You are on page 1of 1

Pangalan: Jean Crissa Mae E.

Cañete Seksyon:
Iris

“Ang Pagkuha ng Kurso sa Kolehiyo na Hindi Kaugnay sa Kinuhang


Strand sa Senior High School”

Isa sa mga desisyon na dapat isaalang-alang ng ating mga kabataan ngayon ay ang pagpili ng
kanilang mga kursong kukuhanin sa kolehiyo sapagkat dito nakasalalay ang kanilang
kinabukasan. Kung kaya’t isinakatuparan ang K-12 Curriculum noong May 15, 2013 na
noo’y nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino; kung saan naisailalim dito ang Senior High
School na naglalayong ihanda ang mga estudyante upang hindi sila mahirapan sa kanilang
gustong kurso sa pagdating ng panahon. May apat itong “track” na may ibat-ibang “strand”
na siyang ini-aangkop nito ang interes ng mga mag-aaral sa mga tiyak na larangan ng pag-
aaral.

Gayunpaman, hindi natin maitatanggi na ang pasiunang pagpapatupad ng K-12 Curriculum


ay hindi gaanong mabisa sapagkat maraming kakulangan ito; kakulangan sa mga kagamitan
at guro. Maraming kabiguan ang nagbunga dahil na rin sa agarang pagdedesisyon ng mga
estudyante. Dahil rito, isinakatuparan ang “Bridging Program”; na siya naming sumasalamin
sa kabiguan ng K-12 Program upang makagawa ng mga graduates na handa sa kolehiyo sa
kabila ng karagdagang dalawang taon sa high school.

Sa pagtungtong ng kolehiyo, kapag insupiyisiente ang kaalaman ng isang mag-aaral ay tiyak


na mahihirapan siya at hahantong ito sa pagbagsak sa mga asignaturang kanyang kinuha.
Kung hindi ugnay ang kursong kinuha ng isang mag-aaral sa kanyang strand, mas gugugol pa
ito ng mas maraming oras sa pag-aaral upang humabol sa mga leksiyon na kanyang hindi
napag-aralan. Kaya’t mahalaga na dapat pag-isipan itong mabuti at na-aayon sa kagustuhan at
interes ng estudyante upang sa kanyang pagtungtong sa kolehiyo ay alam na niya ang landas
at karera ang kanyang patututnguhan.

You might also like