You are on page 1of 1

7

Kahulugan ng mga katawagan

Senior High School. Ito ay karagdagang dalawang taon ng pag-aaral na may


kinalaman sa ispesipikong kurso na tatahakin upang magsilbing paghahanda sa kolehiyo
o maaaring sa negosyo o trabaho depende sa kinuhang strand.

K-12. Ito ay karagdagang grade 11 at 12 na ipinatupad ng pamahalaan at


kagawaran ng edukasyon na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng High
School.

Kurikulum. Ito ay disiplina sa paaralan, mga aklat at mga kagamitang ginagamit,


paggawa ng bahay-aralin, mga pagpapahalaga, mga pagsusulit at kung anu-ano pang
itinuturo ng guro na may kinalaman sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Estudyante. Karaniwang kabataan na pumapasok sa paaralan o kumukuha ng


leksyon o kurso bilang paghahanda sa isang gawain.

Guro. Ito ay isang taong propesyunal na nagbibigay ng edukasyon o nagtuturo ng


leksyon sa mga mag-aaral.

Suhestyon. Masasabi ng isang tao tungkol sa mga pangyayari.

Saloobin. Kalagayan ng pagkilos at pag-iisip bunga ng damdaming naghahari sa


isang tao.

Magulang. Ito ay isang ina o ama na nag-aalaga ng kanilang supling at


nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak.

Epekto. Ito ay isang kinalabasan, naging resulta o naging bunga ng isang


pangyayari, bagay at mga sitwasyon.

Iskema. Diyagram na ginagamit sa pagrepresenta.

Kinauukulan. May kapangyarihan sa pagdedesisyon sa isang bagay o


pangyayari.

You might also like