You are on page 1of 11

FIL 166

KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG-AARAL NG WIKA

(MTH 1:30-2:30)

PAPEL NG WIKA SA GLOBALISASYON

WRITTEN REPORT

Ipinasa kay PROP. LOVE I. BATOON

Departamento ng Filipino

Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades

Mindanao State University

Fatima, Lungsod Heneral Santos

Jenneal A. Dayaganon

2021
Papel ng Wika sa Globalisasyon

Intoduksyon

Sa mundong globalized o globalisado na ano nga ba ang papel ng Wika? Higit


na’t par sa mga nakakarami ang wika ng Globalisasyon ay Ingles at hindi magagamit
ang wikang Filipino sa pandaigdigan na talastasan. Kaya tanong ni Tullao (2014) may
papel ba ang wikang Filipino sa harap ng laganap na globalisasyon na naglalayong
pag-isahin ang iba’t ibang aspekto ng buhay sa buong mundo tungo sa isang bilihan, sa
isang pamantayan, sa isang wika? May malakas na sigaw tayong naririnig na
kinakailangang paunlarin ang ating kaalamn sa wikang Ingles dahil ito ang wika ng
komersyo, wika ng siyensya, wika ng makabagong teknolohiya; samakatuwid, ang wika
ng globalisasyon. Ang ganitong pananaw ay naniniwala na ang kaalaman sa wikang
Ingles ng ating mga manggagawa ay isa sa mga pangunahing batayan ng ating
pagiging kompetibo. Ang kaalaman sa wikang Ingles ang dahilan ng ating
komparatibong kalamangan sa kalakalang internsyonal. Sa kabilang banda, ang
sanaysanay ni Terero Tullao ay naghahamon sa pagtatanghal at pagpapaunlad ng
wikang Filipino bilang wika sa globalisasyon para sa mga nakararaming Filipino. Kahit
na ang proseso ng globalisasyon ay nagsasanib, ang kakayahan niyang maghati ay
nagbabantang mahiwalay ang maraming Filipino sa mga biyaya ng globalisasyon.
Upang mangibabaw ang epekto ng pagsasanib kaysa epekto ng paghahati, higit na
episyente na maging susi ang wikang Filipino bilang wika sa globalisasyon. Ang layunin
ay maisama ang dumaraming mamamayang Filipino na mas nakauunawa sa wikang
Filipino sa mga biyaya ng globalisasyon.

Globalisasyon

Ayon kay Balendres (2017), ang globalisasyon ay isang phenomenon na


nagsimula nang matagal na panahon subalit nagiging mahalaga ito sa mga huling
dalawang siglo. Sa maikling salita, ang globalisasyon ay ang pagtutulungan ng mga
bansa sa buong mundo upang malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa
bawat bansa.
Ayon kay Mabaquiao, (2008), Iba’t iba ang mga pamamaraan ng pag-unawa sa
globalisasyon; at, kalimitan, ang mga depinisyong ibinibigay dito ay binibigyang diin ang
isang katangian lamang o posibleng kahihinatnan nito. May mga depinisyon na
tumitingin sa globalisasyon bilang isang proseso ng paglawak ng pagkakaugnay-ugnay
ng mga bansa o untiunting paglaho ng mga pagkakaiba ng mga kultura. May mga
depinisyon ding maituturing na kagyat na kritisismo sa proseso ng globalisasyon o sa
pamamaraan ng kaganapan nito, gaya ng mga depinisyong nagpapalagay sa salitang
globalisasyon bilang isang pinagandang salita lamang para sa ―pandaigdigang
paglaganap ng di makataong sistema ng kapitalismo‖ o ―sa di makatarungang
pagpapalawak ng kapangyarihan ng Estados Unidos sa buong mundo‖—wika nga ni
Kissinger, ―globalization is only another word for US domination‖ (sinipi ni Samir 2003)

Upang ipakilala kung ano ang globalisasyon, ang kailangan muna natin ay isang
komprehensibo at nyutral na depenisyon, na sa aking palagay ay natutugunan ng
sumusunod na depenisyon ni David Held (2004). Ayon kay Held, may dalawang bagay
na kailangang isaalang-alang sa pag-unawa sa globalisasyon.

A. Ito ay isang prosesong kinapapalooban ng maraming dimensyon at kinasasangkutan


ng iba’t ibang aspekto ng ating mga relasyong panlipunan na mahahati sa tatlong
pangkalahatang kategorya: ang kultural, ekonomikal, at pulitikal.

B. May apat na natatanging katangian ang prosesong ito.

1. Paglawak ng ating mga panlipunang relasyon (stretched social relations)

2. Pagtindi ng daloy at mga sistema ng komunikasyon at ng pagkakaugnayugnay


( intensification of flows and networks of interaction and interconnectedness)

- Makikita natin ito sa pagsulong ng teknolohiya ng Internet, cell phones, at cable TV.

3. Paglawak ng pakikisalamuha (ang tinatawag niyang ―increasing interpenetration‖).

- Ito ay lohikal na bunga ng dalawang naunang katangian. Sa paglawak ng ating mga


panlipunang relasyon, lumalawak din ang pakikisalamuha ng iba’t ibang kultura sa isa’t
isa, at ito ay nangyayari dahil sa pagtindi ng daloy at mga sistema ng komunikasyon at
ng pagkakaugnay-ugnay—ang dating magkakalayong kultura at lipunan ngayo’y
malapit na sa isa’t isa

4. Pag-iral ng mga pandaigdigang institusyon

- ‖ tulad ng United Nations (UN), World Bank (WB), International Monetary Fund (IMF),
at World Trade Organization (WTO), na nangangasiwa sa iba’t ibang sistemang
pandaigdigan. Sa pangkalahatan, ang UN ang nangangasiwa sa mga pandaigdigang
pangyayaring pulitikal, samantala ang WB, IMF, at WTO naman sa pandaigdigang
kalakalan.

Ayon pa kay Held, ang debate ukol sa globalisasyon ay pinangungunahan ng tatlong


magkakatunggaling posisyon: ang tinatawag niyang globalists, inter-nationalists o
traditionalists, at transformationalists.

Sa kabuuan, dalawang punto ang pinagtatalunan ng mga posisyong ito:

(a) ang tanong tungkol sa kaganapan ng globalisasyon at

(b) ang tanong tungkol sa kung may magagawa pa tayo sa mga posibleng kahihinatnan
ng globalisasyon

1. Globalist – Ayon dito ang globalisasyon ay isang katotohanan na ang mga


kahihinatnan ay sadyang di maiiwasan. Ang globalists ay nahahati sa dalawang grupo:
a. positibong globalists (o ang optimistic globalists) - Para sa kanila sa kahulihan,
mas matimbang ang mga benepisyo o mga magagandang kahihinatnan ng
globalisasyon

b. negatibong globalists (o ang pessimistic globalists) – naniniwala na sa kahulihan


mas matimbang ang mga di magagandang kahihinatnan ng globalisasyon.

2 .Inter-nationalist - ang globalisasyon ay hindi isang katotohanan. Bagamat mayroon


ngang nangyayaring pagtindi ng mga gawaing panlipunan sa pandaigdigan o
internasyonal na antas sa kasalukuyan, wala naman talagang nagaganap na mga
kakaibang pagbabago na kalimitang inuugnay sa proseso ng globalisasyon. At ito ay
dahil ang mga bansa naman ay patuloy na nagtatayo ng mga institusyon o
nagtataguyod ng mga pamamaraan upang kaharapin ang mga pandaidigang
pangyayaring ito.

3. Transformationalist - Tulad ng globalists at di tulad ng internationalists, ang


transformationalists ay naniniwalang may nagaganap na globalisasyon. . Subalit, tulad
ng inter-nationalists hindi sila naniniwala na sadyang hindi maiiwasan ang mga
kahihinatnan ng proseso ng globalisasyon.

Konsepto ng Globalisasyon

1. Privatization

- Tumutukoy ito sa pagsasapribado ng mga negosyo at dinihikayat rin nito ang konsepto
ng globalisasyon na isapribado ang mga negosyo na hawak at pagmamay-ari ng
gobyerno.

2. Deregulasyon
- Kailangang maging malaya sa paggalaw ang mga bahay-kalakal sa paggawa at
pamamahagi ng mga pangkaraniwang kalakal o produkto tulad ng tubig, langis, at
kuryente. Ito ay batay sa konsepto ng laissez- faire o let-alone policy ni Adam. Kung
saan kailangan pabayaan ng pamahalaan ang mga sambahayan at pakikipag-ugnayan
sa isa’t isa upang maging matatag ang ekonomiya.

3. Liberalisasyon

- Ayo dito ang mga patakaran o polisiya hinggil sa pag-aangkat ng mga produkto ay
kailangang maamyendahan o baguhin upang maging malaya ang kalakalan sa bansa.
Halimbawa nito ay ang batas taripa at quota.

Hamon ng Globalisasyon at kung paano papanatiliin ang pagkakakilanlan nating


mga Pilipino.

Ayon kay Mabaquiao (2008), Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa


larangan ng ekonomiya para sa iba’t ibang lipunan o bayan ay kung paano mapapanatili
at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilang pambansang identidad sa harap ng mga
pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon. Ang isang pangunahing
pangamba ay may kinalaman sa pambansang identidad. Ang ating kultura ay
maituturing na pinakakongkretong palatandaan ng ating pambansang identidad, kung
kaya gumagawa tayo ng mga paraan upang mapanatili ang integridad nito.

Sa partikular, pinangangambahan na baka maging bahagi na lamang ang ating


kultura ng isang pandaigdigang kultura na maaaring umusbong sa proseso ng
globalisasyon o kaya naman ng mga kultura ng mga makapangyarihang bansa na
siyang mga dominanteng manlalaro sa proseso ng globalisasyon. Kaugnay nito,
pinangangambahan din na baka ang globalisasyon ay isa lamang instrument ng
pananakop ng mga makapangyarihang bansa sa mga di makapangyarihang bansa, sa
pamamaraang di lantad o kaya ay nakalilinlang. Una, dahil ang posibleng pananakop sa
pamamagitan ng globalisasyon ay hindi direktang nagaganap sa pamamagitan ng
pulitika—na siyang pamamaraan ng mga mananakop noong nakaraan—kundi sa
pamamagitan ng ekonomiya. Ikalawa, dahil hindi natin namamalayan ang posibleng
pananakop na ito dahil sa mga kaginhawaang ipinararanas sa atin ng globalisasyon. At
ikatlo, dahil may kaisipan na nagsusulong na ang globalisasyon ang siyang susi sa
paglutas ng ating mga problemang lokal.

Ang isang katotohanang kailangan nating tanggapin sa kasalukuyan ay hindi na


tayo maaaring kumawala sa proseso ng globalisasyon. Gayunpaman, hindi ito
nangangahulugan na wala na tayong magagawa sa mga posibleng kahihinatnan ng
globalisasyon, lalo na sa larangan ng ating kultura at wika. Sa katunayan, maaari pa
nga nating gamitin ang globalisasyon mismo para pagyamanin ang ating kultura at
lalong itaguyod ng ating pambansang identidad. Ang isang pamamaraan tungo sa
ganitong layunin, na siyang sisiyasatin sa papel na ito, ay may kinalaman sa konsepto
ng Kamalayang Pilipino. Ito ay ang maituturing na mga paunang hakbang na sa
palagay ni Mabaquiao (2008) ay nasa tamang direksyon tungo sa tunay na pag-unlad
ng ating bansa.

Ayon naman kay Flores (2018), na sa green politics sinasabi nito na ang
linguistic at cultural diversity ay ang magpapayaman sa kaalaman at karunungan ng
bawat mamamayan ng mundo. Binibigyan din nito ng diin na ang mundo ay
multilinggwal at multikultural at ang pag-aaral ng kultura ay sa tulong wika kaya taglay
ng wika ang kultura. Binanggit din niya ang Mother Tongue Rights na noong
dalawangpo’t walong taon, itinanghal ito na Mother tongue Rights ng UN na
nagpapatunay lamang na mahalaga ang wika ng buong bansa at ito’y dapat na
panatiliin.

Mother Tongue as a Universal Human Rights. Article 19 of the Universal


Declaration of Human Rights enshrines the right to freedom of opinion and expression.
UN Resolution A/RES/61/266 called upon Member States “to promote the preservation
and protection of all languages used by peoples of the world”. This resolution has
particular relevance for minority language groups where mother tongue – so vital to self-
expression – is primarily a spoken medium, often ascribed low status De Luca, (2017).

Dagdag ni Flores (2018), maraming iba’t ibang mother tongue ang mga bansa sa ating
mundo.Tulad ng mga sumusunod:

Bansa Bilang ng mother


tongue
India 1652
Papua New Guinea 820
Indonesia 742
China 241
Russia 190
Philippines 110

Sa konteksto ng Edukasyon ayon kay Flores (2018), mayroong


Internationalization of Higher Education at Global Education.

Internationalization of Higher Education – Pumapatungkol kung ang status ng mga


unibersidad ay international na ba. May kinalaman din ito sa language and knowledge
acquisition at inhancement. Masasabing internasyonal na ang isang unibersidad kung
marami ang international students, foreign visiting proffesors at marami ang
international programs.
Global Education- Ito ay mas economic at may kinalaman sa marketing of international
programs, commercialization, and corporatization at business advantage. Kaagapay
nito ang internasyonalisasyon of Higher Education. Dahil kinakailangan na labas masok
ang mga banyagang mga mag-aaral o iyong mga tinatawag na student and faculty
mobility, students and staff development, academic standards and quality assurance.

Dito pumapasok ang mga kasunduan o MOA AT MOU o kaya ay partnership ng


isang Unibersidad sa isa pang Unibersidad. Isang magandang halimbawa nito ay ang
naganap noong ika-14 ng Setyembre, 2020 kung saan nagkaroon ng virtual signing of
the Letter of Intent ang MSU General Santos at ang University of Wisconsin- Madison,
USA.

The letter outlines how the two institutions can work together by providing
undergraduate and graduate students enrolled at MSU-General Santos a study
experience for one or more terms, with a maximum length of one year at the University
of Wisconsin-Madison. The study experience will be as visiting non-degree students
under the Visiting International Student Program (VISP) within the Division of
Continuing Studies (Mindanao State University – General Santos Fb Page, 2020).

Maliban sa pagkatuto ng ingles hindi din nakakaligtaan ang pag-aaral ng wikang


Filipino, kultura at kasaysayan ng Pilipino. Ang mga dayuhanng mag-aaral na
tumutungo sa ating bansa ay mag-aaral ng wikang Filipino. Dagdag pa dito ang wikang
Filipino ay itinuturo rin sa mga prestihiyusong mga Unibersidad sa labas ng bansa.

- Moscow State University sa Russia


- Tokyo University of Foreign Studies sa Japan
- Beijing Foreign Studies University- China
- St. Petersburg University- Rusya
- INALCO sa Pransya kung saan hindi lang Filipino ang itinuturo kundi maging ang
Ilocano, Mangyan, at bisaya.
- Osaca University sa Japon na mayroong Philippine Studies program
- University of Hawaii Manao sa Us na mayroong Departamento ng Filipino, Institute of
Philippine Study at maging ang Departamento ng Ilocano.
- University of California sa US na mayroong tatlong Campus na itinuturo ang Filipino.

Ayon naman ni Ginoong Bie nvenido Lumbera, upang mapagtakpan ang buktot
na pakanang nag-aanyong biyaya ng mga dambuhalang empresang nakabase sa
Kanluran, may bayarang intelektuwal na umimbento sa pariralang ―borderless world‖ at
itinapal ito sa mapagsamantalang mukha ng kapitalismo. Sa ganyang anyo inihaharap
sa atin ang ―globalisasyon‖ na may Utopiang ipinangangako -- isang ―mundong wala
nang hangganan.‖ Sinasabing sa ―mundong wala nang hangganan,‖ pantay ang
kakayahan ng bawat bansa na kamtin ang kaunlaran. Subalit ano ba ang realidad ng
―borderless world‖ na naglalatag sa ating mga haraya ng maluningning na landas tungo
sa maunlad at mapayapang bukas? Samakatwid, ang ―globalisasyon‖ ay pananalakay
ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na naghahanap ng pamilihan para sa kanilang
kalabisang produkto. Kunwari’y binubuksan ng mga ito ang kanilang mga pamilihan sa
mga produkto ng mahihinang ekonomiya. Pero sa katunayan, hindi kayang
makipagkompetisyon ng mahihinang ekonomiya sa kanila, kaya’t sa kalaunan
nilalamon nila ang lokal na kompetisyon.

At ano naman kaya ang panlaban ng mga Filipino sa dagsa ng pananalakay ng


globalisasyon? Ano ang bisa ng Wikang Filipino sa pagtatayo ng moog laban sa
paglusob ng mga kaisipang makapagpapahina sa tigas ng loob at tatag ng mga
makabayan? Kaugnay nito, tinukoy ang pangangailangang isangkot sa mga isyung
panglipunan ang mga intelektuwal na makitid ang pananaw at labis ang pagkakulong sa
kani-kanilang ispesyalisasyon. Dapat daw himukin ang mga ito na gamitin ang kanilang
tinig sa mga debate at diskurso hinggil sa mga problema at tunguhin ng
kontemporaryong lipunan. Narito sa palagay ko ang ispasyo na bukas at humihinging
pasukin ng mga Filipinong tumatangkilik sa wika at panitikan. Sa ispasyong iyan
maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang kalusin ang
negatibong bisa nito sa lipunang Filipino. Hindi dapat magbunga ang globalisasyon ng
panibagong pagkaalipin para sa sambayanan.

Ang wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating kultura at


kasaysayan. Ipinapagunita nito na mayroon tayong mga karanasan at kabatirang
natamo sa ating pagdanas ng kolonisasyon at sa ating ginawang paglaban sa
paghahari ng mga dayuhan.

Hindi natin tinatanggihan ang paghatak ng hinaharap kung iyon ay magdadala sa


atin sa tunay na pag-unlad. Subalit ang identidad ng isang sambayanan ay hindi
naisusuko nang gayon-gayon lamang. Nakatatak ito sa kamalayan hindi ng iisang tao
lamang kundi sa kamalayan ng buong sambayanan. Kung hinihimok tayo ng
globalisasyon na magbagong bihis, itinuturo naman ng ating kasaysayan na ang
pinagdaanan natin bilang sambayanan ay laging nagpapagunita na may sariling bayan
tayo, may minanang kultura at may banal na kapakanang dapat pangalagaan at
ipagtanggol kung kinakailangan. Sandatahin natin ang ganyang kamalayan tungo sa
ikaluluwalhati ng Filipino bilang nagsasariling bayan (Lumbera, 2003).
SANGGUNIAN

Bacogo, L. (2017). Globlisasyon.

https://www.scribd.com/presentation/358327188/GlobalisasYon

Balendres, J. (2017). Globalisasyon.

https://www.slideshare.net/joelbalendres/globalisasyon-77658198

De Luca, C. (2017). Mother Tongue as a Universal Human Rights.

https://www.tandfonline.com/doi/full/10.1080/17549507.2017.1392606#:~:text=Ar
ticle%2019%20of%20the%20Universal%20Declaration%20of%20Human%20Rig
hts%20(United,(1948).&text=4).-
,This%20resolution%20has%20particular%20relevance%20for%20minority%20l
anguage%20groups%20where,medium%2C%20often%20ascribed%20low%20st
atus

Flores, M., C. (2018). Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at

Globalisassyon. https://www.youtube.com/watch?v=hZcNSvVq0Cg.

Lumbera, B. (2003). Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon

. https://www.bulatlat.com/news/3-7/3-7-wika.html

Mabaquiao,N.(2008). Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang Pilipino.

https://www.researchgate.net/publication/240315294_Globalisasyon_Kultura_at_
Kamalayang_Pilipino

Mindanao State University – General Santos Fb Page. (2020).

https://www.facebook.com/TheMSUGensan/

Tullao, T. (2014). Wikang Filipino Wika Sa Globalisasyon.

https://www.scribd.com/doc/227426487/Wikang-Filipino-Wika-Sa-Globalisasyon

You might also like