You are on page 1of 5

I.

Panimula
Sa pagsapit ng patuloy na modernasisasyon hindi maiiwasan ang pagbabago ng
maraming bagay kung saan ang mga tradisyon at nakagawian at tuluyang nagbabago pang
linangin ang luma at palitan ng bago. Isa na sa mga pagbabagong ito ay ang pagbabago sa
aspetong edukasyon.Sa kasalukuyan ang ating Kagawaran ng Edukasyon ay bumuo ng
panibagong edukasyon kung saan maghuhubog nito ang mga estudyante na makamit ang
kinakailangang kaalaman at kahusayan sa pagpapatuloy ng pag-aaral o sa pagtratrabaho. At ito
ang K-12 kurikulum, isang panibagong uri ng sistemang edukasyong sa Pilipinas na naglalayong
ipagbuti ang mga mag-aaral upang maging mas handa sa kinabukasan.Bagama’t maganda ang
layunin ng panibagong sistemang edukasyon na ito di pa rin natin maikakaila na maraming hindi
sang-ayon rito.Mula sa lumang Sistema papunta sa panibago at mas moderno masasabing
marami pa itong pagkukulang at mga suliraning ikinahaharap.Sa tekstong ito ay matatalakay ang
mga suliraning ikinahaharap ng sistemang K-12 at ang mga opinyon at pagsalungat ng ibang
mamamayang Pilipino.Matatalakay din rito ang mga benepisyo sa K-12 na programa.Sa testong
ito ay mauunawaan mo ang kahalagahan ng K-12 at ang mga mabuting epekto nito sa ating mga
Pilipino.Ipapaliwanag rito kung ano nga ba ang K-12 na programa at kung bakit ito ipinatupad sa
ating bansa at kung paano nga ba ito makatutulong sa atin.

Sang-ayon k aba sa K-12 Kurikulum?

Sa Pilipinas,isa sa mga programang ipinapatupad ay ang K-12.Taong 2011,


naipatupad ang programang ito ng Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas.Isa itong programa
para sa edukasyon na upang maging paraan sa pag-unlad ng bansa.Dahil sa mahabang proseso
upang maipatupad ito,ang pamahalaan ay maraming problemang kinakaharap dahil ito ay isang
pangangailangan upang mapaghusay ang kalidad ng edukasyon dito sa ating bansa.Sa
programamng ito,maraming benepisyo ang makukuha ng bawat Pilipinong mag-aaral.Ayon kay
Isagani Cruz(2010) mayroong ilang mabubuting kadahilanan upang hindi natin tutulan ang
kurikulum ng K-12.Ang layunin nito ay mapahusay ang pangunahing kurikulum ng edukasyon
dito sa ating bansa.Ito ay makakatulong sa bawat mamamayang Pilipino dahil bawat isa ay
nangangailangan ng dagdag kaalaman sa pamamagitan ng pagdagdag ng dalawa pang taon s pag-
aaral.Ngunit maraming miyembro ng Akademiya,mga estudyante at mga magulang ang unang
tumanggi sa pagbabagong ito kahit noon pa lamang na iminumungkahi ito.Sa parte naming mga
estudyante ,una naming naging reaksyon ay nadismaya bagama’t dagdag perwisyo lamang
ito.Gayon na rin sa mga magulang dahil dagdag gastos lamang ito.Para naman sa mga
administrador ng paaralan,napakalaki at napakalalim ng kakailanganing reporma at pananaliksik
para matugunan ang pangangailangan ng K-12 Na programa.Sa kabila ng mga pagtutol,naituloy
rin ang pagbabago sa Edukasyon ng Pilipinas.Bakit nga ba itinulak ng pamunuan ng DepEd ang
K-12 na kurikulum?Ayon sa pamunuan ng DepEd,dumaan ito sa masusing pag-aaral.Sinasabi na
isa sa mga mabuting dulot nito ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na mahasa
sa ibat’t ibang larangan ng espesiyalisasyon tulad na lang ng animation.

Ang pag-aaral sa kindergarten at 12 na taon ng pangunahing edukasyon ay


layong magbigay ng sapat panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga magaaral ang
mga konsepto at mga kasanayan na kakailanganin para sa tertiary education o kolehiyo at
unibersidad, pati na sa pagtatrabaho at pagnenegosyo. Ayon sa DepEd ang K-12 ang solusyon sa
dumaraming bilang ng out-of-school youth. Ayon rin sa DepEd,ang Pilipinas ang huli sa mga
bansa sa Asya na nagpapatupad pa ng 10-taong pangunahing edukasyon.Sinasabing ang 13 taong
programa ang pinakamabisang haba ng panahon upang lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga
bata.Ganito ang programang ipinapatupad ng mga mauunlad na bansa sa buong mundo.Ang K-
12 program ay nahahati sa Kindergarten,Primary Education,Junior Highschool, at Senior
Highschool.

Ano nga ba mabuting dulot ng sistemang ito?Una,pinapatibay at pinapahalagahan


ang maagang pag-aaral ng bata sa Kindergarten.Ang unag 6 na taon ng isang bata ay ang mga
kritikal na taon para sa pag-unlad ng utak.Ikalawa,idinagdag sa curriculum ang makabuluhang
mga aralin sa buhay tulad ng diskusyon at pag-aaral tungkol sa pagbabawas ng Disaster
Risk,Climate Change Adaption at Information & Communication Technology(ICT), na sadyang
mahalaga sa mga mag-aaral na Pilipino.Ikatlo,may integrasyon at Seamless Learning o Spiral
Progression ang pag-uulit ng pag-aaral ng mga konsepto at aralin mula pinakasimple hanggang
sa pinakakomplikado,sa bawat grado o baitang.Inaayon ito sa mga mag-aaral,kaya’t higit na
naiintindihan at naaalala ang bawat aralin.Ika-apat, itinituro ang mga aralin gamit ang sariling
wika,o tinatawag na Mother Tongue-Based Multilingual Education sa unang 3 baitang,bago ituro
ang ikalawang wika tulad ng Ingles.May 12 mother tongue na sinimulang gamitin noong 2012-
2013:Bicolano,Cebuano,Chavacano,Hiligaynon,Ilokano,Kapampangan,Maguindanaoan,Maranao
,Pangasinense,Tagalog,Tausug at Waray.Idinagdag din ang Aklanon,Ibanag,Ivatan,Kinaray-
a,Sambal,Surigaonon,at Yakan ngsumunodna taon.Ikalima, may pitong learning areas at tatlong
espesyalisasyon na maaring pagpilian ang mga mag-aaaral para sa senior high school, ang 2 taon
na specialized upper secondary education.Ang core curriculum learning areas ay languages
,literature, communication, mathematics ,philosophy, natural sciences, at social sciences.At ang
ika-anim, itinuturo ang information, media, at technology skills, learning at innovation
skills,communication skils at career skills,para lumaking handa sa lahat ng pagsubok lalo na
bilang isang adult.

Junior Highschool ang tawag sa dating 4 na taon ng highschool.Ang Senior


Highschool naman ang ika-11 at ika-12 taon, na naghahanda sa mga kabataan para sakanilang
pagtatrabaho.Ito ang specialized upper secondary education,na base sa kakayahan at interes ng
isang mag-aaral.May mga maaaring piliin para sa espesyalisasyon o specific track ito ay ang mga
Academic Business & Management(ABM), Humanities & Social Sciences(HUMMS), Science,
Technology, Engineering, & Mathwmatics(STEM), Geneal Academic Strand(GAS)

Mabuti nga ba ang mga pagbabago?Halos 6 na taon na ang nakalipas mula ng


sinimulang ipatupad ang bagong sistemang ito sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa
buong Pilipinas.Maraming sumalungat noon pa lamang, ngunit sa ngayon, may karamihan na rin
ang may nakikitang kabutihan at kahalagahan ng programang ito.Ayon sa mga guro at mga mag-
aaaral, isa sa mga kabutihang dulot nito ay ang pagkakaroon ng mga asignatura at araling
praktikal at nagagamit ng mga mag-aaral sa araw-araw na pamumuhay.Ang mga aralin ngayon
ay may practical application, ika nga.At dahil nga masmaraming taon ang pag-aaral at
paghahanda,naging competitive ang Pilipino kapag nag-aapply sa ibang bansa.Sunod na kasi sa
education requirements na pang-international, na higit sa 10 taon, base nga sa programa sa mga
mauunlad na bansa.

Sa kabilang banda,ayon sa mga nabigay ng opinyon,hindi solusyon ang


karagdagang taon sa pag-aaral sa humihinang kalidad ng batayang edukasyon. Ayon mismo sa
resulta ng Trends in International Mathematics and Science Studies, maraming bansa na may 10
taong batayang edukasyon o mas maiksi, tulad ng South Korea at Singapore, ang nakakuha ng
pinakamatataas na marka. Ilang mga bansa naman na may programang K-12, tulad ng Chile at
Saudi Arabia, ay nakakuha ng mababang marka. Pinapakita nito na sa halip na karagdagang taon
sa batayang edukasyon, ang tunay na makakapagpataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang
mataas na budget para sa maayos na gamit, libro at iba pang pasilidad, at gayundin ang mataas
na pasahod sa mga guro at kawani. Ayon rin sa pag-aaral ng ACT, ang mga pampublikong
paaralan sa bansa ay nakakaranas ng 182,483 kakulangan sa mga guro, 97,685 kakulangan sa
mga silid-aralan, at 153,709 kakulangan sa palikuran. Muli, hindi solusyon ang K-12. Ang tunay
na solusyon ay ang pagpapahalaga ng gobyerno sa edukasyon at paglalaan ng pondo para
rito.Sumalungat rin ang iba sa sinabing pahayag na hindi na kailangan makapagtapos ng
kolehiyo para makapagtrabaho,ang pahayag raw na ito ay baluktot at etelistang katwiran.
Pinapatunayan lamang daw nito na ang karapatan ng mga kabataang makapag-aaral sa kolehiyo,
makapili ng propesyon at magkaroon ng oportunidad para matulungan ang kanilang pamilya na
umasenso sa buhay ay itinuturing na pribilehiyo lamang ng may kakayahang makapagbayad ng
matrikula sa kolehiyo. Kung wala ka nito, sisiguruhin ng K-12 na makapag-aral na lamang ng
bokasyunal at teknikal kahit hindi ito ang iyong nais, para sa pagtatapos ng sekundarya ay maaari
nang maghanapbuhay. Dagdag pa, sa K-12, inaasahang magtatapos ang mga mag-aaral sa edad
na 18—legal na edad para makapag-trabaho. Maliban dito, hindi rin nasosolusyunan ang
kawalan ng trabaho ng mga kabataang nakapagtapos ng kolehiyo. Ayon sa pag-aaral, humigit-
kumulang na 461,000 Pilipinong nagsipagtapos ng kolehiyo noong taong 2008 ang walang
trabaho.Sumalungat rin ang mga tao sa pahayag na ang mga nagsisipagtapos sa programang K-
12 ay maituturing ng mga propesyunal at may mataas na pinag-aralan sa ibayong dagat sinasabi
na ang pahayag na ito ay walang kabuluhan.Malisyoso lamng nito na itinutulak ang mga
kabataan na mangibang-bansa imbis na hikayatin ang mga ito na maglingkod sa sariling bayan.
Hindi masisisi ang mga kabataang piniling iwan ang kanilang mga pamilya upang mabigyan sila
ng mas maginhawang buhay na ipinagkakait sa kanila sa sariling bayan. Subalit responsibilidad
ng gobyerno na lumikha ng mga programang pang-ekonomiya kung saan hindi na kakailanganin
pa ng ating mga kabataan ang lisanin ang bansa para maghanapbuhay. Ang K-12 ay panakip-
butas at palusot lamang ng gobyerno sa kawalan nito ng kakayahang lumikha ng balangkas para
sa pambansang industriyalisasyon kung saan ang ating bansa mismo ang makikinabang sa ating
lakas-paggawa imbis na mga dayuhang nagpapakasasa sa mababang pasahod sa ating mga
kababayang overseas Filipino workers. Resulta rin nito ang papalalang alisan ng utak kung saan
kinakapos na tayo sa mga propesyunal at mga bihasang manggagawa na siya sanang
magtataguyod ng ating bayan. Ang edukasyon ay isa sa mga armas natin para mapaunlad ang
bayan. Ang K-12 ay nakadisenyo upang pagsilbihan ang mga dayuhang mamumuhunan na ang
tanging interes ay magkamal ng tubo mula sa kanilang natitipid sa ating murang lakas-paggawa.
Walang makabuluhang pagbabago ang makakamit sa pagdaragdag ng taon at pagpapalit ng
nilalaman ng kurikulum sa batayang edukasyon kung ang mga ito ay hindi nilalangkapan ng
makabayan, makamasa at siyentipikong adhikain.

Bakit nga ba ito ipinatupad ng US-Aquino?Sinasabi ng ilan na kaya ito ipinatupad


ay dahil dikta ito ng malalaking kapitalistang dayuhan at lokal. Lalo nilang mapapalaki ang supertubo sa
pagsasamantala sa mga manggagawa. Lalo nilang madadambong ang kabang-bayan sa pagbawas ng pondo
sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan.

You might also like