You are on page 1of 1

Kurt Lawrence C.

Morato

BSBA-FM 1-6 T/F 10:30-12:00

Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

ACTIVITY 1

Ang “Pantayong Pananaw” ay isinulat ni Prof. Zeus Salazar, isang historian na ginugol ang halos
ng kaniyang buhay sa pagtuturo sa departamento ng kasaysayan sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ang layunin ang artikulong Pantayong Panananaw ay maipabatid sa mga kababayang Pilipino
ang kahalagahan ng pantayong pananaw upang mapagbuklodbuklod ang ating bansa dahil ang
pantayong pananaw ang nag-uugnay sa katangian, hangarin, pag-asal at karanasan na
nagbubuo sa isang kalinangan na ipinahahayag ng iisang wika.

Inisa-isang ipinaliwanag sa artikulo ang iba’t ibang klase ng pananaw. Ang “pantayong
pananaw” ay tumutukoy sa isang pag-uusap ng dalawa o higit pang tao na magkaparehas ang
pinanggalingan o magkalahi na tumatalakay ng usaping pansarili. Ang “pansilang pananaw” ay
tumutukoy sa isang pag-uusap ng dalawa o higit pang tao na magkaparehas ang pinanggalingan
o magkalahi na tumatalakay tungkol sa ibang lahi o sa ugali ng mga dayuhan. Ang “pangkaming
pananaw” ay tumutukoy sa isang pag-uusap ng dalawa o higit pang tao na magkaiba ang
pinanggalingan o ‘di magkalahi na tumatalakay sa ugali o katangian ng nagsasalita. Ang
“pangkayong pananaw” ay tumutukoy sa isang pag-uusap ng dalawa o higit pang tao na
magkaiba ang pinanggalingan o ‘di magkalahi na tumatalakay sa ugali o katangian ng kausap.

Ayon kay Salazar, “Sila at ang kanilang kaakibat na pag-uugali ang siyang bumubuo ng isang
“mentalidad” (natatangi at katangi-tanging kaisipan at pag-iisip) na mahirap maintindihan ng
isang dayuhan na hindi pa nakapapasok sa isang kalinangan-at-lipunang may pantayong
pananaw.”, sinabi niya rin na “Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang code o “pinagtutumbasan
ng mga kahulugan,”, na higit ko naming sinasang-ayunan dahil hindi natin mauunawaan ang
isa’t isa kung di natin alam ang tungkol sa ating ugali, katangian at karanasan. Ayon pa sakanya,
“dahil sa kolonyalismo’y nawala (o unti-unting nawasak) ang kabuuan ng maraming mga
grupong etnolingguwistiko sa ating bayan.”, na sinasang-ayunan ko din, dahil sa matagal na
pagsakop ng kastila at sa pagtanggap natin sa mga ingles ay madami sa ating kababayang
Pilipino noon ay naiba ang pananaw o kinagisnang ugali dahil sa impluwensyang nakuha sa mga
dayuhan kaya kung pagsasama samahin ang lahing Pilipino ay hindi na sila magkakaintindihan.

Sa kabuoan, Ang pagsusuri na ito ni Salazar ay isang malaking tulong sa mga Pilipino upang
maunawaan ang pansariling atin, kung tutuusin ay mahalagang malaman ang kahalagahan ng
pantayong pananaw dahil isa ito sa mga solusyon upang mabuo ulit ang nasirang pagkaunawa
sa isa’t isa gamit ang ating inasanayang wika, ang tagalog.

You might also like