You are on page 1of 10

Pambungad sa Pilosopiya ng

Tao
Quarter 2 – Week: 6

Pakikipagkapwa-tao
1
A. Inaasahan
Sa katapusan ng modyul, inaasahan na ang mag-aaral ay:
1. Nakikilala na ang pakikipagkapwa-tao ay ang pagtanggap sa pagkakaiba ng kapwa at hindi
pagpataw ng sarili. (PPT11/12-IIc-6.1)
2. Nakapagpapaliwanag na ang tunay na diyalogo ay ang pagtanggap sa kapwa bilang kapwa
kahit na siya ay iba sa akin. (PPT11/12-IId-6.1)
3. Nakapagsasagawa ng isang gawain na nagpapamalas ng mga talento ng mga may
kapansanan at kapus-palad. (PPT11/12-IId-6.3)

B. Paunang Pagtataya
1. Alin sa mga suot mo, kinakain mo, iniisip mo, sinasalita mo at pinipili mo ang talagang iyo at
hindi lamang udyok ng pagnanasang mapabilang (maging “in”)?
__________________________________________________________________________
_

2. Gaano mo katanggap ang kulay ng iyong balat o tangos ng iyong ilong?

__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_

3. Suriin ang iyong pagsunod sa uso. Saan ka dinadala nito? Ito ba ay naaayon sa kahulugan na
iyong binubuo sa iyong sarili?
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_

C. Gawain
2

• Ano ang iyong pagtingin ukol sa kanila? Nais mo ba silang maging kaibigan? Ipaliwanag ang
iyong saloobin ukol sa kanila.

__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_

3

C. Pagtalakay
Ang tayo ay ang pagpapasailalim sa isang payong ng kaisahan. Sa loob ng tayo, madaling
nakapagbabahaginan dahil ang turing sa isa’t-isa ay kapwa—kabahagi ko at kasama ko na nakasukob
sa isang layunin, paniniwala, prinsipyo o halaga. Ang akin ay sa iyo at ang sa iyo ay sa akin dahil atin
naman ang mga ito. Ang wika ng tayo ay atin.

4
Ang kami naman ay isang pangkat na nagsasama sa loob ng tayo. Nagpapangkat-pangkat ayon sa
pagkakatulad. Kalaban ang turing sa hindi kasapi (e.g. boksing).

Amin ang wika ng kami—hinati-hati nila sa kanilang mga sarili ang atin at itinuturing na hiwalay ang
sarili sa kapwa. Ang kami ay ang itinakda ng pangkat na magiging sila. Ano mang hindi kasali sa sarili
ay iba—sila.

Ano nga ba ang dulot ng paghihiwa-hiwalay na ito? Pinaghihiwahiwalay lamang ng pagsasantabi ang
mga taong dapat sana ay nagsasama-sama. Nilalagyan ng mga bakod ang tayo at gumagawa ng mga
kami at sila.

Ang hindi hayagan at tuwirang ginagawa nito ay pilitin ang mga tao na baguhin ang sarili at
kumumpurmi sa isang pangkat upang mapabilang lamang sa kami at huwag maituring na iba.
Bibitawan ng tao ang sariling kasarinlan, babaguhin ang sarili, maging katanggap-tanggap lamang sa
naghaharing kami.

Ang kapalit ng inaasam na pagtanggap ay ang kawalan ng sarili. Mahirap ito para sa indibidwal dahil
animo’y binubura ng tao ang kanyang identidad, tutularan ang iba kahit na labag ito sa kanyang
kalooban. Sa huli, hindi na makikilala ng indibidwal ang kanyang sarili dahil sa pagpapalit-balat.
Mawawala na rin pati ang saysay niya. Isa na lamang siya sa mga kami.

Paglabag ito sa biyaya ng pagkakaiba-iba ng tao. Ang kaiba ay ang pagkabukod-tangi. Ang bawat tao
ay kaiba sa iba.

Sa kabilang banda, maaari yatang tingnan ang negatibong pagsila-sila at pagka-kami bilang
positibong pagbibigay-linaw sa mga hangganan ng mga indibidwal sa loob ng tayo. Dahil sa
paghiwalay ng tayo sa maraming mga kami at sila, ikaw at ako, nagkakaroon ng isang pag-unawa sa
kasarinlan ng mga indibidwal.

Iba at hiwalay ang isa’t-isa. Hindi lamang sila isa kasama ng iba. Iba sila sa iba kahit na nasa loob sila
ng tayo. Ang mga estudyante, bagaman nasa isang paaralan, suot ang isang uniporme, pare-pareho
ng pinag-aaralan, iba pa rin sila sa isa’t-isa.

Mabuting dulot ng paghihiwalay

• Mahalagang sangkap ito ng pagiging tao dahil sa pamamagitan nito, nagagawa ng taong itaguyod
ang kanyang sarili at tingnan ang mundo ayon sa kanyang mga sariling pangangailangan at
tunguhin.
• Dahil sa pagiging hiwalay ng tao kaya rin nagiging posible na magbukas ng mga bagong landas sa
ka-saysay-an.
• Dahil sa halimbawa ng mga taong tumayo, humiwalay sa grupo at sumubok ng bagong landas,
nasaksihan natin ang kamangha-manghang kakayahan ng tao at nakita natin ang kayamanan ng
posibilidad ng mundo.

Ang babala lamang ay iwasang humantong sa pagsasantabi ang pagka-kaiba at pagkahiwalay na ito.
Kahit na iba nga ang iba, tayo pa rin tayo at ang ginagawang paghihiwalay ng sarili ay hindi lamang
para sa sarili talaga kundi para sa atin din.

Bago pa naging kami o sila, bago pa naging tayo, tao muna. Kaya’t mabuting tawagin ang iba bilang
ka-iba (kapwa iba) upang sa kabila ng hindi pagkakatulad mananatili pa rin ang tayo.

5
Ang maka-taong pananaw

Ikinakabit ang unlaping “maka-“ upang ipahayag ang pagpanig, pagsang-ayon, o pagpapahalaga sa
pangngalang ikinakabit dito (e.g. maka-Alden, maka-Jadine).

Ang maka-tao ay ang pagpili sa pagpapatibay ng halaga ng tao una’t higit. Baka maka-Jadine o maka
Alden siya subalit kung ang halaga ng tao ang makokompromiso, bibitawan ng maka-tao ang lahat ng
pansamantalang katapatan sa mga pangkat at mithiin upang ipagtanggol ang halaga ng tao.
Ano pa nga ba ang higit na dakilang batayan ng pakikipagkapwa maliban sa pagkilala na tao ang
kaugnay! Tandaan ang pakikipagkapwa ay tungkol sa pagkilala sa pagkatao ng tao.

Sa pakikipagkapwa, ang dapat tingnan ay ang mukha ng tao at hindi ang kolorete ng mukha,
alahas sa katawan, kwarta sa bulsa, o titulo sa pangalan. Ang pagiging makatao ay pagkilala sa tao
bilang tao, una’t higit.

Laging kasama ang ka-iba sa pagpili na ito. Kasama sa isang paraan na laging iniisip ang tayo sa lahat
ng pagpili. Makakatulong ba ito sa akin? Makakabuti ba ito sa atin?

Ang makataong pananaw ay pagpapaunlad sa ako, ikaw, sila, kami at tayo.

Madalas itinuturing na kabaligtaran ng maka-sarili ang maka-tao. Hindi ito tama! Hindi pinapaburan
ng makatao ang iba. Hindi rin inuuna ang sarili. Magkasama ang lahat sa makatao. Tao ang
pinapanigan hindi ang kung sino. Una ang ano bago ang sino.

Ngunit kasama pa rin ang sino sa pagiging maka-tao. Dahil ang totoo, hindi lang naman tao ang tao,
isa rin siyang sino. Nakikilala ang tao dahil sa kanyang pagka-sino.

Nakikilala ko si Julia sa kanyang pagkanta, sa kanyang histsura, sa kanyang pagiging Filipino. Sabay
na tumatalab din sa loob ko na isa siyang tao.

Kumplikado ang maka-taong pananaw dahil sabay na pagkilala ito sa ano at sino ng tao. Madali kung
ang mga kilos na gagawin ay nakatuon lamang sa ano. Kung may parusang kailangang ipataw o
gantimpala na ibibigay. Pantay-pantay na kaparusahan/gantimpala ang ibibigay dahil pare-pareho
lang naman na tao ang tatanggap ng katarungan/gantimpala.

Ngunit ang totoo, labag ito sa prinsipyo ng pagiging patas. Ang bawat isa ay may kwento. Ang bawat
isa ay may konteksto. Sadyang mag-iiba-iba ang turing ng tao sa kapwa ayon sa iba ibang kalagayan
at pangangailangan ng mga tao. Bahagi ito ng pakikipagkapwa. Hindi lamang ito basta panlalamang
at pagkalugi. Tungkol ito sa pag-unawa sa pagkakaiba ng mga tao.

D. Pagsusuri sa Pang-unawa
1. Ipakita ang manipis na pagitan ng tayo at kami.
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_

6
2. Ipaliwanag: Kahit na ang pan-tayong pananaw pa ang nais, mahalaga rin ang panig ng kami
upang linawin ang indibidwalidad ng mga tao.
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_

3. Talakayin ang pagkakaiba ng kahulugan ng kaiba at ka-iba.

__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_

4. Ipaliwanag: Kailangang lumipat sa pagtukoy sa iba tungo sa ka-iba, kung nais maiwasan ang
pagsasantabi ng tao.
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_

5. Bakit sinasabing una ang ano bago ang sino? Paano ito hindi sumasalungat sa sinasabing
pagiging sabay ng sino at ano ng tao?
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________________
_
6. Ano ang higit na mabuti sa pakikipagkapwa: ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay o
prinsipyo ng pagka-patas? Bakit?
__________________________________________________________________________
_ ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

E. Post-test
7

Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng makataong pananaw?

A. Pagkakaroon ng patas na pananaw
B. Pagpapahalaga sa pagka-sino ng tao una’t higit
C. Pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay ng tao
D. Pagpili sa pagpapatibay ng halaga ng tao una’t higit
2. Sa halip na nagsasama-sama ang mga tao, sabihin natin sa isang bilog, may ilang mga taong hindi
isinasali sa bilog—inilalagay sa tabi, sa gilid. Ang tawag dito ay.
A. Mga taong may kapansanan C. Pagsasantabi
B. Pagkamuhi D. Pagkakaiba-iba
3. Ang wika ng kami ay
A. Sila B. Atin C. Amin D. B at C 4. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng positibong dahilan ng
pagsila-sila at pagka-kami? A. Dahil sa paghiwalay ng tayo sa maraming mga kami at sila, ikaw at ako,
nagkakaroon ng isang pag-unawa sa kasarinlan ng mga indibidwal
B. Ka-iba ang bawat isa at dahil dito, mananatili silang hiwalay sa kanilang kapwa. C. Mahalagang
sangkap ang paghiwa-hiwalay sa pagiging tao dahil sa pamamagitan nito, nagagawa ng taong
itaguyod ang kanyang sarili
D. A at C
5. Ang mga estudyante, bagaman nasa isang paaralan, suot ang isang uniporme, pare-pareho ng pinag
aaralan, iba pa rin sila sa isa’t-isa. Ang pahayag ay ukol sa
A. Pakikipagkapwa C. Pagpapahalaga sa pagkabukod-tangi B. Pagiging nasasa-ugnayan ng tao
D. Pagiging kasama ng iba
6. Ito ang pundamental o pangunahing batayan sa pakikipagkapwa.
A. Pagkilala na tao ang kaugnay C. Ang pagiging nasasa-ugnayan ng tao B. Ang pagkakaroon
ng pantayong pananaw D. Ang pagtanggap sa pagkakaiba-iba 7. Ito ay isang pangkat na
nagsasama-sama sa loob ng tayo.
A. Kami B. Atin C. Sila D. A at C 8. Ang akin ay sa iyo at ang sa iyo ay sa akin dahil atin naman ang mga
ito. Ito ay nagpapahayag ng isang. A. Pankami na pananaw C. Kanya-kanya na pananaw
B. Pansilang pananaw D. Pantayong pananaw
9. Ano ang epekto ng pagsasantabi?
A. Pinaghihiwa-hiwalay ang mga taong dapat sana ay nagsasama-sama
B. Nilalagyan ng mga bakod ang tayo at gumagawa ng mga kami at sila
C. Babaguhin ang sarili, maging katanggap-tanggap lamang sa naghaharing kami
D. A at B
10. Bago pa naging kami o sila, bago pa naging tayo, tao muna. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapaliwanag nito?
A. Una ang ano bago ang sino.
B. Pagpapahalaga sa pagkakaroon ng pantayong pananaw
C. Sabay ang pagkilala sa pagka-ano at pagka-sino ng tao
D. Ang pagka-kami at pagka-sila ay mahalaga sa pagkilala ng kasarinlan
F. Sanggunian:
• Guevara, Goefrrey A. Pambungad sa Pilosopiya ng Tao. (Quezon City: Rex Publishing
Company, 2016.) pp. 61-69
• Abella, Roberto, “Introduction to the philosophy of the human person, pp. 93-110
8

You might also like