You are on page 1of 20

Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Unang Linggo / Unang Araw

Paksa: BATAYANG KAALAMAN SA MAPANURING PAGBASA

LAYUNIN: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa.
PANIMULA

“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga
matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.”
- Gustave Flaubert (Madame Bovary, 1897)

Ang PAGBASA ay kabuhol na ng buhay ng tao. Simula sa iyong paggising sa umaga

hanggang sa pgtulog sa gabi TAYO ay nagbabasa. Kung kaya’t mahirap ihiwalay sa pang-araw-araw
na pamumuhay ang pagbabasa. Madaling magbasa. OO! Ngunit ang maunawaan ang iyong binabasa
ay nakadepende sa lawak ng kaalaman mo sa pagbabasa.

KAHULUGAN NG PAGBASA

• Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat

simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan. (Sicat-De Laza, 2016)
• Pagkaunawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng isang nakalimbag na simbolo.
• Isa sa mga kasanayang pangwika na tulay upang mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-
unawa sa teksto.
• Isang kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais nakalimbag o anumang pasulat na wika.
• Kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sinasabing 90%
na natutunan ng isang indibidwal ay mula sa kanyang kakayahang bumasa. (Baltazar, 1977)
• Isang masalimuot na kompleks na nangagailangan ng konyus at di-konyus na paggamit ng mga estratehiya o
kasanayan upang makabuo ng kahulugang ninanais ng ihatid ng manunulat sa mambabasa. (Johnson, 1990)
• Isang proseso ng pagtanggap, pag-analisa at pag-interpreta ng mga inpormasyon nakasulat sa pamamagitan
1 ng nakalimbag na midyum. (Urquhart at Wieir, 1998)
• Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas ng pasalita.
• Isang kakayahang kumilala at umunawa ng mga nakalimbag na simbolo ng talasalitaan ng mga batang mag-
aaral sa pagsasalita. Ito ang kasunod matapos malinang ang kakayahan sa pakikinig at pagsasalita sa
paglinang ng wika. (Terrado, 2000)

KAHALAGAHAN NG PAGBASA
✓ Nakapagdudulot ng kasiyahan at gabay sa pag – aaral.
✓ Kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman.
✓ Lumilinang sa imahinasyon.
✓ Nakapaglalakbay sa iba’t ibang lugar.
✓ Nakakakilala ng iba’t ibang tao.
✓ Nadadagdagan ang karanasan.
✓ Nagagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

KATANGIAN NG PAGBASA
Ang tunay na pagbasa ay pag-unawa sa mensahe ng teksto.
Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip.
Bahagi ng pagbasa ang pag-uugnay ng dating kaalaman sa bagong kaalaman.

Page 1 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Makaagham na pag-
aaral ng mga tunog.

Nagbibigay tulay sa
Nagsisimula sa pagitan ng
pagbasa ng bawat rekognisyon at
yunit ng salita. komprehensiyon.

Nagbibigay ng
kabuuang kahulugan
Pagbibigay kahulugan at pag-unawa sa
sa salita. mensahe ng teksto

MGA GAWAIN

PANUTO: Gamit ang internet o nabasang maikling kuwento o

sanaysay, suriin ito gamit ang mga hinihinging impormasyon
sa talahanayan.
PAGTATAYA

Pamagat ng Akdang Nabasa o

URL Link ng Akdang Binasa

Pangalan ng May – Akda

Mga Mahahalagang Puntos sa

Binasang Akda

Buod ng Binasa

Mga natuklasan sa gawaing ito ng

Pagbabasa

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado

Napapanahon at kapakipakinabang ang napiling paksa 5
Makabuluhan ang akda ng napiling paksa 5
Malinaw ang nagging pagtalakay sa anyo at nilalaman
5
ng bawat akda
Kabuuan: 15

Page 2 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PANUTO: Kumapanayam ng tatlong indibidwal sa

inyong tahanan. Gamitin ang mga sumusunod na
katanungan sa pakikipanayam.
PAGTATAYA

MGA TANONG SA PAKIKIPANAYAM:

1. Anong mga uri ng babasahin ang kadalasan mong binabasa?
2. Sa paanong paraan nakatutulong sa iyo ang pagbabasa?
3. Sa panahon ngayon ng pandemyang COVID-19, sa iyong palagay
paano makatutulong ang pag-unawa sa mga babasahin ukol dito?

KINAPANAYAM KINAPANAYAM KINAPANAYAM

1 2 3

TANONG
#1

TANONG
#2

TANONG
#3

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG PAGSULAT NG TUGON SA PANAYAM

5–4 3–2 1
Napakahusay ng pagpapaliwanag at Katamtamang husay ang pagpapa- Kailangan pang pagbutihin ang
may natatanging halimbawang liwanag at masyadong malawak ang pagpapaliwanag at maligoy ang
naibahagi sa isinulat na binubuo ng pagkakabahagi sa isinulat na binubuo pagbabahagi sa isinulat na 1
4-5 pangungusap ng 2-3 pangungusap pangungusap lamang

Page 3 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGLALAHAT

PANUTO: Sagutin ang mga hinihinging impormasyon sa bawat bilang.

Isulat ang kaukulang letra ng inyong sagot sa patlang na inilaan.

A. Sicat-De Laza C. Johnson

B. Baltazar D. Terrado
_____ 1. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap, pag-analisa at pag-interpreta ng mga
impormasyon nakasulat sa pamamagitan ng nakalimbag na midyum.

_____ 2. Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng

bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
_____ 3. Isang kakayahang kumilala at umunawa ng mga nakalimbag na simbolo ng talasalitaan
ng mga batang mag-aaral sa pagsasalita. Ito ang kasunod matapos malinang ang
kakayahan sa pakikinig at pagsasalita sa paglinang ng wika.
_____ 4. Isang masalimuot na kompleks na nangagailangan ng konyus at di-konyus na paggamit
ng mga estratehiya o kasanayan upang makabuo ng kahulugang ninanais ng ihatid ng
manunnulat sa mambabasa

A. Kaalamang Ponemiko D. Bokabularyo

B. Pag-aaral ng Ponolohiya E. Komprehensiyon
C. Katatasan F. Wala sa nabanggit
_____ 5. Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika na nagbibigay kahulugan sa pagbigkas
ng salita o nagbibigay pagbabago sa kahulugan ng mga salita.
_____ 6. Ang kahulugan ng salita ang siyang nagbibigay mensahe sa iyong gusting ipaliwanag.
_____ 7. Kapag nagbabasa tayo, nagsisimula tayo sa pagbabasa ng bawat yunit ng isang salita.
_____ 8. Kailangang may koneksyon ang mambabasa sa mensahe ng tekstong binabasa

A. Kahulugan ng Pagbasa
B. Katangian ng Pagbasa
C. Kahalagahan ng Pagbasa

_____ 9. Pag-uugnay ng dating kaalaman sa bagong kaalaman ng tekstong binasa.

_____ 10. Nakapaglalakbay sa iba’t ibang lugar at nakikilala ang mga prominenteng indibidwal.

PAGTATAYA

PANUTO: Suriin ang bawat larawan. Bigyan ng angkop na pamagat ang larawan.
Batay sa pamagat na isinulat, gawan ng isang sanaysay na may tatlong talata na
binubuo ng 10-15 pangungusap.

PAMAGAT :

_________________________________________________________________________________

Page 4 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 01

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

https://www.pickeringrelay.com/covid-19-coronavirus/

PAMAGAT :

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

https://www.rappler.com/nation/251412-house-says-solgen-calida-petition-derail-abs-cbn-franchise-renewal

PAMAGAT :

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

https://www.medpagetoday.com/infectiousdisease/covid19/86528

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG PAGSULAT NG SANAYSAY

5–4 3–2 1
Napakahusay ng ibinigay na Katamtamang husay ng ibinigay na Kailangan pang pagbutihin ang
pamagat. Napakamakabuluhan ng pamagat. Mayroong kabuluhan ang pagbuo ng pamagat. Maligoy ang
pagsisimula, pagdadaloy at pagsisimula, pagdadaloy at pagsisimula, pagdadaloy at
pagbubuod ng sinulat na sanaysay pagbubuod ng sinulat na sanaysay pagbubuod ng sinulat na sanaysay
batay sa larawan. batay sa larawan. batay sa larawan.

Inihanda ni:
MARY TRISHA ALVA ABEDEJOS
Teacher I, PCWHS

Reference for Enhancement:

• Dayag, A.M. (2017). Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tugo sa
Pananaliksik. Phoenix Publishing House.
• Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book
Store.
• https://prezi.com/usmxqf3xc9sc/kahalagahan-ng-pagbasa/
• https://idoc.pub/documents/kaalamang-ponemikodocx-2nv82r18rylk
• https://www.pickeringrelay.com/covid-19-coronavirus/
• https://www.rappler.com/nation/251412-house-says-solgen-calida-petition-derail-abs-cbn-franchise-renewal
• https://www.medpagetoday.com/infectiousdisease/covid19/86528

Page 5 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Unang Linggo / Ikalawang Araw

Paksa: INTENSIBO at EKSTENSIBONG PAGBASA AT

ISKANING at ISKIMING NA PAGBASA
LAYUNIN: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa.
PANIMULA

“Sa PAGBASA, nagiging ganap ang pagkatao ng isang nilalang.”

PANGKALAHATANG KATEGORYA NG PAGBASA:

INTENSIBO at EKSTENSIBO

May kinalaman sa masinsinan at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto. INTENSIBO

N

EKSTENSIBO May kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales.

MAHAHALAGANG
INTENSIBONG PAGBASA TERMINOLOHIYA
• Pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa
estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal KAANYUANG GRAMATIKAL –
paraan ng pagkakasaayos ng
na ugnayan ng isang akda. Isang gawain na gumagamit ng zoom lens o ng mga salita
1 malapitan at malalimang pagbasa ng isang akda. (Brown, 1994)
PANANDANG DISKURSO –
• Detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay nagbibigay-linaw at nag-uugnay
ng isang guro kung paano ito susuriin. (Long at Richards, 1987) ng mga kaisipang inilalahad sa
isang teksto o diskurso
• Tinatawag din itong “narrow reading” sapagkat piling babasahin lamang hinggil sa
DISKURSO – paraan ng
isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin ng mambabasa.
pagpapahayag ng ideya tungkol
• Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at sa isang paksa
uri ng diskurso sa loob ng teksto. ESTRUKTURA – pagkakabuo
• Pagtukoy sa mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at ng mga salita
maingat na paghahanap ng kahulugan. IMPLIKASYON – mga epekto

• Nakatutulong ang pagbabalangkas upang lubos na maunawaan ng mag-aaral RETORIKAL – isang

mahalagang karunungan ng
ang isang teksto.
pagpapahayag
PAGBABALANGKAS –
EKSTENSIBONG PAGBASA pagkakasunod-sunod
• Isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang KAKAYAHANG
bilang ng teksto. (Brown, 1994) KOMUNIKATIBO – kakayahan
ng isang indibidwal sa
• Nagaganap kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng mga babasahin ayon pakikipag-usap.
sa kaniyang interes. (Long at Richards, 1987)
KAKAYAHANG AKADEMIKO –
• Makuha lamang ang “gist” o pinaka-esensiya at kahulugan ng binasa na hindi kakayahan ng isang indibidwal
pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang malabo o hindi alam ang kahulugan. sa mataas na antas ng pag-
unawa
• Maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at hindi ang mga ispesipikong
detalye na nakapaloob dito.
• Malaya at boluntaryong pagbasa na maaaring maging tulay tungo sa mas mataas
na kakayahang komunikatibo at akademiko sa wika. (Krashen, 1995)

Page 6 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

KAKAYAHAN SA PAGBASA

PAHAPYAW NA PAGBASA (SCANNING) PINARAANANG PAGBASA (SKIMMING)

Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang layunin ay
Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, organisa-
hanapin ang ispesipikong impormasyon. hin ang mga ideya, at tukuyin ang pananaw at layunin
ng manunulat ng teksto.
Kinapapalooban ng bilis at talas ng mata sa paghaha- Mas kompleks sapagkat nangangailangan ng mabili-
nap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na sang paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng
impormasyon. mambabasa upang maunawaan ang kabuuan ng teksto.
Mga impormasyong gaya ng pangalan, petsa, simbo- Ginagamit kapag may pangkalahatang tanong tungkol
lo, larawan, o tiyak na sipi ang pokus nito. sa isang akda.
Kadalasang ginagamit ito sa mga larangang teknikal at Nakatutulong sa pagdedesisyon ng mambabasa kung
propesyonal. magpapatuloy sa pagbabasa.
Ginagamit din ito sa paghahanap ng numero o adres
Nauunawaan ng isang mag-aaral ang kabuluhan at ka-
ng isang tao sa direktoryo, kahulugan ng salita sa dik-
hulugan ng teksto kahit hindi iniisa-isa ang kahulugan ng
syunaryo, o pagtiyak ng iskedyul ng eksamen o iba
bawat salita at pahayag.
pang aktibidad sa paaralan.

MGA GAWAIN

PANUTO: Gamit ang Scanning, basahin ang mga tanong sa ibaba

bago simulan ang pagbasa ng health advisory poster. Pagkatapos
unawain ang mga tanong, hanapin ang sagot sa naturang poster.
PAGTATAYA
MGA KATANUNGAN:
1-2. Ano ang CORONAVIRUS?
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
Ibigay ang mga SINTOMAS ng Corona Virus.
3. ___________________ 4. ___________________
5. ___________________ 6. ___________________

Sa paanong paraan makaiiwas sa Corona Virus?

7. _________________________________________
8. _________________________________________

9. Saang tanggapan ng pamahalaan nagmula ang

health advisory? ____________________________

10. Anong numero ang maaaring tawagan kung may

mga katanungan hinggil sa Corona Virus?
______________________________________

https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=28E7D5F71B22D821&sms=60760CE6FA214130&s=8825E5262D79711D

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG PAGSULAT NG BUOD

5–4 3–2 1
Napakahusay ng pagkakasagot sa Katamtamang husay ang Kailangan pang pagbutihin ang
mga katanungan. Kumpleto ang mga pagkakasagot sa mga katanungan. pagsagot sa mga katanungan.
impormasyong hinihingi sa bawat Mayroong ilang impormasyong Magulo ang pagkakasulat ng mga
bilang. inilagay. impormasyong hinihingi sa bawat
bilang.

Page 7 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PANUTO: Gamit ang Skimming, basahin ang

teksto sa ibaba at ibigay ang buod ng naturang
PAGTATAYA teksto.

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

• https://www.slideshare.net/leiramflores/tula-talumpati-maikling-kwento-pabula-sanaysay

Page 8 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG PAGSULAT NG BUOD

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado

Nasuri ang nilalaman ng sanaysay at nakapagtala ng
5
mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa.

Nagbigay ng matalas na opinion at angkop na pagsusuri

5
sa nilalaman ng sanaysay.

Malinaw at sistematiko ang pagkakalahad ng ideya sa

5
ginawang pagbubuod.

Kabuuan: 15

PAGLALAHAT

PANUTO: Tukuyin kung ang mga babasahin na nakasulat sa ibaba ay nangangaila-

ngan ng INTENSIBO o EKSTENSIBONG pagbasa. Isulat ang IN kung ito ay
Intensibo, at EKS kung ito naman ay Ekstensibo.

_____ 1. Batayang Aklat o Text Book _____ 6. dyaryo

_____ 2. Encyclopedia _____ 7. Cook Book

_____ 3. magasin _____ 8. Wattpad

_____ 4. Bibliya o Koran _____ 9. Modyul / Modules

_____ 5. Text Message _____ 10. Print Advertisements

Mula sa kahulugan ng mga salita, mahihinuha na ang intensibong pagbasa ay may

kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto habang ang
ekstensibong pagbasa naman ay maghahatid sa mambabasa tungo sa pinakadulong proseso.

Ang pahapyaw na pagbasa o scanning ay mabilisang pagtingin sa mga tala o teksto na

may layuning kuhanin ang impormasyon, detalye o bagay na kailangan. Habang ang
pinaraanang pagbasa o skimming naman ay mabilis na pagtingin sa teksto upang makuha
ang punong ideya o mga importanteng impormasyon.

PAGTATAYA

PANUTO: Sagutin ang mga hinihinging impormasyon sa bawat bilang.

Isulat ang kaukulang letra ng inyong sagot sa patlang na inilaan.
Maaaring mag-ulit ng letra nang kasagutan.

A. Intensibong Pagbasa D. Ekstensibong Pagbasa

B. Krashen E. Long at Richards
C. Brown F. Pagbasa

Page 9 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 02

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

_____ 1. Batay sa pag-aaral ni/nila _____, ang intensibong pagbasa ay detalyadong

pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang
guro kung paano ito susuriin.

_____ 2. Malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa

loob ng teksto.

_____ 3. Para kay/kina _____, ang ektensibong pagbasa ay malaya at boluntaryong

pagbasa na maaaring maging tulay tungo sa mas mataas na kakayahang
komunikatibo at akademiko sa wika.

_____ 4. Nakatuon sa pangkalahatang ideya ng teksto at hindi ang mga ispesipikong

detalye na nakapaloob dito.

_____ 5. Makuha ang pinaka-esensiya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng

pansin ang mga salitang malabo o hindi alam ang kahulugan.

_____ 6. Pagkuha sa mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at

maingat na paghahanap ng kahulugan.

A. Iskaning / Scanning
B. Iskiming / Skimming

_____ 7. Paghahanap ng numero o adres ng isang tao sa direktoryo, kahulugan ng salita

sa diksyunaryo, o pagtiyak ng iskedyul ng klase.

_____ 8. Ginagamit ito sa mga larangang teknikal at propesyonal.

_____ 9. Nangangailangan ng mabili-sang paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig

nang mambabasa

_____ 10. Bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang
tiyak na impormasyon.

Inihanda ni:
MARY TRISHA ALVA ABEDEJOS
Teacher I, PCWHS

Reference for Enhancement:

• Pacay, W. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tugo sa Pananaliksik. JFS
Publishing Services.
• Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex
Book Store.
• https://nitp.taipei/News_Content.aspx?n=28E7D5F71B22D821&sms=60760CE6FA214130&s=8825E5262D79
711D
• https://www.slideshare.net/leiramflores/tula-talumpati-maikling-kwento-pabula-sanaysay

Page 10 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Unang Linggo / Ikaltlong Araw

Paksa: MGA TEORYA SA PAGBASA

LAYUNIN: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa.
PANIMULA
“Ang pagbasa ay isang karaniwang gawain sa paaralan na humuhubog sa
pag – iisip ng mga mag – aaral.”

Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag

ang mga proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan
sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito. (Singer at Ruddell, 1985)

BOTTOM – UP
Tradisyunal na pananaw sa pagbasa na naimpluwensiyahan ng teoryang behaviourist, kung
saan ang utak ng tao ay isang tabula rasa (isang blangkong papel) na pupunan ng teksto.
Ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo (stimulus) upang
maibigay ang katumbas nitong tugon (response).
Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita,
parirala at pangungusap sa teksto bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto.
(Badayos, 2000)
Ang proseso nang pag-unawa ay nagsisimula sa teksto (bottom) patungo sa mambabasa
(up).
Ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap,
larawan, diagram o iba pang simbolo.
Ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap,

TOP – DOWN
Nabuo bilang reaksyon sa naunang teorya. Dahil napatunayan ng mga dalubhasa na ang
pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa patungo sa teksto.
Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa at hindi sa teksto.
(Smith, 1994)
Ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa na mayroon nang dating
kaalaman (prior knowledge) at karanasan.
Ang daloy ng impormasyon ay nagmumula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na
nangangahulugan na ang pag-unawa ay batay sa kahulugan ng teksto.
Impluwensiya ng sikolohiyang Gestalt, na naniniwalang ang pagbasa ay isang holistikong
proseso na kung saan ang mambabasa ay isang aktibong kalahok na may sanligang
kaalaman.
Ang mambabasa ay nagtataglay ng dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa
kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika.
Nakabubuo ang mambabasa ng palagay o hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang
inilahad ng awtor sa isang teksto.
Ang pagbasa ay isang saykolinggwistikong larong pahulaan (psycholiguistic guessing
game) na kung saan ang mambabasa ang nagsisilbing “taya” kung saan siya ay bumubuo
ng sariling hula o hinuha at haypotesis kaugnay ng tekstong binasa. (Goodman,1967)

Nakabubuo ang mambabasa ng palagay o hinuha na kanyang iuugnay sa mga

Page 11 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

INTERAKTIB
Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya.
Ayon sa mga proponent nito, higit na angkop ang kombinasyong top-down at bottom-up
na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensiyon. (McCormick, 1998)
Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan.
Nagaganap ang interaksyon awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.
Isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang
produkto.
Mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa
taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa.
Ang METAKOGNISYON ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan sa
pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. (Flavel, 1976)
Ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling
konsepto at kaisipan.

ISKEMA
Ang lahat ng ating nararanasan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging
dating kaalaman (prior knowledge) na nakakaimpluwensiya nang malaki sa pag-unawa
kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.
Iskemata (Schemata) ang tawag sa pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao.
(Anderson and Pearson, 1984)
Ang iskema ay nadaragdagan, nalilinang, nagbabago at napauunlad.
Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o palagay nang mambaba-
sa ay tama, wasto, kulang o may dapat baguhin.
Ang tekstong nabubuo sa isipan nang mambabasa ay ang sentrong iniikutan ng pang-
unawa at hindi ang teksto mismo.
Dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang nilalaman ng
kanyang isipan.

MGA GAWAIN

PANUTO: Sa pamamagitan ng paggamit ng iskema o dating

kaalaman (prior knowledge), sumulat ng isang talata na binubuo ng
5-10 pangungusap batay sa mga konsepto sa bawat bilang.
PAGTATAYA

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
SOCIAL
________________________________________________________
DISTANCING

COMMUNITY
QUARANTINE ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Page 12 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

5–4 3–2 1
Napakahusay ng pagsisimula, Mayroong kabuluhan ang
Maligoy ang pagsisimula, pagdadaloy
pagdadaloy at pagbubuod ng sinulat pagsisimula, pagdadaloy at
at pagbubuod ng sinulat na sanaysay
na sanaysay batay sa ibinigay na pagbubuod ng sinulat na sanaysay
batay sa ibinigay na paksa.
paksa. batay sa ibinigay na paksa.

PANUTO: Gamit ang teoryang Bottom-Up, basahin

at tukuyin ang mga mahahalagang punto na nais
iparating ng teksto / pahayag.
PAGTATAYA

https://web.facebook.com/tvplusgo/photos/mensahe-ni-abs-
cbn-president-at-ceo-carlo-katigbak-tungkol-sa-franchise-ng-
abs-c/913448539090263/?_rdc=1&_rdr

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG PASULAT NA GAWAIN

10 – 9 8–7 5
Napakahusay ng pagkakasuri sa Katamtamang husay ang pagkakasuri Kailangan pang pagbutihin ang
tekstong binasa. Kumpleto ang lahat sa tekstong binasa. May ilang pagsuri sa tekstong binasa. Kulang-
ng mahahalagang detalye mula sa mahahalagang detalye ang naibigay kulang ang mga mahahalagang
tekstong sinuri. sa pagsusuri. detalyeng isinulat.

Page 13 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGLALAHAT

MODIPIKADONG TAMA O MALI

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa bawat
bilang. Suriin ang bawat bilang batay sa mga pagpipilian sa loob ng kahon.
Letra na lamang ng iyong sagot ang ilagay sa patlang na inilaan. Kung mali
ang pangungusap, bilugan ang salita o mga salitang nagpamali sa pangungusap.
(2 puntos bawat bilang)

PAGPIPILIAN:
A - kung ang dalawang pangungusap ay parehong tama
B - kung ang unang pangungusap ay tama ngunit ang pangalawang
pangugusap ay mali
C - kung ang unang pangungusap ay mali ngunit ang pangalawang
pangungusap ay tama
D - kung ang dalawang pangungusap ay parehong mali

_____ 1. Sa teoryang bottom-up, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat
na simbolo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tugon (response).

Sa teoryang top-down, ang mga impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng

mambabasa at hindi sa teksto.

_____ 2. Ang teoryang interaktib ay nabuo dahil sa pagsang-ayon ng mga dalubhasa sa teoryang
top-down.
Ang iskema ay nadaragdagan, nalilinang, nagbabago ngunit hindi napauunlad.

_____ 3. Naimpluwensiyahan ng behaviorist ang tradisyunal na pananaw na top-down.

Batay sa teoryang interaktib, dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa

sapagkat ito ang nilalaman ng kanyang isipan.

_____ 4. Ayon kay Goodman, higit na angkop ang kombinasyong top-down at bottom-up na
nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensiyon.
Batay kay Badayos, ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong
pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap sa teksto bago pa man ang
pagpapakahulugan sa buong teksto.

_____ 5. Naimpluwensiya ng sikolohiyang Gestalt ang teoryang top-down.

Ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan sa

pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa.

Samu’t saring mga pag-aaral ang lumabasa hinggil sa mga teorya ng pagbasa. Ang apat na
mababanggit ang itinuturing na pinakapopular sa mga ito. Ang teoryang bottom-up na nakatuon ang
pag-unawa mula sa teksto patungo sa mambabasa. Ang teoryang top-down na nakapokus ang pag-
unawa mula sa mambabasa patungo sa teksto. Ang teoryang interaktib na kombinasyon ng teoryang
bottom-up at top-down. At ang teoryang iskema na nagbibigay daan sa dating kaalaman o prior
knowledge na nakatutulong nang malaki sa pag-unawa ng tekstong binabasa.

PAGTATAYA

PANUTO: Suriin ang larawan. Bigyan ng angkop na pamagat ang larawan. Batay sa
pamagat na isinulat, gumawa ng isang sanaysay na may tatlong talata na binubuo ng
3 – 5 pangungusap bawat talata.

Page 14 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 03

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

______________________________________

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG PAGSULAT NG SANAYSAY

5–4 3–2 1
Napakahusay ng ibinigay na Katamtamang husay ng ibinigay na Kailangan pang pagbutihin ang
pamagat. Napakamakabuluhan ng pamagat. Mayroong kabuluhan ang pagbuo ng pamagat. Maligoy ang
pagsisimula, pagdadaloy at pagsisimula, pagdadaloy at pagsisimula, pagdadaloy at
pagbubuod ng sinulat na sanaysay pagbubuod ng sinulat na sanaysay pagbubuod ng sinulat na sanaysay
batay sa larawan. batay sa larawan. batay sa larawan.

Inihanda ni:
MARY TRISHA ALVA ABEDEJOS
Teacher I, PCWHS

Reference for Enhancement:

• Dulatre, V.S. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tugo sa Pananaliksik. Books
Atbp. Publishing Corp.
• Gonzalvo, R. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tugo sa Pananaliksik. Unlimited
Books Library Services and Publishing, Inc.
• https://www.slideshare.net/rowelpiloton/mga-teorya-sa-pagbasa
• https://study-everything.blogspot.com/2014/06/ang-proseso-mga-teorya-at-kasanayan-sa.html
• https://www.scribd.com/doc/83630116/4-teorya-ng-pagbasa
• https://web.facebook.com/tvplusgo/photos/mensahe-ni-abs-cbn-president-at-ceo-carlo-katigbak-
tungkol-sa-franchise-ng-abs-c/913448539090263/?_rdc=1&_rdr

Page 15 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

DEPARTMENT OF EDUCATON
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang Semestral / Unang Markahan / Unang Linggo / Ika-apat na Araw

Paksa: ANTAS NG PAGBASA

LAYUNIN: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa.
PANIMULA

“Ang Pagbasa ay isang SUSI sa pagtuklas sa MAS malawak pang

KARUNUNGAN.”

Tinukoy ni Mortimer Adler at Charles Van Doren (1973) sa kanilang aklat na How to
Read a Book ang apat na antas ng pagbasa. Ito ay ang primaryang antas (elementary), mapagsiyasat
na antas (inspectional), analitikal na antas (analytical), at sintopikal na antas (syntopical) na bumubuo
ng isang hakbang-hakbang na proseso. Hindi maaaring umusad sa pinakamataas na antas (sintopikal)
hanggat hindi pinagdadaanan ang nauna o mas mababang antas.
• Ang salitang syntopical ay binuo ni Mortimer Adler mula sa salitang
syntopicon na inimbento niya mula sa aklat na A Syntopicon: An
Index to the GreatIdeas (1952), na nangangahulugang “koleksyon
ng mga paksa”.
• Tumutukoy sa uri ng pagsusuri na kinapapalooban ng
paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na kadalasang
magkakaugnay.
SINTOPIKAL

• Ginagamit ang mapanuring o kritikal na pag-iisip upang malalimang

maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng awtor.
• Bahagi ng antas na ito ang mga sumusunod:
➢ pagtatasa sa katumpakan
ANALITIKAL ➢ kaangkupan
➢ kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
• Malalim at mapanuri ngunit hindi ito nagtatapos sa layunin ng pagbasa.
1

• Nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay

ng mga hinuha o impresyon tungkol sa binasang teksto.
• Nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhan na rebyu sa isang
MAPAGSIYASAT teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ang
impormasyon.
• Maaaring gamitin ang skimming sa pamamagitan ng pagtingin sa titulo o
pamagat, heading, at subheading.
• Pinasasadahan ang nilalaman ng teksto upang malaman ang estruktura.

PRIMARYA • Pinakamababang antas at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa.

• Kinapapalooban ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon
gaya ng: petsa, setting, lugar, o mga tauhan.
• Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na impormasyon sa literal na antas at
hindi nakabubuo ng interpretasyon mula sa pagkakaugnay-ugnay nito.
• Hindi agad nauunawaan ang metapora, imahen at simbolismong ginamit.

Page 16 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

PAGKAKAIBA NG ANALITIKAL SA SINTOPIKAL NA ANTAS SA PAGBASA

Sa analitikal na pagbasa ng 5 aklat ay maaari ka nang maging eksperto sa isang tiyak na paksa.
Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo na ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula
sa paghahambing ng mga akdang inunawa.
Sa pagbasang sintopikal hindi lamang pag-unawa sa teksto ang nagaganap kundi ang pagbuo ng sariling
sistema ng kaalaman.
Ang mga aklat na binasa ay kasangkapan lamang upang maunawaan ang mga kaalaman.
Sa pamamagitan ng sistematikong paraan ng sintopikal na pagbasa, pinaghahalo ang mga impormasyon
mula sa aklat at ang mga sariling karanasan at kaalaman upang makabuo ng ugnayan at bagong
pananaw at kaalaman.

LIMANG HAKBANG TUNGO SA SINTOPIKAL NA PAGBASA

Kailangan mong tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa

isang paksang nais pag-aralan. Pagkatapos ay tukuyin kung ano ang
PAGSISIYASAT
mahahalagang bahagi na may kinalaman sa pokus ng pag-aaral.

Tinutukoy ang uri ng wika at mahahalagang terminong ginamit ng may-akda

ASIMILASYON
upang ipaliwanag ang kaisipan. Dito nagdedesisyon ang mambabasa kung
susuhay sa kahulugan ng termino o gagawa ng sariling kategorisasyon.

Tinutukoy ang mga katanungang nais sagutin na hindi pa nasasagot o MGA TANONG
malabong naipaliwanag ng may-akda.

Lumilitaw ang isyu kung kapaki-pakinabang at makabuluhan ang nabuong

tanong tungkol sa isang paksa. Kung maliwanag ang naging pagtalakay sa MGA ISYU
paksa, makapagbibigay ng sariling kongklusyon ang mambabasa.

Ang halaga ng pagkatuto ay nagmumula sa mayamang diskurso at diskusyon

sa pagitan ng eksperto, kabilang ang sarili. Sa hakbang na ito, nag-aambag ng KUMBERSASYON
bagong kaalaman ang mambabasa.

MGA GAWAIN

PANUTO: Matapos talakayin ang iba’t ibang antas ng

pagbasa, magbigay ng mga halimbawa sa bawat antas ng
pagbasa batay sa mga sariling karanasan sa pagbasa.
PAGTATAYA

Primarya :
1. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Mapagsiyasat :
3. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Analitikal :
5. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
6. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Page 17 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

7. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sintopikal :
8. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
9. ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
10. ___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG GAWAIN

Batayan ng Grado Puntos Grado

Maliwanag ang halimbawang ibinigay at nakatuon sa antas ng pagbasa. 1
Napakagulo at napakalabo ng halimbawang ibinigay. 0
Kabuuan: 10

PANUTO: Sumulat ng isang balita kaugnayan sa kasaluku-

yang nararanasan ng ating bansa. Tiyaking makabuluhan at
mapanghahawakan ang mga impormasyong nakalahad. Ang
PAGTATAYA balita ay nararapat na binubuo ng 5-10 pangungusap.
Siguraduhing lagyan ng sariling pamagat ang isinulat na balita.

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG PAGSULAT NG TUGON SA PANAYAM

10 – 9 8–7 5
Napakahusay ng pagkakabuo ng Katamtamang husay ang pagkakabuo Kailangan pang pagbutihin ang
balita at may natatanging ng balita at may malawak na pagkakabuo ng balita at maligoy ang
impormasyong naibahagi sa isinulat impormasyong naibahagi sa isinulat impormasyong naibahagi sa isinulat
na binubuo ng 10-9 pangungusap. na binubuo ng 8-6 pangungusap. na binubuo ng 5 pangungusap
lamang.

PAGLALAHAT

PANUTO: Tukuyin kung anong ANTAS ng pagbasa ang ipinapakita sa sumusunod

na sitwasyon. Isulat ang wastong titik ng tamang sagot sa patlang na inilaan.

Page 18 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

A. Primarya B. Mapagsiyasat C. Analitikal D. Sintopikal

_____ 1. Tinanong ng guro ni Alliyah kung tungkol saan ang seleksyon matapos niya itong
basahin.
_____ 2. Natuklasan ni Cedric sa kanyang pananaliksik na may isang mahalagang suliranin sa
paksa ang hindi pa gaanong napagtutuunan ng pag-aaral.
_____ 3. Inunawa niya ang pinabasa ng guro upang masagutan ang pagsusulit.

_____ 4. Galit ang naramdaman ni Arlene nang mabasa ang balita tungkol sa pagkakakulong ng
mga drayber ng jeep dahil sila ay nahuling namamalimos ng pera at pagkain sa kalsada.
_____ 5. Nakita ni Wilcor na Espanyol ang teksto kung kaya hindi na niya ipinagpatuloy ang
pagbabasa.

_____ 6. Inalam ni Hanna ang pangalan ng paborito niyang tauhan sa isang kuwentong nabasa.
_____ 7. Sumangguni si Nanay sa kanyang cookbook upang mas mapasarap ang kanyang lutuin.
_____ 8. Gumawa si Quinn ng anotasyon ng mga sanggunian bilang paghahanda sa gagawing
pananaliksik.

_____ 9. Iniugnay ni Nińo Mark ang naunawaan sa akda sa sarili niyang karanasan.

_____ 10. Sumulat si Cora sa editor ng diyaryo matapos mabas ang maling nilalaman nito.

Mahalagang matukoy kung nasa anong antas ng pagbasa ang ginagamit sapagkat sa
ganitong paraan malalaman kung mayroong pag-unlad na nagaganap habang tumataas ang
lebel ng binabasang teksto.
Sa antas primarya, tinutukoy ang mga ispesipikong impormasyon sa teksto gaya ng lugar,
petsa o mga tauhan. Habang sa antas mapagsiyasat naman ay nakapagbibigay ng mabilisan at
makabuluhang paunang rebyu upang matukoy kung kakailanganing basahin ito ng mas malalim.
analitikal na antas naman ng pagbasa kung ginagamit ang kritikal na pag-iisip upang malalimang
maunawaan ang kahulugan ng teksto maging ang layunin ng manunulat ng naturang teksto. At ang
huli, ang sintopikal na pagbasa naman ay ang komplikado at sistematikong paraan ng pagbasa na
humahamon sa kakayahan nang mambabasa.

PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at unawain ang Editoryal mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon
(May 14, 2020). Pagkatapos ay bumuo ng isang ANALITIKAL na pagsusuri buhat sa
binasang teksto. Ang pagsusuri ay kailangang mayroong 15-20 pangungusap.

MASAMANG HALIMBAWA
Maraming ipinagbawal mula nang ipatupad ang enhanced
community quarantine (ECQ) noong Marso16. Kabilang dito ang
pagtitipun-tipon ng mga tao. Bawal ang magkumpul-kumpol.
Huwag magdikit-dikit. Kailangan ay may physical distancing.
Mahigpit na ipinasusunod ang pagsusuot ng face mask. Kasa-
ma rin sa pinagbabawal ang pagdaraos ng mga party o
anumang kasayahan na maaaring magsama-sama ang mga
tao. Pati nga ang mga religious gatherings at activities ay
bawal din. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga
nakakalasing na inumin.

Page 19 of 20
Module Code: PASAY- FilPB11 - S2 - Q1- W1 - 04

Pangalan: _________________________________________________ Track/Strand: _______________

Pangalan ng Guro: _____________________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Ang mga ito ay mahigpit na ipinagbabawal para huwag magkahawahan. Ang physical distancing ay
mabisang paraan para mapigilan ang pagkalat ng virus na naisasalin sa pamamagitan ng droplets kapag umubo
o humatsing ang taong infec-ted. Kung walang mask, malalanghap ang virus at walang tigil sa pagkalat. Sa
kasalukuyan, umabot na sa mahigit 11,000 ang infected ng COVID-19 sa bansa. Halos araw-araw ay may
naitatalang kaso.
Kaya naman maski si President Duterte ay seryoso sa pagpapaalaala sa lahat na sumunod sa ipinag-
uutos para mapigilan ang virus. Ang Philippine National Police (PNP) ang inatasang magpatupad ng mga batas.
Mula nang ipatupad ang ECQ, naging mahigpit ang mga pulis. Ang mga nagtitipon sa kalye ay hinuhuli, ang mga
walang face mask, nag-iinuman at nagsusugal ay inaaresto. Dapat sumunod sa batas ang lahat.
Noong nakaraang linggo, nagdaos ng kaa-rawan si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief
General Debold Sinas. Marami siyang naging bisita. Nagkaroon ng kainan at inuman. Nagkuhanan ng picture at
nakita na hindi naipatupad ang social distancing sa pagtitipon. Maraming walang suot na face mask. At nalabag
ang liquor ban.
Masamang halimbawa ang nakita. Hindi na nakapagtataka kung kumalat pa ang virus sapagkat ang mga
nagpapatupad ng batas ay hindi pala sumusunod.

_______________________________________________________________________________

10 – 9 8–6 5
Napakahusay ng ibinigay na analitikal Katamtamang husay ng ibinigay na Kailangan pang pagbutihin ang pagbuo
na pagsusuri. Napaka-makabuluhan analitikal na pagsusuri. Mayroong ng analitikal na pagsusuri. Maligoy ang
ng pagsisimula, pagdadaloy at kabuluhan ang pagsisimula, pagsisimula, pagdadaloy at pagbubuod
pagbubuod ng sinulat na pagsusuri. pagdadaloy at pagbubuod ng sinulat ng sinulat na pagsusuri.
pagsusuri.

Inihanda ni:
MARY TRISHA ALVA ABEDEJOS
Teacher I, PCWHS

Reference for Enhancement:

• Dayag, A.M. (2017). Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tugo sa
Pananaliksik. Phoenix Publishing House.
• Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex Book
Store.
• https://www.slideshare.net/RochelleNato/antas-ng-pagbasa
• https://prezi.com/cj_zi3zo3fty/antas-ng-pagbasa/
• https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/05/14/2013805/editoryal-masamang-
halimbawa

Page 20 of 20

You might also like