You are on page 1of 3

Day 4

Topic: Pagsulat ng Sanaysay tungkol sa Dahilan, Anyo at Paraan ng Paggamit ng Kakayahang


Gramatikal sa Halimbawa ng Sitwasyong Pangwika.

● Ano nga ba ang kakayahang gramatikal?


– Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-unawa sa paggamit sa kasanayan sa
PONOLOHIYA, MORPOLOHIYA, SINTAKS AT SEMANTIKA.
– ang kakayahang lingguwistiko o gramatikal. Sinasabi nina Canale at Swain (1980,1981), na
ang kakayahang lingguwistiko ni Chomsky (1965) ay kapareho lang ng kakayahang
gramatikal. Kaya naman, ang iba pang mga dalubwikang gumamit sa modelo nina Canale at
Swain tulad ni Savignon (1983) ay tumutukoy na rin sa kakayahang lingguwistiko bilang
kakayahang gramatikal.
– Ayon kina Canale at Swain, ang kakayahang gramatikal ay pag-unawa at paggamit sa
kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning
pang-ortograpiya. Ang komponent na ito ay magbibigay kakayahang sa taong nagsasalita
upang magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na
kahulugan ng mga salita.

Mga mungkahing komponent ng kakayahang gramatikal:


– Sintaks - paggamit ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan.
– Morpolohiya - mahalagang bahagi ng salita tulad ng iba't ibang bahagi ng pananalita.
– Leksikon - mga salita o bokabularyo.
– Ponolohiya o palatunugan - Segmental; katinig, patinig, tunog. Suprasegmental;
diin,intonasyon, hinto.
– Ortograpiya - Mga grafema; titik o di titik

● Ano ano nga ba ang mga Anyo at Pamamaraan ng paggamit ng wika iba’t ibang
sitwasyon?
– Tayo ay may dalawang anyo at ito ang Anyong pasulat at Anyong pasalita. Sa pamamaraan
naman, meron tayong apat at ito ang Impormatibo, Regulatoryo, Personal at ang panghulo ay
Interaktibo.
– At ngayon, atin nang saliksikin ang dalawang anyo at ang apat na pamamaraan sa paggamit
ng wika sa iba’t ibang sitwasyon.

Anyong Pasalita
● Gumagamit ng mga informal at pinaiksing salita at mga pangungusap
Anyong Pasulat
● Higit na formal ang mga salita at konstruksyon ng mga pangungusap
● Nangangailangan ng higit na husay sa paglalahad upang maunawaan ang tagabasa

1. Impormatibo
– Ang ginagamit kapag nangangailangan magbahagi ng karagdagang kaalaman o paglilinaw sa
isang konsepto o pangyayari.
Halimbawa:
– Anyong pasalita: pagbabalita sa telebisyon, mga educational na palabas, mga vlog at iba
pang kauri nito.
– Anyong pasulat: balita sa pahayagan, magasin, o social media news feed, mga lecture notes,
at iba pang kauri nito.

2. Regulatoryo
– Ito ang pamamaraan na ginagamit para sa pagbabawal p pagsubi sa anumang kilos o aksyon,
pasya at iba pa.
Halimbawa:
– Anyong pasalita: Anunsyo sa radyo at telebisyon, patalastas ng pagbabawal at iba pa
– Anyong pasulat: Mga nakalimbag na poster, alituntunin at mga batas

3. Personal
– Ito ang pamamaraan na ginagamit kapag kailangan ipahayag ang sariling pananaw, damdamin
o opinyon.
Halimbawa:
– Anyong pasalita: komentaryo, panalanging pansarili, mga personal na vlog, at iba pa.
– Anyong pasulat: replektibong-sanaysay, personal na journal, mga personal na status sa
social media at iba pang kauri nito.

4. Interaktibo
– Ito ang ginagamit na pamamaraan kapag ang tao ay nag uudyok nang pakikipagsalitan ng
impormasyon sa kanyang kausap.
Halimbawa:
– Anyong pasalita: mga pagtatalo, panayam, mga video call conversation, online platform
conference.
– Anyong pasulat: iba't ibang sagutan ng liham, mga usapan sa group chat at iba pang social
media platform.

● Ano nga ba ang mga sitwasyong pangwika sa ating bansa?

MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS


Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
– wikang Filipino ang ginagamit, o ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa.
Ang mga halimbawa nito ay ang mga teleserye, mga pantnghaliang mga palabas at mga
magazine show. News and public affairs, reality shows at ibaa pang uri ng programa na
napapanood sa telebisyon.

Sitwasvong Pangwika sa Radyo at Dyaryo


– katulad sa telebisyon, Filipino din ang nangungunang wika sa radio. May mga programa rin
dito katulad sa telebisyon.

Sitwasyong Pangwika sa Pelikula:


– lokal na pelikulang gumagamit na midyum na Filipino tinatangkilk ng mga manonood.
Halimbawa nito ay ang One more chance, Second Chance, bride for rent etc.

Sitwasyong Pangwika sa iba pang anyo ng


Kulturang Popular:

1. Fliptop - Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig sa balagtasan dahil ang mga
bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat dito av hindi nakalanad o walang malinaw na paksang
pinagtatalunan.

2. Pick-up lines - makabagong bugtong Kung saan may tanong na sinasagor ng Isang oagay na
madalas na maiuugnay sa pag ibig at ia pang aspeto sa buhay.

3. Hugot Lines - tinatawag ding love lines o love quotes. Mga linya ng pag ibig na minsan
nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy o minsan
nakakainis.

You might also like