You are on page 1of 20

Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Ikalimang Linggo / Unang Araw

Paksa: TEKSTONG DESKRIPTIBO

LAYUNIN: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto.


PANIMULA

Ang bawat tao ay may mukha, ang lugar ay may lokasyon, ang mga bagay ay
may iba’t bang sukat, at ang mga pangyayari ay may kanya kanyang kwento.
Paano mo mailalarawan ang mga ito?

n with a
great quote
from the TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan,
document
sitwasyon,
or use thisat iba pa. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at
maglarawan ng isang partikular na karanasan.
space to
Saemphasize a
mga kaganapan sa paligid, ang isa karaniwang kinakaharap ng bawat tao ay ang mga suliranin na
key point.
nagiging bahagi ng pamumuhay. Hindi lang ang tao ang maaring sanhi nito maging ang mga ayos ng
kinalalagyan,
To place this mga kakulangan sa kagamitan at higit ay ang sitwasyong kinapapalooban ng bawat
suliranin.
text box Ang paglalarawan ay isa sa pinakamahalagang salik upang malutas ang mga ito. Higit itong
mahalaga sa pag-aaral o pananaliksik.
anywhere
on the page,
just drag it.] Kahalagahan ng Tekstong Deskriptibo sa Iba pang Uri ng Teksto

Sa isang tekstong naratibo, pinatitingkad ng mahusay na paglalarawan ang kulay ng isang lugar
kung saan nangyayari ang kuwento. Ipinakikilala nito ang hitsura, ugali, at disposisyon ng mga
tauhan.

Sa isang prosidyural na teksto, natitiyak din ng mambabasa ang hitsura, katangian, at kalikasan
ng yaring produkto sa pamamagitan ng deskripsyon. Pinatatatag ng paglalarawan ang anomang
porma ng sulatin kung mahusay at angkop ang pagkagamit nito. Samakatuwid, mahalagang
gamit ng deskripsyon ang pagkuha sa atensyon ng mambabasa upang maipaliwanag ang
oryentasyon ng isang malikhaing akda.

Ang tekstong naratibo ay maaaring maging obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay ng
pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan. Ang
obhetibong paglalarawan ay mga direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at ‘di
mapasusubalian. Ang subhetibong deskripsyon naman ay maaaring kapalooban ng
matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang
nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan

Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong


detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o
anomang paksa na inilalarawan

Page 1 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Ang tekstong Deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iguhit kung saan
kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa
halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng
mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.

Suriin ang mga larawan sa ibaba, may nabubuo bang larawan sa inyong mga isipan?

MGA GAWAIN

Gawain 1

PANUTO:
1. Sumulat ng tig- iisang makabuluhang pangungusap na maglalarawan sa mga imahe
na nakikita sa itaas.

2. Bilugan ang salitang inilarawan at guhitan ang salitang naglalarawan.

1.

2.

3.

4.

5.

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado


Limang pangungusap batay sa larawan 5

Binilugang Salitang inilalarawan 5

Sinalunnguhitang Salitang naglalarawan 5

Kabuuan: 15

Page 2 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN 2
PANUTO:

1. Mag-isip ng isang sitwasyon o suliraning kinakaharap ng isang pamilya sa loob ng


tahanan.

2. Tanungin ang kamiyembro kung paano nila mailalarawan ang suliranin sa loob ng
pamilya.

3. Punan ng angkop na wika ang bawat lobo ng usapan batay sa paglalarawan ng bawat
miyembro patungkol sa sitwasyon o suliranin nagaganap sa loob ng tahanan tahanan.

➢ Rubriks sa Pagmamarka: (Bawat lobo ng usapan ay may kaukulang 1 puntos + marka sa


nilalaman na na pagbabatayan aang nasa ibaba.)

➢ Rubriks para sa nilalaman ng usapan.

5–4 3–2 1

Malinaw at angkop ang Angkop ang mga pahayag ng Kailangan pang


mga pahayag ng nagsasalita sa katauhan at ang pagbutihin ang pagbuo ng
nagsasalita sa katauhan at lobo ng usapan na ginamit pahayag.
ang lobo ng usapan na
ginamit.

Page 3 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Basahin ang teksto at gawing batayan sa pagsulat.

Si Rodrigo Roa Duterte o mas kilala bilang “Digong”, ang kasalukuyang pangulo ng ating bansa.
Isa siya sa pinakahinahangaan, hindi lamang sa ating bayan, kundi maging sa ibayong dagat dahil sa
taglay niyang angking galing. Siya ay tinaguriang “The Punisher” ng Time Magazine dahil sa mahigpit
niyang pagpapairal ng batas, lalong lalo na kung ang usapan ay tungkol sa droga. Simple lang ang
pamumuhay ni Digong. ‘Di katulad ng mga ibang pulitiko na paramihan ng mga pag-aari, siya ay
nakatira lamang sa simpleng bahay na kung saan itinuturing niya itong sapat para sa kaniyang
pamilya. Isa siyang matapang, magiting, maprinsipyong tao, at mapagmahal sa bayan. Palagi niyang
iniisip ang kapakanan ng taumbayan.

PAGLALAHAT:

PANUTO: Sumulat ng isang talata na maglalarawan sa isang mabuting lider na


ninanais mo para sa bansa.

(5 puntos sa pagkakabuo ng talata + puntos sa nilalaman)

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG PAGSULAT NG SANAYSAY

5–4 3–2 1
Napakahusay ng ibinigay na talata. Katamtamang husay ng ibinigay na Kailangan pang pagbutihin ang
Napakamakabuluhan ng talata. Mayroong kabuluhan ang pagbuo ng talata. Maligoy ang
pagsisimula, pagdadaloy at pagsisimula, pagdadaloy at pagsisimula, pagdadaloy at
pagbubuod ng sinulat na talata batay pagbubuod ng sinulat na talata batay pagbubuod ng sinulat na talata batay
sa larawan. sa larawan. sa larawan.

Tandaan na ang Tekstong Deskriptibo ay isang pamamaraan ng paglalarawan ng tao,


bagay, lugar at mga sitwasyon. Ito ay mahalaga sa paglalahad lalo ng ng ibang uri ng teksto
tulad ng Tekstong Naratib, prosidyural gayundin sa tektong Impormatibo na maglilinaw sa
mga impormasyong kinakailangan ng mambabasa. Alalahanin lamang na ang anumang
paglalarawan ay dapat magkaroon ng tamang basehan. Ang pagiging matapat at wasto ay
dapat isaalang -alang.

Page 4 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGTATAYA

PANUTO: Lagyan ng kung ang pangungusap ay tekstong Deskriptibo

at kung hindi naman.

__________1. Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapagkukuhaan ng impormasyon ng mga


mag-aaral sa panahon ngayon.

_______2. Ang cellphone, laptop , computer , at projectors ay nagagamit sa paghahanap ng


impormasyon.

_______3. Makikita mo na ang hinahanap mong impormasyon hindi katulad noon na kailangan pa ng
mga libro upang mahanap ang mga kailangang impormasyon.

_______4. May naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo.

_______5. Ang Internet ay mas lalong mahalaga dahil kung walang internet ay di mo magagamit ang
kahalagahan ng kaalaman.

_______6. Ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga


kompyuter na maaring maka-access ng internet.

_______7. Mas epektibong naibabahagi ng mga estudyante ang kanilang leksyon nang dahil sa
internet.

_______8. Ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante.

_______9. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita.

_______10. Hindi ito ginawa para makagawa o magbunga ng kasamaan.

Inihanda ni:
BEVERLY P. GONZALES
Master Teacher II, PCSHS

Reference for Enhancement:


• Dayag, A.M. (2017). Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tugo sa
Pananaliksik. Phoenix Publishing House.
• Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book
Store.
• https://sites.google.com/site/2017changeiscomingduterte/ “Ang Pinasilip”
• https://www.academia.edu/35804238/Ang_Teknolohiya_ay_isa_sa_pinakaimportanteng_mapag?auto=d
ownload

Page 5 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Ikalimang Linggo / Ikalawang Araw

Paksa: URI NG PAGLALARAWAN SA TEKSTONG DESKRIPTIBO

LAYUNIN: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto.


PANIMULA

Ang pagsulat ng tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa pagpipinta.


Ang mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad
ng manunulat. May layuning maglalarawan ng
isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa katangian.
Maaaring maging obhetibo (may pinagbatayang katotohanan) o subhetibo
(batay sa mayamang imahinasyon) at magbigay ng pagkakataon sa
manunulat na gumamit ng iba’t-ibang tono at paraan sa paglalarawan

Upang mailarawan at mabigyang buhay sa imahinasyon ng mambabasa


ang isang tauhan, tagpuan, bagay, galaw o kilos, karaniwang gumagamit ang
may akda ng pang-uri at pang abay. Gumagamit din ng manunulat ng iba pang
paglalarawan tulad ng panggalan, pandiwa, tayutay, pagwawangis, pagsasatao
at iba pa.

URI NG PAGLALARAWAN SA TEKSTONG DESKRIPTIBO

Karaniwan – kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o


pangmalas.

Masining– kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at


pangmalas ng may- akda. - gumagamit ng pang-uri pang-abay, tayutay at idyoma

Suriin ang larawan: Paano mo maihahambing ang uri ng paglalarawan sa bagay na ito? Alin
ang karaniwan at alin ang masining?

OBHEKTIBO- Ang paglalarawan na kung saan ito’y may pinagbabatayang katotohanan. Nagbibigay
lamang ng impormasyon sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng saloobin at ideya ng manunulat.

SUBHEKTIBO- Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos


madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang
imahinasyon at hindi nakabatay sa katotohonan sa totoong buhay

Page 6 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Unang araw na naman ng klase, tiyak ikaw ay magpapakilala sa harap ng guro at kamag-
aral. Syempre ayaw mo din namang mapahiya kaya sa gawaing ito, pagbubutihin mo ang
pagpapakilala para maging maganda ang impresyon sa iyo ng mga kaklase at guro mo. Subali’t sapat
na ba ang pagkakakilala mo sa iyong sarili o kailangan mo ding malaman ang pagkakakilala say o ng
iyong kaibigan o kapamilya.

MGA GAWAIN

GAWAIN 1
PANUTO: Sumulat ng dalawang talata ng pagpapakilala sa sarili batay sariling
paningin at sa paningin ng ibang tao (maaaring kapamilya o kaibigan).

Pagmamarka:
5 puntos sa nabuong talata + puntos sa nilalaman batay sa Rubriks sa Pagmamarka.

5–4 3–2 1

Napakahusay ng binuong talata. Katamtamang husay ng


Napakamakabuluhan ng ibinigay sa talata. Kailangan pang pagbutihin ang
pagsisimula, pagdadaloy at Mayroong kabuluhan pagbuo ng talatat. Maligoy ang
pagbubuod ng sinulat na batay ang pagsisimula, pagsisimula, pagdadaloy at
sa paksa. pagdadaloy at pagbubuod ng sinulat batay sa
pagbubuod ng sinula paksa.
batay sa paksa.

Page 7 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Kung naipakilala mo na ang iyong sarili sa mga bagong kaklase at guro. Ngayon ay
ilalarawan mo naman ang iyong reaksyon at karanasan sa pagtuntong sa Senior High School.

GAWAIN 1
11 Isulat muli ang teksto na nasa ibaba at dagdagan ng angkop na paglalarawan
PANUTO:
ang mga may salungguhit na salita

Basahin ang Teksto:

Sa pagtuntong ko sa Senior High School, may mga (1).karanasan akong kaiba sa (2)Junior
High School na masasabi kong mga (3)pangyayari na bahagi rin ng aking (4)pag-unlad di lamang
bilang isang (5)estudyante gayundin bilang isang (6).millennial. Dito ko rin naramadaman ang mga
(7)pagbabago sa aking (8)pagkatao na aking pahahalagahan ang anumang (9) aral at (10) gabay
sa buhay.

Halimbawa : gabay sa magandang buhay.

PAGMAMARKA NG GAWAIN

Bilang Pagwawasto Bilang Pagwawasto

1 6

2 7

3 8

4 9
5 10

Kabuuan

Page 8 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGLALAHAT:

PANUTO: Duktungan ng natutuhan tungkol sa uri ng tekstong Deskriptibo.

1. Ang tekstong Deskriptibo ay mahalaga sa pagsulat


dahil______________________________________________________________

2. Ang pagpapahayag ay nagiging masining


kung______________________________________________________________

3. Gayundin ang karaniwang paglalarawan naman ay___________________________


____________________________________________________________________

4. Ang dalawang paraang ito ay mahalaga


dahil________________________________________________________________

5. Kaya alalahanin na sa masining na paglalarawan


ay___________________________________________________________________

6. Gayundin sa Karainwang paglalarawan kung saan ay__________________________

7. Ang Subhektibong paglalarawan naman ay__________________________________

8. Ang Obhektibong paglalarawan naman ay____________________________________

9-10 Kaya alalahanin na sa pagsulat ng tektong deskriptibo ,dapat


ay______________________________________ at ________________________

Alalahanin na sa
pamamagitan ng tekstong
Deskriptibo ang lahat ay napag-
uugnay-ugnay tulad ng kulay ay sa
salita, larawan ay sa buhay at ang
mundo ay sa isang kuwadro. Simple,
karaniwan, payak, katamtaman man
ang paglalarawan ay may kabuluhan.
Ang mga impormasyon o datos ay
naipapakita nang may kalinawan. Ang Sining ng paglalarawan ang nagpapaigting sa paglalarawan na
kung saan naiuugnay ang sariling pananaw o paningin sa mga bagay.

Page 9 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGTATAYA

PANUTO: Salungguhitan ang mga bahagi ng pangungusap na naglalarawan.

___________________1. Ang malikhaing musika ay isa sa mga paraan upang makapagpahayag ng

saloobin.

___________________2. Ito ay sumasalamin sa damdamin ng manunulat at

nakakaapekto sa emosyon ng tagapakinig sa pamamagitan ng liriko nito.

___________________3. Maaaring maghayag ito ng positibong mensahe.

___________________4. Ang bawat awitin ay posibleng sumisimbolo sa kasiyahan, kalungkutan,

pag-ibig at iba pa.

____________________5. Ito ay naglalarawan sa mga makabuluhang bahagi ng buhay ng tao na may

____________________6. Sa pamamagitan ng mataas na kalidad ng mga awitin ng ito napapasiya

ang mga tao

___________________7. Ilan sa mga patunay nito ay ang pagkakaroon nila ng mataas na

pagpapahalaga sa sarili, tiwala sa sarili, positibong pananaw sa buhay.

___________________8. Ang musika ay nagsisilbing tulay na nagdurugtong ng bawat henerasyon

___________________9. Karamihan sa kabataan ngayon ay walang kamalayan sa maaaring epekto

ng mga mensahe ng mga awiting kanilang pinakikinggan tungo sa kanilang

pag-uugali at pag-iisip.

. _________________10. Kalimitang binabalewala lang ng mga kabataan kung ano nga ba ang mga

natatagong kahulugan ng mga awitin at patuloy na kinagigiliwan ang mga

ito.

Inihanda ni:
BEVERLY P. GONZALES
Master Teacher II, PCSHS

Reference for Enhancement:


• Dayag, A.M. (2017). Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tugo sa
Pananaliksik. Phoenix Publishing House.
• Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book
Store.
• https://www.google.com/search?hl=en-US&biw=1197&bih=620&tbm=shop&ei=uHvcXuSEFNnr-
Qb5va8Y&q=face+mask+with+design&oq=face+ma
• https://sites.google.com/site/2017changeiscomingduterte/ “Ang Pinasilip”

Page 10 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Ikalimang Linggo / Ikatlong Araw

Paksa: LIMANG COHESIVE DEVICES


LAYUNIN: Nagagamit ang cohesive device sapagsulat ng sarilinghalimbawangteksto.

PANIMULA

Ang Cohesive Devices o KohesyongLeksikal ay mga salitang nagsisilbing


pananda upang hindi maging paulit-ulit ang mga salita.

Limangpangunahing Cohesive Devices

1. Reperensiya o Pagpapatungkol (Reference) – Ang cohesive device naito ay ang paggamit ng pang-
halip o mga salitang maaring tumukoy sa paksang pinag-uusapan.

Dalawang uri ng Reperensiya


• Anapora • Katapora
Kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman Nauna ang panghalip at malalaman lamang kapag
kung sino o ano ang tinutukoy. ipinagpatuloy ang pagbabasa
Hal. Ang mga Frontliners ay tinaguriang bagong Sila ang mga humaharap sa laban sa COVID19 na
bayani sapagkat sila ang humaharap sa sakit na tinaguriang bagong bayani na walang iba kundi ang
COVID19. mga Frontliners.

2. Substitusyon o Pamalit – Ito ay ang paggamit ng ibang salita na ipapalit sa halip na maulit ang salita.
Hal. Sa halip na “Nawala ko ang iyong ballpen. Palitan ko nalang ang iyong ballpen.” ay gagawing
“Nawala ko ang iyong ballpen, papalitan ko nalang ng bago.”

3. Ellipsis – Ito ay ang pagbabawas ng ibang parte ng pangungusap pero hindi mababawasan ang diwa at
sapagkat makakatulong na ang naunang pahayag upang matukoy ang nais iparating o ipahiwatig.
Hal: Bumili si Gina ng limang aklat at si Rina nama’y dalawa

4. Pang-ugnay – Ang paggamit ng pag-ugnay na “at” para pag-ugnayin ang mga pangungusap, parirala o
sugnay. Iba pang pang-ugnay ay sapagkat, upang, dahil, nang, datapwa, at bagkus.

5. KohesyongLeksikal – Ito ay mabibisang salita na ginagamit sa teksto para magkaroon ito ng kohesyon.
Ito ay may dalawanguri:
A. Reiterasyon B. Kolokasyon
Kapag ang ginagawa o sinasabi ay Mga salitang karaniwang nagagamit nang
nauulit ng ilangbeses. magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya
Ang reiterasyon ay may tatlonguri: kapag nabanggit ang ang isa ay maari din maisip
- Pag-uulit o repetisyon ang isa.
- Pag-iisa-isa Halimbawa:*tatay – nanay *maliit-malaki
- Pagbibigay-kahulugan *guro – mag-aaral

Page 11 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Marunong ka bang mag-ugnay-ugnay? Magkatulad, magkapareho, magkasama, magkasingkahulugan,


magkasalungat, magkasundo o magkaiba at marami pang uri ng ugnayan. Sa gawaing ito subukin
mong alamin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga grapiko.

MGA GAWAIN

GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pagkakaugnay-ugnay ang mga grapikong
larawan. Magbigay ng payak na halimbawa at isulat sa loob nito.

1 2

3 5

FIGURA MARKA

1 2

2 2

3 2

4 2

5 2

KABUUAN 10

Page 12 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN 2

PANUTO: Isulat ang letra ng tamangsagot.


1. Anong device ang ginagamit kapag may salitang pinalitan sa pangungusap ngunit hindi
nabago ang kahulugan?
A. Elepsis C. Pang-ugnay
B. Kohesyongleksikal D. Sustitusyon

2. Sa pangungusap na “Siya na ang gagawa ng gawain sa bahay pero ang pagluluto ay


sa iyo.”, anong uri ng device ang ginamit dito?
A. Elepsis C. Referensya
B. Kohesyongleksikal D. Sustitusyon

3. Anong ginagamit kung ang pangungusap ay binawasan lamang ng salita subalit hindi
naman nawawala ang kahulugan nito?
A. Elepsis C. Pang-ugnay
B. Kohesyongleksikal D. Sustitusyon

5. Ano ang layunin pag-uulit-ulit ng salita sa Reiterasyon?


A. Diin C. Parinig
B. Impormasyon D. Payo

6. Ano ang angkop na kolokasyon sa salitang magkakampi?


A. Magkasangga C. Magkapatid
B. Magkalayo D. Magkaibigan

7. Ano ang kasingkahulugan ng salitang kuro -kuro?


A. Pananaw C. Sinabi
B. Payo D. Tayo-tayo

8. Sa pangungusap na “Ang lahat ay dapat mag – ingat sapagkat ang bawat buhay ay
mahalaga.”, anong uri ng reperensya ang ginamit sa pangungusap na ito?
A. Anapora C. Pang-ugnay
B. Katapora D. Substitusyon

9. Ano ang gamit ng Cohesive Device sa pangungusap na ”Ang pag – eenrol ay simula
sa Hunyo 1 kaya makibahagi sa gawaing ito”?
A. Elepsis C. Pang-ugnay
B. Kohesyongleksikal D. Sustitusyon

10. Anong device ito na kung saan ay may binabawas sa pangungusap ngunit di
nawawala ang diwa?
A. Elepsis C. Pang-ugnay
B. Kohesyongleksikal D. Sustitusyon

Page 13 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGLALAHAT:

PANUTO: Suriin ang mga salitang nakasalunggit batay sa pagkakagamit ng


Cohesive Devices. Isulat ang letra lamang.

A. Elepsis D. Referensya
B. Kohesyongleksika E. Sunstitusyon
C. Pang-ugnay

_____1. Nang ipinatupad ng gobyerno ang programang K to 12 na naglalayong dagdagan


ang antas ng baitang ng hayskul, sumulpot ang iba’t ibang suliranin nila sa edukasyon.

_____2. Ang Science, Technoloy Engineering and Mathematics strand ay angkop sa mga
mag-aaral na nais kumuha ng kurso sa kolehiyo na may kinalaman sa Teknolohiya,
Sipnayan at iba’t ibang Sangay ng Agham.

_____3. Ang laboratoryo aylugar kung saan isinasagawa ang mga eksperimento o pag-aaral
na may kinalaman sa agham.

_____4. Ang rekomendasyon o maaring paraan upang masolusyonan ang suliranin sa


laboratoryong pang-agham ay ang paglaan ng budget upang may matustusan ang
mga pangangailangan sa loob ng pasilidad.

_____5. Kinailangan ng paaralan ng karagdagang mga kagamitan at pasilidad tulad ng


laboratoryong pang-Agham na makatutulong sa pananaliksik ng mga gawaing
ibinibigay sa mga mag-aaral.

_____6. Ang pagpapahalaga ng kapaligiran ay isa sa dapat pagtuunan ng pansin ng mga


kabataan ngayon sapagkat ito ay ang bumubuhay sa atin.

_____7. Sa panahon ngayon tila ba nakakalimutan na ng mga kabataan ang pangangalaga


ng kalikasan.

____8. Karaniwan nakikita ang mga basurang pakalat – kalat sa paaralan, ang mga
pinagkainan, ang mga tinapong mga papel.

_____9. Ang mga guro at mag-aaral ay kailangang magkaagapay sa pagpapanatili ng


kalinisan sa paaralan.

_____10. Maaaring magdulot ng malalang sakit ang kapabayaan kaya dapat magkaisa ang
lahat sa pangangalaga ng kapaligiran.

Tandaan na ang Cohesive Devices ay mahalaga sa tekstong Deskriptibo lalo na sa


pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at sa tinuturingan nito. Ang sining ng paglalarawan
ay nagiging mas malinaw at makabuluhan dahil sa paggamit nito. Sa pagkilala ng mga
Cohesive Devices ay makatutulong upang magamit ito ng wasto sa paglalarawan.

Page 14 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGTATAYA

PANUTO: Sumulat ng makabuluhang pangungusap sa ibaba


gamit ang cohesive devices.

Kategorya

1. Referensya Anapora

2. Referensya Katapora

3. Substitusyon

4. Elepsis

5. Pang-ugnay

6. Pang-ugnay

7. Reiterasyon Pag-uulit o
repetisyon

8. Reiterasyon Pag-iisa-isa

9. Reiterasyon
Pagbibigaykahulugan

10. Kolokasyon

Inihandani:
BEVERLY P.GONZALES
Master Teacher II, PCSHS

Reference for Enhancement:


• Dayag, A.M. (2017). PinagyamangPluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’tIbang Teksto Tugo sa
Pananaliksik. Phoenix Publishing House.
• Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t IbangTekstoTungo sa Pananaliksik.
Rex Book Store.
• https://www.coursehero.com/file/28206559/pagbasa1111pptx/

Page 15 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 05

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Ikalimang Linggo / Unang Araw

Paksa: PAGLALARAWANG NG TAUHAN, TAGPUAN, DAMDAMIN AT


MAHAHALAGANG BAGAY

LAYUNIN: Nagagamit ang cohesive device sapagsulat ng sarilinghalimbawangteksto.


PANIMULA

Nahihirapan ka bang magdrowing? Alammonakahithindi ka pintor ay maka-


bubuo ka ng isanglarawangamit ang salitangmagmamarkasapuso at isipan ninuman
.

❖ Paglalarawan sa Tauhan

Ang paglalarawan sa tauhan ay ang paglalarawan sa pisikal na anyo at katangian ng bibigyang


buhay na tauhan, ngunit hindi sapat na mailarawan lang ang itsura at mga detalye ng tauhan, sa halip
dapat maging makatotohanan din ang paglalarawan dito.

Halimbawa: Hindi sapat na sabihing “Ang aking kaibigan ay maputi, matangkad, at may matangos
na ilong”. Bagamat tama ang mga detalye sa paglalarawang ito ay hindi ito magmamarka sa isipan at
damdamin ng mambabasa

Kung saan ito ay hindi nakakapagbigay ng mas malinaw o mabisang imahe sa imahinasyon ng
mambabasa. Sa paglalarawan ng tauhan dapat mabubuo sa isipan ng mambabasa ang anyo, gayak,
amoy, kulay at iba pang mga katangian sa pamamagitan ng paggamit ng pinakaangkop na mga pang-uri.
Mahalaga ding mabigyan ng paglalarawan ang mga kilos ng tauhan para mas lalong magmarka sa
mambabasa ang mga katangiang taglay niya.

❖ Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon

Ito ay bahagi rin ng paglalarawan sa tauhan subalit ito ay nakatuon lamang sa damdamin o
emosyong taglay ng tauhan. Sa pamamagitan ng paglalarawang ito, madadama ng mambabasa ang mga
emosyon ng tauhan.

❖ PaglalarawansaTagpuan

Ang paglalarawan sa tagpuan ay ang paglalarawan sa tamang lugar at panahon kung saan at
kalian naganap ang akda.

❖ Paglalarawansamahahalagangbagay

Ito ay ang paglalarawan sa isang napakahalagang bagay sa akda. Sa maraming pagkakataon, sa


isang mahalagang bagay umiikot ang mga kaganapan sa akda at ito rin ay nagbibigay ng mas malalim na
kahulugan.

Page 16 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 05

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Ang kaangkupan ng mga salitang naglalarawan ay dapat isaalang –alang dahil maaari
itong magbigay ng ibang interpretasyon at impresyon sa mambabasa. Sa gawain ngayon,
subuking iangkop ang mga salitang naglalarawan sa teksto.

MGA GAWAIN

Panuto: Mulasaloob ng tahanan.


Magbigay ng limang halimbawang
PAGTATAYA
mailalarawan. Punan ang
talahanayan ng (5)
halimbawasabawatkategorya.

Halimbawa: Mabuting mga magulang.

Tauhan Mahahalagang Bagay Tagpuan Damdamin /Emosyon

Page 17 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 05

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Makatutulong ang paggamit ng Cohesive Devices sapagbuo ng isang sulatin na


gagawin. Mula sa mga kaganapan sa paligid ng bansa at mga pagbabagong nagaganap dulot
ng di inaasahang pangyayari. Paano mo ito ilalarawan sa iyong pananaw?

PANUTO: Sumulat ng isang sanaysay tungkol


PAGTATAYA sa mga suliranin sa iyong paligid na
nakakaapekto sa iyo at sa iyong pamilya.

Maaaring gamitin ang mga gabay na tanong sa pagsulat:

1. Ano ang suliraningito?


2. Ano ang dahilan ng pagsulpot ng suliranin?
3. Ano ang epekto nito sa iyo at sapamilya?
4. Ano ang maaaring solusyon sa suliraning ito?

_______________________________
Pamagat

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG PAGSULAT NG SANAYSAY


7-10 4-6 1-3
Napakahusay ng ibinigay na Katamtamang husay ng ibinigay na Kailangan pang pagbutihin ang
pamagat. Napakamakabuluhanng pamagat. Mayroong kabuluhan ang pagbuo ng pamagat. Maligoy ang
pagsisimula, pagdadaloy at pagsisimula, pagdadaloy at pagsisimula, pagdadaloy at
pagbubuod ng sinulat na sanaysay. pagbubuod ng sinulat na sanaysay. pagbubuod ng sinulat na sanaysay.

Page 18 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 05

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGLALAHAT:

PANUTO: Pusuan ang mga mahahalagang kaisipan tungkol sa mga kaalaman sa


Tekstong Deskriptibo at ekis naman sa hindi tumutugmang kaisipan.

_______1.Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye
patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito.

_______2.Sapat na sabihing “Ang aking kaibigan ay maliit, maikli at unat ang buhok, at mahilig
magsuot ng pantalong maog at puting kamiseta.”

_______3. Ang paglalarawan ng tauhan bagama’t tama ang mga detalye ay hindi magmamarka sa
isipan at pandama ng mambabasa kung hindi malinaw.

_______4. Ang mga halimbawang salitang maliit, matangkad, bata, at iba pa ay pangkalahatang
paglalarawan lamang at hindi nakapagdadala ng mabisang imahe sa isipan ng mambabasa.

_______5. Samakatuwid mahalagang maging mabisa ang paglalarawan sa tauhan. Iyon halos
nabubuo sa isipan ang mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay at iba pang katangian ng tauhan
gamit ang pinakaangkop na mga pang-uri.

_______ 6. Mahalaga ring pakilusin ang tauhan para mas magmarka ang mga katangiang taglay niya
tulad halimbawa ng kung paano siya ngumiti, maglakad, humalakhak, magsalita, at iba pa.

______ 7.Sinasabing ang pinakamahusay na tauhan ay yaong nabubuhay hindi lang sa pahina ng
akda kundi sa puso at isipan ng mambabasa kaya naman kahit sila’y produkto lang ng mayamang
imahinasyon ng manunulat, hindi sila basta nakalilimutan.

_______8.Subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos


madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang
imahinasyon at hindi nakabatay sa katotohonan sa totoong buhay.

_______9.Ito ay karaniwang nangyayari sa paglalarawan sa mga tekstong naratibo tulad ng mga


tauhan sa maikling kwento.

_______10. Ang obhetibo ay paglalarawan kung ito’y may pinagbabatayang katotohanan.

Tandaan na ang Cohesive Device sa tekstong Deskriptibo ang ginagamit ng


manunulat o naglalarawan upang magkaroon ng mas maayos at mas malinaw na daloy ng kaisipan sa
isang teksto. Ang cohesive devices ay kailangan upang mas higit na makita at maunawaan ang
kahulugan o kabuluhan ng bawat bahagi ng teksto.

Page 19 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W5 - 05

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________


Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGTATAYA

PANUTO:

Tukuyin mula sa mga pangungusap kung anong uri ang inilalarawan dito.
Isulat sa patlang letra ng tamang sagot.

A. Paglalarawan ng Bagay D. Paglalarawan ng Lugar


B. Paglalarawan ng Emosyon E. Paglalarawan ng Tauhan

_____1.Nakapanlulumo ang mga napapanood sa telebisyon tungkol sa mga naging biktima ng


sakit na COVID-19.

_____2. Sinisiguro na ang lahat ng pangangailangan sa loob ng ospital ay kumpleto mula sa


alcohol hanggang sa PPE, ventilator, face mask at iba pa tiyak na magiging sapat para
sa lahat ng frontliners.

_____3. Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus.

_____4. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang


sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga
matatanda at mga may dati nang karamdaman.

_____5. Normal lamang ang makaramdam ng pagkabahala dahil sa kasalukuyang pagkakaroon ng


COVID-19 sa ating bansa lalo na para sa iyong sarili at mga mahal sa buhay.

_____6. Ang karamihan sa mga kaso ng COVID-19 (81%) ay mayroong bahagyang mga
sintomas lamang lalo na sa mga bata at young adults.

_____7. Maliit lamang ang posibilidad na kakailanganing maospital ng mga apektadong pasyente.

_____8. Maaaring sundin ang mga payo at abiso mula sa pamahalaan at mga lokal na opisyal
partikular na ang pag-iwas sa mga malawakang salu-salo o pagpunta sa mga mataong
lugar.

_____9. Malaking tuwa at pasasalamat ang nararamdaman ng mga taong nakaligtas sa sakit.

____ 10. Ginawa ng Quarantine Facility ang mga hotel, stadium, PICC at iba pa na maaaring
malagakan ng ibang pasyente.

Inihandani:
BEVERLY P. GONZALES
Master Teacher II, PCSHS

Reference for Enhancement:


• Dayag, A.M. (2017). PinagyamangPluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’tIbangTekstoTugosaPananaliksik. Phoenix
Publishing House.
• Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’tIbangTekstoTungosaPananaliksik. Rex Book Store.
https://www.coursehero.com/file/28206559/pagbasa1111pptx/
https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-
sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19

Page 20 of 20

You might also like