na kaalaman at pananaliksik na
bahagi ng pagbabatayan ng mga paliwanag at pagsusuri sa tinitipong datos, at sa mga
sagot sa mga tanong ng pananaliksik;
3. tinutulungan nito ang mananaliksik na malinaw at hakbang-hakbang na sagutin ang
mga tanong ng pananaliksik sa pamamagitan ng swabeng transisyon mula sa simpleng
paglalarawan ng penomenon at mga obserbasyon tungo sa pagbubuo ng mga kaisipan
at/o teorya na may mas malawak na aplikasyon at magagamit sa pagsusuri ng iba pang
kaugnay na penomenon, sitwasyon, at iba pa,
4. nililinaw rin nito ang saklaw at limitasyon ng pagsusuri sa datos at/o pagbubuo ng mga
kaisipan at/o teorya na isasagawa ng mananaliksik.

8
Breakout Rooms

▹ Breakout room 1
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa (A.B)
▹ Breakout room 2
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog (A.B)
▹ Breakout room 3
Ningning at Liwanag (E.J)
▹ Breakout room 4
Kartilya ng Katipunan (E.J)
9
1. Tungkol saan ang akdang binasa?
2. Ano ang mensaheng
pinababatid/nakapaloob sa akda?
3. Magbigay ng 3-5 linya/ideolohiya na
tumatak sa inyong puso. Bakit? 10
Mga Diskurso sa
Nasyonalismo
A PICTURE IS worth A THOUSAND WORDS

11
Ano nga ba ang nasyonalismo?

Ang nasyónalismo ay isang sistema ng paniniwala o


ideyolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa
interes ng bansa, ng identipikasyon nang may pagmamalaki sa
kultura at tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating matamo
ang pambansang pagsulong. (Philippine Cultural Education )
Tumutugon hindi lamang sa pagiging makabayan kundi sa
pagkakaroon ng paninindigan, karapatan, diwa, at pakikisangkot
para sa lipunan. Tinatawag din itong makabayang pilosopiya.
(Philippine Ejournals)
Ang nasyonalismo ay pag-ibig sa bayan.
12
Ano nga ba ang nasyonalismo?
Bahagi nito ang paggigiit sa soberanya ng bansa, kalayaan,
at pag-asa sa sarili kakayahan (Lichauco, 1968
Malinaw na konsepto ng mga elementong bumubuo sa
pagiging nasyon ng isang bansa, at bagay na nagtatangi at
nagpapakita ng kaibahan nito sa iba pang nasyon (Alfonso,
1967, De La Costa, 1965, Osorio, 1963, Tañada, 1955).
Ang nasyonalismo ay pagsasakripisyo para sa bayan.(Rizal)
Kaugnay din ng nasyonalismo ang katapatan sa mga
institusyon, tradisyon, at pagpapahalaga sa kasaysayan
(Abueva, 1999). 13
Nationalism (2009)
Anthony Smith

Nasyonalismo= Pagkakaroon ng Nasyon


Objective Factors- wika, relihiyon, asal, teritoryo, at
institusyon
Subjective Factors- saloobin, pang-unawa, at sentimyento
ng mga mamamayan
14
▹ Miseducation of the Filipino/Lisyang Education ng
mga Pilipino ( Renato Constantino)
Isang artikulo kung saan sinuri ang kasaysayan ng
edukasyon sa bansa, partikular ang sitwasyon nito kung saan
direktang kolonya pa ang Pilipinas.
Nilinaw niya na ang nasyonalismo ay hindi lamang isyung
kultural, kundi politikal at ekonomiko rin.
Ayon kay Constantino, kinakailangan itransporma ang
sistema ng edukasyon ng bansa upang matiyak na maka-
aambag ito sa pag-unlad ng bansa.
▹ Miseducation of the Filipino/Lisyang Education
ng mga Pilipino ( Renato Constantino)
Ang edukasyong Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong
edukasyon. Dapat ito ay ibatay sa adhikain ng bansa. Ang
layuning ng edukasyon ay hindi lamang makalikha ng mga
babae at lalakeng marunong bumasa at sumulat at marunong
magkwenta. Pangunahing layunin nito ang mahubog ang isang
mamamayang may malasakit sa bayan at nauunawaan ang
pagiging bansa. Isang mamamayang binibigkis ng layuning
paunlarin ang buong lipunan hindi lamang ang kani-kanilang
sarili.
▹ Miseducation of the Filipino/Lisyang
Education ng mga Pilipino ( Renato
Constantino)
Oo nga’t itinuturo sa mga mag-aaral ang buhay nina
Rizal at Bonifacio. Ngunit hindi inaaaakma ang kanilang
aral sa kasalukuyang suliranin ng ating bayan at itinuturo
ang kanilang buhay bilang mga malikhaing kwento tungkol
sa mga nakalipas na pangyayari tungkol sa mga nakalipas
na pangyayari na nakasisiyang pakinggan ng mga bata. .
▹ Miseducation of the Filipino/Lisyang Education
ng mga Pilipino ( Renato Constantino)
Ang tungkulin ngayon ng edukasyon ay iwasto ang mga
maling pananaw na ito. Dapat na nating isipin ngayon ang
ating sarili, ang ating kaligtasan at ang ating kinabukasan. At
hanggang hindi na natin inihahanda ang kaisipan ng mga
kabataan sa pagpupunyaging ito, mananatili tayong
mamamayang walang pakialam sa ating bayan na walang
pakialam sa ating bayan na walang tiyak na patutunguhan at
hindi tiyak ang kasasapitan ng bawat bukas.
TEORYANG DEPENDENSYA

19
TEORYANG DEPENDENSYA

🏰
Ang teoryang dependensya ay ang paniniwala na ang pinagkukunang-yaman ay
dumadaloy mula sa "silid" ng nasa mahihirap na kalagayan tungo sa "sentro" ng
mayayamang estado, kung saan ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghirap ng isa. Ito
ay sentral na argumento ng teoryang dependensya na ang mahihirap na estado ay
pinagkaitan at ang mayayaman ay pinagkalooban sa paraan kung paano isinama ang
mahihirap sa "pamamalakad ng mundo.“
20
TEORYANG DEPENDENSYA

🏰
TEORYANG MODERNISASYON

21
TEORYANG MODERNISASYON
Ang lahat ng lipunan ay umuunlad sa pamamagitan ng
magkakaparehong hakbang sa pagsulong, kung kaya ang
tungkulin sa pagtulong sa mga lugar na hindi makawala sa
kahirapan ay iahon sila sa dapat na panglahatang landas ng
pag-unlad sa iba’t ibang paraan kagaya ng pamumuhunan,
pagbabahagi ng teknolohiya, at mas malapit na integrasyon sa
mundong pangkalakalan.
TEORYANG DEPENDENSYA
Pagtutol na ang mahihirap na bansa ay hindi lamang naunang
bersiyon ng maunlad na mga bansa , subalit may sarili at
kakaibang katangian at istruktura; at higit sa lahat ay nabibilang
sa dehadong kasapi sa ekonomiya ng mundong pamilihan. 22
Sa pananaw ng mga naniniwala rito, pinagsasamantalahan ng
mga bansang industriyalisado ang mga bansang mahirap sa
pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya, bagay na may epekto
sa sistemang political at kultural ng bansa.

RAUL PREBISCH THEOTONIO DOS SANTOS 23


Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensya sa Edukasyon:
Ideolohikal na Kritik ng programang K to 12 sa Pilipinas ( Renato
Constantino)
“Walang saysay ang anumang programang pang-edukasyon kung hindi
nito isinasaalang-alang ang kaunlaran ng mga mamamayan ng bansa. Sa
mas tahas na pananalita: walang saysay ang edukasyong hindi
nasyonalista, kahit pa ito’y sumunod sa“pamantayang global.”

▹ Binigyang-diin ni Constantino na hangga’t kontroladong mga dayuhan at


ng mga Pilipinong elite na kanilang kasabwat, ang ekonomiya, politika
at kultura (kasama na ang edukasyon) ng Pilipinas, mananatiling
mahirap at walang pag-unlad ang mayorya ng sambayanang Pilipino.
24
Pambansang Salbida at Kadena ng Dependensya: Isang
Kritikal na Pagsusuri sa Labor Export Policy ng Pilipinas (DM.
SAN JUAN)

“Higit na malaki ang pakinabang ng mga bansang mauunlad at


mayayaman sa capital sa ganitong sistema ng nangingibabaw
sa mga bansa sapagkat

1. Ang puhunan nila sa Third World ( mahihirap na bansa) ay


tumututubo ng malaki
2. Kontrolado ang maraming pinansyal na institusyon g gaya
ng IMF, World b]Bank at maging ang mga malalaking
pribadong bangko na nagpapautang sa bansang Third World
25
Pambansang Salbida at Kadena ng Dependensya: Isang
Kritikal na Pagsusuri sa Labor Export Policy ng Pilipinas
(DM. SAN JUAN)

3. Hindi nila gaanong tinutulungan ang bansang Third World


sa teknolohiya at pagmamanupaktura ng makinarya upang
mapanatili ang kanilamg lucrative na monopolyo rito.
4. Mababa ang halaga, sa pangkalahatan ng mga hilaw na
materyales at semi-manupaktura ng Third World na
ineeksport sa mga bansang mauunlad at mayaman sa
capital , kumpara sa halaga ng makinarya at teknolohiya at
iba pang produktong iniimport ng una sa huli
26
Pambansang Salbida at Kadena ng Dependensya:
Isang Kritikal na Pagsusuri sa Labor Export Policy
ng Pilipinas (DM. SAN JUAN)

5. Ang migrasyon ng mga manggagawa/


propesyunal mula sa Third World patungong mga
bansang mauunlad at mayayaman sa capital ay
nakakabawas sa pangkalahatang yamang tao
(human resources) na kinakailangan ng una upang
maiahon sa kahirapan at dependensya ang
kaniyang sarili. 27
PUHUNAN
UTANG
BANSANG MAKINARYA/TEKNOLOHIYA
MAUUNLAD
IMPORT
AT PILIPINAS
DEPENDENSYA SA
MAYAMAN EKONOMIYA
SA KAPITAL EKSPORT
MANGGAGAWA/PROPESYUNAL
HILAW NA MATERYALES
SEMI-MANUPAKTURA
TUBO
Economic dependence ng Pilipinas sa mga bansang
maunlad at mayaman sa puhunan/kapital
PANGKAT 1: TATA SELO (1,2,3)
https://www.tagalogshortstories.net/rogelio-sikat---
tata-selo.html
PANGKAT 2: TATA SELO (4,5,6,7)
PANGKAT 3:WALANG PANGINOON (1,2,3)
http://markjan-markjan.blogspot.com/2009/11/walang-
panginoon-ni-deogracias-rosario.html
PANGKAT 4: WALANG PANGINOON (4,5,6,7)

29
MARXISMO

30
Ang Marxismo ay isang pandaigdigang pananaw at
pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng
mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang
interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektikong
pananaw ng pagbabago ng lipunan. Gumagamit ng ekonomiko
at sosyo-pulitikal na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista
na siya namang ginagamit sa analisis at kritika ng pag-unlad
ng kapitalismo at ang ginagampanan ng tunggalian ng uri sa
sistematikong pagbabagong pang-ekonomiya.

31
32
FRIEDRICH ENGELS

KARL MARX
33
Umiikot ang teoryang MARXISMO
bilang teoryang pang-ekonomiya,
sosyolohikal, metodong
pilosopikal at panghimagsikang
pananaw sa pagbabago ng
lipunan. 34
Ang Marxismo sa Pilipinas (San Juan, et al, 20199) ay karaniwang ginagamit sa
panunuring pampanitikan kung saan sinasagot nag mga sumusunod na katanungan.

1. Ano-anong uring panlipunan (social class) ang nasa teksto pelikula at iba
pa?
2. Paano nagtutunggalian ang mga uring panlipunan sa teksto, pelikula at
iba pa?
3. Sino ang naaapi at sino ang nang-aapi, nagsamantala o
pinasamantalahan sa teksto, pelikula at iba pa?
4. Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang api o
inapi, ang nagsamantala o pinagsamantalahan?
5. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyonng mapagsamantala ang
karakter?
6. Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
7. Aling uri ng panlipunan ang nagtagumpay sa huli? 35
“Kontra-Gahum: Pagsipat sa Tema,Pilosopiya at Ideolohiya ng Piling
Kontemporaryong Tulang Radikal Tungo sa Kontekstwalisasyon ng
Kritisismong Marxista” ni San Juan (2010)
https://ejournals.ph/article.php?id=6188

-inilahad ang tatlong karagdagang tanong ng mga


Marxistang mananaliksik kagaya ng pag-alam sa paraan kung
paano nagsisilbing propaganda ng status quo ang katha; o
kung ito ba’y nagtatangkang sumalansang sa status quo ; ang
sinasabi ng katha ukol sa pagsasamantala; o kung isinasantabi
nito ang mga tunggalian sa lipunan o dili kaya’y isinisisi sa
ibang bagay; at kung may solusyon inihahayag ang katha sa
mga suliraning inilahad nito. 36
Sa mga kabanata sa libro, tatlong hakbang
ang isinasaad: 

Pag-aklas bilang impetus sa panunuring


historikal at panlipunan na susing kawing ang
panitikan
 Pagbaklas bilang pagbuwag sa naunang
formalistiko at makasentrong-sining na
panunuring pampanitikan;
 Pagbagtas bilang mapagpalayang pagdalumat
sa panitikang pangunahing nagsasaalang-alang
ng makauring panunuri.
Pag-aklas ay paghahanap ng mga kontraryong bagay at karanasan na
nagpapaliyab sa mga mambabasa-mammayan na lumaban sa abang
political na designasyon at kinalalagyan, na mayroon siyang ahensya at
maaaring makapagbuo ng kolektibo ng kahalintulad na lagay na
makakatapat sa elaborasyon at rebersal ng hegemoniya ng Sistema.
Pagbaklas ang pagkilos tungo sa pagbuyangyang sa panitikan, at
maging sa kasaysayan sa lipunan, bilang panlipunang konstruksyon at
sa paghimay ng mga bahaging bumubuo ng estruktura ng
kapangyarihan ay nagpapakitang hubad ang marahas na
kapangyarihan, nakakapagmapa ng paraan ng pagbalikwas sa
kapangyarihan para ibunyag na hindi ito metatag o monolitikong
estruktura.
Pagbagtas ay paghahanap ng alternatibo at kakaibang daang maaaring
tahakin tungo sa pagbuo ng rebolusyonaryong pananaw, pananaw na
makakapag-interrogate at sa proseso ay makakapagbalikwas sa
namayaning kaayusan . Ito ay transpomasyon ng namamayani tungo sa
demokratiko , makatarungan at mapagpalayang hinaharap.
Feminismo ▹ Ito ay ang kilusan na ang layunin ay ipatupad ang
mga karapatan ng kababaihan sa pulitika,
ekonomiya at lipunan.
▹ Ano ang mga tinatalakay sa teoryang feminismo?
-Ang pagsalungat sa ideya na mahihina, marupok,
pantahanan, masama, emosyonal at tanga ang mga
babae.
-Pagtuligsa sa patriyarkal na lipunan
▹ Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo:
-babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
ipinapakita ang mabubuti at magagandang katangian ng
tauhan na ito.
PANANAW FEMINISMO
▹ Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng
ibinibigay sa babae.
▹ Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga
karanasan ng kababaihan sa matapat na pamamaraan.
▹ Sa estilo, malaya ito at karaniwan ang ginagamit na
pananalita.
▹ Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at
realistiko
▹ Sa tauhan, hindi na de-kahon ang mga kababaihan
kundi aktibo na.
Mga akdang Feminista
▹ Ang Marxistang Lapit sa Isyu ng Kababaihan (Judy
Taguiwalo)
Bagamat may pagpulà sa Marxismo bilang bulag sa isyu ng opresyon ng
kababaihan, naniniwala akong may malinaw na tindig sa teorya at praktika
ang Marxismo sa usapin ng kababaihan at hindi komprehensibong Marxismo
ang nagsasabing Marxismo ito nang hindi sinasaalang-alang ang aping
kalagayan ng kababaihan at ang pangangailangan sa kanilang paglaya. Para
sa akin, patuloy na may katuturan ang Marxismo sa orihinal na pagsusuri at
tindig nito para maintindihan ang aping kalagayan ng kababaihan sa isang
lipunang makauri at para mabago ang kalagayang ito bilang bahagi ng
kabuuang agenda ng panlipunang pagbabago.
Mga akdang Feminista
▹ “Mga Tinig mula sa Ibaba” (Teresita Gimenez
Maceda)
Ang kasaysayan ng kilusang panlipunan sa Pilipinas sa
pamamagitan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusuri at
kontekstwalisasyon ng mga awitin na mga nabanggit na
organisasyon ng mga manggagawa, magsasaka at iba pa..
Ang mga tunggalian ng mga uring panlipunan ay malinaw
na maririnig sa mga awitin, mababasa sa mga pahayag ng
mga ordinaryong mamamayan-ng mga tinig mula sa ibaba.
SlidesCarnival icons are editable shapes.

This means that you can:


● Resize them without losing quality.
● Change fill color and opacity.

Isn’t that nice? :)

Examples:

43
CREDITS

Special thanks to all the people who made and released


these awesome resources for free:
▹ Presentation template by SlidesCarnival
▹ Photographs by Unsplash

44
EXTRA RESOURCES
For Business Plans, Marketing Plans, Project Proposals,
Lessons, etc

45
Now you can use any emoji as an icon!
And of course it resizes without losing quality and you can change the color.

How? Follow Google instructions https://twitter.com/googledocs/status/730087240156643328

✋👆👉👍👤👦👧👨👩👪💃🏃💑❤
😂😉😋😒😭👶😸🐟🍒🍔💣📌📖🔨
🎃🎈🎨🏈🏰🌏🔌🔑 and many more...
46
DIAGRAMS & INFOGRAPHICS

47
Free templates for all your presentation needs

For PowerPoint and 100% free for personal or Ready to use, professional Blow your audience away
Google Slides commercial use and customizable with attractive visuals

You might also like