You are on page 1of 20

Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Unang Araw

Paksa: TEKSTONG ARGYUMENTAT IV

LAYUNIN: Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
PANIMULA

Hindi maiiwasang may mga pagkakataong ang iniisip ng isa ay salungat sa

maaring isipin naman ng iba. Sa batas man ng Diyos o maging tao, mababasa ang
pagtiyak sa karapatang magpahayag ng kani-kaniyang opinyon. Dito nabubuhay ang
prinsipyo ng demokrasya at maging ang banal na aral ng Kalayaan.
.

ANG TEKSTONG ARGYUMENTATIV

Ang Tekstong Argyumentativ ay isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay
makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat ay kailangang maipagtanggol ang
kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan. Kinakailangang may matibay na ebidensya
ang manunulat upang mapatunayan ang katotohanan ng kaniyang ipinaglalaban.

Ito ay isang anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na

pagpapaliwanag ng mga isyu o panig upang makahikayat o mangengganyo ng mambabasa o
tagapakinig. Naglalayon itong mapatunayan ang katotohanan ng ipinahahayag at ipatanggap sa
bumabasa ang katotohanang ito.

Ang isang teksto ay argumentatibo kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na
kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang
ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.

Dalawang Elemento ng Pangangatuwiran

1. Proposisyon ay ang pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ay dapat

mapagkasunduan bago magsimula ang pagbibigay ng argumento ng dalawang panig.
2. Argumento ay ang pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang
katuwiran ng isang panig.

MGA GAWAIN
3.
Sa loob at labas ng tahanan ay may mga bagay bagay na pinagtatalunan. Araw-araw ay hindi
4.
matapos-tapos ang usapan. Bakit kaya? Siguro ayaw magpatalo ng isa’t isa dahil sa maraming
kadahilanan. Subukin mo ngang mapanalo ang mga usaping may kaugnayan sa iyo.
5.

6.

7. ay ang pangalawangelemento ng pangangatuwiran. Ito ay ang pagpapahayag ng

mgadahilan at ebidensyaupangmaipagtanggol ang katuwiran ng isangpanig.

Page 1 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN 1
PANUTO:

1. Isipin ang paksang laging pinagtatalunan sa

loob ng bahay.
2. Ilatag ang proposisyon.
3. Ilahad at ibigay mo ang argument tungkol dito.

Halimbawa:

Proposiyon: Sino ang dapat maghugas ng plato? Ang nakatatanda o ang nakababatang kapatid?

Argumento: Ang dapat maghugas ng plato ay ang nakatatandang kapatid dahil _________________.

Proposisyon

Argumento

Proposisyon

Argumento

Proposisyon

Argumento

Proposisyon

Argumento

Proposisyon

Argumento

Pagmamarka: Ang bawat kasagutan sa bawat hanay ay may katumbas na dalawang puntos.

Page 2 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN 2
PANUTO:
Itala ang mabuti at hindi
mabuting epekto ng Social Media sa
kabataan. Ihanay ang kasagutan sa
nakalaang kahon.

Basahin ang teksto.

Sapag-usbong ng makabagong teknolohiya, marami ang naiambag nito sa buhay ng

bawat isa. Hindi maikakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa sa naging produkto ng
makabagong panahon na layuning mapadaliang pakikipagugnayan sa mga taong nasa
malayong lugar o mga taong bagong nakikilala.

Ano nga ba ang epekto nito sa mga millennials lalo na kung ang pag-uusapan ay ang
panahon iginugugol sa paggamit ng teknolohiya? May mabuti at hindi mabuting dulot ba ito sa
kabataang tuladmo? Alin ang mas nakalalamang sa epekto ng Social Media sa mga kabataan?

Mabuti Di –Mabuti

Pagmamarka: Limang puntos para sabawatisangkategorya.

Page 3 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGLALAHAT:

Alamin kung ang mga sumusunod na pahayag ay naaangkop sa katangian at nilalaman ng

Tekstong Argyumentatibo sa pamamagitan ng paglalagay ng A bilang Angkop at DA kung Di-
angkop

________1. Mahalaga at napapanahon ang paksa ng Tekstong Argyumentatibo.

________2. Isang mahalagang gawain ng Tekstong Argyumentatibo ay ang pakikipaglaban sa

mga katwiran na gamit ang lakas.

________3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto sa entablado para
sa mga pangkat ng mga tao.

________4. Matibay na ebidensya para sa argumento.

________5. Kahit na sino ay maaaring makipag-argyumento.

________6. Ang Argumento ay ang pangalawang elemento ng pangangatuwiran.

________7. Ito ay ang pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensya upang maipagtanggol ang
katuwiran ng isang panig.

________8. Ang proposisyon ay ang pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan.

________9. Ito ay dapat mapagkasunduan bago magsimula ang pagbibigay ng argumento ng

dalawang panig.

_______10. Ang kailangan sa argyumento ay katapangan at katalinuhang mangatwiran.

Tandaan na nangangailangan ang pagsulat ng tekstong

argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon
ng mga ebidensiya. Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon nais isulat sa maikli ngunit
malaman na paraan. Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas
nauunawaan ang iba’t ibang pananaw o punto de bista at nakapipili ang mananaliksik ng
posisyong may matibay na ebidensiya.

PAGTATAYA:

Basahin ang teksto:

Isang napakalaking problema ang sitwasyon ng edukasyon sa panahon ng pandemic. Ang mga
guro, magulang at higit ang mga mag-aaral. Alin ba ang dapat na bigyang halaga, ang kalusugan o
edukasyon?

Page 4 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Artikulo mula sa Rappler.com.

Published 11:02 PM, May 14, 2020

MANILA, Philippines – Isang malaking isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang mga problemang
umusbong tungkol sa edukasyon.

Iba't iba ang paraan ng mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno sa pagsagot sa sitwasyon. May
mga eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat sa online, at may iba naming tinapos ang school
year.

Sa paparating na pasukan ngayong Agosto, ang mga estudyante at magulang ay naghahanda sa

mga posibleng maging problemang papasanin nila habang hindi pa natatapos ang coronavirus
pandemic.

Batay sa nabasang teksto: Ipaliwanag ang kasagutan.

1. Ano ang nilalaman ng tekstong binasa?

2. Ano ang nais iparating ng balitang ito?

3. Ano ang iyong reaksyon sa binasang teksto?

4. Ano-ano ang mga kaisipang inihahatid sa teksto?

5. Paano mo ito maipaliliwanag?

Pagmamarka: Ang bawat kasagutan ay may 2 puntos nakatumbas.

Inihandani:
BEVERLY P.GONZALES
Master Teacher II, PCSHS

Reference for Enhancement:

• Dayag, A.M. (2017). Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Phoenix Publishing House.
• Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book
• https://www.slideshare.net/JadeParochelin/argumentativ-68996416
https://www.rappler.com/newsbreak/videos-podcasts/260843-beyond-stories-problems-burden-students-
coronavirus-pandemic-philippines

Page 5 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Unang Araw

Paksa: MGA KATANGIAN AT NILALAMAN NG TEKSTONG ARGYUMENTATIV

LAYUNIN: Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
PANIMULA

Ang pagpapalitan ng opinyon ng dalawa o

.
higit pang tao na may magkataliwas na paniniwala
at pananalig ay nagdudulot ng alitan kung hindi
magiging maliwanag sa isa’t isa ang kanya-kanyang
panig at walang bukas na pag-iisip.

KATANGIAN AT NILALAMAN NG TEKSTONG ARGYUMENTATIBO

• Napapanahon ang paksa.

Upang makapili ng angkop na paksa, pag-isipan ang iba’t ibang napapanahon at
mahahala-gang isyu na may bigat at kabuluhan. Makatutulong din kung may interes ka sa
paksa, ngunit hindi ito sapat. Kailangan mo ring pag-isipan kung ano ang makatuwirang
posisyon na masusuportahan ng argumentasyon at ebidensya.

• Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.

Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat ang konteksto ng paksa sa pamamagitan ng
pagtalakay nito sa pangkalahatan. Tinatalakay rin sa bahaging ito kung bakit mahalaga ang
paksa at kung bakit kailangang makialam sa isyu ang mga mambabasa.

• Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.

Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto. Kung walang lohikal na pagka-
kaayos ng kaisipan, hindi makasusunod ang mambabasa sa argumento ng manunulat at hindi
magiging epektibo ang kabuuang teksto sa layunin nito. Nakatutulong ang transisyon upang
ibuod ang ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at magbigay ng introduksiyon sa susunod na
bahagi.

• Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng

argumento.
Ang bawat talata ay kailangang tumalakay sa iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito
ang magbibigay-linaw at direksiyon sa buong teksto. Tiyakin ding maikli ngunit malaman ang
bawat talata upang maging mas madaling maunawaan ng mambabasa. Kailangan ding
isaalang-alang ang lohikal na koneksiyon ng bawat talata sa kabuuang tesis ng teksto at
maipaliwanag kung paano at bakit nito sinusuportahan ang tesis.

• Matibay na ebidensiya para sa argumento.

Ang tekstong argumentatibo ay nangangailangan ng detalyado, tumpak, at napapanahong
mga impormasyon mula sa pananaliksik na susuporta sa kabuuang tesis.

Page 6 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

MGA GAWAIN
May mga isyu o kaganapan sa ating paligid na di man tahasan ay masasabing nakakaapekto
sa bawat isa. Subukin mong suriin ang mga isyung ito at ibigay ang iyong reaksyon.

GAWAIN 1
PANUTO:
Isulat ang letrang reaksyon sa mga paksa ng napapanahong isyu.
Ipaliwanag ang napiling reaksyon.

A B C D E F

1. Pagbibigay ng Franchise sa ABS -CBN

2. Pagpasasa Anti-Terrorism Law Bill

3. Blended o Flexible Learning System sa Larangan ng Edukasyon

4. No Vaccine, No School

5. Pilipinas sa Panahon ng Pandemia

Pagmamarka: 3 puntos para sa bawat bilang.

Page 7 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN 2

PANUTO:

Isulat sa ilalim ng mga lobo ng usapan

ang iyong pangangatwiran batay sa mga
pahayag na nasa loob nito. Sikaping
maipaliwanag ang kasagutan.
Usapang Magkaibigan

Ang pangngopya ay hindi tama kahit tayo ay

magkaibigan.

Ang kaaway mo ay hindi ko kaaway.

Magkaibigan tayo kaya dapat

naiintindihan mo ang mga problema ko.

Sabihin mo sa akin ang mga bagay na

hindi mo gusto sa akin bilang kaibigan.

Dadamayan mo ba ako sakaling

makagawa ako ng mali o pababayaan?

Pagmamarka: May 3 puntos para sa bawat kasagutan.

Page 8 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGLALAHAT:
Panuto: Isulat ang letra ng tamangsagot.

A. Napapanahon ang paksa.

B. Matibay na ebidensiya para sa argumento.
C. Maikli ngunit malaman at malinaw.
D. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
E. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng
argumento.

________1. Ang isang tekstong argyumentatibo ay dapat napatunayan at nagpapatunay ng

katotohanan.

________2. Dapat na maayos ang daloy ng argumentonang hindi makalito.

________3. Ang pagpasa tungkol sa Anti Terrorism Bill ay naging laman ng pagtatalo.

________4. Hindi mahalaga ang mahabang teksto para maipagtanggol ang argumento.

________5. Kailangan may koneksyon o ugnayan ang bawat talata.

________6. Ang pagsuporta ng isang pananaliksik ay makatutulong sa argumento.

________7. Kailangan mo ring pag-isipan kung ano ang makatuwirang posisyon na

masusuportahan ng argumentasyon at ebidensya.

________8. Nakatutulong ang transisyon upang ibuod ang ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at
magbigay ng introduksiyon sa susunod na bahagi.

________9. Tinatalakay rin sa bahaging ito kung bakit mahalaga ang paksa at kung bakit kailangang
makialam sa isyu ang mga mambabasa.

_______10. Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto.

Tandaan na ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na

nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o
usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal nakaranasan, kaugnay na mga
literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na
pananaliksik.

PAGTATAYA:

Basahin ang sanaysay.

Pagbubuo ng Isang Malakas na Pamilya

mula sa Family Resource Kit ng UH-Manoa Center on the Family
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Ano ang kahulugan ng pamilya para sa inyo? May ilang taong naniniwalang ang isang pamilya’y
tulad ng isang magandang kahong puno ng mga bagay na gusto nila: pagmamahal, katuwaan,
pagkakaroon ng kasama (companionship) at iba pang magagandang bagay; isang kahong
mabubuksan kailanma’t nais nila ng mga bagay na ito. Marahil, mas nakakatulad ng isang walang
lamang kahon ang pamilya. Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa
rito ng mga tao. Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula

Page 9 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna
tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa. Ang mga ito ang nagpapatigib sa kahon.
Ang paglalabas ng higit sa isinilid natin ay magpapabasyo sa kahon sa malao’t madali.

Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya. Maaaring mayaman o

mahirap sila. Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila. Halimbawa: isang ina, ama, at mga anak, o
isang ina na may isa o higit pang anak, o mga lolo’t lola ng kasama ng kanilang mga anak at apo, o
mag-asawang walang anak.
Matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tumutulong
silang humubog ng mga taong nagiging katulad natin. Kung kailangan nating lumaking malulusog at
maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya.

Ipaliwanag ang mga sumusunod na kaisipan batay sa pagkakaunawa sa pamamagitan ng dalawa

hanggang tatlong pangungusap.
1. May ilang taong naniniwalang ang isang pamilya’y tulad ng isang magandang kahong puno ng
mga bagay na gusto nila:

2. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim
muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod, at paghikayat sa isa’t isa.

3. Marahil, mas nakakatulad ng isang walang lamang kahon ang pamilya. Nagiging maganda
at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa rito ng mga tao.

4. Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya. Maaaring mayaman o

mahirap sila.

5. Matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa.

Pagmamarka: Ang bawatkasagutan ay may 2 puntos nakatumbas.

Inihandani:
BEVERLY P. GONZALES
Master Teacher II, PCSHS

Reference for Enhancement:

• Dayag, A.M. (2017). Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tugo sa
Pananaliksik. Phoenix Publishing House.
• Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t IbangTeksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book
• http://www.hawaii.edu/filipino/Lessons/Pamilyang%20Pilipino/Pamilyang%20Pilipino.html

Page 10 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikatlong Araw

Paksa: MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN

LAYUNIN: Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
PANIMULA
Sa pangangatwiran, ang laging layunin ay ang mangibabaw sa laban mula sa katalo, katung-
gali, kalaban o kadebate. Hindi naiiwasan na gumamit ng mga pamamaraan na wala na sa tamang
gawi o pangangatwiran. Sa aralin ngayon, malalaman kung ano-ano ngaba ang tamang gawi o
kaalaman sa pangangatwiran.

MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN

1. AD HOMINEN – isang nakakahiyang pag-atake sa personal na katangian / katayuan ng katalo at
hindi sa isyung tinatalakay.

HALIMBAWA:
Anong mapapala ninyo sa pagboto sa aking katunggali gayong ni hindi man siya naging pinuno ng
kanyang klase o ng kanyang barangay? Balita ko’y under de saya pa yata!

2. ARGUMENTUM AD BACULUM – pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at
tuloy maiplano ang argumento.

HALIMBAWA:
Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang magsalita sa akin ng ganyan!
Baka sampalin kita at nang makita mo ang hinahanap mo!

3. ARGUMENTUM AD MISERCODIAM – upang makamit ang awa at pagkampi ng mga nakikinig o

bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang umatake sa damdamin at hindi sa
kaisipan.

4. NON SEQUITOR – sa Ingles ang ibig sabihin nito ay “it doesn’t follow”. Pagbibigay ito ng sa kabila
ng mga walang kaugnayang batayan.

5. IGNORATIO ELENCHI – gamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya, wika nga. Ito
ay kilala sa Ingles na circular reasoning o paliguy-ligoy.

6. MALING PAGLALAHAT – dahil lamang sa maling aytem o sitwasyon nagbibigay na agad ng

isang kongklusyong sumasaklaw sa pangkalahatan.

7. MALING PAGHAHAMBING – karaniwang tinatawag na usapang lasing ang ganitong uri ng

pagkat mayroon ngang hambingan ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon.

8. MALING SALIGAN – nagsimula sa maling akala na siyang naging batayan. Ipagpatuloy ang
gayon hanggang magkaroon ng kongklusyong wala sa katwiran.

9. DILLEMA – naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang iyon na lamang

at wala ng iba pang alternatibo.
.
10. MALING AWTORIDAD – naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyung
kasangkot.

Page 11 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

MGA GAWAIN:
Pagkatapos mong matutunan ang maling pamamaraan kung paano mangatwiran, maitatama
mo kaya ang iyong mga kasagutan o reaksyon sa mga pahayag na lagi mong naririnig at sinasagot.

GAWAIN 1

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag batay sa tamang pamamaraan ng

pangangatwiran. Sikaping pairalin ang paggalang sa pagsagot o pagbibigay ng reaksyon.
.

1. Bakit late ka na naman?

2. Bakit mababa ang grades mo?

3. Tama ba na makipagrelasyon ka na?

4. Wala ka bang ibang gagawin kundi ang mag-cellphone?

5. Nag-aaral ka bang mabuti?

6. Ano na naman yung narinig ko tungkol sa iyo?

7. Bakit ganyan ang suot mo?

8. Masaya ka ba sa ginagawa mo?

9. Puro ka wait!

10. Ang tamad tamad mo!

Pagmamarka: 1 puntos para sabawatbilang.

Page 12 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN 2
PANUTO: Suriin ang mga pahayag
kung anong uri ng maling
pangangatwiran ang ginamit sa mga
sumusunod. Isulat ang letra ng
Pagpipilian sa Bilang 1-5
tamang sagot.
A. Non Sequitor
B. Ignoratio Elenchi
C. Argyumentum Hominem
D. Argyumentum Baculum
E. Argyumentum Misercodiam

______1. Hindi ka magiging magaling na pinuno kasi ikaw ay babaero.

______2. Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang
Amerikano dahil siya ay nasa California.

_______3. Ako ang tama kasi ako ang may posisyon dito. Wala kayong karapatan magdesisyon.

_______4. Para na ninyong awa, kaming mahihirap ang dapat unahin sa pagbibigay ng ayuda.

_______5. Ang babae ay higit na masipag magtrabaho kaysa sa mga lalaki, kung gayon, sila
ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.

Pagpipilian para sabilang 6-10

A. Dillema
B. MalingSaligan
C. MalingPaglalahat
D. MalingPaghahambing
E. MalingAwtoridad

_______6. Hindi siya ang nanggahasa sa dalaga, sa katunaya'y isa siyang mabuting anak at
mapatutunayan iyan.

_______ 7. Ito ay isang ebidensyang dapat tanggapin dahil wala naming tumututol dito.

________8. Wika nga ni AizaSeguerra, higit nating kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang
Filipino.

________9. Magiging mabenta ang sorbets kahit tag-ulan, kasi'y mabenta naman ang kape kahit tag-
init.

_______10. Lahat ng lalaki ay taksil.

PAGLALAHAT:

PANUTO: Isulat sa kanang bahagi ng arrow ang tamang sagot. Pagbatayan ang maling pamama-
raan ng pangangatwiran.

1. Nagsimula sa maling akala na siyang naging

batayan. Ipagpatuloy ang gayon hanggang
magkaroon ng kongklusyong wala sa katwiran.

2. Dahil lamang sa maling aytem o sitwasyon nag-

bibigay na agad ng isang kongklusyong sumasaklaw
sa pangkalahatan.
Page 13 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

3. Naghahandog lamang ng dalawang opsyon /

pagpipilian na para bang iyon na lamang at wala ng
iba pang alternatibo.

4. Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga

usapang barberya, wika nga ito ay kilala sa Ingles
na circular reasoning o paliguy-ligoy.

5. Isang nakakahiyang pag-atake sa personal na

katangian / katayuan ng katalo at hindi sa isyung
tinatalakay.

6. Ginagamit upang makamit ang awa at pagkampi

ng mga nakikinig o bumabasa, ginagamit ito sa
paraang pumipili ng mga salitang umatake sa
damdamin at hindi sa kaisipan.

7. Sa Ingles ang ibig sabihin nito ay “it doesn’t

follow”. Pagbibigay ito ng sa kabila ng mga walang
kaugnyang batayan.

8. Naglalahad ng tao o sangguniang walang

kinalaman sa isyung kasangkot.

9. Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan

ang isyu patuloy maiplano ang argumento.

10. Parang lasing ang ganitong uring

. pagkat mayroon ngang hambingan ngunit
sumasala naman sa matinong konklusyon.

Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto,

angkop, at magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pakinggan,
tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.

Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring

matamo nino man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.
Alalahanin na laging tamang pangangatwiran ang isa isip.

Page 14 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGTATAYA:
Basahin ang teksto. Pumili ng dalawang saknong batay sa sinang-ayunang panig at
salungguhitan ito. Ipaliwanag ang kaisipan napapaloob dito.
Sa panahon ngayon ay ano ba ang mahalaga
Edukasyon ba o ang kayamanang tinatamasa?
Alam kung lahat ng tao'y naghahangad ng
ginhawa at ng karunungang nagpapapaunlad
sa diwa.
Kayamanan:
Edukasyon: Ang mahalaga sa daigdig na ito ay kayamanan
Ang kailangan ng lahat ng tao ay edukasyon 'Di ba't mas mainam kung maraming perang
Ito'y isang tulay upang maabot mo ang nahahawakan?
ambisyon Ang sobrang pag-aaral ay pahirap lang sa
Kailangan nating sumabay sa takbo ng katawan
panahon Pinahihirapan nang husto ang sarili 'di naman
Mahirap maging mangmang at ituring na isang yayaman.
patapon.
Ang kayamanan ay 'di isang librong isinasaulo
Ang edukasyon ay masasabi na ring kayama- Kundi magagamit sa araw-araw na pamumuhay
nan mo
'Di mauubos dahil nakalagay sa iyong isipan Dahil sa kayamanan magagawa lahat ng gusto
Kaibigan, maganda ang mayroong pinag-aralan Malakas ang impluwens'ya mo't kapit sa
Para magkaroon ka ng magandang gobyerno.
kinabukasan.
Ang diploma't medalya ay palamuti lang sa
Ang literal na kayamanan ay mapapasaiyo dingding
Dahil magkakaroon ka rin ng magandang Nag-aral ka nga pero ba't tila mayroong tililing?
trabaho Samantalang ang kayamanan magagamit sa
Kahit maralita lang baling araw ay aasenso magaling
Lahat ay posible kung ikaw ay isang edukado. 'Di maghihirap nang husto kagipitan ma'y
dumating.

1.

2.

Pagmamarka: Limang puntos para sabawatbilang.

Inihandani:
BEVERLY P. GONZALES
Master Teacher II, PCSHS

Reference for Enhancement:

• Dayag, A.M. (2017). Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Phoenix Publishing
House.
• Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book
• https://teksto00000.blogspot.com/2019/01/tekstong-argumentatibo.html
• http://delfinomenchie.blogspot.com/

Page 15 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ika-apat na Araw

Paksa: MGA HALIMBAWA NG TEKSTONG ARGYUMENTATIBO

LAYUNIN: Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.

PANIMULA

Ano-ano ang pagkakatulad ng mga larawan sa itaas?

Tama, ang mga ito ay nakikipaglaban ng kani – kanilang mga katwiran.

MGA HALIMBAWA NG TEKSTONG ARGYUMENTATIBO

FLIPTOP
Ang fliptop ay isang paligsahan ng mga rapper o mga taong gumagamit ng rap sa pagsa-
salita. Ito ay may dalawang panig, bawat isa ay kailangang mag-rap sa loob ng isang minuto. Sari-
saring panlalait, pang-aasar, at pang-iinsulto ang laman ng rap na binabanggit ng mga kalahok.

DEBATE
Ang Pagtatalo o Debate ay binubuo ng pangangatwiran ng dalawang koponan na
magkasalungat ng panig tungkol sa paksang napagkaisahang pagtatalunan. Maaaring nakasulat ang
pagtatalo ngunit kadalasan ay binibigkas ito.

BALAGTASAN
Ang Balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.
Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas. Inilalahad ang sining na ito na isang uri ng panitikan
na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang
may mga tugmaan.

EDITORYAL
Ang Editoryal ay hindi lamang kinakasangkapan upang hatakin ang mambabasa na pumaling
sa isang panig ng pananaw o paniniwala, bagkus upang kumbinsihin — kung hindi man tahasang
pilitin — ang sinumang awtoridad o pinatutungkulan na pumanig at gawin kung kinakailangan ang
mungkahi ng isang publikasyon.

Page 16 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

GAWAIN:

GAWAIN 1
.

PANUTO:
1. Pumili ng isang proposisyo o maaaring MGA PROPOSISYONG PAGPIPILIAN
magbigay ng sariling paksa.
1. May Boses ba ang Anak sa
2. Ilahad ang dalawang panig ng argu- Suliraning Pampamilya?
mento mula sa mga sumusunod na
proposisyon. 2. Kalidad ng Pag-aaral sa
Panahon ng Pandemic
3. Gumamit ng alinman plataporma sa
mga halimbawa ng tekstong Argyumen- 3. Kabataan, Pag-asa pa ba ng
tatibo sa pagtalakay sa paksang napili. Bayan?

7-10 4-6 1-3

Nailahad nang napakahusay Nailahad nang mahusay ang Nangangailangan pa ng husay

ang nilikhang teksto mula sa nilikhang teksto mula sa ang nilikhang teksto.
platapormang pinili na nailatag platapormang pinili na nailatag
ang positibo at negatibong ang positibo at negatibong
panig ng proposisyon. panig ng proposisyon.

Page 17 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Ang isang bahagi ng editoryal ay tinatawag na editorial cartooning. Ang mga nilikhang dibuho
rito ay nakabubuo din ng iba’t ibang mensahe, reaksyon, at kaisipan. Layunin nito na mailarawan ang
isang senaryo at makapagbigay-aliw na mambabasa.

GAWAIN 2- PANUTO:
Mula sa mga editorial cartooning na nasa ibaba
bumuo ng positibo at negatibong mensaheng
nakapaloob dito.

1 2 3 4 5

POSITIBO

NEGATIBO

POSITIBO

NEGATIBO

POSITIBO

NEGATIBO

POSITIBO

NEGATIBO

POSITIBO

NEGATIBO

Pagmamarka: May tatlong puntos ang bawat kahon.

Page 18 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGLALAHAT:
PANUTO: Magbigay ng mga kaalamang natutuhan tungkol sa mga Tekstong Argyumentatibo.
Maaaring dagdagan ito mula sa sariling pananaliksik.

Fliptop Debate Editoryal

Pagmamarka: May limang puntos sabawatkategorya.

Tandaan na ang Tekstong Argyumentatibo ay mailalapat sa iba’t ibang

plataporma maging debate, fliptop, balagatsan at editorial man ito. Ang
pagiging makatwiran ay isaaalang-alang sa pagpapahayag. Alalahanin na may
dalawang panig ang isang paksa o isyung pinagtatalunan at dapat patas ang
paglalahad

PAGTATAYA:
Basahin ang teksto. Ipaliwanag ayon sa sariling pagkakaunawa ang mga Fliptop Lines
sa ibaba at ilahad ang kaisipang napapaloob mula rito. Gumamit lang ng 2 hanggang 3
pangungusap.
1. Ako ay bago lang dito, di ko alam paano simulan ito… pero isa lang ang masasabi ko,
kasing luma moy ung nasa profile picture mo.
___________________________________________________________________________

Page 19 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W7 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

2. Hindi ko rin alam pano magsimula, kaharap ko kasi ang taong walang bunganga.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Dami nyang alam na lenggwahe, marami ng narating na lugar ito.

Ganoon talaga ang magagagwa kung kargador ka sa barko.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Mukha kang katutubo, para kang anito sa bundok

Puro kanto ang mukha mo parang naligo ka sa bundok
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Hindi porke’t pangit ka matatakot ako sa iyo

Ang tagal mong dumating nauna pa ang sapatos mo sa iyo
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagmamarka: May tatlong puntos ang bawat bilang.

Inihandani:
BEVERLY P.GONZALES
Master Teacher II, PCSHS

Reference for Enhancement:

• Dayag, A.M. (2017). Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Phoenix Publishing House.
• Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book
• https://www.facebook.com/370655179702563/posts/pag-aaral-ano-ang-fliptop-ang-fliptop-ay-isang-paligsahan-ng-
mga-rapper-o-mga-ta/405314089570005/
• https://www.slideshare.net/eves121/debate-ppt
• https://www.slideshare.net/melanierazor/balagtasan-58718076
• https://www.sunstar.com.ph/article/1852238/Superbalita-Cebu/Opinyon/Editoryal-Pikas-bahin-sa-Covid-19
• https://www.wattpad.com/25392179-fliptop-lines-chapter-1

Page 20 of 20

You might also like