You are on page 1of 5

Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino

ni: G. Zeus A. Salazar


[Balangkas ng Pag-uulat na inihanda ni Juris Justin M. Tovera]

I. Pagkilala sa May-Akda: Si Zeus A. Salazar

 Isinilang noong ika-29 ng Abril, 1934 sa Tiwi, Albay


 Isang tinitingalang historiador, teoriko, at antropologo
 Nakapagtapos ng AB Kasaysayan sa UP Diliman at nakakuha ng titulong doktoral sa
larang na Etnolohiya sa Antropolohiyang Pangkultura mula sa Sorbonne Universite de
Paris
 Nagsilbi bilang isang propesor ng kasaysayan, at nanungkulan bilang tagapangulo ng
Kagawaran ng Kasaysayan (1987-1989) at dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at
Pilosopiya (1989-1992), sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

II. Tesis na Pangungusap


“Ang wika ay hindi lamang daluyan, kundi higit pa rito, tagapagpahayag, at impukan-
kuhanan ng alinmang kultura”

III. Mga Pangunahing Ideya


A.] Pagpapakahulugan:
Wika- daluyan, tagapagpahayag, at imbakan-hanguan ng kultura
- nagsisilbing saligan at kaluluwa ng kultura (tagabuo, tagahubog, tagapagbigay-
diwa

Kultura - kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan na nagtatakda ng


identidad ng isang kalipunan ng tao

B.] Analisis: Wika at Kultura


B.1.) Wika bilang Pahayag-Pahiwatig ng Kultura
 nagpapakita ng pagkakakilanlan, kakanyahan at kaibahan ng isang pangkat ng tao
 sumasaklaw sa konsepto ng bayan (ethnos/volk) at bansa

 Bayan o Pamayanan (Ethnos/Volk) – isang umiiral na pagkakultura; binubuo ng


kultura at wika

 Bansa – nabubuklod na pagkakultura dahil sa isang pagsulong sa kasaysayan na


naging sanhi ng pagkabuo ng isang estado
 nagagamit sa pagpapalaganap ng kultura
B.2.) Wika bilang Impukan-Hanguan ng Kultura
 nagsisilbing sisidlan ng pag-uugali, kaisipan, at damdamin ng isang pangkat ng tao

 sumasalamin sa kasaysayan at kaalaman ng isang pangkat ng tao, o di naman kaya’y sa mga


pinagdaanan (ng) at impluwensya sa isang kultura

B.3.) Wika bilang Daluyan ng Kultura


 nagbibigay-daan upang matutunan ng isang tao ang isang partikular na kultura, mapa-sarili
man o mapa-banyaga
 kaso ng mga dayuhan
 inuunang aralin ang wika kaalinsabay ng mga kagawiang nakadikit dito
 sinesegundahan ng pakikisalamuha, pakikiugali, at pagpapapaloob sa kultura
 kaso ng mga sanggol
 ang wika ay humuhubog ng isip, kagawian, damdamin, at karanasan
 mga implikasyon:
 ang isang tao’y maaaring matuto ng maraming wika’t mapasama sa iba’t ibang
kultura

 ang pagkaalam ng isang wika’y nangangahuluhan ng pagiging miyembro ng kultura


nito, at ang implikasyong ito ay maaring magbunga ng problema sa partisipasyon

 kung maaangkin ng isang kultura ang isang tao (o pangkat), hindi ito maaaring
mangyari sa loob ng isang buong kultura liban kung ito’y patay o nilulusaw ng
nakalalaking sibilisasyon
 nagagamit sa pagpapayaman, pagpapaunlad, at pagpapalawak ng kultura
 partisipasyon ng mga unilingguwal:
 paggamit ng orihinal na wika at kaisipan
 pagpapayabong ng pundamental na kaalaman
 partisipasyon ng mga bilingguwal o polyglot:

 tagapagpasok ng mga elementong kultural mula sa banyaga at mga kamag-


anak na kultura na tumutungo sa pangkalahatang ethos
C.] Paglalapat: Wika at Kulturang Pilipino
C.1.) Pilipinas bilang isang Pamayanang Pambansa
 Ang Pilipinas ay tumutungo pa lamang sa isang pagkakultura-at-wika at kasalukuyang nasa
yugtong pamayanang pambansa

 dating binubuo ng mga magkakahawig ngunit magkakahiwalay na ethnos na


nabuklod sa pananakop ng mga Kastila

 pagkakaroon ng isang kabuuang pulitikal at interaksiyon sa pagitan ng mga


katutubong kultura
 pagkakaroon ng tagpuang katutubo at Kastila = pag-usbong ng Tagalog
 pagkakaroon ng polarisasyon: Katutubong Kultura vs. Kastila
 nahadlangan ng integrasyon ng Kulturang Amerikano-Pilipino

 pagpasok ng isang panibagong elemento sa problemang kultural ng dating


umuusbong na estadong Pilipinas
 mga senyales ng pagtungo ng Pilipinas sa pagiging isang pagkakultura-at-wika

 pagyabong ng Wikang Filipino na sumasalamin sa kaugnayang Malayo-


Polinesyo ng mga sinaunang Pilipino

 kasalukuyang paggamit ng mga mamamayan sa Wikang Filipino sa lahat ng


larangan ng buhay na walang kinalaman sa epekto ng edukasyong Ingles

 pagkakaroon ng isang wikang pambansa na nagsisilbing tagapahiwatig,


tagasaklaw, at tagapamukadkad ng kaisipang Pilipino bilang isang kabuuang
kultural at isang bansa.

C.2.) Wikang Filipino bilang Impukan-Kuhanan ng Kabuuang Kultural


 sandigan ng pagpapahayag ng pagkakultura-at-wikang Pilipino
 dalawang aspeto:
 pagtitipon ng kulturang Pilipino sa paraang idinulot ng Kasaysayang Pilipino

 ang naipong puhunang kultural ng Pilipino ay lalago sa pamamagitan ng


pamamalagi nito at ng kanyang mga kalakip na kilos at gawa, at ang
pakikilahok nito sa daigdig ng mga kultural na kabuuan
 umangkin ng iba at kailanma’y huwag magpaangkin sa iba
 mapanlikhang pagpapalago sa puhunang kultural ng sariling lipunan
 lumikha ng mga kathang sumasalamin sa Kulturang Pilipino gamit ang
Wikang Pilipino
 mga elementong etniko na naiuugnay sa nabubuong kaisahang kultural sa Pilipinas
 ang buong pangkasaysayang karanasan ng mga Pilipino
 kakanyahang etniko ng bawat isang pangkat
 partikular na karanasan ng bawat ethnos sa paglaon ng kasaysayan

C.3.) Wikang Filipino: Susi sa Kabuuang Kultural


 ang interiorisasyon ng pagiging isang kabuuang kultural ng Pilipinas ay maisasagawa
lamang sa pamamagitan ng Wikang Filipino

 ang paggamit ng Wikang Ingles sa isyu ng pagpapasakultura ay maaaring


makapagbigay-daan upang mapasa-ibang kultura ang mga Pilipino
 ang malakas na sosyo-ekonomikal na estado at papel ng mga Amerikano

 ang kaisipan na ang gawa ng lahat ng Pilipino, kahit isinulat sa ibang wika,
ay bahagi ng Kulturang Pilipino
 naiiwasan buhat ng:

 malakas na hangarin ng lipunang Pilipino na maging isang kabuuang


kultural
 paggamit ng Wikang Filipino bilang pangunahing wika sa bansa

IV. Konklusyon at Rekomendasyon


“Ang wika ay hindi lamang daluyan, kundi tagapagpahiwatig at imbakan-kuhanan ng
kultura bilang kabuuan ng isip, damdamin, ugali, at karanasan ng isang grupo ng tao. Ito’y
katotohanang mapatutunayan sa pamamagitan ng mga halimbawa sa buong daigdig.”
 Sa isyu ng pagiging isang kabuuang kultural ng Pilipinas;
 huwag itakwil ang sariling wika sa pagpapaunlad ng sariling kultura

 hindi sapat ang malaman ang tungkol sa sariling kultura; kailangan din itong linangin
at ipagpasaloob (i-internalize)
 umangkin ng iba at kailanma’y huwag magpaangkin sa iba

V. Mga Komento, Reaksyon, at Puna


 Ang paggamit ng mga katagang “Wikang Pilipino” ay nangangahulugang matagal na itong
inilathala. Sa ngayon, nakamit na ba ng Pilipinas ang pagiging isang kabuuang kultural?
 May mangilan-ngilang ideya na nauulit lang din sa ibang bahagi ng papel; nangangahulugan
na maaari pa itong ire-organisa sa ibang paraan upang maging magkakaugma’t nagkakaisa
ang mga nilalaman nito

 Hal: Ang katagang “Alam ng sinumang…….nang hindi nya naaangkin ang wika
nito” [ika-11 na parapo, Kabanata I ng Wika at Kultura] ay maaaring mailagay na
lamang sa “Wika ang natatanging paraan upang……….hindi taal sa kanya” [unang
parapo, Kabanata III ng “Wika at Kultura”]

 Ang teksto ay hindi nakalaan para sa pangkalahatang masa. Ang mga halimbawang ginamit
sa analisis sa bahaging “Wika at Kultura”, bagamat nakatutulong sa proseso ng triangulation,
ay mahirap (o hindi kayang) unawain ng isang taong walang karanasan sa pag-aaral ng
historia ng mga bansang ginamit.

 Mas naging mainam sana kung isinama rin sa mga halimbawa ang mga bahagi ng
Kulturang Pilipino
 Hal: Wika bilang Impukan-Hanguan = “Bahala na!”, “Silya”, “Jeepney”

 Ang hindi pagkakaunawa sa mga halimbawa na may kinalaman sa kulturang banyaga


ay nagpapatunay na ang pinakamainam na makapagpapaliwanag sa isang kultura ay
ang wikang sandigan nito.

You might also like