You are on page 1of 1

Sa makati at Divisorya,Denims ang hanap nila

Ang denims ay pantalong usong uso sa mga pinoy.Itoy isinusuot ng pang


mahirap man o pang mayamang tao.Sinasabing ang pantalon ay
sumasalamin sa ating pagkatao.Di mo ba napapansin kung paano ka
manamit ay iyon ang unang napapansin.Karamihan sa mga tao ay
mapanghusga lalo na sa panlabas na anyo.Dapat tayong maging responsable
sa ating pananamit upang di maging tampulan ng tukso at katatawanan.

Bilang isang kabataan, ako ay may idolo rin sa "fashion".Hinahangaan ko si


Kris Bernal sa kanyang husay at galing sa pagdadala ng kanyang sarili lalo
na sa pagdadamit.Ngunit hindi ibig sabihin nun ay lahat na ng ayos at porma
ni Kris ay ginagaya ko.Siya ang inspirasyon ko upang mapalawak pa ang
aking "fashion taste", syempre tinitingnan ko din kung babagay ba sa akin o
hindi, kung komportable at "affordable" ba ang aking bibilhing damit, o
pantalon

Maraming kabataan ngayon ay laging sunod sa uso.Hindi na iniisip kung


bagay ba sa kanila o hindi.Kahit di importante sige lang, bili dito, bili dun
basta uso.Dapat natin tingnan ang ating pinansyal na aspeto bago sumunod
sa agos.Kadalasan ang mga uso ngayon ay madaling malaos kaya dapat
maging mapanuri din sa pamimili.

Kung may pera ka walang problema kung makikibagay at susunod ka sa uso,


basta huwag ka lang aabuso at ito'y hindi makakasama. At kung ikaw naman
ay mahirap lamang pwede ka namang makagawa ng sarili mong porma
bukod doon ay mas uso ang pagiging kakaiba(uniqueness). Iba na ang
panahon ngayon, mayroong mga taong hindi sumusunod sa uso, bagkus sila
pa ang nagpapauso. Hindi mahalaga kung tayo ay hindi makasunod sa uso,
nasa bawat indibidwal kung paano sila makikibagay.

You might also like