You are on page 1of 49

1

ASSESSING THE DISASTER PREPAREDNESS BELIEFS OF LOCAL


COLLEGE FACULTY: A DESCRIPTIVE COMPARATIVE RESEARCH

Isang Tesis na Ihaharap


sa mga Dalubhasa sa Pananaliksik ng
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology
Lungsod ng Kapalong

Bilang Bahagi sa Katuparan ng mga Kinakailangan para sa


Degree, Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon
Medyor Filipino

CRISTINE MAE T. MOMPOL

Oktubre 2023

KABANATA I

INTRODUKSYON
2

Tinalakay sa kabanatang ito ang rasyunale, mga layunin ng

pananaliksik, haypotesis, mga kaugnay na literature at pag-aaral, batayang

teoretikal, batayang konseptwal, kahalagahan ng pag-aaral at katuturan ng

mga katagang ginamit sa pag-aaral na ito.

Rasyunale

Ang pagpili ng mga kurso sa kolehiyo ay maaaring hindi madali para sa

isang magtatapos na mag-aaral dahil sa iba't ibang mga kadahilanan na

nakakaapekto dito. Ang pagpili ng tamang karera para sa isang magandang

kinabukasan ay hindi dapat isang daya dahil ito ay nakasalalay sa mga

hamon na iyong haharapin. Kasama dito ang panganib na gagawin mo.

Kapag pipili ka ng kurso, siguraduhin mong gusto mo ito at hindi dahil

napipilitan kang kunin dahil iyon ang magiging simula ng iyong paglalakbay

tungo sa tagumpay. Gumamit ang mga mananaliksik ng isang deskriptibong

disenyo ng pananaliksik na nakatulong upang maipaliwanag ang mga salik na

nakakaapekto sa pagpili ng mga kurso sa kolehiyo (Narciso et al., 2020).

Sa katunayan, isang pag-aaral ang naisagawa mula sa bansang

Malaysia taong 2023 na may kaugnay sa pag-aaral na ito, napag-alaman na

ang ilan sa mga dahilan ng pag-dropout ng mag-aaral sa mas mataas na

edukasyon (HE) na isang kilalang paksa sa maraming bansa, tulad ng Spain,

United States, Germany, gayundin sa Indonesia ay dahil sa ibat ibang salik

na nakaiimluwensya sa pagpili ng kanilang kursong kinuha. Batay sa data

mula sa Pangkalan Data Perguruan Tinggi (PDDIKTI) (Higher Education

Database) (2018, 2019), tumataas ang porsyento ng mga mag-aaral na nag-

drop out sa loob ng nakaraang 2 taon sa Indonesia. Noong 2018, ang dropout
3

rate para sa mga mag-aaral ay 3% ng kabuuang mga mag-aaral, na may

245,810 na dropout ng mga mag-aaral, at noong 2019 ay 8%, na may bilang

ng mga dropout na mag-aaral na 698,261. Noong 2019, ang pinakamataas na

bilang ng mga dropout ay natagpuan sa isla ng Java, na may kasing dami ng

414,901 na mag-aaral. Ang Central Java ang may pinakamataas na bilang ng

mga mag-aaral na nag-drop out, ibig sabihin, 63,253 na mga mag-aaral ang

hindi nabigyan ng tamang paggabay sa pagpili ng kanilang kursong kukunin

sa kolehiyo dahil sa iba't ibang salik na dapat sana nilang isinaalang-alang.

Sa bansang Pilipinas, ang mga grumaduate na hindi nakapagtrabaho

dahil sa hindi angkop sa kanilang piniling kurso ay isa sa mga isinasaalang-

alang na dahilan kung bakit mataas ang unemployment at underemployment

rate ng bansa. Ang mga dahilan ay maaaring alinman na ang kinuhang kurso

ng mga nagtapos ay hindi angkop sa mga salik na nakakaimpluwensya sa

pagpili ng kurso sa kolehiyo o unibersidad kagaya na lamang ng

pangangailangan ng kasalukuyang ekonomiya, o ang mga nagtapos ay hindi

nagpapakita ng mga katangiang kinakailangan ng mga industriyang

nangangailangan. Ito ay maaaring dahil sa maling pagpili ng kursong kinuha

ng karamihan sa mga mag-aaral sa kolehiyo na dulot ng hindi ginagabayan

ng paggawa ng desisyon sa pagpili ng mga kurso. (Amario et al., 2021).

Kaya naman upang maibsan problemang kinakaharap ng bansa,

nagpatupad ng Programang K-12 ang gobyerno para ang mga kabataan ay

makapaghanda sa kanilang gustong propesyon o trabaho sa hinaharap

(Velmonte, 2022). Dagdag pa, batay sa mga pag-aaral, taon-taon, ang sektor

ng edukasyon ay gumagawa ng bagong hanay ng mga naghahangad na mga

kabataang magiging propesyonal, upang pagkatapos na makuha ang


4

kanilang mga degree, sertipikasyon, at lisensya, ay handa na ngayong

maging bahagi ng mangagawa ng bansa. Ang taunang pangyayaring ito ay

nagpapakita ng hamon sa pamahalaan na tiyakin na may mga trabahong

magagamit para sa mga umuusbong na kabataang propesyonal na ito. Ang

pagkabigong gawin ito ay maaaring humantong sa pagtaas ng rate ng

kawalan ng trabaho sa bansa. Ayon sa pinakahuling datos na ibinigay ng

Philippine Statistics Authority, ang unemployment rate ng bansa ay pumalo sa

4.5 porsiyento o humigit-kumulang 2.33 milyong Pilipino noong Hunyo 2023.

Ito ay bahagyang mas mataas kumpara sa naitalang 4.3 porsiyento o 2.17

milyong Pilipino noong Mayo. Gayunpaman, mas maganda ang naging

resulta na ito kumpara sa naitalang 6 na porsiyento noong Hunyo ng

nakaraang taon (2020), na katumbas ng 2.99 milyong Pilipinong walang

trabaho. Ang pagtataguyod ng paglikha ng trabaho ay kabilang sa mga

prayoridad ng kasalukuyang administrasyon dahil bahagi ito ng 8-Point Socio-

Economic Agenda ng Pangulo at ng Philippine Development Plan (PDP)

2023-2028. Sa kanyang 2nd State of the Nation Address (SONA), iginiit ni

Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakabangon na ang Pilipinas mula sa

matinding kawalan ng trabaho sa kasagsagan ng pandemya, na nakapagtala

ng record-high na 17.6 percent noong Abril 2020 tunay na nakabalik ang

Pilipinas dahil ang unemployment rate noong Hunyo 2023 ay mas mababa rin

sa naitala na 5.1 percent noong 2019 (Zaldarriaga, 2023). Sa kabila ng

pagpapatupad ng Pogramang K-12, may mga pag-aaral pa rin nagsasabing

isa sa mga pangunahing dahilan ng kawalan ng trabaho ng mga kabataang

nakapagtapos ng pag-aaral ay ang pagpili ng kursong hindi angkop sa

kanilang kakayahan o kagustuhan. Marami pa ring suliraning kinakaharap ang


5

mga mag-aaral sa unibersidad ng Pilipinas lalo na sa pagsaalang-alang sa

mga salik na nakakaimpluwensya sa kagustuhang pagpili ng kurso. Upang

makabuo at mapangalagaan ang interes sa isang partikular na karera,

napakahalaga na magkaroon ng kaalaman sa pagtatrabaho sa larangang

pipiliin. Ang tagumpay sa pinapangarap na trabaho sa hinaharap ay mangyari

kapag ang landas ng karera ng isang indibidwal ay naayon sa kanyang mga

talento, demand ng ekonomiya, determinasyon, personalidad, interes at

kaalaman. Sa kabuoan, maraming mga mag-aaral ang gumagawa ng mga

desisyon batay sa mga personal na kagustuhan kaysa sa kung ano ang

kinakailangan ng labor market at komunidad na iilan sa mga salik na

nakaiimpluwensya na dapat sana nilang isinaalang-alang sa pagpili ng kurso

o karera sa hiinaharap (Quino, 2022)

Dahil ito ay isang isyu na dapat mabigyan agad ng kasagutan,

kinakailangan ito ay agarang magawan ng pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay

napakahalaga sapagkat ang kagustuhang pagpili ng kurso ay

nangangailangan ng mataas na antas ng interes, pagkamalikhain, paggawa

ng desisyon, at higit sa lahat ang pagmamahal sa piniling kurso. Sa

kasalukuyan, ang problemang ito ay nagaganap din sa institusyon.

Gayunpaman inaasahang ang resulta ng pag-aaral na ito ay makagagawa ng

mga pananaw para sa mga inisyatibong panghinaharap hinggil sa mga salik

na nakakaimpluwensya sa kagustuhang pagpili ng kursong Batsilyer ng

Edukasyon Mayoryang Filipino at ang mga aspektong tatalakayin sa mga

isyung kinakaharap ng mga mag-aaral sa ika-unang taon ng Programang

Edukasyon mayoryang Filipino ng KCAST, partikular na sa konteksto at mga


6

dahilan nito na makapagbigay inspirasyon sa mga pananaliksik na isasagawa

pa lamang.

Maraming mananaliksik ang nagsagawa ng pag-aaral na may

kaugnayan sa mga salik nakaiimpluwensya sa kagustuhang pagpili ng mga

mag-aaral sa unang taon ng kursong Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Mayoryang Filipino partikular na sa panahon ngayon gaya na lamang ng pag-

aaral nina R. Cheng et al., (2023) na pinamagatang “Identify The Reasons Of

Students Choices for Majors And Courses”, “Factors Influencing Dropout

Students in Higher Education” nina Nurmalitasari., et al. (2023), “Factors

Influencing The Career Preference Of Senior High School Students During

Pandemic” nina Quino, (2022), “Undergraduate Programs That Incoming

College Students Subscribed” ni Glenn Velmonte (2022) “Factors Affecting

The Career Choice Decision Of SHS In Central Luzon” ni Olivia P. Almario

(2021), “Investigating Course Choice Motivations in University Environment”

nina Ma et al., (2021) at nina Sadjail et al., (2020) na pinamagatang “Factors

Influencing Students In Choosing Their College Course” subalit ni isa sa mga

ito ay hindi nakatuon sa ugnayan sa pagitan ng mga salik na

nakakaimluwensya sa kagustuhang pagpili ng mga mag-aaral sa unang taon

ng kursong Batilyer ng Sekondaryang Edukasyon Mayoryang Filipino. Dahil

dito, nakikita ng mananaliksik ang pangangailanagang maisagawa ang pag-

aaral na natutukoy sa ugnayan ng mga salik nakaiimluwensya sa

kagustuhang pagpili ng mga mag-aaral sa unang taon ng kursong batsilyer ng

Sekondaryang Edukasyon Mayoryang Filipino.


7

Layunin ng Pananaliksik

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman kung mayroon bang tiyak na

ugnayan sa mga salik na nakaiimpluwensya sa kagustuhang pagpili ng mga

mag-aaral sa unang taon sa kursong Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Mayoryang Filipino sa KCAST.

Ang pag-aaral na ito ay tiyakang makakukuha ng sagot sa sumusunod

na mga mga layunin:

1. Alamin ang mga salik na nakaiimpluwensya sa mga mga-aaral sa

programang edukasyon mayoryang Filipino sa unang taon sa KCAST

batay sa:

1.1.1 sosyal;

1.1.2 ekonomiya; at

1.1.3 kapaligiran

2. Alamin ang kagustuhang pagpili ng mga mga-aaral dahil sa mga salik

nakaiimpluwensya sa unang-taon sa kursong programang edukasyon

mayoryang Filipino sa KCAST batay sa:

2.1 personal na interes o passion;

2.2 paaralan at lokasyon sa tirahan;

2.3 katayuan sa lipunan; at

2.4 oportunidad sa trabaho.

3. Alamin ang ugnayan sa pagitan ng mga salik nakaiimpluwensya sa

kagustuhang pagpili ng mga mag-aaral sa unang-taon sa kursong batsiyer ng

sekondaryang edukasyon mayoryang Filipino sa KCAST.


8

4. Alamin ang mga domeyn ng mga salik na nakaiimpluwensya sa

kagustuhang pagpili ng mga mag-aaral sa unang-taon sa kursong batsiyer ng

sekondaryang edukasyon mayoryang Filipino sa KCAST.

Haypotesis

Ang null hypothesis na kung saan ay sinukat sa 0.05 na antas ng

katiyakan ay nagsasaad na walang tiyak na ugnayan sa pagitan ng mga salik

sa pagpili ng mga mag-aaral ng kanilang kurso at wala ring tiyak na domeyn

ng mga salik na nakaiimpluwensya sa kagustuhang pagpili ng mga mag-aaral

sa unang-taon sa kursong batsilyer ng sekondaryang edukasyon mayoryang

Filipino sa KCAST.

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Iginogol ng mananaliksik ang kanyang oras sa pagbabasa at siniyasat

ng mainam ang mga libro, pag-aaral at mga babasahing mula sa iba't ibang

sanggunian na may kaugnayan sa isinagawang pag-aaral, matapos nito ang

mananaliksik ay makapagbibigay ng matibay na batayan sa pagtalakay ukol

sa mga salik na nakaiimpluwensya sa kagustuhang pagpili ng mga mag-aaral

sa unang- taon sa kursong batsilyer ng sekondaryang edukasyon mayoryang

Filipino.

Ang kabanatang ito ay ang pagtatanghal ng panitikan at mga pag-

aaral mula sa dayuhan hanggang sa lokal na maaaring direkta o hindi

direktang pagdadala sa pag-aaral sa ngayon. Ang kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral ay magbibigay ng isang malaking larawan kung bakit


9

ginagamit ang mga panitikang ito mula sa banyaga hanggang sa lokal. Ang

kaugnay na panitikan ay nagbibigay ng isang pangunahing background para

sa talakayan at pagsasaalang-alang sa paghahanap ng kasalukuyang pag-

aaral.

Ang mga ideyang ilalahad ay may kinalaman sa pag-aaral na

pinamagatang "Mga Salik na Nakaiimpluwensya sa Kagustuhang Pagpili ng

Mag-aaral sa Unang-Taon sa Kursong Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon

Maryong Filipino sa KCAST".

Mga Salik na nakaiimpluwensya sa Pagpili ng Kurso

Ang salik ay nangangahulugang isang kadahilanan, o motibo na

nagtutulak sa isang tao o grupo na gumawa ng isang desisyon, aksyon, o

pagkilos (Bing, 2023). Ang salik na nakaiimpluwensya ay ang mga bagay,

pangyayari, o sitwasyon na nakakaapekto sa isang desisyon, opinyon, o

pagkilos ng isang tao o grupo. Ito ay maaaring maging panloob o panlabas.

Ang mga panloob na salik ay ang mga katangian, kaisipan, damdamin, at

kagustuhan ng isang tao. Ang mga panlabas na salik ay ang mga kondisyon,

pangyayari, o impluwensiya ng ibang tao o lipunan. Halimbawa, sa pagpili ng

kurso sa kolehiyo, ang mga salik na nakaiimpluwensya ay maaaring maging

ang interes, talento, at pangarap ng isang mag-aaral (panloob), o ang kita,

presyon, at kultura ng kanyang pamilya at lipunan (panlabas). Ang mga salik

na nakaiimpluwensya ay mahalagang isaalang-alang sa paggawa ng mga

mahahalagang desisyon sa buhay (Mañebog at Eugenio, 2021).

Gayundin, ang mga kurso sa na nasa unibersidad na pinagtagpi-tagpi

ng iba't ibang uri ng pisikal, pedagogical, at panlipunang konteksto, na


10

ginagawang mas kumplikadong gawain ang pagpili at rekomendasyon ng

mga kurso sa mas mataas na edukasyon dahil nakasalalay ito sa maraming

magkakabit na salik na nakaiimpluwensya na kailangang isaalang alang ng

mga mag aaral (Esteban et al., 2018)

Samantala, isang pag-aaral ang nagsasabing karamihan sa mga mag -

aaral sa hayskul na ang mga basihan sa kanilang mga pagpipilian sa karera

ay ang abot-kamay sa pamilya. Lubos nilang isinalang-alang ang kapakanan

ng kanilang mga pamilya, at ng lipunan. Ang kahirapan sa pagpili ng landas

ng karera ay napakomplikado. Ang mga tao ay nagdedesisyon sa pagitan ng

pagpili ng kurso batay sa suweldo na kanilang kikitain o ang kanilang hilig.

Nag aalala sila tungkol sa kanilang mga kakayahan sa pagsuporta sa

kanilang sarili sa "tunay na mundo," kaya pinipili ang mga trabaho batay sa

isang paycheck sa halip na ang sigaw ng kanilang damdamin (Cook et al.,

2016).

Ang ilan sa mga salik na nakaiimpluwensya sa pagpili ng kurso ay ang

katayuang pang-ekonomiya. Ang katayuang pang-ekonomiya ay nakikita na

may direkta at hindi direktang impluwensya. Ang pera ay may mahalagang

papel sa mga desisyon sa karera, lalo na para sa mga mag-aaral mula sa

mas mababang mga sosyo-ekonomikong background. Kaya, kahit na ang

isang mag-aaral sa high school ay may katalinuhan upang maging isang

abugado, maliban kung nakakuha siya ng isang buong iskolar, maaaring

mag-resign siya sa isang karera na nagtatrabaho sa isang daycare center.

Gayunpaman, ang eksaktong mga paraan kung saan ang katayuang pang-

ekonomiya ay maaaring direkta at hindi direktang pag-impluwensya sa mga

desisyon sa karera ay maaaring masaliksik nang higit pa (Mouton et al., 2020)


11

Sa pag-aaral na ito, ang mga indikeytor na tumutukoy sa mga salik na

nakaiimpluwensya sa pagpili ng kurso ng mga mag-aaral sa unang taon sa

programang edukasyon mayoryang Filipino ay kinabibilangan ng: sosyal;

ekonomiya; at kapaligirang mga salik

Sosyal. Ayon sa pananaliksik, impluwensya ng mga kasamahan,

kaibigan o mga kaklase ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa dedesisyon

ng mga mag aaral sa pagpili ng kursong kukunin. Minsan, ang mga kaibigan o

mga kabarkada ay maaaring makakaapekto sa desisyon ng isang tao tulad

halimbawa kung karamihan sa kanyang mga kaibigan ay magpasya na

kumuha ng mga kurso sa medisina tulad ng nursing, medtech, bukod sa iba

pa, may posibilidad na magtapos sa pagkuha ng isang degree kung saan sila

bilang isang kaibigan o peer wants (Kaneez at Medha, 2018).

Dagdag pa sa pag-aaral na pinamagatang “Salik Na Nakakaapekto Sa

Pagpili ng Kursong Pang-Kolehiyo ng Mga Mag-Aaral sa Ika-Labindalawang

Baitang ng Mataas na Paaralan ng Aurora Nasyunal-Malvar ekstension”, ang

mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ay kinabibilangan

ng personalidad, mga nakapaligid, estadong pang-ekonomiko, oportunidad at

higit sa lahat ang mga kaibigan o mga kaklase (Jenet B. Reyes, 2021).

Kaugnay sa pag-aaral na ito, maraming umiiral na mga pananaliksik na

isinasaalang-alang ang mga pagganyak ng mga mag aaral sa mga

kapaligiran sa unibersidad, may posibilidad na nagdedesisyon sila ng mga

simpleng pagpapalagay o hula-hula lamang tungkol sa mga kursong pipiliin at

ang mga konteksto nito. Sa gayon ay inirerekomenda lamang ang kurso

sapagkat abot-kamay lamang ang mga kailangan na isumite sa programa


12

upang makapasok, o ang paghula sa magiging resulta sa pagganap ng mga

mag aaral ay isa rin sa mga dahilan kung bakit inerekomenda ang kursong

dapat kunin (Hu & Rangwala, 2018).

Inihayag ni Tinto (1997), na ang pakikilahok sa isang kolaboratibong

pagkatuto sa isang pangkat ay nagbibigay daan sa mga mag aaral na bumuo

ng isang malawakang suporta upang makamit ang tagumpay ng mga gawain.

Binigyang liwanag din ng ibang mananaliksik sa iba pang pag-aaral na ang

panlipunang paghihiwalay ay isang problema sa proseso ng pag-aaral lalo na

para sa mga mag aaral sa unang taon sa unibersidad, na nahihirapang mag

makipagsabayan sa kanilang bagong akademikong gawain at bagong

kapaligiran (Potts et al., (2018).

Dagdag pa sa iba pang pag-aaral, naging batayan din ang kasarian ng

mga mag-aaral sa pagkuha ng kurso. Ang mga lalaking estudyante ay tila

mas sosyal na nakikibahagi dahil gusto nilang magpatala sa isang kurso

kasama ang kanilang mga kaibigan o nais na makipagkaibigan sa iba.

Gayundin, mas binibigyang diin nila ang tungkol sa pisikal na kapaligiran ng

kurso kaysa sa mga babaeng mag aaral. Ang mga mag aaral na may malinaw

na mga layunin sa pag aaral ay isinasaalang alang ang kaalaman, kapaki

pakinabang, at kaugnayan sa kanilang mga karera sa hinaharap ay mahalaga

sa pagpili ng kurso. Mas gusto nilang kumuha ng kurso para masaya at

kawili-wili (Crues et al., 2018).

Ang pambansang pulitika ng isang bansa, family background at

tribal/ethnic affiliations ay nakakaapekto sa pagpili ng karera ng isang tao sa

malaking saklaw (Counsell,1999). Mga pagkakaiba-iba ng kasarian sa mga


13

hangarin na may kaugnayan sa trabaho at mga kagustuhan sa istilo ng karera

(Danzigerand Eden, 2007). Ipinaliwanag din nila na ang akademikong taon at

mga kasarian ay nakakaimpluwensya sa hangarin at mga layunin sa karera.

Gayunpaman, sa kanilang hinaharap na mga taon sa pag-aaral, ang mga

babae ay pinagtibay ang kanilang mga hangarin sa trabaho at inilantad ang

isang mas malakas na kagustuhan para sa isang maginhawang balanse sa

pagitan ng trabaho at iba pang mga aspeto ng buhay (Islam et al., 2022).

Sa Finland, ang pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa mga iba't

ibang interes, lahi at pinagmulan ay may potensyal na pasiglahin ang

pagninilay, kaalaman at paniniwala na maaaring humantong sa mga bagong

paraan ng pag-iisip tungkol sa mundo. Dagdag pa, ang kahalagahan ng

interaksyon ng mga kasamahan ng akademikong oryentasyong tipikal ng

peer group kung saan sila nabibilang ay maaaring magkaroon ng

pangmatagalang epekto sa mga programa ng pag-aaral ng mga indibidwal na

estudyante. Natuklasan na ang pakikipag-ugnayan ng mga kasamahan ay

nakakaimpluwensya sa mga mag-aaral sa pagpili ng programa (Kiuru et al.,

2018).

Ekonomiya. Ang katayuang panlipunan ay karaniwan nang tumutukoy sa

estadong pang-ekonomiya ng isang tao. Sa pagpili ng kursong kukunin isa sa

mga salik na kaialangan nating isaalang-alang ay ang pinansyal na estado ng

isang tao o ang kanyang kakayahan ng kaniyang pamilya na pag-aralin siya

sa isang tiyak na kurso. May mga kursong gaya ng medisina na lubhang

nangangailanagn ng mahal na martikula, at may kaakibat na ibat ibang

bayarin at panahon (Eugenio, 2021).


14

Karamihan sa mga mag-aaral ay lumilihis mula sa pagpili ng kanilang

sariling ginustong mga kurso dahil sa kanilang kakayahan sa pananalapi. Ang

pinansiyal ng mga magulang o may mababang katayuan sa lipunan ay

kadalasang nagiging mahalagang salik na nakakaimpluwensya sa karamihan

ng mga mag-aaral na pumili ng mga abot-kayang kurso. Ang mga paksang

nangangailangan ng mamahaling pangangailangan ay maaaring maging

isang hadlang na humahadlang sa interes ng mga mag-aaral na pumili ng

mga kurso na naaayon sa kanilang mga espesyalidad. Maraming mga mag-

aaral ang lumipat mula sa kanilang mga target na kurso dahil sa mga

problemang sosyo-ekonomiko ( Sadjail et al., 2021)

Bukod dito, nabanggit din sa isang pag-aaral na ang pagkakataon ay

ang pangatlong salik na humubog sa mga pagpipilian sa karera para sa mga

mag-aaral. Maaaring maimpluwensyahan ng pagkakataon kung paano

napagtanto ng mga mag-aaral ang kanilang hinaharap sa mga tuntunin ng

makatwirang posibilidad ng isang hinaharap sa partikular na mga larangan ng

karera. Ang usapin ng kahirapan ay may mahalagang papel sa pagtukoy sa

mga oportunidad na makukuha ng lahat. Ang antas ng kita ng mga pamilya sa

high school ay maaaring matukoy kung anong karera ang pipiliin ng isang

mag-aaral sa isang partikular na oras sa buhay ng mag-aaral; mga pagpipilian

na tutukuyin ang malaking bahagi ng kinabukasan ng estudyanteng iyon. Ang

ilang mga mag-aaral ay kailangang magbadyet ng edukasyon ayon sa

kanilang personal na kita. Ang mga lubhang nangangailangan, "Kung

kinakailangan, ang mga taong ito na inilarawan bilang nabubuhay sa ilalim ng

antas ng kahirapan ay dapat tulungan sa pamamagitan ng mga espesyal na

programa sa pagsasanay upang malampasan ang kahirapan sa edukasyon at


15

panlipunan upang ang pinakamababang pamantayan sa trabaho ay

matugunan. Ang mga mag-aaral sa maraming pagkakataon ay

mangangailangan ng wastong mentoring (Borchert et al., 2022)

Dagdag pa, sa mga pagkakataon sa pag-unlad, sariling interes, sariling

kakayahan at sariling mga saloobin ang nangungunang variable na may

malaking papel sa pagpili ng karera. Labing-isang bahagi tulad ng

micro/indibidwal, psychosocial, structural, miso, socioeconomic at

pampamilyang salik ang nakaimpluwensya sa pagpili ng karera. Sa ilang mga

kaso, nakita nito na ang pag-asam ng karera ay hadlang sa maraming

paraan. Kabilang sa mga socio-economic na salik na ito ang kalagayan ng

pamilya pati na rin ang sitwasyon sa pananalapi ay gumaganap bilang isang

katalista ng hangarin sa karera. Karamihan sa mga mag-aaral na mahihirap

na pamilya ay sinubukang magtrabaho sa mababang suweldo dahil sa

pamilya (Islam et al., 2022).

. Sa isang indibidwal na antas, ang mas mataas na edukasyon ay may

malakas, positibong epekto sa parehong mga pagkakataon sa kita at kalidad

ng trabaho. Sa isang pinagsama-samang antas, ang mas mataas na

edukasyon sa pangkalahatan ay may positibong epekto sa paglago ng

ekonomiya at pag-unlad ng institusyonal (ibig sabihin, sa mga pamantayan ng

lipunan at mga pormal na organisasyon). Ang ilang mga pag-aaral,

gayunpaman, ay nangangatwiran na hindi ang mas mataas na edukasyon sa

bawat isa ang nakaugnay sa paglago ng ekonomiya kundi ang

pangkalahatang kalidad ng edukasyon (Hanushek, 2016, Hanushek, 2012).

Alinsunod dito, ang pagiging inklusibo ng mga pagpasok sa unibersidad ay

itinuturing na isang pangunahing pag-aalala sa patakarang pang-edukasyon


16

dahil sa potensyal nitong malawak na implikasyon sa paglipat ng school-to-

work ng kabataan at mga resulta sa merkado ng paggawa sa hinaharap

(Ducanes et al., 2022).

Kapaligiran. Sa pahayag ni propesor Jensen DG. Mañebog ang

paaralan at lokasyon ng tirahan sa pagpili ng isang kurso o karera ay dapat

ring masagot ang sumusunod na tanong tulad ng; ang paaralan ba na nag-

aalok ng nais na kurso ay madaling marating? pumapasa ba sa mga board o

licensure exam ang mga produkto nito? makatwiran ba at abot-kaya ang

matrikula? ang mga pasilidad ba at kapaligiran ay sapat at pahihintulutan ang

mabungang pagkatuto Sa pagpili ng karera, ang akademikong institusyon

kung saan pumapasok ang isang indibidwal ay isa ring konsiderasyon

(Eugenio 2021).

Dadag pa rito, ang lokasyon ng paaralan ay isang mahalagang salik ng

desisyon ng mag-aaral na ipagpatuloy ang kanyang . Angg lokasyon ng

institusyong tersiyaryo gayundin ang kapaligiran nito ay makaiimpluwensya sa

pagpili ng mga mag-aaral sa pagkuha ng kurso. Dagdag pa, ang kalapitan sa

pagitan ng lokasyon ng campus at tahanan ay isa sa pinakamataas na

kahalagahan sa mga mag-aaral dahil ang pag-aaral sa malapit na unibersidad

ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na higpitan ang mas mabuting

relasyon sa pamilya (Sarkodie et., 2020).

Samantala sa isang pag-aaral, nagpatuloy ang isang hakbang at

ikinategorya ang mga salik na institusyonal sa pagitan ng dalawang elemento;

mga katangian ng nakapirming institusyon tulad ng lokasyon, mga


17

programang pang-akademiko, reputasyon ng institusyong tersiyaryo, mga

pasilidad ng institusyong tersiyaryo, gastos, pagkakaroon ng tulong pinansyal,

mga oportunidad sa trabaho, at pagsisikap ng institusyong tersiyaryo na

makipag-ugnayan sa mga mag-aaral na binubuo ng mga tagapangasiwa ng

advertising at marketing ng ang tersiyaryong institusyon (Ming 2020).

Ang reputasyon ng institusyon ay may mas malaking epekto sa pagpili

ng tertiary education. Ang akademikong kalidad ng institusyon ay nauugnay

sa reputasyon ng institusyon. Naniniwala si Fernandez (2010) na hindi

lamang isaalang-alang ng mga mag-aaral ang mga programang inaalok

kapag pumipili ng institusyong tersiyaryo, ngunit batay sa kredibilidad at

reputasyon ng isang tatak. Ang reputasyon ng institusyon ay nagbibigay ng

kredibilidad sa kwalipikasyon na nakuha, kaya ginagawang mas madali para

sa nagtapos na makakuha ng trabaho. Ang mga ranggo at reputasyon sa

mundo ng unibersidad ay isa ring pinakamahalagang salik upang maakit ang

mga mag-aaral (Mazzarol et al., 2019).

Gayunpaman ang mga materyales sa pagtuturo at pagkatuto na

ibinigay sa campus ay nakaimpluwensya sa desisyon ng mga mag-aaral na

mag-aral sa isang partikular na institusyon. Ito ay nagpapakita na ang library,

access sa png mga printer, computer at internet access ay mahalaga sa mga

mag-aaral dahil pinahuhusay nito ang kanilang pag-aaral. Kaakibat nito,

natagpuan na ang mga materyales sa pag-aaral ay mahalaga para sa mga

mag-aaral sa South Africa dahil karamihan sa mga mag-aaral ay walang

angkop na tahimik na lugar sa kanilang mga tahanan upang mag-aral at

maaaring gumamit ng mga pasilidad ng silid-aklatan upang makapag-aral (De

Jager at Du Plooy 2017).


18

Kagustuhang pagpili ng kurso ng mga mga-aaral dahil sa mga salik

nakaiimpluwensya

Ang kagustuhan naman ay tumutukoy sa mga bagay na hindi naman

talaga kailangan ng tao pero gusto nila dahil nagbibigay ito ng karagdagan o

espesyal na kasiyahan sa kanila. Ang kagustuhan naman ay mga bagay na

ating ninanais ng higit pa sa ating pangangailangan. Sa madaling salita, ito ay

mga bagay na nagbibigay ng kasiyahan sa atin. Halimbawa naman ng mga

kagustuhan ay ang mga mamahaling damit, alahas, sasakyan, libangan, at

iba pa. Ang mga pangangailangan at kagustuhan ay may kaugnayan sa

konsepto ng kakapusan at pagpili (Araling Panlipunan 2023).

Ang pagpili ng kurso ay isang mahalagang desisyon sa iyong buhay na

may malalim na epekto sa iyong kinabukasan. Ito ay ang proseso ng

pagpapasya kung aling larangan o disiplina sa edukasyon ang nais mong

pag-aralan at pasukin upang makamit ang iyong mga layunin at pangarap sa

buhay. Ang pagpili ng tamang kurso ay isang proseso na nangangailangan ng

seryosong pag-aaral at pagsusuri. Hindi ito dapat isagawa nang pabigla o

dahil sa impluwensya ng iba. Mahalaga na maglaan ka ng oras para pag-

aralan ang mga opsyon mo at konsultahin ang mga guro, magulang, o mga

propesyonal sa larangan na nais mong pasukin. Sa paggawa nito, mas malaki

ang tsansa na magtagumpay ka sa iyong kolehiyo at sa hinaharap na karera

(Nazaro, 2021).

Kaugnay sa pag-aaral na ito nagsasaad na nagpapakita lamang na

nagkaroon ng interes ang mga estudyante sa asignatura dahil sa

pagkakaroon ng isang magandang interaksyon gamit ang ibat-ibang gawaing


19

inihanda ng guro ngunit hindi nila masyadong itinuturing na paborito ang

asignaturang Filipino.) Ang asignaturang Filipino ay hindi masyadong

nabibigyan pansin ng mga mag aaral. Ngunit dahil sa magandang interaksyon

gamit ang ibat-ibang gawain na inihanda ng mga guro ay nagustuhan na rin

ito ng mga estudyante. Alinsunod sa pagpili ng mga mag-aaral ng kursong

BSED Filipino ay ang interes nila na pag-aralan ang asignaturang ito

(Laspiñas, 2022).

Sa pag-aaral na pinamagatang Course Preference of College Entrants:

Basis for New Program Offerings iniirerekomenda na bigyang-diin ang

pagsasama ng posibleng mga pagkakataon sa karera, ang kahalagahan ng

personal na interes, at ang kahalagahan ng hilig at kasanayan sa mga modyul

o programang ibinibigay sa mga mag-aaral sa panahon orientation sa karera

at mga kampanya sa pagtataguyod sa karera. Dagdag pa, dapat itong ibigay

bago makatapos ang isang mag-aaral junior high school bago piliin ng mga

mag-aaral ang kanilang track at strand sa senior high school dahil malinaw,

ito makabuluhang nakakaapekto sa kanilang kagustuhan sa kurso sa

kolehiyo. Ito ay gayundinbtiyakin ang pagpapatuloy at pag-unlad ng mga

kasanayang natutunan noong high school hanggang kolehiyo (Briones et al.,

2021)

Samantala ang mga indikeytor na tumutukoy sa kagustuhang pagpili

ng mga mag-aaral sa unang-taon sa kursong Batsilyer ng Sekondaryang

Edukasyon Mayoryang Filipino ay kinabibilangan ng: personal na interes o

passion; paaralan at lokasyon sa tirahan; katayuan sa lipunan; at ang

oportunidad sa trabaho.
20

Personal na interes o passion. Mahalagang maunawaan na ang

pagpili ng kurso, trabaho, at bokasyon ay nakabatay hindi lamang sa isang

salik. Nakapaloob sa pagpili ang ilang mga impluwensiya tulad ng indibidwal,

kultural, panlipunan at pangkapaligiran. Samakatuwid, maraming kailangang

ikonsidera, subalit hindi kailangang gawin mo itong mag-isa. May mga

makakatulong sa mga paaralan upang magkaroon ng pagtatasa ng karera na

gusto mong tahakin sa hinaharap. Mahalagang isa-alang-alang ang nais ng

magulang at ang kalooban ng Dios (Eugenio et al., 2021).

Dagdag pa, ang pangarap o pantasya noong kabataan ay iilan sa mga

dahilan na nakiimpluwensiya sa pagdedesisyon sa hinaharap, kultura o ang

lahi at etnikong pinagmulan kasama na rito ang kasarian (estereotipo ng

bawat kasarian), mga tungkulin sa buhay (Life roles), personalidad,

nakaraang mga karanasan, kasanayan, abilidad, at talent, mga

pinahahalagahan (Values), nteres at ang pisikal na karanasan, at pisikal at

mental na kakayahan (Ebrado et al., 2020).

Sang-ayon din ang isang pag-aaral na nagpahayag na ang personal na

interes sa buhay ay isa ring malaking salik na nakakaapekto sa pagpili ng

kurso sa kolehiyo dahil dapat piliin ng mga mag-aaral kung anong kurso ang

talagang gusto nila, at kailangan nilang makatiyak tungkol dito.(Narciso et al.,

2020).

Gayon din ang kursong edukasyon ay isa sa pinaka abot-kayang mga

kurso. Maraming estudyante, lalo na ang mga may mababang kita ay lilipat sa

pagpapatala ng kursong edukasyon dahil sa tingin nila ay abot-kaya ito. Ito

nga ang dahilan ng malaking pagdagsa ng enrollment sa mga kursong pang-


21

edukasyon. Kahit na ang mga mag-aaral ay may sariling mga kagustuhan sa

kurso, ang kanilang pagkasumpungin sa pananalapi ay nagiging isang

paghihimok para sa kanila na piliin ang kursong edukasyon. Dagdag pa rito,

pinili nilang kumuha ng partikular na kurso dahil sa kanilang mga kagustuhan

o laban sa kanilang sariling interes (Sadjail et al., 2021).

Paaralan at Lokasyon sa tirahan. Sa pagpili ng isang kurso o karera,

ang paaralan at lokasyon sa tirahan ay napabilang din sa kagustuhang pagpili

ng mag-aaral sa isang kurso sapagkat marami ang dapat isaalang-alang

hinggil sa distansya ng paaralan sa ating tahanan. Itinuturing ng ilang

manunulat na ang paaralan at ang lokasyon ng tirahan ng mga-aaral ay isa sa

mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa kagustuhang pagpili ng kurso

sa kolehiyo (Eugenio et al., 2021)

Sinuportahan din ng ibang pag-aaral na ang mga pasilidad at

kagamitan ng isang paaralan ay nakakaapekto sa lahat, mula sa mga mag-

aaral hanggang sa mga guro sa institusyon. Ito ay lalong mahalaga kung ang

kursong kinukuha mo ay nangangailangan ng teknikal o espesyal na

kakayahan, gaya ng medisina, engineering, o multimedia arts. Siguraduhing

isaalang-alang ang mga pasilidad ng campus bago mag-enroll. Sa isa pang

tala, magiging kapaki-pakinabang din na matutunan kung paano

pinangangasiwaan ng institusyon ang pambu-bully, mga banta sa labas ng

paaralan (hal. mga magnanakaw at snatcher), at iba pang mga sensitibong

isyu gaya ng hazing. Kung ang isang partikular na institusyon ay may kursong

gusto mo, ang paggawa ng higit pang pananaliksik ay makakatulong sa iyo na

i-shortlist ang mga opsyon. Ang kolehiyo ay hindi lamang tungkol sa mga

major at libro; ito rin ay tungkol sa networking, pagkakaroon ng kasiyahan, at


22

pagdanas ng paglago sa pamamagitan ng mga karanasan sa labas ng silid-

aralan (Bukas Team, 2021).

Kaugnay nito, bibigyan nila ng mas kanais-nais na pagpipilian ang

isang kolehiyo na may posibilidad para sa isang scholarship. Ismail's (2009),

sa pag-aaral ng Mediating Effects of Information on College Choice ay

nagpahiwatig na ang mga mag-aaral ay nasiyahan sa pagpili sa kolehiyo

batay sa kanilang kasiyahan sa impormasyon na may kinalaman sa mga salik

sa pananalapi (mga panlabas na impluwensya) na kinabibilangan ng mga

tulong pinansyal at abot-kayang bayad. Higit pa rito, maraming mga

kadahilanan ang maaaring makaapekto sa desisyon ng isang mag-aaral sa

pagpili ng isang paaralan para sa isang degree program. Ang isa sa mga

kadahilanan na maaaring makaapekto sa pagpili ng isang tao ay ang mga

pamantayan ng kalidad ng paaralan na sinusundan ng mga mahusay na

kwalipikadong propesor, kapaligiran ng paaralan, imprastraktura, at mga

pasilidad sa pagtuturo/pag-aaral. Ang isa pang mahalagang salik na

nakakaimpluwensya ay ang pagkakaroon ng tulong pinansyal na ibinibigay ng

institusyon (Briones at Bueno, 2019).

Katayuan sa Lipunan. Ang katayuan sa lipunan ay karaniwan

itinuturing na panlabas na salik sa kagustuhang pagpili ng kurso sa kolehiyo

na na tumutukoy sa estadong pang-ekonomiya ng isang tao. Sa pagpili ng

kursong kukunin, hindi maiiwasang isa-alang-alang ang pinansiyal na estado

ng isang tao o ang kakayahan ng kaniyang pamilya na pag-aralin siya sa

isang tiyak na kurso (Eugenio et al, 2021).


23

Lumabas sa isang pag-aaral na lubos na isinaalang-alang ng mga

mag-aaral ang aspetong pinansyal sa pagpili ng mga ginustong kurso.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang aspetong pinansyal ang

pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagpili ng

kanilang gustong kurso sa kolehiyo dahil ang ilang abot-kayang kurso ay

angkop sa kakayahan at kakayahan ng mga mag-aaral. Gayunpaman, ang

ilang mga mag-aaral ay nais din ng ilang mga mamahaling kurso dahil ang

mga kursong iyon ay angkop para sa kanilang mga kasanayan, ngunit hindi

nila kayang bayaran ang tuition fee (Cajes et al., 2020).

Ang unang kadahilanan na ang katayuang pang-ekonomiya

ay maaaring maka-impluwensya sa mga kagustuhan sa karera ng mga

mag-aaral. Ang katayuang pang-ekonomiya ay nakikita na may direkta at

hindi direktang impluwensya. Ang pera ay may mahalagang papelsa mga

desisyon sa karera, lalo na para sa mga mag-aaral mula sa mas

mababang mga sosyo-ekonomikong background (Nazaro et al., 2021).

Dagdag pa sa ibang mananaliksik, karamihan sa mga estudyante ay

lumihis mula sa pagpili ng kanilang sariling ginustong mga kurso dahil sa

kanilang kakayahan sa pananalapi. Isinaalang-alang nila ang pinansyal ng

kanilang mga magulang o mababang katayuan sa lipunan na kadalasan ay

nagiging makabuluhang salik na nakakaimpluwensya sa karamihan ng mga

mag-aaral sa para sa mga abot-kayang kurso. Kaya naman maraming mga

mag-aaral ang lumipat mula sa kanilang mga target na kurso dahil sa mga

problemang sosyo-ekonomiko (Sadjail et al., 2021).


24

Oportunidad sa trabaho. Ayon sap ag-aaral karamihan sa mga mag-

aaral ay naiimpluwensyahan ng mga karera ng kanilang mga magulang na

pabor upang maiwasan ang mga alitan sa tahanan. Dagdag pa sa pag-aaral,

inihayag na ang mga oportunidad sa trabaho sa programa ay

nakakaimpluwensya sa pagpili ng mga mag-aaral (Geiger at Ogilby, 2018).

Nalaman ng pag-aaral na ito na unang konsiderasyon ng mga mag-aaral sa

pagpili ng kurso sa Unibersidad ay ang pagkakaroon ng posibleng trabah

(Sakordie et al., 2020).

Ayon sa mga nagawang pag-aaral, ang iba ay nag-iisip ng pagiging

praktikal na pagpili para sa kanilang mga kurso dahil mataas na

pangangailangan ng mga guro sa Kagawaran ng Edukasyon bawat taon. Ang

mga magulang at mga mag-aaral ay nagiging praktikal sa pag-target ng

kanilang kurso sa kolehiyo. Habang ang ilang mga mag-aaral ay kumuha ng

kurso para maging batayan sa pagtrabaho ibang bansa. Ngunit, napag-

alaman sa mga mananaliksik na maraming estudyante ang naengganyo na

umunlad ang interes sa mga kursong pang-edukasyon na na labis na

kinakailangan sa panahon ngayon partikular na sa bansang pilipinas (Sadjail

et al., 2021).

Dagdag pa ni propesor Jensen DG Manebog, Dapat lang na

makaimpluwensya sa mga desisyon tungkol sa pagpili ng kurso at propesyon

ang mga oportunidad sa trabaho. Halimbawa na lamag ang makabubuting

kunin ang karera kung saan ay may malaking pangangailangan o demand sa

ating lipunan. Kapag hindi ito isasaalang-alang, maaring mahulog sa pagiging

unemployed o underemployed pagkatapos ng lahat ng pag-aral na ginawa


25

mo. Kapag ito ay naganap, maaaring masira ang pangarap at hindi makamit

ang itinakdang layunin sa buhay (Eugenio, 2021).

Nagmumungkahi rin ang ibang pag-aaral na ang mga oportunidad sa

trabaho ay isang mahalagang salik na nakakaimpluwensya sa pagpili ng mga

kurso sa kolehiyo. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang pagiging epektibo

ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa pagpili ng mga trabaho ay

naiimpluwensyahan ng mga pagkakaiba ng kasarian at maaaring magkaroon

ng epekto sa kanilang pagkabalisa sa karera tatahakin (Han et al., 2022).

BatayangTeoritikal

Sa bahaging ito nakasaad ang mahahalagang teoryang binuo ng iba

pang mananaliksik at dalubhasa hinggil sa paksang may kaugnay sa

isasagawang pag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay nakaangkla sa teoryang " Risk Theory " ni

Luca Pacioli (1491), nakasaad sa teoryang ito ang epekto ng mga posibleng

kinalabasan sa proseso at bunga ng mga uri ng pagpapasya. Ang mga mag-

aaral ay gumagawa ng mga desisyon sa pagpili ng kanilang kurso at isinasala-

alang ang mga salik na nakaka-apekto sa pagpapasya. Ang Risk Theory ay

isang mathematical approach na tumutulong sa pagpapaliwanag ng mga

desisyong ginawa kapag nahaharap sa kawalan ng katiyakan tungkol sa

hinaharap. Kabilang dito ang pagtukoy sa mga resulta ng isang sitwasyon,

pagtatalaga ng mga halaga sa bawat resulta, at pagkalkula ng posibilidad ng

bawat resulta. Ang prosesong ito ay mahalaga para sa mga gumagawa ng

desisyon na umaasa sa pamamahagi ng mga resulta upang mahulaan ang

kanilang tagumpay.
26

Sa konteksto ng pag-aaral, ayon kay DeLee 2023, ang unang hakbang

sa paglalapat ng teoryang ito ay ang pagtukoy sa mga resulta, na isang

function na nagmamapa ng mga posibleng estado at desisyon. Tinutukoy ng

relatibong halaga ng bawat kinalabasan kung gaano ito nakakaapekto sa

panghuling desisyon. Ang mga natimbang na kinalabasan ay idinaragdag nang

sama-sama upang magbunga ng kabuuang halaga para sa bawat desisyon,

na may teoryang nagrerekomenda ng desisyon na may pinakamataas na

kabuuang halaga. Samakatuwid, tinutulangan ng teoryang ito na matukoy ang

posibleng resulta ng mga mag-aaral desisyon sa kagustuhang pagpili ng

kursong BSED Filipino ayon sa mga salik na kanilang isinaalang-alang gamit

ang mga hakbang na nakapaloob sa teoryang ito.

Nakaangkla rin ang pag-aaral na ito sa teoryang “Social cognitive

theory” na ipinakilala ng saykolohista na si Albert Bandura (1960) na

nagmungkahi na ang pagkatuto ay nangyayari sa pamamagitan ng

pagmamasid, imitasyon, at pagmomodelo at naiimpluwensyahan ng mga salik

tulad ng atensyon, motibasyon, saloobin, at emosyon. Isinasaalang-alang ng

teorya ang interaksyon ng mga elemento sa kapaligiran at nagbibigay-malay

na nakakaapekto kung paano natututo ang mga tao.

Sa konteksto ng pag-aaral, ang naturang teorya ay nagmumungkahi na

ang pag-aaral ay nangyayari dahil ang mga tao ay nagmamasid sa mga

kahihinatnan ng mga pag-uugali ng ibang tao. Ang SCT ni Albert Bandura ay

nagmumungkahi na ang pag-uugali ng tao ay produkto ng pakikipag-ugnayan

sa pagitan ng mga personal na salik, mga impluwensya sa kapaligiran, at mga

pattern ng pag-uugali. Binigyang-diin niya ang papel ng obserbasyonal na pag-

aaral, karanasang panlipunan, at reciprocal determinism sa pag-uugali ng tao,


27

na nagmumungkahi na ang mga tao ay parehong aktibong naiimpluwensyahan

sa kanilang kapaligiran na may kaugnay sa paggawa ng desisyon sa landas na

tatahakin. Sa madaling salita nagpapatunay lamang ito na dapat ay

naisaalang-alang ng mag-aaral ang mga salik na nakapaloob sa teoryang ito

bago gumawa ng mga desisyon sa pagpili ng kursong BSED Filipino sa

KCAST.

akademikong pakikipag-ugnayan sa harapang klase man o sa online na

kaparaanan (Graham et al., 2000). Sa konteksto ng pag-aaral, ang naturang

balangkas ay nagpapakita ng iba't ibang aspektong pang-interaksyon,

pampakikipag-ugnayan at pakikilahok sa klase o maging sa institusyon na

maaaring magpatibay sa akademikong pakikilahok ng mga mag-aaral sa

programang edukasyon - mayoryang Filipino ng KCAST sa ilalim ng remote

learning.

Bukod pa rito, ang pag-aaral na ito ay nakaangkla rin sa Social

Cognitive Career Theory (SCCT) ni Lent, Brown, at Hackett taong 1994.

Nilalayon nitong ipaliwanag ang tatlong magkakaugnay na aspeto ng pag-

unlad ng karera: gaano kahalaga ang akademiko at ang pagkakaroon ng mga

interes sa karera, kung paano ang edukasyon at karera ay pinagdedesiyonan,

at kung paano ang akademiko at karera tagumpay na matatamo. Kaugnay ng

nito, pinagsasama ng teorya ang iba't ibang mga konsepto tulad ng interes,

kakayahan, halaga, at kapaligiran na mga kadahilanan mula sa mga naunang

teorya ng pag-unlad ng karera, gamit ang pangkalahatang Social Cognitive ni

Albert Bandura teorya bilang isang nagkakaisang balangkas. Ang

inirekomenda ng SCCT ang proseso ng paggawa ng desisyon na dapat pag-

isipang mabuti ang pagpili ng kurso sa kolehiyo at hindi isang madaling


28

desisyon na gawin lalo na sa mga mag-aaral na papasok pa lamang sa

kolehiyo o unibersidad. Dagdag pa rito, iniulat din na naiiba mga kadahilanan

na maaaring makaapekto sa mga desisyon sa karera, tulad ng pagiging

epektibo sa sarili, kagustuhan ng mga mag-aaral, pagpili ng mga magulang,

kakayahan, bilang ng mga paaralan na nag-aalok ng gustong karera, at ang

pagkakaroon ng tulong pinansyal o scholarship (Gestiada et al., 2017).

Batayang Konseptwal

Ipinapakita sa unang pigura ang isang konseptwal na batayan na

naglalarawan sa ugnayan ng malayang baryabol at di-malayang baryabol sa

pag-aaral na isasagawa.

Ang malayang baryabol ay ang salik na nakaiimpluwensya sa mga mga-

aaral kabilang ang sumusunod na indikeytor na nakabatay sa pag-aaral nina

Almario et al., at Sadjail et al., (2021): sosyal; ekonomiya; at kapaligiran.

Samantalang ang di-malayang baryabol ay ang kagustuhang pagpili ng

mga mga-aaral dahil sa mga salik nakaiimpluwensya sa unang-taon sa

kursong programang edukasyon mayoryang Filipino sa KCAST batay sap ag-

aaral nina Vallejo (2019) at Pascual (2014): personal na interes o passion;

paaralan at lokasyon; katayuan sa lipunan; at oportunidad sa trabaho.

Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol


29

Salik na nakiimpluwensya Kagustuhang Pagpili


 Personal na interes o
 Sosyal
passion
 Ekonomiya
 Paaralan at lokasyon
 Kapaligiran
 Oportunidad sa
trabaho

Pigura 1: Batayang Konseptwal na pananaliksik ng mga Baryabol at

ang mga Indikeytor ng Pananaliksik

Kahalagahan sa Pag-aaral
30

Sa bahaging ito, ang mga resulta ng pananaliksik ay gagamitin bilang

mahahalagang impormasyon upang makapagbigay ng bagong pananaw

hinggil sa mga salik na nakiimpluwensya sa kagustuhang pagpili ng kursong

BSED Filipino ng mga mag-aaral sa unang-taon ng KCAST. Kaya't

inaasahang ang pag- aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa

sumusunod:

Para sa pamunuan ng Kapalong College of Agriculture Sciences

and Technology, ang pag-aaral na ito makapagbibigay ng mga idea sa mga

aksyong maaaring gawin ng institusyon upang matugunan ang mga suliraning

kinakaharap ng mga mag-aaral sa programang edukasyon mayoryang

Filipino, at upang ang pamunuan ay makabuo ng mga hakbang at istratehiya

na magbibigay ng solusyon ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-

aaral hinggil sa kanilang kagustuhang pagpili ng programang edukasyon

mayoryang-Filipino at matukoy kung anu-ano ang mga salik na

nakaiimpluwensya sa kanilang pagpili ng kurso. Ang pag-aaral na ito ay

inaasahang makakahanap ng mga kasagutan at solusyon upang matulungan

ang mga mag-aaral sa programang edukasyon mayoryang Filipino sa unang-

taon ng KCAST na matukoy ang mga salik, pahusayin ang sariling

kakayahan, magkaroon ng matibay na paninindigan at malinang ang

kaalaman hinggil sa napiling kurso.

Para sa tanggapan ng programang edukasyon at ng Filipino

faculty, magiging kapaki-pakinabang ito sa tanggapan ng programang

edukasyon at ng Filipino faculty sa kadahilanang ito ay maglalahad ng mga


31

impormasyon tungkol sa ugnayan ng mga salik na nakaiimpluwensya sa

kagustuhang pagpili ng kursong BSED Filipino sa institusyon ng KCAST.

Magbibigay rin ito ng mga idea na magiging daan upang makabuo ng mga

batayan at simulain sa pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng

naturang programa. Ang matutuklasan ng pag-aaral na ito ay gagamitin bilang

mapagkukunan ng impormasyon sa tanggapan ng programang edukasyon ng

KCAST at lalo na sa mga guro sa Filipino.

Para sa mga mag-aaral sa programang edukasyon - mayoryang

Filipino, makatutulong ang pag-aaral na ito sa pagdedesisyon o pagpili ng

karera/kurso ng maayos na kapakipakinabang sa hinaharap na propesyong

papasukan. Inaasahang magtataglay na sila ng matibay na pagpapahalaga,

may malawak at magandang pananaw hinggil pagpili sa kursong BSED

Filipino sa KCAST kaakibat nito ang pagmamahal sa trabahong papasukin.

Para sa mga mananaliksik sa hinaharap, ito magsisilbing malaking

tulong at gabay sa kanilang isasagawang pag-aaral na may kaugnayan sa

paksang ito. Ang ilan sa mga idea at impormasyon ng pag-aaral ay maaari

nilang gawing sanggunian sa panahon na kakailanganin nilang magsagawa

ng pag-aaral na may kaugnayan sa saloobin sa remote learning at

akademikong pakikilahok ng mga mag-aaral. Ito ay magsisilbing sanggunian

ng mga impormasyon para sa mga inisyatibong panghinaharap at sa mga

karagdagan pang pag-aaral.


32

Katuturan ng mga Katagang Ginamit

Sa bahaging ito, ang sumusunod na katuturan ng mga katawagan ay

binigyan ng konseptwal at operasyonal na pagpapakahulugan upang

malaman ng mga mambabasa o mananaliksik ang mga salitang ginamit sa

pag-aaral.

Salik na Nakaiimpluwensya. Ito ay tumutukoy sa dahilan o sanhi ng isang

pangyayari o kondisyon. Isa rin itong bahagi o component, ito ay maaaring

tumutukoy sa mga bahagi o elemento ng isang buong sistema o bagay.

Dagdag pa, ang mga mag-aaral ay naiimpluwensyahan hindi lamang ng

personal kundi maging ng panlabas na mga salik na maaaring makatulong sa

kanyang matalinong pagpili ng kaniyang magiging kurso o propesyon

(Manebog at Eugenio, 2021). Sa konteksto sa pag-aaral na ito, ang mga

eksperimento o pagsusuri na maaaring tumukoy sa mga baryabol o

kondisyong dinadala sa paggawa ng desisyon ng mga mag-aaral para tukuyin

ang epekto nito ay ang sumusunod na salik: sosyal, ekonomiya at kapaligiran.

Kagustuhan sa Pagpili. Tumutukoy ang kagustuhang pagpili sa paggawa ng

desisiyon batay sa mga iba’t ibang salik na nakaiimpluwensya. Ang

kagustuhan naman ay mga bagay na ating ninanais ng higit pa sa ating

pangangailangan. Ito ay tuSa madaling salita, ito ay mga bagay na

nagbibigay ng kasiyahan sa atin (Carlo, 2018). Halimbawa nito ay ang

pagpasok sa mamahalin at magagarang paaralan, mga nauusong telepono o

“cellphone”, masasarap na pagkain at iba pa. Ito ay maaaring magbago,

mapalitan, o madagdagan depende sa nais ng tao. Maaari din naman na ang


33

kagustuhan ay maging pangangailangan depende sa sitwasyon. Halimbawa,

kinuha ni Samantha ang kursong BSED Filipino hindi lamang dahil ito ang

kinuha ng kanyang mga kaibigan ngunit kailangan niya rin ito sa dahilang

abot-kaya rin ang martikula sa nasabing programa. Sa konteksto ng pag-aaral

na ito, ang kagustuhang pagpili ng mga mag-aaral sa unang-taon sa BSED

Filipino sa Kursong Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon Mayoryang

Filipino sa KCAST sa sumusunod na salik: personal na interes o passion,

paaralan at lokasyon at ang oportunidad sa trabaho.

KABANATA 2

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito tatalakayin ang mga pamamaraang ginamit sa

pangangalap ng kakailanganing datos sa isinasagawang pag-aaral, disenyo

ng pananaliksik, lokal ng pananaliksik, mga target na respondent, mga

instrumento ng pananaliksik mga hakbang sa pagkolekta ng datos, mga

teknik ng sampling, at ang kagamitang estatistikal na ginamit ng

mananaliksik.

Disenyo ng pananaliksik

Kwantitatibong disenyo ng pananaliksik ang ginamit sap ag-aaral sa

deskriptibong korelasyonal na pananaliksik upang tukuyin ang ugnayan sa

pagitan ng malaya at di-malayang baryabol. Naglalaman ito kung paano


34

gagawin ang pag-aaral ukol sa kagustuhang pagpili ng mga mag-aaral sa

proramang edukasyon mayoryang Filipino. Sisikaping ilalahad o ilalarawan ng

mananaliksik kung ano-ano ang mga mga salik na nakaiimpluwensya sa

kagustuhang pagpili ng mga mag-aaral sa unang-taon ng BSED Filipino sa

kursong batsilyer ng sekondaryang edukasyon mayoryang Filipino. Ang

pamamaraang ito ay gagamitin upang kalkulahin at suriin ang mga baryabol

upang makapagtala ng mga resulta. Ang pamamaraang ito ay tinukoy bilang

ang proseso ng paglalarawan ng isang problema o phenomena sa

pamamagitan ng pagkolekta ng numerikong datos upang suriin gamit ang

mga instrumentong matematikal, particular na ang estatistika (Apuke, 2017)

Ginamit ng mananaliksik ang kwantitabong pananaliksik sa pag-aaral

na ito. Naging deskriptibong korelasyonal ang pananaliksik na ito sa

kadahilanang ito ay naglalayung tukuyin ang dalawang baryabol at ang

ugnayang natural na manyayari sa pagitan ng mga ito. Ang malayang

baryabol ay ang salik na nakaiimpluwensya sa pagpili ng kurso at ang di-

malayang baryabol naman ay ang kagustuhang pagpili ng mga mag-aaral sa

kursong batsilyer ng sekondaryang edukasyon mayoryang Filipino sa unang-

taon sa KCAST (Sousa et., 2007).

Sa pamamaraang deskriptibong korelasyonal, susuriin ng mananaliksik

ang kaibahan sa pagitan ng dalawang katangian ng grupong pag-aaralan. Sa

pagitan ng dalawang baryabol, ginamit sa pag-aaral na ito ang pamamaraang

kwantitabo sa dulog ng deskriptibong korelsyonal na analisis na layuning

tukuyin ang relasyon. Ang dalawang baryabol sa pag-aaral na ito ay: salik na

nakaiimpluwensya sa pagpili ng kurso, ang malayang baryabol at ang di-

malayang baryabol naman ay ang kagustuhang pagpili ng mga mag-aaral sa


35

kursong batsilyer ng sekondaryang edukasyon mayoryang Filipino sa unang-

taon (Harahap at Pardede 2017).

Sa pag-aaral na ito, hinahanap ng deskriptibong korelasyonal na

pananaliksik ang mga baryabol na maaaring may impluwensya sa isa't isa,

kaya't mahihinuha ng mananaliksik kung paano magbabago ang isang

baryabol kapag nagbago rin ang isa. Ang kahalagahan ng korelasyonal na

pananaliksik ay upang malaman kung paano nga ba nagkakaugnay ang

dalawang baryabol. Bukod pa rito, ang mga pananaliksik ay nakaanggulo sa

iba't ibang elemento, tulad ng likas na katangian ng relasyon sa pagitan ng

dalawa o higit pang mga baryabol at ang modelong teoretikal na posibleng

mabuo at masuri upang maipaliwanag ang mga kaganapang korelasyunal na

mangyayari (Glass & Hopkins, 2013).

Lokal ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay ginawa sa Kapalong College of Agriculture

Sciences and Technology. Ang mga naging partisipante sa pag aaral na ito ay

ang mga mag aaral na mula unang taon at ikalawang taon sa Sekondaryang

Edukasyon Medyor sa Filipino. Ang paaralang Kcast ay matatagpuan sa

lungsod ng Kapalong, lalawigan ng Davao del Norte. Ang lungsod ng

Kapalong ay mayroon ding populasyon na 81,061 ayon sa census noong

2020. Napapaligiran ang Kapalong ng lalawigan ng Agusan del sur, silangan

ng lalawigan ng Davao de Oro. Sa timog naman ay ang mga lungsod ng

Asuncion at Sto.Tomas, habang sa kanluran ay ang lungsod ng Talaingod at

lalawigan ng Bukidnon. Kaya naging madali na lamang sa mananaliksik na

maunawaan ang kultura, tradisyun at mga kaugalian ng mga estudyante sa


36

paaralan at naging madali dahil hindi na mahirap ang pag acess dito dahil isa

ang tagapanalisik ay mag aaral sa institusyon na ito. Sa pamamagitan ng

pagtiyak na kasama ang mga estudyante mula sa ibat ibang antas, mas

mapapalawak

ang saklaw ng pag aaral at mas naging tumpak ang mga nakuha at naipakita

nitong resulta (Kapalong.gov.2023).

Sa bahaging ito ipinapakita sa pangalawang pigura ang lokasyon kung

saan isasagawa ang pag-aaral. Ito ay isasagawa sa Kapalong College of

Agriculture Sciences and Technology, isang lokal na kolehiyo sa Bayan ng

Kapalong, Davao del Norte. Sa kasalukuyan, nag-aalok ang KCAST ng anim

na programa tulad ng: Teacher Education, Business Administration, Office

Administration, Public Administration, Criminology, at Agriculture na inaalok

ng libre sa ilalim ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary

Education Act ng Commission on Higher Education (CHED). Ang mga

nasabing programa ay kinikilala at akreditado ng Association of Local College

and Universities (ALCUCOA).

Populasyon at Sampol

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Kapalong College of Agriculture

Sciences and Technology. Ang mga kalahok ng pag-aaral na ipinakita sa

Talahanayan 1 ay ang piling mga mag-aaral mula sa unang-taon ng

programang edukasyon mayoryang Filipino na may kabuoang populasyon na

185. Hihingin ng mananaliksik ang bilang ng mga respondente sa bawat

seksyon mula sa kanilang tagapayo upang maitala ang kabuoang bilang ng

mga kalahok.
37

Pigura 2. Mapa ng Rehiyon na Ipinapakita ang Lokal ng Pananaliksik


38

Ginamit sa pag-aaral ang paraang random sampling na idinetalye ni

Cherry (2021) bilang paraang tumutukoy sa isang subset ng mga indibidwal

na pinili ng mananaliksik upang kumatawan sa isang buong grupo. Layunin

nitong makakuha ng sampol ng mga tao na kakatawan sa mas malaking

populasyon.

Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Respondente

Baitang Populasyon Sampol Bahagdan

BSED FILIPINO 1A 59 25

BSED FILIPINO 1B 62 50

BSED FILIPINO 1C 64 52

KABUOAN 185 130

Ipinapakita sa Talahanayan 1 ang bilang, sampol at bahagdan ng mga

mag-aaral sa programang edukasyon mayoryang Filipino sa unang taon sa

bawat seksyon, at ang kabuoang populasyon nila sa pangkalahatan. Sa 59 na

mga mag-aaral sa BSED Filipino 1A, target ng mananaliksik 25 o higit pang

sampol ang makalkula, samantalang sa BSED Filipino 1B naman mayroong

bilang ng mga mag-aaral na 62 target ng mananaliksik na mayroong 50 o higit

pa ang magiging sampol, habang sa BSED Filipino 1C ay mayroong 64 na

bilang ng mga mag-aaral at aasahang 52 ang magiging sampol nito na


39

mayroong pangkalahatang bilang ng 130 na mga respondente. Ang mga

datos na ipinakita ay kakalkulahin gamit ang Slovin's formula.

Instrumento ng PananaliksiK

Ang mga mananaliksik ay gagamamit ng Sarbey-kwestyuner na

maglalaman ng mga katanungan na maaaring pagkunan ng sagot at

pananaw ng mgarespondente patungkol sa “Salik na Nakaiimpluwensya sa

Kagustuhang pagpili ng kursong Batsilyer ng Sekondaryang Edukayson

Mayoryang Filipino sa unang taon sa KCAST”. Ito ang sasagot sa katanungan

ng mga mananaliksik ukol sa desisyon ng mga mag-aaral sa pagpasok sa

kolehiyo.

Gagamit ang mananaliksik ng mga talatanungang mula sa

pinagbatayang pag- aaral nina Almario at Sakordie et al., (2021) na tuwirang

tumutukoy sa di-malaya at malayang baryabol na naaangkop sa paksa ng

pag-aaral. Ang unang talatanungan ay susuriin ang mga saloobin ng mga

mag-aaral sa kursong edukasyon mayoryang Filipino hinggil sa mga salik na

nakiimpluwensya sa pagpili ng kurso batay sa sumusunod na indikeytor:

sosyal; ekonomiya; at kapaligiran. Ang pangalawang hanay ng mga

katanungan naman ay nakatuon sa kagustuhang pagpili ng mga mga-aaral

dahil sa mga salik nakaiimpluwensya sa mga mag-aaral unang-taon sa

kursong programang edukasyon mayoryang Filipino sa KCAST na nakabatay

sa pag-aaral nina Vallejo, (2019) at Pascual, (2014) na tuwirang tumutukoy

sa: personal na interes o passion; paaralan at lokasyon sa tirahan; katayuan


40

sa lipunan; at oportunidad sa trabaho. Ang mga talatanungang gagamitin ay

sasailalim muna sa masusing balidasyon mula sa panel ng mga eksperto.

Five-point Likert Scale ang gagamitin bilang batayan upang malaman

ang antas ng saloobin sa mga salik na nakiimpluwensya sa pagpili ng

kursong BSED Filpino at kagustuhang pagpili nito. Sa sukatang ito ang mga

respondente ay tutugon sa pamamagitan ng pagtsek o pagbilog ng mga

numero. Dahil dito, ang mga respondente ay gagamit ng limang- puntong

Likert scale (mula sa 'pinakamataas hanggang pinakamababa'). Ang mga

datos ay kakalkulahin batay sa bilang nito upang maitala ang inaasahang

marka.

Upang madaling masuri ang mga datos na makakalap sa pag-aaral na

ito, gumawa ang mananaliksik ng isang talahanayan na kakatawan sa limang

napagsusunod-sunod na kategorya ng mga salik na nakaiimpluwensya sa

pagpili ng kurso remote learning kaakibat ang mga batayang saklaw ng

paglalarawan at interpretasyon ng mga ito, ito ay ang mga sumusunod:

Saklaw na Paglalarawan Kahulugan Berbal na Interpretasyon

4.30-5.00 Napakataas Ang antas saloobin sa learning

ay ng mga remote laging

naipapakita.

3.50-4.20 Mataas Ang antas saloobin ng mga

remote sa leaming ay madalas

na naipapakita.

2.70-3.40 Katamtaman Ang antas ng mga saloobin sa


41

remote learning ay minsan lang

naipapakita.

1.90-2.60 Mababa Ang antas ng mga saloobin sa

remote learning ay bihirang

naipapakita.

1.00-1.80 Napakababa Ang antas ng mga saloobin sa

remote learning ay hindi

gaanong naipapakita.

Saklaw na Kahulugan Berbal na Interpretasyon

Paglalarawan

4.30-5.00 Napakataas Ang antas saloobin sa learning

ay ng mga remote laging

naipapakita.

3.50-4.20 Mataas Ang antas saloobin ng mga

remote sa leaming ay madalas

na naipapakita

2.70-3.40 Katamtaman Ang antas ng mga saloobin sa

remote learning ay minsan lang

naipapakita.

1.90-2.60 Mababa Ang antas ng mga saloobin sa

remote learning ay minsan lang

naipapakita.

1.00-1.80 Napakababa Ang antas ng mga saloobin sa


42

remote learning ay hindi

gaanong naipapakita

Sa kabilang banda, para sa pag-interpreta sa antas ng akademikong

pakikilahok, ang sumusunod na panukat ang gagamitin ng mananaliksik:

Pangongolekta ng Datos

Sa pagkolekta ng datos, isasagawa ng mananliksik ang susmusunod

na hakbang:

Pagbuo ng Talatanungan. Hinanap ng mananliksik ang mga

talatanungang pinagbatayan mula sa mga artikulong dyornal at kaugnay na

pananaliksik sa internet ng tiyakang maiuugnay sa dalawang baryabol.

Rebisyon at Balidasyon Ng Mga Talatanungan. Matapos nabuo

ang mga talatanungang ginamit, isusumite ito sa panel ng mga eksperto

upang masuri at maikontekstwalisa tungo sa pag-aaral at inaasahang

sunsundin ng mananaliksik ang mga payo ng mga eksperto sa pagrebisa

hanggang sa ito ay maaprubahang gamitin.

Paghingi ng Pahintulot na Magsagawa ng Pag-aaral. Hihingi muna

ang mananaliksik ng pahintulot sa KCAST College President na si Ginoong

Rodrigo C. Licayan Jr., DBA sa pamamagitan ng liham. Pagkatapos, maingat

nang isasagawa ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga

hakbang na imumungkahi sa institusyon upang maiwasan ang paglabag sa

mga batas at matamasa ang mapayapang pananaliksik.


43

Distribusyon sa Mga Talatanungan. Matapos maipababalidipika ang

mga talatanungan at maaapruban ng mga panel ng eksperto, ang instrument

ng pananaliksik ay direktang ibibigay sa mga kalahok sa pamamagitan ng

pagpunta sa kanilang silid-aralan na may kasamang permiso at ang pag-aaral

ay isasagawa mismo ng mananaliksik. Kikunin ng mananaliksik ang mga

talatanungan mula sa mga respondente matapos masagutan ang lahat ng

mga ito.

Koleksyon at Tabulsyon ng Mga Datos. Matapos maisasagawa ang

sarbey, kukunin at susuriin ng mananaliksik ang instrument ng pananaliksik

upang maitala ang mga nakalap na tugon mula sa mga kalahok. Kasunod ay

aanalisahin ang bawat estatestikal na datos at ang magiging resulta nito ay

bibigyan ng interpretasyon. Mula sa paynal na datos, bubuohin ang

konklusyon, at ang mga rekomendasyon ay ilalahad batay sa mga resultang

makakamit sa pag-aaral.

Estatistikal na Tritment ng Datos

Ang sumusunod na kagamitang estatistikal ay gagamitin sa pagkalkula

ng mga datos sa pag-aaral na ito lalo na sa pagsukat sa layunin ng

mananaliksik na may 0.5 na antas ng katiyakan:

Mean. Ginamit sa pagtukoy sa mga salik na nakiimpluwensya sa

pagpili ng kursong BSED Filipino ng mga mag-aaral sa unang-taon sa

programang edukasyon - mayoryang Filipino ng KCAST.

Pearson-r. Ginamit sa pagtukoy sa tiyak na ugnayan sa pagitan ng

mga salik ng nakaiimpluwensya sa pagpili ng BSED Filipino at ang


44

Kagustuhang pagpili ng kursong BSED Filipino ng mga mag-aaral sa unang-

taon sa programang edukasyon - mayoryang Filipino ng KCAST.

Regression. Ginamit sa pagtukoy kung anong mga domeyn ng mga

salik na nakiimpluwensya sa pagpili ng kursong BSED Filipino ay tiyak na

may kaugnayan sa mga domeyn ng kagustuhang pagpili ng mga mag-aaral

sa unang-taon sa kursong BSED Filipino sa programang edukasyon

mayoryang Filipino ng KCAST.

Etikal na Konsiderasyon ng Pag-aaral

Sa bahaging ito, sa pagsasagawa ng pananaliksik na kinabibilangan

ng pakikilahok ng mga partisipante, kinakailangan din na ang mananaliksik ay

tumalima sa mga pamantayang etikal. Sa konteksto ng pag-aaral na ito,

nagagamit ng pag-aaral ang mga batayan. upang matiyak ang pagiging etikal

ng pag-aaral na pangunahing isinasaalang-alang ang kapakanan ng bawat

kalahok. Sa pag-aaral na ito, ang mga pamantayang etikal nina Denzin at

Lincoln (2011) ay gagawing batayan ng pananaliksik na nakapokus sa tatlong

pangunahing aspekto: paghingi ng pahintulot; panganib ng suliranin,

anonymity, at kompidensiyalidad: pati na rin ang salungatan ng interes.

Ang unang aspekto ng etikal na konsiderasyon ay kung paano

naipaalam at hiningi ang pahintulot. Bawat kalahok ay marapat na mabigyang

kaalaman hinggil sa kung saan ang itatanong sa kanila, paano gagamitin ang

mga datos, at ang posibleng magiging kahihinatnan ng mga resulta. Bawat

kalahok din ay dapat magbigay ng tahasan, aktibo, at pirmadong pahintulot

na maging kalahok ng pag-aaral, kabilang ang pagsasaalang-alang sa


45

kanilang karapatan na malaman ang kanilang mga impormasyon at ang

karapatang tumigil sa pakikilahok anomang oras. Ang proseso ng paghingi ng

pahintulot ay magsisilbing kontrata sa pagitan mananaliksik at ng kalahok sa

pag-aaral (Denzin & Lincoln, 2011).

Halimbawa, kung balak na isagawa ng mananaliksik ang pananaliksik

na ito sa Google forms, binigyan din ng mananaliksik ng liham pahintulot ang

kaniyang mga kalahok bilang patunay na sila ay pumayag na maging kabilang

sa pag-aaral na dala ang kaalaman sa posibleng magiging kahihinatnan ng

pag-aaral. Kaugnay rito, kung may pag-aalinlangan man ang magiging

kalahok sa pinag-uusapang kasunduan, mayroon silang karapatang

tumanggi.

Pangalawang aspekto ay kung paano maiwasan ang mga posibleng

mga panganib, pagpapanatili ng kompidensyalida at pagiging

anonymous. Tumutukoy ito sa proteksyon ng bawat kalahok, dahilan upang

hindi mamanipula ng mananaliksik ang mga datos sa pagkakakilanlan ng mga

kalahok, maging ang pag- iwas na mapaalam ang identidad ng bawat kalahok

sa mga hindi awtorisadong tao (Denzin & Lincoln, 2011).

Pinangalagaan ng mananaliksik ang pagiging kompidensyal ng mga

datos sa pamamagitan ng hindi pagkolekta ng mga pangalan, numero sa

telepono, at mga email ng mga kalahok. Dagdag pa, sinigurado ng

mananaliksik ang pribasiya ng mga resulta ng pag-aaral. Ito ay upang hindi

maharap ang mga kalahok sa posibleng mga suliranin at pangambang

sikolohokal resulta ng kawalan ng pribasiya at kompidensyalidad.


46

Pangatlong aspekto ay kung paano maiiwasan ang salungatan ng

interes. Ang mga umiiral na ugnayan o mga nakaraang gawain ng

mananaliksik ay maaaring maging resulta ng salungatan ng interes. Ito ay

dapat na hayagang mailahad sa komite ng etika sa malinaw na kaparaanan

upang sila ay makapagbigay ng payo kung paano hawakan ang mga

nagsasalungatang interes. Ito ay kombinasyon ng preperensya,

konsiderasyon, sariling interes, at paninindigan ng isang tao hinggil sa

kaniyang mga aaral, tungkulin at responsibilidad bilang isang mananaliksik.

Ang aktwal, hipotetikal, at ang tinatanaw na salungatan ng mga interes ay

maaaring kinabibilangan ng mga gantimpalang mayroon o walang kaugnayan

sa pera. Ang salungatan ng mga interes ay maaaring makaapekto o

tinatanaw bilang may epekto sa pagiging obhektibo at hatol ng mananaliksik,

na makasisira sa tiwala tungo sa mga resulta (Denzin & Lincoln, 2011).

Bukod pa rito, dahil ang mga kalahok ay mga mag-aaral din, ang

mananaliksik sa loob ng institusyon sa KCAST ay masasabing walang

salungat na interes sa pag-aaral. Mangyayari lamang ang salungat na interes

kapag pinuwersa niya ang kaniyang mga kalahok sa pamamagitan ng pag-

blackmail, pagtanggal ng benepisyo, o parusa.


47

Talasanggunian

Peiqing, Han. (2022). The Influence of College Students' Time Management

Tendency on Job-Hunting Anxiety: Mediating Role of Job-Hunting Self-

Efficacy. Psychiatria Danubina, doi: 10.24869/psyd.2022.79

Dayao, R. & Almario, O. (2018). Career and school preferences of senior high

school students academic year 2017-1028. International Journal of Advanced

Research (IJAR), 1219-1222.

Cajes, C. N. ., Ebrado, S. ., Olaer, M. ., Sarao, R. ., Tepait, Q. A. ., & Mirasol,

M. . (2020). Factors Affecting Preferred College Courses of Grade 12 HUMSS

Strand Students at Bestlink College of the Philippines, S.Y. 2019–2020.

Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of

Multidisciplinary Research, 2(1). Retrieved from

https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/2627
48

Briones, M., and Rubi, R. (2021) Course Preference of College Entrants:

Basis for New Program Offerings. Asia Pacific Journal of Educational

Perspectives ,Vol. 8 No.1,Pp. 102-107. May 2021 ISSN: 2782-9332 (Print)

Narciso, R. A. ., Felises, A. ., Villanueva, S. ., Rocha, D. ., Villareal, C. J. ., &

Mirasol, M. . (2020). Factors that Affect Choosing College Courses of Grade

12 HUMSS Strand Students in Bestlink College of the Philippines. Ascendens

Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of

Multidisciplinary Research, 2(1). Retrieved from

https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/

2625https://ourhappyschool.com/Mga-Personal-na-Salik-sa-Pagpili-ng-Kurso-

Trabaho-at-Bokasyon-Isang-Aktibidad https://doi.org/10.36292/piej.v1i1.14

Ma, B., Lu, M., Taniguchi, Y. et al. Investigating course choice motivations in

university environments. Smart Learn. Environ. 8, 31 (2021).

https://doi.org/10.1186/s40561-021-00177-4

Sarkodie, N. A. Asare, A. and Asare, D. (2020).Factors Influencing Students’

Choice of Tertiary Education. Africa Development and Resources Research

Institute Journal, Ghana: Vol. 28, No. 11(5), Pp. 58-92, E-ISSN: 2343-6662,

30th June, 2020.

Kaneez, B.-S. & Medha, K. (2018). Factors Influencing Grade 10 Students

Career Choice in Mauritius. International. Journal of Academic Research in

Progressive Education and Development, 7(2), , 30-44.


49

You might also like