You are on page 1of 1

Mark Anthony Briones, ito ang aking ngalan

Sariaya ang bayang aking sinilangan


Ipinanganak noong ika-26 ng enero taong 2004
Ako ay labingpitong taong gulang na sa kasalukuyan

Tinapos ko sa LINHS ang aking ika sampung baitang


At ngayon ipinagpapatuloy sa unibersidad ng Manuel S. Enverga
Na pinili ang STEM upang maging angkop sa gustong larangan
Balang araw, aking pagiging inhenyero ipagmamalaki ng aking sariling bayan

Kinahihiligan ko ang pagtugtog ng gitara


Bawat kalabit, ibang saya ang dala sa aking mga tainga
Lalo na kung sasamahan ng boses na napakaganda
Mga kwerdas nagwawala sa sobrang saya

Tulang aking nilikha na may puso


Di para sa kanya o para sa mundo
Kundi para sa sarili ko
Upang makilala, kung sino nga ba talaga ako

Bukod sa kasiyahang walang kapantay


Pag-ikot sa mundo ay pangarap ko sa buhay
Tangan ang kamera at ang pagiging vlogger
Nais kong makita ang sarili na isang travel explorer

Maraming salamat sa pagsama sa ilang bahagi kung sino ako


Isang kagalakan sa akin ang makilala nyo
Dito na nagtatapos ang maikling pagpapakilala ko
Muli Mark Anthony Briones, at ito ako.

You might also like