You are on page 1of 51

Mga Teorya sa

Pagdadalumat
Ikalawang Modyul

DEAN B. LAPUZ
Associate Professor V
1. PAG-IIMBENTO,
PAGKATHA NG MGA
BAGONG SALITA /
KONSEPTO
Ang pagdadalumat na ito ay bunga ng
modernisasyon. Nakalilikha ng bagong
salita dahil sa hinihingi ng panahon
nang may maitumbas sa isang
katawagan. Ito ay nagaganap upang
maipaliwanag ang nais na ipabatid o
ibahagi, bumuo ng bagong salita, para
madali itong maiparating at maunawaan
Ang pag-iimbento at pagkatha ay
nagsisimula sa isang maliit na
pangkat, kapag ito ay tinanggap ng
mga mamamayan sa lipunang kanilang
ginagalawan, nadaragdagan ang
gumagamit nito hanggang sa ito ay
ginagamit na at yayakapin na ng
nakararami
Dalawang bagay ang kahihinatnan ng
teoryang ito, ang huminto sa pangkat ng
mga lumikha nito o patuloy na umunlad,
hanggang sa lumawak na ang gumagamit
nito. Maaaring gamitin na pamantayang ito
ang balanang pananaw.
2. Pilipinohiya
ni Covar
- binubuo ng dalawang salita: Pilipino at lohiya
(logos), na ang ibig sabihin ay pag-aaral.
Samakatuwid, ito ay isang masistematikong pag-
aaral: una, Pilipinong kasipian at, ikalawa,
Pilipinong kultura at Pilipinong lipunan. Ang
layunin nito ay palabasin ang pagka-Pilipino ng
bawat larangan na meron ang kultura ng
Pilipinas.
Ang kaisipan, kultura, at
lipunan ay nag-ugat sa
mga karanasan ng mga
katutubong Filipino – ito
ang mga basihan ng
homonisasyon o
pagkatao.
Maaaring ang mga ito ay hawig
sa iba pang lahi, ngunit ang
Pilipino, bilang isang pang-uri
ng iba’t ibang sangkap ay may
sariling hekusyon, estetika, at
kaayusan – ang mga ito ang
naging pananda ng pagiging
makabansa at isang lahi.
Ang relihiyon, wika, at
sambahayan ay ilan lamang
sa halimbawa ng bawat
larangan na meron ang mga
Pilipino.
Ang mga Kastila at
Amerikano ay may ambag sa
akademikong disiplina sa
Pilipinas. Ito ang dahilan
kung bakit mayroong
maayos at magandang
edukasyon sa bansa.
Subalit, kabalikat nito,
naging isip-kolonyal ang
mga Filipino kung saan ang
takbo ng pag-iisip ng bawat
isa ay mala-kanluranin
samantalang taga-silangan
sila.
Pinalaganap nila ang
unibersalismo kung saan
ang ethnic, parochial, at
provincial ng bansa ay unti-
unti nang nawawala o
napapalitan
Subalit, kailangan din ng
Pilipinolohiya ang akademikong
disiplina upang mapalaya ang
Pilipinong kaisipan, kultura, at
lipunan at hindi ang kabaliktaran
nito.
Nag-ugat ang mga pananaw ng mga
Pilipino sa mga katutubong kamulatan at
kamalayan upang mabuo ang
makabansang kabihasnan at hindi lamang
upang pag-aralan ang mga nangyari sa
mga Pilipino at Pilipinas.
3. Pantayong
Pananaw ni
Zeus Salazar
- isang konsepto at hinuha ng
historyador na si Dr. Zeus A. Salazar
na nag-aadhika ng isang nagsasariling
diskurso ng mga Pilipino sa wikang
pambansa para sa kasaysayan at
agham panlipunan.
Napapaloob ang kabuuan ng
pantayong pananaw sa pagkaugnay-
ugnay ng mga katangian, halagahin,
kaalaman, karunungan, hangarin,
kaugalian, pag-aasal at karanasan ng
isang kabuuang pangkalinangan—
kabuuang nababalot sa, at
ipinapahayag sa pamamagitan ng
isang wika.
Dagdag pa ni Salazar, magkakaroon
lamang ng pantayong pananaw kapag
gumagamit ang lipunan at kalinangan ng
Pilipinas ng mga konsepto at ugali na
alam ng lahat ang kahulugan na
magiging talastasang bayan.
Tungkol naman sa wikang
Filipino at kaugnayan nito sa
kasaysayan, pahayag ni Salazar
na hindi ito payak na
tagapagpahiwatig,
tagapagpahayag at tagapag-
ugnay ng kasaysayan.
Mabisa rin daw ito bilang
imbakan o pinagkukunan
ng kasaysayan dahil dito
umaagos ang kalinangan
at karanasan
Sa pamamagitan daw ng wikang
pambansa, nagkaroon ang pag-
iintindi sa kasaysayan bilang
isang bukas at lantad sa
pamamagitan ng pagbibigay
kahulugan, kabuluhan,
katuturan.
Maaaring tingnan ang wikang
Filipino bilang isang
kapangyarihan ng nagpapalaya
sa bayan at pagiging Pilipino
ng kasaysayan.
4. Sarilaysay
ni
Rosario Torres Yu
Hango ang teoryang ito sa
dalawang salita, sarili +
salaysay. Mula sa mga
salitang nabanggit, ito ay
ang sariling paraan o estilo
ng manunulat na
magsalaysay.
Ang pinakalayunin nito ay
mahikayat, mapukaw ang
guni-guni, maganyak,
bigyang-pansin at pag-
aralan ng babasa ang
kaniyang isinulat.
Gumagamit ng mga orihinal na
estratehiya ang mga umaakda ng
SARILAYSAY dahil tinitiyak nilang ang
mga sinusulat nila ay nararapat
pagtuunan ng pagsusuri at kritikal na
pag-iisip dahil ito ay pagbubukalan ng
bagong kaalaman na maaaring
magamit sa iba’t ibang pagkakataon o
disiplina.
Halimbawa nito ay ang Sarilaysay: Tinig ng
20 Babae sa Sariling Danas Bilang
Manunulat. Isinalaysay ng mga manunulat
na ito na nabibilang sa tatlong henerasyon
ang mga kondisyong humubog sa kanilang
pagkamanunulat at pagka-babae. Sa tinig
na nagbubukas-loob ay inihahayag nila ang
kanilang pag-unawa sa mga kondisyon,
karanasan at kaisipang humubog sa
kanilang pagkilala sa sarili.
5. Pagsasalin at
Pagdadagdag ng
Kahulugan
Ang kaalamang taglay
natin ngayon ay ipinasa
(isinalin) ng ating mga
ninuno na nagpalipat-lipat
sa iba’t ibang
henerasyon.
Ang mga kaalamang ito ay
maaaring nabawasan o
nadagdagan dahil hindi tayo
nakatitiyak na sadyang eksakto
ang pagtanggap ng mga
impormasyon ng mga
sinusundang salinlahi.
Walang makapagsasabi na ang
mga detalyeng tinanggap nila
ay kumpleto o maaaring may
nawawalang bahagi at possible
rin na noong ipinasa nila ito ay
may bawas o dagdag na.
Maraming mga salik ang
maituturing sa pagdadagdag ng
kahulugan, isa rito ay maaaring
pinayaman na o kaya’y
iniangkop sa panahon nang ito
ay ipasa nila sa sumunod na
lahi.
May kulang man o lumabis, ang
mga ito ay malaking ambag pa rin
sa pagdadalumat-salita dahil
lumalawak ang katawagan o
konseptong pinag-aaralan.
 

6. Pag-aangkop /
Rekonstektwalisasyon
Pagpili ng salita na naayon sa mga
kasamang salita sa parirala, sugnay,
pangungusap o kaya’y talata dahil hindi
lahat ng salita ay magkakaugnay, may
mga salitang sadyang “magkabagay” at
mayroon ding “hindi magkasundo”. Ang
mga ito ay isinasa-alang-alang kapag
gumagawa ng komposisyon,
samantalang ang
Rekonstektwalisasyon ay ang muling
pagbigay pagtingin sa kahulugan o
konsepto ng isang akda. Magkaugnay
ang mga ito dahil kapag binalikang
sinuri (rekonstektwalisasyon) makikita
ang pagkakaugnay (pag-aangkop) ng
mga salita
Kapag nagbago ang
mensaheng nais iparating, piliin
o gamitin ang salitang nararapat
upang mapanatili ang kaisipang
nais iwanan sa mga mambabasa.
7. Kasaysayan
bilang Salaysay na
may Saysay
Ayon kay Zeus, bagama’t magkatumbas, hindi
magkasingkahulugan ang dalawang salitang ito.
Kung ang “History” ay “written record,” ang
salitang ugat naman ng “Kasaysayan” ay
“saysay” na dalawa ang kahulugan: (1) isang
salaysay o kwento, at (2) kahulugan, katuturan,
kabuluhan at kahalagahan. Samakatuwid, ang
“Kasaysayan” ay “mga salaysay na may
saysay.”
Ngunit, kailangang tanungin ang pulitikal na
tanong: Kung ito ay may saysay, may saysay para
kanino? Siyempre para sa sinasalaysayang grupo.
Sa maikling salita, para sa tao.
Kaya naman, sa matagal na panahon sa
Unibersidad ng Pilipinas, ito ang itinuring na
depinisyon sa “Kasaysayan” ng maraming guro,
“Mga salaysay na may saysay para sa
sinasalaysayang grupo ng tao.”
Sa ganitong pakahulugan, mga kuwentong may
kuwenta para isang bayan, hindi na nalilimita sa mga
opisyal na dokumento ng makapangyarihan lamang. Ang
mga pasalitang tradisyon na tulad ng mga epiko, alamat,
mito, kwentong bayan at maging ang mga kanta at jokes,
bagama’t kathang isip ay maaaring maging batis ng
kaisipan at paniniwala ng mga tao na hindi nagsisulat ng
mga dokumento, lalo na ang mga lolo at lolang ninuno
natin.
Subalit, hindi basta-basta itinatapon ang kanluraning tradisyon ng
“History” na may establisado nang metodo sa pagkritika ng mga
batis upang malaman ang katotohanan ng nakaraan sa isang
dokumento o kuwento. Ang tawag dito ay positibista—ang
pagsasalysay batay sa ebidensya. Kung paano makukuha ang saysay
at kaisipan ng tao kahit na sa isang kuwentong kumalat na kathang
isip lamang at hindi naman nangyari. Sa pagkakasali ng depinisyong
Pilipino ng “Kasaysayan” at ang metodolohiyang positibista ng
“History” nabuo ni Zeus ang konseptong “Bagong Kasaysayan.”
Sa madaling salita, hindi lahat ng nasa
nakaraan ay kailangang igiit, kundi iyon
lamang “may saysay” sa bayan.
Magagamit ng bayan upang maintindihan
ang kanyang sitwasyon at sarili. Na
magpapakita ng kaisipan at mga ugali ng
bayan.
 

8. Sangandiwa
Di nga ba’t walang bisa ang wika kung hindi nito
binibigyang buhay ang diskurso’t kultura ng bansa?
Sinasabing hindi pa sapat ang corpus ng wikang Filipino
upang pasiglahin ang intelektuwalismo sa bansa. Maski
nga mga intelektuwal, sila mismo ang nagsasabing
walang ganap na kapangyarihan ang wikang Filipino
para dalumatin ang kaganapan at kaisipang “makabago”
at “napapanahon.”
Sangandiwa ang diwa ng kaibahan at paghiwalay sa
bitag ng Eurosentrisismo na sumasanga-sanga
palayo nang palayo sa “imperyalismo” ng mga
“ismo.” “Ang sangandiwa ang kaisahan ng
pagkakaiba. Kabuuan ito ng maramihang
pakikisangkot. Kinikilala nito ang kaisahan at
kasarinlan bago magsanga-sanga. May talastasan
na tayong Filipino dahil nagkamalay na tayo sa
sitwasyon ng sarili at bansa” (Nuncio at Morales-
Nuncio 2004).
Maramihang diwa, maraming bibig at dila, isang
damukal na satsat, ‘sang katerbang problema,
samutsaring opinyon, walang katapusang
talastasan. Ang anyo’t nilalaman ng kaalamang
Filipino’y nabubuo sa paglinang ng diskursong
panloob at panlabas na may lalim at lawak.
Samakatuwid, sangandiwa ang labas, loob, lalim
at lawak ng lahat. Sa ganitong bisyon,
magsasanga-sanga ang diwa ng sarili at bansa.
Saan kaya ito paroroon?
Sanggunian
https://www.scribd.com/presentation/433477088/Dalumat
https://www.coursehero.com/file/37115153/Saysay-ng-sari
ling-kasaysayan-Ang-Ambag-ni-Zeus-Salazar-sa-Bayan-Balita
mbayanpdf/
https://quizlet.com/241240714/filipino-flash-cards/
https://www.coursehero.com/file/54989772/INTRODUKSY
ON-SA-PAGDALUMAT-SA-WIKANG-FILIPINOdocx/
“Tayo ay may pagkakakilanlan,
May sariling tatak at kulturang
nakagisnan,
Hindi tayo alipin ng sinomang bayan,
Malaya tayo, pagiging Pilipino ay
paninindigan!”
Lapuz, 2020
Pasasalamat ay
tanggapin,
Inyong pakikinig ay
napakahalaga sa akin…

You might also like