You are on page 1of 37

PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN

PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL

Balatbat, Arjay I.
Balatbat, Ashlie Jane G.
Cabellon, John Michael P.
Espeleta, Jane Dianne B.
Musni, Joemil M.

Pulung Santol National High School

March 2020
PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
KABANATA I

SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang edukasyon ay ang susi tungo sa magandang kinabukasan ng mga mag-aaral.

Mula noong maipatupad ang K-12 sa ilalim ng panunungkulan ng dating pangulo ng

Pilipinas na si Benigno Aquino III.Ang K-12 ay bahagi na nang ating buhay upang

magkaroon tayo ng bagong kaalaman. Lahat ng mga mag-aaral ay may kaniya-kaniyang

pananaw sa bagong kurikulum, ang ilan ay nasasabik, natatakot, at nasisiyahan sa

pagtuntong ng Senior High School. Maaaring sila ay nasasabik dahil magkakaroon sila ng

bagong karanasan at kaalaman, natatakot dahil hindi pa sila handa, at nasisiyahan

sapagkat magkakaroon sila ng bagong kaalaman na kanilang magagamit sa kanilang

buhay. Mula noong maragdagan ng dalawang taon (2) ang dating apat (4) na taon sa

sekondarya maraming mag-aaral ang nagulat ngunit marami ding natuwa noong malaman

nila kung anong layunin ng bagong kurikulum.

Nais ng K-12 na mapalawak ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa upang

hasain ang iba’t ibang kakayahan ng mga mag-aaral upang magkaroon sila ng sapat na

ideya base sa kanilang napiling strand at maging handa sila man ay tutuloy sa kolehiyo o

agad na silang magtatrabaho pagtapos nila ng Senior High School.

Mula noong 2016-2017 naitala na ang karagdagang dalawang taon sa sekondarya

sa Pulung Santol National High School. Na may tatlong strand na maaaring tahakin o

kunin ng mga mag-aaral sa ika-sampung (10) baitang. Kabilang ditto ang STEM, HUMSS

at TVL. Mula noong naaprubahan ang K-12 ay nadagdagan ng mga gusali at kagamitan

para sa panibagong kurikulum.

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ayon kay Angel de Dios,“Ang Programang K-12 ay nagsimula noong school

year 2011-2012 ang pagkakaroon ng kindergarten sa mga pampublikong paaralan.

Noong school year 2012-2013 ay sinimulan ang implementasyon ng K-12 kurikulum sa

Grade 7 (Unang taon sa Junior High School). Unti-unting ipatutupad ang K-12

kurikulum hanggang sa makapagtapos ang unang batch ng Senior High School sa taong

panuruan 2017-2018. Batay sa plano ng gobyerno, sa school year 2018-2019

makapagsisimulang kumuha ng bachelor’s degree sa kolehiyo o unibersidad ang unang

batch ng Senior High School na dumaan sa K-12.”

Ngunit sang-ayon nga ba ang mga magulang ng mga bata ngayon sa dagdag na

dalawang taon (2) sa ating edukasyon? Para sa mga magulang, isa itong malaking

problema sa kanila sapagkat imbis na pagkatapos ng high school ng mga mag-aaral ay

magkakapagkolehiyo na dapat sila ngunit nang dahil sa K-12 mas matatagalan pa ito

dahil nga sa dalawang (2) taong idinagdag.

Hindi lahat ng mga kabataan ay may kakayahang makapag-aral. Tapos lalo pang

dumagdag sa isipin ng mga magulang ang programang K-12 kasi sa hirap ng buhay

ngayon ay hindi na madaling mapag-aral ang isang bata, kaya karamihan sa magulang ay

tutol dito sa programang K-12. Sabi nila, pagnatapos ang Grade 12 ay maaari ka nang

makapagtrabaho ngunit sa panahon ngayon ay hindi din ganon kadali makapasok. Mas

maganda pa rin kung tayo ay makapagtatapos ng kolehiyo para mas madaling makapag

aplay sa trabahong gusto nating pasukin at masabing isa na tayong propesyonal.

Iniisip din ng ibang mga magaaral ngayon na okay lang na hindi na mag olehiyo

dahil maaari na silang magtrabaho pagkatapos ng Grade 12, dahil sa programang ito ay

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
maaaring mabawasan ang mga mag-aaral sa kolehiyo sapagkat mas gugustuhin na lang

ng iba na makapagtrabaho agad kaysa mag-aral pa nang apat (4) na taon para sa kolehiyo.

Ayon sa pag-aaral ni Braza, (2014) layunin nito na malaman at matuklasan ang

mga problema at mga solusyon ng mga guro sa ikapitong (7) baitang ng sekondarya sa

pagpapatupad ng programang K-12. Sa kanyang pag-aaral sinasabi na ang mga

nakapagtapos ng pag-aaral, makalipas ang sampung (10) taon ay napansin ng nakararami

na hindi pa rin sila umaangat.

Sinasabi na ang edukasyon sa Pilipinas ay lubha nang napag-iiwanan ng iba pang

bansang pumapaligid dito. Ipinatupad ang programang K-12 upang mas mapataas ang

kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Ngunit ang pangunahing problemang nakita ng mga

Pilipino ay ang kakulangan sa pinansyal upang matustusan ang dalawang (2) taong

dagdag sa edukasyon ng mga Pilipino.

Sa pahayag ni dating pangulong Benigno Aquino III naglaan ang gobyerno ng

sapat na pera o voucher na tutulong sa pag-aaral ng mga estudyanteng magtatapos ng ika-

sampu (10) baitang. Kinakailangang makapagtapos ang mga estudyante sa loob ng labing

dalawang (12) taon upang mabigyang tsansang mapagtagumpayan ang suliraning

kinahaharap ng Pilipinas.

Lahat ng mga makapagtatapos ng Technical Vocational and Livelihood sa Senior

High School ay mabibigyan ng sertipikong NCII kung saan magagamit nila ito sa

mabilisang paghahanap ng trabaho.

Ang programang K-12 ng administrasyong Aquino na naglalayong solusyon ang

matagal na problema sa edukasyon na umani ng iba’ibang batikos. Base sa programa,

magiging mandatory ang kindergarten, magkakaroon ng anim na taon sa elementarya

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
(Grade 1 hanggang Grade 6 ), apat na taon sa Junior High School (Grade 7 hanggang

Grade 10) at dalawang taon sa Senior High School (Grade 11 hanggang Grade 12).

Subalit ayon sa Kabataan Party-List, hindi sasagot sa bumababang kalidad ng edukasyon,

sa paglobo ng bilang ng mga out-of-school youth, maging ang problema sa kawalan ng

trabaho sa bansa, ang hakbang sa pagdagdag ng taon sa batayang edukasyon.

Ayon kay Said (2017), ang programang K-12 ay naglalayong hasain ang iba’t

ibang abilidad ng mga mag-aaral base sa kanilang pipiliing strand upang maging ganap

na handa kung tutuloy man sa kolehiyo o agad na magtatrabaho ang magtatapos sa

kurikulum na ito.

Ang karagdagang dalawang taong ito ay ang Senior High School.Kabilang sa mga

paaralang nagbukas ng Senior High School noong taong 2016-2017 ay ang paaralang

Davao Central College kung saan mayroong dalawang track na maaaring pagpilian -

Academic Track at TVL o Technical and Vocational Livelihood. May tatlong strand sa

Academic Track - ABM o Accounting and Business Management, STEM o Science

Technology Engineering and Mathematics, at HUMSS o Humanities and Social

Sciences; dalawang (2) strand sa TVL Track -ICT o Information and Communication

Technology at HE o Home Economics.

Ayon kay Matre (2015). “The Adrene of 21st century created a lot of possibilities

for teachers to conduct reading strategies using various methods including the use of

information technology. The multimedia and internet, having offered easy-access to

information in veins forms can be provided multimodal strategies that are hard to

manipulate for the non-centers of the 21 st century yet the present generation are at how

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
with it.The different kinds of multimodal strategies includes digital storytelling, power

point and reading online.”

Ang pagkakaroon ng makabagong teknolohiya ay nakatutulong sa mga guro para

makagawa ng iba’t ibang estratehiya sa kanilang pagtuturo. Importanteng maging

epektibo ang kanilang pagtuturo para mas madaling maintindihan ng mga estudyante ang

kanilang mga pinag-aralan. Halimbawa ng kanilang binigyang pansin sa pagtuturo ay ang

pagsagawa ng estratehiya sa pagbabasa. Sa tulong ng internet ay mas napapadali ang

paghahatid sa mga estudyante ng mga impormasyong kailangan nilang malaman.

Nakatutulong ang pagkakaroon ng mga “Multimodal Strategies” sa mga guro at

estudyante para mas mapagaan ang pag-aaral. Ang mga halimbawa ng mga ito ay ang

“Powerpoint” na kung saan ginagamit ito sa pagpresenta ng mga larawan o datos na may

kaugnayan sa kanilang paksa. “Reading online” na may malaking tulong sa mga

estudyante dahil sa pamamagitan nito ay mas nagkakaroon sila ng ideya sa kanilang pag-

aaral bago ito talakayin ng guro sa kanilang klase.

Batayang Teyoretikal

Ayon kay dating Pangulong Benigno Aquino, kinakailangang madagdagan ng

dalawang taon ang ating “Basic Education” dahil malaki ang maitutulong nito sa mga

kabataang mag-aaral sa pangkasalukuyan at pati na rin sa susunod na henerasyon. Ang

kanyang nais ay labin-dalawang (12) taon para sa mga pampublikong paaralan para

mabigyan ang mga kabataan ng magandang kinabukasan.

Sa ilalim ng Republic Act 10533 naisulong ang pagpapatupad ng “K to 12

program” ng gobyerno. Para sa pamahalaan, layunin ng K to 12 na pataasin ang kalidad

ng edukasyon at paunlarin ang ekonomiya ng ating bansa. Layunin din nito na mas

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
ihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho kapag natapos ito sa highschool. Dahil sa

dating sampung taong, “Basic Education Cycle” ay hindi kinikilala ng ibang bansa ang

mga propesyunal na nakapagtapos sa bansang Pilipinas.

Pahayag na Tesis

Noong ika-labin-lima (15) ng Mayo taong dalawang libo’t labing tatlo,

naipatupad ang K-12 sa ilalim ng panunungkulan ng dating pangulo ng Pilipinas na si

Benigno Simeon Conjuangco Aquino III.

Ang dating apat (4) na taon sa sekondarya ay nadagdagan na ng dalawang (2) taon

dahil sa pagpapatupad ng K-12. Ang Senior High School ay ang karagdaganga dalawang

(2) taon sa sekondarya kung saan ay kailangang pumili ng track o strand ang mga mag-

aaral. Ang pag-aaral na ito ay isang importanteng bagay sa buhay ng isang tao upang

magkaroon ng karagdagang kaalaman at maging handa sa mundo ng pagtatrabaho.

Ang kagandahang dulot ng K-12 ay isang tulong sa mga mag-aaral upang

mapaghandaan ang kursong nais nilang kunin at magkaroon sila ng sapat na ideya para sa

pagtuntong nila ng kolehiyo ay madali nalang ito. Maraming mag-aaral ang

nagsusumikap na lamang na makapagtapos ng K-12 upang makakuha sila ng “Certificate

of Competency” para makapagtrabaho kaya maganda ang naidudulot nito partikular sa

mga mag-aaral na hindi na tutuntong sa kolehiyo.

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
Konseptwal na Balangkas

INPUT PROSESO AWTPUT

Ang pag-aaral na ito ay

ginawa upang makita ang Ang pamaraang gagawin sa

pananaw ng mga mag-aaral pagkuha ng datos o

ng ika-sampung baitang sa impormasyon ay ang

buhay na kanilang tatahakin sarbey-kwestyoneyr. Pananaw ng mga mag-aaral

pagtuntong ng Senior High na nasa ika-sampung

School. Nilalayon din Bibigyan ng sarbey- baitang ng Pulung Santol

nitong masagot ang mga kwestyoneyr ang mga National High School sa

sumusunod na tanong: respondate upang sumagot buhay na kanilang tatahakin

1. Ano ang mga batayan ng at makakuha ng datos. pagtungtong ng Senior High

mga mag-aaral sa pagpili ng School

strand na kanilang gusto Pagkatapos, susuriin,

para sa Senior High School. bubusisiin at bibigyang

2. Sino-sino ang mga interpretasyon ng mga

nakaiimpluwensiya sa mga mananaliksik ang mga

mag-aaral upang nakalap na datos

ipagpatuloy ang kanilang

pag-aaral.

3. Ano ang mga kadalasang

hamon sa mga mag-aaral

kung bakit hindi nila

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
naitutuloy ang kanilang

pag-aaral.
Talahanayan 1: Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang makita ang pananaw ng mga mag-aaral ng

ika-sampung baitang sa buhay na kanilang tatahakin pagtungtong ng Senior High School.

Nilalayon din nitong masagot ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang mga batayan ng mga mag-aaral sa pagpili ng strand na kanilang

gusto para sa Senior High School?

2. Sino-sino ang mga nakaiimpluwensiya sa mga mag-aaral upang ipagpatuloy

ang kanilang pag-aaral?

3. Ano ang mga kadalasang hamon sa mga mag-aaral kung bakit hindi nila

naitutuloy ang kanilang pag-aaral?

Saklaw at Limitasyon

Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay pinagtuonan ng pansin ang mga

mag-aaral sa ika-sampung (10) baitang sa Pulung Santol National High School sa taon

2019-2020, para magbigay ng impormasyon kung ano ang kanilang nararamdaman sa

pagpasok ng Senior High School sa darating na pasukan. At kung ano nga ba ang

magiging agos nito sa kanilang pag-aaral. Napili namin ang paaralang Pulung Santol

National High School, Dahil puno ng mga mag-aaral na matalas ang kaisipan na

magbibigay kasagutan sa aming pananaliksik at hika nga nila na ang Pulung Santol ay

ang Home of the Champion kung kayat aming napili itong lokasyon. Ang Pulung Santol

National High School ay may magandang kalidad ng edukasyon at ang mga guro dito ay

talaga nga namang magagaling at mahuhusay sa lahat ng asignatura.

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
Ang ika-sampung (10) baitang ang napili naming repondante dahil sila ang

makasasagot sa pag-aaral na ito kung ano ang kanilang pananaw sa pagtungtong nila ng

Senior High School at kung sa palagay nila’y makakatulong ba sakanila ang karagdagang

dalawang taon sa sekondarya.

Ang pinakapokus ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang pananaw ng

bawat mag-aaral na nasa ika-sampung (10) baitang ng Pulung Santol National High

School sa kanilang buhay na tatahakin pagtungtong ng senior high school.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Titiyakin ng mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay lubos na makatutulong

at magbibigay ng halaga sa mga sumusunod:

Mga magulang

Ang mga

Mga guro

Mga mag-aaral

Susunod na Mananaliksik

Para mas maging malawak ang kanilang gagawing pananaliksik. Maaari rin itong

makatulong upang mas luminaw ang kanilang pag-aaral at upang makakuha sila ng mga

impormasyon o ideya sa kanilang gagawing pananaliksik. Ito rin ay maaaring makatulong

sakanila upang makaisip ng bagong ideya.

Kahulugan ng Terminolohiya

Abilidad

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
Isang kasanayan o kakayahan upang gawin ang isang bagay o Gawain at kung

gano kadetermenado ang isang tao upang makamit ang kaniyang nais at ito’y ginagamit

natin sa pang araw-araw.

ABM (Accountancy, Business and Management)

Ito ay isang academic strand na sakop ng K-12 Curriculum. Nakatutok ito sa

paghasa sa kakayahan ng isang mag-aaral sa larangan ng negosyo at mga gawain may

kinalaman sa pinansyal.

K-12 Curriculum

Tinatawag ding K-6-4-2. Ito ang bagong sistema ng edukasyon na binubuo ng

kindergarten, na obligadong pasukan ng mga mag-aaral, anim na taon ng elementarya,

apat na taon ng junior high school at dagdag na dalawang taon ng senior high school.

Kurikulum (Curriculum)

Ito ay tumutukoy sa kabuuang tuon o layunin na dapat isakatuparan ng bawat

paaralan upang maabot ang mga tiyak na tunguhin sa pagtuturo.

Mananaliksik

Ito ay isang taong nangangalap at naghahanap ng mga impormasyon ayon sa

paksang nais niyang bigyang kasagutan at kailangan din niya ng sapat na oras at

mahahalagang detalye patungkol sa isang paksa.

Pananaliksik

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
Pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng penomena, ideya, konsepto,

isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.

Pananaw

Ito ang mga opinyon, puna, paninindigan ng mga kalahok higgil sa paksa.

Respondante

Ang mga sumasagot sa mga tanong ng mga mananaliksik na makatutulong sa

kanilang kasalukuyang ginagawang pananaliksik.

Sarbey

Isang paraan ng pagkalap ng mga datos kung saan ay mayroong pagtugon sa mga

katanungan o instruksyong nilalaman ng papel.

Strand

Ito ang hanay ng mga magkakaugnay na kurso na nais tahakin ng mag-aaral sa

Senior High School.

KABANATA II

METODOLOHIYA

Introduksiyon

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
Sa kabanatang ito makikita kung ano ang mga nakapaloob dito, una ay ang

metodolohiya ng pag-aaral na kung saan ano ang metodolohiya ang ginamit ng mga

mananaliksik, seting ng pag-aaral na kung saan ang lokasyon ng pag-aaral na ito, kasama

rin dito ay ang mga sample at kalahok ng pag-aaral, instrumento ng pag-aaral,

pagpapatibay ng talatanungan, pagsusuring istatistikal ng mga datos, at mga hakbang sa

pag-aaral.

Metodolohiya ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang kwantitatibong pananaliksik. Ninanais ng mga

mananaliksik na malaman ang pananaw ng mga mag-aaral na nasa ika-sampung (10)

baitang ng Pulung Santol National High School sa kanilang buhay na tatahakin

pagtuntong ng Senior High School.

Ang isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik ay gagamit ng deskriptibong

paglalahad ng mga datos na nakalap. Ito ay gagamitin upang matukoy ang personal na

pananaw ng mga mag-aaral na nasa ika-sampung (10) baitang tungkol sa buhay na

kanilang tatahakin sa pagtuntong ng Senior High School.

Ang disenyong gagamitin sa pag-aaral ay ang deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Ang deskriptibo ay higit na nakatutulong at nagpapalawak sa pagkuha ng

mga datos. Sa aming palagay mas epektibong pamamaraan sa pagkuha ng mga

impormasyon upang matapos ang kasalukuyang isinasagawang pananaliksik.

Tinatangkang suriin ng pag-aaral na ito ang pananaw at saloobin ng mga estudyante sa

buhay na kanilang tatahakin sa pagtungtong ng senior high school.

Seting ng Pag-aaral

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
Ang napiling lokasyon ng mga mananaliksik para sa pananaliksik ay ang

eskuwelahang Pulung Santol National High School. Ang Pulung Santol National High

School ay naitala noong taong isa libong siyam na daan walumpu’t tatlo (1983). Ang

nasabing paaralan ay may magagaling na guro na talaga namang maraming malalaman at

matututunan ang mga mag-aaral. Isa sa mga guro na magaling o mahusay magturo dito

ang aming guro na si Ginoong Soren Mangiliman Ramos na nagtuturo ng asignaturang

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik na tiyak na madami kang

matutunan dahil sa husay ng kanyang pagtuturo.

Ang Pulung Santol National High School ay tahanan ng mga kampyon (Home of

Champions) sapagkat sa dami ng parangal at gantimpalang nahakot nito noong taong

dalawang libo’t labing walo (2018), nanguna sa ranko ang nasabing paaralan laban sa

isang daan at labing siyam (119) na paaralan. Ito’y kasalukuyang pinangungunahan ni

Gng. Rita DL. Cunanan, Prinsipal IV ng nasabing paaralan, na talaga namang responsible

at pinapanatili ang kalidad ng edukasyon sa bawat estudyante.

Ang mga mananaliksik ay gustong malaman ang pananaw ng mga mag-aaral na

nasa ika-sampung baitang ng Pulung Santol National High School sa kanilang buhay na

tatahakin pagtungtong ng senior high school kaya’t ito ang napiling lokasyon ng

mananaliksik dahil sa taglay na karunungan ng mga mag-aaral na masagot ang mga

katanungan na maaaring makatulong sa pananaliksik ng mga mananaliksik.

Mga Sample at Kalahok ng Pag-aaral

Ang mga mag-aaral na nasa ika-sampung baitang ng Pulung Santol National

High School ang napili bilang mga respondante ng pananaliksik, dahil nais ng mga

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
mananaliksik na malaman ang kanilang personal na pananaw tungkol sa buhay na

kanilang tatahakin sa pagtuntong ng Senior High School.

Ang mga respondante ay mayroong sampu na pangkat. Upang magkaroon ng

pantay ng respresentasyon ang bawat grupo, gumamit ng random sampling ang mga

mananaliksik sa pagpili ng mga kalahok o respondante. Pansinin ang kasunod na

talahanayan;

Pangkat Bilang
John 20
Philip 20
Mark 20
Andrew 20
Mathew 20
Luke 20
Peter 20
Simon 20
James 20
Thomas 20
200
Talahanayan 2: Mga Kalahok ng Pag-aaral

Instrumento ng pag-aaral

Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o sarbey-kwestyoneyr bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos para sa pag-aaral. Ang talatanungan

ay naglalaman ng apat na katanungan na kailangang sagutan o magbigay ng opinyon ang

mga respondate.

Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang pinakamabisang kasangkapan upang

makita ang pananaw ng nasa ika-sampung baitang ng Pulung Santol National High

School sa kanilang buhay na tatahakin pagtuntong ng Senior High School.

Pagpapatibay ng talatanungan

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
Ang mga mananaliksik ay may inihandang talatanungan na siyang gagamitin

upang makakuha ng datos na kailangan sa pag-aaral at sumasagot sa mga katanungan sa

paglalahad ng suliranin na pinagtibay nila Ginoong Soren Mangiliman Ramos na aming

mahusay na guro sa asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik, siya ay dalubhasa sa paggamit ng dayalektong tagalog at ni Ginang Jenilyn

Lacra na tulad rin ni Ginoong Soren M. Ramos ay isa ring guro sa asignaturang Pagbasa

at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Si Ginoong Soren Ramos ay magaling magturo at talaga nga namang mahusay na

guro sa asignaturang Filipino. Inirekomenda ni Ginoong Soren Ramos si Ginang Jenilyn

Lacra sa mga mananaliksik upang mas lalong mapatibay at mabigyang bisa ang mga

talatanungan ng mga mananaliksik. Muling sinuri ni Ginang Jenilyn Lacra ang mga

talatanungan ng mga mananaliksik at inaprubahan ito. Si Ginang Jenilyn Lacra ay

eksperto sa pagpapatibay at pagbibigay bisa ng mga talatanungan kaya naman masasabi

ng mga mananaliksik na talagang matibay at mabisa ang gagamiting instrumento sa pag-

aaral.

Pagsusuring Istatistikal ng mga datos

Mga Hakbang sa Pag-aaral

Unang Hakbang.

Ang mga mananaliksik ay nagpulong upang pag-usapan ang kanilang paksa na

nais nilang bigyan ng kasagutan o gawing pag-aaral. Pagkatapos makaisip ng pamagat ng

mga mananaliksik ay ipinasuri nila ito kay Ginoong Soren Ramos. Inaprubahan at inayos

ni Ginoong Soren Mangiliman Ramos ang pamagat ng mga mananaliksik.

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
Ikalawang Hakbang.

Nang maaprubahan ni Ginoong Soren Ramos ang titulo ng mga mananaliksik na

ilang beses inulit para maging mas espesipiko at maaprubahan, ito’y nagbigay na nang

hudyat upang simulan ang pahayag na tesis. Ang pahayag na tesis ay ang sentral o

pangunahing ideya ng pag-aaral na ito. Nang matapos na ang ginawang pahayag na tesis

ng mga mananaliksik, ipinasuri nila ito kay Ginoong Soren Mangiliman Ramos.

Ikatlong Hakbang.

Matapos aprubahan ni Ginoong Soren Mangiliman Ramos ang pahayag na tesis

ng mga mananaliksik, nagsimula ng magtulong-tulong ang mga mananaliksik na bumuo

o gumawa ng paglalahad ng suliranin.

Ika-apat na Hakbang.

Pagkatapos gumawa ng paglalahad na suliranin ng mga mananaliksik, tinukoy na

ng mga mananaliksik kung saan gaganapin ang pag-sasarbey at sino ang mga kalahok na

napili nila. Gumawa na din ang mga mananaliksik ng mga ilang talatanungan na

inaprubahan ni Ginoong Soren Mangiliman Ramos na siyang gagamitin upang makakuha

ng mga datos na bubuo sa pag-aaral na ito.

Ika-limang hakbang.

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
Ang ika-limang hakbang na ginawa ng mga mananaliksik ay ang paghahanap ng

mga datos o impormasyon para sa kanilang panimula at kaugnay na pag-aaral at

literatura. Pagkatapos, tinapos na ng mga mananaliksik ang unang kabanata na kung saan

nakapaloob dito ang suliranin at ang kaligiran ng pag-aaral na ito.

Ika-anim na Hakbang.

Ang ika-anim na hakbang ay mas pinatibay at binigyang bisa ng mga

mananaliksik ang kanilang talatanungan sapagkat ipinabalideyt nila ito kay Ginang

Jenilyn Lacra na nagtuturo ng asignaturang asignaturang Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t

ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik at eksperto sa pagpapatibay at pagbibigay bisa ng

mga talatanungan. At sinimulan na ang pagsasarbey sa mga napiling kalahok o sasagot sa

mga talatanungan na makatatutulong sa kanilang pag-aaral.

Ika-pitong Hakbang.

Ang ika-pitong hakbang ay sinimulan na ng mga mananaliksik ang ikalawang

kabanata na naglalahad ng metodolohiya o hakbang na ginamit ng mga mag-aaral. Ipina-

aprubahan ng mga mananaliksik ang kanilang ikalawang kabanata upang maumpisahan

na nila ang kanilang pag-sasarbey ng mga estudyanteng nasa ika-sampung (10) baitang

upang makakalap na ng mga sagot o impormasyon na kakailanganin ng mga

mananaliksik sa pag-aaral.

Ika-walong Hakbang.

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
Pagkatapos mag-sarbey ng mga mananaliksik sa mga kalahok o respondante,

sinimulan nang pagsama-samahin ng mga mananaliksik ang mga nakalap na datos gamit

ang talatanungan at ginawan na ito ng interpretasyon.

Ika-siyam na Hakbang.

Pagkatapos ng pagbibigay interpretasyon at pagsusuri na ginawa ng mga

mananaliksik sa mga sagot ng mga kalahok o respondante, ginawa na ng mga

mananaliksik ang kongklusyon at rekomendasyon na ayon sa mga nakalap na datos

tungkol sa kanilang pag-aaral.

KABANATA III

PAGLALAHAD NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga pagsusuri ng mga datos na nakalap ng

mga mananaliksik sa mga respondante o kalahok tungkol sa personal na pananaw ng mga

mag-aaral na nasa ika-sampung baitang (10) sa buhay na kanilang tatahakin sa

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
pagtungtoong ng senior high school. Ang bawat talata ay nagsasaad ng naging resulta ng

bawat katanungan sa talatanungan na ginamit ng mga mananaliksik.

UNANG KATANUNGAN: Ano ang iyong strand? Bakit mo ito napili?

Sa resulta ng isinagawang pangangalap ng mga datos ng mga mananaliksik,

napag-alaman ng mga mananaliksik na may tatlumpu’t siyam punto lima porsyento

(39.5%) sa mga naging respondante o kalahok ang sumagot na ang kanilang napiling

strand ay HUMSS. Dalawampu’t walo punto lima porsyento (28.5%) naman sa mga

respondante o kalahok ang sumagot na ang napiling strand ay STEM. Labing dalawa

porsyento (12%) naman sa mga respondante o kalahok ang sumagot na ang kanilang

napiling strand ay ICT. Meron naman sa mga respondante ang sumagot na ang kanilang

napiling strand ay H.E Cookery at sila ay siyam na porsyento (9%). May anim na

porsyento (6%) naman sa mga respondante o kalahok ang sumagot na ang kanilang

napiling strand ay ABM. Tatlong porsyento (3%) naman sa mga respondante o kalahok

ang sumagot na ang kanilang napiling strand ay EIM. At dalawang porsyento (2%)

naman sa mga respondante o kalahok ang sumagot na ang kanilang napiling strand ay

GAS.

Bilang ng mga
Sagot Porsyento
Respondante

HUMSS (Humanities and


79 39.5%
Social Sciences)

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL

STEM ( Science Technology


57 28.5%
Engineering and Mathematics

ICT ( Information and


24 12%
Communication Technology)

H.E ( Home Economics) 18 9%


ABM ( Accounting and
12 6%
Business Management )
EIM ( Electrical Installation 6 3%

and Maintenance )
GAS ( General Academic 4 2%

Strand )
200 100%
Talahanayan 3: Mga Sagot sa Unang Katanungan

IKALAWANG KATANUNGAN: Sino/Sino-sino ang nag-udyok sayo upang

ipagpapatuloy ang iyong pag-aaral?

Bawat mag-aaral ay may kanya-kanyang inspirasyon o may taong nag-udyok

upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa resulta ng pagkalap ng mga datos ng mga

mananaliksik, may walumpu’t punto lima porsyento (82.5%) sa mga kalahok o

respondante ang sumagot na ang kanilang magulang ang nag-udyok upang ipagpatuloy

ang kanilang pag-aaral. Labing lima punto lima porsyento (15.5%) naman sa mga

kalahok o respondante ang sumagot na sarili lamang nila ang nag-udyok na ipagpatuloy

ang kanilang pag-aaral. Meron din sa mga kalahok o respondante ang sumagot na ang

kanilang mga kaibigan ang nag-udyok na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at sila ay

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
isa punto limang porsyento (1.5%). At punto lima (0.5%) ang sumagot na guro ang

nag-udyok na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Bilang ng mga
Sagot Porsyento
Respondante

Magulang 165 82.5%

Sarili 31 15.5%

Kaibigan 3 1.5%

Guro 1 0.5%

200 100%

Talahanayan4: Mga Sagot sa Ikalawang Katanungan

IKATLONG KATANUNGAN: Ano sa palagay mo ang mga nagiging hadlang kung

bakit hindi naipagpapatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral?

Maaaring mga hadlang sa mga mag-aaral kung bakit hindi nila naipagpapatuloy

ang kanilang pag-aaral ay dahil sa Financial Problem o kakulangan sa pera, katamaran,

impluwensiya ng mga kabarkada, Teenage Pregnancy o maagang pagbubuntis, Family

Problem o di kaya’y dahil na rin sa kanilang bisyo. Sa resulta ng pagkalap ng mga datos

ng mga mananaliksik, may pitumpu’t siyam punto lima porsyento (79.5%) sa mga

respondante o kalahok ang sumagot na financial problem ang nagiging hadlang sa hindi

nila pagpapatuloy ng pag-aaral. Anim punto lima (6.5%) naman sa mga respondante o

kalahok ang sumagot ng pagiging tamad ang nagiging hadlang sa hindi nila pagpapatuloy

ng pag-aaral. Meronn din sa mga respondante o kalahok ang sumagot ng impluwensiya

ng mga kabarkada ang nagiging hadlang sa hindi nila pagpapatuloy ng pag-aaral at sila ay

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
lima punto lima porsyento (5.5%). Ang ibang mga respondante o kalahok naman sinabing

ang nagiging hadlang sa hindi nila pagpapatuloy ng pag-aaral ay dahil sa teenage

pregnancy o maagang pagbubuntis at sila ay apat na porsyento (4%). Family problem

naman ang naging sagot ng mga iilang respondante o kalahok kung bakit hindi nila

naipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral at sila ay tatlung porsyento (3%). Meron din

naman sa mga respondante o kalahok ang sumagot na bisyo ang nagiging hadlang kung

bakit hindi nila naipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral at sila ay isa punto lima

porsyento (1.5%).

Bilang ng mga
Sagot Porsyento
Respondante

Financial Problem 159 79.5%

Katamaran 13 6.5%

Impluwensiya ng barkada 11 5.5%

Teenage Pregnancy 8 4%

Family Problem 6 3%

Bisyo 3 1.5%

200 100%

Talahanayan 5: Mga Sagot sa Ikatlong Katanungan

IKA-APAT NA KATANUNGAN: Sa iyong palagay, nakatutulong baa ng senior

highschool sa iyong pag-aaral? Bakit?

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
Sa resulta ng pagkalap ng mga datos ng mga mananaliksik, napag-alaman na

siyamnapu’t tatlo punto lima porsyento (93.5%) sa mga respondante o kalahok ang

nagsabing nakatutulong ang senior high school sa kanilang pag-aaral dahil ito’y

nakadaragdag ng kanilang kaalaman. Apat na porsyento (4%) sa mga respondante o

kalahok ang sumagot na hindi nakatutulong ang senior high school sa kanilang pag-aaral

dahil ito’y dagdag gastos lamang para sa kanila. Meron din sa mga respondante o kalahok

ang sumagot ng ewan dahil wala silang alam ukol sa senior high school at sila ay dalawa

punto lima porsyento (2.5%).

Bilang ng mga
Sagot Porsyento
Respondante

Oo 187 93.5%

Hindi 8 4%

Ewan 5 2.5%

200 100%

Talahanayan 6: Mga Sagot sa Ika-apat Katanungan

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL

KABANATA IV

BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga kongklusyon ng mga naging resulta ng

mga nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik. Tumatalakay din sa kabanatang ito

ang mga rekomendasyon ng mga mananaliksik tungkol sa mga nakalap na datos.

Kongklusyon

Sa resulta ng isinagawang pangangalap ng mga datos ng mga mananaliksik,

napag-alaman ng mga mananaliksik na may tatlumpu’t siyam punto lima porsyento

(39.5%) sa mga naging respondante o kalahok ang sumagot na ang kanilang napiling

strand ay HUMSS. Dalawampu’t walo punto lima porsyento (28.5%) naman sa mga

respondante o kalahok ang sumagot na ang napiling strand ay STEM. Labing dalawa

porsyento (12%) naman sa mga respondante o kalahok ang sumagot na ang kanilang

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
napiling strand ay ICT. Meron naman sa mga respondante ang sumagot na ang kanilang

napiling strand ay H.E Cookery at sila ay siyam na porsyento (9%). May anim na

porsyento (6%) naman sa mga respondante o kalahok ang sumagot na ang kanilang

napiling strand ay ABM. Tatlong porsyento (3%) naman sa mga respondante o kalahok

ang sumagot na ang kanilang napiling strand ay EIM. At dalawang porsyento (2%)

naman sa mga respondante o kalahok ang sumagot na ang kanilang napiling strand ay

GAS.

Bawat mag-aaral ay may kanya-kanyang inspirasyon o may taong nag-udyok

upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa resulta ng pagkalap ng mga datos ng mga

mananaliksik, may walumpu’t punto lima porsyento (82.5%) sa mga kalahok o

respondante ang sumagot na ang kanilang magulang ang nag-udyok upang ipagpatuloy

ang kanilang pag-aaral. Labing lima punto lima porsyento (15.5%) naman sa mga

kalahok o respondante ang sumagot na sarili lamang nila ang nag-udyok na ipagpatuloy

ang kanilang pag-aaral. Meron din sa mga kalahok o respondante ang sumagot na ang

kanilang mga kaibigan ang nag-udyok na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at sila ay

isa punto limang porsyento (1.5%). At punto lima (0.5%) ang sumagot na guro ang

nag-udyok na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Maaaring mga hadlang sa mga mag-aaral kung bakit hindi nila naipagpapatuloy

ang kanilang pag-aaral ay dahil sa Financial Problem o kakulangan sa pera, katamaran,

impluwensiya ng mga kabarkada, Teenage Pregnancy o maagang pagbubuntis, Family

Problem o di kaya’y dahil na rin sa kanilang bisyo. Sa resulta ng pagkalap ng mga datos

ng mga mananaliksik, may pitumpu’t siyam punto lima porsyento (79.5%) sa mga

respondante o kalahok ang sumagot na financial problem ang nagiging hadlang sa hindi

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
nila pagpapatuloy ng pag-aaral. Anim punto lima (6.5%) naman sa mga respondante o

kalahok ang sumagot ng pagiging tamad ang nagiging hadlang sa hindi nila pagpapatuloy

ng pag-aaral. Meronn din sa mga respondante o kalahok ang sumagot ng impluwensiya

ng mga kabarkada ang nagiging hadlang sa hindi nila pagpapatuloy ng pag-aaral at sila ay

lima punto lima porsyento (5.5%). Ang ibang mga respondante o kalahok naman sinabing

ang nagiging hadlang sa hindi nila pagpapatuloy ng pag-aaral ay dahil sa teenage

pregnancy o maagang pagbubuntis at sila ay apat na porsyento (4%). Family problem

naman ang naging sagot ng mga iilang respondante o kalahok kung bakit hindi nila

naipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral at sila ay tatlung porsyento (3%). Meron din

naman sa mga respondante o kalahok ang sumagot na bisyo ang nagiging hadlang kung

bakit hindi nila naipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral at sila ay isa punto lima

porsyento (1.5%).

Sa resulta ng pagkalap ng mga datos ng mga mananaliksik, napag-alaman na

siyamnapu’t tatlo punto lima porsyento (93.5%) sa mga respondante o kalahok ang

nagsabing nakatutulong ang senior high school sa kanilang pag-aaral dahil ito’y

nakadaragdag ng kanilang kaalaman. Apat na porsyento (4%) sa mga respondante o

kalahok ang sumagot na hindi nakatutulong ang senior high school sa kanilang pag-aaral

dahil ito’y dagdag gastos lamang para sa kanila. Meron din sa mga respondante o kalahok

ang sumagot ng ewan dahil wala silang alam ukol sa senior high school at sila ay dalawa

punto lima porsyento (2.5%).

Marami sa mga respondante ang nagsasabing ang kanilang buhay na tatahakin

pagtungtong sa senior high school ay makatutulong ito sa kanilang pag-aaral. Ito’y

nakatutulong sapagkat sa buhay senior high school ay mas malilinawan sila kung saan

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
sila mas mahusay o magaling. Madidiskubre dito ang kakayahan ng bawat mag-aaral.

Marami sa mga tumugon ang nagsasabing ang nag-udyok upang ipagpatuloy ang

kanilang pag-aaral ay dahil sa kanilang magulang. Ang pinaka hadlang kung bakit hindi

naipagpapatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral ay dahil sa financial problem

o kapos sa pera. Sa tingin ng mga mananaliksik ay handa na ang mag-aaral na nasa

ika-sampung baitang na tahakin ang buhay senior high school.

Rekomendasyon

Batay sa mga kinalabasan at kongklusyon ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ng

mga mananaliksik ang mga sumusunod na tagubilin:

A. Para sa mga Mag-aaral

Dapat nilang pag-isipang mabuti ang kanilang kukunin na strand kung saan sila

bihasa. At maging handa sa mga hamon na kanilang tatahakin sa pagtungtong ng senior

high school.

B. Para sa mga Magulang

Kailangan bigyang linaw o ipaliwanag sa mga anak kung ano ang kanilang

haharapin pagtungtong ng senior high school. Gabayan ang mga anak sa pagpili ng

strand.

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
C. Para sa mga susunod na Mananaliksik

Kailangan mas mangalap pa sila ng mga datos o impormasyon na maaari nilang

gamitin upang mas maging malawak ang kanilang gagawing pananaliksik sa hinaharap.

At mas mapatunayan ang kanilang pag-aaral na gagawin.

D.Para sa Administrasyon ng Paaralan

Maaari silang magkaroon ng pagpupulong kasama ang mga estudyante upang

magbigay kaalaman tungkol sa senior high school.

Talaan ng mga Sanggunian

De Dios, A. (n.d). (title)

Nagmula sa: https://fairyqueenweb.wordpress.com/2017/07/04/ano-nga-ba-ang-dulot-

ng-programang-k-12/amp/

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL

APENDIKS A

PAGPAPATIBAY NG TALATANUNGAN

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
APENDIKS B

TALATANUNGAN

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
APENDIKS C

MGA DOKUMENTASYON

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL
APENDIKS D

CURRICULUM VITAE

ARJAY I. BALATBAT

#011, Purok 1 Sitio Baidbid, Sepung Bulaon, Porac, Pampanga

09122830674

$ gabrielmarj@gmail.com

PERSONAL
Araw ng Kapanganakan : June 21, 2002

Lugar ng Kapanganakan : Porac, Pampanga

Kasarian : Lalake

Nasyonalidad : Pilipino

Relihiyon : Romano Katoliko

PAARALANG PINAGTAPUSAN

Senior High School : Pulung Santol National High School

: Pulung Santol, Porac, Pampanga

: 2018-Present

Junior High School : Pulung Santol National High School

: Pulung Santol, Porac, Pampanga

: 2014-2018

Elementarya : Pulung Santol Elementary School

: Pulung Santol, Porac, Pampanga

: 2008-2014

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL

ASHLIE JANE G. BALATBAT

Purok 1 Pias, Porac, Pampanga

09322044591

$ balatbatashlie6@gmail.com

PERSONAL
Araw ng Kapanganakan : October 02, 2001

Lugar ng Kapanganakan : Porac, Pampanga

Kasarian : Babae

Nasyonalidad : Pilipino

Relihiyon : Romano Katoliko

PAARALANG PINAGTAPUSAN

Senior High School : Pulung Santol National High School

: Pulung Santol, Porac, Pampanga

: 2018-Present

Junior High School : Pulung Santol National High School

: Pulung Santol, Porac, Pampanga

: 2014-2018

Elementarya : Pias Elementary School

: Pias, Porac, Pampanga

: 2008-2014

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL

JOHN MICHAEL P. CABELLON

Pulung Santol, Porac, Pampanga

09165948539

$ gabrielmarj@gmail.com

PERSONAL
Araw ng Kapanganakan : February 19, 2002

Lugar ng Kapanganakan : Porac, Pampanga

Kasarian : Lalake

Nasyonalidad : Pilipino

Relihiyon : Romano Katoliko

PAARALANG PINAGTAPUSAN

Senior High School : Pulung Santol National High School

: Pulung Santol, Porac, Pampanga

: 2018-Present

Junior High School : Pulung Santol National High School

: Pulung Santol, Porac, Pampanga

: 2014-2018

Elementarya : Pulung Santol Elementary School

: Pulung Santol, Porac, Pampanga

: 2008-2014

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL

JANE DIANNE B. ESPELETA

Zone 7 Pipitik, Dila-dila, Sta. Rita, Pampanga

09309092476

$ gengespeleta@yahoo.com

PERSONAL
Araw ng Kapanganakan : April 15, 2000

Lugar ng Kapanganakan : Porac, Pampanga

Kasarian : Babae

Nasyonalidad : Pilipino

Relihiyon : Romano Katoliko

PAARALANG PINAGTAPUSAN

Senior High School : Pulung Santol National High School

: Pulung Santol, Porac, Pampanga

: 2018-Present

Junior High School : Pulung Santol National High School

: Pulung Santol, Porac, Pampanga

: 2014-2018

Elementarya : Pipitik Holy Family Village Elementary School

: Pipitik, Dila-dila, Sta. Rita, Pampanga

: 2008-2014

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL


PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BUHAY NA KANILANG TATAHAKIN
PAGTUNGTONG NG SENIOR HIGH SCHOOL

JOEMIL M. MUSNI

#164 BS Aquino St., Balubad, Porac, Pampanga

09213663328

$ joemilmusni1@gmail.com

PERSONAL
Araw ng Kapanganakan : February 14, 2001

Lugar ng Kapanganakan : Porac, Pampanga

Kasarian : Lalake

Nasyonalidad : Pilipino

Relihiyon : Romano Katoliko

PAARALANG PINAGTAPUSAN

Senior High School : Pulung Santol National High School

: Pulung Santol, Porac, Pampanga

: 2018-Present

Junior High School : Pulung Santol National High School

: Pulung Santol, Porac, Pampanga

: 2014-2018

Elementarya : Balubad Elementary School

: Balubad, Porac, Pampanga

: 2008-2014

PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL

You might also like