You are on page 1of 3

5

Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang gumawa ng interaktibong pagsusuri sa


mga naging epekto ng kurikulum K-12 sa mga mag-aaral at guro ng ito’y naipatupad sa
pamantayan ng Villaflores College. Ang pananaliksik na ito ay may mga katanungang
sisikapin na mabigyang kasagutan:

1. Ano ang mga naging epekto ng kurikulum K-12 magmula ng ito’y naipatupad?
1.1 Postibong Epekto
1.2 Negatibong Epekto
2. Bilang isang mag-aaral, Ano ang iyong saloobin hingil sa pagsasakatuparan nito?
3. Ayon sa mga sumasang-ayon sa programang ito (K-12), ito raw ay makakapag palago
at makakapagpalawak ng kalidad ng edukasyon dito sa Pilipinas. Ikaw ba ay
sumasang-ayon rito?
4. Sa iyong palagay, may sapat na bang pondo ang gobyerno upang magtagal ang
programang K-12?
5. Kung ikaw ang tatanungin gusto mo bang ipagpatuloy ng gobyerno ang programang
ito?

Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral at magiging
kapaki-kapakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang magkaroon ng


karagdagang impormasyon at kaalaman ang mga estudyante sa Senior High School na
may tanong sa kanilang isipan kung bakit ipinatupad ng kinauukulan ang kurikulum K to
12 sa Pilipinas. At ipamulat sa mga estudyante ang reyalidad na kailangan nilang maging
mas handa sa kanilang pag tahak sa kolehiyo. Sa pamamagitan din nito ay mas
mabibigyang linaw ang mga katanungan nila tungkol dito.
6

Sa mga guro. Ito ay makatutulong upang malaman kung ano ba ang pananaw ng
kanilang mga estudyante ukol sa pagpapatupad ng kurikulum K to 12 sa Pilipinas. Sa
pamamagitan din nito, Mas mapapatnubayan nila ang kanilang mag-aaral upang mas
maging handa sa pagtahak sa kolehiyo

Sa mga magulang. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay makatutulong upang


masagot ang mga katanungan ng mga magulang ukol sa pag papatupad ng kurikulum K
to 12 sa ating bansa. Mas maliliwanagan din ang mga magulang kung ano ang
kahalagahan ng programang ito sa mga estudyante. At makatutulong din ito upang mas
suportahan ng mga magulang ang kanilang anak sa Senior High School

Sa Paaralan. Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay magiging gabay


ng mga estudyante ang mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik sa kanilang
mga katanungan tungkol sa pagpapatupad ng kurikulum K to 12. Ito rin ay magiging susi
sa pag unlad ng paaralan sa kadahilanang mas maiintindihan na ng mga estudyante kung
bakit ipinatupad ng pamahalaan ang programang ito.

Sa Pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay magiging instrumento upang


maipaalam sa pamahalaan ang mga hinaing ng mga estudyante ukol sa pag papatupad ng
kurikulum Kto12 sa pilipinas. At mas maliliwanagan sila sa mga opinion at saloobin ng
mga mag-aaral sa mahahalagang datos na nakalap ng mga mananaliksik Sa tulong nito,
maaaksyonan nilang ang problemang kailangan lutasin.

Sa mga susunod pang henerasyon. Ito ay makatutulong upang sila ay


magkaroon ng malawak na pananaw at karunungan. Mapapalawak ang kanilang isipan sa
hinaharap, makatutulong din ito upang masagot ang kanilang katanungan pagdating ng
panahon.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag aaral na ito ay sumasaklaw sa pananaw ng mga mag-aaral sa positibo at


negatibong epekto ng kurikulum K to 12 sa Senior High School ng Villaflores College.
Ito ay gagawin sa isang semester lamang sa loob ng taong 2019-2020.
6

You might also like