You are on page 1of 2

SINGAO, JAYACINTH A.

II – BSED FILIPINO
FIL 104 – Estruktura ng Wikang Filipino

REAKSYONG PAPEL
Batas Laban sa Karahasan sa mga Kababaihan at sa kanilang mga Anak
(Saligang Batas Blg. 9262)
(Ika-25 ng Nobyembre, 2020)

Masasabi kong ang dami nang naaabusong mga babae at mga bata sa panahon
ngayon. Kung ating papansinin ay ang laki na ng pinagbago ng pamamalakad sa mundo at
sa ating bansa. Kung dati’y itoy konserbatibo at pinapahalagaan ng mga kababaihan at mga
bata, sa modernong panahon, sila’y inaabuso sa aspektong pisikal, emosyunal o mental
man. Alam kong hindi madali ang responsibilidad ng mga kababaihan at hindi rin tama na
sila’y abusuhin.

Ngayong araw, Ika-25 ng Nobyembre, taong 2020, may naganap na talakayan sa


pamamagitan ng webinar sa pahina ng Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan
patungkol sa Saligang Batas Bilang 9262 o Batas Laban sa Karahasan sa mga Kababaihan at
sa kanilang mga Anak. Sa pangunguna ni Ginang Presley V. de Vera ay natalakay ang mga
sumusunod: konsepto, epekto, mga dahilan ng mga komisyon, at iba’t ibang mga anyo ng
nasabing batas.

Karahasan laban sa kababaihan (VAW), sa iba't ibang anyo nito - pisikal, sikolohikal
at sekswal – patuloy na laganap sa Pilipinas. Ina, ate, kaibigan, pamangkin, anak na babae at
mga bata – gaano at paano mo sila pahalagahan? Paano na magiging ilaw ng tahanan si
nanay kung patuloy silang aabusuhin?

Pag pag-uusapan ang walang hanggang pagmamahal, walang tutumbas sa


pagmamahal ng isang babae. Mag-uumpisa ito sa pagiging nanay, pagdadala at pagpapalaki
ng kanyang mga anak, si ate na nariyan na handing makinig, isang kaibigan na nariyan para
pasayahin at palakasin ang loob mo, pamangkin na kaya patawanin, anak na babae na
aalisin ang lahat ng pagod at sakit na nararamdaman mo, at mga batang yayakapin ka sa
mga araw na ikaw ay nasa dilim at hindi mahanap ang liwanag.

Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, iba’t ibang uri ng babae ang ating


nakakatagpo. Ang iba ay malakas at matatawag nating “strong independent woman” at ang
iba naman kay lalapit kay Idol Raffy para humingi ng tulong.

Ang sakit sakit makita na sa lahat ng sakripisyo at sipag na kanilang inilalaan sa


lipunan man o sa kanilang mga pamilya ay nabubuhay sila sa isang mapanganib na mundo.
Nakikita sila na para bang nabuhay sila bilang isang punching bag, at tampulan ng
diskriminasyon ng mga taong walang puso at ang mas masakit pa roon ay hindi lang sila
nasasaktan sa emosyonal at mental na aspekto, kundi sila ay pinapatay ng mga taong
walang konsensya o hindi kaya’y sila ay pagkaitan ng dignidad at respeto sa kanilang mga
sarili.

Bilang kabataan, nakakaalarma na makita ang aking mga kapwa batang babae at
kababaihan na napapahamak, hindi pantay ang tingin sa kanila, malala pa ay inaabuso at
pinapatay. Tulad ng hustisya para sa edad ng mga biktima na ito ay ang nakatagong
katotohanan na sila ay pinipigilan sa maraming mga kaso ng karahasan laban sa mga
kababaihan, lalo na ang kabataan.

Patuloy na tumataas ang bilang mga karahasan laban sa mga kababaihan sa


kasalukuyan. Kailangan talaga ng batas na magpoprotekta sa mga kababaihan. Sa
pamamagitan ng webinar na ito, mas nadagdagan ang nalaman ko sa mga karapatan ng
mga kababaihan at mga bata. Bilang pangkalahatan, napakahalaga ng batas na ito para sa
mga kababaihan dahil ito ay para pangalagaan ang biktima mula sa karagdagang pinsala,
pinapaliit ang anumang pagkagambala sa pang-araw-araw na buhay ng biktima, at pinadali
ang pagkakataon at kakayahan ng biktima na malayang makuha muli ang kontrol sa kanya
o kanyang buhay. Ang biktimang iyon ay ang mga kababaihan na masasabi kong “Babae:
Tagumpay ka ng Bayan!”

You might also like