You are on page 1of 2

BUOD

Napakahalaga nga ng isang wika lalo na ang wikang pambansa. Marami itong gamit, maging

sa ekonomiya at politika man. Sa pagtagal ng panahon, maraming na ngang mga nabubuong mga

salita dulot ng pagkamalikhain ng mga Pilipino. Isa na rito ang Iskonaryo ni Mayor “Isko Moreno”.

Ang mga salitang nakapaloob dito ay mga salitang binabaligtad ang baybay o di kaya naman ang

pagbigkas.

Dahil dito, nabuo ang pananaliksik na ito na umaanalisa sa epekto ng Iskonaryo sa pananaw

ng mga kabataan sa wika at politika. Sa pamamagitan ng mga datos na nakuha, natuklasan ng

mga mananaliksik na maraming mga kabataan ang may kamalayan sa Iskonaryo at tumatangkilik

o gumagamit ng mga salitang ito. Naniniwala ang mga repondante na epektibo ang paggamit ng

mga makabagong salita sa larangan ng politika. Ngunit sa kabila nito, hindi ito naging tulay upang

madagdagan ang tiwala nila kay Mayor Isko. Hindi nila nais gumamit ng mga makabagong salita

ang ating mga politiko at sumasang-ayon sila na marapat na manatiling pormal ang mga salitang

ginagamit ng mga politiko dahil pormal na indibidwal sa lipunan. Ayon sa mga datos, nararapat

lamang na manatiling pormal ang mga salitang ginagamit ng mga politiko dahil pormal na

indibidwal sa lipunan.

Natuklasan rin ng mga mananaliksik na ayon sa pananaw ng mga kabataan, ang mga salitang

Iskonaryo ay ginagamit na bago pa man ito tawaging Iskonaryo. Kung kaya naman, hindi nila

maituturing na buhay ang wika dahil sa Iskonaryo.


Pananaw

Para sa mga mananaliksik, bagama’t nakakaapekto ang wikang ginagamit sa politika, upang

mas madaling maipahayag ang saloobin at magkaintindihan ang mga mamayan at gobyerno, ay

hindi pa rin ito ang magiging batayan ng pagtitiwala namin sa isang politiko. Kung kaya naman,

katulad din ng resulta ng pag-aaral na ito, hindi rin naapektuhan ang ng Iskonaryo ang mga

mananaliksik sa pagtitiwala kay Mayor Isko.

Pagktapos analisahin ang epekto ng Iskonaryo sa pananaw ng mga kabataan sa wika at

politika, gumawa ang mga mananaliksik ng mga rekomendasyon:

Para sa mga kabataan at mamayan:

*Mas kilalanin ang adhikain ng politiko.

*Huwag magpadala sa mga istilo ng pananalita ng mga politiko

Para sa mga politiko:

*Mas paunlarin ang paggamit ng wikang pambansa

* Mas bigyang tuon ang adhikain sa isang lipunan o bansa

Para sa mga susunod pang pananaliksik:

*Magkaroon rin ng panayam sa isang politikong gumagamit nng istilo sa pananalita

* Gumawa rin ng pag-aaral sa pananaw ng mga nakakatanda

*Dagdagan pa ang bilang ng mga respondante

You might also like